PDA

View Full Version : Ang tatay kong bilog...


yamamuru_san
03-04-2006, 10:51 AM
ilang taon din ang itinagal ng father ko dyan sa kanagawa, patagu-tago, kahit anong trabaho pinapasok, noong bata pa ako lagi kong naririning na sinasabi ng mga kapitbahay namin na TNT lang ang tatay ko dun, di ko alam ibig sabihin nun, lagi daw syang hinahabol ng pulis, ako naman nag-aalala, kriminal ba ang tatay ko? alam ko kriminal lang ang hinahabol ng mga pulis, di ba? di ko kasi alam ang ibig sabihin ng overstaying...

actually, inis ako sa tatay ko nun kasi nga di ko alam kung bakit nandun sya, di sya umuuwi, puro tawag lang sa phone, ano na kaya itsura nya? sino ba kamukha nya? masarap siguro buhay nya dun? kasi ayaw na nya umuwi!

2 years ago meron tumawag sa amin, nakakulong daw ang father ko sa immigration,... overstaying daw, me isip nako nun, alam ko ibig sabihin ng lahat, at handa na rin kami na anumang oras mahuhuli sya. magkahalo nararamdaman ko, excited kasi may tatay na ako uli, and nahihiya kasi nahuli sya, baka kung ano ang sabihin ng mga friends ko, kasi nakakulong sya, alam nyo naman ang impression ng word na "nakakulong"...

then, i realized, bakit sya nasa japan?, bakit sya nakakulong?, bakit nya tiniis mag-isa?, ang hirap nun di ba? ang sagot: KAMI !!!...

yun palang nararamdaman kong hiya ay hindi dahil sa tatay ko kundi dahil sa sarili ko, ano ba nagawa ko para sa kanya? WALA!!!, magreklamo, marami...humingi ng kung anu-ano? mas marami... di ko man lang naitanong? Kumusta ka dyan? san ka kumukuha ng pera? pano mo kami binubuhay?...

ngayon... proud ako sa tatay kong bilog!!!... sacrifice pala tawag dun, at kapag napapapunta ang kwento sa mga TNT o Bilog?... sinasabi ko... OO, tatay ko bilog... ikaw kaya mo yun?...

:)

ganda_girl89
03-04-2006, 11:38 AM
marami akong kaibigan na bilog sa chiba at alam ko ang hirap ng buhay na dinadaanan nila.ang hirap ay hindi lang sa trabaho pati na rin sa pakikisama sa iba pang TNT na kasama.

sa case ng papa mo,mas alagaan mo sya,mas pasayahin at kakausapin at mas i-appreciate ang mga ginawa nya.ipakita mo na napakaimportante nya at sa pamamagitan nito,kokonti sa pakiramdam sainyong dalawa kung ano man ang mga nawala noong TNT pa sya.
goodluck sa iyo at sana maging mas healthy ang papa mo para mas marami kayong marecover sa mga nawala dati.

fisher
03-04-2006, 11:40 AM
Magandang umaga sa iyo yamamuru san.Napakaganda ng kwento mo at very touching.Hindi ko masasabi na kaya ko o hindi ang magTNT.Maybe the situation will call for it.As of now sa legal way lang ako.Hindi biro ang ginawang sakripisyo ng tatay mo sa araw araw na paghahanap ng ikabubuhay ninyo sa likod ng anino ng mga awtoridad.Bilib din ako sa mga TNT na nandito dahil they have the courage to go out and do shopping and roam around na may kasamang kaba.Napagusapan na rin namin minsan dito ang tungkol sa mga TNT.Marami akong kilala na mga TNT at minsan nga isinasama ko pa sa pamimingwit ng isda sa dagat.Tao rin naman sila at may mga damdamin katulad ko kaya hindi ko sila iniiwasan.Mali ang pagti-TNT in a sense dahil labag sa batas kaya nga kapag nahuli ay may certain punishment na katumbas.Malaking courage at pagdedesisyon ang pagti-TNT.Katumbas iyan ng kakapit ka sa patalim alam mo na masusugatan ka pero sige kapit para sa kinabukasan ng iyong mga mahal sa buhay.Ayaw kong sabihin sa mga hindi pa TNT na halikayo at magTNT dito at malaki ang kita rito because it is illegal.Pero yung mga nandito na may simpatiya ako sa kanila and I don't despise them.Hindi mo naman pwedeng sabihin sa kanila na "Hoy,illegal ka"dahil alam mo na nga iyon ang magandang gawin ay kung papaano mo sila mapapasaya atleast sa simpleng bagay dahil marami silang mga alalahanin sa buhay isa na ang laging takot sa paglabas sa bahay araw araw para maghanapbuhay.At isama mo pa ang malayo sa mga minamahal sa buhay.Gusto ko rin na sana ay magkaroon na ng amnesty sa kanila kaya lang ang Japan ay hindi pa open sa mga ganyang bagay hindi sila katulad ng Amerika.Sana lalong lumaki ang pagmamahal mo sa tatay mo ngayong nalaman mo na kung gaano kahirap ang kanyang sinuhong na pakikipagsapalaran para sa inyong lahat na kanyang mga MAHAL SA BUHAY.Mabuhay ang iyong tatay.May GOD bless your family.

maple
03-04-2006, 11:41 AM
yun palang nararamdaman kong hiya ay hindi dahil sa tatay ko kundi dahil sa sarili ko, ano ba nagawa ko para sa kanya? WALA!!!, magreklamo, marami...humingi ng kung anu-ano? mas marami... di ko man lang naitanong? Kumusta ka dyan? san ka kumukuha ng pera? pano mo kami binubuhay?...

ngayon... proud ako sa tatay kong bilog!!!... sacrifice pala tawag dun, at kapag napapapunta ang kwento sa mga TNT o Bilog?... sinasabi ko... OO, tatay ko bilog... ikaw kaya mo yun?...

:)

hi yamamuru_san,

I hope your father gets to read what you wrote here.

I'm sure he'll be proud of you too:)

docomo
03-04-2006, 11:45 AM
@yamamuru san


.. very admirable post ... walang magulang na hindi naghangad ng para sa ikakabubuti at ikagaganda ng buhay ng kanilang mga anak ...:)

maimai
03-04-2006, 12:10 PM
hi yamamuru san,nakakarelate ako sa buhay ng tatay mo..tama nga lahat ang sinabi ni manong fisher ..esp.yung tao lang kami at may damdamin din tulad nila...inaamin ko naging bilog ako dito,pero masasabi ko rin maswerte ako kasi kahit bilog ako may mga kapatid ako na tumutulong sa akin..di tulad ng iba walang kamag-anak dito..kaya mas mahirap sa kanila ang kanilang sitwasyon...ilang ulit na rin ako nasita dati ng mga pulis,pero dahil sa mga kapatid ko at sa boyfriend ko na asawa ko na ngayun.. nakalabas ako...meron pa nga nagsabi sa akin dito na "BILOG ka dito,,, we are not like you, legal kami dito at may pinag aralan kami.We are not here as entertainers, we are here as professionals"....hindi ko na lang pinatulan kasi sa mga sinabi nya,masasabi mo ba professional sya??:confused: :O ...at one more thing,OT lang, kung entertainer ba kami dito ganyan na ba kababa ang tingin mo sa amin..dahil sumasama kami at nakikipagdate sa mga matatandang hapon??:confused: :mad: .try mo kaya magtrabaho sa gabi kung ano kahirap,at para malaman mo narin ang situation namin..

anyway.. .Ang hirap talaga maging bilog dito dahil lagi ka kinakabahan lalo na paglumalabas ka sa bahay at natatakot lumakad dahil iniisip mo na baka ito na ang last day ko sa japan....Ang maganda mo na lang gawin ngayun sa tatay mo ipakita mo sa kanya ang pagmamahal mo at malasakit sa kanya..at ibalik ang lahat na naibigay na tulong sa iyo...;) Sa totoo lang proud ako sa tatay mo,ginawa nya ang lahat para inyo kahit ganun kahirap ang sitwasyun dinaanan nya dito..iniisip nya pa rin kau..hindi nya kau pinabayaan..


piz be with u!:p

fisher
03-04-2006, 12:19 PM
hi yamamuru san,nakakarelate ako sa buhay ng tatay mo..tama nga ang sinabi ni manong fisher ..tao lang kami at may damdamin din tulad nila...inaamin ko naging bilog ako dito,pero masasabi ko rin maswerte ako kasi kahit bilog ako may mga kapatid ako na tumutulong sa akin..di tulad ng iba walang kamag-anak dito..kaya mas mahirap sa kanila ang kanilang sitwasyon...ilang ulit na rin ako nasita dati ng mga pulis,pero dahil sa mga kapatid ko at sa boyfriend ko na asawa ko na ngayun.. nakalabas ako...meron pa nga nagsabi sa akin dito na "BILOG ka dito,,, we are not like you, legal kami dito at may pinag aralan kami.We are not here as entertainers, we are here as professionals"....hindi ko na lang pinatulan kasi sa mga sinabi nya,masasabi mo ba professional sya??:confused: :O ...at one more thing,OT lang, kung entertainer ba kami dito ganyan na ba karumi ang tingin mo sa amin..dahil sumasama kami at nakikipagdate sa mga matatandang hapon??:confused: :mad: .try mo kaya magtrabaho sa gabi kung ano kahirap,at para malaman mo narin ang situation namin..

anyway.. .Ang hirap talaga maging bilog dito dahil lagi ka kinakabahan lalo na paglumalabas ka sa bahay at natatakot lumakad dahil iniisip mo na baka ito na ang last day ko sa japan....Ang maganda mo na lang gawin ngayun sa tatay mo ipakita mo sa kanya ang pagmamahal mo at malasakit sa kanya..at ibalik ang lahat na naibigay na tulong sa iyo...;) Sa totoo lang proud ako sa tatay mo,ginawa nya ang lahat para inyo kahit ganun kahirap ang sitwasyun dinaanan nya dito..iniisip nya pa rin kau..hindi nya kau pinabayaan..


piz be with u!:p

O ayan yamamura san,isa pang matinding karanasan ng isang dating bilog.Naku di kaya pagyayakapin mo ang tatay mo niyan ah.Bili ka na ng beer at yayain mong maginuman sabihin mo " 'Daddy,inom tayo ako ang taya ".:D .

maimai
03-04-2006, 12:23 PM
O ayan yamamura san,isa pang matinding karanasan ng isang dating bilog.Naku di kaya pagyayakapin mo ang tatay mo niyan ah.Bili ka na ng beer at yayain mong maginuman sabihin mo " 'Daddy,inom tayo ako ang taya ".:D .

hehehehe..manong fisher,naging wholesome ka na ulit ha...:D ..oo nga yamamuru san..yayain mo ang daddy mo at mag-inuman kau..basta sa bahay nyo lang ha!:p mahirap na kung lalabas pa kau..baka kung saan-saan pa kau mapupunta nyan...hehehe:D :p

docomo
03-04-2006, 12:43 PM
...meron pa nga nagsabi sa akin dito na "BILOG ka dito,,, we are not like you, legal kami dito at may pinag aralan kami.We are not here as entertainers, we are here as professionals"....
:p


saang thread ito maimai? :)

maimai
03-04-2006, 12:48 PM
saang thread ito maimai? :)

wala sa thread po yan.:) ...sinabi lng sa akin ng bestfriend :confused: ko dito

fisher
03-04-2006, 12:54 PM
saang thread ito maimai? :)
Ha ha ha ha tsismosow!:D . Sori OT po.

Hungry eyes
03-04-2006, 01:23 PM
@yamamuru ..hindi man ako nag overstay dito sa japan..pero lahat ng frends ko bilog..bakit..? kasi wala silang dalang yabang..sila pa ang nakakatulong na walang hinihinging kapalit kundi ang tapat na pakikipag kaibigan..hanga ako sa lakas ng loob nila..kahit anong trabaho ginagawa makatulong lang sa iniwang pamilya sa pilipinas..
at hanga din ako sa iyo..dahil nalaman at naiintindihan mo ang hirap na pinag daanan ng tatay mo..panahon mo naman siguro na ipakita sa tatay mo ang pag mamahal at pasasalamat sa mga sakripisyo nya diba..god bless...:)

Hungry eyes
03-04-2006, 01:26 PM
wala sa thread po yan.:) .pm lang sa akin ng aking bestfriend:confused: dito..(u know what i mean)

@maimai..im so proud of you..wala talaga sa pinag aralan yan..ang taong bulok..balutin man ng ginto..bulok pa rin..:D..wag na wag mong hihipuin ang bulok at babaho kamay mo..;)

Ay OT ba..sowii

maimai
03-04-2006, 01:30 PM
@maimai..im so proud of you..wala talaga sa pinag aralan yan..ang taong bulok..balutin man ng ginto..bulok pa rin..:D..wag na wag mong hihipuin ang bulok at babaho kamay mo..;)

Ay OT ba..sowii

uy,hungry eyes salamat ha,naiyak tuloy ako sa sinabi mo...:)



sore po sa ot....at hindi ko po thread ito,sumasagot lang po ako dito...nasaan na kaya si yamamuru chan??:D

fisher
03-04-2006, 01:32 PM
@maimai..im so proud of you..wala talaga sa pinag aralan yan..ang taong bulok..balutin man ng ginto..bulok pa rin..:D..wag na wag mong hihipuin ang bulok at babaho kamay mo..;)

Ay OT ba..sowii
That's my niece!Naku okay na okay sa ankol mo iyang taray na iyan.I'm lovin it!:D .

Little Johnny
03-04-2006, 03:16 PM
i know a guy, asawa ngaun ng cousin ko. nung umalis sya ng pinas, baby pa yung anak nya, wala pang 1 year. tapos nagbilog cya dito for 18 years na ngayon. binata na yung anak nya, ni hindi pa nya nakikita ng personal, puro sa photos lang at video. hindi cya maka-uwi dahil wala naman daw syang kabuhayan sa pinas. hindi rin nya makuha yung anak nya dito dahil hindi pwede diba?

i can only imagine the agony he has to go through everyday of his life. giving a decent for a son that he can't even see or touch. plus the fact that he always goes out in fear of being arrested. what makes it even difficult is that his job is always on location, which changes from time to time.

as illegal and risky as it is, his ways being paved with good intensions, i wish
him goodluck for the sake of his family back home.

i'm sure his son feels the same way as yamamuru_san does.

it's never too late to show someone your appreciation... especially if that someone needs it badly.

cheers!:)

katty0531
03-04-2006, 05:22 PM
Ang ganda naman ng naibahagi mo...siguradong masaya ng tatay mo sa buhay dahil may isang anak na katulad mo...patuloy mo lang mamahalin ang tatay mo dahil sa lahat ng sinakripisyo nya para sa inyo siguradong ang pagmamahal nyo lang ang hinahangad nya. :D Good luck!

DJchot
03-04-2006, 06:38 PM
touched ako sa post mo yamamuru san. naalala ko rin tatay ko. di naman siya bilog pero nag abroad naman sya for almost 20yrs. sakripisyo pala talaga yon. ngayon, naeexperience ko na rin. ang hirap pala ng malayo sa mga anak :(

Little Johnny
03-04-2006, 09:48 PM
touched ako sa post mo yamamuru san. naalala ko rin tatay ko. di naman siya bilog pero nag abroad naman sya for almost 20yrs. sakripisyo pala talaga yon. ngayon, naeexperience ko na rin. ang hirap pala ng malayo sa mga anak :(

you can say that again....:)

RODSKI
03-05-2006, 10:14 AM
ilang taon din ang itinagal ng father ko dyan sa kanagawa, patagu-tago, kahit anong trabaho pinapasok, noong bata pa ako lagi kong naririning na sinasabi ng mga kapitbahay namin na TNT lang ang tatay ko dun, di ko alam ibig sabihin nun, lagi daw syang hinahabol ng pulis, ako naman nag-aalala, kriminal ba ang tatay ko? alam ko kriminal lang ang hinahabol ng mga pulis, di ba? di ko kasi alam ang ibig sabihin ng overstaying...

actually, inis ako sa tatay ko nun kasi nga di ko alam kung bakit nandun sya, di sya umuuwi, puro tawag lang sa phone, ano na kaya itsura nya? sino ba kamukha nya? masarap siguro buhay nya dun? kasi ayaw na nya umuwi!

2 years ago meron tumawag sa amin, nakakulong daw ang father ko sa immigration,... overstaying daw, me isip nako nun, alam ko ibig sabihin ng lahat, at handa na rin kami na anumang oras mahuhuli sya. magkahalo nararamdaman ko, excited kasi may tatay na ako uli, and nahihiya kasi nahuli sya, baka kung ano ang sabihin ng mga friends ko, kasi nakakulong sya, alam nyo naman ang impression ng word na "nakakulong"...

then, i realized, bakit sya nasa japan?, bakit sya nakakulong?, bakit nya tiniis mag-isa?, ang hirap nun di ba? ang sagot: KAMI !!!...

yun palang nararamdaman kong hiya ay hindi dahil sa tatay ko kundi dahil sa sarili ko, ano ba nagawa ko para sa kanya? WALA!!!, magreklamo, marami...humingi ng kung anu-ano? mas marami... di ko man lang naitanong? Kumusta ka dyan? san ka kumukuha ng pera? pano mo kami binubuhay?...

ngayon... proud ako sa tatay kong bilog!!!... sacrifice pala tawag dun, at kapag napapapunta ang kwento sa mga TNT o Bilog?... sinasabi ko... OO, tatay ko bilog... ikaw kaya mo yun?...

:) . . . . . . . . . . . . . . . . . .Hi Yamamuru_san!:) di ka dapat mahiya,dahil yung ginawa ng tatay mo ay para sa pamilya nyo maski na ano or BILOG pa man sya,pinilit nya mag isa at malayo sa pamilya nyo, isa ng sakripisyo,yung di ka nya makita na lumaki,.Sana mabasa ng TATAY mo yung ipinost mo na ito,sigurado ako di nya malilimutan yun. Cheer up!:)

halloween
03-05-2006, 12:36 PM
Nalungkot at natuwa ako sa sinabi mo Yamamuru.

Nalungkot dahil talagang maraming Pinoy ang kinakailangang mangibang bayan para umunlad lang buhay. Sad reality of life pero ganon talaga eh pahirap ng pahirap ang buhay sa Pinas kaya napipilitan ang iba na mag TNT kahit na pa walang kasiguraduhan kung dadamputin ka na lang bigla ng immigration officers.

Natuwa naman ako dahil hindi mo kinakahiya ang ginawa ng tatay mo. At bakit nga ba ito ikakahiya eh very noble ang intention ng tatay mo sa buhay- ang maitaguyod ang kanyang pamilya. Your story reminds me of my father whose love for his children overwhelms me.

yamamuru_san
03-05-2006, 12:40 PM
:) thank you sa inyo, di ako nagkamali ng pagpiling forum,

nung mag-abroad sya, 4 years old lang ako, akala ko papasok lang sa trabaho, nagtrabaho nga, ... sa doha, qatar... for 5 years, then lumipat sya sa japan for 15 years, nagkita kami 24 na ko, meron na ko anak, di pa huli lahat, naalala ko bago sya umalis sabi nya pagbalik nya pupunta kami sa fort santiago, now after 20 years, natuloy na rin, he he he, ako na nagyaya, baka umabot pa ng another 20 years eh,...

nga pala, dyan sya sa minamirinkan, yamato city, kanagawa ken. roger ang pangalan nya, ang raket daw nya magbenta ng kung anu-ano, saka nagpapatawag ng long distance sa phone, sa mga nakakakilala sa kanya, PM nyo po ako, please....

gusto nya kasi makausap uli yung mga friends nya there,.. pahingi po ng tulong sa inyo,... salamat po...

depp
03-05-2006, 03:46 PM
grabe ang tagal ng di nyo pagkikita ng tatay mo,bilib ako sa tatay mo.at dapat lang talagang maging proud ka sa kanya.
ako ay naging isang bilog din,grade 3 ang anak ko ng iwan ko.nagkita uli kami ng syay nasa kolehiyo na.grabe ang feeling ng muling pagkikita di ba?
pero ako ay isang singol mother ng akoy dalhin ng kapalaran dito sa japan.dito ako kumuha ng ikabubuhay sa aking nag-iisang anak.
pero ngayon,dalawa na sila dahil na-inlove uli si ako.
kayat pag nakakabasa ako ng ganito,bumabalik uli sa akin ang nakaraan.pero pag binabalikan kot nakikita ko ang bunga ng aking pinaghirapan,ang sarap-sarap ng aking pakiramdam.
im sure,iyan din ang nararamdaman ng tatay mo.:)

pola228
03-14-2006, 11:58 PM
salamat sa thread na ito at may natutunan po ako:thumb:

summergirl
03-15-2006, 07:00 AM
ok lan yun dear at least na realize mo kung ano ang nagawa mo sa father mo,hindi pa late pag nag kita kayo mag make up ka sa mga nagawa at nasabi mo against sa father mo,malay mo dahil sa inyo kaya nya nagawa iyon,marami kasi sa ating ang ng hahatol agad sa tao pero hindi pa natin alam kung sino at ano ang kabutihang nagawa nya.okey lang dear hindi pa huli kaya make the best of it na ma feel ng father mo na mahal mo sya,masarap ang may father pa,hindi kagaya ko na biglaang inatake ang father ko na hindi man lang naka-usap.Cheer up and pray na sana makalabas na sya as soon as possible

yamamuru_san
03-15-2006, 08:45 AM
pasensya na po, ngayon lang ako nakabalik, meron kasi ako project out of town, medyo busy, pero dito na ako uli.

hindi pala ako nag-iisa sa karanasan ko, marami pala tayo, at siguro kung meron lang way para ma-ishare ko tong topic na ito sa mga batang ang mga parents ay nasa ibang bansa, gagawin ko, in my own litlle way.

nakakatuwang isipin na bawat isa sa atin merong itinatagong sad moments na di nakikita ng iba nating kasama (o ayaw nating ipakita), lalo na kapag namimiss mo pamilya mo. sa side ko lumaki na rin akong parang walang tatay, kaya nga ng magkaroon ako ng sarili kong pamilya, may nag-offer sa akin sa middle east, pero that time 1 year old pa lang ang baby ko, tumanggi ako, kasi that time makitid pa utak tungkol sa pangyayari, marami akong di maunawaan, pakirandam ko ayaw kong maranasan ng anak ko ang naranasan ko, hanggang makita ko yung bright side ng situation, hindi ako dependent sa parents, i can stand on my own, natutunan kong maging responsable, matatag, ipagtanggol ang sarili, di ko alam marami na pala siyang naituro sa akin. di ko alam...

ngayon, tanungin nyo uli ako...

gusto ko pa bang mag-work sa japan?

he he he...

oo naman...

finacial reason?

yes...

other reason?

yes uli...

what?

search for what i really wanted to know, lagi kasing may kulang, laging may tanong, kahit nandito na sya, marami pa rin akong gustong malaman... pag nakatsamba ako, at makarating dyan, ill tell you all mga ka TF...

again...


thanks...

summer
03-15-2006, 02:37 PM
yamamura san. nakakatouch naman ang nai-share mo. and i congratulate you for sharing

chello24
05-17-2006, 04:33 PM
new member po ako at isang friend ko ang nag sabi na basahin ang tread nyo dahil sobrang ganda...pag tapos kong mag basa na luha talaga ako kasi i have a friend n laging umiiyak sakin at nag kkwento ng buhay nya....pag my mail daw galing pinas or tawag hnd nya dw alam feeling nya kung m tutuwa o ma aasar kc imbis itanong sa kanya kung kamusta n sya o ang kalagayan nya d2 pera agad ang tinatanong s kanya parang walang pakialam s kanya kung n hinga p sya o mabuti b ang kalagayan nya...anak nya rin ang nsa pinas at bilog din sya 3yrs plang sya d2 pro sobrang lungkot n nya...

thanks sa share mong kwento at hanga rin me sau dahil kahit papaano n laman mo at n intindhan mo habang maaga p ang sitwasyon dito ng papa mo...sana ma suklian mo ung pag hihirap n ginawa ng papa mo d2...yoroshiku nag pala sa lahat!!!!!

proud me
05-17-2006, 05:30 PM
yamamuro san...napakabuti mong anak...sana mabasa ng tatay mo ito...napakasarap pakinggan...alam mo ako rin nag bilog rin dito 4yrs din mahigit napakahirap mamuhay dito ng bilog...talagang trabaho at bahay lang umikot ang buhay araw araw.wala akong iniisip non kundi makaipon agad para makauwi na...pero siyempre hindi naman ganon kadali ang makaipon dahil halos kalahati ng suweldo e/month napapadala na dahil me mga anak nga akong naiwan sa pinas...awa ng diyos sumuko ako sa imig.nakauwi ng maayos....pero sabi ko sa harap ng mga imig.doon sa airport...I SHALL RETURN...kaya nandito ako (na inlove sa oto ko eh :D )

barney
05-18-2006, 04:53 AM
[FONT=Verdana]you really should be proud of your tatay.alm mo iwant to share my experienced when i was bilog too . galing ako sa mahirap na family,tapos ulilang lubos pa ako. i was just 19 when i got married at naging nanay. after 1 1/2 yr. nasundan pa uli ng isa. may kaya ang family ng husband ko pero cya ay walang trabaho at umaasa lang kami sa magulang nya.mayayaman ang napangasawa ng mga kapatid nyang babae,kung baga ako lang ang nasampid na mahirap sa family nila. nakatapos din naman ako ng kolehiyo at nung panahon na un nagtuturo ako sa national high school.ung asawa ko nun ay high school grad. lang at wala pang trabaho. ako ang kumakayod pambili ng gatas at gamit ng mga anak ko.marami akong tiniis na pang aapi g family nila sa akin bukod pa sa pang lalait na ako lang daw ang pinakamahirap na nasampid sa family nila.....alam mo ba naging inspirasyon ko yun na mag abroad at nangarap na kung anong luho at sarap ng buhay ang naranasan ng mga anak nila ibibigay ko rin sa mga anak ko.nung dalaga ako ayaw akong pag japanin ng mga kapatid ko ..alam mo na may pagka conservative kc ang family ko...pero makakalimutan mo pala lahat ng yan kung kinabukasan ng mga anak mo ang pinag uusapan. talent ako nung una dito sa japan... hanggang sa nag over stay ako ng matagal..ang naging inspiration ko na tumagal dito ay ay mga pangarap kong mabigyan ng magandang kinabukasan ang dalawa kong anak..makapag tapos sa magandang university sa manila,mamuhay ng maganda di tulad ng naranasan kong kahirapan nung bata pa ako..alam mo ba mas hungry ngang magtrabaho ang bilog kaysa may visa e,kc hindi namin alam kung kailan kami mahuhuli at pag nahuli walang kasiguraduhan ang pag balik di ba?hero ang tatay mo kayong mga anak nya ang inspiration nya sa kanyang pagsasakripisyo dito sa japan ,kahit na mahirap ang sitwasyon ng tago ng tago..more power sa yong family at GOD BLESS.