reon
07-03-2005, 01:41 PM
Kilala ang Mount Tsukuba sa Ibaraki dahil ito ang pinakamataas na bundok na makikita sa isang lawak ng Kanto Plain. Kahit mababa lang ito (876 meters) kumpara sa ibang bundok sa Japan, mayroon itong panoramic view ng paligid at sa maliwanag na umaga, kapag walang fog, makikita sa gawing silangan ang Pacific Ocean at sa gawing timog naman ang Mount Fuji. Kasama din ang Mount Tsukuba sa 100 Famous Mountains ( 百名山 ) ni Fukada Kyuuya.
May dalawang peaks ang Tsukuba-san: ang Nantai-san (870 meters) at ang mas mataas na Nyotai-san (876 meters). Sa Nyotai-san kami umakyat. Madali lang ang hike; ang totoo ay naisipan lang naming umakyat at wala kaming ginawang preparation bukod sa pagbili ng tubig at kaunting snack sa malapit na 7-Eleven. Normal na inaakyat ito ng mga elementary school students sa paligid ng Ibaraki. Tamang-tama para sa family hike o praktis para sa mas matataas na bundok.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0987.jpg
Ang Mount Tsukuba sa summer. Katatapos lang ng mahinang ulan at maulap pa sa tuktok.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0990.jpg
Kailangang mag-drive papunta sa Tsukuba Shrine, kung saan magsisimula ang hike.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_0994.jpg
Ang Hiking Map papunta sa tuktok ng Mount Tsukuba kung saan nakalagay ang iba-ibang courses at estimated hiking time. Nakalagay din dito ang stations ng cable car at ropeway, para sa ayaw mapagod pagpunta sa taas.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1000.jpg
Ang "kisame" ng isa sa mga structures sa Tsukuba Shrine.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1037.jpg
Nakakapagod sa simula ng hike. Madulas pati ang mga bato dahil sa mga lumot at putik dahil sa ulan.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1010.jpg
Kahit na hindi ka naman siguro maliligaw sa isang maliit na bundok ng kagaya ng Tsukuba-san, may mga mapa para malaman ng mga hikers kung nasaan na sila.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1066.jpg
Gubat. Maraming puno sa paligid. Madilim. Mahiwaga at nakakatakot kung minsan. Kung natatandaan ninyo ang sikat na opening sequence sa film ni Kurosawa na "Rashomon (http://www.dvdverdict.com/reviews/rashomon.php)" o ang opening paragraphs ng short story ni Joseph Conrad na "Lagoon (http://www.eastoftheweb.com/short-stories/UBooks/Lago.shtml)", malalaman ninyo ang ibig kong sabihin. Hindi ko siguro gustong maiwan dito pagsapit ng dilim.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1042.jpg
Hiking boots na puno ng putik. Parang ako yata ang maghuhugas nito pagbalik sa bahay.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1108.jpg
Madilim sa loob ng kahuyan. Naaalala ko tuloy ang hometown ko sa Pilipinas; maraming lugar na parang ganito.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1095.jpg
Picture sa malaking puno. Maganda palagay ko para sa mga bata ang pag-akyat ng bundok. Natututo sila ng paghihirap para makamit ang mga objectives, disiplina, at appreciation ng kalikasan.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1135.jpg
Pikyuran sa gitna ng malalaking bato.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1076.jpg
Mga patay na kahoy at dahon.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1148.jpg
May tawag sila dito sa malaking bato na ito: Hokuto Iwa (Great Bear Rock). Isang piraso daw ito ng nalaglag mula sa langit na North Star. Palagay ko hindi totoo ito. :)
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1163.jpg
Maliliit na dahon ng gumagapang na halaman sa mga lumot.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1152.jpg
Akyat ulit pataas. Nangunguna yong maliit. Nasa taas ang tinatawag nilang Daibutsu Seki (Great Buddha Rock).
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1165.jpg
Ang unang sulyap ng mga ulap malapit na sa tuktok.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1174.jpg
Nasa tuktok na kami ng Nyotai-san at nakatingin sa Nantai-san, ang isa pang peak ng Mount Tsukuba. Sa gitna ng picture makikita ang station ng cable car, kung saan kami sasakay pababa. Medyo pagabi na kasi.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1173.jpg
Si Estong, nakatingin naman sa bangin. Makikita ang station ng ropeway at mabababang ulap sa taas ng mga puno.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1184.jpg
Ang iba pang hikers, nagpapahinga lang sa tuktok. Maraming fog kaya hindi masyadong makita ang malayo.
http://www.timog.com/gallery/files/5/dsc_1191.jpg
Pababa na kami at nadaanan namin itong tinatawag nilang Gama Seki (Toad's Rock). Mas mukhang butiki ito para sa akin. Magkakaroon ka daw ng good luck pag naka-shoot ka sa bibig ng palaka ng bato. Naka-shoot naman, kaso nalaglag ang ibang bato na nai-shoot ng ibang tao. Mamalasin kaya sila dahil dito?
May mga pictures din dito ng Tsukuba Winter Hike. (http://www.timog.com/gallery/browseimages.php?c=1 5)