PDA

View Full Version : menstruation..konai?


rhin_15
06-01-2008, 12:23 AM
hi mga kaTF:)meron po ba sa inyo na katulad ko na irregular ang mens? kasi po 3 months na kong di nagkakaroon,,di namn ako buntis kasi nagpacheck na ako at wla din naman daw akong sakit sabi ng doc,..curious lang po ako kung may katf din kayang katulad ko:Dsabi ko nga sa asawa ko na lalaki na ako eh:Dkasi di na ko nagkakaroon,,23 pa lang ako ang aga ko naman yatang magmenopause:confuse d:mga katf share naman po kayo incase na may kapareha me at kung no ginagawa nyo? or hintayin nyo na lang ba na magkaroon? thanks in advance po...

masahiro
06-01-2008, 12:40 AM
hi sis ask ko lang nagpatingin ka na ba sa obygyne dito sa japan?? bakit ganun? hindi ka nagkakaroon 3 months? w8 pa tayo sa ibang mga katf baka may kapareho ng case mo...pero suggestion lang dapat patingin ka kasi tlagang nakakapagtaka yan eh .mula't sapul ba ganyan na bisita mo? every 3 months?:(

kyla06
06-01-2008, 12:41 AM
alam mo sis ganyan din ako dati nung dalaga pa'ko,nag-pa-check up ako tapos nung una pinainom ako ng pills para ma-regular,nag-regular naman mens ko hanggang sa mag-asawa na ko,ngayon pagkapanganak ko,breastfeeding kasi ko,tumigil ako magpa-breastfeed mga 7 months baby ko ngayon mag 10 months na sya,wala pa rin akong mens,nagpa-check up ako dito,ang sabi sakin intayin daw namin mag-3 months,pag hndi pa ko nagkaron,babalik ulit ako sa byoin para sa check up.Kung ako sayo magpa-check up ka na,minsan kasi sa stress din daw yan kaya irregular.

rhin_15
06-01-2008, 12:53 AM
thanks kyla at masahiro,,oo nagpacheck na ko ang sabi hintayin ko lang daw,,puti na nga mata ko kakahintay eh:rolleyes:sis yoko naman magtry magpills kasi dati nagpills me tumaba ako hirap magdiet:D2 bese na nangyri sakin nung last last pa 4 months me bago nagkaroon...

megami704
06-01-2008, 01:13 AM
hormonal imbalance lang yan kung regular ka talaga... Affected din kasi yung cycle ng mens sa lifestyle natin, lalo na ang weather. Ganyan din ako nung nagstay na ko ng matagal dito. Usually kasi spring to summer lang stay ko. Advice ng 2nd Ob gyne ko keep ur tummy warm, ganun yata eh, and wag masyado magpuyat.

Yung first na pinuntahan ko ob, binigyan ako ng gamot. ANd pina-monitor ang temperature ko.

mbstorun
06-01-2008, 01:14 AM
sis minsan kase tayong mga babae nagkaka irregular ang period natin pero pwede naman sis maging regular yan by taking meds. pwede nyo po sigurong itanong ang OB nyo. kase nakaranas din ako nyan 2 yrs ago minsan di ako dinadatnan sa isang buwan pero may binigay ang OB ko sa pinas na gamot tapos sumunod naman..dumadating nga monthly pero wala sa tamang bilang. minsan late ng 1 week minsan naman masyadong maaga tapos binigyan ulit ako ng gamot para itama yun at ngayon saktong 28 days na ang dating nya. di ko lang sis maalala ang gamot pero im sure po matutulungan ka ng OB mo para maging tama ang dating ng period mo.

rhin_15
06-01-2008, 01:17 AM
ms megami,,lagi kasi me puyat eh,,stress kasi walang work:)sis ako yung taong mahirap patulugin,,katulad ngayon gising pa,,sis tanong ko sis sau kahit ba nagpupuyat ka regular ka pa rin? bakit ako,,? di na yata me normal,,waaaa...:eek :

rhin_15
06-01-2008, 01:23 AM
mbstoron may tinake na me na gamot inorder ko sa tf din nalaman ko kasi na nakakatulong din yun para magkaroon kaya lang wala pang effect sakin,,sis baka naman maalala mo yung name ng gamot na tinake mo? share naman:)at saka sis pag irreg ka ba may posibilidad ka ba na mabuntis:confused:

aj_4983
06-01-2008, 01:23 AM
hi..
don't worry, siguro hormonal change lang yan.
In my case I experienced a change 'bout my period.
When I was single, 3 days lang ako but when I lived in here,
naging abnormal na:D..
3 days into 1 week, at ang masama pa in a month two times kung datnan ako.
Hirap matulog, kairita,.. Nilapit ko na sa doc tong problem ko and he said na nothing to worry about it, marami daw kasing factors kung bakit ganito yung period ko. Stress, climate, hormone etc..I admitted na may point si okidoc because of my abnormal lifestyle..:p
Just wait.. :)

megami704
06-01-2008, 01:27 AM
isang factor na rin ang pagpupuyat, or kulang sa tulog, and stress. Kapag kasi natutulog tayo, dun nagststart magwork mga hormones natin, nag-ccycle. Yun ang reason din dati nung nagwowork pa ko, laging delay mens ko.

Then nung nagstay nako dito ng matagal, first time din magwinter, naging irregular naman. Bum ako nun... gusto ko na kasi magka-baby kaya nagpa-check up na ko.

Kung worried ka, magpa-check kana, sabihin mo gusto mo ma-regulate ang mens mo since nagstop nga. Kung ayaw mo naman, stay healthy. Have enogh sleep, and keep ur body warm.

megami704
06-01-2008, 01:31 AM
mbstoron may tinake na me na gamot inorder ko sa tf din nalaman ko kasi na nakakatulong din yun para magkaroon kaya lang wala pang effect sakin,,sis baka naman maalala mo yung name ng gamot na tinake mo? share naman:)at saka sis pag irreg ka ba may posibilidad ka ba na mabuntis:confused:

wag ka naman basta basta iinom ng gamot. Yung mga pineprescribed ng doctor, yun ay based sa katawan natin. Kaya much better pa check up ka nalang.

May possiblity ma-preggy kasi di mo naman alam kung fertile ka or hindi.

mbstorun
06-01-2008, 01:31 AM
mbstoron may tinake na me na gamot inorder ko sa tf din nalaman ko kasi na nakakatulong din yun para magkaroon kaya lang wala pang effect sakin,,sis baka naman maalala mo yung name ng gamot na tinake mo? share naman:)at saka sis pag irreg ka ba may posibilidad ka ba na mabuntis:confused:


sis ang pagkakaalam ko pag irregular ka kailangan munang itama ang period mo dahil mahirap mabuntis pag irregular. ako kase sis irregular ako noon tapos nung nag take ako ng meds na binigay ng OB ko nabuntis naman ako.

sis eto hinalungkat ko mga meds ko. yung last na gamot na iniinom ko "DUPHASTON". iba ibang klaseng gamot ang ininom ko noon sis pero eto ang last na ininom ko 2 months ago actually marami ako ditong natira kaya lang mas maganda sa OB mo ikaw mag request sis. try to read this url sis it may help you..

as long na may egg ka sis at may sapat na sperm mabubuntis tayo ha ha...wag tayong mawalan ng pag-asa parang ako try lang ng try until we die! kakainip lang mag abang minsan. ako sis kase marami akong iniinom na gamot. merong pandagdag ng egg at meron ding pangpatulong mag ovulate at itong "Duphaston" it helps regulate irregular period.

http://www.tiscali.co.uk/lifestyle/healthfitness/health_advice/netdoctor/archive/100000874.html

temari_029
06-01-2008, 01:34 AM
hello.. ako din ganyan iregular ung mens. ko minsan nakaranas nga ako ng 5months na di ako nagkaroon.. grabe diba.. lahi kasi namin... cguro bata pa kc ako kya imbalance pa rin ung menstruation cycle ko..
hanggang ngayon.. ganun pa rin ako.. minsan 1month d me dinadatnan minsan 2months..

nasa lahi rin kasi namin yun.. ung mama ko ganun din kasi nung dalaga pa sya..

katek
06-01-2008, 01:35 AM
:lol: natawa ako sa menopause eh :D masyado naman maaga yon!
madami nang thread na ganito dito :)
eto ang factors na nabasa ko don sa mga thread:

1. hormonal imbalance. may naiinom na gamot for this. ganito ako eh :D
2. climate change. dahil naninibago ka sa tenki ng japan.. halos 2 mos din ako wala. natakot ako kala ko dahil may imbalance nanaman (basta nagka problem ako before eh :)
3. stress

pero usually dito eh climate change :D

rhin_15
06-01-2008, 01:37 AM
ok sis,,salamat ms megami ha sa mga reply mo balitaan ko kau pag nagkaroon na ko magpacheck uli me sabi kasi sakin ng doc tanong nya kung gusto ko uli magbuntis sabi ko naman yoko pa muna ang sagot sakin OK tapos sabi pa wait ko na lang daw..nastress na ko sobra,,i fell that i am not normal:)(abnormal)

rhin_15
06-01-2008, 01:55 AM
sis mbstoron,,dupasthon? sa pinas pala yan no..pero sis try ko rin humingi ng gamot sa ob ko dito,balitaan ko kau mga sis pag ok na...thanks sa pakikinig ha...muwahhh:D:D

mbstorun
06-01-2008, 02:09 AM
sis mbstoron,,dupasthon? sa pinas pala yan no..pero sis try ko rin humingi ng gamot sa ob ko dito,balitaan ko kau mga sis pag ok na...thanks sa pakikinig ha...muwahhh:D:D


sis meron din yan dito. actually yung nasa akin ngayon galing turkey sya pinadala ng sister inlaw ko. sa hospital kase nagwo work yun kaya siguro nakapag pareseta sya nitong DUPHASTON pero dito sa Japan di pwede pero actually parehas lang yan sila. kase dati nakainom narin ako nitong DUPHASTON sa pinas.

mbstorun
06-01-2008, 02:17 AM
by the way, nagpapabuntis karin ba sis? meron kase akong iniinom ngayon na "Gonaphene" (fertility pill) or mas kilala sa pangalang "CLOMID" sa pinas tapos itong "DUPHASTON" iniinom ito pang 16th day ng period.

rhin_15
06-01-2008, 02:17 AM
sis meron ba yan dito sa drugstore?natry mo na bumili dito?

mbstorun
06-01-2008, 02:24 AM
sis meron ba yan dito sa drugstore?natry mo na bumili dito?

sis di ko na try bumili dito sa Japan kase sa OB ko mismo nanggagaling. sa pinas kase iba ang generic name nya dito pero actually parehas lang sila pangalan lang naiba. try nyo po humingi sa OB nyo kase normally naman nagbibigay sila ng mga ganitong gamot kung kinakailangan. since sabi mo di ka dinadatnan so dapat nung pumunta ka sa OB mo may ginawa na sya or binigyan kana ng gamot at di ka naman pala buntis di ba?

ichigoichie
06-01-2008, 08:42 AM
Sis rhin 15 wag ka gaano magworry!Yung pangalawa kong asawa ganyan din halos anim na buwan ngang hindi dinadatnan noon kaya hindi ka mi magkaanak hindi siya mafertile.Cguro nga tama ang mga cnasabi nilang mga dahilan kaya nangyayari ang ganyan.

ciel
06-01-2008, 01:06 PM
as for me, eversince irrregular ang period ko... so everytime na missed ang period ko, nag papa inject me sa OB ng pamparegla kasi mendokusai para sa akin ang pag inom ng gamot... 100% effective..

rhin_15
06-02-2008, 12:11 AM
sis san ka nagpapainject? masakit ba? (joke) :Dsis di ba yan nakakataba? monthly ka ba nagpapainject? pasensya na dami kong tanong:)

ciel
06-02-2008, 01:55 AM
kahit saan OB dito sa japan meron nyan... LHS ang tawag sa hormone na ito na ininject sa may left part ng balakang... mejo masakit kasi ang haba nung needle eh:ppero mawawala din naman yung pain after awhile.. tsaka hindi ito nkakataba at wala naman akong na feel na side effects.. mejo may kamahalan nga lang pero sulit naman.. :)

rhin_15
06-02-2008, 02:06 AM
sis mga magkano? monthly ka ba nagpapainject? nung nagkaroon ka ba,,on date na ung mens mo?

ciel
06-02-2008, 02:21 PM
minsan missed pa rin ang period ko pero longest na ang 2 months, before kasi 4 months delayed ang period ko... every missed period lang ang injection ko, 5000 yen ang singil sa akin eh, di ko lang sure kung pareho ito sa ibang lugar...:)
pagkainject sa yo ng gamot, you have to wait 2 weeks pa bago ka magka regla..
:)

rhin_15
06-02-2008, 03:39 PM
sis ciel thanks ha,magtatanong ako sa OB ko tungkol sa injection,,busy kasi asawa ko di me masamahan ang layo pa naman ng hospital dito samin..pero sana nga magkaron na ko..or wala talaga,,ask ko na lang OB ko..

rizalli
06-08-2008, 10:34 AM
hi mga kaTF:)meron po ba sa inyo na katulad ko na irregular ang mens? kasi po 3 months na kong di nagkakaroon,,di namn ako buntis kasi nagpacheck na ako at wla din naman daw akong sakit sabi ng doc,..curious lang po ako kung may katf din kayang katulad ko:Dsabi ko nga sa asawa ko na lalaki na ako eh:Dkasi di na ko nagkakaroon,,23 pa lang ako ang aga ko naman yatang magmenopause:confuse d:mga katf share naman po kayo incase na may kapareha me at kung no ginagawa nyo? or hintayin nyo na lang ba na magkaroon? thanks in advance po...

meron akong frend ganyan din ang situation di rin sya dinatnan ng 3 months akala nga nya buntis sya so nagpatingin sya sa OB nya sabi skanya meron syang PCOS (Polycystic Ovarian Syndrome) eto yung small cyst sa ovaries. The most common symptom of PCOS is irregular or infrequent menstrual period. Sana magpa second opinion ka para just in case maagapan sya at mabigyan ka na nararapat na gamot. Para di ka inom ng inom ng anu-anong mga gamot pra magkaroon klng.:)

sky
06-08-2008, 10:46 AM
mula ng pumunta ako ng japan .nag kaloko loko na mens ko. hanggang ngayon kung kailan lang nya gusto dumating tsaka sya dadating :D

isa ngang dahilan yun stress. nagsasawa na akong mag punta sa doc ko at si doc din sawa na sa mukha ko :rolleyes:


dati binibigyan niya ako ng pills .pang pa normal daw .ok naman kaso nakakasawa na rin ang gamot .

Matty
06-08-2008, 11:26 AM
Akala ko ako lang ang me mondai na ganito . kayo rin pala . kasi lately lang naman na abnormal ang period ko minsan 2 times na ako magkaruon sa isang buwan at inaabot pa ng 10 days bago matapos . dati naman 3-4 days lang tapos na. ngayon naman konai na mag 2-2 months na nagtry naman ako ng pang tester kung preggy ako negative naman . magpapatingin pa lang soon sa OB. stressful din kasi ako lately...:rolleyes:

sky
06-08-2008, 11:34 AM
Akala ko ako lang ang me mondai na ganito . kayo rin pala . kasi lately lang naman na abnormal ang period ko minsan 2 times na ako magkaruon sa isang buwan at inaabot pa ng 10 days bago matapos . dati naman 3-4 days lang tapos na. ngayon naman konai na mag 2-2 months na nagtry naman ako ng pang tester kung preggy ako negative naman . magpapatingin pa lang soon sa OB. stressful din kasi ako lately...:rolleyes:


baka stress ka lang sissy ~~~ ang tawag nga sa akin ng mga pinay dito menopause ~~~ nag loko mens ko after na ipanganak ko panganay ko .19 na sya ngayon . ang tagal ko nang dilema yan mens ko .nasa line of 3 pa din naman ako

sabagay ok na din tipid sa pad :D

pero maganda din na mag patingin para worry free ;)

Matty
06-08-2008, 12:17 PM
baka stress ka lang sissy ~~~ ang tawag nga sa akin ng mga pinay dito menopause ~~~ nag loko mens ko after na ipanganak ko panganay ko .19 na sya ngayon . ang tagal ko nang dilema yan mens ko .nasa line of 3 pa din naman ako

sabagay ok na din tipid sa pad :D

pero maganda din na mag patingin para worry free ;)


Baka nga cguro sis , sabi rin ng mga friends ko niloloko nila ako baka menopause na daw ako mag line of 3 pa lang naman ako . di ba napakaaga naman yata? balak ko pa naman na mag baby pa kahit maka isang babae kasi 2 boys na itong mga anak ko yung isa coco 2 nen se na at yung isa 2 sai 7 kagetsu . medyo malayo agwat no! kaya baka itong last try eh babae na!hopefully! kaso sira na period ng lola pano na kaya? :D