PDA

View Full Version : A Secret for everyone

lymed
03-11-2006, 12:39 PM
Hello co-TFers, At last i decided to ask your opinion regarding my 10 month old secret (now it's not). Secret-- coz i tried keeping it to myself and suffered the bad thoughts alone for ten months now until here.

Have you ever experienced finding your husband playing around? I mean.. having an affair when you were away? How did you handled it? Is there a way to forgetting about it?

I felt hard accepting the fact, as hard as throwing it out of my mind. He promised not to do it again and i'm seeing proofs of it naman. But i just can't resist myself thinking absurd things that tend me ask him more about her and his affair. Which more times lead us to bicker, bcuz i dont get an answer to my questions other than "pls. just forget about it, dont worry... that will never happen again" --- I am not satisfied with that response kaya i would ask him again same type of questions in different approach... i really need answers which i'm too proud to ask from my family and friends. Because of that questions na paulit ulit ay madalas kaming matulog ng magkatalikod hanggang ngayon.

As i can see... pinagsisihan na rin naman nya ang ginawa nya... pero di ko lang talaga mawala sa isip ko... paano nya kaya ginawa ang ganon..yong ganito.. yong mga ganon. Naiintindihan ba ako???:cry: Pasensya na po... ang hirap kasi payuhan ang sarili.

bell
03-11-2006, 01:11 PM
ang hirap talagang magtiwala lalo na kung nalaman mo na may other women sya.masakit isipin kung ano ba ang kulang ,bakit sya nagloloko,bakit nya nagawa yon,may pagkukulang ba ako,may hindi ba ako naibigay para mapasaya sya?ano ba ang mayron ang babaeng yon na nakita nya?na wala sa akin.yon ang mga tanong na lagi sumasagi sa isip ko.siguro nga may pagkukulang rin tayo kaya nagawa yon.kahit ako naranasan ko na yan.mahirap kasi lagi nasa isip mo na niloloko ka nya bawat oras pag nawawala sya sa paningin mo.ayong pati cellphone nya check ko lagi kaya lang wala ring magagawa ang mga yon kung talagang magloloko kahit nasan ka man.advise ko lang sayo magtiwala ka at kausapin mo syasa nararamdaman mo.hindi man maalis sa isipan mo yon basta may pagmamahal dyan sa dibdib mo kahit paano mapupunan non ang nagawa nya.at wag mo lagi sa kanya banggitin ang ginawa nya kasi baka pagmulan nyo pa ng away.mas iparamdam mo sa kanya ang pagmamahal mo para marealize nya na mali ang nagawa nya sayo.goodluck....... :D

lymed
03-11-2006, 02:05 PM
Salamat Bell, alam ko namang may pagkukulang ako, almost 3 years akong ayaw muna bumalik dito dahil na rin sa mga bata (nong April '05 lang ako bumalik dito para mag extend ng visa) pero akala ko ok lang naman dahil regular naman ang uwi nya, 2 times a year minsan nga 3 pa. Kaya di ako nag expect na may ganong nangyayari. Na found out ko lang dahil nga rin sa celphone, may voicemail yong babae kung bakit daw ayaw sagutin ang tawag nya at naka block pa ang number nya..... galit na galit at humihingi ng 50lapad para daw di sya manggulo.

Kaya nga ngayon ganon na rin ang ginagawa ko, iniinspeksyon paminsan minsan ang CP nya.

wolfgang
03-11-2006, 03:41 PM
Sweet revenge yata kailangan diyan ...ang ibig kong sabihin dapat punan mo na lang ang mga pagkukulang mo.. wag mong kulitin ang asawa mo at paulit-ulit na kalkalin ang nagawa niya let bygones be bygones .mas ipakita mo na worthy ka kesa sa babae niya .pagsilbihan mo siya at ipakita mo kung gaano ka magmahal.Makikita mo baka magbago ang asaw mo baka mas mahalin ka niya and baka mawala na rin yuing babae niya.Pahabol lang na question kapwa pinay ba natin ang babae kasi kung kapwa pinay puwede mo sigurong kausapin ng maganda yung pinay na layuan yung asawa mo...:rolleyes: :)

bell
03-11-2006, 06:03 PM
Salamat Bell, alam ko namang may pagkukulang ako, almost 3 years akong ayaw muna bumalik dito dahil na rin sa mga bata (nong April '05 lang ako bumalik dito para mag extend ng visa) pero akala ko ok lang naman dahil regular naman ang uwi nya, 2 times a year minsan nga 3 pa. Kaya di ako nag expect na may ganong nangyayari. Na found out ko lang dahil nga rin sa celphone, may voicemail yong babae kung bakit daw ayaw sagutin ang tawag nya at naka block pa ang number nya..... galit na galit at humihingi ng 50lapad para daw di sya manggulo.

Kaya nga ngayon ganon na rin ang ginagawa ko, iniinspeksyon paminsan minsan ang CP nya.yan siguro ang naging dahilan ng paghahanap ng asawa mo kasi wala ka sa tabi nya.siguro hinahanap ng asawa mo na lagi kayong magkasama at pinagsisilbihan mo sya.basta mas mahalin mo sya at mas ipakita mo na mas karapat dapat ka kaysa sa babae nya.

lymed
03-11-2006, 06:05 PM
Salamat Wolfgang sa advice, naisip at ginawa ko na rin yan at ginagawa ko pa rin na punan ang pagkukulang ko, ang di ko lang maalis ang kalkalin ang mga inpormasyon tungkol sa babae.

Pinay din yong babae at may asawang hapon at ginawa kong kausapin yong gabi ring narinig ko ang voicemail kahit nanginginig ako mahinahon ko syang kinausap kasi nga katwiran ko asawa ko ang may kasalanan dito..... naku bastos po at sya pa ang matapang. Alam nyang di ako marunong magnihonggo pero nininihonggo ako. Hating gabi tumatawag... nang aasar... kung ano-ano ang sinasabi. Sinabi kong mag-usap kami, magkita kami kung saan, oo daw pero di naman inayos kung saan at kelan. Ako daw pumunta sa kanya... itanong ko daw sa asawa ko kung saan ang omise nila. Ayaw ituro ng asawa ko dahil dehado raw ako sa gagawin ko:rolleyes:.

Ilang beses ko pa rin syang tinawagan, pero di ko makausap ng matino.

lymed
03-11-2006, 06:19 PM
yan siguro ang naging dahilan ng paghahanap ng asawa mo kasi wala ka sa tabi nya.siguro hinahanap ng asawa mo na lagi kayong magkasama at pinagsisilbihan mo sya.basta mas mahalin mo sya at mas ipakita mo na mas karapat dapat ka kaysa sa babae nya.

Nong naasar ako sa babae dahil kung anu-anong sinasabi, sabi ko "sige sayo na lang.... magsama kayo". Sinabi ko rin sa asawa ko na maghiwalay na kami. Pero ayaw naman... di nya raw kaya. Kaya ginabigabi ko syang di pinatutulog non pero 'di parin ako nakaporma ng husto dahil kasama ko yong mga bata non. Kaya ngayong bumalik ako.... saka ako nangangalkal...

Salamat sainyo ha, kahit papano nailabas ko sa iba ang nararamdaman ko. Ayoko kasi masira ang paniniwala ng pamilya at mga kaibigan namin na goodboy :rolleyes: sya. Kaya di ko mae kwento ang problema ko.

bell
03-11-2006, 06:33 PM
Nong naasar ako sa babae dahil kung anu-anong sinasabi, sabi ko "sige sayo na lang.... magsama kayo". Sinabi ko rin sa asawa ko na maghiwalay na kami. Pero ayaw naman... di nya raw kaya. Kaya ginabigabi ko syang di pinatutulog non pero 'di parin ako nakaporma ng husto dahil kasama ko yong mga bata non. Kaya ngayong bumalik ako.... saka ako nangangalkal...

Salamat sainyo ha, kahit papano nailabas ko sa iba ang nararamdaman ko. Ayoko kasi masira ang paniniwala ng pamilya at mga kaibigan namin na goodboy :rolleyes: sya. Kaya di ko mae kwento ang problema ko.okey lang,pag wala kang mahingahan ng loob at di mo na kaya andito lang ang tf para sayo...dika talaga iiwan ng asawa mo pwera na lang kung walang asawa yong babae nya kaya lang meron din diba?kaya di ka nya iiwan.mahirap man pero kelangan mong kayanin yan at tama ka wag mo muna sabihin sa family mo ang tungkol dito kasi mag aalala sila sayo.:D

wolfgang
03-11-2006, 06:40 PM
pinaydin yong babae at may asawang hapon at ginawa kong kausapin yong gabi ring narinig ko ang voicemail kahit nanginginig ako mahinahon ko syang kinausap kasi nga katwiran ko asawa ko ang may kasalanan dito..... naku bastos po at sya pa ang matapang. Alam nyang di ako marunong magnihonggo pero nininihonggo ako. Hating gabi tumatawag... nang aasar... kung ano-ano ang sinasabi. Sinabi kong mag-usap kami, magkita kami kung saan, oo daw pero di naman inayos kung saan at kelan. Ako daw pumunta sa kanya... itanong ko daw sa asawa ko kung saan ang omise nila. Ayaw ituro ng asawa ko dahil dehado raw ako sa gagawin ko:rolleyes:.

Ilang beses ko pa rin syang tinawagan, pero di ko makausap ng matino.
grabe ang kapal naman ng mukha niya.alam mo para tumigil na siya bat di kaya papalitan mo sa asawa mo ang no. ng telepono para di na mang istorbo.atsaka tama asawa mo wag mong puntahan sa omise dahil ikaw lang ang lalabas na nakakahiya.hayaan mong mag galaiti sa galit yong babae tignan mo magsasawa rin yon..then pagpinuntahan ka sa bahay niyo at ginulo ka papulis mo para madala.atsaka may asawa din pala siya bakit siya nanggugulo..:confuse d:

chubby_kulot
03-11-2006, 07:11 PM
Salamat Wolfgang sa advice, naisip at ginawa ko na rin yan at ginagawa ko pa rin na punan ang pagkukulang ko, ang di ko lang maalis ang kalkalin ang mga inpormasyon tungkol sa babae.

Pinay din yong babae at may asawang hapon at ginawa kong kausapin yong gabi ring narinig ko ang voicemail kahit nanginginig ako mahinahon ko syang kinausap kasi nga katwiran ko asawa ko ang may kasalanan dito..... naku bastos po at sya pa ang matapang. Alam nyang di ako marunong magnihonggo pero nininihonggo ako. Hating gabi tumatawag... nang aasar... kung ano-ano ang sinasabi. Sinabi kong mag-usap kami, magkita kami kung saan, oo daw pero di naman inayos kung saan at kelan. Ako daw pumunta sa kanya... itanong ko daw sa asawa ko kung saan ang omise nila. Ayaw ituro ng asawa ko dahil dehado raw ako sa gagawin ko:rolleyes:.

Ilang beses ko pa rin syang tinawagan, pero di ko makausap ng matino.

sa palagay ko adobe ang kapal ng mukha nung babae...biruin m0 nga naman me asawa rin pala syang hapon...means nagaarobaito sya at dun sya nakilala ng asawa mo????ask ko lang ha...bakit sya nanghihingi nang pera sa asawa mo para di manggulo???para ba di na ipaalam syo nung babae ang pag luluko nang asawa mo??eh diba alam mo nanaman..ano pa guguluhin nya eh nagulo na nga nya..pero wag mo na sanang hayaan pang mawasak kahit magulo na..as you said..humingi ng tawad si hubby sau at nangako na di na mauulit...isipin mo rin na di naman nya siguro magagawang magloko kung lagi nyang kasama.. i mean sabi mo nga umuwi ka sa pinas at kelan lang bumalik dito...i mean di sya ngloloko nung tym na andito ka..my pangangailangn ang asawa natin na tayo lang ang makpagbibigay..so kung di natin maibigay eh tyak maghahanap nga naman sila or di man matutuksong humanap ng pagbubuhusan nito diba:Dmahirap magpalit ng no lalo na kung halos lahat ng kilala mo eh un no na un ang alam diba lalo na sa work...bakit kaya di mo sbihin dun sa adobeng babae na un na isusumbong mo sya sa asawa nyang hapon kung di nya titigilan ang asawa mo...kung nagtratrabaho sya sa omise...at me asawa syang hapon means alam man nung asawa nya na work lang yun..humanap ka ng katibayan na maipapakita mo dun ke adobe na sa tingin mo na ikakatakot nya pag nalaman ng asawa nya...si mister...alam kong nagkamali sya pero sana tao lang tayo..nagkakasala..n agkukulang at nasasaktan...alam kong mahal mo parin si hubby....at para sa mga anak nyo patawarin mo na si mister..wag mo na banggitin pa un sa pagkakasala nya...kalimutan ang pagkakamali at punan ang pagkukulang ng isat isa...para makatulog na uli kayo ng magkaharap at magkahawak kamay:Dgoodluck

myukasky
03-11-2006, 07:21 PM
Siguro ang masasabi ko lang punan mo na lang yung pagkukulang mo din kung meron man. Patawarin mo na din yung asawa mo, at mahirap man dapat mong kalimutan ang mga nangyari na ginawa nya. Yung babae na yon pera lang naman habol sa asawa mo, kasi sabi mo nga humihingi ng 50K sa asawa mo kapalit ng kanyang katahimikan. Ano sya sinuswerte, lakas din ng loob nya na manakot eh may sabit din siya. Ano kaya mararamdaman ng asawa din nya kapag nalaman yung relasyon nila ng asawa mo? Huwag mo na lang siya siguro pansinin at puntahan sa omise at ano pa ikaw lang lalabas na nakakahiya. Baka ibang kwento pa gawin noon na ikaw ang nangugulo. Titigil din yun at sana nga tuluyan na magbago si hubby mo. Goodluck at sana bumalik ulit yung maganda ninyong samahan ng husband mo;) :D

Hungry eyes
03-11-2006, 07:27 PM
Kasi ang pag papatawad dapat bukal talaga sa loob mo..ang tao kasi sabi nga nila marupok..madaling matukso..yun ngang ibang mag asawa..na mag kasama talaga sa isang bahay nagagawa pa ng isa na magluko..
mahirap talaga lumimot sa mali lalo na ng asawa diba..sa pag papatawad kasama na pag limot doon...tsaka yun bagay na hindi mo na alam hindi na makaka sakit saiyo..pero nadoon yun curiousity diba..?

wala naman palang kwenta yun babae nya eh..wag ka nang mag aksaya ng panahon para makausap pa yun si babae..huwag kang bumaba sa level nya..be happy ..;)

lymed
03-11-2006, 07:40 PM
may asawa din pala siya bakit siya nanggugulo..:confuse d:

Yon na nga po...humihingi ng 50lapad para daw di sya manggulo. Nong una ginawa na rin daw sa kanya nong nakuha yong number ko, tinakot syang tatawagan ako pag di sya binigyan ng pera. Super tanga naman tong asawa ko.... nagbuntis pa daw at nagpa abort, binigyan nya pa ng 10lapad para sa abortion daw, tinanong ko asawa ko kung sigurado nga syang nabuntis, at kung sigurado ba syang kanya yong pinagbubuntis dahil may asawa yong tao. Grabe sa katangahan tong isang to...hinayaan nyang paikutin sya ng walang kwentang babae (walang kwentang kausap e).

Sabi nya na lang, buti na nga daw na nalaman ko na at least natapos na rin daw problema nya. (pero sa ginagawan kong probing mukhang mas konsumido sya, hay...)

Maraming salamat Bell ay Wolfgang medyo gumaan na pakiramdam ko. PM ako senyo pag kailangan ko ng follow up hah???

lymed
03-11-2006, 08:01 PM
:bowdown: :bowdown: :bowdown: Thanks Myukasky & HungryEyes... iisa ang sinasabi nyo...meaning yon na talaga ang dapat gawin ko......kalimutan ko na lang maki EyeBall sa babaeng yon. Gusto ko pa naman sanang makita.

Hungry eyes
03-11-2006, 08:06 PM
:bowdown: :bowdown: :bowdown: Thanks Myukasky & HungryEyes... iisa ang sinasabi nyo...meaning yon na talaga ang dapat gawin ko......kalimutan ko na lang maki EyeBall sa babaeng yon. Gusto ko pa naman sanang makita.

Ay nakow forget that EB,,pangit yun babae na yun..kasi panget...as in..PANGET..yun Kalooban..para sa akin ang pilipinang tumatalo sa kapwa pinay eh nonsense and ugly..

tsaka mas masakit pag nakita mo pa mukha noon..hindi mo makakalimutan for sure..;)

ladygems1216
03-11-2006, 08:10 PM
Siguro ang masasabi ko lang punan mo na lang yung pagkukulang mo din kung meron man. Patawarin mo na din yung asawa mo, at mahirap man dapat mong kalimutan ang mga nangyari na ginawa nya. Yung babae na yon pera lang naman habol sa asawa mo, kasi sabi mo nga humihingi ng 50K sa asawa mo kapalit ng kanyang katahimikan. Ano sya sinuswerte, lakas din ng loob nya na manakot eh may sabit din siya. Ano kaya mararamdaman ng asawa din nya kapag nalaman yung relasyon nila ng asawa mo? Huwag mo na lang siya siguro pansinin at puntahan sa omise at ano pa ikaw lang lalabas na nakakahiya. Baka ibang kwento pa gawin noon na ikaw ang nangugulo. Titigil din yun at sana nga tuluyan na magbago si hubby mo. Goodluck at sana bumalik ulit yung maganda ninyong samahan ng husband mo;) :D

Yes talk to him heart to heart, kung anuman yung nangyari before kalimutan nyo na yun and start all over again.. Wag mo na lang palaging ipamukha sa kanya yung pagkakamali nya para maging okay na kayo. About the girl, that nerve! ang kapal ng mukha nya ha, sya pa ang matapang! ang kapal lang talaga. Hayaan mo na yun, titigil din ung girl na yun.

Ganbatte ne.

wolfgang
03-11-2006, 08:21 PM
Ay nakow forget that EB,,pangit yun babae na yun..kasi panget...as in..PANGET..yun Kalooban..para sa akin ang pilipinang tumatalo sa kapwa pinay eh nonsense and ugly..

tsaka mas masakit pag nakita mo pa mukha noon..hindi mo makakalimutan for sure..;)
tama ka diyan .. napakawalang ugali ng pilipinang tumatalo sa kapwa pinay:)

wolfgang
03-11-2006, 08:31 PM
Maraming salamat Bell ay Wolfgang medyo gumaan na pakiramdam ko. PM ako senyo pag kailangan ko ng follow up hah???
youre always welcome and kung some advice lang naman dito ka na sa mga kasama natin sa tf humingi marami kang malalaman and........ thats for sure:)

bell
03-12-2006, 04:29 PM
Maraming salamat Bell ay Wolfgang medyo gumaan na pakiramdam ko. PM ako senyo pag kailangan ko ng follow up hah???[/quote] ay sorry ngayon ko lang nabasa ito kasi di ako nakapag open ng pc kagabi.... tama sila ng sinabi lymed....wag ka nang magbalak makipagkita don sa babaeng yon.kasi ikaw lang ang mapapasama at sya ang magiging bida...ipagpasa diyos mo na lang ang ngyayari sayo ngayon.makakarma rin ang babaeng yon.basta andito lang kami para sayo.baka kasi masira ulo mo dyan kaiisip....:Djoke lang ha!...

lymed
03-13-2006, 10:51 AM
Maraming salamat, sainyong lahat ... Wolfgang, Bell, Chubby Kulot, Myukasky, HungryEyes & LadyGem, maski papano lumuwag talaga ang dibdib ko.... try ko talagang h'wag nang kulitin si hubby tungkol sa "adobeng babae"... siguradong di na masisira ulo ko dahil anjan kayo. OK naman talaga na kami ni hubby... pagnagtatatanong lang naman ako nasisira araw namin.

Ang problema ko ngayon kung papano ko aalisin tong thread ko.... after all these... dyahe ako eh. Kassssiiiiiiiiiiiiii iiiiiiiiiiiiiiiii... .................... ....

myukasky
03-13-2006, 12:40 PM

Walang anuman yun, siguro husband mo din ayaw na pag-usapan ang nakaraan kaya siguro huwag ka na din magtatanong sa kanya tungkol doon. Siguro ibang bagay na lang pag-usapan nyo marami namang topic at hindi lang yung tungkol kaya abobeng girl na nagpapagulo ng araw nyo. Alisin itong thread? Ask ka na lang sa mga moderators at sila nakakaalam.:D Goodluck

mOtt_erU
09-03-2006, 03:37 AM
hi Lymed..:)
nako I know it`s Hurtfull at nakakatorture sa isip in a way..
just try to hold on....God bless you:)

cosmicbblgum
09-03-2006, 11:27 AM
I think maganda rin is mag-ayos ka lalo. I mean have a total makeover, change your hairstyle, buy new clothes that would make you feel more beautiful or sexier or also try going out to the gym like aerobics or badminton.

Also go out with your friends, have a social life of your own. Let your husband feel that he'll lose something big if he ever does that again.

Masmaganda nang ikaw ang tumukso sa asawa mo kesa ibang babae pa ang tumukso sa kanya. Asawa mo naman yan eh kaya di masamang tuksuhin mo siya.

About dun sa pokpok na querida na mala Anabelle Rama kung umasta, don't stoop down to her level at wag kang magpapatalo sa usapan niyo, maganda nga wag mo na kausapin. Ang kausapin mo eh asawa mo, linawin mo ng husto na kung gagawin pa niya ulet yun mawawala ka na ng tuluyan.

Mahirap nga na alisin sa isipan mo yan, pero wag mo masyado paglinay-linayan. Forgive him though forgetting is not an option, maganda na rin ang nagiingat. Di ka liligaya sa kanya kung ang naaalala mo tuwing kasama siya eh ginawa niya, alalahanin mo ang mga magandang pinagsamahan niyo dati, mas marami naman yun for sure. Reminisce the old times with him.

Binigyan tayo ng Dios ng mata sa harap at hindi sa likod, kase kung maglalakad ka ng may mata ka sa likod siguradong madadapa ka nun. Wala kang mararating kapag puro masasamang alaala ang iisipin mo. Look and see your dreams with the eyes of the future not the eyes of the past.

hayaren
09-05-2006, 05:11 PM
[quote=wolfgang]Sweet revenge yata kailangan diyan ...i agree dito sa quote ni wolfgang cool ka dito...

pero your partner engaging in an illicit affair siya din mismo may problema we all own weaknesses with our personality and to fight against the temptations swarming around depends upon ourselves...reverse phsychology mo ang partner mo at this stage don't nag him even we women hate to be nag, it's piercing to hear and we felt challenge to the utmost because the heart cries out for retaliation, be firm in your ground...do reckon your actions towards your spouse and the best way is to be what you are never change your approach towards him, yan ang sweet revenge:)