PDA

View Full Version : May kabit ang asawa


BROKEN VOW
05-31-2008, 04:32 AM
Sa totoo lang po hindi ko po alam kung paano ko po sisimulan i-share sa inyo ang problema ko pong ito na kinakiharap.Hindi ko na po kase alam ang gagawin ko mga sis.!ate ..kuya..!:cry:mula nang malaman ko po na may kabit na ang asawa ko at nalaman ko pa po na nabuntis nya ito?!:eek: Hinding-hindi ko po talaga maisip na magagawa ito ng asawa ko sa amin ng mga anak nya.Dati po kase napakabuti nyang ama sa mga anak namin.kahit yung 2 anak po nya na naiwan sa japan napapadalhan pa nya.Noon parang wala na po akong mahihiling pa sa Dios nun,kundi puro pagpapasalamat lang sa mga pagpapala.
Nagsimula lang po ang lahat mula ng makipagmeet po sya sa isang hapon na nakilala po nya thru internet.Mula po nun naging madalas na po ang pagluwas nya ng manila.gabi-gabi na po siya nag-aasobi sa mga night club.,hanggang nakilalapo nya ang naging kabit nya ngayon.28yrs.old po ako,at 21yrs.old po ang kabit nya.Ginawa ko po lahat ang magagawa ko para sana mapigilan ang pagloloko ng asawa ko,nakiusap ako sa babae nya pero wala po akong nagawa dahil may sarili din pong ambisyon ang babae.Wala po syang pakialam kahit may 3 anak na kami ng asawa ko.sa halip sinabihan pa nya ako na gagawin nya ang lahat mapunta lang sa kanya ang pagmamahal ng asawa ko.Hindi naman po umaamin ang asawa ko as akin kahit anong pilit ang gawin ko.

temari_029
05-31-2008, 04:47 AM
Sa totoo lang po hindi ko po alam kung paano ko po sisimulan i-share sa inyo ang problema ko pong ito na kinakiharap.Hindi ko na po kase alam ang gagawin ko mga sis.!ate ..kuya..!:cry:mula nang malaman ko po na may kabit na ang asawa ko at nalaman ko pa po na nabuntis nya ito?!:eek: Hinding-hindi ko po talaga maisip na magagawa ito ng asawa ko sa amin ng mga anak nya.Dati po kase napakabuti nyang ama sa mga anak namin.kahit yung 2 anak po nya na naiwan sa japan napapadalhan pa nya.Noon parang wala na po akong mahihiling pa sa Dios nun,kundi puro pagpapasalamat lang sa mga pagpapala.
Nagsimula lang po ang lahat mula ng makipagmeet po sya sa isang hapon na nakilala po nya thru internet.Mula po nun naging madalas na po ang pagluwas nya ng manila.gabi-gabi na po siya nag-aasobi sa mga night club.,hanggang nakilalapo nya ang naging kabit nya ngayon.28yrs.old po ako,at 21yrs.old po ang kabit nya.Ginawa ko po lahat ang magagawa ko para sana mapigilan ang pagloloko ng asawa ko,nakiusap ako sa babae nya pero wala po akong nagawa dahil may sarili din pong ambisyon ang babae.Wala po syang pakialam kahit may 3 anak na kami ng asawa ko.sa halip sinabihan pa nya ako na gagawin nya ang lahat mapunta lang sa kanya ang pagmamahal ng asawa ko.Hindi naman po umaamin ang asawa ko as akin kahit anong pilit ang gawin ko.

welcome poh sa tf.. kawawa ka naman sis.. nasa pinas ba kayo ng asawa mo??
kc base dun sa kwento mo eh nasa manila ung kabit ng husband moh..
grabe naman ung girl... d na kinonsensya...

mapapayo ko lang na talk to your husband at linawin mo ung situation sa kanya.. malay mo matauhan.. for the sake na lng sa 3 babies moh

BROKEN VOW
05-31-2008, 05:25 AM
temari 029 san maraming salamat sayo..dito po kami sa cavite.Nagawa ko na pong kausapin ang asawa ko.Ginawa ko na po lahat para sana mapaamin sya pero hanggang sa ngayon po hindi po talaga sya umaamin sa akin na may kabit sya.keep on denying pa po sya na may binabahay nga po sya at wala daw po syang anak sa ibang babae.Ang galing nga po nya gumawa ng mga kwento.sa pagpapalitan namin ng text ng kabit nya noon nasa 2 buwan palang po silang nagsasama nun sabi po sakin ng babae nya na wala daw pong pamilya itong hapon ko na ito.bale ang pinapalabas po pala ng asawa ko sa mga tao doon na byudo sya,may 2 anak na naiwan nga po sa japan na totoo naman po ito.Pero ang problema po hindi nya sinasabi doon na may pamilya na sya dito sa pinas.
Kaya pinakiusapan ko po amg babae na set-up nya kapag magkasama sila magkita kaming 3 at para po magkaharapan na kami kase kapag kako si hapon ang hintayin naming umamin ay hindi po talaga umaamin.pero tumanggi po sya at sinabihan pa akong stalker?!nung time na ito po kase hindi pa kami nakakasal ng asawa ko.Kung hindi pa sya nagkaroon ng kabit hindi pa ako magmamadali.Kung yun po ang naging isa sa pagkukulang ko sa kanya tinatanggap ko po na kasalanan ko pero hindi naman po sana umabot pa sa punto na makabuntis pa sya ng ibang babae.Kahihiyan nalang sana para sa 3 bata ni hindi nya inisip.

Matty
05-31-2008, 07:40 AM
ang tanong ko lang bakit nandyan kayo sa Pinas namumuhay? me negosyo ba asawa mo dyan? alam mo mahirap nga ang sitwasyon mo. kasi nandyan ka sa Pinas . kung nandito ka kaya kitang tulungan. puwede mo silang idemanda dito sa Family court . at kung me anak ka mas mapapabuti ang kalagayan nyo rito ng kids mo. kahit na makipag divorce ka sa kanya . kung di mo maaayos yan at mauwi sa hiwalayan. malaki ang chance mo na makakuha ng welfare para sa mga anak mo at sagot din ang education nila dito. kung mahal mo naman yang hubby mo . kailangan na maayos yan sis. sa opinion ko lang mahirap kalabanin ang kapwa pinay lalo na nandyan sya sa pinas. talagang masisilo nga hubby mo. yon lang ang masasabi ko. goodluck sis kaya mo yan !!

bad_mamazita
05-31-2008, 09:22 AM
bakit nandito ka sa pinas???

BROKEN VOW
05-31-2008, 09:42 AM
Matty san thank you in advance!Oo sis nandito kami ng asawa ko sa pinas.Yayain ko man syang magpunta sa japan para maiiwas narin po sana sya sa kabit nya pero ayaw parin po nya umuwi.Laging katwiran po kase nya hindi po sya uuwi hanggat hindi pa sya yumayaman dito.hindi raw po sya uuwi ng japan na bigo?!HIndi ko lang po masabi sa kanya ng diretso na papaano pa sya makakaahon gayong lubog na sya sa kahihiyan gawa ng kasalanang patuloy nyang sinisikap na itago.Balak ko din nga po silang idemanda kaso sis.sa panahon ngayon hirap po talaga ako para gastusan ang pagdemanda sa kanila.
Naisip ko nalang po sa ngayon ay hanapan ko po muna ng paraan kung paano ko po mabubuhay ang 3 anak namin anytime na bigla iwanan po kami ng asawa ko na ito at mas piliin po nya na doon sya sa kabit nya.Opo,mayroon po syang pinagkakaabalahang business dito.Ako po ang laging katuwang nya.Kung kailan po sana nasa magandang takbo na ang kita namin ay saka pa sya nagloko nun.Sis.sa ngayon po wala pa po akong balak na makapag-devorce sa kanya.Alam ko naman po ang pangarap ng kabit nya..ang pakasalan sya ng asawa ko dahil po siguro alam nya na malaki advantage if makasal sya sa hapon.Hayaan ko po muna na maging forever syang kabit .

summergirl
05-31-2008, 09:44 AM
kawawa naman ang mga bata..sila ang magiging affected sa ginagawa at gagawin pa ng asawa mo..Asikasuhin mo syang mabuti <asawa mo>lalo na sa pag kain at give him all the love that you can..wag mo syang i nag..pero paalam mo sa kanya na alam mo lahat..hayaan mo syang makonsensya<meron kaya sya nun>pag ginawa mo ng lahat yan at walang improvement..saka mo na sabihin sa kanya lahat na nakausap mo na ang babae at alam mong buntis etc..Good Luck sis,medyo masakit sa loob ang problema mo basta keep on praying ..

tabako
05-31-2008, 09:52 AM
oo nga sis tama yamo syang maging kabit forever! ang gawin mo doble asikaso ang gawin mo sa asawa mo,wag pababayaan lalu na sa gabi,pagurin mo para wala ng lakas paglipat sa kabila:D

BROKEN VOW
05-31-2008, 09:59 AM
Nandito po kami sa pinas Bad Mamazita san kase po noong bago pa po sya tuluyang mag-stay dito sa pinas ang nangyari po kase one tinawagan nya po ako na tipong nagpapaalam na po sya nun sa akin,magpapakamatay na daw po sya dahil di raw po nya makayanan ang lungkot na kinuha raw po ng ate nya ang 2 anak nya at doon na pinatira sa bahay noong ate nya,dahil napapabayaan na daw po nya ang 2 bata.panay-panay po kase ang business trip nya abroad.computer engr.po sya noon.Nataranta po talaga ako nung time na yun hindi ko po alam kung papaano ko sya mapipigilan sa balak nyang pagpapakamatay.Nagin g mabuti po sya sa akin at sa pamilya ko noong panahon pong una kaya konsensya ko po kung halimbawang totoo na magsuicide nga po sya.kaya ininvite ko po sy dito sa pinas kako atleast dito di sya mag-iisa.pwede namang mabuhay dito basta magsikap lang.naging maganda naman po ang takbo ng business namin dito noong wala pa syang kabit.Unti-unti po sanang magkakaroon ng katuparan ang mga pangarap nya na makapagpundar dito para makapagmalaki na sya sa pamilya nya atmabawi na ang 2 anak nya doon pero gumuho po ang lahat...nakikita ko narin po na mukhang mahirap na po maiayos dahil may pananagutan na po sya sa kabit nya na yun.Kaya ako nalang po ang lalayo kasama 3 anak ko.Nahihirapan na po akong makasama ang 1 taksil.:(

Matty
05-31-2008, 10:05 AM
well, kung kakayanin mo gambatte na lang. pero kausapin mong mabuti rin ang asawa mo. para sa mga kids nyo . hindi naman yata kayo pinapabayaan. binibigyan ka ba ng sapat na pera ? so tiis muna sis or magsodan ka na lang na NGO na sinasabi ko ayusin mo lahat ang dapat ayusin na papeles ng mga anak mo kung naninchi na sila o hindi pa . maging wise ka para sa bandang huli di ka kawawa. nakalagay nabakayo sa koseki tohon nya? kung oo good yan. para kung ano man ang mangyari me pinanghahawakan ka. now, kung dito lang oo madali ang magdemanda at hindi ka mamomroblema sa financial dahil me tutulung saiyong kumuha ng attorney na libre I mean me legal aid dito na mag aasist saiyo depende sa situation mo baka wala kanang babayaran. me experience na ako like that so kung nandito ka I think I can give you some help sis.

P.S lang sis ,just curious lang wala kayang pinagtataguan yang asawa mo dito sa Japan kaya ayaw umuwi ? sorry if I offend you just asking lang naman..gomen ne.

Nottinghill
05-31-2008, 10:39 AM
When theres a problem theres always a solution.
Hold on.

BROKEN VOW
05-31-2008, 10:51 AM
Yun nga po ang inalam ko ngayon matty san hinalungkat ko po ang pc nya..na pag-alaman ko po na may business din po sya doon na ino-operate may ilan po syang staff na japanese then parang nagkaproblema po yata sa business nila at iniwan po nya yun sa isang may binabaggit po sya na name ng hapon pero hindi ko po nalinawan kung ano pa po ang mas malalim na koneksyon ng hapon na yun kase ang pangalan po ay zusuki?hindi ko po tuloy malaman kung babae po ba ito or lalaki?dyan sa tao po na yan nya iniwan ang business nya.at ang inaalala ko po sis..sound like parang may di po yata sila di pagkakaunawaan tungkol po sa pera.may nabanggit din po sa mga palitan nila ng emails ng friend nya na pinapabayaran po sa kanya ang 20 kalapad na nahiram nito noong unang taon na magkasama na po kami dito sa pinas.Noong nagsisimula palang po kami hindi pa po talaga ganun kalakasan ang kinikita,kaya po siguro sya nakapangutang ng ganun sa friend nya.
Nais ko nga po sanang makontak ang friend nya na yon pero nasa 2 taon na din po na bigla nawalan ng kontak ang friend nya na ito.Ang kwento po ng asawa ko sa akin huli daw po nitong email sa kanya ay magpapahinga daw po ito s byoin dahil hindi daw po maganda ang kondisyon ng katawan nya.pero nung mabasa ko po lahat ng emails nilang magkaibigan yun nga po mga nalaman ko sis..ang last na email nito sa kanya ay hindi po katulad ng kwento nya sa akin na masama ang kondisyon ng kalusugan nito kundi parang nag-give up na po ang friend nya sa pag convience sa kanya na bumalik ng japan dahil wala nga daw po syang magandang futuer dito sa pinas at kinukulit po talaga sya nito nun na bumalik na pala ng japan kasama po ako.Pero hindi po nya yun pinakinggan kaya po siguro nanawa na amg friend nya ng pangungulit sa kanya.nameet ko na po ang freind nya na ito 2wks.po syang nag-stay sa bahay namin noon.okay naman po syang tao.di nga lang po kami nakapag-usap masyado dahil di po sya marunong mag-ego.di rin po ako gaano marunong mag-nihongo..

mrs-mymelo
05-31-2008, 10:56 AM
Ipaglaban mo karapatan mo Sis,nasa Pinas ka?Aba paapi ka sa sarili nating bayan?Keep on praying too,maging mas malakas ka para sa mga anak mo.Huwag mong hayaan na masira ang pagsasama niyo dahil lang sa babae.

BROKEN VOW
05-31-2008, 11:12 AM
Matty san tungkol po sa financial support?opo kahit papaano na susustentuhan po nya kami po unfair parin po talaga ang nangyayari dahil ako po ang mas maraming ginagampanang trabaho sa business namin.kung baga ako po ang bugbog sa trabaho kung hal.po na bigyan nya ako ng mas malaki copare po sa naibibigay nya para sa kabit lang nya dahil wala naman po itong ginagawa kundi mag-demand lang sa asawa ko.Ako po ang nagpapakandakuba sa work pero kami pa po ng mga anak ang nagsa-suffer?!Ito po ang hindi ko po makayang unawain sis.:hellfire:hindi ko po ito matatanggap.Dumagdag pa ang isang hapon na kinuha nya last year lang po dumating dito sa pinas para maging staff nya.pero front lang po pala yun.Grabe napakahilig din po pala nitong isa na ito sa asobi.at ngayon ayun nakakuha na po ng kabit din nya habang nandito sya sa pinas.Wala naman po syang ginagampanang sa business namin.pero sya po ang magaling na nagiging sulsol pa sa asawa ko.tinalo pa po nito ngayon ang demands ng kabit ng asawa ko.para po syabg nagbabakasyon na pensyonadong hapon dito sa pinas at ang pera po ay galing sa pinagpapaguran ko po.
2 na po bale ang kahati ko ngayon sis.:noteeth:Kaya gusto ko na din po iwan ang asawa ko dahil masyado na po silang nagpapakasasa sa mga pinagpapaguran ko.Nakahanap po sila bale ng libreng alila nila.pagod na po ako sis.kaya gusto ko nalang po magwork sa japan atlest sa ganung way matitiyak ko pa na 3 anak ko lang ang makikinabang sa mga pagtatrabaho ko,at hindi para lang sa ibuhay reyna nya ang kabit nya at buhay hari ang super kapal mukhs na hapon na yun.pasensya na po sa mga nasabi ko pero yun po ang tataong nangyayari sa amin sis.

BROKEN VOW
05-31-2008, 11:25 AM
sorry po..i mean is "yun po ang totoong nangyayari sa amin".mistype lang po..:scratch:Sana nga po makaalis din po ako tulad ng marami nating kababayan na nagkaproblema sa mga asawa nilang hapon....kase feeling ko po minsan parang masisiraan po ako ng bait sa mga panlolokong ito sa akin ng asawa ko.napakalayo na po talaga nya sa nakalipas na 4 na taon noong di pa po nya nakilala ang hapon na nagbuyo s a kanya.naisip ko lang po may sarili na po syang pag-iisip.di naman po ako nagkulang ng paalala sa kanya noon,ang problema po hindi po nya ako pinakinggan at ngayon nagkakatotoo na po lahat ng mga sinabi ko po sa kaniya na possibleng mangyari.marealize man po nya mga pagkakamali na nagawa nya para nalang sa 3 anak namin pero parang huli na po ang lahat sis..malaki na po ang damage.parang nagkaphobia na po akong magtiwala pa po sa kanya.pagkatapos ng lahat ng nagawa po nyang ito..:(

Matty
05-31-2008, 11:54 AM
Sis matanong lang ano ang status ng visa mo ngayon? at ng mga anak mo? kung me spouse visa ka at mga anak mo. wala kang dapat alalahanin . takutin mo na maki pag rekkon sa kanya kung papayag sya try mo lang kung papayag sya. isodan mo sa NGO na kakilala ko para matulungan ka. tapos kung willing kang makipag divorce sa kanya. kailangan me visa ka at me citizen na japanese yang mga anak mo. bago ka makapag divorce. kailangan kompleto yan. para kung balak mong pumunta ulit dito sa japan ma tutulungan kita . free lang ako .walang bayad:D para sa mga nangangailangan na kababayan na tulad mo. kasi tulad ng sinabi ko naka experience na rin ako ng ganyan matagal na ako dito sa japan 18 yrs na . so marami na akong naeencounter ng ganyang issue. so dasal lang sis. kaya mo yan hwag kang matatakot me karapatan ka.
sa opinyon ko lang sis mas mabuting hiwalayan mo na lang kaya yan at fly ka rito mas mapapabuti ang kalagayan mo kung japanese citizen yang mga anak mo magkakaruon yan ng suporta sa gobyerno dito tulad ng bose katte at seikatsu hogo at me jidotiatte pa. matutulungan ka pa sa education ng mga anak mo. kung mag-iistay kana single mother ha. pag nag asawa ka ulit di ka puwede don yon lang sis ang masishare ko sa iyo. gambatte kudasai!

rubyuki
05-31-2008, 12:02 PM
siguradong makukulong ang asawa mo sa mga ginagawa nya. ipaglaban mo ang karapatan mo sis. humingi ng payo like sa Gabrela . or any womans welfare organizations, NGOs

YAN
05-31-2008, 12:02 PM
makikisali po ha...

Nakakaloka naman yang problem mo sister,huling -huli na pala asawa mo,ayaw pang umamin.kung ganon wag ka na mag aksaya ng panahon para paaminin,kita mo nan naman lahat ng ebidensya di ba,para ano pang mapaamin mo sya.Kung ayaw mo makipag divorce sa kanya,e di dito na lang muna kayo ng kids mo sa japan,bata pa ba sila? dito ba kayo kinasal? sinabi nya ba na gusto nya makipaghiwalay sayo?tama yun sinabi ng isang ka tf natin,nandyan ka sa pinas,sarili mong bayan tapos nagpapa gago ka sa mga hapon dyan, nako! kung ako yan tuturuan ko yan ng leksyon na di nila makakalimutan:Dat yang kabit ng asawa mo,grabe noh,ang kapal ng mukha,sobra!:mad:sya pa may gana tawagin kang stalker,oo tama hayaan mo syang maging kabit forever,mag pasa ka dito sa city hall ng paper na hindi ka pwede i rikon ng asawa mo,na hindi ka papayag(nakalimutan ko tawag e)baka kasi i rikon ka ng di mo alam,sa bagay bka di nya magawa kasi ayaw nya nga pala bumalik dito.tanungin mo sya kung anong gusto nya mangyari sa relationship nyo?wag ka paagrabiyado noh,ikaw ngtatrabaho,tpos sila ngpapasasa lang.Good luck,be strong!:)

BROKEN VOW
05-31-2008, 12:57 PM
mga sis..ate kuya...ireply ko po kayong lahat mamaya ha gusto ko po sana kayong mareply lahta dami pa po sana akongh gustong malaman mula po sa inyo na may sapat na kaalaman at sapat na maipapayo para sa mga dapat kung gawin..maraming-maraming salamat po talaga sa inyong lahat mga kapatid!napakabuti po ninyo!God Bless po sa inyong lahat!reply po ako uli mamaya po pagkatapos po ng trabaho ko bilang alipin ng mga bwisit na ito.trabaho po muna ako para pang-milk po ng mga anak ko..oras na po ng work ko...sana po wag po kayo magsasawang magbigay ng advice po sa akin...maraming salamat po sa inyong lahat!sige po ..mamaya po uli...paumanhin po sa lahat...:bowdown:

Soju6
05-31-2008, 12:58 PM
Bakit di mo bambuhin sa ulo asawa mo ng matauhan?
Alam mo palang niloloko ka?

louvette_15
05-31-2008, 01:03 PM
sis lumaban ka.. sakali mang mapag isipan mong iwan sya tulad ng nabasa ko sa posts mo, siguraduhin mong makuha mong lahat na walang matira para sa kabit sakali mang mapunta asawa mo sa kanya para mabigyan ng leksyon.. nasa pinas ka, teretoryo mo yan sis marami kang pwdeng gawin dyan.. eh kung ako lang ba sa katayuan mo eh pera lang katapat nyang walanghiyang yan eh (sori po sa term).. pagtapus mo syang saluin nung gusto nyang magpakamatay eh ngayong nakabangon na sya'y mambababae sa teretoryo mo pa! komunsulta ka sis sa abogado kahit naman sa cityhall may libreng abogado eh.. tanong mo kung pano mo makukuha lahat ng naipundar at bisnis ng asawa mo dahil nambababae eto at may ebidensya ka dahil buntis kamo ang kabit db? wag ka pong lumayo lang ng ganun ganun.. matutuwa pa ang mga yun pag ginawa mo.. sipain mo pabalik ng japan at ng matauhan.. hindi po ba pwdeng isumbong yan sa embassy nila? saka sis anu-ano bang naipundar nyo? i mean, kung tulad ng house and lot, db hindi pwdeng magmay ari ang foreigner?

pasensya na po, na carried away ako kasi halos ganyan din ngyari sa pinsan ko dito sa japan eh..

marin chang
05-31-2008, 01:10 PM
taga cavite ka d b?naku cavitena kasi ako ,,,isang maraaming pwedeng tumapos ng problema mo dyan...hehehe,,wag mong tigilan,,wag ka makipag rikon,,hayaa mo silang mamroblema..wag mo ibigay sa kabit nya...pero ang property wag mo ibigay...

Stacie Fil
05-31-2008, 01:15 PM
Kung ikaw naman ang may hawak at nagpapatakbo nang negosyo. EH di hawakan mo ang financial matters at bigyan mo lang nang sapat na panggastos ang mister mo.

Kaya may kabit, kase may pang kabit. I think walang kakabit, kung walang budget...


Ikaw anong palagay mo?

Syempre kung may anak nga siya, dugo niya rin yon na dapat kunsiderahin. Saka kung mas malambing yung ibang katabi...mahirap nga ang labanan. Hayaan mo siya sa kabit niya nang walang budget...itatapon yan pabalik...

Warningan mo lang na di na pwede bumalik pag may sakit na sya...nang magising.

Matty
05-31-2008, 01:28 PM
oo sis tama ang isa nating ka TF , malaki ba ang investment nyo sa Bank para makakuha sya ng bussines ang asawa mo dyan? how many years na syang nag iistay sa Pinas? at saan nakapangalan ang bussines nyo? dapat alam mo lahat yan para lahat mapunta saiyo. at sipain mo pauwi dito!!! . di wala kanang problema sa kabit nya di naman makakahabol yon dito dahil ikaw ang legal na asawa. maliban na lang kung papuntahin sya ng hobby mo as a tourist . puwede syang mag dasu ng papers kung me negosyo din sya dito at kung nagbabayad sya ng tax dito sa city hall. puwede syang magshonin din.

louvette_15
05-31-2008, 01:45 PM
oo sis tama ang isa nating ka TF , malaki ba ang investment nyo sa Bank para makakuha sya ng bussines ang asawa mo dyan? how many years na syang nag iistay sa Pinas? at saan nakapangalan ang bussines nyo? dapat alam mo lahat yan para lahat mapunta saiyo. at sipain mo pauwi dito!!! . di wala kanang problema sa kabit nya di naman makakahabol yon dito dahil ikaw ang legal na asawa. maliban na lang kung papuntahin sya ng hobby mo as a tourist . puwede syang mag dasu ng papers kung me negosyo din sya dito at kung nagbabayad sya ng tax dito sa city hall. puwede syang magshonin din.
sis sakali mang kunin nya yung kabit, db kelangan din yun BC at passport copy ng pinay asawa ng hapon kung mag sponsor ng tourist sa japan? kasi palaging ganun po sa amin sis eh..so if wala syang maipakitang copy ng BC, passport at marriage contract d rin sya makapag sponsor ng iba. nasa requirement po kasi ng sponsor yun sis d po ba?

megami704
05-31-2008, 01:52 PM
tama mga sinabi nila...

habang matitiis mo pa, ayusin mo ang dapat ayusin bilang asawa nya. Dapat lahat may pinaghahawakan ka. If ever sa pinas na kayo simula palang magkakilala kayo, dapat lahat ay may record kayo sa embassy, kasal, mga birth certificate ng mga anak mo... AT dapat may spouse visa ka just in case na maghiwalay kayo tuluyan. Atleast kahit papano, matutulungan mo ang family mo kapag naisipan mo dito na lang magstay.

Pero hanggat kaya mo, wag mo syang pakawalan. Wag mo silang hayaan magsama... Para sa akin, may pangarap lang makapunta ng japan ang kabit nya, at syempre napeperahan din nya kasi asawa mo. Kung disente sya babae, hindi ganun ganun lang mga replies nya sa yo. Para bang pinapalabas pa nya stalker ka...

YUn palang 2 anak na sinasabi mo, anak ba nya yun or anak nyo? Medyo magulo kasi, or baka hindi ko lang nabasa lahat.

Matty
05-31-2008, 01:55 PM
Sis kung halimbawa na may negosyo nga sya dito puwede syang makapaghoshonin. palalabasin lang nyang about sa negosyo kaya nya kukunin yung kabit . for example lang naman .....pero di nya sasabihin kung anong kanke sila personally . kasi kung nasa koseki tohon na nakalagay yung asawa nya . kailangan Cguro dahil hahanapin yon. and. then sasabihin lang nya bussiness friend na magtutourist lang. friend kong hapon na married may company dito ganon ang ginawa nya doon sa kailala nyang pinay kaso pinauwi nya dahil ayaw ng umuwi sa pinas. anyhow, pero d naman nya cguro maiisip yon . at kung sakali man baka nga mabuking ulit sya no? well, ito naman isang istorya ng kakilala ko kasal sya dyan yung pinay sa hapon me anak din sa pinas . tapos ng pumunta sya dito sa as a tourist sa tulong ng kapatid nya na may asawa ding hapon . ang case naman neto di na sya kinontak ng asawa nya sa pinas. then sinubukan nyang hanapin para ipasok ang name nya sa koseki tohon ni hapon at sa ninchi ng anak nila kaso nalaman nya kinasal ulit dito sa japan naman so dalawa na silang nasa koseki tohon sya legal dahil una sya pero d lang naparehistro ayon naunahan ng isang pinay sya naging legal na asawa. pero takot na takot itong si hapon kasi bawal nga ginawa nya. naguunegai sya sa unang asawa na irekon sya . pero me anak sya ito ang nilalakad namin sa NGO ngayon na ninchi na nila yung bata so visa na lang ng nanay ang inaasikaso. kasi tourist lang na pumasok dito. pero sya legal na asawa ha nakakaloka no?????

mrs-mymelo
05-31-2008, 02:37 PM
Kung may ebidensya pwede mong hatulan ng kasong adultery.

shinshinobi
05-31-2008, 02:57 PM
erase erase :D

louvette_15
05-31-2008, 03:05 PM
alam mo sis, andaming hapon ngayon dyan sa pinas na patuloy niloloko ng mga asawa nilang pinay, iniwan ng asawang pinay o naisahan ng pinay na hindi na nakabalik sa japan.. dito ko yata nabasa sa tf yun info na yan sis.. hanapin ko mamya.. anyway, feel kong mabait kang tao pero sis sa katayuan mo ngayon kahit 1/4 ng lakas ng loob at pagkamaldita ng iba nating kababayan ay mapasayo para lumaban ka.. ayaw ba kamong umamin? wag mo ng paaminin, ikwento mo nlng kung ilang hapon sa pinas ang kinatay.. at sa konting halaga pagtatyagaan yan ng mga kapit s patalim nating kababayan..exaggerat e mo ng matakot.. ikwento mo rin yung marami sa pinay namumutol ng ari ng lalaking nangangaliwa.. kamo, nasa pinas sya at teretoryo mo kaya kung nagloloko sya, itigil na nya kung ayaw nyang ma missing in action sa pinas.. wala ka bang mukhang goons na kamag anak or pulis o militar na kakilala? pahiramin kaya kita ng isang batallion na mukhang goons para takutin yan asawa mo.. tumawa ka naman kasi dyan..hehehe... saka sa pagkakaalam ko sis, marami sa hapon ang madaling matakot.. eh db muntik na syang magpakamatay dati? kasahan mo kaya ng baril..hehehe..

yui
05-31-2008, 03:54 PM
Hmnn.. kakapagod yata ang situation mo sis..
teka po tatanong muna ako...

Ano pong visa ng asawa mo sa pinas? diba kasal po kayo?ibig sabihin spouse visa siya at ikaw ang sponsor? o sarili dahil sa business niya? hmnn..pero mahirap yata kung sa business lang malaking company lang yata naaaprubahan ng ganon. kung spouse visa siya malaki laban mo jan. naku, wag mo bigyan ng consent magextend.
Tama po sila teritoryo mo po yan:p
teka tanong ko po ano visa ng hubby mo ulit...

Sa isang side naman po ng isip ko, gaano ka po kasigurado na kabit niya talaga yung babae gayong dinedeny niya? nahuli mo na po ba sa akto? i mean kung yung salita lang kasi ng babae na "kabit" daw niya ang pagbabaseha mo mahirap yun. maaring gusto lang niya sirain ang pagsasama niyo o ano pa man.Maganda pong siguruhin niyo muna with evidence para ano`t ano man ang mangyari...
Sa ngayon yun po muna maipapayo ko. base kasi sa kwento niyo yung kabit lang ang nagsasabi na may relasyon sila. Icheck mo po ang kinikita ng business niyo at kung saan lumalabas ang pera ni hubby. Hanap ka po muna ng proof at sa ngayon tulad po ng payo nila be a good wife. iparamdam mo po sa asawa mo kung gaano siya kaswerte at naging asawa ka niya.

Goodluck po sa inyo!:)

csbaby
05-31-2008, 05:14 PM
makikisali din po ako sa problem mo sis.
ayusin nyo muna ang papers ng mga bata para po sa future nila.at tsaka po may bisnis pala si hubby mo at ikaw po ang nag manage sa bisnis nyo po di utakan mo rin sya sis kunti nalang po ang bigay nyo ng allowance sa kanya.reverse psychology nyo po sya uuwi or sa hindi sa bahay nyo si hubby hayaan mo sya wag nyo pong dakdakan dedmahin mo kong kaya mo.basta ikaw ang maghawak ng pera nyo.at dont forget po na paganda po kayo palagi punta kayo sa parlor pa at make-up palagi kahit nasa bahay lang po kayo ang pa seksi po kayo.hehehehe.may friend po kasi akong nag aasobi ang asawa nya ang ginawa nya nagpaganda sya at nagpa seksi.ayun ang asawa nya ngayon nanahimik na.tuwing saturday at sunday nasa bahay na daw di na nag aasobi.

Nottinghill
05-31-2008, 05:27 PM
Bakit di mo bambuhin sa ulo asawa mo ng matauhan?
Alam mo palang niloloko ka?

Tama po kayo!:D:shutup:
:mohawk:

titakoring
05-31-2008, 08:32 PM
mahirap ag pinagdadaanan mo iha....kung me masabi naman ako sau na
makakasakit pasensya na ha.....un katotohan lang naman ang gusto kong
iparating sau....kamo 28 ka ngaun.....ako 20 lang ng iwan ng asawa ko
at meron pang 3 anak.....

dama ako ang takot mo....kung pano mo sila bubuhayin...nd kaya un ang
kinatatakutan mo ngaun?.....sana nag siguro ka na noong time na marami
pang biyaya ang natatanggap mo....pasenya ka na ha.....kung mali ako.....

sigurista kasi akong tao...pag merong biyayang natatanggap lagi ko un
tinatabi....hinahand a sa oras ng pangangailan.....at nungka kausapin ko
kung sino man un dahilan ng pagloloko ng asawa ko...para ano? saktan
ko pa ng husto ang sarili ko? kung makita kong mas bata at maganda sa
akin?......di ba ang sakit nun.....

mag move-on ka na....wag kang mag mukmok lang sa isang tabi dyan...
kung kapos sa kabuhayan...gawa ng paraan pano makaka ahon.....

kung meron ka naman naitabing kabuhayan pa...dapat un ang bigyan mo
ng panahon kung paano mo mapapalago un.....kesa mag mukmok ka dyan
un ikabubuti ng mga anak mo ang intindihin mo......tapon mo na un asawa
mo.....kunsumisyon lang ang ibibigay nyan sau.....

mas takot kasi akong mawalan ng pera kesa asawa iha....kung pag-ibig
lang naman nd ko pag-aaksayan ng panahon...lalo na sa hirap ng buhay
ngaun...kalokohan na lang un sa akin.....kung ibibgay edi bonus na ang
tawag ko dun....

huminga ka g malalim at harapin mo ngaun kung paano moitataguyod
ang mga bata....tanggalin mo sa isip o un wlang kwenta mong asawa
at mag hintay ka na lang ng himala kung magbabalik pa sya sa iyo ng
buong buo......kung nasaktan man kita pasensya ka na.....opinyon ko
lang naman ito.....at kung mali naman un nasabi ko sayo pasensya ka
na din....

bluesapphire
05-31-2008, 09:41 PM
naku sister! hindi na uso ang martir ngayon!:mad: wag na wag mo pakakawalan yang asawa mo hanggat hindi napapasayo ang kayamanan nya, bahay nya at business nya.. mahirap kaya bumuhay ng tatlong anak kapag nag iisa!? isipin mo yung kapakanan ng anak mo, i set aside mo muna emosyon mo,para sa mga anak mo..fight for your rights! kuuu! makita ko lang yang asawa mo, babatukan ko yan eh!:p

Tarena314
05-31-2008, 10:10 PM
nadyan ka pala sa pinas marami kang kakampi dyan ,ang pamilya mo, huwag masyadong maging emosyonal sa ganyang bagay ..,may anak ka pala dapat maging matatag ka..,mahalaga malakas ka at malulusog ang mga anak mo..,kailangan tuloy ang buhay kahit walang hiya ang asawa mo..,asawa lang yan.. ibigay mo sa kabit nya ng buong -buo ..,:mad:

BROKEN VOW
06-01-2008, 05:31 AM
Maraming Salamat po sa inyong lahat TF families ko!Pasensya na po katatapos lang po kase ng lahat ng work ko.Naku mga ate..nanay..kapwa ko nanay..mga kuya...mga sis!thank you po sa for giving your time...sagutin ko po lahat ng mga tinatanong po ninyo sa akin..Matty san,sis thank you ng marami sayo ha.yung tungkol po sa visa ko?naku wala pa po..:scratch: walang-wala pa po ako nun!ang tanga ko po kase kung hindi pa po nagkaroon ng kabit ang asawa ko saka palang po ako na parang binuhusan ng malimig na tubig:liftup:at saka palang po ako nagising at nakapag-isip..paano na ang mga anak ko :bricks:?!?Hindi po ako aware na maari palang mangyari ito sa amin ng asawa ko.pasensya na po kayo sa katangahan ko...:banghead::bonk :sa ngayon po ang mapanghahawakan ko lang po sa mga documents ay ang B.C ng 3 anak namin and kasal po namin ni hapon ang naiparegister ko na po dito sa pinas.
Tanging yun lang po talaga sa ngayon ang natapos ko regarding po sa docs..Ang registration po kase sa japan ay hindi po naasikaso ng asawa ko.tulad nga po ng mga naikwento ko po dito.Kaya saka palang po mapaparegister sa japan emb.mla.ang kasal namin kapag nalakad na po ng isang kakilala ko ang koseki ng asawa ko na hinihingi nga po ng japan emb.dito po sa mla.At sana nga po magawa nya na maiparegister ang 3 anak ko po sa japan.Sana nga po para kahit yung 3 anak ko makapasok po sa koseki nya.bago lang po kami nakasal july lang po 2007.pinagbubuntis ko pa po ako nun ang bunso namin na sa ngayon ay mag-1 yr.old na po.
Nakakatakot naman po yun sis matty!ibig pong sabihin may posible parin po pala na matupad ang 1 sa biggest dream ng kabit ng asawa ko?!na makarating din po ng japan?Yan san hello po!yung tungkol po sa nabanggit po ninyong ano po ang dapat ko pong i-submmit sa japan para hindi po ako ma-i-rikon ng asawa ko?para hindi po ba ako ma-divorce ng asawa ko ang ibig sabihin po nun sis?gusto ko nga po ang ganun!maituturo mo po ba sa akin kung papaano ko po ang mga dapat ko pong gawin?oshiete po please..:O

BROKEN VOW
06-01-2008, 06:36 AM
Thanks a lot po sa pakikibahagi nottinghill san and to Rubyuki san!hello po sa inyo!Mari chang sis sa cavite po kami nakatira.kaso hindi po ako tubong-cavite..pero dami po tayo kaibigang cavitenio po.Stacie Fil san opo,magaling po yung kabit ng asawa ko na yun,magaling po sa pagkilatis ng tao na paiikutin po nya,at pagkakaperahan.Yui San bale nasa 2yrs.narin po relasyon nilang ng asawa ko.Sa pagpapalitan po namin ng text noon napansin ko po na sa batang edad nya mukhang bihasa na po sya sa ganung gawain.ginawa ko na po lahat noon na maaring madaan po sya sa usapang babae sa babae sabi ko po sa kanya may 3 batang masasagasaan nya.pero ang sagot lang po nya sa akin mas naniniwala daw po sya sa bf nya( asawa ko naman po).at nagulat pa po ako nung nasabi po nya sa akin na.."gagawin ko ang lahat para maagaw ang pagmamahal nito.":devil:devil po talaga.
Isa pa po dami ko na po nabasa sa cp nya palitan po nila ng text ng babaeng yun.Sa dami ng sakit na naranasan ko....parang namanhid na po ako unti-unti.Nagawa ko narin po syang pasundan.natiyak po na doon sya po talaga nagpupunta.Naka-3 lipat din po sila ng bahay nun.Grabe po mas malaki at mas mahal po ang bahay na inuupahan nya eh mag-isa lang naman po sya doon.at tinukoy pa po ng mga guard ng subd.na doon nga daw po nauwi ang asawa ko at ang babae nya na yun.pinakita po kase ang pic.nila sa guard doon.Nung time na ito hindi pa po kami kasal ng asawa ko kaya di pa po ako makasugod2x sa kanila,at isa pa po buntis po ako sa bunso namin nun.Pero that time nag-try narin po akong humingi ng advice sa atty.......mrs-mymelo san yun nga po unang plano ko po sa kanila mga sis!ang ipakulong sila ng kabit nya.pero hindi po pala ganun kadali ang ganung kaso..need ko pa po ng mga matibay na ibedensya like B.C po ng anak nila.pics.na magkakasama silang magpamilya,at pinaka maganda po sana DNA test pero napakamagastos po nun at matagal po ang proseso dito sa atin.need ko rin po na isaayos po muna ang lahat ng papeles naming mag-iina bago pa sila tuluyang ilagay sa dapat po nilang paglagyan katulad po ng sinabi nyo csbaby san.

BROKEN VOW
06-01-2008, 07:08 AM
Hindi ko po mahahawakan ang accnt.po namin kase bank po sa japan nya ipinapasok ang lahat na pera ng business namin.Thru nternetshopping po ang klase ng business namin dito sa pinas.ako po ang nakakaalam dito sa pinas kaya ako po ang nag-aasikaso ng lahat mula po sa pamimila ng mga orders,sa pagpapackge..hanggan g po sa pagsisend sa japan ng mga ito..okay naman po dati dahil po nagagawa pa nyang ipakita sa akin lahat ng kinita at kung hanggang po sa paggagamitan ng lahat ng pera namin.puro kanji po halos nakasulat kaya di ko din po maunawaan.ang nagagawa ko lang po sa ngayon para nakakapag-ipon ay ang kuntsabahin ang mga shops na pinagkukunan po namin ng items.Sa nagyon po nag-iipon po ako para po makapag-open ng shop kahit maliit lang po na simula..yung hindi po alam ni hapon.Ito lang po mga sis ang kaya ko pong gawin para may sariling napagkakakitaan.
Pinabayaan na po nya ang bahay namin under constraction pa po yun.at ako nalang po mag-isa ang nagsisikap para matapos po ang bayad sa bahay namin.Awa po ng Dios sa ngayon kunti nalang po ang babayaran ko dito sis.at mapapatituluhan ko na po yun.balak ko po ipangalan yun sa anak naming panganay para hindi nya makakuha kung anuman mangyari sa pagsasama po naming mag-asawa.Wala po akong balak na ipaalam pa sa kanya lahat ng mga naipupundar ko kahit maliit na bagay lang po.mahalaga mayron kaming matitirhan ng mga anak ko na sariling amin.May nabili po akong hindi naman po kalakihang lupa and fishpond noong bago palang po ang relasyon namin dalawa.pinangalan ko po yun sa nanay ko.pero dahil nasa province yung lupang nabili ko at ang fishpond kaso hindi ko po naaasikaso yun.Sa ngayon po binibenta ko po ang lupa ko doon para bumili ng 1 pa pong lupa dito po sa cavite.
Dami ko po pinaghahandaan sis.3 po kase mga anak ko..dami po nila..at magkakasunod2x pa po sila.1, 2,and 3 yrs.old po.Sige po mga Ka-TF idlip po muna ako.pasensya na po.sana po patuloy parin po kayo makapagbigay ng advice sa akin.magandang umaga po sa inyong lahat!

nasty
06-01-2008, 08:23 AM
minsan kasi sa mga sitwasyon na ganyan ,,,akala natin hindi natin kakayanin pag hiniwalayan natin ang taong mahal natin,,,manghihinaya ng din tayu pero bandang huli sarili mong pagkatao ang mawawala,,,respeto mo sa sarili mo ang mawawala ,,,hanggang mangawit ka na na wala ka nang respeto sa sarili mo...

kung ayaw niya talagang humiwalay dun sa isa ,,,alam kong mukhang ang dali kong sabihin ,,,MOVE ON sis...alang alang sa mga anak mo ...kung meron ka namang ibubuhay sa mga anak mo ,,bakit ka matatakot ,,,palaguin mo yung kabuhayan mo at magpakasaya ka,,,

walang puwang yang mga lalaking ganyan sa mga babaeng matitino at nagpapakamabuting asawa...

kaya mo yan sis ,,,wag mong isipin ang sasabihin ng iba....:)

goodluck!

honey
06-01-2008, 04:16 PM
BROKEN VOW:)

Magpakatatag ka at huwag patalo sa mga gustong umextra sa buhay nyo. Sa hirap ng buhay ngaun sorry to say this pero marami at lalo pang dumarami ang mga ganyang tao.Kaya mo yan lakasan mo loob mo:).


Hindi dapat matakot ang mga original sa mga extras anoh! fight:p.

yui
06-01-2008, 09:11 PM
.Yui San bale nasa 2yrs.narin po relasyon nilang ng asawa ko.Sa pagpapalitan po namin ng text noon napansin ko po na sa batang edad nya mukhang bihasa na po sya sa ganung gawain.ginawa ko na po lahat noon na maaring madaan po sya sa usapang babae sa babae sabi ko po sa kanya may 3 batang masasagasaan nya.pero ang sagot lang po nya sa akin mas naniniwala daw po sya sa bf nya( asawa ko naman po).a.

sis gomen mangungulit ako.. nakalimutan mo pong banggitin kung anong status ng visa ng asawa niyo jan sa pilipinas?

Di pa po kayo kasal ni hubby other woman na niya itong babae? Sure ka na po talaga na kabit niya yun(hay sorry ang kulit ko:banghead:) kasi sabi nga po nila innocent until proven guilty at sa case po ng mag-asawa innocent hanggang hindi huli sa akto. Sorry nangungulit talaga, nagtataka lang kasi ako mas maganda kasi na siguruhin muna pwede ako magpayo sayo na idemanda mo, ipasalvage mo, ipadeport mo,etc. kaso ako mismo ay hindi convinced na kabit niya nga yung babae.

Una po, hindi pa kayo kasal binabahay na ba? o magkalaguyo pa lang? Ito pa lang po diba ibig sabihin mahal ka talaga ni hubby kasi ikaw ang pinili niyang pakasalan kahit may choice pala siya nun(isang reason kung bakit ka niya pipiliin over that girl ay maaring dahil sa ikaw ang magaasikaso sa business at balak ka ngang alilain pero paginiisip ko ito nangangatwiran din si kabila ko na madaling humanap ng katulong bakit magpapatali sa kasal?. 2nd, kung sa texts lang po or e-mails at sabi ng iba, hindi mo pa din po masasabi kasi pwedeng pinapalabas lang ni girl nga na ganon po kinuntsaba pati security guard ng subdivision sa plano:O yun pala tinutulungan lang ni hubby mo at itong babae lang ang nagbabalak sayo.Matagal na po kayo nagpapalitan ng text message ni hindi po ba nalaman ni hubby ito?

Anyway, ikaw po ang nakakaalam dahil ikaw ang kasama jan sa pilipinas. Maaring tama ang sinasabi nilang woman`s intuition pero mahirap pong gatungan kung selos lang pala. Kapag may evidence ka na po or kahit ikaw lang mismo nakakakita na sa kanilang dalawa na may ginagawang milagro balik po tayo sa usapin tungkol sa visa ng asawa mo:D kapag di po umubra yun.......:confused: :p

junlen
06-02-2008, 05:45 AM
Maraming salamat po sa inyong lahat!Sis yui pasensya na rin po sa inyo oo nga po hindi ko pa nga po pala nasagot ang tanong po ninyo(ang totoo po kase nito hindi ko po kase nasend ang sagot kanina na-closed ko po kase agad ang pc dahil panay ang silip ng husband ko nagtataka po sya bakit napapadalas po yata ang pagmimail ko dito?First time po kase akong nagtry ng ganito sis di nya alam kase sa tagal ay ngayon lang po ako nakapasok dito,kaya nagyon lang po ako naging abala sa pagsisend ng email..)tourist lang po sya dito.pa-extend2x lang po sya ng 2 mos.stay then kapag malapit na dumating limit ng stay nya ay magpapaextend lang po uli ng stay,2mos.po palagi.Kapag malapit na po sa 1 yr.ang pagi-extend nya dito ay need na po muna nya lumabas ng pinas para po pagbalik nya from abroad ay pwede na po uli sya magpaextend ng stay as a tourist.medyo magastos lang din po kase kada labas po nya pinas ang dapat may tiket po sya na maipapakita na from phil.hal.thailand( kase yun po pinaka pwede syang makatipid.total ang purpose lang naman po nya is para po makapagstay parin dito sa pinas.)at tiket na phil to thailand,thailand to phil.,then phil.to japan.ganito po palagi ginagawa nya bago matapos ang 11mos.na stay nya po dito sa pinas.
Matigas po ang ulo nya,patago lang po kase na sya po ay nagwowork dito.Bale ako na lang din po ang nagpapafront na nagpapalakad ng lahat if may mga nagtatanong po.may kilala po kase kami na kahit paano po ay tutulong sa akin kung man po ang maging problema regarding sa extention ng stay po nya dito.sa 5yrs.na ginagawa nya ito okay naman po,hindi naman po sya nagkakaproblema.nalu lusutan ko naman po yung mga nagtatanong dahil iniisip po nila na kahit nagsisend man ako ng mga packages sa japan ay dahil dati naman po akong japayuki.sinuswerte din po dahil may mga kilala din po ako sa post office para hindi kami mahirapan sa pasesend ng mga items namin...Kung hindi lang po sana nagloko ang asawa ko sana po maganda parin ang takbo ng pamumuhay po namin.pero ewan ko po ..:O
Tungkol po sa :devil: (Kabit po nya.)Sa tingin ko po hindi naman po ako nagkakamali na kabit po nya talaga ang babae po na yun sis.:(kase yung cp po ng husband ko makikita po yung mga sent messages.nabasa ko po mga palitan nila ng text ng kabit nya.mapagkakatiwalaa n ko po sis ang tao na pinakiusapan kong sundan ang asawa ko.pero never po nya nakita or di lang po nya natityempuhan na makita ang asawa ko sa lugar na yun kahit na natunton na po talaga nya,namin,ang pinaglulunggaan nila ng kabit nya.Isa pa nalaman ko na marunong din pong gumawa ng istorya ang asawa ko.Noong nabasa ko po ang palitan nila ng text tungkol na nga po sa pagbubuntis nito...nasabi ko po sa sarili ko na ibang level na po ito :bricks:.parang namanhid po ang buong katawan ko mga sis!tulala ako..pero sinikap ko po na wag mamatay sa sama ng loob...dahil buntis po ako ng time na magloko ang husband ko.6mos po akong buntis nun sa bunso po namin...ang totoo po nyan sis yui sinabihan po nya ang kabit nya na pananagutan nya ang anak nila at sinabihan pa nya ito na dapat na daw po silang magpakasal.nung time po na ito ay hindi pa po kami kasal ng asawa ko.Ble ang nangyari po ay dahil nabasa ko na niyaya na sya ng asawa ko na magpakasal kaya inunahan ko na po sila kung gaano man po katotoo na pakakasalan nga po nya ang bago nyang babae na yun.naisip ko po bigla ang 3 anak ko..na kami pa ang magiging bastardo kung magkataon.kaya ayun po nakasal po kami after 5 days!
Nung araw po ng kasal namin hindi ko po alam kung matutuwa po ako or malulungkot...marami ng beses ko pong nahuli na natutulala po ang asawa ko.nawawala sa sarili.nasaktan po ako nun deep inside....ayokong isipin na naging maramot ako sa kanya,sa sarili nyang kaligayahan kase naunahan ko ang kabit nya.before po kase kami makasal tinanong ko pa sya ng pasimple sabi ko matutuwa ba sya if malaman nya na may isang tao na tutulong sa amin para lakarin ang kasal namin?sagot nya po"nande mo ii"okay lang daw po if hal.ayaw ko parin magpakasal sa kanya,total papel lang naman daw po yun.if gusto ko naman daw pookay lang din kase para daw po sa kapakanan ng anak namin.(pero bakit naging matamlay mukha nya sya habang sinasabi nya sa akin yun?)kaya naisip ko..:confused: napipilitan?!then nung isang araw bago po ng ang araw ng kasal namin sabi ko po pwede pa syang umurong if hal.ayaw nya sa akin.sagot parin nya"nande mo ii".hanggang noong before magstart ang ceremony biniro ko po uli sya kako may pagkakataon pa syang umurong..pati bago po sya pumirma ng m.contract namin.nagawa ko lang po yun sabihin sa kanya hindi po para asarin lang sya or bastusin..kundi dahil nasasaktan po ako sa isiping baka po yun po talaga ang mas na mahal nya.pero kung tumanggi naman po sya baka patutukan ko na po sya ng baril matapos lang ang kasal.inisip ko nalang na para sa mga anak ko ang ginawa kong pagpapakasal sa lalaking sinusumpa ko ngayon.
Handa ko naman pong unawain sya sa pagiging maawain po nya sa mga mahihirap or nangangailangan po ng tulong?perobakit need pa nyang itago sa mga ito na akoang asawa nya at mga anak po namin,na kami po ang pamilya nya.ayaw lang nya na mabuking sya kaya pilit nya itinatago na may pamilya na sya dito.yung tanong nyo po ..anak po nya sa japan 2 po.anak po nya yun sa unang asawa nya bago pa na-byudo.yun po nakasulat sa legal capacity nya patay na po ang unang asawa nya sis.Sa mga sakit ng kalooban na dinulot nila sa akin ng kabit nya kaya po ako nakapagdecide na iwanan na sya sa kabit nya after ko po maisaayos ang lahat ng para sa mga anak ko,at kapag may visa na po ako para makbalik ng japan at para magwork abroad po uli.focus ko nalang panahon ko at natitirang lakas para po sa 3 anak namin.pinagpapasalam at ko po saDios dahil heto pa po ako..buhay parin hanggang ngayon at nagsisikap na makabangon..sa kabila po ng lahat ng mga pasakit pa patuloy ko pong nararanasan habang nandito na magkasama kami sa iisang bubong.ang hirap po pala magmahal ng kaaway(ang asawa ko po).

BROKEN VOW
06-02-2008, 06:03 AM
Ako po kase ang naka-log-in kanina ng iwanan ko po ang pc.pasensya na po ..:bowdown:HINDI na po mauulit pa ito.kay BROKEN VOW po talaga ang message na nauna na nakapangalan kay junlen ngayon.sis yui san pasensya na po sa pagkakamali..paumanh in po sa lahat.hindi na po ito mauulit promise!

wendy gonzal
06-02-2008, 08:22 AM
sis ,,,,ako nagaoon na rin ang asawa ko dati ,,,,pinay din ang katapat ko ,,,,kaya talaga alam ko ang nararamdaman mo ,,,ang hirap ,,,:(pero ganoon paman di ako patatalo,,,lumaban ako sa kabit nya lalo kong kinukulit yun babae ,,,,,,,sinasabi ko sa babae na ,,,,di maganda kapag mag-asawa na kayo dahil magsasawa rin yan gawin din nya ang ginawa nya saakin ,,,tapos sabihin mo ,kunwari lang na di sya nag bigay ng pera ,,wala na kayong kinakain ,,at binubogbog ka ,,,,,pa,,,,,,tapos lahat ng ayaw ng babae sabihin mo para mag -out talaga yun babae ,,,,at di rin yan mapakasalan dahil dalawa na ang aswa at daming asawa yan iniwan dahil maraming utang sa japan ,,,yan sabihin mo para mag-out yun babae ,,,,,,,cont,,,

wendy gonzal
06-02-2008, 09:21 AM
tapos ako rin ,,,,sinilbihan ko ng marami ang asawa ko ,,,yun sirbisyo natalaga na di nya makikita at makakalimutan at maraming besis mo sya bigyan ng lambing kasi yun ang gusto gusto nila ,,,,huwag mo syang awayin at paaminin dahil ugali talaga nila yun na di umaamin kung ano ginagawa nila ,,,,,mag-usap kayong dalawa ng kayo lang ,,,at sabihin mo na may nakikilala ka na kapit bahay ng kapatid mo na or something na may kabit or kalaguyo na hapon yun babae tapos pag wala yun hapon yun pilipino naman ang kasama nya ,,,,,kunwari na sa kanya mo ipahatid yun sasabihin mo ,,,,pero huwag kang pahalata na nagsisisnungaling ka,,,,ang totoo pinag halohalo mulang yun utak ng asawa mo ,,,para maout nya yun babae sa isip nya ,,,tapos mag-isip na yun ,,,at biglang tumahimik ,,,,yun na ang unpisa ng masasayang araw ng kapit nya yan ,,,,magdududa na yun asawa mo sa kapit nya ,,,,,baka kako yan magandang sulosyon ,,,,,e try mo kaya sis ,,,kasi yun ang ginawa ko sa asawa ko ,,,ipiktib na man ,,,kasi hanggang ngayon kami parin ,,,pero isama mo ng dasal ha,,,,,,para lalong tatalab ,,,,,kung gusto mo ng gayuma bara lalong lalapit sya sayo at di na sya pupunta sa babae pm molang ako ,,,,,,,kasi awang awa talaga ako sayo ,,,,dahil naramdaman ko na kasi yan noon ,,,,:bonk::cry:sakit sa ulo at pati yan anak nadadamay ,,,,kaya sikapin mo sis,,,,ipaglaban mo ang karapatan mo bilang ikaw at ang anak mo,,,,tapos kapag maayos na lahat pumunta ka sa japan mas -maganda di to ka sa japan tumira para makalimutan nya yun babae nya at di kawawa yan anak mo ,,,at may suporta sila dito kung sakali hiwalay kayo ,,,,,,,,sikapin mo sis nandito kaming mga TF family laging nagsusubaybay sayo at sa love story sa buhay ,,,,,,good luck sis sana matanggumpay ka sa mg a balak mo gawin at halong pagmamahal kung talagang mahal na mahal mo ang asawa mo,,,always to pray sis

yui
06-02-2008, 10:34 AM
sorry Brokenvow san. medyo nahilo po yata ako, pwede po next time huwag naman po dirediretso ang sulat. ilagay mo po sa ilang paragraph kung mahaba ang susulatin;) saka 2po ba ang username mo?

"Nande mou ii" ay hindi palaging ok lang kahit ano ang meaning. madalas din po naming pagawayan magasawa yang salitang yan. pero pagkalmado na ipapaliwanag niya. Ilang taon na po ba ang asawa mo? sabi mo dati bihasa po sa babae yan, tingin ko mahal ka naman po niyan kasi ikaw nga ang pinili niya. let`S not jump into conclusion na kesyo nagsisisi yata siya kasi after marriage natulala na siya. kung hindi naman ganon kabataan ang asawa mo at sabi mo nga eh bihasa hindi mo po mapipilit yan kahit anong gawin niyo kung hindi kayo mahal niyan:)

Tungkol naman po ulit sa visa ng asawa niyo jan sa pinas. 1year pa lang po ba kayong kasal? bakit di niyo po asikasuhin ang pag sponsor muna sa kanya ng visa? Asawa niyo po siya dapat spouse visa na siya para hindi patago tago. Di ko lang alam kung maluwag ba jan sa atin sa pinas pero hindi naman po yata nagover stay si hubby niyo. Mas maganda ayusin mo po ang visa niya sis para malakas kapit niya sayo;) San po ba kayo kinasal? Sa pinas po diba? in 5days naayos niya po lahat ng papers niya galing sa Japan? ipapatranslate pa po yata yun. Sana macheck mo din po kung nagreport siya sa embassy nila ng kasal niyo.

YUn lang po muna. Kung ako lang naman po ang nasa lugar niyo ha. aayusin ko po visa niya sa pilipinas tapos pagnahuli mo na sila with evidence ipadeport mo po:grinny:

musikaghie
06-02-2008, 10:59 AM
Ako po kase ang naka-log-in kanina ng iwanan ko po ang pc.pasensya na po ..:bowdown:HINDI na po mauulit pa ito.kay BROKEN VOW po talaga ang message na nauna na nakapangalan kay junlen ngayon.sis yui san pasensya na po sa pagkakamali..paumanh in po sa lahat.hindi na po ito mauulit promise!


Sis, Si Broken Vow at Junlen ba ay iisa? Kasi nabasa ko rin ang thread ni Junlen, Ikaw rin ba yon? Sorry naitanong ko lang?

About sa kaso mo, Ikaw ang legal na asawa, at sabi mo nga ay kasal ka, kaya mas may karapatan ka sa lahat ng bagay sa asawa mo.

Pero kung totoo na buntis ang kabit ng asawa mo, at kung kikilalanin ng asawa mo ang anak niya sa kabit niya, wala kang magagawa.
Pero kung sa legal na bagay ang paguusapan mas may karapatan ka...

Kaya mo iyan, kaya ipaglaban mo~~~:)

yui
06-02-2008, 11:09 AM
sis sensya na paOT lng po sandali.. anong site po gamit nyo sa business nyo? baka pwede pong ilagay sa advertisment para makapamili din kami:O:p

hanapin ko din po yang junlen,basahin ko po.:)