View Full Version : DIABETIS...ang hirap pala
titakoring
06-04-2008, 05:55 PM
morning ka TF.....hirap pala ng meron diabetis...nd naman ako un aking hubby....
pero baka magkaroon na din ako sa sobrang katakawan....:rolley es:.....sabi ng iba un
daw sobrang jetaku ang madaling tamaan nito...kasi kain at bili ng bili ng magus
tuhan kaya nasisira ang balance ng pagkain....370 ang counts ng sugar nya....
malay ko ba dun?...buti nga daw at nd pa sya bumabagsak....
kahapon kausap ko un joren san namin na 7years ng me diabetis at nag iinject
na sya ng insuline....dapat daw alagaan ko si hubby at bigyan ng effort un pag
gawa ng pagkain nya.....e ang hirap naman kasi e...sobrang siba ng asawa ko
imagine pag nagluto ako ng pansit bihon guisado kalahating kilo kaya nyang
ubusin.....
kinausap ko sya ng heart to heart kagabi hai lang ng hai wakarimashita.....an g
sagot nya sa akin.....sabi ko bawas ka ng rice...ect ect....ang masakit dun pati
din ako sabi nya sabay daw kami...:cry:...well wala ako magagawa kundi sumu-
nod na din pra sa akin din naman un.......
kayo ba meron ba kayong kapamilya at kasama sa bahay na meron diabetis
share naman ng ginagawa nyong pagkain sa kanya....lalo na sa dressing
ng salad.....konti lang kasing dressing ang dapat....sana share nyo naman
sa akin.....please....
kirakira 5
06-04-2008, 06:08 PM
oo mahirap may diabetic ang nanay ko diabetic din pero di pa sya nag inject nagbawas sya ng rice, di na sya umiinon ng beer, di na naninigarilyo saka binabawasan na rin nya ang pagkain sa resutrant bawas din yung lasa n pag kain ang maganda dapat talaga 1 cup ng rice 1 soup then fish dapat yaki sakana kung gagamit ka naman ng abura dapat econa ba yun colesterol free, gulay the best saka fruits, sampo ever yan dapat kailangan nya mag excersice every day kahit maglakad lakad lng oki na po yun .Pag pinabayaan nya yan mahirap daming komplikasyun sa nanay ko ang effect kasing sakit na yan sa kanya, panlalabo ng mata, panghihina ng katawan, saka yung sa ngapin, sa heart , sa baga yan na kasi ang pinupuntahan ng nanay ko na hospital pero oki naman sya dapat lng ingat sa pagkain, di sa tinatakot kita share ko lng yung sa nanay ko pero iba iba ang cases ng diabetic kailangan lng ingat sa pag kain at ehersisyo sana makatulong po god bless
titakoring
06-04-2008, 06:35 PM
salamat ha......oo nga ganyan din ang sabi ng mga kakilala ko dito...wala naman
daw bawal na pagkain..kahit ano pde un mga lang talagang konti...ang mahirap
lang talaga e sobrang siba ng asawa ko.....
alam mo ba minsan pinagsabihan ko sya...sabi nya sa akin....mamatay na nga
ako ipagbabawal ko pa daw na un mga gusto nyang kainin.......alam mo nag-
init ang ulo ko....sabi ko nd kita binabawalan konti lang kako ang pde sayo....
magpapa deliver na nga sana ako ng pagkain nya sa St lukes hosp..(seroka
byoin) kahit nga mahal un 6000yen na daily meal nya....sya itong ayaw.......
maaawa akong nakukunsumi talaga sa kanya.....pero nandyan na e.....kaya
inhale...exhale pa din ang ginagawa ko pra lang paglaban ang ira ira ko....
sc00by
06-04-2008, 06:40 PM
kakatakot na yung 370 ang blood sugar..ilan units of insulin na ba ini-inject ni mr? (baka kulang) once every 3 days, magdagdag siya dapat ng units..Hanggang bumaba yung blood sugar.
importante rin may blood glucose test meter kayo sa bahay..para tuwing magdagdag kayo ng insulin units, ma-monitor ninyo..habang bumababa yung blood sugar..pabawas din ang units (baka sumobrang baba naman ang sugar).
disiplina na lang sa sarili talaga ang best way! disiplina sa pagkain, lots of exercises (kahit lakad-lakad lang),bawal din pagpupuyat..siyempre , bawal din matatamis & bisiyo...kung papakinggan mo ang doctor..halos lahat naman di pwedeng kainin eh..ako, di ko rin matiis..pero, tikim-tikim na lang..
7 yrs na rin akong may diabetes..dating 280 plus ang sugar ko..ngayon nasa 120-140 na (medyo mataas pa din)..:(
kirakira 5
06-04-2008, 07:58 PM
scooby ang galin mo naman san ba nakakabili ng mga pang test kasi yung sa nanay ko pang test ng blood sugar sa pinas pa kami bumibili wala kaya nyan dito sa japan yung kasi kapatid ng biyanan ko may diabetic din nag rerent lng daw sya sa hospital na pinupuntahan nya saka kailangan may recomend pa ng doctor ang nanay ko kasi di pa naman nag insulin pumayat na rin sya kasi nga bawal kumain ng madami diba ask ko lng kung pano mo nalalabanan ang sakit mo para masabi ko sa nanay ko maraming salamt
titakoring
06-04-2008, 08:31 PM
wala pa syang medication...meron na syang diabetis bago ko pa sya nakilala
noon pa daw sya nagpatingin....ako naman nong makasama ko na sya....ako
na ang nag adjust ng ingredients sa pagkain nya...lagi matabang......
last year napapansin kong namamayat sya pero grabe naman syang kumain
me time na nag sabi sya sa akin na parang meron daw nakabara sa lalamunan
nya...alam mo naman ang hapon na majime sa work laging next time na lang
sa kanila un pagpapatingin......n itong May talagang nagalit na ako...iba na kasi
ang tingin ko sa kanya....sobrang payat na....sa paningin ko...dati un maong
jeans nya 38inch...ngaun 36 na lang....
last week nga nagpa check sya ng dugo....kung nd ko pa tinakot na maghiwalay
na kami nd pa gagawin...:mad:...un result lumabas lang nitong sunday...un 370
inexplain pa nya sa akin un dapat daw un normal (70-109) lang un kanya 370
kaya naman nd ako mapakali....
binigyan agad sya ng referal ng doctor nya para pumunta agad sa hospital
kinabukasan (monday) kaso un gagong senmo nya ayaw syang payagan at
madami daw work na mabibinbin.....pinay agan sya magyasumi bukas (thurs)
bukas ko pa lang malalaman kung ano ang gagawin sa kanya.....
isa pa nga un sa gusto kong magkaroon un blood glocose test meter.....
kaya ng malaman ko nga na ganun sabi ko uminom sya pansamantala
ng ABS..ampalaya supplement me stock ako nun sa bahay.....dati naman
syang umiinom nun kaso nga lang nd naman tama nakakalimutan daw
nya kasi minsan.....kaya bilin ko 30min bago sya kumain inom sya ng 1
capsul non.......salamat sa sharing mo...nakakagaan ng pakiramdam....
kakatakot na yung 370 ang blood sugar..ilan units of insulin na ba ini-inject ni mr? (baka kulang) once every 3 days, magdagdag siya dapat ng units..Hanggang bumaba yung blood sugar.
importante rin may blood glucose test meter kayo sa bahay..para tuwing magdagdag kayo ng insulin units, ma-monitor ninyo..habang bumababa yung blood sugar..pabawas din ang units (baka sumobrang baba naman ang sugar).
disiplina na lang sa sarili talaga ang best way! disiplina sa pagkain, lots of exercises (kahit lakad-lakad lang),bawal din pagpupuyat..siyempre , bawal din matatamis & bisiyo...kung papakinggan mo ang doctor..halos lahat naman di pwedeng kainin eh..ako, di ko rin matiis..pero, tikim-tikim na lang..
7 yrs na rin akong may diabetes..dating 280 plus ang sugar ko..ngayon nasa 120-140 na (medyo mataas pa din)..:(
Tita taihen ne :( yun dad ko rin diabetic ayun di nakikinig kasi katwiran nya kumain at hindi daw paktay din daw eh di dun daw sya sa kakain atleast mamatay ng busog :mad:hay ewan
ikura tita ga gambatte ~~~ mo honnin sidai dayo ne .
summergirl
06-04-2008, 08:57 PM
take good care of your hubby sis,my sister weighs 78.4 before but not 45 na lang because of diabetis..Inadvisan sya na mag inom ng tea kaya from here pinapadalhan ko talaga sya ng japanese tea,at talagang ingat na ingat sa pag-kain nya..ilan beses ng na hospitalized pero thanks God nakarecover sya..
Thanks nga pala sis..:D
csbaby
06-04-2008, 08:57 PM
mama ko po 15 years na syang may deabetis.as in payat na ang mama ko ngayon di gaya dati ang lusog lusog nya.10 or 15 kilos yata ang pinayat nya yun kasi sabi ng doctor nya.at maingat na rin sya sa pagkain yong rice nya isang takal nalang.alam na nya pag mataas ang sugar count kasi di daw sya makakatulong minsan at ang palagi nya dinadalangin na wag syang masugatan kasi di agad maghilom ang sugat.yong lola ko po at auntie may diabetis din lahi yata namin.
titakoring,tell your hubby po na bawasan ang magkakain ng matamis.
titakoring
06-04-2008, 08:59 PM
Tita taihen ne ikura tita ga gambatte ~~~ mo honnin sidai dayo ne .
ay naku sinabi mo pa....kaya ng ganun ang sinabi nya sa akin talagang kirita
ako....sabi ko....."kung mamamatay ka ngaun na....wag mo ng iparanas sa akin
un aalagaan kita ng matagal.....basta wag ka dito sa loob ng bahay mag suicide
ayokong kulit kulitin ako ng mga pulis...:mad:....
talagang nakakairita.....alan g ala ka na tapos ganyan lang un ibabalik sau.....
inhale.......exhale. ............
itchay
06-04-2008, 09:04 PM
titakoring,
sad to hear about that.
andami pa naman complications yang diabetes.
but like sky-san said, honnin shidai, disiplina sa sarili na lang talaga.
you must be worried right now. but be strong po, for the both of you.
at kung alam mo lang sana, inagahan mo na pala sana pagbabanta eh no .. :D
kyla06
06-04-2008, 09:05 PM
pareho pala tayo,yung hubby ko din may diabetes,2 years ago namin nalaman,ayaw pa nga niya magpacheck up,pinilit ko lang talaga kasi bigla siya namayat tapos palagi siyang uhaw,ihi siya nang ihi,nung check up nya tinest yung blood sugar nya 670 ang taas kaya na-confine sya,sinabi din ng doktor na delikado na daw siya baka daw mamatay siya,kaya iyak ako nang iyak nun,2 weeks sya sa ospital tapos nung umuwi na siya mga 3 months sya nag-insulin,kasabay nun pagdi-diet saka exercise,bata pa hubby ko 38 lang pero grabe kung kumain.
Sa ospital bago siya lumabas,nag-seminar kami ng mga dapat nyang kainin,tsaka dapat talag konti lang ang rice,saka napansin ko nung nasa ospital siya,yung mga pagkain nya walang lasa,kaya mga niluluto ko minsan ihaw lang na isda,saka mga pinakuluan lang na gulay.
Tapos nung nasa hospital pala siya di ko alam buntis pala ko,nalaman lang namin nung paglabas niya,kaya lang nag-decide kami na hindi na lang ituloy kasi sabi nung doktor baka daw may diperensya kasi ang taas ng sugar count nya nung time na 'un kumbaga hindi pa sya nakakainom ng gamot.Pero nung maging normal na yung sugar nya.mga 100+ na lang,nagbuntis ulit ako ok naman yung baby ko.
Nung una kapag nasa restaurant kami nag-aaway kami kasi yung mga gusto niya hindi nya makain,kasi puro ako bawal yan sayo,omoshirokunai daw sya,kaya simula nun pag nagpupunta kami sa rest. hindi na lang ako kumikibo.
Sa ngayon,regular naman ang check up nya,hindi na siya insulin,tablets na iniinom nya.
Hindi na rin sya nag-che-check ng dugo nya,busy kasi sa work,hindi na sya malakas kumain ngayon,pero lahat kinakain nya.
titakoring
06-04-2008, 09:47 PM
@summergirl.... thx sis lagi kang nandyan sa tabi ko....lahat na nga ng klase
ng tea nilaga at nilagay ko na sa ref.....pra pag nauhaw me maiinom sya agad
@csbaby....... kaso nga dinadaya ako ng mokong na un......
pag nasa work ako bumibili pala ng satono gohan instant tapos
tatapon sa basura un plastic eng-eng naman....nakikita ko din
un packs pag mag tatapon ako ng basura.......thx for sharing sis...
@mod itchay.....thx sis mod...sa totoo lang gusto ko na syang ipa
takyubin sa nanay nya...sobrang tigas ng ulo...:p....palagay ko mata
ang madadale sa kanya....kasi 3 beses na syang magpalit ng eyeglass...
un pala taas ng sugar nya......sabi ko sa kanya dapat genki sya
sa EB dito sa tokyo....wag sya mag-inarte ng mga panahong un naku
sasamain sya sa ken...:D...meron pa akong puputahan sa kanagawa
ken sa umi......wag na wag syang makikisabay.....:p
@kyla06..... dapat din ata na gawin ko yang ginawa nyo na mag seminar kami
pareho tau sa mga sagot nila....bakit daw ganun ang daming bawal sya nman
itong me katawan at mahihirapan.....para bang manhid ako at nd ko feel kung
ano un nararamdaman nyang hirap....:mad:....is a payang uhaw factor nya...imagine
kung uminom ng diet coke 1.5liter kaya nyang ubusin agad un.....kung nd ko pa
murahin nd un titigil...kaya un basura namin ng moenai gomi grabe puro pet
bottle ng coke....saka un tetra pack ng juice....ang lakas nya sa inumin pati
ice cream un 2 freezer namin puno un daig pa un meron sankatutak na bata
dito...pati chichiria...mukha ngang tindahan un bahay namin sa pagkain at
inumin nya...ay naku bukas yasumi ko hakutin kong lahat un dito sa kisaten
at maipamigay....pag sa family rest din naku po lugi un drink bar sa kanya
buti kung sya ang kumukuha ng inumin....kaso ako inuutusan nya....:mad:.....
panay ang tingin sa akin ng mga staff dun...kaso patay mali ako paki ko ba:D
sana bukas me me magandang result...talagang i wa one on one ko un
doctor nya...magbubunganga ako sa doctor na kaharap sya.......:p.......
buti sana kung marami akong makukuha sa kanya pag nautas sya...:D....
kaloka ata un nu.....:p thx sau sis nd pala ako nag-iisa sa prob...ganito......
dinadaan ko ba lang sa kakulitan minsan pero talagang nanlalambot ako
sa pag-aalala.....sana man lang mabawasan ang timbang ko sa stress dito
kaso habang nai istress ako lalo ata akong nagugutom e:p......
summergirl
06-04-2008, 09:50 PM
cheer up dear di bagay sa iyo ang malungkot,<biro lang mare>sabi ko nga sa iyo dati,be strong dahil baka ikaw pa ang mag kasakit and who will take care of your hubby if your sick..Just keep on praying and ask for God`s help..
sam_227
06-04-2008, 10:34 PM
ako man si hubby ko last year huli check up 380 ang sugar nya. kanina lang nag punta ulit kami sa hospital ,kinuhanan na rin sya ng dugo.yun nga pinag bawal na rin yun beer.Makulit din kasi hubby ko nani mo kikanai parang bata.Saisho lang yun hindi pag inom pero after 1 week inom naman n naman ng beer,vitamin daw kasi nya yun beer.:mad:babalik ilut kami sa june 18 para malaman un result kung tumaas ba ulit un sugar nya. Pangisi ngisi lang nun sinesermonan ni Sensei Hai! Wakarimashita! lang sagot niya.Noon mataba rin ang hubby ko nag diet narin mula nga noon nalaman niya na may diabetic siya.:cry:Iyon nga lang likas na sa mga hapon un di mapigilan pag inom ng alak.Pero sana naman this time makinig na hubby ko.Hindi niya lang alam kanina pinipigilan ko lang iyak ko ,naawa kasi ako sa kanya..paano na pag lumala yun sakit niya diba?palagi ko siya pinag darasal na sana gumaling na si hubby,,
kyla06
06-04-2008, 10:51 PM
hay naku....stress na din ako sa hubby ko,ang hirap kasi mag-isip ng lulutuin ko para sa kanya tapos pasaway pa..pag napapadami kasi sya ng kain,pinagsasabihan ko na,sagot ba naman sa'kin "hinihintay mo di ba?...mamatay ako?" ang kapal ng mukha,sabi ko nga "sige na,mamatay ka na ngayon!(magaling kasi mag-tagalog hubby ko) joke nya lang 'un pag nagbibiruan kami.pareho tayo tita koring parang may tindahan din dito sa bahay ng chichirya,maya-maya kain pina-partneran nya pa ng kape...
rubyuki
06-04-2008, 11:59 PM
itong mother in law ko may diabetis last year lang nalaman. 70 yrs. old na sya pero nagtatrabaho pa as nurse. pero sa November mag reresign na ata sa trabaho. siya na ang nag iinject sa sarili nya. at super diet sya everyday puro cabbage na may pang sushi na vinegar ang dressing. kinakain nya puro gulay , less rice minsan no rice pa. tufu at lahat half ng any fruits. sa awa ng Diyos ang payat na nya. maintain ang gamot at every month pa check up sa doctor. ginagawaan ko sya ng atsara.
summerghie
06-05-2008, 12:18 AM
tita koring di ka nagiisa.
ang hubby ko mag 1 year na sa july mula nun nalaman namin na may diabetis siya. TYPE 1 ang diabetis niya, insulin dependent siya. Wala sa lahi nila may diabetis nasa lahi ko pa nga yun may diabetis kasi yun mama ko meron pero TYPE 2 siya, medications lang ang kailangan nya w/ healthy diet and excersise.
Every year meron diba sila sa kaisha ng KENKOSHINDAN (general check up) so the past years na dumaan wala naman nakita sa kanya at naaoperahan pa sya last sa tuhod at normal naman yun blood sugar niya until after a month nun naoperahan siya dun na nagsimula yun problema.
Nagstart lang siya sa simpleng kaze at akala niya kapag nag pa dextrose siya eh mawawala na. 3 days na sunod sunod nagpadextrose siya kasi di gumagaling yun kaze niya until the 3rd day eh bumigay na yun katawan niya.
Nahihilo siya, nagsusuka at parang uhaw na uhaw at doon sinabi ko na kailangan na namin pumunta ng byoin. On the way namin sa byoin nagsuka pa siya at kulay brown pa pagdating sa byoin tinanong kung ano problema at ganun na naman nagpadetrose ulit while nun nkadextrose siya sumuka na naman siya at doon chineck yun kanyang dugo at ihi.
We found out na ang blood sugar niya eh nasa 680 na pala. I was so shocked at di ko akalain na ganuon na pla kataas sugar niya so dali dali nila t inanggal yun dextrose kasi may budo daw yun kaya pinalitan ng dextrose na may kasamang insulin. Inadvice kagad ng dr. na kailangan niya na maconfine pero matigas ang ulo at uuwi muna daw siya at kinabukasan na lang kami babalik. Pinagbigyan siya ng dr. at sinabi na kailangan bukas ng umaga bumalik siya kagad.
Umuwi kami at nun pagdating sa bahay eh after 30 mins sumuka na naman siya at nagkataon nun time na yun andito si mama ko so may dala siya pangcheck ng blood sugar at yun 450 pa rin ang BS niya so nagdecide na ko tumawag ng ambulansya.
Naconfine na sya at kinabukasan bumalik ako para puntahan siya at kinausap ako ng dr. at sabi sakin na under observation siya kasi tumaas lalo yun kanya blood sugar, naging 800 at kapag di bumaba within that day ilalagay na siya sa ICU.
di ko alam ang gagawin ko pero sa awa ng diyos bumababa naman at naconfine siya for 1 month. akala namin sa umpisa lang siya magiinsoline kasi sabi naman ng dr. pwede sa impusi lang at kapag mamaintain niya ang mababa na BS eh papalitan ng gamot hangang sa di na.
Lumalala kasi yun nun siguro tumataas na pala yun BS niya tas nagpadextrose pa siya kaya yun lalo po na trigger yun diabetis niya, kung siguro chineck nun dr. na pinatignan ni hubby baka naagapan pa sana. Dito kasi tatanungin ka kung ano prob pero di naman man lang nila ichecheck yun blood mo or ihi kahit na sunod sunod na araw kana bumabalik at di naman gumagaling. gusto kong pasabugin yun clinic na yun sa inis ko.
From last yr hangang ngayon 4 times siya naconfine at eto lang nun march 2 months siya sa confine dahil ngpalit kami ng hospital at dr. at inoserbahan siya maigi nun bago niya dr. pati binago yun type ng insulin na tinuturok niya.
Evryday po 4x times siya nagiinsulin . Sa morning 16 at every meal eh depende sa taas ng blood sugar niya.
Sa case ni hubby di na po nagproproduce ng insulin yun katawan niya at kung magproduce man eh nasa 10% lang po kaya hirap po kami icontrol siya.
mahirap talaga magalaga ng mga diabetic na asawa kasi mahirap po sila kontrolin.
pasensya na po kayo nobela na , ginanahan lang ako magkwento.
Pilak
06-05-2008, 09:28 AM
Try ninyo po ang bagong product na iniindorse ng Wowowee nakita ko may product dun ang pangalan DIABET baka makatulong ito, pero consultation is much better before taking any drugs.
Take good care of your health everyone... Sa panahon ngayon bawal dapuan ng sakit....:)
sam_227
06-06-2008, 12:13 AM
[quote=summerghie;608 669]tita koring di ka nagiisa.
ang hubby ko mag 1 year na sa july mula nun nalaman namin na may diabetis siya. TYPE 1 ang diabetis niya, insulin dependent siya. Wala sa lahi nila may diabetis nasa lahi ko pa nga yun may diabetis kasi yun mama ko meron pero TYPE 2 siya, medications lang ang kailangan nya w/ healthy diet and excersise.
Every year meron diba sila sa kaisha ng KENKOSHINDAN (general check up) so the past years na dumaan wala naman nakita sa kanya at naaoperahan pa sya last sa tuhod at normal naman yun blood sugar niya until after a month nun naoperahan siya dun na nagsimula yun problema.
Nagstart lang siya sa simpleng kaze at akala niya kapag nag pa dextrose siya eh mawawala na. 3 days na sunod sunod nagpadextrose siya kasi di gumagaling yun kaze niya until the 3rd day eh bumigay na yun katawan niya.
Nahihilo siya, nagsusuka at parang uhaw na uhaw at doon sinabi ko na kailangan na namin pumunta ng byoin. On the way namin sa byoin nagsuka pa siya at kulay brown pa pagdating sa byoin tinanong kung ano problema at ganun na naman nagpadetrose ulit while nun nkadextrose siya sumuka na naman siya at doon chineck yun kanyang dugo at ihi.
Grabe:confused: na nakakatakot,kailanga n ko ng triple check si hubby.Sa ngayun di na siya umiinom ng beer last week nun di pa siya nag papa check up araw2 umiinom siya ng beer.Sa pag kain naman medyo disiplina siya di naman siya gaano kumakain ng ng rice,Panay gulay at isda na palagi ko pinapakain sa kanya.Sana naman huwag lumalala ang sakit ng hubby ko.
titakoring
06-21-2008, 09:12 PM
buti na lang at meron pa palang takot na natitira sa asawa ko at ayaw
pa nyang mautas......aba malamang na tuluyan na akong maloka....:insane:
latety medyo lay low sya sa kanin.....laging nama yasai ang kinakain nya
pag nakakaramdam ng gutom...nabawasan na din pag-inom nya ng diet
coke......dati laging ang daming moenai gomi namin...puro pet bottles un
ngaun medyo nabawasan din......at ng mag pa check-up last week medyo
bumama sa dating 370 BS last week 210 BS na lang sya...mataas pa din
pero alam ko ma ko control nya din ito.......
sako din nga natakot na e......kaya sinasabayan ko na din syang kumain
ng nama yasai sa twing kakalam ang bahay guya ko....:D......
aba karapatan ko din naman sumeksi.....alang kokontra.....:p
kaya nagbilin na ako habang maaga kung kukunin ka kako ni lord
walang takutan ha....mahal na mahal kita....pero wag mo akong
pararamdaman.....per o kung winning numbers ng LOTTO o TAKARA-
KUJI...ang msg mo...sulat mo na lang at ilagay mo sa altar....:roll:
slovet27
06-21-2008, 09:24 PM
nakakatuwa namn po kaya magsalita..:)actuall y po ung lola ko yan ung sakit before kunin ni lord.nakakatakot din po mgkasakit ng ganyan.di ba si gary valenciano ganyan yung sakit niya.ung friend ko ganyan din,lahi kz nila.hindi pede masugatan dahil hnd agad agad gumagaling.tapos kailangan lage ichecheck.kz baka mataas ang sugar level..good health po para sa husband yun..:):)
buti na lang at meron pa palang takot na natitira sa asawa ko at ayaw
pa nyang mautas......aba malamang na tuluyan na akong maloka....:insane:
latety medyo lay low sya sa kanin.....laging nama yasai ang kinakain nya
pag nakakaramdam ng gutom...nabawasan na din pag-inom nya ng diet
coke......dati laging ang daming moenai gomi namin...puro pet bottles un
ngaun medyo nabawasan din......at ng mag pa check-up last week medyo
bumama sa dating 370 BS last week 210 BS na lang sya...mataas pa din
pero alam ko ma ko control nya din ito.......
sako din nga natakot na e......kaya sinasabayan ko na din syang kumain
ng nama yasai sa twing kakalam ang bahay guya ko....:D......
aba karapatan ko din naman sumeksi.....alang kokontra.....:p
kaya nagbilin na ako habang maaga kung kukunin ka kako ni lord
walang takutan ha....mahal na mahal kita....pero wag mo akong
pararamdaman.....per o kung winning numbers ng LOTTO o TAKARA-
KUJI...ang msg mo...sulat mo na lang at ilagay mo sa altar....:roll:
Mare,salamat naman at ok na si hubby mo,diet ka na rin pala ngayon..abay,uumpisa han ko na rin,para pareho na tayong sexy.:lol:
titakoring
06-21-2008, 10:06 PM
aba, aba....ang seksi kong kumare mapakita din....mukhang bz bisihan ka
ah...naku mare 2kilo lang mawala sa akin maligayang maligaya na ko......
nd ko kayang tapatan yang katawan mo.....baka ma ospital ako.......
takot din lang ako magaya sa asawa ko kaya bawas ng konti sa lamon:D
quote=depp;626398]Mare,salamat naman at ok na si hubby mo,diet ka na rin pala ngayon..abay,uumpisa han ko na rin,para pareho na tayong sexy.:lol:[/quote]
aba, aba....ang seksi kong kumare mapakita din....mukhang bz bisihan ka
ah...naku mare 2kilo lang mawala sa akin maligayang maligaya na ko......
nd ko kayang tapatan yang katawan mo.....baka ma ospital ako.......
takot din lang ako magaya sa asawa ko kaya bawas ng konti sa lamon:D
quote=depp;626398]Mare,salamat naman at ok na si hubby mo,diet ka na rin pala ngayon..abay,uumpisa han ko na rin,para pareho na tayong sexy.:lol:[/QUOTE]
naku mare,labas din mga belbel ko,di ko kayang magdiet kasi sipunin ako,alam mo naman,haha...pag nabawasan ng vitamins katawan ko,lagot na..lakas kong kumain lalo ngayon,natsu.buti ka pa mare nabawasan,ako nadagdagan:D
bisi-bisihan nga mare,lalo na pag yasumi..KSP itong bunso ko...:)
louvette_15
06-21-2008, 11:08 PM
sis ganyan din sakit ng lola ko bago sya namatay.. ilang dekada din nyang tiniis yung di gumagaling nyang sugat-sugat sa dalawang binti na nagnanaknak na sulphur na binabad sa gaas lang ang pinapahid nya noon para mag dry..
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.