PDA

View Full Version : frugal or wasteful


mamimo
06-20-2008, 03:06 PM
frugal or wasteful, gawi o ugali??!!

Ang pagiging matipid o pagiging waldas ba sa paghawak ng pera ay nasa ugali na ng tao o bunga lang to ng nakagawian base sa kakayahan o kawalan ng kakayahan sa paggasta?

No offense meant, pero kapansin-pansin minsan na kung sino pa ang walang sapat na pagkukunan ng pera ang sya pang makikitaan ng luho at yun may kakayahan bumili ng gusto nila eh sya pang maingat sa paghawak ng pera.

Nottinghill
06-20-2008, 03:10 PM
exactly!
i enjoy life lang..pag may pera spend spend spend! bahala na bukas. Pag na deadbol di naman madadala sa hukay.

rockinchiq
06-20-2008, 03:27 PM
Frugal.;)
Ipon for the future.
Savings first then may budget for shopping and leisure..
but we make sure na una muna ang savings for the future
lalo na at nagsisimula pa lang kami ni hubby as a couple..
we want our future kids to have good and comfortable life.
and we want our lifestyle to maintain also kaya di kami gumagastos ng sobra-sobra lalo na yung di naman kailangan o yung pang porma lang para masabing "mas angat sa iba."
mahirap naman sigurong maging one day millionaire..
ubusin ang savings tapos pag may emergency tatakbo kung kanino para manghingi ng tulong..tsk.
no offense meant just sharing my thoughts.;)

sarpon
06-20-2008, 03:37 PM
balanse. savings and then pag me sobra dapat i-enjoy mo din ang pinaghirapan mo. life is too short kaya pag may chance ay enjoy natin ito.

ayumi31
06-20-2008, 03:44 PM
frugal or wasteful, gawi o ugali??!!

Ang pagiging matipid o pagiging waldas ba sa paghawak ng pera ay nasa ugali na ng tao o bunga lang to ng nakagawian base sa kakayahan o kawalan ng kakayahan sa paggasta?

No offense meant, pero kapansin-pansin minsan na kung sino pa ang walang sapat na pagkukunan ng pera ang sya pang makikitaan ng luho at yun may kakayahan bumili ng gusto nila eh sya pang maingat sa paghawak ng pera.
both of them po kasi iba-iba naman po talaga ang ugali ng mga tao sa paggasta ng pera...

tama po kayo kung sinu pa talaga ang walang sapat na pagkukunan ng pera sya pang maluho at nakakabili ng mga luho at sunod sa uso...lalu na po dito sa pinas..

sa akin situation ko naman po since andito lang ako sa pinas at pinapadalhan ako ng allowance ng asawako every mth.hindi naman sya gaanong kalakihan kaya kahit na ako ay sanay dati na bili ng bili ng luho ko,now hindi na po...

tinitipid ko ang pera para in case of emergency may pagkukunan ako...:D

mamimo
06-20-2008, 04:31 PM
nasa ugali na ba talaga to o nakagawian lang? :confused: :)

miyuki
06-20-2008, 04:38 PM
nasa ugali na ba talaga to o nakagawian lang? :confused: :)


siguro po nakagawian lang... kase po may pambili kaya gawi ang bumili..:D.kung sa ugali po kase ..kahit ugali nyang bumli kung wala naman syang pambili ..di din po sya makakabili...:p

sa mga may pambili po na di bumibili kaya nga po may pambili kase di ginagastos yung pera ...:)

doon naman po sa bumibili na wala kamong kakayanan... siguro namn po kaya din..kase nakakabili eh...:):D

mamimo
06-20-2008, 05:08 PM
doon naman po sa bumibili na wala kamong kakayanan... siguro namn po kaya din..kase nakakabili eh...:):D

yes maybe but to shoulder the burden later:eek: like my friend (ibang lahi nya), she always criticize me for being frugal she would tell me I think kaya mo naman gumasta pero kurips mo (syempre in English usapan puti sya eh:O). I just try to be polite dinadaan sa ngiti keysa mainis sya pag binara ko, I give those moments basta sasaya sya.:p pero lately nagkita kami problema nya 100lapad na utang sa credit card di nya mabayaran. the funny thing is she starts cursing her husband for not having enough savings na pwede nila gamitin to acquire assets like gusto nya ng house kaso di rin sila ma-approve for a loan. gusto ko sabihin pano mo expect makapagtabi asawa mo eh sunod-sunuran sayo yun halos di na nagluluto kasi laging sa labas ang dinner. para sa kin bahala ka sa sarili mo, maglustay ka o magkuripot ka basta wag kang ngangawa sa mga maling ikaw din ang may kagagawan.

fanfran
06-29-2008, 08:16 AM
Frugal,na nasa tamang paraan.Save and invest.
Buy only the things that we need,not the things that we just want.
So separate the needs and the wants.
Minsan enjoy din family sa pamamasyal,like out of town trips and other
enjoyments that the whole family will be happy.
So sometimes may play and pleasure din.
Mahirap kitain ang pera,so dapat marunong tayo
sa personal finance natin:).

taurean06
06-29-2008, 08:55 AM
exactly!
i enjoy life lang..pag may pera spend spend spend! bahala na bukas. Pag na deadbol di naman madadala sa hukay.

I agree with you sis, as long as may sarili kang work at pinaghirapan mo yung pera, why not buy things na makakapagpaligaya sa iyo di ba ? Huwag lang bumili ng pag-ibig ha, kasi hindi naman iyon nabibili ng pera hahaha:):D:p

mamimo
07-04-2008, 11:51 AM
Frugal,na nasa tamang paraan.Save and invest.
Buy only the things that we need,not the things that we just want.
So separate the needs and the wants.
Minsan enjoy din family sa pamamasyal,like out of town trips and other
enjoyments that the whole family will be happy.
So sometimes may play and pleasure din.
Mahirap kitain ang pera,so dapat marunong tayo
sa personal finance natin:).

correct! all in moderation ika nga! what I`ve read from some books is we save for the days na di na daw natin kayang kumita. unless na lang kung kaya tayong buhayin ng mga anak natin kapag wala na tayong work at wala na din pera cge enjoy enjoy na lang for now.:)