PDA

View Full Version : Dog and My newborn baby


jhayelle
06-07-2008, 08:57 PM
Safe ba na may dog (chihuahua) sa bahay kasama ng baby? Di naman sila magtatabi or maglalaro, and hindi ko naman papalapitin pero ok lang ba na may aso na kasama sa bahay? Kaso,.. yung parents ko pa naman, laging kinakarga yung aso namin... natatakot ako kasi dikit na balahibo sa damit nila tapos hahawakan nila baby ko.

Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!

Nag-iba bigla topic eh noh?!:D

sky
06-07-2008, 09:05 PM
ipamigay mo na lang kaya Aso nyo? bakit naman papatayin ?

bat naman kami lumaki na may kasamang Aso ? buhay pa naman kami ? yun nga lang may phobia ako sa Aso .pero yun pag isipan na papatayin sissy masama yan

summergirl
06-07-2008, 09:11 PM
Safe ba na may dog (chihuahua) sa bahay kasama ng baby? Di naman sila magtatabi or maglalaro, and hindi ko naman papalapitin pero ok lang ba na may aso na kasama sa bahay? Kaso,.. yung parents ko pa naman, laging kinakarga yung aso namin... natatakot ako kasi dikit na balahibo sa damit nila tapos hahawakan nila baby ko.

Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!

Nag-iba bigla topic eh noh?!:D

wag mong patayin,bigay mo sa akin..:D

elyurika
06-07-2008, 09:18 PM
kami rin may kasamang aso sa bahay..palaging karga ng mga anak ko,kase neat naman yung aso namin di pinapalabas at palaging pinapaliguan.... wag mo namang patayin kawawa naman..may buhay at humihinga...ipamigay mo na lang ..

nikkichibi
06-07-2008, 09:18 PM
kesa namang unti unti mong pinapatay ang aso eh bakit di mo na lang kaya ipamigay :rolleyes:~~~ baka sakali may magmahal din sa kanya :D

csbaby
06-07-2008, 09:21 PM
hwa nyo pong patayin ang aso nyo kawawa naman ipamigay nyo nalang po.mababait po yong mga aso.:):):)

jhayelle
06-07-2008, 09:26 PM
juskoooo!!! kung alam nyo lang gano kamahal ng parents ko ung aso namin na yan.


Kase sabe ko sa parents ko, temporary muna nila ipahiram sa pinsan ko ung dog pag dumating na si baby dto sa bahay, kase yung balahibo nga delikado.

eh mukhang ayaw pa pumayag. Kaya nababatrip ako ngayon.

sensya na sa ka-brutal-an ko. Feeling ko kase mas may malasakit pa sila sa dog.

Wait ko nalang lumabas si baby, baka magbago rin ang situation!

rya
06-07-2008, 09:48 PM
sis the health and safety of the baby comes first.. why not try mo makipagcompromise kaya? kung kargahin nila si baby dapat e magpalit sila ng damit at siguraduhing alang balahibo ng aso sa katawan nila. tapos laging neat and clean dapat ang kasuloksulokan para di mablame din ang aso...kawawa naman.

jhayelle
06-07-2008, 10:01 PM
Napag-usapan na yung ganun, mendouksai diba pag ganun. Kailangan pa nila magpalit damit. Kaya nga sabe ko sa kanila na sana pumayag nalang sila na wala munang dog dito sa bahay kahit 1 month lang. Mahirap kase mag-risk.

Wreinman
06-07-2008, 10:04 PM
Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!


maaaring hindi inumin ng aso mo ang tubig na me vetsin, maaamoy niya yun. sa halip sundin mo nalang itong tips ko.:D

4 na hakbang sa pagpatay ng aso sa tahimik na pamamaraan:

1. pakainin ang iyong aso ng paborito nitong dogfood. Huling kain na niya ito kung kayat siguraduhing masisiyahan siya sa iyong hinandang pagkain. Saluhan siya kung kinakailangan.
2. makipaglaro ng catch-the-flying-saucer game. pagkatapos kumain at busugin, mainam na makipaglaro dito ng habulan kung saan maaaring maging sanhi ng kanyang pagkaimpatso. ang catch-the-flying-saucer ay paboritong laro ng mga aso. sa ganitong laro nagkaron ng intimate bonding ang aso mo at iyong nanay.
3. paliparin ang flying saucer sa bangin kasama ang aso. siguraduhing hindi bababa sa sampung talampakan ang taas ng bangin. para sa mas siguradong kill, lagyan ng mga tusok tusok ang paanan ng bangin.
4. humanda ka sa nanay mo. magisip ng maayos na paliwanag sa iyong magulang. sabihin mong na-carried away ka lang kung kaya't naihaigis mo ang aso sa bangin. :biglaugh::biglaugh:

biro lang po:D

maaari mo namang itali sa labas or ibili ng kulungan iyong aso para hindi makalapit sa baby mo. at saka wag kang mag wori, alam naman ng mother mo kung ano ang makakasama at makakabuti sa baby mo. :)

rya
06-07-2008, 10:04 PM
mendokusai nga pero kung ayaw nila igive up ang dog, well they have a choice din naman di ba? hehehe basta put your foot down down mahirap na...health ng baby mo ang nakataya

mbstorun
06-07-2008, 10:07 PM
sis interested akong alagaan ang aso mo kung di pwede sa inyo :-) mahilig kami masyado kase sa aso sis lalo na asawa ko. eto nga sinabi ko lang sa kanya abah hinihingi pa number mo at gusto pa yatang tumawag sayo masyado yatang na excite! :p kung ipamigay mo sis please balitaan mo ako. thanks :p

jhayelle
06-07-2008, 10:34 PM
@ Rya hahahahaa! ang saya naman, naiimagine ko yan. Tamang tama nakikinig ako ng classical music ni Vivaldi kaya parang may BG music ang eksena.

Hindi sya puede itali or ikulong, dahil kakahol. Umiiyak nga itong aso pag gusto na matulog at hindi pa katabi ang nanay ko. Ang arte noh.

@mbstorun, lol nakakatuwa naman asawa mo!


Bakit kase wlang pawnshop para sa dogs? LV bags nga puedeng isanla eh! Sana magkaroon saanlaan ng aso, haha!

jhayelle
06-08-2008, 04:45 AM
@ Wreinman hahahahaa! ang saya naman, naiimagine ko yan. Tamang tama nakikinig ako ng classical music ni Vivaldi kaya parang may BG music ang eksena.

Hindi sya puede itali or ikulong, dahil kakahol. Umiiyak nga itong aso pag gusto na matulog at hindi pa katabi ang nanay ko. Ang arte noh.

@mbstorun, lol nakakatuwa naman asawa mo!

@rye, tnx. Haaay.. sana maliwanagan na ang kanilang pagiisip.

Bakit kase wlang pawnshop para sa dogs? LV bags nga puedeng isanla eh! Sana magkaroon saanlaan ng aso, haha!

angelica
06-08-2008, 07:21 AM
siguraduhin mo lang sis na pag nanganak ka na at iuuwi mo na yung baby mo wala na ang aso,napalitan na lahat ang mga kurtina at sapin ng kama basta kailangan malinis na ang buong bahay ........dahil MAS kawawa ang baby mo kung magkaroon sya ng hika...kung ako yan at ayaw paalisin ng nanay ko yung aso baka pasamahin ko pa sya sa aso o kaya ako ang lilipat hehehe.....kahit na paliguan mo nang paliguan yan,,,,,masama pa rin ang balahibo sa bagong panganak na baby...

Wreinman
06-08-2008, 08:33 AM
kelan ba ang binyag? nasubukan mo na bang mag kalderetang aso? :biglaugh::bonk::D

Takoradi
06-08-2008, 09:21 AM
Bakit di mo na lang pabakasyunin nanay mo na kasama ang aso tutal maliit lang naman aso nyo pwedeng bitbitin ang cage kung sumakay sa eroplano.
Suggestion lang naman kasi tulad din ako ng nanay mo na mahilig sa aso.

Matty
06-08-2008, 09:35 AM
Safe ba na may dog (chihuahua) sa bahay kasama ng baby? Di naman sila magtatabi or maglalaro, and hindi ko naman papalapitin pero ok lang ba na may aso na kasama sa bahay? Kaso,.. yung parents ko pa naman, laging kinakarga yung aso namin... natatakot ako kasi dikit na balahibo sa damit nila tapos hahawakan nila baby ko.

Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!

Nag-iba bigla topic eh noh?!:D

Ohayou sis! Ako rin me aso ( Maltese) . pero ok naman ang health ng baby ko . kaso lang nang matutong maglakad baby ko. kawawa aso ko sa kanya sabunot dito ! sabunot doon. buti na lang di sya pinapatulan kaya ngayon takot sa kanya aso ko kasi pag nahablot di na bibitawan kaya tili ng tili aso ko. mabuti di naman sya kinakagat kaya . ngayon di na lumalapit aso ko sa kanya. tinataguan na sya ! mabait naman kasi aso ko eh. http://smileys.smileycentra l.com/cat/16/16_2_27.gif (http://www.smileycentral.co m/?partner=ZSzeb001_ZK xdm118YYJP)
kaya love ko rin sya.




http://www.smileycentral.co m/sig.jsp?pc=ZSzeb096&pp=ZKxdm118YYJP (http://smiley.smileycentral .com/download/index.jhtml?partner= ZSzeb096_ZKxdm118YYJ P&utm_id=7924)

yui
06-08-2008, 05:01 PM
wag mo na pong patayin... saitama ka din pala amin na lang po:p:O

lykz
06-09-2008, 12:53 PM
naku sis kawawa ang dog . ako rin may 3 dogs s loob ng bahay miniture duchs 2 and pug... yan din ang issue d2 b4 dpat pag lumabas n ang baby m dispose n ang dogs but c hubby ndi pumyag... e2 2 yrs old n c baby ok nman poh as in kasama nmin silang lahat s loob ng bahay pag sleeping tym lnh ikulong.... enjoy nman c baby s dogs nya .... ang mga aso po ang ayaw lumapit s anak ko kasi kinakabayo hahahaha... maganda rin ang may pet ksma ni baby matu2to po sya at mgakakaron ng responsiblty, sya po ang nagbbgay ng esa s fish nmin and hamster... ung haus nmin npakaliit e gus2 atang punuin ng pets ng mag ama heheheh

musikaghie
06-09-2008, 02:59 PM
Wahhh~~~~ Sis! wag mo namang patayin ang aso, kakaawa... Sinasabi mo pa lang yan nag emote mode ako dito, nalulungkot~~~~ang arte ano?:)

Sis pamigay mo na lang, tutal ang daming interesado sa aso mo na mga ka TF natin, sure ko maaalagan din siyang mabuti. Kaya lang malulungkot ang nanay mo.~~~ Isipin mo muna, Nanay mo o Aso mo~~~(joke only sis):)

mai
06-09-2008, 10:10 PM
Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!



wag mo naman pag isipan patayin yung aso, madaming paraan para maiwasang hindi maka apekto sa kalusugan ng yung baby.

*first siguraduhin nyo na malinis palagi ang aso nyo, since na mabalahibo yung aso nyo pwede nyo munang paiklian ang coat nya, o ipa tanggal nyo muna ang outer at under coat ng aso.

*since na wala syang balahibo mas madali syang ishampoo kahit sa bahay nyo na lang atleast once a week.

*pag inilakad nyo sa labas yung aso instead na punasan lang ng shampoo towel yung katawan at paa ng aso, mas makakabuting banlawan at sabunin ang paa ng aso tsaka gamitin yung shampoo towel sa katawan ng aso para matanggal yung nakuhang alikabok at germs sa labas.

*para maiwasan yung germs at virus sa bahay nyo laging palitan ng sheets yung toilet pad ng aso, at sapinan ng nagamit ng news paper yung toilet pad ng aso. laging hugasan at sabunin ang toilet pad ng aso, wag pabayaan nakalatag lagi ang toilet pad ng aso sa bahay.

*kailangan ng kulungan ng aso, mas makakabuti sa aso na matrain sya na once in a while maiwan sa kulungan nya, lalo na kung malapit si baby.

*panatilihing malinis ang higaan ng aso.

*me nabibiling pang spray para makatulong na manatiling malinis ang aso sa dog shop.

kawawa naman ang alaga nyo kung pag iisipan nyo patayin..

kung di nyo maiiwasan at di nyo kakayanin alagaan yung aso, mas mainam na ipamigay nyo na lang tyak may taong magmamahal at mag aalaga sa aso nyo.



dog is a man's best friend:)

mamimo
06-10-2008, 09:38 AM
dog is a man's best friend:)

and yours is Venny, the loyal ang loving dog:D;)

mai
06-10-2008, 06:57 PM
and yours is Venny, the loyal ang loving dog:D;)

nadale mo:D

Chibi
06-10-2008, 10:24 PM
Safe ba na may dog (chihuahua) sa bahay kasama ng baby? Di naman sila magtatabi or maglalaro, and hindi ko naman papalapitin pero ok lang ba na may aso na kasama sa bahay? Kaso,.. yung parents ko pa naman, laging kinakarga yung aso namin... natatakot ako kasi dikit na balahibo sa damit nila tapos hahawakan nila baby ko.

Kainis. May suggest ba kayong way pano patayin ang aso? In a silent way? Effective kaya na lagyan ko ng maraming vetsin ung tubig ng aso? haha!

Nag-iba bigla topic eh noh?!:D
bakit di mo na lang kausapin parents mo,siguro naman makakaintindi yun regarding sa health ng baby mo,di naman siguro dapat pagbalakan/patayin pa yung aso,nasa pag uusap nyo naman yan,siguro naman nakakaintindi na ang mga matatanda kung ano ang dapat gawin bago humawak sa baby,or kung di nila ma gets,kausapin mo in a nice way,heart to heart talk nga daw:)

antigojp
06-13-2008, 04:22 PM
share lang po.

for me hidi aso ang pinamigay because of the baby.

Pusa, kasi hindi daw maganda sa baby. Baka hikain!!:D

Midget
06-13-2008, 07:30 PM
Naku.... Kawawa naman 'yung aso kung i-tegok. Tsaka kawawa din parents mo. For sure kasi parang bunsong anak na rin ang turing nila sa aso. Eh kung i-tegok mo yun, eh di para mo na rin pinatay bunsong kapatid mo?! :eek: :D

Kidding aside, ok naman siguro may aso sa bahay. Mas may advantage nga 'yang may pet para sa psychological growth ng baby mo. Kailangan lang talaga mas conscious sa cleanliness. Ok yung mga tips ni Mai-san. :)

Good luck! :D

snsk76
06-13-2008, 08:13 PM
uuyyy...congratz sa cute baby girl...last june 9 na nganak na sister ko......cute grabe:p!!! Sa bhay na lang mommy mo patirahin si doggy...para no problema...miski ako ayokong palapitin sa aso at pusa mga baby ko...baka magka hikkkksssss....lambi ngin mo na lang si tita...kaya mo yan.... goodluck and welcome sa bagong yugto ng buhay ...pagiging INA!!!:toast:Dramaaa aa.....i miss you...i love you:kiss:

jhayelle
06-14-2008, 05:19 PM
jusko! maraming maraming salamat sa lahat ng mga sumagot! alam nyo ba after ng last post ko dito eh umiiyak ako nun sa sobrang kabwisitan!!! Kase pakiramdam ko ayau talaga i-give up yung nyetang aso, este, MGA ASO namin (kase bumili pa sila ng isang lintek na baby chihuahua noong Feb). Parang nagiging DOG HOUSE na kase tong tinitirhan ko. Sa buong 9mos na pagbubuntis ko, aso at nanay ko lang ang nakapagpa-bwisit sa kin.

AYUN!!! sa sobrang inis, napa-LABOR AKO bandang 7am. Dinugo ako kaya punta kagad sa hospital. Tagal ako nag-labor ha... June 9 ng hapon na ako nanganak. haha!

Eto GOOD NEWS!

ABA! Himala! Binalita nalang sa kin ng sister ko na todo general cleaning ng bahay mommy ko, as in lahat bago pa, bumili ng new curtains and carpets sa room and sala, bedsheets, etc.. tsaka

WALA NANG MGA ASO! YEHEEEEEEEEEYYYYYYYY !!!!!! Natauhan din sa wakas. Sobrang na-cute-an kase parents ko kay baby kaya payag na rin sila na mawala PANSAMANTALA ang kanilang "mga baby".. Kaya naman excited ako umuwi ng bahay.. kaya eto.. kakalabas ko lang ng hospital. At ang saya saya ko talaga!!! hahaa!! From doghouse, nagmukang nursery room na itong munting tirahan namin.

so, nasan na mga pets??!

Nasa office ng daddy ko HAHHAHAHAHHAHHAHA!!! dun na sila nakatira LOL!


eto pala pics ng doggies http://www.flickr.com/photos/jhayelle/sets/72157604126755404/

sarap katayin anoh? hee hee! joke lang. Love ko naman sila eh, yun nga lang JAMA na sila eh. Tsaka nalang sila bumalik sa bahay pag malakas na resistensya ng baby ko, after 6mos siguro puede na diba :)