View Full Version : Hapon na kasal na,maaring makasal pa ng maraming beses?
BROKEN VOW
06-04-2008, 04:03 PM
Konichiwa po sa lahat!May nais lang po akong malinawan kung gaano po katotoo na kahit kasal na po ang isang hapon dito sa pinas ay maari pa po syang magpakasal sa ibang babae kahit ilang beses po nya na gustuhin:eek:?tulad po kase sa sitwasyon ko na kasal na po kami ng asawa ko,(dito lang po kami nakasal sa pinas)registered na po ang kasal namin dito pero sa japan hindi pa po naipaparehistro na kinasal na kami dito sa pinas.Sa ganito po bang sitwasyon pwede pa po ba syang magpakasal sa iba?(Na hindi naman po kami divorced)Hal.po sa manila kami nakasal,pwede pa po ba syang magpakasal sa ibang lugar dito sa pinas hal.po sa province sa cebu,davao...basta hindi lang sa lugar kung saan po kami kinasal?or hal.po ay sa japan nalang po sila diretso na magpakasal kase po hindi pa po kami nakakasal sa japan,at hindi pa po narirehistro ang kasal namin doon.:confused:
Tulungan nyo po akong mabigyang linaw po sa akin ang tungkol sa bagay na ito...:(
chichay
06-04-2008, 04:24 PM
Me kaibigan ako na nagpakasal sa Hapon sa Pilipinas. Sa Pilipinas siya nagbuntis at yung asawa niyang Hapon umuwi sa Japan. Hindi ni-register nung Hapon yung kasal nila ng kaibigan ko sa City Hall ng Japan. Siyempre, single pa rin ang status ng mister niyang Hapon sa Japon. Hindi alam ng kaibigan ko na hindi naka-register kasal nila sa Pilipinas sa City hall ng Japan. Mantakin ninyo na habang pinagbubuntis ng friend ko yung anak nila ng Hapon sa Pilipinas e nambababae pala yung mister niya!:eek: Ayun, nagpakasal sa isang Filipina ulit. Pero this time sa Japan ikinasal yung mister niya at nung babae. Sa madaling salita, kasal yung mister niya sa kanya sa Pilipinas...pero pagdating sa Japan kasal yung mister niya sa iba! Kaya kawawa yung friend ko dahil hindi na nakabalik sa Japan. Pati yung anak nila nung Hapon hindi sinusustentuhan. Kaya payo ko sa ibang magpapakasal sa mga Japanese sa Pilipinas, be sure ipa-register ang kasal ninyo sa Pilipinas sa City hall ng Japan. Pag hindi, hindi kayo considered married sa bansang Hapon. Kulitin ninyo mga Japanese husbands/wives na ipa-register ang kasal ninyo para may hahabulin kayo. Paalala lang po.
sarpon
06-04-2008, 04:26 PM
kung sa pinas po ang pag-uusapan, pwede po silang magpakasal ulit. KASO po ay invalid ang magiging kasal nila dahil may nauna ng kasal sayo. yung una pong kasal ang kinikilala ng ating batas. di ko lang alam ang sistema dito sa Japan pero im sure na parehas lang din ang batas nila.
v_wrangler
06-04-2008, 05:18 PM
In the same way, Japanese nationals are requierd to submit documentation from the Japanese Embassy in Manila that they are qualified to contract marriage (binata!)
Some people are in the rush to have the marriage in the Philippines solemnized thinking it will speed up their chances of flying to japan. Wrong! Your first act is to never pay up agents to fix your Philippine wedding. If you do so, you are taking away the first layer of protection to check whether you indeed have an eligible bachelor.
In the Philippines, marriage to another filipino without legal separation is equal to bigamy and is a crime punishable by law.
Matty
06-04-2008, 07:10 PM
Chichay san,
Alam mo ganyang ganyan din ang story nung kapatid ng friend ko . me anak din sya sa asawa nyang hapon . hindi rin napa rehistro dito sa city hall yung kasal nina sa pinas. kaya nagpakasal din yung hapon sa ibang pinay dito sa japan. kaso ng magtourist itong kapatid ng friend ko dito . sinubukan nyang irehistro yung kasal nila dito kaya nya nalaman na double wedding yung asawa nya. so ng malaman ng hapon takot na takot . kasi nagtaka yung city hall bakit daw dalawa ang nasa koseki tohon nya. kaya ngayon nasa korte sila kasi sya naman ang legal na unang asawa . dinedemanda nya ngayon. Tinutulungan sya ng NGO dito. kadarating lang last month kasama na anak nya. inaasikaso visa nya at anak nya. kaya yung asawa nya at yung pinay natatakot na.
pwede pong makasal yang asawa niyo sa Japan kung pwede pero pwede niyo din siyang idemanda kung kayo ang unang asawa or kahit hindi basta dalawang babae ang pinakasalan niya. at alam ko considered null and void ang second marriage dahil di din naman tinotolarate sa Japan ang bigamy hindi ba?
tungkol po sa tanong niyo na kasal sa manila magpapakasal pa sa ibang lugar jan.. hmnn.. posible po siguro alam niyo naman sa atin jan sa pinas. lalot hindi nakarehistro ang kasal niyo sa Japan kukuha lang ng certificate of non-appearance sa talaan ng kasal makakasal na po yan. Ginawa po ba ng asawa niyo yan? pwede niyo po siyang idemanda baka madeport pa sa pilipinas yan.:(
summergirl
06-04-2008, 09:04 PM
pwedeng pakasal kahit ilang beses pero isa lang ang legal..
BROKEN VOW
06-04-2008, 11:10 PM
:ohlord: :eek:ganun po pala yun?!nakakatakot po pala kung ganun!maraming salamat po inyong lahat na nagshare and nagbigay ng advice!malaking tulong po ang mga impormasyon na ibinigay po ninyo sa mga katulad ko na baguhan palang at hindi aware sa mga ganitong sitwasyon.marami man po akong naramdamang kaba ngayon sa alalahanin na "paano po kung hal.isa nga po ito sa pursigihing gawin ng kabit ng asawa ko?naku eh di nayari na po ako!:banghead::brick s:
Pero ganun pa man po,Ngayon atleast alam ko na po kung saan ko po sila pwedeng dalhin ng kabit ng asawa ko kung hal.na ito po ang gawin nila :firehead:.
Mga sis.,ate,and kuya(TF family ko)Kung sakali po ba tulad ko po na nandito lang po sa pinas at indi binibigyan ng pagkakataon ng asawa na tumira ng japan dahil sa dami ng alibi po nya may paraan po ba(paraan na patago kay hubby ko po sana) para matiyak or para macheck ko lang po na hindi nga po sya nagpakasal sa iba?nag-aalala po kase ako na baka nagpakasal po sila at baka yun pa po ang naipasok nya sa koseki po nya?!:noteeth::brick s:(malaking problema ko po yun,pero gusto ko parin po makatiyak.):ohlord: wag naman po sana...
I asked my husband. pwede daw pong ikaw magreport ng kasal niyo sa japan embassy. basta masulatan yung form at matatakan po ng hanko(stamp) niya
why don`t you try to go sa japan embassy jan sa pilipinas? itanong mo po duon. Kasi dito sa Japan kahit ako po halimbawa kukunin ko koseki tohon ng asawa ko pwede kasi magasawa kami. siguro pwede din naman jan sa pilipinas yun since japan embassy naman. at asawa mo po yan. Documents niya documents mo:O:)
BROKEN VOW
06-05-2008, 12:38 AM
Thank you sa inyo ng hubby mo sis sa advice!Na-try ko na po itanong yun sa japan embassy mla.,maari ko pa nga raw po maiparegister sa japan embassy manila ang kasal namin ng asawa ko basta makumpleto ko lang daw po ang requirements na hinihingi po nila.okay na po ang lahat ng requirements liban nalang po sa isa sis!ang 2 original copies po ng koseki nya kasama po kase ito sa requirements pero ang dami po alibi ang asawa ko..kesyo wala daw po syang pwedeng mapakiusapan na kumuha nun sa lugar nila..hindi ko din po alam kung may paraan po ba na pwede po akong makakuha po ng koseki nya?wala po talaga akong alam sis sa kung ano po ang pwede kong gawin para makuha po nu (koseki)kung hal.po na ganun palagi ang pamatay nya na dahilan?hindi po katulad dito sa atin sis na basta pamilya ka ng tao or asawa okay na.mayroon po sya dito koseki pero matagal na po ito sabi po nya sa akin sis hindi na raw po ito pwedeng gamitin?kase daw po hanggang 6mos.lang daw po validity nito?tama po ba yun?year 2003,2005,pa po ito na koseki nya.hindi na nga po ba ito pwedeng gamitin sis?totoo po yun?
yes 3months lang po ang validity ng koseki tohon. sabi po ni hubby ko kung may kakilala dawpo kayong kamag-anak ng asawa niyo pwede niyo daw pong ipakuha dito. hanggang pinsan lang daw. Why don`T you explain your situation jan sa Japan embassy. Ikaw po asawa niyan I`m sure may paraan.
BROKEN VOW
06-05-2008, 05:48 PM
Okay po sis!ask din po ako uli nito sa japan embassy Mla.(sana nga po may paraan pa kahit ako nalang po maglakad tutal asawa naman po ako.di po katulad dito sa atin basta kamag-anak ka pwedeng ikaw nalang ang lumakad para sa mga documents.)thank you very much po sa response,at maraming salamat din kay hubby you yui san ha!:tiphat:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.