PDA

View Full Version : Hoikuen biglang tumaas ang babayaran BAKIT?!!!

japhil
06-27-2008, 10:02 AM
HELP PO

pag kumuha po ba ng income tax re-turn magmamahal po ba ang babayaran sa Hoikuen, Danchi, Hoken at babayaran sa school ng anak ko na high school ect. lahat po ba mag tataasan ang babayaran:confused:

nakipag usap po kasi kanina sa akin ang teacher ng anak ko bigla daw pong nag mahal ang bayad sa Hoikuen sa ngayon kasi binabayaran ko nasa 3,000 gurai lang po then me dumating daw pong letter sa Hoikuen na pinapasukan ng anak ko na umabot na daw po sa 20,000 + ang babayaran sa Hoikuen MONTHLY:confused: na isip ko lang baka dahil sa kumuha kami ng income tax re-turn kaya nagtaasan ang babayarin namin pati po yung sa Hoken namin before 10,000 monthly bayad namin ngayon sinisingil din kami ng 29,000 sa Hoken (sa city hall po hoken namin) pero di ako pumayag sabi ko 10,000 lapad lang kaya naming bayaran dahil dami namin gastusin at wala pa akong work:mad:

napakaliit lang ng sahod ng asawa ko kinukulang pa nga kami dahil sa me high school pa akong anak tapos biglang nagtaasan bayarin sa school:mad:

inaalala ko ngayon baka pati dito sa bahay namin sa Danchi taasan din po kami:eek::mad:

ANO PO BA ANG PINAG KAIBA NG KUMUKUHA NG INCOME TAX RE-TURN AT HINDI KUMUKUHA! DITO SA GOVERMENT NG JAPAN :confused:

bahaykubo
06-27-2008, 10:20 AM
may pinagkaiba ba???wala naman yata...buti nga ikaw ganyan lang bayad..anak ko hoikuen 6lapad++ monthly:mad:

wala ka pa namang work bakit nasa hoikuen si baby?? kasi po sahod mo+ sahod ni mister jan po binabase kung magkano ang babayaran sa hoikuen...

sa insurance di ko alam magkano bayad ei

erokawaiiAYA
06-27-2008, 10:28 AM
sis puso mo!. :D

Hi sis, sa palagay ko, yang pinoproblema mo eh natural lang ata dito sa Japan yan. Yung tungkol sa Danchi, talaga pong nag tataas ang bayaran, lalu na kung ang tinitirahan nyo eh bagong tayong building. Kaya kung ang binabayaran nyo sa danchi buwan buwan eh example - 5lapad, wag kang mag expect na zutto kang magbabayad ng 5lapad, kasi minsan talagang nag tataas sila, pero bago magtaas, bibigyan ka naman ng notice, para alam mo.

Siguro kung pwedeng mag reklamo sa munisipyo, lahat po ng tao na nakatira sa danchi nag reklamo na, wala namang magagawa ang umuupa kundi sumunod
na lang po kung anung patakaran.

Yung tungkol sa hoikuen, although, hindi ko pa naipapasok yung anak ko sa hoikuen, ang pagkaka alam ko, nagtataas o bumababa lang ang bayaran sa hoikuen - kung nagbabago din ang bayaran sa tax ng iyong asawa, at kung nagbabago din ang sweldo nya.

Ganun po ang pagkaka paliwanag sa akin.

Pero intay din tayo ng iba pang sasagot na ka TF natin, baka mas mapaliwanag pa po ng maayos.

Ganbatte sis, kaya mo yan!!

japhil
06-27-2008, 10:41 AM
may pinagkaiba ba???wala naman yata...buti nga ikaw ganyan lang bayad..anak ko hoikuen 6lapad++ monthly:mad:

wala ka pa namang work bakit nasa hoikuen si baby?? kasi po sahod mo+ sahod ni mister jan po binabase kung magkano ang babayaran sa hoikuen...

sa insurance di ko alam magkano bayad ei

gulat lang kasi ako mula 3,000 magiging 20,000 plus ang babayaran di naman nag babago sahod ng asawa ko :confused:

at saka same kaming pilipino ng asawa ko parehas kaming di marunong mag hapon kaya tinanggap sya sa hoikuen at saka buntis po ako malaki na tyan ko lapit na meng manganak kaya diko na kayang bantayan anak ko.

summergirl
06-27-2008, 10:59 AM

I think you better ask the taxation office dahil hindi biglang taas yan from 3 k to 20.000 yen..Para malaman mo..

proud me
06-27-2008, 11:39 AM
[quote=japhil;632738]gulat lang kasi ako mula 3,000 magiging 20,000 plus ang babayaran di naman nag babago sahod ng asawa ko :confused:

mas maganda nga magtanong nalang kayo ...kasi noon ganyan din ako...nagtataka rin na bakit pataas ng pataas yung binabayaran sa Daycare inabot pa nga kami ng 5lapad pa-bago-bago up and dwn baga...kaya nga sabi ko noon kung hindi lang maninibago uli ang anak ko gusto ko ilipat namin noon sa private yochien nalang dahil yung nalaman ko nga sa iba na yung binabayaran nila 2lapad lang e/m plus yung school bus ...4 yrs nagtiis nalang ...mas malaki pa yung nagastos namin ...hatid-sundo ko pa :D

japhil
06-27-2008, 11:59 AM
:confused: sis ang pinag tatako nga ehh wala namang nabago sa SAHOD at TAX ng asawa ko pag kauwi ko nga ng bahay tiningnan ko agad yung mga papel ng TAX galing sa kaisha ng asawa ko at yung record ng sahod nya wala namang nabago :confused: pero gulat talaga ako ha! pati nga sa HOKEN 29,000 sinisingil sa amin talagang di ako pumayag:( napasugod talaga ako sa city hall dito sa amin. . .eto na naman yung teacher ng anak ko sinabi na mahigit 20,000 babayaran na monthly hayyy dyosko day wala ng matitira sa sahod ng asawa ko susugod na naman ata ako sa city hall nito:scratch::bowdow n: magmamakaawa na naman ako nito.

sis puso mo!. :D

Hi sis, sa palagay ko, yang pinoproblema mo eh natural lang ata dito sa Japan yan. Yung tungkol sa Danchi, talaga pong nag tataas ang bayaran, lalu na kung ang tinitirahan nyo eh bagong tayong building. Kaya kung ang binabayaran nyo sa danchi buwan buwan eh example - 5lapad, wag kang mag expect na zutto kang magbabayad ng 5lapad, kasi minsan talagang nag tataas sila, pero bago magtaas, bibigyan ka naman ng notice, para alam mo.

Siguro kung pwedeng mag reklamo sa munisipyo, lahat po ng tao na nakatira sa danchi nag reklamo na, wala namang magagawa ang umuupa kundi sumunod
na lang po kung anung patakaran.

Yung tungkol sa hoikuen, although, hindi ko pa naipapasok yung anak ko sa hoikuen, ang pagkaka alam ko, nagtataas o bumababa lang ang bayaran sa hoikuen - kung nagbabago din ang bayaran sa tax ng iyong asawa, at kung nagbabago din ang sweldo nya.

Ganun po ang pagkaka paliwanag sa akin.

Pero intay din tayo ng iba pang sasagot na ka TF natin, baka mas mapaliwanag pa po ng maayos.

Ganbatte sis, kaya mo yan!!

OO nga mommy baka sa lunes pupunta ulit ako sa city hall sama ko na pati asawa ko hirap kasi ako lang lahat mag-isa nag aasikaso sa city hall kahit para sa asawa ko ako parin:( hayyy hirap talaga di marunong mag hapon same pa kami asawa ko.

kakagulat talaga 3,000 tataas ng 20,000 plus paaaaaa:eek:

I think you better ask the taxation office dahil hindi biglang taas yan from 3 k to 20.000 yen..Para malaman mo..

ako din sis naisip ko rin yan kung ganoon kataas ang babayaran sa hoikuen ng anak ko i private ko nalang sya:( kung talagang di mababago ang babayaran sa HOIKUEN ngayon. hayy nako ang sahod naman ng asawa ko ehh di umaabot ng 270,000 lapad tapos ang lalaki pa ng singil sa HOKEN, HOIKUEN at school ng anak ko na high school:scratch: wala ng natira sa amin.

[quote=japhil;632738]gulat lang kasi ako mula 3,000 magiging 20,000 plus ang babayaran di naman nag babago sahod ng asawa ko :confused:

mas maganda nga magtanong nalang kayo ...kasi noon ganyan din ako...nagtataka rin na bakit pataas ng pataas yung binabayaran sa Daycare inabot pa nga kami ng 5lapad pa-bago-bago up and dwn baga...kaya nga sabi ko noon kung hindi lang maninibago uli ang anak ko gusto ko ilipat namin noon sa private yochien nalang dahil yung nalaman ko nga sa iba na yung binabayaran nila 2lapad lang e/m plus yung school bus ...4 yrs nagtiis nalang ...mas malaki pa yung nagastos namin ...hatid-sundo ko pa :D

summergirl
06-27-2008, 12:39 PM
mag tanong ka sis,kasi wala naman sa private ang anak mo di ba?kaya medyo confusing yun..Better make it earlier para maayos nila agad..:D

proud me
06-27-2008, 12:56 PM
[quote=japhil;632828]:confused: sis ang pinag tatako nga ehh wala namang nabago sa SAHOD at TAX ng asawa ko pag kauwi ko nga ng bahay tiningnan ko agad yung mga papel ng TAX galing sa kaisha ng asawa ko at yung record ng sahod nya wala namang nabago :confused: pero gulat talaga ako ha! pati nga sa HOKEN 29,000 sinisingil sa amin talagang di ako pumayag:( napasugod talaga ako sa city hall dito sa amin. . .eto na naman yung teacher ng anak ko sinabi na mahigit 20,000 babayaran na monthly hayyy dyosko day wala ng matitira sa sahod ng asawa ko susugod na naman ata ako sa city hall nito:scratch::bowdow n: magmamakaawa na naman ako nito.

OO nga mommy baka sa lunes pupunta ulit ako sa city hall sama ko na pati asawa ko hirap kasi ako lang lahat mag-isa nag aasikaso sa city hall kahit para sa asawa ko ako parin:( hayyy hirap talaga di marunong mag hapon same pa kami asawa ko.

kakagulat talaga 3,000 tataas ng 20,000 plus paaaaaa:eek:

ako din sis naisip ko rin yan kung ganoon kataas ang babayaran sa hoikuen ng anak ko i private ko nalang sya:( kung talagang di mababago ang babayaran sa HOIKUEN ngayon. hayy nako ang sahod naman ng asawa ko ehh di umaabot ng 270,000 lapad tapos ang lalaki pa ng singil sa HOKEN, HOIKUEN at school ng anak ko na high school:scratch: wala ng natira sa amin.

nakakapagtaka nga yan :scratch: kasi sabi nila kaya nagbabago ang hoken o mga bayaran bine-base sa yearly income income tax :confused: sis, mag-kano binabayaran mo sa High school e/month?

rya
06-27-2008, 05:14 PM
ala po akong experience ng hoikuen pa pero last week e nareceive ko po yung mga coupons na babayaran ng hokken. Estudyante po ako at last year ay 3300 per month ang binabayaran ko (3 po kami my hubby and baby)...Tapos biglang naging 10 000 plus na per month so pumunta po ako sa city hall and nagtanong. dala ko po yung booklet ng mga binayaran ko last year and pinaeexplain ko po kung ano ang nabago e kako e ganun pa rin naman na estudyante ako.....

Ang explanation po nila ay, kung ala po akong discount (as student) ay normal po na 10 000 ang binabayaran per month....kaso daw di nila nareceive yung yellow paper declaring my income kaya di nila naireflect yung discount ko (may article number na nakalagay sa particular discounts) pero right there and then ay pinafill up ulit ako ng yellow paper (andun po nakasaad kung student ka ba or may work ka at magkano ang income mo) tapos binago at renecompute po ang binayaran ko.

tama po na pumunta kayo ulit. dalhin po nyo yung dati nyong hokken booklet at ipaexplain nyo kung bakit tumaas. good luck po.

louvette_15
06-27-2008, 07:19 PM
talaga po magmamahal ang singil sa hoikuen? kasi po siningil ako ng 14,000yen nung katapusan ng april pero until now po dpa ako sinisingil ng para sa may at june.. bakit kaya? kaya nga po nagulat ako sa nabasa kong to na magmamahal na din ang hoikuen ni baby..

tfcfan
06-27-2008, 07:51 PM
Binabase po talaga ang bayad sa hoikuen,danchi at tax sa yearly income ng asawa natin or kung sinu man ang head of household.At kung anuman ang halaga ng babayaran nyo this year sa hoikuen ,danchi at tax eh binabase po iyan sa last year na income which is yung gensen 2007 ng hubby ninyo.At depende rin po yata yan sa kung may trabaho ang nanay at tatay,kaya mura ang hoikuen ninyo..Kase yung kapitbahay namin na Pinay dito ang binabayaran lang nya sa hoikuen eh 5sen / month while kaming mag asawa eh nasa 3man6sen pero kalahati lang po ang bayad for the 2nd child at 1/10 for the 3rd child sa parehong hoikuen po pumapasok ang anak namin..So kung ang lalabas na babayarn nyo sa tax ninyo this year eh malaki rin ibig sabihin malaki ang income nyo last year.Kung naging maliit man nag binayaran nyo last year sa hoikuen,tax at danchi ibinase po eto sa nagdaang taon which is 2006.Ganyan po kase nangyari sa kin nagulat ako sa dumating na shiminzei (residence tax) this month of June umabot ng 6man 9sen ang babayaran namin(eto yung booklet na babayaran na hinati for 4 months) ,kumpara sa last year na 3man 9sen lang so punta ako ng cityhall at pinakita ko ,Pinaliwanag na ang ginawang basehan nila eh sa yearly income nga ng asawa ko malaki pala ang naging income namin last year 2007 kaya malaki ang babayaran namin sa residence tax for this year...

makulit
06-27-2008, 09:24 PM
miss japhil, kailan po ba kayo nagpunta ng Japan? Pang second year nyo pa lang po ba dito? Bale 1st time nyong nakakuha ng income tax return slip?

japhil
06-27-2008, 10:46 PM
nakakapagtaka nga yan :scratch: kasi sabi nila kaya nagbabago ang hoken o mga bayaran bine-base sa yearly income income tax :confused: sis, mag-kano binabayaran mo sa High school e/month?[/QUOTE]

:confused: opo nakakapag taka po talaga kasi yung salary po ng asawa ko mula 2006, 2007 ehh wala naman pong nabago pati tax same lang ang mga nakalagay sa yearly na binibigay ng kaisha ng asawa ko.

yung high school ko po na anak me dumating na sulat from school na sinisingil kami ng 35,000 plus dahil di raw po ako nakapag lagay sa BANK. ang pagkakaalam ko monthly nagbabayad ako sa school ng anak ko na high school:( pati sa kanya tumaas din di lang sa anak ko na nasa Hoikuen.

proud me
06-27-2008, 10:53 PM
nakakapagtaka nga yan :scratch: kasi sabi nila kaya nagbabago ang hoken o mga bayaran bine-base sa yearly income income tax :confused: sis, mag-kano binabayaran mo sa High school e/month?

:confused: opo nakakapag taka po talaga kasi yung salary po ng asawa ko mula 2006, 2007 ehh wala naman pong nabago pati tax same lang ang mga nakalagay sa yearly na binibigay ng kaisha ng asawa ko.

yung high school ko po na anak me dumating na sulat from school na sinisingil kami ng 35,000 plus dahil di raw po ako nakapag lagay sa BANK. ang pagkakaalam ko monthly nagbabayad ako sa school ng anak ko na high school:( pati sa kanya tumaas din di lang sa anak ko na nasa Hoikuen.[/quote] sis...anu ba yung anak mo junior o sen High school...houritsu ba school niya?

japhil
06-27-2008, 10:58 PM
talaga po magmamahal ang singil sa hoikuen? kasi po siningil ako ng 14,000yen nung katapusan ng april pero until now po dpa ako sinisingil ng para sa may at june.. bakit kaya? kaya nga po nagulat ako sa nabasa kong to na magmamahal na din ang hoikuen ni baby..

ikaw din pala lumaki din hoikuen ng anak mo na babayaran:confused: sa sahod po ba ng asawa nyo wala rin nabago?

Binabase po talaga ang bayad sa hoikuen,danchi at tax sa yearly income ng asawa natin or kung sinu man ang head of household.At kung anuman ang halaga ng babayaran nyo this year sa hoikuen ,danchi at tax eh binabase po iyan sa last year na income which is yung gensen 2007 ng hubby ninyo.At depende rin po yata yan sa kung may trabaho ang nanay at tatay,kaya mura ang hoikuen ninyo..Kase yung kapitbahay namin na Pinay dito ang binabayaran lang nya sa hoikuen eh 5sen / month while kaming mag asawa eh nasa 3man6sen pero kalahati lang po ang bayad for the 2nd child at 1/10 for the 3rd child sa parehong hoikuen po pumapasok ang anak namin..So kung ang lalabas na babayarn nyo sa tax ninyo this year eh malaki rin ibig sabihin malaki ang income nyo last year.Kung naging maliit man nag binayaran nyo last year sa hoikuen,tax at danchi ibinase po eto sa nagdaang taon which is 2006.Ganyan po kase nangyari sa kin nagulat ako sa dumating na shiminzei (residence tax) this month of June umabot ng 6man 9sen ang babayaran namin(eto yung booklet na babayaran na hinati for 4 months) ,kumpara sa last year na 3man 9sen lang so punta ako ng cityhall at pinakita ko ,Pinaliwanag na ang ginawang basehan nila eh sa yearly income nga ng asawa ko malaki pala ang naging income namin last year 2007 kaya malaki ang babayaran namin sa residence tax for this year...

ganon po ba yun pag pala me nabago sa sahod ng asawa ko lahat mag tataasan :eek: ehh halos kalahati na ng sahod ng asawa ko nasa gobyerno na :( nakakatakot pa yung pag taas ng mga babayarin ko sa city hall grabe sa HOKEN before 5,000 monthly then naging 29,000 nakiusap ako diko kayang magbayad ng ganyan kalaki kaya ginawa nila 10,000 monthly nalang then ngayon araw na ito sa HOIKUEN 3,000 naging 25,000 plus :confused: ano na matitira sa sahod ng asawa ko , wala naman akong work dahil buntis ako. then sa residence tax noong March nag punta ako sa city hall sabi wala raw kaming babayaran dahil 4 kami dito sa bahay at maliit lang sahod ng asawa ko pero bigla kaming siningil ng 90,000 lapad at hinati sa 4 na buwan:(

miss japhil, kailan po ba kayo nagpunta ng Japan? Pang second year nyo pa lang po ba dito? Bale 1st time nyong nakakuha ng income tax return slip?

wala pong nabago sa SAHOD at TAX ng asawa ko mula 2006, 2007

first time po lang naming kumuha ng income tax re-turn

kayo po ba nag taasan din po ba ang mga babayaran nyo sa city hall :confused:

maria_71jp
06-28-2008, 01:38 PM
sis makisali po ako,so pag ganun pala the more na malaki ang income ng asawa eh malaki lahat babayaran natin sa cityhall?naku yayaman pala mga japanese sa ating mga dayuhan...me kakilala po akong haponesa kasama dati sa work palagi niyang sinasabi sa sacho namin na dapat sir di aabot sa 10lapad ang sueldo ko kasi mahal mababayaran namin sa tax ng asawa ko(half day) lang kasi work niya everyday...

chevelle:)
06-28-2008, 02:48 PM
opo sis depende po talaga yan sa income ng mag-asawa ang amount ng babayaran sa hoikuen ng mga bata. kaya nga po usually ang tinatanggap lang po talaga sa hoikuen ay yung parehas na working ang parents. ngayon ko lang nalaman na pwede din pala ma-accept kahit di nagtra-trabaho ang mother kasi ang alam ko isa yun sa hinihingi nilang requirements. ang mura pala ng binabayaran mo dati sis 3000 yen lang. pero ang laki nga ng difference kung from that eh bigla abutin ng 20000 yung fee na babayaran mo. kagay ng advices nila punta ka po sa cityhall and request ka po ng explanation kung bakit nagkaganun. paki-update na lang din kami kung ano po reason nila para maunawaan din mabuti ng iba pang nagbabasa dito.:)

proud me
06-28-2008, 04:06 PM
sis makisali po ako,so pag ganun pala the more na malaki ang income ng asawa eh malaki lahat babayaran natin sa cityhall?naku yayaman pala mga japanese sa ating mga dayuhan...me kakilala po akong haponesa kasama dati sa work palagi niyang sinasabi sa sacho namin na dapat sir di aabot sa 10lapad ang sueldo ko kasi mahal mababayaran namin sa tax ng asawa ko(half day) lang kasi work niya everyday... bakit kaya ang mga pilipino hindi yumayaman sa mga tax ng mga dayuhan sa pinas...Joke lang ha! :D siguro mas marami lang yung mamamayan nila na mas binabantayan nila yung pag-gagamitan ng gobyerno ng Tax nila...kesa sa buhay ng may buhay noh?:p

tfcfan
06-28-2008, 04:17 PM
sis makisali po ako,so pag ganun pala the more na malaki ang income ng asawa eh malaki lahat babayaran natin sa cityhall?naku yayaman pala mga japanese sa ating mga dayuhan...me kakilala po akong haponesa kasama dati sa work palagi niyang sinasabi sa sacho namin na dapat sir di aabot sa 10lapad ang sueldo ko kasi mahal mababayaran namin sa tax ng asawa ko(half day) lang kasi work niya everyday...

eto naman po yung kung ang isang misis eh nakapasok sa fuyu teate ng asawa or dependant ka nya(sa social insurance) dapat talaga di lalagpas sa 110 man gurai per year ang magiging sahod mo kase kung lumagpas dun eh mapipilitan ang isang maybahay na magbayad sarili nyang social insurance nya (shakai hoken or kokumin kenko hoken).Ganyan po kase ang sistema nila dito,At least nakikita naman po natin kung san napupunta ang mga tax,na ibinabayad natin,magandang serbisyo at facilities sa kahit saan...:)

japhil
07-11-2008, 09:43 AM
mga kapatid ibalita ko na po kung ano ang nangyari sa pakikipag usap namin sa city hall dito sa lugar namin.

yappari hindi po napakiusapan ang city hall na babaan ng konti ang bayad ng anak ko sa hoikuen na 25,000 monthly before nga po is 3,500 lang ang binabayaran ng anak ko sa school nya. last year daw po kasi na sahod ng asawa ko ehh lumaki:confused: pero sa totoo lang po walang pinagkaiba sa nauna pang taon na sinahod nya. . . . .nag apply kasi kami ng danchi kaya ang ginawa ng kaisha ng asawa ko nilakihan ng konti ang sa TAX para daw po makapasok kami ng danchi, pero yun po ehh sa papel para sa tax lang hindi po totoong sinahod. . . . . hindi na raw po mababago ang :(papel na pinasa namin.

kaya ngayon nakipag usap ulit ako sa school na baka naman kung maari agapan ko nalang sundo ko sa anak ko baka bumaba ang babayaran sa hoikuen sabi naman po sa akin mijikai or nagai ka kankenai daw po same daw po ang babayaran talaga.:( naawa lang ako sa anak ko kasi sobra talaga enjoy nya sa school masyado kasing friendly ang anak ko kahit sino kinakausap kaya ginagawan ko talaga ng paraan para di sya matigil sa school.

then sinabihan pa po ako ng pinakang mataas na teacher sa hoikuen ng anak ko na sa 25,000 na monthly ang anak ko lang daw po ang pinakang malaki ang babayaran sa hoikuen na iyon:eek: sa ngayon daw po ehh 6,000 ang pinakang malaki ang binabayaran ng mga bata dun.

:confused:pero meron po akong kapit bahay dito pilipino din po silang buong pamilya malaki po ang sahod ni kuya kesa sa asawa ko pero ang binabayaran nya sa hoikuen ng anak nya ehh halos parehas lang sa binabayaran ng anak ko before na 3,500. . . . at asawa nya pati me work. ako naman walang work kasi buntis nga po ako.

dito po ba sa japan meron din na kakalikot ang mga bayaran sa tax:confused: parang pilipinas baga.

TANONG LANG PO:confused:

:(naaawa ako sa anak ko naisip ko tuloy i private hoikuen ko nalang sya kung magbabayad din ako ng ganyan kalaking halaga. mga anong buwan po kaya pwedeng mag enroll ulit sa private hoikuen naman, kankenai po ba ang month sa pag enroll sa mga private school:confused:

maraming salamat po

makulit
07-11-2008, 10:29 AM

private hoikuen? mas okane kakaru po yon, at base din po sa sweldo. yung kakilala ko po sa private hoikuen, 35K po ang bayad nila buwan-buwan. sa pagkakaalam ko pwede pumasok any time sa private hoikuen basta may available slot po.

kung youchien (kindergarten) naman po ang ibig ninyon sabihin. may admission fee po doon at building maintenance fee. mga 160K po ang initial payment at around 25K din ang monthly, pero, may babalik po na around 1man from cityhall every month. Twice a year po ito binibigay from citihall. pwede pong pumasok ang bata anytime sa youchien.

proud me
07-11-2008, 10:46 AM
mga kapatid ibalita ko na po kung ano ang nangyari sa pakikipag usap namin sa city hall dito sa lugar namin.

yappari hindi po napakiusapan ang city hall na babaan ng konti ang bayad ng anak ko sa hoikuen na 25,000 monthly before nga po is 3,500 lang ang binabayaran ng anak ko sa school nya. last year daw po kasi na sahod ng asawa ko ehh lumaki:confused: pero sa totoo lang po walang pinagkaiba sa nauna pang taon na sinahod nya. . . . .nag apply kasi kami ng danchi kaya ang ginawa ng kaisha ng asawa ko nilakihan ng konti ang sa TAX para daw po makapasok kami ng danchi, pero yun po ehh sa papel para sa tax lang hindi po totoong sinahod. . . . . hindi na raw po mababago ang :(papel na pinasa namin.

kaya ngayon nakipag usap ulit ako sa school na baka naman kung maari agapan ko nalang sundo ko sa anak ko baka bumaba ang babayaran sa hoikuen sabi naman po sa akin mijikai or nagai ka kankenai daw po same daw po ang babayaran talaga.:( naawa lang ako sa anak ko kasi sobra talaga enjoy nya sa school masyado kasing friendly ang anak ko kahit sino kinakausap kaya ginagawan ko talaga ng paraan para di sya matigil sa school.

then sinabihan pa po ako ng pinakang mataas na teacher sa hoikuen ng anak ko na sa 25,000 na monthly ang anak ko lang daw po ang pinakang malaki ang babayaran sa hoikuen na iyon:eek: sa ngayon daw po ehh 6,000 ang pinakang malaki ang binabayaran ng mga bata dun.

:confused:pero meron po akong kapit bahay dito pilipino din po silang buong pamilya malaki po ang sahod ni kuya kesa sa asawa ko pero ang binabayaran nya sa hoikuen ng anak nya ehh halos parehas lang sa binabayaran ng anak ko before na 3,500. . . . at asawa nya pati me work. ako naman walang work kasi buntis nga po ako.

dito po ba sa japan meron din na kakalikot ang mga bayaran sa tax:confused: parang pilipinas baga.

TANONG LANG PO:confused:

:(naaawa ako sa anak ko naisip ko tuloy i private hoikuen ko nalang sya kung magbabayad din ako ng ganyan kalaking halaga. mga anong buwan po kaya pwedeng mag enroll ulit sa private hoikuen naman, kankenai po ba ang month sa pag enroll sa mga private school:confused:

maraming salamat po ay! sus... eh!meron naman palang dahilan kung bakit
tumaas yung mga bayaran ninyo eh!:D....dibale na nakapasok naman ata kayo sa danchi na gusto ninyo matiraan eh!:D

lykz
07-11-2008, 11:11 AM
ako rin kakapasok lng ng anak ko s hoekuen nung may bali 8800 monthly bayad nmin den may dumating din n sulat gling city hall n magiging 13000 monthly n ang babayran nmin start june:(:(:(kasi dw meron dw nka record n last year n yearly income ni hubby n hindi n isama before ...

base tlaga s yearly income ni hubby kung mgkano ang babayaran s hoekuen:O:O

Guramarasu
07-26-2008, 07:40 PM
mga kapatid ibalita ko na po kung ano ang nangyari sa pakikipag usap namin sa city hall dito sa lugar namin.

yappari hindi po napakiusapan ang city hall na babaan ng konti ang bayad ng anak ko sa hoikuen na 25,000 monthly before nga po is 3,500 lang ang binabayaran ng anak ko sa school nya. last year daw po kasi na sahod ng asawa ko ehh lumaki:confused: pero sa totoo lang po walang pinagkaiba sa nauna pang taon na sinahod nya. . . . .nag apply kasi kami ng danchi kaya ang ginawa ng kaisha ng asawa ko nilakihan ng konti ang sa TAX para daw po makapasok kami ng danchi, pero yun po ehh sa papel para sa tax lang hindi po totoong sinahod. . . . . hindi na raw po mababago ang :(papel na pinasa namin.

kaya ngayon nakipag usap ulit ako sa school na baka naman kung maari agapan ko nalang sundo ko sa anak ko baka bumaba ang babayaran sa hoikuen sabi naman po sa akin mijikai or nagai ka kankenai daw po same daw po ang babayaran talaga.:( naawa lang ako sa anak ko kasi sobra talaga enjoy nya sa school masyado kasing friendly ang anak ko kahit sino kinakausap kaya ginagawan ko talaga ng paraan para di sya matigil sa school.

then sinabihan pa po ako ng pinakang mataas na teacher sa hoikuen ng anak ko na sa 25,000 na monthly ang anak ko lang daw po ang pinakang malaki ang babayaran sa hoikuen na iyon:eek: sa ngayon daw po ehh 6,000 ang pinakang malaki ang binabayaran ng mga bata dun.

:confused:pero meron po akong kapit bahay dito pilipino din po silang buong pamilya malaki po ang sahod ni kuya kesa sa asawa ko pero ang binabayaran nya sa hoikuen ng anak nya ehh halos parehas lang sa binabayaran ng anak ko before na 3,500. . . . at asawa nya pati me work. ako naman walang work kasi buntis nga po ako.

dito po ba sa japan meron din na kakalikot ang mga bayaran sa tax:confused: parang pilipinas baga.

TANONG LANG PO:confused:

:(naaawa ako sa anak ko naisip ko tuloy i private hoikuen ko nalang sya kung magbabayad din ako ng ganyan kalaking halaga. mga anong buwan po kaya pwedeng mag enroll ulit sa private hoikuen naman, kankenai po ba ang month sa pag enroll sa mga private school:confused:

maraming salamat po

Kung bakit 3000 ka lang dati ay dahil wala kayong record na may income kayo in 2006, at dahil nagfile na kyo ng 2007, nakita na ito sa city hall kaya sinisingil na kayo according to payment scheme nila. Hindi naman puwede na all the time hindi kayo magpa-file ng income tax, bawal yan kahit sa atin. It wasn't a good move na pinagpilitan mo sa city hall na 'pareho lang namn ang income ninyo nung 2006' dahil baka singilin ka pa nila sa months na nagbayad ka lng ng 3000 yen. It was really a privilege pa nga sa inyo na for a start 3000 lang muna. Yet it is a right na ibinibigay talaga nila ang privilege na iyon hanggang makapag-bawi bawi na kayo (ochitsuku made) sa seikatsu ninyong pamilya. They are encouraging right planning sa pagba-budget ng earnings. I'm sure ipinaliwanang ito sa inyo nung bago nyo ipasok ang anak ninyo sa Hoikuen na magbabago ang bayarin sa next filing ng income tax. On my experience, 0 yen ang starting namin, then naging 40000+plus na after filing the next income tax. That is for my two kids.

you also quoted---(then sinabihan pa po ako ng pinakang mataas na teacher sa hoikuen ng anak ko na sa 25,000 na monthly ang anak ko lang daw po ang pinakang malaki ang babayaran sa hoikuen na iyon:eek: sa ngayon daw po ehh 6,000 ang pinakang malaki ang binabayaran ng mga bata dun.

pero meron po akong kapit bahay dito pilipino din po silang buong pamilya malaki po ang sahod ni kuya kesa sa asawa ko pero ang binabayaran nya sa hoikuen ng anak nya ehh halos parehas lang sa binabayaran ng anak ko before na 3,500. . . . at asawa nya pati me work. ako naman walang work kasi buntis nga po ako.)

Maaaring hindi clear ang pagkakarinig mo sa sinabi ng Enchousensei. Hindi maaaring ikaw lng ang nagbabayad ng ganyan kataas na monthly.

Kahit hindi ka nagtatrabaho, or both nagtatrabaho, sa last year's income statement pa rin ang basehan ng bayarin. 25000 is still under the city hall premium, at covered ka doon dahil buntis ka hindi dahil hindi ka lang nagtatrabaho. Kung hindi ka under sa city hall nasa 80000+ ang magiging fees mo monthly. More kung ipa-private mo. Mas malaki ito.

Sa both Filipino parents na nagtatrabaho, never believe in what they say. Malamang may errors yan, or under pa rin sila sa privilege system na binibigay ng city hall. Remember hindi sila magbibigay sa iyo ng exact information lalo't magkalapit lang kayo ng tirahan. Better ask here on TF. They will give you facts.

Regarding sa Hoken, Kokumin Hoken ba ito? I guess Oo kasi sabi mo from city hall eh, dapat mo itong bayaran, peru gaya ng sabi mo na-negotiate mo ito to 10000 yen na lng, which is good for you and acceptable sa kanila, patuloy mo lang gawin ito, sabi ko nga acceptable ito. (Got it?) Or if you want to give them 1 yen, tatanggapin pa rin nila yan despite having lots of arrears, PROVIDED that you know how to negotiate AGAIN and AGAIN give them (any acceptable kuno)reasons and attend to their patawag dates. Pero complicated naman iyon, as for me, I'm not encouraging it. The best thing is abide by their rules (pa rin).

As a general, accept the fact that there is an expected increase of payment when your income also increases which applies to danchi, schools and hoikuens.