View Full Version : The things we did / do for our kids
brownman
06-07-2008, 05:47 PM
Sometimes parents do silly things just to make their kids / babies sleep, eat, go to school etc. etc. What do / did you do for you kids? Things your friends/relatives do / did are also welcome.
I put my baby to sleep by sitting on our balance ball while carrying her and bouncing up and down.:)
I have a Japanese friend who put her daughter to sleep when she was still a baby by taking two steps forward then two steps back (literally) while saying "Mae, mae, mae, ushiro, ushiro, ushiro":D
My Indian friend said that when her son had this eating problem they had to watch TV. while watching TV, her son would chew his food. when she turned the TV off, her son would stop and swallow. so, patay sindi ang TV nila during meals:D
kayo po?
tfcfan
06-07-2008, 08:16 PM
I sung them, "Dandansoy~~(a visayan lullaby song) pati si mister nakagawian ang ganyang pagpapatulog sa anak namin..:p or sometimes brush their hair with my fingertips until they fall asleep or kantahan sila ng "enzy,wenzy spider"na mabagal ang tono, pampatulog na boses ika nga...:)
mamimo
06-10-2008, 09:42 AM
Ang anak ko naman ayaw aabsent sa yochien pero super kupad kumilos sa umaga at ni ayaw galawin ang breakfast nya so pag gahol na sa oras sinasabi kong matutulog na lang ako at mag-yasumi na lang sya dahil late na hayun magmamadaling kumain at kukunin na ang abubot nya baby cologne, powder, etc para makapagbihis na rin.:)
antigojp
06-13-2008, 04:50 PM
share ko lang po.
during pregnancy, I was listening to QUEEN's CD in full volume talaga.
Then i found out nung pinanganak ko ang baby ko, she stops crying whenever she hears the same CD .
Nagkataon lang ba or narecognize nya yung muzik:confused::conf used:
katheyrine
06-13-2008, 05:11 PM
Hi Brownman, pasali po sa thread mo.
Ang anak ko, one year old and 3mos na sya at ito ang habit nya sa pagtulog na ako rin siguro ang gumawa.:O Di sya tutulog ng di kami magka holding hands at kakanta ako ng kanta ni Miffy (yung rabbit na character) actually yung name nya sa kanta eh Miffy talaga pinaltan ko lang ng name ng anak ko ..Sawa, Sawa-chan, Minna dai suki...akai na hope to marui me suteki... , Sawa, Sawako ishonni asobi masu yo..maya-maya lang inikot na mata nya sa antok:D. Tapos kakalikutin po nya ang ilong ko, tenga ko, bibig ko..minsan susundutin pa ang mata ko. Di ko naman mapagalitan kasi mawawala ang antok nya. Pag di sya talaga makatulog ayun kinakamot ko ang kanyang ulo with matching masahe pa sa likod...tsk tsk tsk..mabisyo ang batang ito.:O:D:p
Sa pagkain naman..kailangan naka upo na kaming lahat. Di sya kakain ng walang itadaikimasu at wala yung cup nya na Wan-wan chan naman ng inai-inai bah na program sa NHK tapos di sya kakain ng di sya magka kampai muna, sabay inom ng juice nya at subo na sya ng pagkain nya...hay grabecious..kahirap. .
Sa ofuro naman nakuuuuu di pedeng di nya kakalikutin ang aking pusod..tiis ako kesa magwala ang lukang bata:D..pag kuntento na sya ayun tsaka sya pedeng shampuhan...
chevelle:)
06-13-2008, 05:22 PM
Naalala ko tuloy mama ko, galit na galit sa akin noon kasi binibigyan ko daw ng habit anak ko. kasi nung baby pa sila yung panganay ko hindi yan matutulog hanggang hindi nakadapa sa may dibdib ko. with matching the hagod-hagod ng likod pa yun:p yung bunso naman kailangan may I dance ako with the music pa habang nakadapa naman sya sa pillow na karga ko:p
ngayon naman malaki na, para kaming mga sira, pag-ayaw kumain sabihin ko sino kaya mas malakas kumain si power red, si power black o si power pink?(power rangers) amfusa!!!! pati asawa ko sya daw si power blue!!!:D
summergirl
06-13-2008, 07:25 PM
di tayo matatapos pag binanggit ko ang mga things para sa mga anak ko...I gave them the very best that I can..Love..attention and my presences that they need me.Comfort them ,take care of them...Everything..
katheyrine
06-14-2008, 10:31 AM
:DNaalala ko tuloy mama ko, galit na galit sa akin noon kasi binibigyan ko daw ng habit anak ko. kasi nung baby pa sila yung panganay ko hindi yan matutulog hanggang hindi nakadapa sa may dibdib ko. with matching the hagod-hagod ng likod pa yun:p yung bunso naman kailangan may I dance ako with the music pa habang nakadapa naman sya sa pillow na karga ko:p
ngayon naman malaki na, para kaming mga sira, pag-ayaw kumain sabihin ko sino kaya mas malakas kumain si power red, si power black o si power pink?(power rangers) amfusa!!!! pati asawa ko sya daw si power blue!!!:D
sis Chervelle, type ko to ha! gagayahin ko yan kapag apat na ang anak ko!
tip ito ha!:p;):D
brownman
06-14-2008, 05:37 PM
Hi Brownman, pasali po sa thread mo.
Ang anak ko, one year old and 3mos na sya at ito ang habit nya sa pagtulog na ako rin siguro ang gumawa.:O Di sya tutulog ng di kami magka holding hands at kakanta ako ng kanta ni Miffy (yung rabbit na character) actually yung name nya sa kanta eh Miffy talaga pinaltan ko lang ng name ng anak ko ..Sawa, Sawa-chan, Minna dai suki...akai na hope to marui me suteki... , Sawa, Sawako ishonni asobi masu yo..maya-maya lang inikot na mata nya sa antok:D. Tapos kakalikutin po nya ang ilong ko, tenga ko, bibig ko..minsan susundutin pa ang mata ko. Di ko naman mapagalitan kasi mawawala ang antok nya. Pag di sya talaga makatulog ayun kinakamot ko ang kanyang ulo with matching masahe pa sa likod...tsk tsk tsk..mabisyo ang batang ito.:O:D:p
Sa pagkain naman..kailangan naka upo na kaming lahat. Di sya kakain ng walang itadaikimasu at wala yung cup nya na Wan-wan chan naman ng inai-inai bah na program sa NHK tapos di sya kakain ng di sya magka kampai muna, sabay inom ng juice nya at subo na sya ng pagkain nya...hay grabecious..kahirap. .
Sa ofuro naman nakuuuuu di pedeng di nya kakalikutin ang aking pusod..tiis ako kesa magwala ang lukang bata:D..pag kuntento na sya ayun tsaka sya pedeng shampuhan...
cute naman. mukhang malambing anak mo.:)
share ko lang po.
during pregnancy, I was listening to QUEEN's CD in full volume talaga.
Then i found out nung pinanganak ko ang baby ko, she stops crying whenever she hears the same CD .
Nagkataon lang ba or narecognize nya yung muzik:confused::conf used:
hmmmm........... very interesting. sabi nila, babies already recognize voices and different types of noise and music during some stage in a woman's pregnancy. kaya nga daw pag laging nag-aaway ang mag-asawa during pregnancy, ayaw ng baby sa tatay paglabas.:p
Naalala ko tuloy mama ko, galit na galit sa akin noon kasi binibigyan ko daw ng habit anak ko. kasi nung baby pa sila yung panganay ko hindi yan matutulog hanggang hindi nakadapa sa may dibdib ko. with matching the hagod-hagod ng likod pa yun:p yung bunso naman kailangan may I dance ako with the music pa habang nakadapa naman sya sa pillow na karga ko:p
ngayon naman malaki na, para kaming mga sira, pag-ayaw kumain sabihin ko sino kaya mas malakas kumain si power red, si power black o si power pink?(power rangers) amfusa!!!! pati asawa ko sya daw si power blue!!!:D
go go power rangers!:D
di tayo matatapos pag binanggit ko ang mga things para sa mga anak ko...I gave them the very best that I can..Love..attention and my presences that they need me.Comfort them ,take care of them...Everything..
I'm sure you're a good mother and that you give them the very best. but, was there anything you thought was silly? there are things we do so that our kids will do something in return. just like what the others have mentioned. kung meron lang po:p
chevelle:)
06-15-2008, 09:53 PM
:D
sis Chervelle, type ko to ha! gagayahin ko yan kapag apat na ang anak ko!
tip ito ha!:p;):D
ha...ha...talaga kath, minsan para kaming sira, lalo na pag humihinto na yung pagsubo nila sabihin ko ay makeru ne! yappari pink no hoga tsuyoi:p:D sa dami ng ginagawa ko para mapakain ng marami ang mga anak ko, yan yata ang pinaka-effective. masyado kasi pihikan itong dalawang ito eh:O
go go power rangers!:D
ha...ha...go..go..po wer rangers talaga. bigla nga nagkaroon pa ng power white, power violet at power orange para sa lolo, lola tito at tita nila eh. sus mio! naubusan na ako ng colors kasi gusto lahat ng banggitin nilang pangalan ng kamag-anak namin may power pa din:D:O
isa pa sa isang kalokohan siguro na nagagawa ko at eto nga napagalitan ako ng isang friendship kanina lang sa phone. masyado ko daw pinapagod kasi sarili ko. everyday kasi ipinapasyal ko talaga mga anak ko. as in religiously yun. kasi those times na wala ako sa bahay for more than 10 hours habang nag-work doon ko binabawi. pasyal kami tapos minsan bonding pa sa bahay kaya ang labas pinakamahabang tulog ko sa isang araw ay 4 hours. kaya minsan para na ako bangag:D:O ganyan kami ng mga anak ko lalo pag weekends or yasumi ko, punta kami ng karaoke at 2 oras kaming kakanta ng anpanman at go-onger:p(kahit nakapikit yata saulado ko na yun) tapos pag-uwi basta yasumi si mommy, bake ng cookies or cake para sa merienda or breakfast sa pagpasok sa school kinabukasan. malakas sila kumain pag sila ay katulong ko nag-prepare ng food nila. jikan kakaru nga lang:O
nasty
06-15-2008, 11:01 PM
no#1
yung bunso ko naman po ,,di pwedeng isa lang ang pacifier niya kailangan 2 lagi isa sa kamay niya yung parang sa atin nangungutong at isa yung futsu na chinuchuchu niya,,,
alam niya po yung pang kamay niya and alin ang kulay ng sa mouth niya ,,kaya po pag nawala ang isa tyak di makatulog,,,kaya po ang pacifier niya sa bahay 6 na piraso ,,,
para pag nawala ang isa di na kami maghahanap ,,,dahil minsang nawala til morning magbukas ang kusuriya umiiyak ,,nun pala nasa ilalim ng futong,,,
nagdesisyon na nga kami na bubuwelo lang at ititigil kasi yokunaii yun alam ko,,,may mga pangalan pa at apelyido ang kanyang pacifiers,,,
hay naku maloloka ako ,,at ang tawag niya nga po po pala sa pacifier is "JARAN!"kasi po naumpisahan yan ng 2nd child ko na nagpacifier din,,,pag nawawala yung pacifier niya ,,at nakita namin pag hinanap namin sasabihin namin "JAran!" kaya naging sonomama na na yun ang tawag sa pacifier....
no#2
yung eldest ko naman di makatulog pag wala yung unan sa mukha niya since akachan sya nun...minsan nga nagpapanic yung mga nakakakita kasi nakatakip yung mukha niya baka daw di makahinga,,,,,yung gauze na lampin naman tinanatatakip ko para di naman mamatay syempre anak ko,,,ewan ko po ba at til now ganun yung batang yun,,,yung unan di sya gumagamit ,,sa mukha lang nya....and di po sya makatulog pag naka brief:p
no#3
di sya makatulog pag wala yung kanyang doll na si pipay at si baby unggoy....pag nga may punishment say sasabihin ko di ko patatabihin sayu si pipay...ayun aatungal na,,baby pa pop sya eh katabi na nya yun,,ewan ko ba kung anu meron dun sa mga manika niya...
at kung si kuya ay di naguunan,,,si ate namin laging 2 ang unan minsan 3 pa kaya pinagagalitan ko at chinechek everynight kung ok ang unan niya kasi baka madeform ang spinal cord niya..kaya pag tulog na tinatanggal ko unan niya..isang manipis na makura lang ang tinitira ko.....
hay kapagod magtype,,3 anak 3 iba ibang ugali ,,pagtulog pa lang mapapatunayan na...
titakoring
06-15-2008, 11:15 PM
ako makungkot pag dating sa mga anak ko......ni hindi ko nga alam un
favorite food, color,subject,ect... .ect....madalas nd kami nagkasundo
pare pareho kaming estranghero sa isat-isa......nd ko naman pinagma-
malaki o pinagkakalandakan pang ganon akong klaseng ina....
lumaki silang wala ako sa tabi nila.....nag-iisa kasi ako para itaguyod
sila.....sa kabila nun pinilit ko naman silang bigyan ng sobra sobrang
ginhawa sa buhay.......
nagkapag-aral sila sa sikat at mamahaling school.......lahat ng gustuhin
nila isang dial lang sa akin pde ng bilhin bukas......
lahat ng pagsisi nasa huli......madalas ko isipin kung nd ko kaya sila iniwan
at sama sama lang kami.......ano kaya buhay nila ngaun......madalas pa
din me sumbatan kami.....nasasaktan pa din ako......lalo na un 2 anak kong
lalake na me sariling pamilya na din ngaun.....medyo dun nabawasan ang
tensyon sa pagitan namin ng 2 anak kong lalake....un hirap ng magdala
ng pamilya medyo nauunawaan na nila ngaun......
dumating din sa amin un manghingi ng sorry at magpatawaran.....kay a
ang laging bilin ko sa kanilang 2....pilitin nyong wag umalis sa tabi ng mga
anak nyo......dahil mauulit at mauulit ung lungkot na napagdaanan nyo...
pilitin nyong gawin un ng balanse...pra wag din kayong masumbatan
pag dating ng araw......un binigay ko sa inyo.....kayanin nyong ibigay din
sa mga anak nyo sa sarili nyong pagsisikap.....
salamat na lang at maagang nag matured na si regz un panganay ko......
naka unawa sya.......nagkakapag-usap kami ng maaus....sya ang
takbuhan ko sa mga problema ko.......halos lahat sya na ang gumagawa
ng dapat kong gawin sa mga kapatid nya........na appreciate nya un mga
pagsusumikap ko......pra nga kaming mag bestfriend ngaun.2....
pdeng pde namin pag-usapan 2 ang kahit anong bagay sa buhay buhay
kung nd ko naman sila na enjoy noon......ngaun naman sobra sobra....ang
saya at damayan namin ng mga anal ko.......:)
ayumi31
06-16-2008, 12:24 AM
yung baby ko naman po pag oras ng kain ayaw kumain mag isa kailangan na susubuan ko pa hindi sya kakain pag hindi sinubuan kaya ginagawa ko inuuto ko na lang sya sasabihin ko bibilhan kita ng gusto mo kain ka muna baby ko...:phindi kumakain ng gulay baby ko,kaya para kumain lang sya sabihin ko kumain ka ng gulay para maging malusog kang bata at matalino at yung napanood nya yung mga bata sa tv at sabi kumain ng gulay pampahaba ng buhay yun pa lang sya kakain,,,sa paliligo po ganun din maraming arte kailangan ang tubig nya marami,gusto nya sya malligo mag-isa kaya pagtapos na sya inuulit ko na lang uli....sa pagtulog naman po hindi sya nakakatulog hannga't hindi nya nahahawakan ang buhok ko,ewan ko ba mannerism nya na ito basta antukin sya at matutulog na sya kahit nakatayo sya:D basta maabot nya lang buhok ko makakatulog na sya...natatawa nga ang ate ko minsan nagbakasyon kami sa bahai nya nagsusulat kasi ako nun sa mesa e inaantok na baby ko may dede na rin sya nasa kwarto na biglang bangon at pumunta sa akin ako naman deadma pero sumiksik sa kinauupuan ko at pilit inaabot ang buhok ko....pampaantok nya ang buhok ko,at ayaw nyang magkumot kahit malamig pa sya ayaw nya talaga kaya ang ginagawa ko dinodoble ko na lang damit nya at mahahaba ang pajama nya....pag kinumutan mo na tulog sya parang nararamdaman nya na my kumot sya tatanggalin nya talaga,magigisding at iiyak pa...:p
chevelle:)
06-16-2008, 12:27 AM
ako makungkot pag dating sa mga anak ko......ni hindi ko nga alam un
favorite food, color,subject,ect... .ect....madalas nd kami nagkasundo
pare pareho kaming estranghero sa isat-isa......nd ko naman pinagma-
malaki o pinagkakalandakan pang ganon akong klaseng ina....
lumaki silang wala ako sa tabi nila.....nag-iisa kasi ako para itaguyod
sila.....sa kabila nun pinilit ko naman silang bigyan ng sobra sobrang
ginhawa sa buhay.......
nagkapag-aral sila sa sikat at mamahaling school.......lahat ng gustuhin
nila isang dial lang sa akin pde ng bilhin bukas......
lahat ng pagsisi nasa huli......madalas ko isipin kung nd ko kaya sila iniwan
at sama sama lang kami.......ano kaya buhay nila ngaun......madalas pa
din me sumbatan kami.....nasasaktan pa din ako......lalo na un 2 anak kong
lalake na me sariling pamilya na din ngaun.....medyo dun nabawasan ang
tensyon sa pagitan namin ng 2 anak kong lalake....un hirap ng magdala
ng pamilya medyo nauunawaan na nila ngaun......
dumating din sa amin un manghingi ng sorry at magpatawaran.....kay a
ang laging bilin ko sa kanilang 2....pilitin nyong wag umalis sa tabi ng mga
anak nyo......dahil mauulit at mauulit ung lungkot na napagdaanan nyo...
pilitin nyong gawin un ng balanse...pra wag din kayong masumbatan
pag dating ng araw......un binigay ko sa inyo.....kayanin nyong ibigay din
sa mga anak nyo sa sarili nyong pagsisikap.....
salamat na lang at maagang nag matured na si regz un panganay ko......
naka unawa sya.......nagkakapag-usap kami ng maaus....sya ang
takbuhan ko sa mga problema ko.......halos lahat sya na ang gumagawa
ng dapat kong gawin sa mga kapatid nya........na appreciate nya un mga
pagsusumikap ko......pra nga kaming mag bestfriend ngaun.2....
pdeng pde namin pag-usapan 2 ang kahit anong bagay sa buhay buhay
kung nd ko naman sila na enjoy noon......ngaun naman sobra sobra....ang
saya at damayan namin ng mga anal ko.......:)
naluluha naman ako habang binabasa ko itong post mo tita. pero yukatta po na naintindihan nila yung ginawa ninyo. Sometimes talaga may times na kailangan gumawa tayo ng choice hindi lang para sa atin kundi para na din sa mga mahal natin. Sa mga anak naman, minsan di nila mauunawaan yun kapag maliit pa sila pero in time na lumaki sila lalo na at magkaroon na ng sariling pamilya usually doon nila umpisa nauunawaan kung bakit mo kinailangang gawin yun. Nakaka-relate po ako kasi napalayo din po ako dito sa boys ko for two years. Kinailangan lang po namin iwan pansamantala ang mga bata para makapag-trabaho din ako at maka-ipon kami ng kahit kaunti para naman pagdating nila dito eh sa maayos na bahay at maayos na buhay din kahit papaano ang maibigay namin sa kanila. Sa loob ng two years ng yun, di ko na yata mabilang ang time na iyak ako ng iyak lalo na pag nagkakasakit sila. Minsan naiirita na nga sa akin mother ko dahil simpleng kaze lang daw eh kung makatawag ako sa loob ng isang araw ilang beses. Buti na lang kahit two years akong nalayo sa mga anak ko eh di naman naging malayo ang loob nila sa akin.:)
summergirl
06-16-2008, 03:27 PM
I'm sure you're a good mother and that you give them the very best. but, was there anything you thought was silly? there are things we do so that our kids will do something in return. just like what the others have mentioned. kung meron lang po:p[/quote]
yah meron,kasi most of the time sa akin sila nag sasabi while ang dad nila andyan lang sa tabi...Puro mommy,mommy mommy,di tuloy mag kandaugaga ang mommy..:DNasanay na silang ako...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.