PDA

View Full Version : Nakataya ka na ba sa JUETENG?


engr_jazon
07-03-2008, 05:56 PM
Sagot daw sa kahirapan....
Madaling trabaho ng mga walang makuhang trabaho...
Maraming anomalya....
Ayaw maging legal...
Pulitiko...
Jueteng Payola...
Jueteng Lords...
Kabo at kubrador....
Juan Dela Cruz....
STL....


Nakataya, tumataya, tataya ka ba sa JUETENG sa pinas?

ayumi31
07-03-2008, 06:25 PM
ako kahit na andito po ako sa pinas hindi ako tumataya sa jueteng kahit na sabihin pang maliit o malaki ang taya hindi talaga...talamak ang jueteng dito sa pinas lalu na dito sa probinsya namin pero hindi po talaga...

sabihin pa nila na swertehan,tsambahan daw lalu na if pag nanalo ka ok daw...sabi ko nga ibili ko na lang ng pagkain ang pantataya ko jan busog pa kami...kesa araw-araw kang tumataya kahit na maliit lang ang ipantataya mo...pag inipon mo yun sa araw-araw,makakaipon pa ako ng pera...:D

tadashi
07-03-2008, 06:52 PM
ay naku ako nung nasa pinas ako mahilig akong tumaya sa jueteng kasi madaling manalo....:D

ak1nara
07-03-2008, 11:10 PM
hindi ko pa na subokan tumaya ng kahit anong sugal hehehe ma try nga minsan

rhin_15
07-03-2008, 11:12 PM
nakataya na ko dati kasi makulit yung kapitbahay namin:Dsinisi ko sya nung di ako nanalo:mad:

dequi_lu
07-03-2008, 11:43 PM
hindi pa ko nakataya..pero sabi ko nung bata pako..pag nanay nako saka na lang ako tataya..kasi madalas mga nanay ang tumataya..may balato pa nanay ko sa kapitbahay namen na mahilig tumaya pag nanalo lalo pag panaginip ng nanay ko ang nagpabuenas..never ko din nakita nanay ko na tumaya kaya naisip ko never din ako tataya..baka matalo pa sayang hihi..

my_i_me
07-04-2008, 07:25 AM
nag kobrador na nga ako e....:D

sarpon
07-04-2008, 08:58 AM
anak ng hweteng naman o!:D pataya nga pompyang otso. saka tres sahod dos.:p

l4UjbiJM1ms

joamie_tera
07-04-2008, 09:59 AM
Almost 10 yrs old pa lang ako nauutusan na ako ng nanay ko na mangubra ng jueteng, that time di ko pa alam kung ano yung ginagawa ko, basta pupunta lang ako sa inuutos sa akin ng nanay ko at ibibigay ko yung papel tapos yung mga tataya na ang magsusulat ng taya nila at ibibigay na lang sa akin yung pera at ibibigay ko naman sa nanay ko. Siguro sa hirap ng buhay namin noon kahit ganyan na pagkakakitaan din pinasok na ng nanay ko. Pero hindi naman habang panahon na nag jueteng sya. Nitong nasa Japan na ako naririnig ko pa rin sa mga kapatid ko na tumataya pa si Madir sa jueteng o nanalo sa jueteng nako pinagagalitan ko, kasi sa akin naman nanggagaling yung pinangtataya nya. Pero matanda na rin kasi si Madir pinababayaan na lang din namin sa paminsan minsan na taya dahil yun na lang minsan nakaka alis ng stress nya. Kakabit na yata ng bansa natin ang mga ganyang sugal eh.

Gerri
07-04-2008, 11:08 AM
mama ko lagi. kasi daldalera ako pag tulog, yun tinataya nya yung mga sinasabi ko, by chance nananalo naman paminsan minsan. tumaya ako minsan kaso talo, di ko kasi alam kung ano sinasabi ko pagtulog ako eh.

mamimo
07-04-2008, 11:37 AM
@engr
di ko alam pano tumaya sa jueteng, sa lotto at ending ng basket lang alam ko:O:D but seriously hanggang maaari ayaw wag na subukan kasi may addiction jan and I know myself madali ako ma-fall sa addiction like dati kong adik:cry: adik sa kain, sa chatting, sa tulog....ang hirap iwan ng addiction, promise!!!:(

engr_jazon
07-04-2008, 11:55 AM
@engr
di ko alam pano tumaya sa jueteng, sa lotto at ending ng basket lang alam ko:O:D but seriouslyhanggang maaari ayaw wag na subukan kasi may addiction jan and I know myself madali ako ma-fall sa addiction like dati kong adik:cry: adik sa kain, sa chatting, sa tulog....ang hirap iwan ng addiction, promise!!!:(


hehe... isa ka na palang certified adik... joke...
two number game lang sya na karaniwan sa mga probinsya at sa Metro Manila na rin... pasikreto ang bolahan nila.. dahil nga ilegal...

marami nang efforts para gawing legal sya pero since di na kikita ang mga pulitiko kapag naging legal sya, maraming kumokontra sa kongreso...

even the former president ESTRADA ay na-involved sa jueteng na yan....
i remember pinropose nya na gawing legal rin yan during his presidency pero ala rin nangyari...

ngayon, buhay na naman ang Jueteng......
though may efforts ang PCSO na labanan ito via the STL (Small Town Lottery) na version naman ng gobyerno.. wa epek pa rin...

matatalino talaga mga pinoy...
ang gingagawa nila ngayon is....
Agents sila ng STL (legal) and then dun sa likod ng mga patayaan nila ng STL, nandun naman ang taya para sa Jueteng...
o di ba... doble kita agad....

kaya rin mamatay matay ang Jueteng....

On the other side, sa mga naobserbahan ko magmula nung bata pa ko, maraming natutulungan ang Jueteng kahit sabihin pa nating ilegal ito sa batas natin...
Ive seen families na umasenso, from Jueteng Kubrador ay naging mga KABO...
and then nagkapondo para sa ibang negosyo....
may mga nakabili ng tricycle na pamasada at nagkaron ng araw araw na pantustos sa pamilya....meron din nakapagpatayo ng mga mini tindahan at sari sari stores...
yung mga dating tatambay tambay lang, at least nagkaroon rin ng mga konting kita sa panggastos....

ako, i treat it as libangan lang saka pakisama sa mga kabaranggay...
magmula high school, kapag nakikita ako ng mga kakilala kong kubrador sa amin, pinapataya ako.... swerte na kung tumama.... parang maliit na tulong ko nalang sa kanila yun... at pakikisama....
(madalas kapag may kakwentuhan ako sa tabing daan, at may napadaan na nagpapataya, ang style ko sa pagtaya is yung PLATE NUMBERS ng mga dadaan na sasakyan...hehe..)

pero since hindi pa rin sya legal sa batas naten sa pinas, patago pa rin hangga ngayon ang JUETENG.....
kibit balikat pati mga local leaders dahil minsan pati sila naaambunan ng grasya at may mga monthly pasok pa ng pera sa kanila...

buhay din yan kapag eleksyon... ang dami sa mga pulitiko naten ang may mga JUETENG LORD financiers.... even national candidates.....
in return, protected sila(jueteng lords and operators) sa mga teritoryo nila kapag nagkakaproblema sa hulihan....

sky
07-04-2008, 02:08 PM
Jueteng ~~~ tagong lantad na yan :D

last february dumating pinsan ko nangungubra ng Jueteng kuntodo pilit na tumaya ako tas sya pa nag presyo ..asar talo ako dahil kung ano ano pa sinasabi so tumaya ako para matahimik lang ..pag dating ng gabi humahangos pa si kulokoy ay sus tumama ako nasa hundred thou ...hehehhe lucky :D ipinanghanda ko yun ibang pera nun bday ng tatay ko.tas iniwan ko na sa Phil bank yun natira
pero di ko na ako uli tumaya kahit anong pilit nya mamaya mo ma addict pa ako baka hanggang dito eh i te text ko pa sya para itaya ako ..lista muna tsaka na bayad :eek:

swertihan lang talaga dyan..pero meron talagang halos once a week nananalo .Nanay ko :D

dati pinagagalitan ko sya dahil tumataya ..ang sabi nya hoy hindi ka pa pinanganganak nadyan na ang jeteng at ito na buhay ko ..heheehe
manahimik at humingi na lang ng balato :biglaugh: