PDA

View Full Version : may habol po ba ako para po sa anak namin?


junlen
05-27-2008, 05:18 PM
Pirmado naman po nya ang birth certificate ng anak nya sa akin,at gamit po ng anak ko ang surname ni hapon.nais ko po sanang makarating nalang ng japan para magtrabaho po.graduate naman po ako ng BSE.balak ko po sana kahit ang makabalik nalang para makapagwork sa japan kahit ako nalang po ang bubuhay sa anak ko sa kanya at isa pang anak ko.pero ayaw po nya akong tulungan makabalik sa japan.ano po kaya ang maari kong gawin para sana makabalik sa japan gayong wala din po akong mapanghawakan na legally kasal nga ako sa asawa kong hapon:scratch:.Or kahit po sa sustento nalang po ng anak namin may magagawa po ba ako para maforce ko po sya na maibigay nya ito?
Ang hirap po kase dami po nya alibi.kayo na po bahala magbigay ng advice sa akin..Thak you in advance po sa inyo...:(

louvette_15
05-27-2008, 05:34 PM
baka po makatulong sa inyo tong threads na to.....:)

http://timog.com/forum/showthread.php?t=254 36
http://timog.com/forum/showthread.php?t=103 33&highlight=numazu+rot ary+club

docomo
05-27-2008, 10:19 PM
hello junlen ... yung sustento po wag nyo na pong asahan ..dahil kahit anong gawin nyo dyang pakiusap kung ayaw talagang magbigay hindi po talaga yan mangyayari .
kung graduate naman po kayo ng BSE malaki naman po ang chance nyong maka-pag trabaho dito ... , marami pong nakaka alis na graduate ng BSE ...magtyaga lang po kayo maghanap , pm mo si halloween para mabigyan ka nya ng idea .:)

junlen
05-28-2008, 11:05 AM
Maraming salamat sa inyo louvette 15 san and docomo san malaking tulong na po ito sa akin ang ibinigay ninyong advice and guideliness...pupunt ahan ko din po agad ang opis nila sa quezon city!maraming salamat po mga kaTF !more power po sa inyong lahat dami po kayo natutulungan dito!:dowave:
Babalitaan ko po kayo!

Matty
05-28-2008, 11:27 AM
My opinion naman Try mo ring lumapit sa NGO Maligaya House about your problem nasa Q.C din yon . sila ang maghahanap sa husband mong hapon dito sa Japan para sa sustento kahit ayaw ng husband mo mapipilitan syang magbigay dahil puwede syang ihabla ng NGO . actually mas alam ko ang Number ng NGO office nila dito sa Tokyo sa Yotsuya if your interested to call them eto number 050-33280143 or call Reiko Ito 07055568730 magaling yang magtagalog. sya rin ang tumulong sa akin para makuha ko naman ang son ko sa kanya at sa lawyer ko free lahat wala akong binayaran . mas maganda kasi dito ka lumaban kesa sa Pinas matagal dyan at peperahan ka pa. so kung interesado ka sa opinyon ko me chance ka pa na makabalik dito or mabisahan ka pati anak mo. at puwede kang mag apply sa city hall ng welfare sa anak mo seikatsu hogo at bosekatte. dati kasi ako meron non . ngayon kekkon na ako so nawala na. Jido teatte na lang ng anak ko.:O

junlen
05-28-2008, 01:34 PM
:O dito po kami sa calamba laguna.Naku sana nga nga po makaalis po ako mga sis!mamaya friend ko naman na si broken vow hihingi tulong sana po matulungan nyo din po sya mas kawawa po sya 3 pa naman po ang anak nya...sya na bahala magkwento isasalaysay daw po nya lahat...baka po bumaha ng luha...dito:(!marami ng salamat po talaga sa inyong lahat dito!wala pa man po akong nasisimulan sa mga guideliness na share po ninyong lahat pero nakakahinga na po ako ng maluwag ngayon...;)maraming salamat po kapamilya TF!babalitaan ko po kyo...