PDA

View Full Version : First aid para sa mga bata


japhil
05-29-2008, 09:33 AM
pasensya na po me itatanong lang po sana ako sa mga mommy dyan kung ano una nilang ginagawa lalo na sa madaling araw biglang tumaas ang lagnat ng mga bata lalo na pag baby pa:( ang anak ko po ay 2 years old then kagabi madaling araw bigla syang nanginginig sa taas ng lagnat 40.1 at nagpakarga sa akin sobrang init po ng anak ko:confused: dapat po bang punasan ng tubig na mainit or malamig ang bata pag nanginginig sa lagnat.

kagabi po kasi dinala (9pm) ko anak ko sa hospital sa emergency na po dahil late na kami then pagka check up sa anak ko sinabihan po kami ng asawa ko na ok lang daw po na tataas ang lagnat ng bata lalo na pag me bulutong tubig :(kaso umabot po sya sa 40.1 ang taas ng lagnat kaya sobra taranta ko po. ayun nga po pinauwi kami ng bahay ulit at binigyan ang anak ko ng gamot na panglagay sa puwet dahil ayaw nyang inumin ang gamot na powder.

pasensya na po kayo 3 na po anak ko at yung dalawa ehh malalaki na kaya lang po ngayon lang po ako nagalaga ng anak ko na maliit at nagkasakit pa ng bulutong tubig.dun po kasi sa 2 kong panganay mommy ko po ang nagalaga sa mga anak ko dahil nag work ako sa ibang bansa.

help naman po dyan...

erokawaiiAYA
05-29-2008, 09:42 AM
Nako sis, napaka hirap talaga mag alaga ng may sakit na bata, lalu na pag ganyan ka liit.

Ang parating sinasabi sa akin ng nanay ko , wag daw balutan ng kumot kapag may lagnat, kasi mas lalu daw lalabas ang init sa katawan.

Atsaka kung ang lagnat nya eh nasa 40 na, nako sis, tignan mo yung talampakan nya kung malamig, kapag malamig, (masama daw yun) baka tumirik ang mata ,kaya kumuha ka ng kahit yung bote na lang nya, lagyan mo ng maligamgam na tubig tapos ipatong mo sa talampakan nya, para yung lamig ng paa mawala. Tapos punas lang ng punas sa ulo nya. Para yung lagnat bumaba.

Tapos kung meron kang TSUMETAI MAKURA, makakatulong din ng malaki sa kanya yun, yun ang ipa unan mo, kung wala ka naman non, maraming tinda sa kusuri yasan, mura lang yon.

Sa ngayon, yun lang po ang alam ko, turo kasi sa akin ng nanay ko.

Ganbatte sis.

summergirl
05-29-2008, 09:57 AM
pag medyo mataas ang lagnat ng bata ,punasan mo sya sa mga singit nya kilikili, medyo malamig na tubig lagyan mo ng konting alcohol at tama ang sabi ni erokawa san,misu makura para di makumbulsyon at itakbo mo na sa hospital..Lagyan mo rin sya sa noon nya ng netsu samashi sheet ..

masaki20
05-29-2008, 10:40 AM
pag po tumataas ang lagnat ng anak ko... pinupunasan ko lang ng malamig na tubig, sa mga singit, kilikili... saka po wag mo dadamitan ng makapal or kukumutan (kasi iisipin mo giniginaw sya) lalo lang kasi makukulob ang init sa katawan nya... dalasan mo lang sis ang pagpunas sa kanya... if meron ka po nun gamot na pampababa ng lagnat(yun nilalagay sa puwet) ok din po un... ako kasi everytime na lalagnatin yun anak ko, humuhingi ako ng ganun sa doctor, incase of emergency po... pang first aid... God bless po.. hope your child will get better :)

wolfgang
05-29-2008, 11:10 AM
makikisabat po...yun nilalagay na zayaku sa puwet(pampababa lang po yun nang lagnat kapag sobrang taas na) pero maigi pa rin na painumin mo siya ng gamot(puwede ka namang humingi nang syrup kung di umiinom yun bata ng powder) o kaya ihalo mo sa kinakain niya yun gamot or sa juice niya(yun hindi niya nakikita para mainom po niya)
kagaya narin nang payo nila....wag mong babalutan ang bata nang makakapal at damitan mo siya nang medyo maginhawang damit...dahil kapag binalot mo siya lalo lang tataas ang lagnat niya

every hour kuhanan mo siya ng body temperature niya(dapat ililista mo po yun)
punasan mo po ng medyo malamig na tuwalya sa kili-kili at mga singit singit(ako ginagawa ko kasi kapag pinawisan na yun anak ko palit agad ako ng damit ehh)

atsaka bulutong pala yan kaya ang punas mo kili^kili lang at singit lang wag mong pupunasan yun bulutong niya....bawal din yan mabasa ehh ...bibigyan ka ng pampahid sa bulutong

mas maigi pumunta ka ulit sa hospital kung saan mo madalas ipa check-up yun anak mo...para mabigyan ka nila ng gamot

maple
05-29-2008, 11:20 AM
Padagdag lang sa mga sinabi nila. Siguro mas maganda kung meron ka parehong "koori makura" 氷枕 at may ice bag pa.
Yung koori makura kasi, yun ang ipapa-unan mo sa baby mo.

Pero nabanggit mo na nagpa-karga na sa iyo yung baby mo. Kaya mas maganda na siguro na may ice bag ka para kahit karga-karga mo siya, maila-lapat mo naman yung ice bag sa ulo niya.

Odaijini...

uragon
05-29-2008, 01:55 PM
naku alam mo sis katakot talaga kapag 40 na ang lagnat..
nung November last year tumaas din lagnat ng anak ko 2 years old na din anak ko nun.
40.4 nga baby ko eh.first tym kase nilagnat ng anak ko nun..
nag uusap pa kami sabi nya daijobou daw sya tapo s5 sec.tumingin lang sya sa gilid ayun na di ko na sya makausap tapos naninigas sya..grabe takot na takot ako di ko alam kung panong nabuksan ko aga yung garahe tapos bitbit ko anak ko buhat ko agad dala namin sa emergency..tumawag na byenan ko ng kyukyusha kaso di nako makakapag hintay kaya asawa ko go na kami...pinaka bangungot na talaga sakin yung gabi na yun ayaw ko ng maulit kaya ngayon kahit 37.8 pa lang lagnat ng anak ko kuntodo na lagay ko ng tsumetai makura meron din yung sa pangkilikili na parang yelo may tela syang pinaglalagyan.plus yung towel na malamig para sa noo.di kaso ako satisfied sa pangtapal s anoo pag may netsu..yung gamot hindi rin nainom anak ko kaya igomakasu mo na lang...tunawin mo sa maligamgam na tubig tapos lagyan mo konti sugar konti lang ha.or kaya sa pang baby na jelly para di nya alam na nakainom na sya gamot...tapos mayat maya mo sya painumin ng tubig or pocarri or aquarius para lumabas yung init sa katawan nya...

Gambatte ne..

Soju6
05-29-2008, 02:06 PM
Ilagay sa Bathtub na may tap water lang na malamig, yun ang nakita kong ginawa ng duktor dun sa batang mataas ang lagnat.

katek
05-29-2008, 02:24 PM
samin po ginagawa ni mama eh nilalagyan kami ng cotton balls (soaked in ice cold water) sa kilikili't singit tapos punas palagi at may nakalagay sa noo na face towel or yung mga dinidikit pag may lagnat (di ko alam tawag dito)... :)

summergirl
05-29-2008, 02:59 PM
samin po ginagawa ni mama eh nilalagyan kami ng cotton balls (soaked in ice cold water) sa kilikili't singit tapos punas palagi at may nakalagay sa noo na face towel or yung mga dinidikit pag may lagnat (di ko alam tawag dito)... :)

Netsu samashi sheeto