PDA

View Full Version : Which is cheaper WATER or ELECTRICITY?

3rdy
03-07-2006, 10:15 AM
Here in Japan which is cheaper, WATER or ELECTRICITY? Medyo confused kasi ako, may mga apartment at mga maliliit na kaisha akong nakikita na pinabayaan lang ang faucet na naka open kunti tuwing winter. Ang reason naman nila ay mag burst daw ang pipes or faucet pag ma frozen na ang tubig sa pipes. Pero sa apartment ko naman installed naman ang pipe heaters. I'm really confused which is cheaper. TF people do you have any ideas, please. Thanks.

japphi
03-07-2006, 10:26 AM

hi...may ganoon nga...siguro kesa naman sa mga-burst ang pipes na panibagong gastos naman....mas mabuti nga siguro na kahit na konti lang ay pinapa-daloy ang tubig para hindi mag-frozen.....saka ang bayaran kasi nang tubig dito ay every two months na palagay ko ay mas mura sa kuryente.....kami 5 kami at ang bale two months water bill namin ay may 1lapad 3 libo na yen....sa kuryente naman namin ay halos parehong amount din in a month....pero pag summer sumasampa nang 1lapad at 6 na libo kung minsan.....na baligtad naman sa tubig.....pag summer ay halos shower ang ginagamit namin to save....at nakukuha namin yung kalahati nung amount na nasabi ko for 2 months .......still trying to save.......sa ibang members kaya??.....

katty0531
03-07-2006, 10:43 AM
Sa palagay ko mas mura ang tubig keysa kuryente..samin naman 3000-3500 isang buwan tatlo kami, sa tubig... sa kuryente mahal pag winter o summer 1 lapad at kalahati (1month)...spring at autum naman mura lang halos kalahati.

Dax
03-07-2006, 11:56 AM
Depende naman siguro sa lifestyle ng tao. Kung araw-araw kang magbabad sa ofuro siempre magastos sa tubig yan. Kung 24/7 naman nakabukas ang PC mo magastos din sa kuryente. Pagdating sa utility bills, mas concerned ako sa Gas vs Electricity - pareho pwedeng gamitin sa pagluluto at paginit ng tubig.

vectra1123
03-07-2006, 12:32 PM
Depende naman siguro sa lifestyle ng tao. Kung araw-araw kang magbabad sa ofuro siempre magastos sa tubig yan. Kung 24/7 naman nakabukas ang PC mo magastos din sa kuryente. Pagdating sa utility bills, mas concerned ako sa Gas vs Electricity - pareho pwedeng gamitin sa pagluluto at paginit ng tubig. Ako rin sa palagay ko tubig mas mura at syempre depende rin yan sa gamit diba? Pero pag ganitong winter mas malaki ang binabayaran ko sa gas kesa electricity!:confuse d:

ichimar
03-07-2006, 12:45 PM
malaki po ang electric bill namin,kasi all denki kami,at walang gas,pero meron naman po kaming discount,at may solar panel,bawas bayad din po........sa tubig naman,5,000 yen kami isang buwan3 lang naman kami sa bahay,at super tipid din po ako:)

tfcfan
03-07-2006, 01:17 PM
Magastos kami(3 lang po kami sa bahay) sa tubig pero mas mura ang binabayaran namin kumpara sa kuryente.4000 or 5000 monthly bill namin sa tubig(mas mahal pa binabayaran namin kesa sa mga kakilala ko dito(di ko alam kung bakit,eh mas marami sila kesa sa amin:confused:).Ang kuryente naman namin eh umaabot na ng 1man mahigit simula ng magka-pc kami:O
pero ang pinakamahal na binabayaran ko eh gas,lalo na pag winter:( isang lapad at kalahati or mahigit pa.

unica_hija
03-07-2006, 01:17 PM
mas mura ang tubig kesa kuryente namin...

maimai
03-07-2006, 02:00 PM
sa palagay ko mas mura talaga ang tubig kaysa sa kuryente kasi ako sa isang linggo 4beses ako magpalit ng tubig sa oforo at 3 beses maglaba sa washing machine...pero yonsing yen lang..sa kuryente naman kahit wala kmi dito dambo..umaabot pa rin kami ng 6singyen...:p dalawa lang kami nyan sa bahay..;)

prue33
03-07-2006, 07:17 PM
Hi! of course mas cheaper ang water.. kasi diba sa electricity every month ang dating ng bill pero nagbabayad parin ako ng mahigit 10,000 yen, unlike sa water every 2 months ang dating ng bill pero 6,000 yen lang lagi ang bill ko...

gemini_19
03-07-2006, 09:14 PM
water of course this is cheaper than electricity, kahit naman siguro sa pinas mas cheaper ang tubig.

myukasky
03-07-2006, 10:55 PM
Magastos kami(3 lang po kami sa bahay) sa tubig pero mas mura ang binabayaran namin kumpara sa kuryente.4000 or 5000 monthly bill namin sa tubig(mas mahal pa binabayaran namin kesa sa mga kakilala ko dito(di ko alam kung bakit,eh mas marami sila kesa sa amin:confused:).Ang kuryente naman namin eh umaabot na ng 1man mahigit simula ng magka-pc kami:O
pero ang pinakamahal na binabayaran ko eh gas,lalo na pag winter:( isang lapad at kalahati or mahigit pa.

Baka bihira sila mag ofuro or shower kaya mura lang bill sa tubig di kaya?

Kanlungan
03-08-2006, 10:19 AM
halos maraming nagsasabi na "water is cheaper than electricity". biglang pumasok ang idea na "why not produce electricity from water"! this would definitely mitigate "global warming", which poses a threat to the environment.

off-topic, pero pang-kiliti lang... to stimulate great minds in Timog!

wolfgang
03-08-2006, 02:56 PM
sa akin mas mura ang tubig kaysa kuryente .Kc kahit mag-araw-araw pa kaming magbabad sa ofuro ok lang kaya lang sa asawa ko pero pag nakitang naiwan kong bukas ang ilaw sa toilet medyo hysterical na siya ehhh:eek: ..Siguro nga mas mahal ang kuryente ...

abakitba
03-08-2006, 03:22 PM
halos maraming nagsasabi na "water is cheaper than electricity". biglang pumasok ang idea na "why not produce electricity from water"! this would definitely mitigate "global warming", which poses a threat to the environment.

off-topic, pero pang-kiliti lang... to stimulate great minds in Timog!
Good luck to you and your project!

Kanlungan
03-08-2006, 03:38 PM
@abakitba

Good luck to you and your project!

not so far from reality... got this info from the "physics web" (http://physicsweb.org/articles/news/7/10/11). may want to ponder on this?

Extracting electricity from water

21 October 2003

Engineers in Canada have discovered a new way to generate electricity. Larry Kostiuk and colleagues at the University of Alberta pumped water through tiny microchannels in a glass disk to directly generate an electrical current (J Yang et al. 2003 J. Micromech. Microeng. 13 963). “This is the first new way to produce sustainable electricity in 160 years,” says Kostiuk. “It allows for the direct conversion of energy of moving liquid to electricity with no moving parts and no pollution.”

When a liquid, like water, comes into contact with a non-conducting solid, the solid surface becomes charged with a thin layer. The dimensions of the microchannels used in the Canadian experiments were comparable with the thickness of this charged layer. This means that if water is then forced through the channel, ions with an opposite charge to the surface preferentially pass through it, and ions with a like charge stay behind. This results in the channel becoming positive at one end and negative at the other – like a battery.
If the channel ends are connected together by a wire, current flows. Although the current through an individual channel is very small – about a nanoamp – it can be increased by forcing the water through a large number of parallel channels.

Kostiuk and co-workers used a glass disk 2 centimetres in diameter that contained 450 000 circular microchannels, each between 10 and 16 microns across. They held a reservoir of water 30 centimetres above the array and allowed it to flow through the disc under hydrostatic pressure, generating a current of 1500 nanoamps in the process. The power output could be improved by increasing the pressure drop, adjusting the size of the microchannels, decreasing the thickness of the glass disk or using a liquid with a higher salt concentration.

What might the new device be used for? “Applications are hard to foresee because we need to first characterize the voltage/current possibilities,” says Kostiuk. Potential applications could include batteries for small electronic devices such as mobile phones.

TR250
03-08-2006, 10:57 PM
OT sorry.

Nung nabasa ko ang mga sinulat ninyo ay parang gusto ko nang mag hurumentado dahil akala ko ay normal at matipid kami sa bahay. Hindi ko alam kung magkano ang binabayaran namin monthly pero nung nabasa ko itong thread ay tinanong ko kay misis kung magkano nga. Ang sabi ay lampas 2 to 3 sa kuryente, about 1.5 sa tubig, around 2 sa gas at around 1.3 sa kerosene para sa heater. Kasama ko yung 2 kong biyenan sa bahay, misis ko, ako at ang aking anak pero mukhang grabe itong consuption namin. Maliit lang ang bahay namin at siguradong over sa gastos kung ikokompara sa mga sinabi ninyo. Pinapatay ko rin naman ang ilaw pag naiiwanang bukas at wala naman sigurong tulo yung gripo??? Hmmmm??? Misan ay nag cha-charge ako ng mga battery ng kotse at battery ng mga power tools pero hindi naman siguro ganuon dapat kalaki ang bayarin. Siguro ay punas-punas nalang at tigil na ang goli pati sipilyo ay itigil na rin. Patayin na rin siguro ang ilaw ng maaga?????? pero pag ginawa ito ay malamang mas magastos dahil baka masundan si Jr :D

japphi
03-09-2006, 09:29 AM

Hi Sacho(dapat daw Shacho,pero ayaw mo naman yatang magpatawag ng Shacho ano...kaya Sacho na lang)....mukhang malaki nga yata ang nakukunsumi ninyo sa kuryente....pero palagay ko dalawa ang contract ninyo o binabayaran ninyo.Kasi di'ba sa bahay ninyo ang bussiness mo....palagay ko malaking ampere ang gamit ninyo.

Sa amin residencial lang ang contract namin na may kihon ryoukin na 1040 Yen,lima kami na kung minsan ay may 12,000Yen mahigit...pag summer naman ay kukulang sa 2 lapad dahil sa aircon.Pero sabi mo kasama mo ang mga in-laws mo..."Erai jya nai".....malaki nga...pero huwag ka nang mag-hurumentado...lalong lalaki ang bills mo....basta ba walang problema sa health nila/ninyo ay ok na yon......saka huwag ka na ring magpatay nang ilaw nang maaga pa....lalaki nga ang gastos ha ha ha ha ha....

Anyway..may nakita akong site kung paano natin basahin ang electric bill natin...gomen sa Tokyo Electric Co... nga lang...pero palagay ko naman ay halos pareho lang....

Ssshhh...Sacho....mu khang nagiging avid TF jin ka na rin...nagiging babad ka na rin sa TF lately....naku lalo ngang lalaki ang bill mo ha ha ha ha...joke lang....anyway..."Mainichi Ganbatte"at sana ay lumawak pa ang bussiness mo para may mautangan kami pag uuwi nang Pinas....ay mali...dapat pala ikaw muna ang dapat umuwi doon ano....:p

TEPCO guide:
http://www.tepco.co.jp/en/service/custom/guide/guide02-e.html

myukasky
03-09-2006, 12:28 PM
sa akin mas mura ang tubig kaysa kuryente .Kc kahit mag-araw-araw pa kaming magbabad sa ofuro ok lang kaya lang sa asawa ko pero pag nakitang naiwan kong bukas ang ilaw sa toilet medyo hysterical na siya ehhh:eek: ..Siguro nga mas mahal ang kuryente ...

Wolf pareho pala kami ng husband mo, ako parang ang laki na ng kasalanan ng asawa ko kapag naiwan na bukas ilaw sa toilet. Two days ago nga pati yung mga nakasaksak na appliances na di naman masyado nagagamit inalis ko. Mottanai lagi nga bukas bibig ko, sabi ni hubby sa anak ko dapat di na emi name ko mottainai na lang kasi yan daw lagi ko bukang bibig. Sa tubig medyo malaki din sa amin, kasi everyday ofuro. Tapos maliit pa yung bunso ko tuwang tuwa sya kapag bukas faucet kapag sinara ko tumitili.:rolleyes: Sabi asawa ko pabayaan muna kasi maliit pa di pa nya alam yung mottainai.:D

mizo_shiru
03-09-2006, 12:54 PM
siguro, sa tingin ko rin mas mura ang tubig kesa kuryente kasi sa isang linggo isang beses lang ako naliligo hi hi hi , :hihi: :hihi: :hihi: ......

kagaya din sa kanila mahigit isang lapad ang binabayaran namin sa kuryente

mbstorun
03-09-2006, 02:33 PM
...i guess it depends on the usage..kung isang katerba kayo sa bahay then siguro mura ang kuryente kc isang ilaw lang kayong lahat pero ang gamit ng tubig lahat kayo. pero~~kung 2 or 3 lang kayo siguro naman mas mahal ang kuryente syempre..:p

TR250
03-09-2006, 10:05 PM
Hi Sacho(dapat daw Shacho,pero ayaw mo naman yatang magpatawag ng Shacho ano...kaya Sacho na lang)....mukhang malaki nga yata ang nakukunsumi ninyo sa kuryente....pero palagay ko dalawa ang contract ninyo o binabayaran ninyo.Kasi di'ba sa bahay ninyo ang bussiness mo....palagay ko malaking ampere ang gamit ninyo.

Sa amin residencial lang ang contract namin na may kihon ryoukin na 1040 Yen,lima kami na kung minsan ay may 12,000Yen mahigit...pag summer naman ay kukulang sa 2 lapad dahil sa aircon.Pero sabi mo kasama mo ang mga in-laws mo..."Erai jya nai".....malaki nga...pero huwag ka nang mag-hurumentado...lalong lalaki ang bills mo....basta ba walang problema sa health nila/ninyo ay ok na yon......saka huwag ka na ring magpatay nang ilaw nang maaga pa....lalaki nga ang gastos ha ha ha ha ha....

Anyway..may nakita akong site kung paano natin basahin ang electric bill natin...gomen sa Tokyo Electric Co... nga lang...pero palagay ko naman ay halos pareho lang....

Ssshhh...Sacho....mu khang nagiging avid TF jin ka na rin...nagiging babad ka na rin sa TF lately....naku lalo ngang lalaki ang bill mo ha ha ha ha...joke lang....anyway..."Mainichi Ganbatte"at sana ay lumawak pa ang bussiness mo para may mautangan kami pag uuwi nang Pinas....ay mali...dapat pala ikaw muna ang dapat umuwi doon ano....:p

TEPCO guide:
http://www.tepco.co.jp/en/service/custom/guide/guide02-e.html

TY japphi,
Sa bahay lang yong nabanggit ko dahil walang kuryente yung trabaho ko kayat generator ang gamit (ang lakas sa gasonina at ang ingay pa), wala rin tubig at banyo duon kayat paigib-igib na lang ako at nakiki jingle sa katabing department store :D . Siguro nga ay tama ang sinabi mo dahil marami kami sa bahay. 3 floors pero maliit na ang sigurong pinaka problema ay lahat ng floor ay bukas ang ilaw, TVs, AC, PC, heater, at kung ano-ano pa. Medyo nagagalit nga ako kadalasan ay naiiwanan nilang bukas ang mga ilaw at TV maski tulog. Para ring naka spot light palagi at kadalasan pa ay naka full open ang kerosene heaters sa buong bahay tapos full din ang electric carpets. Pag summer naman ay full ang mga AC tapos naka full din ang electric fan. Sa tubig naman ay pati yung kalsada ay dinidiligan ang isang katerbang halaman na wala namang pakinabang... haaaaaayyyyy naku po! Laki rin ng telephone bills, laki ng cell bills, insurance, pagkain, loan sa bahay, gasolina, mga sasakyan tapos wala akong nakukuhang monthly allowance (tapos hindi pa papaiskorin :rant: ). Mahal ko naman ang mga biyenan ko at talagang super sila sa serbisyo at di sumasalungat sa mga sinasabi ko pero laki rin pala talaga mag maintain ng isang full size na pamilyang Hapon.
Sorry at wala lang akong mapag hingahan ng bwisit kaya dito ko na lang hinihinga... haaayyyyy.
Syempre na addict na rin ako sa TF dahil wala nga akong kakilalang Pinoy dito at OK ring pang alis ng stress lalu nat sa madaling araw habang nagtratrabaho sa net. Tuwa nga si esmi dahil hindi ko na siya masyadong kinukulit pag madaling araw dahil nalilibang talaga ako dito. TY ulit at minsan ay papasyal ako sa inyo.

Pasensiya na dahil medyo OT pero bigay rin kayo ng mga kakuriputan tips para makabawas naman ng mga gastos maski konti.

d_southpaw
03-11-2006, 11:16 AM
Kalilipat lang namin. Kami ngayon halos magkapareho lang ang bill ng tubig at kuryente. May bintana kase kami in all directions kaya hindi kailangan ng ilaw sa daytime. Ang masakit sa bulsa ay ang gas bill dahil sa floor heater.

3rdy
03-12-2006, 04:01 AM
Mga 35T din ang monthly bills ng basic utilities ko. Tsk tsk mukhang mahal talaga. Hindi nalgn seguro ako maliligo hehehehe:D . Mag isa lang ako dito sa apt.

chennes
03-12-2008, 09:49 PM
Hello po mga ka-TF.
Bakit kaya ganun? mas malaki ang water bill namin kesa sa electric bill? Grabe.:eek:
27,000 yen ang bill namin kakareceived ko lang kanina, then yung last naman was 25,000!!! eh yung ilaw namin ngayon less than 2 lapad lang. Medyo bago kase kame dito sa house na nilipatan namin, before kase di naman nakikita kung magkano yung bill sa serviced apartment. Although, company ang nagbabayad ng utilities, nakaka windang yung bill namin sa tubig, baka akalain nila nag -aaksaya kame ng tubig porke't libre. Samantalang dalawa lang kame ni husband dito sa bahay, di naman kame gumagamit ng bath tub, shower lang tapos di naman kame matagal maligo:D. Atleast 4 times a week maglaba sa washing machine...
Talaga po bang mahal ang tubig dito?:confused:

rhynissa
03-13-2008, 12:14 AM
hello po, magtatanung lang po.. Bakit kami wala kamin binabayaran sa water? yung gas lang for the hot water, kuryente, landline, at internet connections?? Sabi ng asawa ko free daw ang tubig dito sa amin. Pero grabe ang mahal naman ng binabayaran ng gas namin. Included na ba ang bayad sa gas at sa water?? Pasensya na sa thread stater anu po. Hmm, pwede ba makatingin ng bill ng water? Thanks po..

louvette_15
03-13-2008, 06:40 AM
samin naman po mas mura ang water bill kasi 2000yen every 2 months po... ung electric bill namin umaabot lng ng 1 lapad sa winter pero pag futso nsa 3000-4000yen a month...

Spice
03-13-2008, 07:21 AM
eh hindi ko pa alam..nakikibas alang bago lang kase ako sa Japan:(
huwag naman sana mataas..salamat sa info:D

nhidz20
03-22-2008, 02:56 PM
kami naman mas malaki ang gas bill nasa 2 lapad, yung electric bill nasa 17,000 pero yung water bill kasama na sa bayad dito sa bahay 17 man di ko alam kung magkano ang sa tubig na presyo kaya wan too sawa kami sa pag gamit ng tubig. hehehe;)

rhynissa
03-28-2008, 07:38 AM
ayy sistah pareho pala tayo, kasama na pala sa bahay namin.. akala ko nakalibre na kami ng tubig eh hahaha.. wala kasi ako nakikitang water bill namin.. pero mabuti na ang wala, kasi malakas kami sa tubig lalo na ako hehehe:p

kami naman mas malaki ang gas bill nasa 2 lapad, yung electric bill nasa 17,000 pero yung water bill kasama na sa bayad dito sa bahay 17 man di ko alam kung magkano ang sa tubig na presyo kaya wan too sawa kami sa pag gamit ng tubig. hehehe;)

danasan143
04-03-2008, 01:08 PM
sa amin tubig ang mura nasa 6000 lang a month ang kuryente ko aabot ng 1 lapad :(