View Full Version : Sleeping 1 hour /day only: Help me.
Domou
07-03-2008, 03:09 PM
Hello po. Presently, I am working 7.5 hours a day only during daytime. Because of the Typhoon, nasira ang bahay ng tatay ko sa Pinas, mga kapatid ko walang work at tatay ko stroke patient. Ang suweldo ko ay di kaya tustusan mga pangangailangan nila sa dami na rin ng mga bayaran dito sa Japan. 200,000 Yen a month suweldo ko. Gusto ko gumawa ng kahit na maliit na bahay sa Pinas at pag-aralin mga pamangkin ko at magpadala na rin ng sapat na salapi sa tatay at mga kapatid ko.
Kaya kahapon, nag-apply ako ng second Job sa Ovento, 6:00 PM-6:00 AM. Mag start ako sa saturday. So, Mondays to fridays, ang work ko ay 8:30 AM-3:30 PM daytime work ,at 6:00 PM -6:00 AM Night time job sa Ovento. Considering ang free time ko in between works ay gagamitin ko pa sa pagmamaneho papunta ng work location, magkakatulog ako ng 4:30 to 5:30 PM na lang, One hour. Babawiin kong matulog every saturdays from 8:00 AM to 4:00 PM (8 hours) at ganon din sa Sundays.
Tanong ko po, may alam po ba kayong routine na puwede kong gawin ( eating, medicine, etc.) para makabawi ang lakas ko kahit 1 oras lang ang tulog ko?
Salamat po.
luvkidz
07-03-2008, 03:25 PM
hello. naiintindihan ko situation mo, and i feel for you. advice ko for you, bakit di na lang part-time yung sa obentou job mo? sa umpisa kaya mo talaga yan, pero dadating ang time bibigay din katawan mo, kung ang makina, and robot may stress-fatigue complex tao pa kaya? yung mga nurses or docs na may duty na 48 hrs, kahit paano nakakapag-nap sila and day off naman after that, pero sila mismo nagsasabi hindi maganda sa katawan, dahil yung time na natutulog ka, iyan yung time ng body mo para magreplenish at magrepair ang damaged cells.
regarding sa vitamins, hindi enough ang supplements para makabawi katawan mo. yung mga nutrients ginagamit ng body natin sa iba't ibang mga paraan pag nagpapahinga tayo, maybe useless lang din pagtake mo nun kung wala ka ding pahinga.
pag-isipan mo muna, an ounce of prevention is worth a pound of cure, sabi nga nila. bawal magkasakit.maybe 3-4 X a week pwede na para sa obentou job mo.
good luck!
sarpon
07-03-2008, 03:28 PM
bro, walang pwedeng ipalit sa ating pagtulog. sa umpisa makakaya mo yan pero in the long run bibigay yang katawan mo at mas magkakaroon ka ng problem sa health mo. hanap ka na lang ng part time na work pag weekend o kaya work sa gabi pero till 1 or 2am lang.
engr_jazon
07-03-2008, 03:28 PM
kumabaga sa Strength of Materials, may breaking point at ultimate strength rin ang katawan ng tao...
baka po masakripisyo naman ang kalusugan nyo sa magiging working hours na yan...
ill suggest na;
stay with your 8:30 - 3:30 JOB...
then hanap ka nalang ng JOB or arubaito job pagkatpos ng oras na yun ng hanggang 11PM or 12PM nalang... lets say mga 6PM-12PM na 2nd job...
kailangan mo rin magpahinga at matulog dahil baka maapektuhan naman ang regular JOB mo....
saka ka ulit hanap ng trabaho for SATURDAYS and SUNDAYS, kahit umaga hanggang gabi....
may oras ka pa rin sa pagpapahinga....
Pilak
07-03-2008, 03:40 PM
Yup naiintindihan kita bro, kaso huwag ganyan lalo ka mamumrublema niyan sa gagawin mo once bumigay katawan mo lalo na pagmagisa kalang dito e baka problema lang lalo danasin mo. tama si luvkidz try mo nalang mag part time job po sa gabi. Kasi ang katawan natin ay bumabawi lang din sa pagod lalo na pagabi... Health ang puhunan natin dito sa pang araw araw na pamumuhay, huwag mo kalimutan yun bro... Malalampasan mo din yang mga pagsubok na yan...:)
Nottinghill
07-03-2008, 03:45 PM
oh my.. poor child. Try mo mag clusivol nakita ko lang sa comercial dati saka squalin ba yun?:rolleyes: mahirap saka tapangan mo ang kape black coffee without sugar. Huwag kang iinom tubig, meron coke para lagi kang gising. Sabayan mo na rin red bull.
Bluemax
07-03-2008, 03:52 PM
papatayin mo ang sarili mo nyan bro... at saka its bad for your assets.. which is your body. ito lang kasi ang ating capital dito e. Kung mag nenegosyo ka, maganda ba na gagamitin mo yung capital sa sugal? hindi! kaya advise lang para sa yo is, take the obento job, 6pm-6am kasi 12 hours din yun at malaki ang rates asa gabi and ditch the day job or..... reduce mo ang obento at papasok ka na lang ng 10pm till 6 am. that way meron ka pang time to rest from 3:30pm-10pm...
Ingatan ang sarili..
megami704
07-03-2008, 04:41 PM
Agree ako kay blue max:dowave:
CHaka mo na sabayan ng mga food supplements, like multivitamins or Vit C para medyo lumakas ang resistensya. May study na nakaka-cancer ang walang tulog, napanood ko sa tv.
teardrop
07-03-2008, 04:44 PM
alam niyo po, mahirap magkasakit. Tama po ang mga tao dito,napakaimporte na ang isang tao ay may enough na tulog.
Bakit niyo inaako lahat ng responsibilidad? Kaya po nagiging dependent at nagiging tamad ang mga kamag-anak natin sa pinas dahil po tinutulungan natin sila. Sila nag-aantay lang ng grasya tapos tayo kayod kalabaw. Kagaya niyo po, mawawalan na ng time ng pagtulog para lang sa kanila. Tama naman po ang maging matulungin pero po may limitasyon. Kung magkakasakit po kayo mas lalong wala na kayong maitutulong sa kanila.
Alagaan niyo po ang iyong health. Kasikung mawawala ito,mahirap na itong ibalik or talagang wala na. Pasensya na po. Peace po tayo.:)
Kyakusama
07-04-2008, 11:38 AM
Sleeping 1 hour /day only
sabi pa ng mga hapon. "sore ha muri desu."
bro ang maipayo ko lang sayo. hanap ka na lng ng ibang sked na pwedeng mag arubaito sa saktong oras. imposible nga naman yang kinuha mong sked. at imposible rin na mka tulog ka ng 1hr. if makatulog ka ng 1hr, d ka rin pwedeng maligo. walang ganang kumain. d kayang mag work, etc. d kaabot ng 1week nyan sa ospital ka diretcho. at malaking gastos yan kung mangyari.
peace bro..;)
summergirl
07-04-2008, 11:55 AM
sorry to hear about your family...sa umpisa kaya mo pero later on katawan mo na ang bibigay dahil sa sobrang pagod at walang tulog..dahil konti lang ang tulog,lapit sa disgrasya dahil uneasy ka..walang makapag supply ng kahit anong vit . sa iyo kung hindi ang matulog..wag mong abusuhin ang sarili mo..
Domou
07-04-2008, 12:26 PM
Thank you for your advices. Gusto ko sana kausapin ang employer ko sa daytime work kung puwede ako matulog during free periods ko. Thanks po.
shakey
07-04-2008, 02:18 PM
kumabaga sa Strength of Materials, may breaking point at ultimate strength rin ang katawan ng tao...
baka po masakripisyo naman ang kalusugan nyo sa magiging working hours na yan...
ill suggest na;
stay with your 8:30 - 3:30 JOB...
then hanap ka nalang ng JOB or arubaito job pagkatpos ng oras na yun ng hanggang 11PM or 12PM nalang... lets say mga 6PM-12PM na 2nd job...
kailangan mo rin magpahinga at matulog dahil baka maapektuhan naman ang regular JOB mo....
saka ka ulit hanap ng trabaho for SATURDAYS and SUNDAYS, kahit umaga hanggang gabi....
may oras ka pa rin sa pagpapahinga....
korek si fafa jazon:D mas maganda yung suggest nya,
ako nga ang start ng work ko 9:30 am hangang 11:30 pm monday to fri.
ok sana kaso lang pag dating mga wed.palang eh patang pata na ang katawan ko,di na ako makalakad pauwi..gapang nalang:D
fanfran
07-04-2008, 03:03 PM
juice ko...title pa lang ng thread mo nabigla na ako:eek:...1 hour a day lang ang magiging tulog mo....darating ang araw pati health mo mawawala sa iyo...sa ganyang routine magkakasakit ka...if you get sick mas lalo malaking problema...kahit anong pagkain o vitamins can never equal the benefits of sleeping that humans need....ang lahat ng bagay may limitasyon....good luck!
proud me
07-04-2008, 04:47 PM
Naku!...pag inabuso mo yang katawan mo ng ganyan...baka hindi mo na matupad yung Dream mong makapag-labas pasok ng japan o maka-punta sa iba-ibang bansa niyan....hindi masama yung dahilan mo sa pagsisikap mo...pero mahalin mo rin yung sarili mong kalusugan...
tama po lahat ng mga sinabi ng mga kaTF natin.... pinakaimportante pa rin ang kalusugan.... isipin mo na lang na mas kawawa ang pamilya mo pag may nangyari sa yo....iprioritize nyo po ang gma gusto nyong gawin...hindi naman masama ang maghangad ng para sa sarili at pamilya pero may tamang oras po ang lahat... isa pa sabi nyo yung isang oras gagamitin nyo para magmaneho...napaka abunai po ang magmaneho na wala kayong sapat na tulog....
ang isipin po na lang natin na walang ibinibigay ang Diyos na pagsubok na di natin makakaya kung tawagin lang natin Sya.... wag po ninyong ipilit ang katawan nyo. lahat po tayo may limitasyon... nawa po ay pakinggan nyo ang mga payo ng mga kasamahan natin..magaganda po lahat ng mga suggestions nila...
vectra1123
07-04-2008, 10:55 PM
wag mong abusuhin katawan mo! Kaya mo yang 1 hour na tulog sa isang araw! Mga 1 to 2 weeks kaya pa ng katawan mo then sa susunod na mga linggo isa ka ng tulala na katulad ng mga kakailala ko na nagtatrabaho sa obento,tofu na mga mahahaba ang oras at pang gabi! Kausapin mo iba ang isinasagot dahil lumilipad ang isip!
itchay
07-05-2008, 01:19 AM
Hello po. Presently, I am working 7.5 hours a day only during daytime. Because of the Typhoon, nasira ang bahay ng tatay ko sa Pinas, mga kapatid ko walang work at tatay ko stroke patient. Ang suweldo ko ay di kaya tustusan mga pangangailangan nila sa dami na rin ng mga bayaran dito sa Japan. 200,000 Yen a month suweldo ko. Gusto ko gumawa ng kahit na maliit na bahay sa Pinas at pag-aralin mga pamangkin ko at magpadala na rin ng sapat na salapi sa tatay at mga kapatid ko.
Kaya kahapon, nag-apply ako ng second Job sa Ovento, 6:00 PM-6:00 AM. Mag start ako sa saturday. So, Mondays to fridays, ang work ko ay 8:30 AM-3:30 PM daytime work ,at 6:00 PM -6:00 AM Night time job sa Ovento. Considering ang free time ko in between works ay gagamitin ko pa sa pagmamaneho papunta ng work location, magkakatulog ako ng 4:30 to 5:30 PM na lang, One hour. Babawiin kong matulog every saturdays from 8:00 AM to 4:00 PM (8 hours) at ganon din sa Sundays.
Tanong ko po, may alam po ba kayong routine na puwede kong gawin ( eating, medicine, etc.) para makabawi ang lakas ko kahit 1 oras lang ang tulog ko?
Salamat po.
Domou-san,
I think no one can convince you that sleeping only 1 hour a day is not good for your health. Because you obviously seem to know that already. You are actually intentionally disregarding the risks because of the pressures you have imposed on yourself.
Instead of asking what routine or supplements can help counter your lack of sleep, you should be asking yourself do you really need to fulfill all those dreams of yours in one go. Is it realistic? Do you think matutuwa ang tatay at mga pamangkin mo pag nalaman nila na halos pinapatay mo na sarili mo para lang matustusan mo mga pangangailangan nila? Baka, at worst, they will blame themselves for putting pressure on you.
Sa tingin ko di pa naman hopeless na hopeless ang sitwasyon mo. You said may mga kapatid ka na walang trabaho as of now, bakit di mo sila i-encourage muna na magtrabaho din. Magtulungan kayo. Magbigay ka ng limit kung hanggang saan lang ang kaya mo. Kung kulang pa din sa kanila, sila na bahalang kumahig. That will also teach them what responsibility is.
Sa sitwasyon mo ngayon, yung tatay mo yata ang pinaka-nangangailangan ng tulong mo ngayon. Pwedeng yan muna unahin mo. Yung mga pamangkin mo, pwedeng libreng school or di kaya'y scholarship. Yung bahay, why not repair your existing house muna, instead of building a new one.
Baka sa sobrang laki ng mga pangarap mo, nagkasakit ka na lang sa sobrang trabaho, di mo pa nakamit mga pangarap mo.
At sabi nga nila, may kanya-kanyang panahon yan.
Kung talagang ukol, things will fall into place.
Reassess your dreams.
And you also need to enjoy life.
titakoring
07-05-2008, 02:15 AM
alam ko pinag dadaan mo.....mahirap kumita ng pera dito....kaya wag
mo masyadong abusin ang katawan mo......un tatay mo na stroke......
ipag bilin mo muna sa kapatid mo......sila na ang bahalang mag masahe
sa tatay mo tutal kamo ala naman silang work........
binibigayan mo naman sila ng araw araw na pangkain....tama na un
un bahay nyo kung nasira man....nandun din un mga kapatid mo pra
mag kumpuni kahit pansamantala lang.......
sa pamangkin mo na gusto mong pag-aralin...walang masama sa
pagtulong.......pero nd mo sila obligasyon...meron mga magulang yan
na dapat sila ang gumagawa.......
turuan mo un mga kapatid mong mangisda huwag mo silang bigyan
ng isda kasi mahihirati silang ganyan.......tumulon g din ako sa pamilya
ko ng mahabang panahon........pero mali pala un.....nd sila natutung
mamuhay.....tunuruan ko lang silang maging tamad......
dumating ako sa point na napagod nasa kakabigay......mahig it 2 years
din akong nagbingi bingihan sa daing ng nasa pinas.....mas nakabuti
pa nga iyon kasi matuto silang lahat magbanat ng buto......
sapat na un magulang mo lang ang akuin mo pero un mga kapatid
mong meron ng sariling pamilya..yaan mo silang manindigan sa
sarili nilang pamilya......
lalong mahirap kung ikaw ang magkasakit dito.....walang kang
karamay.....kung meron ka mang kamag-anak o kaibigan......
magiging pabigat ka din sa kanila kung magkakasakit ka.....:)
tadashi
07-05-2008, 06:35 AM
naranasan ko rin iyan...trabaho ako sa umaga sa minshiku 8:00am-5pm at sa gabi sa omise 8:00pm-3:00 am ...napakahirap..nagb a bike pa ako papunta ng minshiku (wala pa akong license nun)(30mins) at nag tren papunta sa omise(1 hour)...bago ako pumasok sa minshiku linis maglilinis pa ako ng bahay,handa ng obentou ng asawa ko at salang ng labada kaya dapat 5:00 gising na ako.. tapos sa tanghali umuuwi ako ng bahay para kumain(buti nalang andyan si biyenan para magluto),isampay ang damit at balik na naman sa work..Pag uwi ko ng 5:30 maliligo na ako at luto ng hapunan(kung araw ko ng luto,kasi junban kami nila hipag at biyenan)at junbi sa pagpasok,kain hapunan..sakay ng tren(idlip sa luob ng tren) sakto before 8:00pm nasa omise na ako....ang omise hanggang 12:00pm lang talaga pero kapag nagpunta ka sa snack may back kaya hanggang 3:00am ako ..minsan nakainom pa ako (hatid ng omise pauwi),(tulog ako sa kuruma ng omise)...pag uwi ko tanggal lang ako make up at yakap kay hubby tulog na...
Nung una okay pa...parang feeling ko ako si superwoman laki ng padala ko sa pinas nung time na yun nasa 8-12 napapadala ko sa kanila monthly..minsan hihirit pang kulang etc...:eek:..at eto pa kahit anong kuwento ko ng kayod kalabaw ako parang wala paki (kunwari naawa pero wala daw sila magawa,kesyo ako lang inaasahan etc...drama effect)
Dumating ang time na medyo nanlamig na pagsasama namin ni hubby..(gusto na niya magkaanak) at bumigay din katawan ko as in naranasan ko yung kahit anong dilat ko sa mata ko kusa itong pumipikit (siguro sa antok) at saka parang laging lutang isip ko.,..at may pangyayari pa nga na hinimatay ako dahil sa sobrang fatigue...
Nagbuntis ako...huminto ako sa trabaho (bahala na sabi ko)..aba sa pinas 3lapad nalang pinapadala ko kumakasya pa rin!! at si kami ni hubby okay na uli..(sweet uli)...
Hirap kasi sa pamilya natin sa pinas akala siguro sarap ng buhay natin dito(kasalanan ko rin kasi pinamihasa ko sila).. Kasi naman ang magulang ko hindi na kaya magtrabaho ..operado pa ang papa ko at nag aaral pa ang mga kapatid ko...pero ang hindi ko nakikita pati pala luho nila kinukunsinti ko (mamahalin mga bagay,katulong na 2 sa bahay,naka aircon lahat sila etc..)yun pala kaya pala nila magtipid kapag wala na talaga..Pano nalang kapag namatay na ako??pano na sila..?
Kaya ngayon pare pareho kaming nabigyan ng leksiyon....saka ngayon ang asawa ko hindi na papayag magtrabaho pa ako sa omise (siyempre magkaka baby na kami) at ako hinding hindi na ako magpapadala ng sobra sobra sa pinas !!!
Yun nga lang ngayon ang problema ko..tumaba ako ng husto dahil hindi natatagtag ang katawan..:(
Domou
07-06-2008, 01:46 PM
Salamat po sa mga advices niyo..... So far po di pa po ako nag umpisa magwork..Tatawagin daw ako sa July 18 para magstart ang night job ko. Salamat po at susubukan kong kausapin ang employer sa obentou factory. kasi ang sched nila ay 6 to 6 daw talaga.
i think for most companies which employ full time employees like you, they have rules that you cannot work part-time in other work places while you are being employed by your present company. the reason for this is obvious, you cannot work for two employers efficiently and diligently. for full time workers, having things on the side will affect the quality of your work and output.
think about this before you get yourself a second job, you might get fired if your first employer finds out. although sometimes we think we need to help our families back in the Philippines, we need to know what is doable and what is impossible to do. sleeping 1 hour per day is just impossible and you need to let yourself as well as your family know your realistic situation. you must be realistic when it comes to your ability, and you should not promise things that you could not give.
Domou
07-07-2008, 12:30 PM
Mayron po ba dito sa Japan yong hospital na puwede matulog for 1 hour while may dextrose....katulad po sa mga artista nakita ko sa TV..ganon daw ang gawa. Magkano po?
shuji
07-07-2008, 12:59 PM
Mayron po ba dito sa Japan yong hospital na puwede matulog for 1 hour while may dextrose....katulad po sa mga artista nakita ko sa TV..ganon daw ang gawa. Magkano po?
Domou, after reading all the posts and good advice from our caring TF folks I cannot believe that you are still asking that question. Give it up bro, it's not going to work. Start thinking of the consequences of what you're planning to do. You're going to kill yourself!
I suggest you read all their advice again (especially Itchay's) and think hard. Share the load with your brothers and teach them to be responsible. Good luck.
sarpon
07-07-2008, 01:05 PM
Domou, after reading all the posts and good advice from our caring TF folks I cannot believe that you are still asking that question. Give it up bro, it's not going to work. Start thinking of the consequences of what you're planning to do. You're going to kill yourself!
I suggest you read all their advice again (especially Itchay's) and think hard. Share the load with your brothers and teach them to be responsible. Good luck.
i agree. I think doumou has already made up his mind that is why whatever advise seems to fall on deaf ears. again, ITS NOT PHYSICALLY POSSIBLE WHAT YOU WANT TO DO.
Nottinghill
07-07-2008, 01:10 PM
Mayron po ba dito sa Japan yong hospital na puwede matulog for 1 hour while may dextrose....katulad po sa mga artista nakita ko sa TV..ganon daw ang gawa. Magkano po?
think your sick. You need an advice of professional visit Utsukushigaoka Mantal clinic
www.utsukushi.net (http://www.utsukushi.net) . the doctor can speak english and can give you proper treatment kung kinakailangan..
itchay
07-07-2008, 01:11 PM
Mayron po ba dito sa Japan yong hospital na puwede matulog for 1 hour while may dextrose....katulad po sa mga artista nakita ko sa TV..ganon daw ang gawa. Magkano po?
Yung sahod mo sa panggabi na trabaho mo, baka tama lang pangbayad sa dextrose mo.
Think again.
KikoyBalayon
07-07-2008, 01:52 PM
doumo-san, ok ka lang? baka epekto na yan ng 1hour/day na sleep..
Domou
07-07-2008, 03:22 PM
I am ok po. So far I am trying to weigh things out like looking for other options. Yong Pagdextrose naman po siguro ay hindi gawain ng sick person di ba? Kailangan ba mental hospital ang punta ko? he he he
Mayron po talagang mga artista, after their shooting magdamag, pumupunta sa hospital ang nagpapaturok ng dextrose habang sila'y natutulog. Pagkagising daw eh ang feeling ay parang nagkatulog sila ng buong gabi.
Ang sa akin lang po ay iniisip ko po ang mga possible na solution. I am considering all the good advices dito. Kaya ko tinanong ang pagdextrose dahil sa naalala ko ang interview noon sa isang artista na kung paano nila nilalabanan ang pagkapuyat.
Hindi pa naman po ako nagwowork sa gabi.Plano ko pa po yan although nag apply na ako pero sa July 18 pa daw mag start.
Baka di na rin ako mag drive at magpasugi na lang ako para magkatulog ako sa loob ng kotse. Then babawi ako sa day off ko evry thursday gabi, sat and sundays whole day naman.
So bale po kung matutuloy po ang work ko sa 6 to 6, it will be 4 times a week po. Bale ang labas po eh, 4 times a week magkakatulog ng 1 hour or more ( kung magka nap ako sa daytime work ko..may break time ako 12 to 1 PM sa noon time at gagamitin ko na lang din ang 1 hour break sa gabi ( 11-12 PM) para sa pangtulog.
maganda po mga suggestions dito at natauhan po ako sa epekto ng kulang sa tulog. Sa bago kong sched, magkakatulog na ako ng 3 hours a day during Mondays, Tuesdays, Weds., and Fridays then 8 hours naman ang tulog ko during Thursdays, saturdays and sundays. Baka ok na po ito.
Salamat po.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.