View Full Version : tulong naman kung paano paginvite sa tatay ko
luckycharm
06-05-2008, 02:49 PM
hello mga katfers:)
alam ko marami na pong tanong tungkol sa pagiinvite ng relatives pero gusto ko sana iderekta itong tanong ko sa inyo. Gusto ko po kasing iinvite for the first time ang tatay ko sa Manila na makapunta dito sa Japan,tourist lang o bakasyon lang po sana.
alam ko iba na kasi ang proseso ngayon.sana po may matyagang magturo kung paano ang step by step at kung ano po ang dapat gawin ng asawa ko o dapat kunin na papeles dito at ganon na rin sa tatay ko.
ayoko kasi madeny sya kasi po may karamdaman na baka lalong maging sensitive pag nadeny. kawawa naman po. Paki na lang. thankyou po at May God bless you kapatid.
luckycharm
06-05-2008, 03:58 PM
sana may sumagot..nahihilo na ko sa kakahanap ng thread sa paginvite ng magulang ..di ko pa rin makita. I will greatly appreciate kung sino man sasagot.salamat. deed of the day nyo na po kung makakpagshare kayo.thankyou po.
ang magiging rason ko po ay para makita nya ang apo at makilala ang mga biyenan ko at para makatulong sa pagalaga kasi caesarian po ako.
itchay
06-05-2008, 04:12 PM
hello luckycharm,
sorry, just read your PM.
please take note bago na ang procedure sa visa application ngayon.
it has to go through accredited agencies na po.
click this link for more details, http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/e-dairijan2308.htm
for general information on visas, http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/index.htm (you can also see the sample forms on this page)
for list of requirements ng visa for a visiting relative, http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/new%20visa/visit%20relatives.ht m
Requirements:
1. Philippine Passport
2. Visa Application Form
3. Photo
4. Birth Certificates to prove relationship (yours and your father's)
5. Marriage contract (if the applicant is married)
6. Invitation Letter
7. Family Registration (Koseki Tohon)
8. Residence Certificate (Juminhyo)
9. Foreign Registration Certificate from City Hall, Passport Copy (all pages) or a copy of Foreign Registration Certificate (Card)
If Applicant shoulders all the expenses,
1. Bank Certificate
2. Income Tax Return
If Guarantor in Japan shoulders any part of Travel/Living Expenses,
1. Guarantee Letter
---------------------------------
hope this helps.
i'm sure excited na father mo to see his grandchild.
good luck on the application! :)
Matty
06-05-2008, 04:14 PM
Sa tingin ko , Madali lang naman ang pag invite ng parents . kasi ako 2 times ko ng nainvite non ang father ko . wala na kasi mother ko so sya na lang ininvite ko dito. and my other sisters before. madali lang naman . depende sa irereason mo. tingnan mo sa website ng japanese embassy Phil. at makikita mo don kung papano pag invite For visiting relatives . nandoon yung mga kailangan mong gawin at me form sila don na puwedeng idownload . na Invitation letter at guarantee letter din na form . at sa agency na authorized lang nila ka puwedeng ipalakad nasa site din nila yung lalapitan mong agency . goodluck!
luckycharm
06-05-2008, 04:24 PM
Hi itchay and Matty :)
thankyou for responding. God bless you.
Ask ko rin kung saang Agency sa Manila ang dapat puntahan kasi nga iba na ang proseso di ba ???
Ang asawa kong Japanese po lahat ang sponsor sa pagkuha sa kanya,kaya dito po mangagaling lahat ang gastos para sa pagpunta nya.
Also saan po maganda at makakamura na bilihan ng ticket papunta dito sa Japan pag nabigyan po sya ng visa ???
Maraming salamat po ulit.
Matty
06-05-2008, 04:52 PM
Sis, meron don sa Dusit hotel na agency na Authorized nila kasi yung sister ko doon ko pinalakad yung papers nya sandali lang sila mag process. good service talaga sila. 2,500 pesos ang processing fee nila doon. depende saiyo kung saan ka malapit na agency . basta sigurado na authorized lang ng embassy ha! about naman sa ticket puwede ka ring magtanong don sa agency or baka me alam ang mga ka TF natin na mas murang Air ticket . gambatte ne.
luckycharm
06-05-2008, 04:55 PM
hi sis matty, kelan mo ba kinuha relatives mo at sino kinuha mo tatay mo ba o nanay mo ? saan kayo bumili ticket sis ? thankyou ha. have a great day.:)
Matty
06-05-2008, 05:11 PM
Sis kakukuha ko lang sa Sister ko itong march lang. pauwi na nga sa pinas soon eh! Doon sya lumapit sa Universal holidays sa Century park hotel branch yon ng Dusit hotel sa Makati na Universal holiday agency din kasi sa Edsa laging me rally kaya doon sya nireffer sa C. Park hotel kasi Q.C kami nakatira. doon din sya yata nagtanong ng ticket.
About naman sa Father ko matagal na baka last 2 or 3 yrs na yon. nung kuhain ko sya. maghintay ka lang baka me suggestion din ang mga ka TF natin about the ticket stuff ok?
magandang araw po sa inyo lahat...im planning to visit my tito panu po kaya pag process nung visa q nun? mgkanu po kaya magagastos q lahat lahat? thank's po...he got married with japanese woman is it easy for them to be my sponsor?
japhil
06-05-2008, 07:01 PM
Sis kakukuha ko lang sa Sister ko itong march lang. pauwi na nga sa pinas soon eh! Doon sya lumapit sa Universal holidays sa Century park hotel branch yon ng Dusit hotel sa Makati na Universal holiday agency din kasi sa Edsa laging me rally kaya doon sya nireffer sa C. Park hotel kasi Q.C kami nakatira. doon din sya yata nagtanong ng ticket.
About naman sa Father ko matagal na baka last 2 or 3 yrs na yon. nung kuhain ko sya. maghintay ka lang baka me suggestion din ang mga ka TF natin about the ticket stuff ok?
sis makikisali na po ang name po ba ng travel agency is Universal holidays:confused: meron po bang site ang travel agency na pinupuntahan nyo sana kung meron po pasensya na po pwedeng pa paste nalang po ng link dito. hanap po kasi ako ng hanap diko makita ehh.
salamat po
Matty
06-05-2008, 07:14 PM
www.universalholiday s.com
Matty
06-05-2008, 07:19 PM
Try nyo dyan maganda din dito magpalakad sa universalholidays .
Ground Fl., Century Park Hotel
P. Ocampo Sr. St., Malate, Manila
Walk-in Only
Makati Branch
3rd Fl. Dusit Hotel Nikko,
EDSA Ayala Center Makati City
02-815-3048
japhil
06-05-2008, 07:25 PM

maraming salamat po:)
Matty
06-05-2008, 07:30 PM
Walang anuman iha! goyukkuri mitte ne...;)
ano po kaya ang magandang dahilan sa pag invite sa kapatid or sa magulang, first time ko po sila invite kasi, thank you po
angelica
07-19-2008, 02:10 PM
base on experience sis..
pag magulang o lola puwede na yung simpleng reason na gusto mo lang silang papasyalin dito para makasama dahil hinde ka makauwi sa pinas,dahil may work,may schooling ang mga bata,etc..etc..
pag kapatid/auntie/uncle/pinsan- para samahan bumiyahe si lola dahil matanda na at baka di na kayang bumiyahe mag-isa...or mag-aalaga ng mga chikiting patrol..
again,.of course its case to case basis but theres nothing harm in trying.aight?
thank you po angelica sa answer mo, may isa pa po ako tanong, pwede bang pag sabayin ko ang ate ko at nanay ko na invite dito sa japan? at ano po ba ang pag kakaiba ng invitation letter at guarantee letter?ano po ba sa nihonngo ang mga ito.?thank you po
kristen
07-21-2008, 07:54 PM
hello pwede naman po pagsabayin ate at nanay mo. may mga sample po dito ng invitation at guarantee letter. meron japanese and english at lahat po ng links about sa visa meron din po. sana makatulong po. http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/index.htm
boycan2_tero
07-21-2008, 08:25 PM
hello po mga ka_TF eto po link.. list ng mga accredited agencies satin sa pinas...
http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/new%20visa/listofagents1.htm
angelica
07-22-2008, 07:22 AM
thank you po angelica sa answer mo, may isa pa po ako tanong, pwede bang pag sabayin ko ang ate ko at nanay ko na invite dito sa japan? at ano po ba ang pag kakaiba ng invitation letter at guarantee letter?ano po ba sa nihonngo ang mga ito.?thank you po
:)
sorry ngayon ko lang napansin to e.
opo mas maganda pag sinabay mo na lang ang ate mo sa nanay mo.reason kung bakit mo iniimbitahan ang isang tao ang invitation letter,,,while guarantee letter naman is ginagarantiyahan mo ang pagpunta ng isang tao dito na hinde sya mgo-overstay etc.etc.~
招へい理由書ーinvitat ion letter
身元保証書ーguarante e letter
thank you angelica at kay kristen sa answer nyo m, malaking tulong ang info. na ito .. salamat ulit ng madami.
japhil
07-28-2008, 11:59 AM
pwede po bang mag tanong sana me makasagot:) yung sister ko po gusto kong papuntahin dito sa japan kasi malapit na po akong manganak pero wala po kaming kakilala na japanese na pwedeng mag guarantor sa kanya:( visa ko po PR then asawa ko po pilipino 3 yrs visa po, kahit po ba kami nalang ang mag guarantor sa kapatid ko ok lang po ba?

sis khit kyo ang mg guarantor ok po basta ung mga papers n submit nyo e complete... mdl mo mkuha sis u lalo n manganganak k ... get k lng ng med cert s doc u sma mo s papers n ppdla mo. kasi me nkuha ko sis ko b4 e ... gudlak po:D:D:D
Guramarasu
07-28-2008, 12:13 PM
pwede po bang mag tanong sana me makasagot:) yung sister ko po gusto kong papuntahin dito sa japan kasi malapit na po akong manganak pero wala po kaming kakilala na japanese na pwedeng mag guarantor sa kanya:( visa ko po PR then asawa ko po pilipino 3 yrs visa po, kahit po ba kami nalang ang mag guarantor sa kapatid ko ok lang po ba?
maraming salamat po:)
Walang problema kung PR ka na. Basta kumpleto ang maipapasa mong papeles, madali na ang pagpo-process. Malaki rin ang tsansa na mababaan ng visa. Note: Kailangan kumpleto ang papeles. Itanong mo na lamang ulit kung may inquiry ka regarding sa pagkuha ng mga papeles.
Here, bigay ko sa'yo ang link.
http://www.ph.emb-japan.go.jp/visiting/new%20visa/visit%20relatives.ht m
japhil
07-28-2008, 12:19 PM
ganon po ba kahit pala wala ng japanese pwede na pala kaming mag-asawa lang maraming salamat po mga sisters:).
ganon po ba kahit pala wala ng japanese pwede na pala kaming mag-asawa lang maraming salamat po mga sisters:).
yes pwde po basta complete requirements nyo:D:D:D
Matty
07-28-2008, 01:44 PM
pwede po bang mag tanong sana me makasagot:) yung sister ko po gusto kong papuntahin dito sa japan kasi malapit na po akong manganak pero wala po kaming kakilala na japanese na pwedeng mag guarantor sa kanya:( visa ko po PR then asawa ko po pilipino 3 yrs visa po, kahit po ba kami nalang ang mag guarantor sa kapatid ko ok lang po ba?
maraming salamat po:)
Sis di mo na kailangan na mag hanap ng japanese guarantor kung PR ka naman ..ikaw ang mag guarantor sa ate mo. at lalo na buntis ka pa . malaking chance yan na makuha mo ate mo. ako kasi PR din at nakuha ko ang ate ko ng 8 mos. na tiyan ko sa pamamagitan lang ng papeles ko. 6 mos . pa nga syang nag stay dito sa japan. basta kompleto yung papers mo . madali lang .:D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.