PDA

View Full Version : magkasundo ba kayo ng mga in laws nyo?


black angel
06-05-2008, 08:30 AM
sa pinas pag sinabiing byenan kontrabida daw. dito ano masasabi nyo sa mga in laws nyo?magkasundo ba kayo?

katheyrine
06-05-2008, 08:41 AM
Hi Black Angel.
Sabi ko nga nuon sa sarili ko na hinding hindi ako pipisan sa mga bienan.
Pero ngayon eh kinain ko ang salita ko. Siguro nga dahil dito ako nakapag asawa.
Nuong una sabihin ko sayo ang totoo kulang na lang eh lumuha ako ng dugo sa mga bienan ko. Di ko maispelling mga ugali ng mga ito.
Adjust dito adjust duon pero naglaon eh nagsawa na ako ng kaka-adjust.
Aba eh sila naman ang mag adjust sa akin.
Di pala pede kahit saan ang give lang ng give. Oo ng oo.
Kaya dumating na ang araw ng pagiging palaban ko. (kulang na lang eh magpatayan kami:D) jowk!
Simula nuon ayun matiwasay na kaming nagsasama.
At sa awa nga ng Diyos eh magkasundo na kami.

black angel
06-05-2008, 08:56 AM
ang case ko naman kapit bahay ko sila as in pag silip ko ng veranda e kita ko na. iba pa rin talaga yung sa isang bubong kayo at talagang magaroon kayo d pagkakaunawaan.ako nga minsan imbyerna pa rin ako di ko na nga sila kasama sa bahay.minsan sinasakyan ko na lang para hindi mahulog:p.yung friend ko sa yamagata muntik na talaga sila magpatayan ng byanan nyang lalaki at nag dilim na daw paningin nya.

brownman
06-05-2008, 09:12 AM
sobrang magkasundo kami. they also respect my decisions and what I do and plan to do for my daughter. sinabi ko sa asawa ko na pakikinggan namin mga suggestions nila pero we will make the decision for our child since we are the parents and she is still too young to make her own decisions.

mas magkasundo pa nga kami ng father-in-law ko eh kesa sila ng asawa ko. :D

wildflower
06-05-2008, 09:27 AM
Hi Black Angel.
Sabi ko nga nuon sa sarili ko na hinding hindi ako pipisan sa mga bienan.
Pero ngayon eh kinain ko ang salita ko. Siguro nga dahil dito ako nakapag asawa.
Nuong una sabihin ko sayo ang totoo kulang na lang eh lumuha ako ng dugo sa mga bienan ko. Di ko maispelling mga ugali ng mga ito.
Adjust dito adjust duon pero naglaon eh nagsawa na ako ng kaka-adjust.
Aba eh sila naman ang mag adjust sa akin.
Di pala pede kahit saan ang give lang ng give. Oo ng oo.
Kaya dumating na ang araw ng pagiging palaban ko. (kulang na lang eh magpatayan kami:D) jowk!
Simula nuon ayun matiwasay na kaming nagsasama.
At sa awa nga ng Diyos eh magkasundo na kami.


same tayo katheyrine kami din noong una di kami magkasundo ng byenan ko..magkasama pa kami noon sa isang bahay halos araw araw kami nag aaway ng byenan ko at pati sa bata ay nakikialam sya..at ako naman ay lumalaban talaga sa byenan ko..sa kakaaway namin at di magkasundo lumipat kami ng tirahan. dalawa kasi bahay ni hubby pero magkaharap lang sa bahay ng byenan ko ngayon medyo okey na kasi betsu betsu na kami at may freedom na ako nagagawa ko na ang gusto ko...at si byenan ko naman medyo nanahimik na kasi wala na syang pag iingayan pa...minsan di pa rin maiwasan magkaroon kami ng mis understanding ni byenan ko pero deadma ko na lang mahalaga may sarili na akong bahay at ako ang reyna.....matanda na rin si byenan ko ngayon kaya bawas bawas na sya sa ingay...unti unti na rin sya nagbago ngayon ciguro naiisip nya walang patutunguhan kong lagi nya akong pakikialalman at kahit saan ko gusto magpunta nagagawa ko na di tulad noon magkasama pa kami sobrang kibishii nya aalis ka lang nagagalit na sya....sa awa ng diyos sa 2 years ko dito nakaka adjust na ako sa kanya at sya rin...

Soju6
06-05-2008, 09:28 AM
Kampi sa akin mga biyenan ko kaya Happy ako pag nagbakasyon sila sa amin.

Mabait kasi sa akin si Esmi pag nandiyan sila.....sila pa nag bibigay sa akin ng pera para pang goodtime sa gabi habang si Esmi ay nag ngingitngit:hihi:.

Pag narinig nilang inaaway ako ni Esmi dahil ayaw niya akong lumabas at mag goodtime.

Sisigawan nila si Esmi......."Hayaan mong lumabas at mag relax ang asawa mo"!!!:yippee:

black angel
06-05-2008, 09:39 AM
Kampi sa akin mga biyenan ko kaya Happy ako pag nagbakasyon sila sa amin.

Mabait kasi sa akin si Esmi pag nandiyan sila.....sila pa nag bibigay sa akin ng pera para pang goodtime sa gabi habang si Esmi ay nag ngingitngit:hihi:.

Pag narinig nilang inaaway ako ni Esmi dahil ayaw niya akong lumabas at mag goodtime.

Sisigawan nila si Esmi......."Hayaan mong lumabas at mag relax ang asawa mo"!!!:yippee:

baka naman sa susunod kayo na mag away ng asawa mo nyan :p

marina
06-05-2008, 09:51 AM
okey naman kami ng byenan ko mabait naman,di naman kami magkasama sa isang bahay andun sa kapatid ng hubby ko.buti na lang di panganay hubby ko

kalembang
06-05-2008, 09:54 AM
Yung babae kong biyenan, kaya kong pakisamahan,mabait naman kasi kahit papano ,plastic madalas at intrimitida pero carry ko na rin:D
Yung biyenan kong lalake ang hate na hate ko, bukod sa maingay salbahe pa sa mga apo, at sa akin, pati yung mga halaman ko ng nananahimik pinagdidiskitahan, mga sapatos namin pinagpapatong patong parang skyflakes:mad: tapos yung mga gamit ko madalas nakikita ko sa basurahan, kung pwede lang magpalayas ng matanda sa bahay ko!!Ewan ko ba bakit sa amin nakisiksik ang mga toh, di naman panganay na anak ang asawa ko, hayy Kaya buti na lang may eb, nakakapawi ng asar:cool:

wolfgang
06-05-2008, 10:08 AM
yun biyenan kong lalake ..wala na sumalangit na pero kasundo ko yun...kasi kalog yun ehhh atsaka mabiro pero yun biyenan kong babae dati medyo kakaiba...benggatiba ..intrimida mataray at sumbungera pero simula noon namatay yun biyenan kong lalake,,,,bumait na siya sa akin kaya okies kami kaya lang minsan talaga di kami magkasundo pag dating sa anak ko(kaisa-isang apo kasi dahil nag-iisang anak yun asawa ko) kasi talagang ini-spoiled niya yun anak ko...pero dati kinikimkim ko yun pero ngayon sinasabi ko na ng diretso at mahinanhon kay obasan..naiintindiha n niya naman ako ehh kaya nagkakasundo na kami..


di kami magkasama sa bahay dahil ayaw ng asawa ko kahit noon pang bagong kasal kami pinipilit kami nila okasan na tumira sa kanila...ayaw ng asawa ko dahil may sariling pamilya na siya at ayaw niyang maging pabigat sa magulang niya...pero kung biyenan ko ang titira sa amin papayag daw siya...pero kung kami ang makikitira parang sinabi daw na di niya kayang ibahay ang pamilya niya..

nasty
06-05-2008, 10:29 AM
ako sabi ko sa sarili ko ,,,hindi ko naranasang magka nanay ,,pero nung nakaclose ko ang byenan ko sinabi ko sa sarili ko na mahal talaga ako ni LORD ,,napakabait ng byenan kong babae ...though casual lang kami ng tatay ng husband ko ,,etong si MIL talagang parang kaming 2 ang mag ina ,,,hindi ko masabing kami eh magbyenan ,,

eversince hindi ako nag effort makisama kasi wala akong dapat pakisamahan sa kaniya ...lahat nai oopen ko sa kanya ,,ultimo pagkoconstipate ko (lolz) pero totoo ..

wala kasi syang anak na babae na syang frustration nya sa buhay niya ,,,and ako din walang nanay na sya ding pinagbabasehan ko ng maganda kong treatment sa titas ko/lola ko / and sa byenan ko kaya natural na lumalabas na love ko sya na nafeel niya naman....kaya kami super bonding,,mapashoppin g man o sa kitchen pag nandito sya sa amin every 2 weeks or once a week..

uvy
06-05-2008, 10:50 AM
Magkasundong magkasundo po kami ng mga inlaws ko at wala ako naging prob sa kanila,para na din nila ako sariling anak,ganun din ako mahal ko na din sila parang tunay kong mga magulang:)

candy53
06-05-2008, 10:58 AM
yes:)very supportive mga byenan ko kahit hiwalay kami ng bahay twice a week sumisilip sa amin yun kung okey lang kami lalo na sa food may rasyon kami kung ano ano:Dnakakatulong naman sa budget;)tungkol naman sa pag dedesisyon hindi nakikialam yun:)fair din sila sa lahat ng bagay mas priority pa nga siguro ako kesa sa musume nila:Osiguro kase chonan si hubby at syempre kami mag aalaga sa kanila pag tanda nila:Di'm so lucky and so blessed to have them kase sa totoo lang mas nice pa sila kesa sa mga parents ko:)

tadashi
06-05-2008, 12:05 PM
ok naman kami ng biyenan ko..mabait,pero siyempre minsan di maiiwasang magkaruon ng di pagkakaunawaan ..ganun talaga minsan nga sarili mong magulang nakaka alitan mo pa biyenan pa kaya??pero so far sa amin ng biyenan ko wala pa kaming away na matindi puro tampuhan ,hindi kibuan pero nag uusap kami at naayos din

lollipop
06-05-2008, 12:58 PM
ang aking mga biyenan ay ubod po na bait grabe wla akong masabi.ayaw nila akong magkasakit at pumayat bka daw kc mag alala pamilya ko skin.gusto nila tawagan ko daw pamilya ko palagi sa pinas para sbin na ok ako dito.basta wala akong masabi sa kanila dahil wala rin slang masasabi skin.mabait sila dahil mabait din ako ahihihi.sana nga lang wag sila kunin ni LORD ng maaga.

mrs-mymelo
06-05-2008, 01:26 PM
NAmatay ang biyenan ko na loves ko,ang bait niya.Wala akong naging problema sa kanya.How I wish buhay pa siya.:(

Matty
06-05-2008, 02:22 PM
Sa akin naman , Yan! ang isa sa mga reasons ko kaya ko dinivorced X kong hapon ! kasi mamas boy sya ! About my in laws ko dati wala naman akong masabi kasi their very nice to me naman sa loob ng 10 yrs kong married sa X kong hapon .maliban lang minsan nakikialam talaga. so goodluck na lang sa iba nating mga ka TF na hanggang ngayon nakikisama pa rin sa mga in laws nilang japanese . right now, Im married na sa American guy so panibagong kalbaryo ko na naman sa biyenan.

zhie
06-05-2008, 02:50 PM
Oo magkasundo kami, sobrang bait ng biyenan ko... Magkasama kami sa bahay, as of now wala pa kaming naging tampuhan o away...

erokawaiiAYA
06-05-2008, 04:12 PM
Kami, nuong una, magkasundo. Pero ngayon, ... ewan... hindi na..

Meron na sigurong sampung beses akong naglayas!:mad: kaso sampung beses na rin siguro ako sinundo pabalik ni habbibi..:O

Ngayon pang labing isa na.. wala uli ako sa kanila.. Sa kasamang palad, susunduin nanaman ako pabalik mamaya sa kanila..:Oshet shet shet talaga...

rhin_15
06-05-2008, 04:16 PM
:Ddami ko palang kapareho..ako din hindi ko din makasundo yung byienan ko dami kasing bagay na di nila maintindihan:Otapos ang hirap pa magpaliwanag,,at saka kahit nagpaliwanag ka hindi mo alam ang nasa isip nila kaya nga di na ko gaanong nakikipagusap sa kanila pagkatapos ko silang awayin masyado kasing mga pakialemera kaya ngaun iniintindi ko na lang yung hubby ko,,sya naman kasi ang kinakasama ko at di na ko nagpapaapekto sa mga byienan ko nasanay na:D:D

Jyellenny
06-05-2008, 04:44 PM
Unfortunately both my in-laws have passed away na, pero I got the chance to live with my father-in-law for two years and I honestly say those were happy times we had. I love my father-in-law the way I love my dad, super bait niya. Though I did not get the chance to meet my mother-in-law (she passed away before we got married), pero people say she was one kind of a lady - a gentle ,supportive and tahimik lang na tao - sayang at hindi na kami nagkakilala.

katheyrine
06-05-2008, 04:48 PM
Kami, nuong una, magkasundo. Pero ngayon, ... ewan... hindi na..

Meron na sigurong sampung beses akong naglayas!:mad: kaso sampung beses na rin siguro ako sinundo pabalik ni habbibi..:O

Ngayon pang labing isa na.. wala uli ako sa kanila.. Sa kasamang palad, susunduin nanaman ako pabalik mamaya sa kanila..:Oshet shet shet talaga...

Kaya mo yan bunso baet!
Ikaw pa!;)
Basta ba, walang saksakan ng chopstick eh.:D
Ingat ka palagi basta at sana makayanan mo na ring maki ride sa ugali ng bienan mo para naman lagi kang pretty.
Kaya pala naman nawawala ka, naglayas ka pala.

black angel
06-05-2008, 08:25 PM
Kami, nuong una, magkasundo. Pero ngayon, ... ewan... hindi na..

Meron na sigurong sampung beses akong naglayas!:mad: kaso sampung beses na rin siguro ako sinundo pabalik ni habbibi..:O

Ngayon pang labing isa na.. wala uli ako sa kanila.. Sa kasamang palad, susunduin nanaman ako pabalik mamaya sa kanila..:Oshet shet shet talaga...

sis swerte ka pa rin at may pinupuntahan kang kaibigan. sabi ko nga oras na lumabas ako dito sa bahay wala ng balikan dahil yan ang sinabi ko sa asawa ko .

summergirl
06-06-2008, 06:24 AM
wala akong problema sa byenan ko<both>tamad lang ang babae kaya minsan ako ang nang aaway sa kanya..:D

barabara
06-06-2008, 11:40 AM
wala akong problema sa byenan ko<both>tamad lang ang babae kaya minsan ako ang nang aaway sa kanya..:D
si biyanan ko tamaddd talaga sa luto:mad:dati pag linggo don kami kain sa bahay niya kaso init ng ulo tuwing tatayo laging itay ng itay nageenarte kaya ako na ang umiwas.. pero nagyayasumi ako pag linggo sa luto dahil gusto ko kain sa labas at drive ako ni hubby ko lagi siya kasama pag hindi naku :eek:lagi akong sinisigawan konting salita ko lang:(hirap makisama sa biyanan kaya lang ina ng asawa ko, isip ko kahit ako di ko pwedeng pabayaan ang magulang ko ganon din siya kaya gamang na lang ako..:):D

musikaghie
06-06-2008, 02:36 PM
Magkasundo kami ng mga biyenan ko, kasi di namin sila kasama sa bahay, Nasa Kawasaki sila nakatira. Mababait naman sila, pero siyempre di ko rin alam kung paano na kung kasama ko sila sa bahay.

Sa iisang bubong mo lang talaga malalaman ang tunay na ugali ng isang tao...
Iba kasi yung nagkikita kita lang pag may okasyon o paminsang pagdalaw lang,
Kaya hanga ako sa mga ka TF natin na kasama ang mga biyenan nila at napapagtiisian nila kung ano ang pag uugali~~~~~:)

freegirl
06-12-2008, 08:43 AM
hindi ko sila kasundo kaya lumipat ako ng tirahan. Bakit ko naman paparusahan ang sarili ko sa pag-intindi ng ugali nila,magkakasakit lang ako sa kanila. Maganda talaga yung may laya ka na gawin lahat ng gusto mo.

joamie_tera
06-12-2008, 09:16 AM
Naranasan kong makasama ang mga inlaws ko, 5 yrs kaming magkakasama sa isang bahay, ok naman mabait naman kasi sila, pati brother and sister in laws ko magkakasama kami sa iisang bahay. Pero dumating ang time na napapansin ng byenan kong babae ang way ng pag aalaga ko ng mga anak ko kasi naging hima sya mula ng namatay ang father in laws ko, katulong nya ako sa pagtingin kay ojiichan kasi bed ridden sya. Pero ng mawala ito siguro dahil hima sya meron syang di nagustuhan sa ginawa ko sa anak ko na para sa akin ay walang masama dahil that way naman kami pinalaki ng magulang ko, don nag start ang maliit na away namin na pati asawa ko ay nakihalo. So para di lumaki nag bukod na kami ng bahay na umalis kami sa bahay na yon na iayos ang lahat para kahit bukod ng bahay syempre close kami. Sa ngayon close na kami ni obaachan, pag may away nga kaming mag asawa eh si mr. ko pa ang pagsasabihan nya. Broadminded kasi si byenan, hindi porke matanda sya isip matanda ang pagaganahin nya, Awaseru nya ang isip nya sa mga bata, at pag may bisita akong pilipina aalis sya dahil ayaw nya na ki tsukau ang mga bisita ko. Sabi nga ng byenan ko, kaya siguro nakatagal kami sa isa't isa kasi pareho kaming may gamman... Kasi kung both of us ay sasabihin mo ang lahat ng ayaw nyo sa isa't isa talagang di kayo magtatagal. Yan lang po ang ma i share ko.

titakoring
06-12-2008, 03:25 PM
asus....ang dami nila....:p.....un mga babae ang kontrabida.....:p... .kaya itong
kasama ko ngaun tanong ko agad me nanay pa ba sya?......oo daw kaso nsa
province...kaya pde na.....:D

kalbaryo ang byenan.....siguro nd lang ako swerte.....nauuwi sa nd maganda
pagsasamahan...sa umpisa lang okey......kaya ng nagbukod ako pra akong
nabunutan ng tinik......:p......p ra kasing nakatuntung ka sa numero....naka-
kapagod at nakaka stress.....:O....

me dalawang manugang na ako....pero sabi ko sa kanila.....ayokong sama-
sama kami sa bahay......lumayo sila sa akin.....:D

erokawaiiAYA
06-12-2008, 03:48 PM
asus....ang dami nila....:p.....un mga babae ang kontrabida.....:p... .kaya itong
kasama ko ngaun tanong ko agad me nanay pa ba sya?......oo daw kaso nsa
province...kaya pde na.....:D

kalbaryo ang byenan.....siguro nd lang ako swerte.....nauuwi sa nd maganda
pagsasamahan...sa umpisa lang okey......kaya ng nagbukod ako pra akong
nabunutan ng tinik......:p......p ra kasing nakatuntung ka sa numero....naka-
kapagod at nakaka stress.....:O....

me dalawang manugang na ako....pero sabi ko sa kanila.....ayokong sama-
sama kami sa bahay......lumayo sila sa akin.....:D

ha ha ha:D tita koring , sana pala yan din muna ang tinanung ko sa asawa ko noong una kaming magkita.. tsaka na yung keitai bangou.:D

Ang masarap lang kasi kung wala kang anak, kahit ora mismo kaya mong lumayas ng bahay, dahil kung mag isa ka lang, kahit saan ka maapadad, ke makitira sa kaibigan okay lang, kayang kaya mong tiisin.

Kaya lang pag me maliit ka na, me sabit na, nako po! wala ka nang magawang hakbang...tawagin mo na lang lahat ng santong kilala mo!:O at humugot ka na lang ng Pasensya sa biscuit!:O....:D

titakoring
06-12-2008, 04:35 PM
Kaya lang pag me maliit ka na, me sabit na, nako po! wala ka nang magawang hakbang...tawagin mo na lang lahat ng santong kilala mo!:O at humugot ka na lang ng Pasensya sa biscuit!:O....:D

4yrs old un anak ko ng nilayasan ko un byenan ko at nakitira panandalian sa
kaibigan...palibhasa nd naman sanay un anak ko na me kasama sa bahay....
spoiled kasi sa mga byenan ko....ayun tinawagan ng anak ko un lola nya at
nagpasundo na uuwi na daw sya......

shoganaine....anak ko na mismo nagsabi na dun sya sa lola nya.....kinausap
ko naman sya kahit sa murang isipan nya.......na pag sumama sya sa lola nya
nd nya ako makakasama dun muri na.......

naiyak na lang ako ng sabihin nyang tamani kitte chodai mama.....alam ko
naman na buhay din ng mga inlaws ko ang anak ko...at kahit nga sa lamok
nd nila pinadadapuan...e di buhay dalaga ulit ako....:D.....

sinamantala ko naman un sa walang patid na kaka trabaho....omese sa
gabi....bedmaking sa Hilton sa umaga....pra lang nd ko maisip un bata....
mismo mga byenan ko pa ang nag dedemand na puntahan ko un anak ko
kasi talagang ayokong makita un mukha ng byenan kong babae...at sinabi
ko un ng hakiri sa byenan kong lalake.......kaya sya ang naghahatid sa anak
ko sa tinitirahan ko pag weekends

sa ngaun okey na kami ng byenan kong babae.......tama na un ganon
minsan na lang kung magkita.......

erokawaiiAYA
06-12-2008, 05:07 PM
tita koring! 4 years old??? ah.. pwede na talaga yang iwan!:D joke lang..
maliit pa talaga kasi yung sa akin..:O dalawang taon pa lang, kaya medyo mahirap pa:O mga dalawang taon pa ang hihintayin ko.....
siguro dalaga na din ako!!!:D
ha ha ha!!!

humanda silang lahat sa akin!!!! :D

nakaka stress talaga dito.....tita koring....:O

antigojp
06-13-2008, 04:11 PM
divorce po ako but from my experience yung ex-biyenan ko eh maski sino talaga mahirap makasundo.

Buti naman at nasa side ko yung ex-hubby ko kaya malaking tulong din yun.

Mukhang mas marami atang magkasundo sa poll.
Ganbatte na lang po sa hindi kasundo.;)

Inday_36
06-13-2008, 07:06 PM
Wala akong kaproble-problema sa biyenan ko and I'm so blessed to have a good father-in-law like him.

yk25
06-18-2008, 03:53 PM
di ngako sure kungtama na sinagot ko etong poll kc di iko nmn kilala inlaws ko!khit pagtpos nmin ikasal ng asawa ko di pa rin nya ko pinakikilala sa pamilya nya.Meron nga syang 3anak sa una nyang asawa khit cla di ko kilala kc ang reason ng asawa ko mga dalaga na daw kc un at bka di nla maintindihan na nagasawa na papa nla!dba mas dpat maiintindihan nla?

yuki
06-18-2008, 06:14 PM
ako naman di ko kasundo yung papa ng honey ko.bagong dating ko sa japan nun nakatira kami sa bahay nila.yung mama ng honey ko mabait mahilig magluto.since ng work me nun 9am ng umaga til 6pm na ng hapon.kahit pagod me workganun talaga pag kapisan yung matatanda ayun talagang puro trabaho.help pagluto hugas etc....lately napansin ko nakasimangot na papa nia sa akin.na bakit i have to work na dapat bahay lang daw me.naku...alam naman nia me anak ako nasa pinas pa nun kelangan magwork din me no:mad:ayun khit ano na pinagsasabi na hitaksu daw me magnihongo...pag yasumi ko naman ciempre pagod i have to rest in bed ayaw me patulugin:eek: and kahit saturday gumicing daw ng maaga.naku po one time nun nalate kami magicing ni honey ko ayun galit na galit.pinagtutobtub ba naman dingding para magicing kami.......mabait naman c okasan kaya takot sa asawa nia e.minsan naman nagkasakit me nalate me kumain ng agahan ayun dakdak ng dakdak habang kumakain me.buti nakapagcontrol pa me yung gamit kong chopstick isaksak ko kaya sa bibig nia....dumating yung climax napuno me sabi nga pag naipon pacencia sasabog bulkan:eek:hiitaksu daw me magnihonggo kaya cia mismo bumili ng dapat kong pgaralan na hon.gulat me puro kanji pa yun ha:Ddios me ano to atama ukashi talaga tong matandang to.ciempre busy me nagwork kaya ala time mag aral ng kanji nia hehehe.after 2 weeks icheck nia daw yung pinapagawa nia kanji sa kin e puro blank o naman yun.

yuki
06-18-2008, 06:23 PM
gomen ne.medyo naputol e.tapos pinatawag me nasa taas kc room namin ng honey ko.baba kami asawa ko.ayun galit na galit na tamad daw ako bakit ganun daw ako.ako naman tahimik lang.but mapulapula na mata ko lapit na umiyak.til sabihin nia sabay lagpak ng kamay nia sa mesa sinigawan ajko anata baka da ne:eek:nagulat ako.naginit ulo ko.daikirai ko kc salitang baka e.ayun sabay tayo ko sabay bagsak din ng kamay ko sa mesa sinigawan ko cia watashi baka janai anata atama ukashi.....di makapagsalita nun honey ko at yung okasa nia.usap cila but lingid sa kanila ayun lumayas me sa bahay.sumama honey ko sa akin check in kami hotel nun.til di ko na talaga kaya yunh biyenan kong lalaki nanonobar na cia.kaya yun lumipat kami dito sa tokyo.ngayon peace na rin kami nung biyenan kong lalaki.minsan dumadalaw kami dun sa yamanas:Dhi