PDA

View Full Version : How and where to Marry a Japanese


Domou
05-28-2008, 10:21 AM
Hello, Please advise kung saan dapat ikakasal and Hapon na lalaki at Pinay na babae para magkakuha ng spouse visa ang babae na nasa Pinas pa at gusto ng hapon ,open or puwede siya maki divorce kung di ma workout married life nila. 23 years old ang hapon at 40 naman ang Pinay. Puwede ba magdivorse soon kahit sa Pinas sila ikakasal? Gaano katagal ang waiting time ng babae sa Pinas bago siya mainvite ng lalaki after their marriage? Please advise.

megami704
05-28-2008, 11:51 AM
siguro immitation kekkon yan no? Mag-ingat lang dahil hindi na basta basta nagbibigay ng spouse visa ang immigration lalo na kung hindi naman kapani-paniwala nagka-ibigan sila.

Maraming che-che-bureche ang pagpapakasal sa pinas at magastos pa. Kung gusto nyo ng madalian, marami agency dyan ang nag-aasikaso.

Yung waiting time naman ng visa if ever man kinasal na sila ng lalaki, depende din sa immigration. Meron matagal, meron maibilis.

Mas magandang sa japan sila magpakasal para kahit kelan nila gusto mag-divorce ay pwedeng pwede.

engr_jazon
05-28-2008, 11:57 AM
since alang divorce na batas sa pinas, kapag ikinasal ka sa pinas di ka allowed makipagdivorce....un der phil.constitution...
bakit naman iniisip agad ang divorce? ikakasal palang naman.....
dapat, kapag pakakasalan mo ang isang tao...mahal mo, sigurado ka sa kanya...
nakaharap kayo sa DIYOS at nanunumpa kayo....di po ba?

balita sa mga threads dito na naghihigpit na ang Japan sa mga ganyan na case....

petite
05-28-2008, 02:12 PM
[quote=Domou;600733]Hello, Please advise kung saan dapat ikakasal and Hapon na lalaki at Pinay na babae para magkakuha ng spouse visa ang babae na nasa Pinas pa at gusto ng hapon ,open or puwede siya maki divorce kung di ma workout married life nila. 23 years old ang hapon at 40 naman ang Pinay. Puwede ba magdivorse soon kahit sa Pinas sila ikakasal? Gaano katagal ang waiting time ng babae sa Pinas bago siya mainvite ng lalaki after their marriage? Please advise.[/quote

first time kung nakabasa ng ganitong sinulid ah!!! bakit naman ganyan? imitation ba yan?? kaya naman nagkahigpitan ang japan sa ating mga pinoy kasi ganyan ang mga iniisip. kun sa bagay iba-iba naman tayo ng paniniwala.
good luck!!!