PDA

View Full Version : Western Union sa Pinas


Soju6
06-08-2008, 10:04 AM
May 10% charge na dun sa pipick-up ng pera sa WU sa Pilipinas?

Pag nagpadala ako ng pera through Western Union may Flat rate na Charge $14 and some change kahit magkano ipadala ko. Walang babayaran yung makakatanggap ng pera sa Pinas.

Ngayon 10% babayaran nila?????

Pag nagpadala ka ng $5,000 charge sila ng $500.00 dun sa kukuha ng pera, Ano to? lokohan?

Onli in the pilipins lang siguro to?


May gumagamit bang Western Union dito??

sta.rita
06-08-2008, 11:02 AM
hindi po totoo yun,unless sinabi nung nagpadala na icharge sa pinadalhan ung service fee.

Soju6
06-08-2008, 11:08 AM
hindi po totoo yun,unless sinabi nung nagpadala na icharge sa pinadalhan ung service fee.


Miss sata rita, when was the last time na nag padala kayo ho sa atin?
O baka naman raket lang ng Western Union Pasig Branch yun?

kalypso
06-08-2008, 11:52 AM
I've been regularly sending money to my family in the Philippines through Western Union. Kapapadala ko lang nung Monday at okay naman. :) Tulad pa rin ng dati.

yuka
06-08-2008, 02:18 PM
ako rin kapapadala ko lang ng pera nung friday ok naman...tuwing mag papadala kasi ako tawagan ko agad ate ko at bigay ko yung number at kung magkano yung pera na matataggap nila at wala naman syang nababanggit na may binabayaran pa sila... 3yrs na akong nagpapadala ng pera through western onion ok naman:)

timbog
06-08-2008, 02:32 PM
mula't sapul sa WU po ako nagpapadala ok naman po ung service, wala naman charge na 10% dun sa kukuha ng pera...

kung ngaun lang po yan nabalita.. malaki mawawala sa perang ipapadala natin...

totoo ba? :D

Soju6
06-08-2008, 02:34 PM
I'm trying to get more details....pinakukuh a ko yung resibo at phone number nung branch.

timbog
06-08-2008, 02:35 PM
^^ baka raket lang nung branch na un sir.. masyado yata malaki ung kaltas?

lyka
06-08-2008, 02:37 PM
mga kaTF

magkano po ba ang charge pag sa Western Union?
at tsaka po ang exchange rate nila?
mas ok po ba sa Western Union kesa sa Metrobank at PNB?
kasi sa Pinas ngayon eh nasa 0.41 na ang palitan ng yen
dito sa atin 0.40 pa din sa Metrobank at Tokyo.

nung last month eh nagpadala ako ng yen sa isang
Pinoy na umuwi kaya medyo ok dahil medyo malaki
ang naging palitan.

share naman po kayo ng Western Union.

salamat po mga kapatid! :)

gorgeousgee
06-08-2008, 02:49 PM
help naman po mga ka TF paano mg padala thru western union po...Thank you in advance...:confused:

Soju6
06-09-2008, 02:17 AM
Di pa pala na charge ng extra fee yung pinadalhan ko. Gusto lang sigurong makaisa.

Sa Robinson's Galleria Branch, Agent Name: DA-5 SANRYS MONEY CHANGER E. DELO, according to the receipt....
Starting 15JUN'08, "All money transfers paid out in the Philippines are charge with
DOCUMENTARY STAMP TAX ( whatever the f*..k that means) which is P30 for every P200
principal increments or 0.15% of the principal amount.

Sino pa kaya gagamit ng Western Union for MOney Transfer sa atin pag nag start na silang maningil ng "naimbento" nilang Tax?

timbog
06-22-2008, 02:14 PM
^ confirm na yan pre... asar nga ako dun sa huling padala ko eh... every 1k php may bawas na 30php... mag bank to bank nalang tayo.. sobra naman na ung charges nila...

greatbarrier
06-22-2008, 02:53 PM
matagal na pong may 0.15% (or 30cents for every P200) documentary stamp tax (DST) ang telegraphic transfers, but if these are remitted through the bank. it has been an issue in the philippines whether remittance companies such as Western Union, should be covered by the same rule, coz they are considered as non-bank financial intermediaries.

anyway, i also heard this news that remittances thru remittance companies will now be clearly subject to the 0.15% DST. some OFW alliances have already expressed their antagonism on this proposal. di nga siguro ganun kalaki, but syempre mas ok kung wala.

@timbog, ang laki naman yata nyan sir? that`s 3% when it should have been only 0.15%.

rhynissa
06-22-2008, 03:44 PM
hayy, ganyan naman sa Pinas eh, pagnatuklasan nila maraming nagpapadala na ng mga remittance ay lalagyan nila ng tax. Saan ba napupunta ang TAX na yan? Sa bulsa lang naman nila. Kahit anung tax ang bayaran ng mga taong nagtatrabaho sa ibang bansa ay wala pa din asenso ang Pinas. Ang dami kasing buwaya sa Pinas.. :mad: screw all of 'em:mad: