View Full Version : alahas pwede ba sa ems?
carmela
05-28-2008, 01:32 PM
mga ka tf, ask lang kasi plano ko magpabili ng bangle na bracelet sa pinas, maari ba sya ipadala sa ems,kelangan ba may resebo,sana may sumagot sa tanong ko,salamat in advance!
rodem
05-28-2008, 01:35 PM
mga ka tf, ask lang kasi plano ko magpabili ng bangle na bracelet sa pinas, maari ba sya ipadala sa ems,kelangan ba may resebo,sana may sumagot sa tanong ko,salamat in advance!carmela, hindi advisable na magpadala ng mga valuable items thru EMS... ikaw din at baka mga kawatan pa sa post office makinabang nyan... :)
Ayara
05-28-2008, 01:40 PM
naku wag po kayo maglalagay ng alahas sa ems nung nasa Pilipinas pa ako pinadalhan ako ng mister ko ng kwintas ang isinulat nyang description ay key holder di ko natanggap buti na lang mura lang bili nya non.
sarpon
05-28-2008, 01:42 PM
baka pagdating sa pinadalhan mo ay papel de ahensya na lang yun....:D
cutie1403
05-28-2008, 01:43 PM
kung sa pilipinas manggagaling yung alahas papuntang japan,posibleng matanggap nyo pero di puedeng ideclare na may alahas sa loob dahil bawal po yun.may pinadala na din kasi akong alahas galing pinas at natanggap ko naman.
pero kung yung alahas eh galing japan,yun ang posibleng di matanggap.mas pinag-iinteresan kasi sa post office sa pinas yung mga galing sa ibang bansa at di yung galing pinas na package na papadala sa ibang bansa:)
carmela
05-28-2008, 01:45 PM
maraming salamat sa pagsagot ha,magandang tanghali,
carmela
05-28-2008, 01:47 PM
maraming salamat ulit sa mga sumagot,
ayumi31
05-28-2008, 01:52 PM
makikisagot na rin po,tama po si sis cutie if manggagaling po dito sa pinas ang ipapadala jan sa inyo sa japan na alahas ok lang po un basta wag lang po ilalagay na alahas un,kasi andito po ako sa pinas ganyan po ang ginagawa ko,delikado po talaga if jan sa japan manggagaling at ipapadala dito sa pinas un po delikado...:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.