View Full Version : totoo ba na pagsumuko daw sa immigration madedetain na at di na makalalabas?
tweety_bird
06-07-2008, 09:41 PM
tanong ko lang po kung may nakakaalam na kung totoo na kapag sumuko ka sa Immigration ngayon idedetain ka na at di ka na palalabasin? May nakapag sabi po kasi sa akin na ganun na daw ang bagong patakaran ng migmig ngayon...paano po yun kung totoo nga ito di wala ng susuko kasi ganun din para ka rin nahuli kasi makukulong ka kaya ka nga susuko kasi ayaw mo makulong diba! nbasa daw po sa dyaryo kayo po may balita po ba kayo tungkol dito?
garlic
06-07-2008, 09:44 PM
di naman siguro totoo yun:) kse last year lang ako sumuko and hindi naman ako kinulong... mababait pa nga yung immigration officer don eh:D winewelcome pa nga nila yung mga sumusuko kse pabor yun sa kanila kse sa ganon paraan mababawasan yung os...
summergirl
06-08-2008, 12:01 AM
hindi totoo yun,ano ang papakain nila sa iyo?medyo matatagalan lang pag wala kang hapon na mag ga guarantor..
angelica
06-08-2008, 06:50 AM
hinde totoo yan....ganun pa rin ang patakaran nila,pag sumuko ka walang kulong.
di naman siguro ikukulong, kasi kung over staying ka, it means di ka dapat nasa Jpana, or di ka na dapat magtatagal pa sa japan, kaya usually, di ikinukulong, ang kadalasan lng ginagawa is deportation.
japhil
06-08-2008, 11:19 AM
tanong ko lang po kung may nakakaalam na kung totoo na kapag sumuko ka sa Immigration ngayon idedetain ka na at di ka na palalabasin? May nakapag sabi po kasi sa akin na ganun na daw ang bagong patakaran ng migmig ngayon...paano po yun kung totoo nga ito di wala ng susuko kasi ganun din para ka rin nahuli kasi makukulong ka kaya ka nga susuko kasi ayaw mo makulong diba! nbasa daw po sa dyaryo kayo po may balita po ba kayo tungkol dito?
share ko lang po ewan ko lang sa iba ha! me friend po kami sumuko sya then kumpleto na po ang kanyang mga documents sa pagsuko, tapos po ask sya ng immigration kung kelan nya gustong umuwi ng pinas Halimbawa po! gusto ng friends ko ehh March 2 then pinababalik sya ng March 1 at dun na sya natulog then ang immigration na ang naghatid sa kanya sa airport sa araw na iyon March 2 yun lang po:) this year lang po nangyari yan March po.
kung anong araw po ang nakalagay na petsa sa ticket nyo pabalik ng pinas one day before po ng flight nyo papatulugin kayo sa immigration dala nyo na po ang lahat ng gamit nyo.
guy26
06-08-2008, 11:24 AM

yup kakausapin ka ng maayos hindi ka kukulong
tweety_bird
06-08-2008, 03:47 PM
share ko lang po ewan ko lang sa iba ha! me friend po kami sumuko sya then kumpleto na po ang kanyang mga documents sa pagsuko, tapos po ask sya ng immigration kung kelan nya gustong umuwi ng pinas Halimbawa po! gusto ng friends ko ehh March 2 then pinababalik sya ng March 1 at dun na sya natulog then ang immigration na ang naghatid sa kanya sa airport sa araw na iyon March 2 yun lang po:) this year lang po nangyari yan March po.
kung anong araw po ang nakalagay na petsa sa ticket nyo pabalik ng pinas one day before po ng flight nyo papatulugin kayo sa immigration dala nyo na po ang lahat ng gamit nyo.
ibig mong sabihin japhil, sumuko sya pero pinaayos muna lahat ng papers nya hindi sya dinetain? nun may tiket na sya one day before ng flight na lang sya natulog sa migmig para sila na ang maghatid sayo to make it sure na uuwi ka talaga. Paano kung may kasama kang bata? kasi un din ang sabi ng friend ko pag may tiket ka na dun ka na nila patutulugin para sila na ang maghahatid sayo sa airport pero un pagsuko pa lang at idedetain ka na medyo confuse sana nga hindi.
japhil
06-08-2008, 04:07 PM

para po sa me anak naman
ok! yung bestfriend ko po sumuko at me anak na 2yrs old at buntis pa!
hindi na po sila pinatulog sa immigration bale ginawa po kinopya( copy) nalang po ang ticket nilang mag-iina. at me pumerma po na maggarantor na tuloy ang alis ng mag-ina ang pagkakaalam ko po ang biyenan ko ang naggarantor sa kaniya. yan po ang nangyari sa friend ko ewan ko lang po sa iba!
ang alam ko po na nakukulong ehh yung mga nahuhuli lang naman...at kapag me anak ang nahuli bukod po ang bata sa mga magulang!
tweety_bird
06-08-2008, 05:16 PM
salamat japhil atleast ngayon alam ko na un totoo kasi nakikipag talo sila sa akin na ganun daw ngayon ang migmig klan lang nangyari sa friend mo yan meaning hindi totoo na madedetain ka pag sumuko ka, thanks ka TF!!!
japhil
06-08-2008, 05:21 PM
salamat japhil atleast ngayon alam ko na un totoo kasi nakikipag talo sila sa akin na ganun daw ngayon ang migmig klan lang nangyari sa friend mo yan meaning hindi totoo na madedetain ka pag sumuko ka, thanks ka TF!!!
kauuwi lang ng friend ko kasi balak nya sa pinas na sya manganak mahal kasi bayad nila sa hospital at wala rin visa asawa nya:)
lenemen
06-08-2008, 10:32 PM
kapag sumuko ang isang overstayer binibigyan nila ng due date kung hanggang kailan ka dapat umalis ng bansa. Halimbawa na lang itong case ng kakilala ko. Sumuko siya then sa pangalawang balik niya sa immigration binigyan siya ng period mula May 22 - June 6 , sa loob ng panahon na iyon dapat umalis na siya ng bansa. Nagpa book siya ng plane ticket ng May 23 at dito mismo siya sa tinitirhan niya nanggaling at ako pa ang naghatid sa kanya sa limousine bus station bound for Narita. Doon sa immigration maraming travel agent doon na mga Pilipino at sa kanila na rin bumili ng ticket ang kakilala kong yun.
Sa palagay ko yung mga doon na natutulog sa immigration the day before departure ay yung mga walang maghahatid sa Narita. Don't worry wala pang pagbabago sa procedure ng pagsuko (voluntary exit) basta makuha mo lang ang release papers for departure malaya kang makakaalis from your apartment to Narita.
tweety_bird
06-09-2008, 02:49 PM
maraming salamat sa lahat ng reply nyo it helps a lot talaga!
tweety_bird
06-10-2008, 10:43 AM
kapag sumuko ang isang overstayer binibigyan nila ng due date kung hanggang kailan ka dapat umalis ng bansa. Halimbawa na lang itong case ng kakilala ko. Sumuko siya then sa pangalawang balik niya sa immigration binigyan siya ng period mula May 22 - June 6 , sa loob ng panahon na iyon dapat umalis na siya ng bansa. Nagpa book siya ng plane ticket ng May 23 at dito mismo siya sa tinitirhan niya nanggaling at ako pa ang naghatid sa kanya sa limousine bus station bound for Narita. Doon sa immigration maraming travel agent doon na mga Pilipino at sa kanila na rin bumili ng ticket ang kakilala kong yun.
Sa palagay ko yung mga doon na natutulog sa immigration the day before departure ay yung mga walang maghahatid sa Narita. Don't worry wala pang pagbabago sa procedure ng pagsuko (voluntary exit) basta makuha mo lang ang release papers for departure malaya kang makakaalis from your apartment to Narita.
youn mean lenemen pag ayos mo na lahat ng papers mo pwedeng pagbalik mo sa migmig dala mo na rin un tiket mo na may schedule ng alis mo para makakuha ka na agad ng release paper for departure? para di kana babalik uli sa migmig at hintayin mo na lang ung flight shed. mo? pwede kaya yun?!?:rolleyes:
lenemen
06-10-2008, 01:08 PM
kapag kumpleto na ang mga travel documents mo ipapasa mo yun at after ibat-ibang proceso sa loob ng immigration bibigyan ka na ng nila ng period almost 2 weeks para makauwi. Sa loob ng ibinigay na taning na iyon ikaw na ang pipili ng petsa kung kailan ka aalis basta huwag lang lalagpas sa ibinigay na taning at kung hindi another process na naman yun. Ang tinulungan kong kakilala na umuwi last May 23 yung huling balik niya sa immigration para kunin ang departure release paper ay dala niya na ang plane ticket niya na naka book ng May 23. (Ang binigay na taning sa kanya ay from May 22- June 6 ) Dapat pag nabigyan ka na ng departure period mag pa book na agad ng plane ticket para sa huling pag punta sa immig. ay dala mo na ang ticket at free ka nang pumunta ng Narita from your own residence. :)
lenemen
06-10-2008, 01:18 PM
Mods, sorry hindi ako marunong mag edit so P.S. na lang .
take note:
tweety bird, HINDI sa lahat ng sumusuko ay pangalawang beses lang tapos na ang proceso. CASE by CASE po ito. Sa case ng kakilala ko may passport siya at walang mga anomalya yun kaya smooth ang processing niya so bale 2 times lang siyang pumunta sa immigration. Makaka ilang balik pa yung mga gumamit ng hindi tunay na pangalan o yung mga walang hawak na identification kaya matatagalan lang sila sa pagkuha ng travel documents o mga papeles sa Embasssy natin dahil mabagal ang proseso nila doon lalo pa kung may mga kailangang papeles na sa Pilippinas pa manggagaling.
tweety_bird
06-10-2008, 03:16 PM
maraming salamat sa iyo!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.