PDA

View Full Version : Registration ng anak


BROKEN VOW
05-31-2008, 03:13 AM
Good Morning po sa inyong lahat!:wave:Bago lang po ako dito sa TF nais ko po sanang malaman kung may katotohanan po ba na maari pong isang fil.na kakilala na residence sa japan,and sya ay kasal din po sa japanese ang maglalakad ng documents para maiparegister ang 3 anak po namin ng asawang ko pong japanese?Lahat po sila dito po ipinanganak sa pinas.Ang panganay po ay lalaki 3 yrs.old,2nd is 2yrs.old and ang bunso ay 1year old po.Dito lang po kami nakasal sa pinas.Last year 2007 before ko po maipanganak ang 3rd baby namin saka lang po kami nakasal ng asawa ko.Pero natagalan din po bago ko po naiparegister ang kasal namin dahil dumaan po muna ako sa katakot-takot na pakikisama sa asawa ko bago pa po nya tuluyang naibigay sa akin ang koseki po na tinatawag?
Awa po ng Dios pagkatapos ng 5 buwan naiparegister ko narin po ang kasal namin.yun nga lang po dahil wala po akong sapat na kaalaman tungkol po sa proseso ng pagpaparehistro,ay nawala na po ako ng pagkakataon para po maisaayos ang mga dokumento lalo na para sana sa 3 anak namin.Dito po sa pinas naiayos ko na po ang mga B.C nila pero pagdating po sa registration sa japan wala po talaga.Ito nalang po ang pag-asa ko po na may isang kakilala na nagkukusang-loob na maiparegister daw po kahit ang para sa 3 anak namin ni hapon.lalapit daw po kase sya sa tinatawag po na NGO.Hinihingan lang po nya ako ng orig.copy ng B.C ng 3 anak ko,marriage contract,B.C ko po.lahat ng mga nasabi ko pong papel ay galing po sa NSO at nakalakip din po naka-translate po sa nihongo.pati authorization letter po ng asawa ko.

Matty
05-31-2008, 08:14 AM
Kung ako saiyo alamin mong mabuti kung dapat ngang pag katiwalaan ang Pinay na sinasabi mo. Kasi me friend ako na ganyan din ang case nya pero pag ninchi naman ng anak nya habol nya para makakuha ng japanese citizenship . sa awa naman ng diyos at nakapunta na rito sa japan kasama na anak sa tulong ng NGO maligaya house. * JFC* . Kasi dati nagkaproblema sya dahil me ibang NGO na hihingiin ka ng pera . sa japan embassy dyan sa Manila nya na meet NGO daw sila . actually Pinay din ang asawa nito. 5 yrs syang hinawakan wala namang nangyari tapos ng gusto na nyang iwidraw ang case nya hinihingian sya ng 1 daang lapad daw sa nagastos nila sa kanya. tanungin mo muna kung anong kalaseng NGO nya isosodan at saan ang upisina nila . kasi ang maligaya house na NGO nasa Q.C project 8 yata .kasi once din akong pumunta doon for my case too. but they have a main office here in Yotsuya , tokyo . kung gusto mo matutulungan kita. free lang sis yon wala kang gagastusin ni sinko . maaasist ka nila don. kasi Japino mga anak mo.

summergirl
05-31-2008, 08:30 AM
sis di ba dapat asawa mo ang mag ayos nyan mga papers na kailangan ng mga bata at di ibang tao..Ingat lang dahil maraming nanloloko na ganyang ayusin ang papel pero di naman naaayos..Ang pinaka safe at sure ay ang asawa mo dahil walang ibang tao na pwedeng mag ayos nyan kung hindi asawa mo lang..Pag hingi ng koseki tohong ,bakit begging ka sa pag hingi nun sa asawa mo..di ba dapat responsibilidad nya iyon..?sorry just curious..Ingat lang sa mag aayos ng papel ng mga bata..asawa mo ang pilitin mo na mag yos ng mga papel nyo..

BROKEN VOW
05-31-2008, 10:24 AM
summer girl san dahil may dahilan po sya bakit hindi pa sya maaring umuwi ng japan sa ngayon kaya hindi pa po nya magawa na sya mismo ang magparegister sa japan.Yun din nga po ang advice ng japan emb.manila,na yung asawa ko nga daw po mismo ang maglalakad nun.pero dahil sa hindi magandang nangyayari po sa ngayon kaya nagsisikap po ako makahanap na ng paraan para maisaayos ang documents naming mag-iina sa japan.inunahan ko nalang po bale ang kabit ng asawa ko sa nais nyang mangyari na sya po ang maging legal na asawa at pamilya ng asawa ko.narinig ko po na hanggang sa ngayon gumagawa parin sya ng paraan para may mahabol sya sa asawa ko.ang dinig ko pa po nitong huli ay hindi raw po sa gaano po katotoo ito.ganun din po ang sinasabi sa akin ng magaling kong asawa.hindi ko na po iniisip pa kung dapat ko po bang ikatuwa kung totoo man po yun?kung hindi sa kanya yun bakit need pa po nya na sustentuhan ang mag-iina na yun?at once a week.pa kung dalawin nya.isang araw din po syang nagi-stay doon sa kabit na mag-iina nya weekly.tinatatagan ko nalang po ang sarili ko na wag madaig ng lahat ng sama ng loob na naidudulot nito sa akin.pakiramdam ko po noon para po akong mababaliw na isiping masisira po ang pamilya namin...sobrang sakit po talaga ate....:cry:

docomo
05-31-2008, 11:10 AM
hello broken vow ...
nagdadahilan ang asawa mo .. mahirap yung iba ang mag asikaso nyan , asawa mo lang pwedeng magayos nyan... pagpalagay nating yung NGO pwede mag ayos , ang tanong dyan willing bang maki pag cooperate yung asawa mo? kasi kahit magbigay asawa mo ng authorization letter pwede ka nyang traydurin sa letter na yun.... isang tawag nya lang para harangin yang papel na yan at i-deny nya yang authorization letter na ipapasa kung sinong magaayos at maghahabol ..
hindi kasi basta basta pwede yung ganyan kung walang abiso sa asawa mo , hindi rin basta basta pumapayag ang Japan side kung walang matibay na dahilan kung bakit ibang tao ang dapat magayos nyan at hindi asawa mo o kaya isa sa pamilya ng asawa mo > magulang or kapatid .
kausapin mong mabuti yang asawa mo .... may dahilan kung bakit ayaw nyang ayusin yang papel na yan... baka yung gusto nya yung isa po ang ilagay nya at hindi kayo ... pasensya na po yan ang nakikita ko lang dahilan.:)

BROKEN VOW
05-31-2008, 12:04 PM
Hello po sa inyo docomo san maraming salamat po sa inyong lahat. Napakalaking tulong na po sa akin itong mga ginagawa nyo,maraming salamat po sa inyo...nabanggit ko na po sa asawa ko ang tungkol sa bagay na ito.Kwento ko po sa kanya ay may isang kakilala na nagmamalasakit po na malakad ang documents namin sa japan.total po kako wala din po syang malapitan sa japan para lumakad ng registration ng 3 anak namin kaya humahanap kako ako ng paraan.kaya ayun po napagawa ko po sya ng authorization letter.pinapakita ko lang po sa kanya na parang wala naman akong ibang dahilan like na iwanan pala sya..nakahalata man po sya na gusto ko makapagwork sa japan ay dinadahilan ko lang po sa kanya na gusto ko lang po kako sya matulungan para sa 3 anak namin.sinisikap ko nalang po magpretend na mahal ko parin sya.Dinudoble ko po ang ginagawa kong pag-aasikaso sa kanya ngayon kumpara po sa dati.
Wala pa pong linaw sa akin na maari nga po pala talaga nyang harangin ang paglakad sa papers namin doon.at maari din po pala nyang i-deny.Maraming Salamat po sa info.docomo san.Hindi ko pa po pala talaga sya maaaring banggain dahil mawawala po pala ng saysay mga pinaghihirapan ko na malakad lahat ng documents naming mag-iina.Bale sikapin ko nalang po pala syang pakisamahan hanggang matapos po ang registration namin sa japan?Napapayag ko na po sya dati noon na magwork ako sa japan basta wag lang daw po sa omise.yun lang po bilin nya sa akin.sinsbihan pa po nya ako na doon daw po ako tumira sa bahay nya kaso province po yun.3 daw po bahay nya doon at wala naman daw pong nag-aasikaso masyado.sinabihan pa po nya ako na ibenta ko nalang daw po mga gamit nya doon ultimong mga damit kase mamahalin daw po mga yun.basagin ko daw po window para daw po makapasok ako sa bahay nya kase nasa ate daw po nya ang susi.
Kung sisitahin daw po ako ng police pakita ko lang daw po mga katunayan na asawa nya ako at dapat daw po lagi kami magtatawagan.Sya daw po ang bahalang kumausap sa police thru phone?pwede po ba ang ganun?Naisip ko po pinapasakay lang din po nya ako nung sinabi po nya ito sa akin.Wala po talaga akong alam kung makukombinsi po ba nya ang mga police na maaaring sumita sa akin doon hal.gawin ko nga po ang pinapagawa nya?Kilala daw po kase pamilya nya doon sa lugar nila?may ganun din po ba sa japan,na parang tulad po dito sa atin na?Baka makulong po ako pag gawin ko yung sinabi po nya na yun?Tinanong din po nya ako kung mapagkakatiwalaan daw po ba ang tao na padadalhan ko ng documents namin?yun lang po paalala daw po nya sa akin regarding po sa pagnanais ko na maiayos ang documents po namin.

rubyuki
05-31-2008, 12:14 PM
sana man lang samahan ka muna ng asawa mo dito sa Japan kahit 1 week.

BROKEN VOW
05-31-2008, 12:44 PM
summer girl san yung tanong nyo po pala tungkol po sa kung bakit ko pilit na kailangan ko pa ang koseki ng asawa ko?kase po hinihingi po yun ssa akin ng japan emb.manila para daw po sa late registration ng kasal namin ng asawa ko.alam nyo po napakasaya ko po nun noong nalaman ko po na maari pa po palang mairegister ang kasal namin sa japan emb.manila basta sama ko lang daw po asawa ko after ko daw po makumpleto ang requirements na kailangan kasama po 2 orig.copy ng koseki ni hapon kaya ganun nalang po ang pupursigi ko na makakuha po nun.noong feb. ko pa po yun pinapalakad.wala naman daw po kase mapapakiusapan pa si hapon doon sa japan para maglakad ng koseki nya dahil wala na daw po silang kontak ng friend nya.at may malaking gap daw po sila ng pamilya nya doon.rubyuki san thank you din po for giving your time:wave:hay naku sana nga po sis mangyari yun.naku pag nangyari po yun baka hindi na po ako sumama sa kanya umuwi ng pinas...:(?!kung di ko lang po iniisip 3 anak ko...baka di narin po ako basta babalik ng pinas.ayoko na po sana maalala pa ang naranasan ko na ito mula sa isang tao na minahal ko at pibagkatiwalaan ng lubos.