PDA

View Full Version : bumabagal na pc


Laiza
06-28-2008, 03:47 PM
Hello po mga taga- tf! Baka po pwede nyo kong matulungan sa pc ko. Ang bagal na po kasi masyado, kala ko may virus lang napabili tuloy ako ng norton anti virus kala ko bibilis na takbo ng pc ko pero bat para yatang bumagal lalo. Ano po kaya dapat kong gawin? Thank you po sa mag re-reply.

engr_jazon
06-28-2008, 04:11 PM
hello laiza san,

siguro maraming nang mga hindi importanteng programs ang nainstall sa iyong PC.. kung wala naman syang virus, at nag install ka nyang NORTON, talagang mas babagal pa ang PC mo..medyo malaki kasi ang kain ng NORTON sa iyong system...

try mo alisin ang iilang programs na hindi naman talaga kailangan....
punta ka CONTROL PANEL, add/remove programs...

another thing, iDISK Clean up mo ang Hard Disk mo...
saka magderfragmentation ka na rin...para maiayos ang mga lahat ng files sa PC mo...ginagawa neto na parang inaayos lahat ng laman ng Hard disk mo from mostly used, mostly access, etc... parang librarian sya ng PC mo...hehe

kapag ayaw pa rin, iback up mo nalang ang lahat ng files mo...
then ireinstall nalang ang PC... para refresh na refresh ang system....
consider this as your last resort

Laiza
06-28-2008, 04:21 PM
Thank you sa reply ita-try ko yung sinabi mo. Thank's ulit!

engr_jazon
06-28-2008, 04:25 PM
Thank you sa reply ita-try ko yung sinabi mo. Thank's ulit!


yup...ang cute ng avatar kamukha siguro ng mommy...:D

yung mga programs na hindi mo naman nagagamit, halimbawa maraming ka ng PLAYER bukod sa Windows media player ialis mo nalang...
saka yung iba pa na redundant na...

g.b.a.
06-28-2008, 09:05 PM
baka makatulong din po ito...
(please click the link below)

http://www.makeuseof.com/tag/10-quick-fixes-to-make-your-windows-computer-faster/

itchay
06-28-2008, 09:09 PM
hello Laiza,

dagdag lang po sa payo ni mamang engr..

deleting your temporary internet files may also help speed up your PC a bit more.
ito yung mga files that are automatically saved into your computer whenever you browse a site. and if you're a heavy net surfer, malamang marami ka ng temp internet files.

subukan mo rin po to.

and here's how:

with your Internet browser (Internet Explorer or Firefox) open,

- select the 'Tools' menu
- open the 'Internet Options' dialog box
- click 'Delete Files..' under the 'Temporary Internet Files' subcategory

NOMADZ
06-29-2008, 12:04 AM
Konting tulong din po...

bka makatulong po ito sa mabilisang paglilinis ng mga temporary internet at program files ninyo.

www.ccleaner.com (http://www.ccleaner.com)

Free po ang ccleaner download nlang po.

Avoid niyo rin po yung mga unwanted programs running on your windows background and startup.

Iwasan din po ang napakaraming FONTS na installed, isa po yan sa nagpapabagal ng PC lalo na sa startup.

Dillinger
06-30-2008, 06:40 PM
Dag dag ko lang para bumilis ang takbo ng pc mo bumili ka ng external harddisk at dun mo lahat ilagay ang mga files like mp3, pictures, notepad etc...at pwede ka din gumawa ng drive d using external hard disk..so gagaan na ngayon ang pc mo at mag improve ang speed niya:D

---Dillinger---

baguioboy
07-02-2008, 02:35 PM
whag po kasi kayo gumamit ng NORTON gumamit nalang po kayo ng NOD32 hindi ho kasi sya mabigat sa RAM tas easy to use pa ito

Pilak
07-02-2008, 02:52 PM
Hello po mga taga- tf! Baka po pwede nyo kong matulungan sa pc ko. Ang bagal na po kasi masyado, kala ko may virus lang napabili tuloy ako ng norton anti virus kala ko bibilis na takbo ng pc ko pero bat para yatang bumagal lalo. Ano po kaya dapat kong gawin? Thank you po sa mag re-reply.

Try ninyo po ito at effective naman so far ito for me. Delete mo yung mga cookies and temporary internet files mo po,lagyan mo ng check yun box pagclick mo sa letter C tapos letter D naman.:)