View Full Version : SIS sa eyebrow ni baby!
skylle-smyl
05-30-2008, 08:14 AM
Hello po! makisali na din po ako ask ko lang po yung anak ko kasi me sis sa may bandang kilay baby pa po sya 9months medyo malaki na halos nadadamay na yung talukap ng mata nya dito ko sya pinanganak pero nasa pinas nagyon , ang asawa ko pilipino din me hoken kami last year kasakop sya sa hoken nung nagrerenew na ako ng hoken e nasa pinas sya ang sabi sa akin di daw pede isama sa hoken kasi wala dito ang bata.Ang problema ko yung pong sa hoken at sa hospital gusto ko na po kasi syang paoperahan nalilito ako kung dito o sa pinas na lang baka kasi malaki ang bayad di ko alam kung magkano aabutin ng operation saka yung biopsy nya.Baka po me nakakaalam naman Help naman po magdecide kasi nagaalala na po ako sa baby ko...Baka din po me alam kung magkano po ang aabutin na bayad sa hospital dito at saka kung macoconfine ba sya kung ooperation how many days po kaya?:confused::(
angelica
05-30-2008, 08:24 AM

kung makakabalik pa ang anak mo dito (may valid visa pa ba sya)ipasok mo na lang sya uli sa kokumin kenko hoken nyo tapos wala ka nang poproblemahin sa pampagamot ng anak mo dahil libre ang mga bata bago mgelementary....kahi t maconfine pa sya,,pati gamot...and everything...
siguro naman po ikinuha mo nang re-entry ang anak mo bago umuwi ng pinas ano po?pakisagot po muna...
skylle-smyl
05-30-2008, 08:33 AM
Opo me re entry sya 3 years din ang visa nya pares sa akin as in 0 po ba wala po ba tlagang babayaran?kasi nagtanong po ako sa hoken sa city hall di daw nila sure kung me babayaran kami o kung 30% lng ang babayaran namin sa hospital wala naman syang sinabi na libre yung gamot.San po ba maaring magtanong tungkol sa mga babayaran sa pagpaopera sa kanya?Kahit ba parehong pilipino ang magulang libre pa din ba o sa mga anak lang yun ng hapon?
adechan
05-30-2008, 08:51 AM
good morning
share a little tip lang ~~
Pag sa operation depende sa sakit nang bata kung 100% libre.
May mga sakit na hindi covered nang hoken.
Pero usually mga 30% nga ang babayaran kagaya nang sabi sa city hall. Dahil pag na confine, maraming hindi covered nang hoken, hindi ko na nga lang natatandaan kung ano ano.
At pinaka-importante, pag 9 months pa lang hindi puwedeng iwanan mag-isa sa ospital, kailangang kasama ding mag-che-check-in ang isa sa magulang nang bata, at ang pagkain mo at room fee mo ay hindi covered nang hoken.
Sana naman malutas kaagad ~~ mas maganda talaga habang maaga.
Ganbatte!
skylle-smyl
05-30-2008, 08:58 AM
Thanks adechan!aabutin kaya ng 10 lapad o mahigit pa?mahirap pala kasi 3 ang anak ko kung kasama pati ako sa hospital wala din pala magaalaga sa 2 kung macoconfine ang bunso ko.kung sa pinas ko ba sya paooperahan me maibabalik din kaya sa amin sa hoken?
sarpon
05-30-2008, 09:00 AM
may friend akong pinoy na yung wife nya (pinay/dependent visa) ay naoperahan sa pinas last year. na-reimburse nya sa insurance dito yung 70% ng expenses. may mga papel lang syang fill-up at pinadala sa ospital sa pinas tapos pagdating dito ay nakuha din agad reimbursement. minor operation lang naman siguro yan kaya kahit maliit lang makuha nyo sa insurance ay kaya nyo na yung gastusin.
adechan
05-30-2008, 09:02 AM
San po ba maaring magtanong tungkol sa mga babayaran sa pagpaopera sa kanya?Kahit ba parehong pilipino ang magulang libre pa din ba o sa mga anak lang yun ng hapon?
Palagay ko ang ospital lang ang makakasagot niyan. Suggestion lang pero hindi ko alam kung puwede, ano kaya kung subukan mo munang kunin ang medical records nang anak mo then i-consult mo sa target ospital na pag--ooperahan nang anak mo. Subukan mo malay mo pupuwede.
Pag hindi pupuwede kailangan siguro direct check up muna, na kakailangan nandito ang anak mo.
adechan
05-30-2008, 09:05 AM
may friend akong pinoy na yung wife nya (pinay/dependent visa) ay naoperahan sa pinas last year. na-reimburse nya sa insurance dito yung 70% ng expenses. may mga papel lang syang fill-up at pinadala sa ospital sa pinas tapos pagdating dito ay nakuha din agad reimbursement. minor operation lang naman siguro yan kaya kahit maliit lang makuha nyo sa insurance ay kaya nyo na yung gastusin.
ay oo nga pala galing ni sarpon (good am) ~~ may mga cases na puwedeng reimburse
iyung mga nanganganak din sa Pilipinas, kung magkano ang bumabalik sa kanila pag dito nanganak sa japan pareho din pag sa pilipinas sila nanganak
tanong mo din iyun sa hoken ninyo kung puwedeng reimbursement
skylle-smyl
05-30-2008, 09:10 AM
Thanks Sarpon and adechan sa info na binigay nyo sa akin..di ko pa kasi alam kung ano yung sis sa kilay nya kasi ang bilis lumaki kaya iexamine pa sya kung cancerus o hindi sana nmn hindi kawawa naman..kaya nagtatanong ako kung san mas makakatipid ako at di gagastos ng malaki kung sa pinas o dito pa ooperahan..nagaalala kasi ako baka mahal dito yung mga examination na gagawin..

Share ko lang po:)
parehas yata sa case ng anak ko yan,mula ng pinanganak sya may parang bukol na maliit sa taas ng kilay,pinacheck up namin sya agad nun ilang months pa lang sya,yon nga cyst nga daw at kailangan daw matanggal agad:eek:naku baby ko nun 3 months pa lang yata :eek:kaya ayon sabi ko sa asawa ko nakakaawa naman yan ambata pa ooperahan na:O
Kaya yon napag isipan namin mag asawa na ipapatingin din namin sa ibang hospital kung parehas lang ba ang gagawin,ayon na nga at napatingnan namin cyst nga sya pero nasa labas naman sya ng buto kaya wala daw dapat ipag alala dahil madali matanggal,tapos obserbahan daw muna kasi may case daw sa iba na bigla nalang daw nawawala ng kusa,kaya ilang beses kami pabalik balik sa hospital nun,pero di naman sya lumaki yon nga lang di pa din nawawala,sabi ng doktor ok lang naman daw di muna operahan kahit paglaki nalang daw ng bata,kaya lang sabi ng asawa ko habang maliit pa ay gusto nya na ipatanggal kasi kawawa ang bata at baka lumaki pa ang bukol:O
Naoperahan nga talaga ang anak ko bago sya mag 1yr old,ayon awa ng Diyos ok naman ang operasyon nya ,2 days lang sya naka confine at nakalabas na din agad,at tungkol naman sa binayaran namin 1,000yen lang po;)nagulat nga ako eh bakit ganun,hehehe:)
Kaya advise ko sayo sis papaoperahan mo na yan habang maaga,at mas maganda dito sa japan kasi palagay talaga loob mo:)
skylle-smyl
05-30-2008, 10:53 AM
sa osaka ka din pala naku ang laki ng naitulong mo sa akin kung ganon lang ang gagastusin e di dito na ako sa japan, san hospital mo pinaoperahan ang anak mo?kasi mahal ang sinisingil sa akin sa pinas halos gagastos daw ng 20 thousand pesos.Baka pede mo ako matulungan para madala ko din kung san hospital mo sya pina operahan...wait ko reply mo...salamat!
sa osaka ka din pala naku ang laki ng naitulong mo sa akin kung ganon lang ang gagastusin e di dito na ako sa japan, san hospital mo pinaoperahan ang anak mo?kasi mahal ang sinisingil sa akin sa pinas halos gagastos daw ng 20 thousand pesos.Baka pede mo ako matulungan para madala ko din kung san hospital mo sya pina operahan...wait ko reply mo...salamat!sa Osaka General Hospital sis,ok sige pm mo lang ako pwede kita samahan doon:)
angelica
05-30-2008, 11:33 PM
pareho lang po ng anak ng hapon kahit ang parehong magulang ay pilipino bastat may hoken,,,,hinde sya totally 0 yen may bayaran ka man siguro ilang sen yens lang,naconfine din ang anak ko nitong january lang 1 week kame dun kasama ako
450 yen lang ang binayaran namen,syempre yung pagkain ko dadalan ako ng asawa ko dahil pasyente lang ang may pagkain sa ospital hinde bantay...
kung dito mo sya papaoperahan sana makuha mo na sya agad,wag mo masyadong problemahin ang babayaran mo,unahin mo muna ang sakit ng anak mo.....dahil dito sa japan kung talagang wala kang pambayad hinde ka naman nila tatanggihan,puwede ka pong makiusap sa kanila na babayaran mo na lang every month kung talagang gipit ka.
kung sa pinas naman sya ooperahan ,im sure maraming mg-aalaga sa kanya doon habang ngpapagaling sya...20 thou pesos,lets say nasa 5 lapad yan
siguro naman kaya mo na yan,ang importante mapatignan kaagad yung bata.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.