PDA

View Full Version : Chonan na asawa, nakakapagod!!


barabara
03-14-2006, 02:59 PM
Helloo! Timog forum..Masaya ako now ng makita ko itong Timog forum,nakakaalis ng home sick..Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang asawa ko ay Chonan or panganay na anak at tawag ng biyanan kong babae sa akin ay Oyumisan daw ako.since na lumipat kami sa hokkaido, dumami na ang Sekinin ko. Okey lang sa akin dahil mahal ko ang asawa ko kaya I do my best para mapasaya ko ina niya. ako nagluluto sa ina niya, mabuti lang at di mapili kahit ano kain siya.pag umaalis siya ako pa rin ang alaga ng garden niya.pero. minsan parang napapagod na ako! ako parin ang pasyal ng aso. takot ako lalo na pag ang daming snow.HAyy! hontoni skareta dayoo! Kayo ba may asawa din CHONAN?:confused:


Your Home Life May Not Be Perfect, but Whose IS? So stop Worrying about it!;)

bell
03-14-2006, 03:26 PM
ako hindi chonan ang asawa ko pero alam ko na mahirap ang nararanasan mo.kasi yong panganay na kapatid ng asawa ko yong asawa nya hiniwalayan sya kasi yon ang dahilan.sobra daw nakakapagod.tapos pag may okasyon don magtitipon tipon tapos yong panganay ang may responsibidad na asikasuhin lahat ng gawain.siguro di na nya nakaya kaya lumayas sa kanila.pero hindi naman siguro lahat ganon ang experience.pero eto ang nakita ko at nalaman ko. so goodluck sayo...:D

wolfgang
03-14-2006, 03:41 PM
Yes,, chonan din ang asawa ko at nag-iisa lang na anak..Pero dahil hindi ko kasama sa bahay ang mga biyenan ko ehh wala naman akong problema.pero minsan nag oonegai sila di naman ako nagrereklamo halimbawa pupunta kami para linisin yung bahay,ipamalengke sila ok lang naman.
At sayo kapatid ang maipapayo ko ay magtiyaga ka lang dahil ang lahat ng ginagawa mong kagitingan ay may induluhensiya sa diyos...Sa bawat hirap may ginhawa...:)

Splendid
03-14-2006, 03:49 PM
Chonan din ang asawa ko,pero di kami magkasama sa bahay ng mga biyenan ko.Minsan gusto na rin nila kaming palipatin sa bahay nila para daw di na kami magbabayad ng rent sa apartment pero di ako pumayag kasi parang di pa yata ako ready.Magkasundo naman kami ng mga biyenan ko pero iba pa rin siguro kong magkasama na kami sa bahay. Pero alam ko naman na ako ang mag-aalaga sa kanila pagtanda nila pero sa ngayon di pa talaga ako handa.Sobrang maarte pa naman yong biyenan kong lalaki sa pagkain kaya nakakatakot isipin na pagdating ng araw ako na ang magluluto para sa kanila.:D

barabara
03-14-2006, 04:01 PM
Mahirap talaga non una namin taon dito,di ko pa alam na Oyumisan ako at sekinin ko ay pagsilbihan sila lalo na pag may okasyon. si hubby ko naman alang sinasabi. kaya pag di ko lang napagluto ng isang araw sumbong agad sa hubby ko.minsan di ko alam bakit Tanki at naka shout lagi si hubby ko sa akin. imagine mo bukod kami ng bahay.dati lagi sa house namin kain sabay kami pero orusai siya at laging daming storya about kapit bahay niya.kaya eto tiyaga ko everyday hatid ko food niya with miso shiro pa!lol:D Sige bye na sa inyo luto time na ko need bago magalas sinko don na dinner niya. Thanks sa mag nagpost dito. Heloo! Bell ganda mo naman! ingat sa lahat!bye bye!
ako hindi chonan ang asawa ko pero alam ko na mahirap ang nararanasan mo.kasi yong panganay na kapatid ng asawa ko yong asawa nya hiniwalayan sya kasi yon ang dahilan.sobra daw nakakapagod.tapos pag may okasyon don magtitipon tipon tapos yong panganay ang may responsibidad na asikasuhin lahat ng gawain.siguro di na nya nakaya kaya lumayas sa kanila.pero hindi naman siguro lahat ganon ang experience.pero eto ang nakita ko at nalaman ko. so goodluck sayo...:D

barabara
03-14-2006, 04:56 PM
Hi splendid:) bago lang ako dito sa TF. taga hokkaido ako.lipat kami dito dahil wala na ang biyanan kong lalaki. kaya sa amin ang sekinin ng pagsilbihan ang ina niya. di kami magkasama sa bahay. bukod kami mga 3 blocks lang ang layo ng house ng ina niya. sa ngayon okey naman kami dahil dahil gawa ko lahat para tahimik ba:D may anak na kami girl kaya sumaya na ako dahil sa anak namin. mahal mahal ng biyanan ko.Ojuma sama nga ang tawag niya sa anak ko..
thanks nga pala sa sa post mo rito..Mina Yurusiko neh! goodluck.;)

Chonan din ang asawa ko,pero di kami magkasama sa bahay ng mga biyenan ko.Minsan gusto na rin nila kaming palipatin sa bahay nila para daw di na kami magbabayad ng rent sa apartment pero di ako pumayag kasi parang di pa yata ako ready.Magkasundo naman kami ng mga biyenan ko pero iba pa rin siguro kong magkasama na kami sa bahay. Pero alam ko naman na ako ang mag-aalaga sa kanila pagtanda nila pero sa ngayon di pa talaga ako handa.Sobrang maarte pa naman yong biyenan kong lalaki sa pagkain kaya nakakatakot isipin na pagdating ng araw ako na ang magluluto para sa kanila.:D

barabara
03-14-2006, 05:03 PM
Hello wolfgang, Oo nga iyan din ang sabi ng mga frend ko sa tokyo. tiyaga may nilaga:D
saka dapat pakisamahan ko ina ni hubby ko para tahimik kami. si hubby ko may isa pang kapatid sister niya.thanks sa post mo.. Yurusiko..

Yes,, chonan din ang asawa ko at nag-iisa lang na anak..Pero dahil hindi ko kasama sa bahay ang mga biyenan ko ehh wala naman akong problema.pero minsan nag oonegai sila di naman ako nagrereklamo halimbawa pupunta kami para linisin yung bahay,ipamalengke sila ok lang naman.
At sayo kapatid ang maipapayo ko ay magtiyaga ka lang dahil ang lahat ng ginagawa mong kagitingan ay may induluhensiya sa diyos...Sa bawat hirap may ginhawa...:)

Splendid
03-14-2006, 07:02 PM
Hi splendid:) bago lang ako dito sa TF. taga hokkaido ako.lipat kami dito dahil wala na ang biyanan kong lalaki. kaya sa amin ang sekinin ng pagsilbihan ang ina niya. di kami magkasama sa bahay. bukod kami mga 3 blocks lang ang layo ng house ng ina niya. sa ngayon okey naman kami dahil dahil gawa ko lahat para tahimik ba:D may anak na kami girl kaya sumaya na ako dahil sa anak namin. mahal mahal ng biyanan ko.Ojuma sama nga ang tawag niya sa anak ko..
thanks nga pala sa sa post mo rito..Mina Yurusiko neh! goodluck.;)





Gmabatte ne!:)

ladygems1216
03-14-2006, 07:08 PM
[quote=barabara]Helloo! Timog forum..Masaya ako now ng makita ko itong Timog forum,nakakaalis ng home sick..Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang asawa ko ay Chonan or panganay na anak at tawag ng biyanan kong babae sa akin ay Oyumisan daw ako.since na lumipat kami sa hokkaido, dumami na ang Sekinin ko. Okey lang sa akin dahil mahal ko ang asawa ko kaya I do my best para mapasaya ko ina niya. ako nagluluto sa ina niya, mabuti lang at di mapili kahit ano kain siya.pag umaalis siya ako pa rin ang alaga ng garden niya.pero. minsan parang napapagod na ako! ako parin ang pasyal ng aso. takot ako lalo na pag ang daming snow.HAyy! hontoni skareta dayoo! Kayo ba may asawa din CHONAN?:confused:

... Hello barabara! Pareho tayo dito din ako sa Hokkaido!

... Pasensya na friend ha wala akong maaadvice sayo eh kase pinoy ang hubby ko..

... yoroshiku ne!

gud
03-15-2006, 11:03 AM
Helloo! Timog forum..Masaya ako now ng makita ko itong Timog forum,nakakaalis ng home sick..Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang asawa ko ay Chonan or panganay na anak at tawag ng biyanan kong babae sa akin ay Oyumisan daw ako.since na lumipat kami sa hokkaido, dumami na ang Sekinin ko. Okey lang sa akin dahil mahal ko ang asawa ko kaya I do my best para mapasaya ko ina niya. ako nagluluto sa ina niya, mabuti lang at di mapili kahit ano kain siya.pag umaalis siya ako pa rin ang alaga ng garden niya.pero. minsan parang napapagod na ako! ako parin ang pasyal ng aso. takot ako lalo na pag ang daming snow.HAyy! hontoni skareta dayoo! Kayo ba may asawa din CHONAN?:confused:


Your Home Life May Not Be Perfect, but Whose IS? So stop Worrying about it!;)
:yesyes: one & only son naman ang asawa ko... pero un nga lan at wala akong sekinin ba... what i mean is, freedom ako... my in-laws are different.. open cla... pede ako matulog hanggang gusto ko, magluluto ako kung gusto ko, never ako nakarinig sa kanila ng complain... lalo na sa asawa ko...
iba kse ang lifestyle kse dto sa japan... walang maid at kailangan mo daw talaga makisama sa in-laws mo unlike nalan kun very close kayo, d ka mamomoroblema sa kanila...

barabara
03-15-2006, 12:15 PM
hello sa iyo Gud,Okey ka diyan ah!non nsa tokyo pa kami okey din buhay ko, masaya at daming frend na Pinay. Now na nandito na kami sa hokkaido, alang pinay dito kaya sobra lungkot ko.Dati 5 kami nawala na 2 hiwalay, di nakatagal dito, now 3 na lang kami puro busy sila dahil working mother sila.ako sa bahay lang ayaw ng biyanan ko na magwork ako.Silbi kasi mawawala! :D thanks sa pagpost mo dito. pano ba ilagay ang picture dito?Please turuan mo ako. ganda ka rin! sabi nga nila ang pinay daw sa Japan lahat magaganda at bata..;)
:yesyes: one & only son naman ang asawa ko... pero un nga lan at wala akong sekinin ba... what i mean is, freedom ako... my in-laws are different.. open cla... pede ako matulog hanggang gusto ko, magluluto ako kung gusto ko, never ako nakarinig sa kanila ng complain... lalo na sa asawa ko...
iba kse ang lifestyle kse dto sa japan... walang maid at kailangan mo daw talaga makisama sa in-laws mo unlike nalan kun very close kayo, d ka mamomoroblema sa kanila...

barabara
03-15-2006, 12:23 PM
Hello din sa iyo Ladygems1216,
Nasa hokkaido ka pala..saan kaba? kasi lungkot ako hanap ako ng pinay na friend..
okey lang iyong pinoy hubby mo, di ka hirap makibagay.Invite kita sa bahay ko kung malapit ka lang sa akin. hilig ko kumain ng luto natin ng may kasabay, magana baga:)
Yorushiko...

gud
03-15-2006, 03:29 PM
hi barabara ; :tiphat:
sa profile mo, me setting & option, click mo ung edit profile picture, dyan mo i-load un pic mo...
d naman me taga tokyo talaga barabara, nasa osaka house namin at in law ko...
na-assign kse dto sa tokyo asawa ko kaya andto kami ngaun...

buti nga ikaw me frend, ako laging solo... dala na ba ! dami kse me na encounter na d maganda kaya until now lagi ako nag iisa... pero im happy for that kse ala ako kaaway :yippee:

dami naman kse dto kala mo nabili na nila japan eh... kun magkasalubong man kayo, ttgnan ka pa mula ulo hanggang paa sus! :doh:

pola228
03-15-2006, 04:34 PM
first of all ngayon ko lang po nalaman na sa nihongo pala ng pangangay na lalaki ay chonan:D at buti nalang chonan sya at makaka relate ako sa thread na to:)

Panganay asawa ko at si ototo na 34 na wala paring asawa:rolleyes: ayun magkasundo naman sila kasi nauuto nya si uto uto:D ..Medyo pasaway asawa ko sa mga byenan ko..like pag pinagsasabihan sya kahit sa malumanay na paraan kung makasigaw sa nanay kala mo laging may kaaway:( kumbaga mabait sya sakin pag sa nanay nya laging nakasigaw..pero omoishiroi naman ang dating :D Seriously, ang nakikita ko lang na di maganda sa ngayon ay yung lagi nalang inaasa kay okasan yung mga things na dapat sya nagaasikaso...like need pumunta ng shakusho para sa ganito....si okasan pa papupuntahin..e 70 na kaya nanay nya para utus utusan nya diba...sunod naman si okasan...:rolleyes:

myukasky
03-15-2006, 05:14 PM
first of all ngayon ko lang po nalaman na sa nihongo pala ng pangangay na lalaki ay chonan:D at buti nalang chonan sya at makaka relate ako sa thread na to:)

Panganay asawa ko at si ototo na 34 na wala paring asawa:rolleyes: ayun magkasundo naman sila kasi nauuto nya si uto uto:D ..Medyo pasaway asawa ko sa mga byenan ko..like pag pinagsasabihan sya kahit sa malumanay na paraan kung makasigaw sa nanay kala mo laging may kaaway:( kumbaga mabait sya sakin pag sa nanay nya laging nakasigaw..pero omoishiroi naman ang dating :D Seriously, ang nakikita ko lang na di maganda sa ngayon ay yung lagi nalang inaasa kay okasan yung mga things na dapat sya nagaasikaso...like need pumunta ng shakusho para sa ganito....si okasan pa papupuntahin..e 70 na kaya nanay nya para utus utusan nya diba...sunod naman si okasan...:rolleyes:

Wait edit ko lang

barabara
03-15-2006, 07:38 PM
Gud, thanks! maganda kana mabait pa! ako sa tokyo non panahon na booming ang lakas ng kita ng any business sa japan,mababait pa ang mga friend ko pag kita-kita kainan may dala bawat isa.now, pansin ko iba na nga pinay! minsan smile ka di pansin. dito sa hokkaido, Hedoi and saite pa ang naranasan ko lagi akong pinaiiyak. galit nga si hubby ko kasi sobra raw akong mabait. kaya slow down din ako.pakiramdam muna if type ko ugali.

barabara
03-15-2006, 07:54 PM
Heloo Pola228, dati si hubby ganyan din sigaw at mura sa ina niya! nagulat nga ako kasi we respect our parents. but now since na ala na ama niya na naging dahilan para umuwi kami sa hokkaido di na niya sinisigawan , takot pa kamo dahil di pa bigay ang mana niya but sa sister niya bigay na! Unfair nga eh! sa akin lahat ang sekinin at silbi.. pag punta sa haka ng ama ako rin linis ng puntod.dati ako rin alis ng snow pero now NO say ng DR. ko.Nagkasakit ako sa hips, Hernia. Ina niya ayaw pa luto. hirap talaga ng oyumisan neh!
thanks nga pala sa post mo.. sige dito na si hubby kakain na..

pola228
03-15-2006, 08:23 PM
Heloo Pola228, dati si hubby ganyan din sigaw at mura sa ina niya! nagulat nga ako kasi we respect our parents. but now since na ala na ama niya na naging dahilan para umuwi kami sa hokkaido di na niya sinisigawan , takot pa kamo dahil di pa bigay ang mana niya but sa sister niya bigay na! Unfair nga eh! sa akin lahat ang sekinin at silbi.. pag punta sa haka ng ama ako rin linis ng puntod.dati ako rin alis ng snow pero now NO say ng DR. ko.Nagkasakit ako sa hips, Hernia. Ina niya ayaw pa luto. hirap talaga ng oyumisan neh!
thanks nga pala sa post mo.. sige dito na si hubby kakain na..

Hi te barbara!
sad to hear naman na may sakit ka sa hips:( sana di naman malala:)
ate confused lang ako:confused: diba ang oyomesan meaning asawang babae? sensya na:O ano ba yung sekinin?

oo nga ate nakakagulat talaga sa una na marinig mong naninigaw sa parents si hubby no..:(
nung una kinakabahan ako lalo pat diko alam pinaguusapan nila...sumunod nasanay nako kaya natatawa nalang ako:) ngayon pag sinisigawan nya si okasan pinapagalitan ko na sya:mad: ..
e kasi naman kung di nya baguhin ugaling yun baka gayahin ng mga anak namin diba:nono:
Kami rin pumupunta ng haka(kahit wala namang patay na nakalibing:confused: ) naglilinis at lagay bulaklak at food konti..tapos dasal..teka OT naba..sensya na pow:D

gud
03-15-2006, 08:23 PM
Gud, thanks! maganda kana mabait pa! ako sa tokyo non panahon na booming ang lakas ng kita ng any business sa japan,mababait pa ang mga friend ko pag kita-kita kainan may dala bawat isa.now, pansin ko iba na nga pinay! minsan smile ka di pansin. dito sa hokkaido, Hedoi and saite pa ang naranasan ko lagi akong pinaiiyak. galit nga si hubby ko kasi sobra raw akong mabait. kaya slow down din ako.pakiramdam muna if type ko ugali.
ikaw naman tinuruan lan kita sa pic cnabihan mo nako agad ng maganda na, mabait pa :grinny: is that a compliment :kiss:
basta aware ka lan sa pakikipag friendship kun ayaw mo masaktan ka.. ok
minsan kse andyan din un time na pati family mo itsitsismis dala ng inggit (it happens 2 me Before) nagalit byenan ko sa kanya kse welcome namin sya then dahil lan sa differences ng buhay namin, gumawa sya ng story... bagay cno ba nakakahiya kundi sya rin...
actually d naman natin kse kailangan magpataasan ng ihi dto eh... ewan ko nga lang ba bat ganyan ung iba... pag nasapawan mo hindi naman intensionaly, naghi-hysterical na :hellfire: hahahaha!!!
tungkol sa life mo, gambatte !!! anyway kapamilya mo rin sila tsaka matanda na naman byenan mo eh, its about time rin na maserbisyuhan sya... naglalambing nalan un :sweeties:
ako rin me sakit sa hips, naglihis ung bone ko dahil daw sa pagbubuntis ko... kaya kahit nagamot na ito dto 13 yrs ago, ganun pa rin sya sumasakit

barabara
03-16-2006, 09:57 AM
pola228, ala! Ate mo na ko ah!nice gusto ko iyan. kahit dito puro sila Ate tawag sa akin.now magaling na iyong Hernia ko. avoid ko lang iyong mga mabigat buhat saka pag vacuum, nakabelt ako...Oyomesan, oo asawang babae. sekinin -Responsibilidad..now di na nasigaw si hubby sa ina niya.ang anak ko na ang nasigaw sa kanya!:grinny: nakita kasi sa kanya eh! totoo sabi mo! takot si hubby ko sa anak niya. me hindi, magpalit na kami ng damit! Iyan ang Pinay:wavey:

barabara
03-16-2006, 09:58 AM
pola228, ala! Ate mo na ko ah!nice gusto ko iyan. kahit dito puro sila Ate tawag sa akin.now magaling na iyong Hernia ko. avoid ko lang iyong mga mabigat buhat saka pag vacuum, nakabelt ako...Oyomesan, oo asawang babae. sekinin -Responsibilidad..now di na nasigaw si hubby sa ina niya.ang anak ko na ang nasigaw sa kanya!:grinny: nakita kasi sa kanya eh! totoo sabi mo! takot si hubby ko sa anak niya. me hindi, magpalit na kami ng damit! Iyan ang Pinay:wavey:

barabara
03-16-2006, 10:13 AM
Gud,:) ingat ka sa hips mo,kasi hirap iyan pag nabalian ka tapos na happy life mo.. iyan lagi say ng hubby ko kaya pag madulas lagi akong taxi, pera lang iyan kesa mabalian ako.sa totoo lang, hirap ako sa ina niya.laging kampi sila kahit mali. tulad ng sinampal ako ng anak niya.lumaban ako, kalmot ko si hubby ko daming galos sa braso. sabi ba naman para akong Zaru( 0nggoy)maga face ko, tumama wedding ring niya sa gilid ng mata ko.nagalit ako sobra.sabi ko pag inulit mo pa iyan punta ko ng Police station kaya now di na ako makanti dahil takot ina niya sa eskandalo!sorry to tell you, pero di ko mapigil. oke:wavey: y lang bait naman mga tao dito sa TF.. :sssh: :wavey:

ai_chan
03-16-2006, 10:28 AM
Hi Barbara chonan din asawa ko demo kare no otochan wa saki ni shinjatta, okachan wa 15 nen mai made ittan desukedo....16 yrs na ko dito and koko sei na ang chonan ko iro-iro taihen desukedo nantoka ganbarimashita korekara mo kodomo no tame ni ishokenme gambarimasu otagai ni ne.... Korekara mo yoroshiku!



dewa mata,

Ai

kokorokara
03-16-2006, 11:11 AM
Salamat na dagdagan ang japanese vocabulary ko,my hubby is also a chonan pero napansin ko hindi naman ganun nagpapasilbi yun giri-okasan ko sa akin pag nagpupunta kami sa house niya for a vacation hindi ko lang alam If mag e stay nang matagal pag sisilbihan ko kasi 2 days lang ang pinakamatagal na stay namin doon,but anyway sanay naman tayong mga pinoy ng ganun kaugalian siyempre biyenan natin parang magulang na rin natin yun.Kya lang next month balak mag bakasyun yun mother in-law ko sa house for the first time,hindi ko alam kung ilan days. kaya malalaman ko kung ano ba talaga yun pagiging chonan de barbarian ni mister....abangan sa susunod na kabanata:D

barabara
03-16-2006, 11:30 AM
Hielloo kokokara,
ganyan din ako non pabisit- bisit lang, job pa ng hubby ko lagi sa abroad free lancer pa siya. 8 month pa baby ko natira ako sa biyanan ko, 1 months. buhay pa si ama , iyan bait bili lagi ng mga pangwinter ko.saka luto si ina kasi stricto si ama. minsan ako gusto nila Karage ko(fried chicken).. linis ko buong bahay lalona kusina, gitata kasi!pati Ref. daming bulok na gulay at lumang pagkain.sipag kasi ako kaya namihasa. Ina ayaw sa akin ang ama gusto ng pinay.kaya lungkot buhay ako ng nawala na siya.. ingat bye kanina pa ko dito sakit mata ko!but finish na gawain bahay, saka ala si MR. nasa Tokyo 2 day ala akong katabi sa kama.:thumb: yeahhh !!sarili ko bed!!:wavey:

gud
03-16-2006, 01:05 PM
@ barabara, sorry 2 hear that ha.. d ko naman alam na sinasaktan ka at d mo rin naman na-mention.... anyway, about me dont worry at kahit pagsasampay asawa ko gumagawa non ;) wag lan sumakit katawan ko... kaya nga sabi ko sau, freedom ako... kahit d ako magluto ok lan sa kanya basta ayaw ko raw wag ko gawin...
tungkol sa asawa mo at byenan mo, baka someday magbago pa cla (sana) para happy family kau ever after... :thumb:

nag lunch ka na ba ? sensya na at kagigising ko lan eh... kaya d ko kailangan lunch... hahahaha!!!

by the way, wag ka masyado nag iisip at baka ma-stress ka, magkasakit ka pa... ok

barabara
03-16-2006, 02:38 PM
ikaw ha! sarap buhay mo ah!ako nahatid kona lunch ng ina sabay sabi ko(Mama, asta watashi yasumi ne!) tawa lang siya. nagchahang ako at joza,sabay kaming kain ng anak ko.Yasui lang luto ko.kahapon birthday ko. uwi si hubby aga bili Cake. tapos balik uli sa kaisha niya busy!nakakasawa (akichactta) luto hirap pang magisip... ayaw ko sanang storya ang pananakit niya but di na naulit kaya okey lang.. asan kana?:kiss:

gud
03-16-2006, 02:47 PM
@ barabara
:mohawk: belated happy b-day ha :dowave:

kahit d ako nainom kampai tayo :toast: hahahaha!
isipin mong kape yang kinampai ko sau ha... :biglaugh:

andto nako.. ikaw saan ka na :cry:

barabara
03-16-2006, 02:52 PM
pareho tayon di nainom. eto ko, tapos shampoo ni dog mo. thanks sa bati..

gud
03-16-2006, 02:55 PM
uu tapos na sampo... check mo msg mo

barabara
03-31-2006, 12:18 AM
hello gud,
salamat sa mail mo kanina,nagulat nga ako sa ketai ko:hihi: kasi di na natunog iyan mula ng umuwi na si Sister ko, ala na kong katext...naubos na mga na relative ko sa tokyo uwian na sila, ako na lng natira..sa ngayon peace ako sa biyanan ko dahil gawa ko lahat ang sekinin ng chonan kong asawa. payag na si ina niya go ako sa US..Saya ko! problema ko lang sama ng pakiramdam ko, baka dahil exited ako.. Pray for me ha? takot ako sa Plane after 9/11.. Okey keep in touch...:wave:

barabara
03-31-2006, 12:32 AM
Hi ai_chan,
thanks sa post,. but sorry di ako marunong ng nihonggo, kunti lang! bara-bara ako magnihonngo,kaya barabara name ko dito.Lol!16 years kana dito mas tagal ako sa iyo.. kasi usapan namin ng hubby ko english, kaya galit ina, komaru daw siya maging anak namin komaru.. yoroshiku neh.Kodomo daiji senasai. bye

adechan
04-01-2006, 07:54 PM
hello barabara welcome, actually i already saw your many posts

nakakatuwa ang timog name mo

enjoy

barabara
04-02-2006, 09:33 AM
Hi! Adechan,
salamat naman natuwa ka sa Timog name ko. taga saitama ka pala. parating nandiyan si hubby ko, may kaisha sila diyan.minsan balak kong sumama.Lungkot buhay ko pag naalis siya..pansin ko rin pareho tayong laging nasa TF.:yippee: :lol:

hotcake
04-02-2006, 08:28 PM
Hello barabara, welcome to TF.:) Tagal na nitong thread na ito pero ngayon ko lang nabasa ang mga post. :O Nakakatuwa basahin kasi nakaka-relate ako..:p

Chonan din ang husband ko, pero iba ang sitwasyon ko. Inggit ako sa inyo kasi magaganda ang relasyon niyo sa in-laws niyo. Ako minsan din naging maganda pero di naging pangmatagalan.:( Pero okay lang kasi ngayon ay may freedom na kami ng family ko.:)

adechan
04-02-2006, 09:07 PM
Hi! Adechan,
salamat naman natuwa ka sa Timog name ko. taga saitama ka pala. parating nandiyan si hubby ko, may kaisha sila diyan.minsan balak kong sumama.Lungkot buhay ko pag naalis siya..pansin ko rin pareho tayong laging nasa TF.:yippee: :lol:

husband ko naman taga diyan talaga sila sa hokkaido, iyon nga lang ang trabaho ng father nang husband ko, palipat lipat ng destino .... elementary days niya yokohama, then, nag-graduate siya dito na sa saitama, hanggang nakapag trabaho at nakapag-asawa.

chonan din asawa ko ... though he was the prodigal son:D , kaya hindi kami inaasahan nang mga parents niya:yippee: . retired na si father at dapat babalik sila diyan sa hokkaido, kaya lang lahat silang magkakapatid dito na nakapag-asawa, hindi na nila palaging makikita ang mga apo nila pag bumalik sila nang hokkaido, kaya eto nandito pa rin sila ... mukang dito na lang yata sila.

bakit di mo subukang sumama minsan, iba din iyong nakakapag travel, malay mo matapatan mo pang may eb o puwede mong maka eb .... di ang saya diba?

:wave:

barabara
04-02-2006, 10:13 PM
Hello Hotcake.
ganda ng color pink and cute:wink: :bouncy: salamat napansin mo ang thread na ito.. ako until now hirap pa rin sa pagiging Oyumisan ko(asawang babae ng chonan na anak)
kasi kahit ano pakisama ko at lambing sa ina niya ramdam ko plastik siya. imagine kada birthday, mothers day at pasko lagi akong may gift sa kanya.. pero ako ala! turo pa sa anak at asawa ko di raw sila nag bibirthday.dapat daw malungkot dahil dagdag daw idad..
Oh my god! say ko lang sa sarili ko pasalamat siya at healthy siya sa idad na 74 umabot: pa siya di ba?:wavey:

barabara
04-02-2006, 10:22 PM
Adechan,
alam mo sa isang araw sa TF di buo araw ko pag di ko nasilip dito.lungkot ko kasi!:cry: balak ko nga sumama. payag naman si hubby ko wag daw now kasi busy siya..gusto ko maka EB sa inyo,hilig ko latag ng sheet tapos kainan..yeahh saya!:bouncy: :wink:

Autumn
04-02-2006, 11:07 PM
only Son mister ko..close ako sa mga inlaws ko pero we live separately.,katuwira n ng byenan ko. may sarili kaming buhay., may mga anak na nanganga ilangan ng pag kalinga..,hindi nila ako pinipilit sa mga bagay na mahirap para sa akin dahil ibang lahi nga naman ako..,ayaw din nilang mag pa alaga sa akin tama na daw yun minsan eh puntahan ko sila .dalawin at isama mga bata..masaya na sila ng ganoon set up.,di nila ako ipinakikilala as oyome san ..musume ang pakilala nila sa akin..

sa totoo lang mas gusto ko kasama sila sa bahay.dahil sanay ako sa malaking pamilya..pero ewan ko ba masyadong modern ang mga inlaws ko..inggit talaga ako sa iba;)

pola228
04-02-2006, 11:10 PM
ate barabara san,

sensya na ngayon lang ulit ako naka reply here...pareho tayo byenan ko rin babae 70 sayo 74..ot lang..marunong kang gumawa ng shirae, oshitashi at nuta? :D

pola228
04-02-2006, 11:12 PM
congrats sakin!!!!!!!!:band: :king: :dowave: hehehe...

senior na po ako dito sa TF:p :jiggy:

ayanis-marie
06-06-2006, 11:09 PM
Alam mo Barabara,out of 10 na nakapag asawa ng Chounan,masuwerte kung may
isang masayang nakikisama sa mga magulang ng asawa.Lalo na tayong mga alien
lang dito.Tuwing may nomikai kami ng mga kapwa nanay sa school ng mga anak
ko,kahit di chounan 'yong asawa nila,nahirapan pang makisama.
Masabi ko lang,andyan na 'yan eh.Be strong na lang.As what I've learned in life,
Pag di ka gusto ng biyenan mo,huwag kang mag aksaya ng effort mo,kasi di nila
nakikita 'yon.Ang nakikita lang nila ay puro kapintasan.So be yourself.,They may
like it or not,basta ang ginawa mo ay di masama t'saka kagustuhan mo.Huwag mong
gawin 'yong gusto lang nila.
May mga responsibilities tayo as a wife,but we do have also the right.Mahirap ang
sitwasyon mo,but time flies.Our life changes in every 3 years and 10 years is a too
long to stay with those creeps.Mamamatay din naman mga 'yon eh.Kaya huwag mo
hayaan na mauna ka.Kasi you're worthy to be happy as a mother and a wife.
Ang mga oyumisan,ay pillar de la casa.(post of the house),Kaya maging matatag
ka para ang pundasyon ng tahanan mo ay matatag din.Huwag kang padala sa
emosyon,lalo na to give up..para sa pamilya mo.
Give your time na lang sa asawa mo,anak mo ang most of all you have to pray.
Kahit di mo narinig ang boses ng Diyos,but in He will touch your heart to be
strong and all your loads today will make you grow tomorrow.
I'm a mother of three,chounan din ang asawa ko with 4 sisters pa.Umiyak na rin
but andito pa rin.Gensei wa amakunai,kaya magpakatatag na lang tayo.Ako di ko
nakikita ang problema ko.Dumating man,bahala sila,ang pinagtuunan ko lang ng
pansin ay ang solusyon.Let's be like water.,.a universal solvent,kahit anong element
kayang i-desolve at kahit saan ihalo,tubig pa rin,.hehehehe don't get too serious
sometimes.;)

mai
06-11-2006, 10:39 AM
chonan din ang asawa ko, 4 silang magkakapatid , 2 babae + yung bunso ay lalaki. pero wala akong problema sa mga inlaws ko lalo na sa nanay nya. nagkasama narin kami ng 3 months or tumira sa bahay ng byenan ko for 3 months nun nanganak ako pero OK na OK naman samahan namin, marami akong natutunan , lalo na sa pagluluto. dati nasa apartment lang kami nakatira den lagi nagpaparinig yung mga byenan ko na ano dito nalang kayo tumira ang laki naman ng bahay, kase yung bunso na lang andun nag sarili na yung 2 dalaga... pero walang kibo kami o di kami sagot kung sukob ba kami sa bahay nila, den isang araw dalaw kami sa bahay ng byenan ko (w/c is malapit lang fr. sa dati namin tirahan) may pinakita silang site ng lupa at sinabi samin na "o ano may ipon na ba kayo , patayuan nyo na yan ng bahay":eek: gulat! tuwa! ang feeling namin mag asawa:p as in super hapi! ngayon may bahay lupa na kami na super lapit lang din sa bahay ng byenan ko! ever since di ko pa nararanasan ang hirap ng pakikisama sa mga inlaws ko lalo na ng sa mama nya. yung kasal namin sila din gumastos...

as of now di ko pa nararamdaman yung hirap ng maging asawa ay chonan... raku raku yo~~~

barabara san gambare~~~ kaya mo yan, tyak may sukli yan "pagdating ng panahon":p

docomo
06-13-2006, 03:57 PM
Welcome to Timog Forum barabara! enjoy the site, feel at home :)

ritzyu
06-14-2006, 09:38 PM
Hello barabara san, welcome sa timog...enjoy reading and posting..yoroshiku!: D

japina
06-16-2006, 12:16 AM
hi!!barabara!!

chonan din ang asawa ko kaso wala na akong pakikisamahan kasi wala na ako in laws. pero tulad ng sabi nila. pakikisama lang yan. pagbutihan mo na lang. dahan-dahan lang sa work!! ingat sa health. karada daijin.

barabara
06-24-2006, 01:42 PM
hello again sa inyo mgaTF, Hi docomo salamat sa welcome mo sa akin sa TF. ngayon ko lang eto nabasa, ganon din kay Mai. ritzyu and japina. eto ako ngayon medyo di na naman maganda ang ginawa ng biyanan ko sa akin pero as usual tiis or gamang.pero si hubby ko super bait ngayon! bakit kaya?:confused: :eek:

barabara
06-24-2006, 01:48 PM
Hi ayanis- marie, totoo sinabi mo hirap pero dahil sa anak ko at si hubby naman bait na kaya ko pa.imagine mo 21 years na ko dito. sa tokyo 10 years, dito sa hokkaido 11 years. tiis lang lagi, inis pa ako sa lamig.. salamat sa pagpost mo rito. pero super lakas ng biyanan ko malakas pa sa akin!lahat ng pageejime niya sa akin bahala na si lord sa akin..

proud me
06-24-2006, 02:04 PM
Hi ayanis- marie, totoo sinabi mo hirap pero dahil sa anak ko at si hubby naman bait na kaya ko pa.imagine mo 21 years na ko dito. sa tokyo 10 years, dito sa hokkaido 11 years. tiis lang lagi, inis pa ako sa lamig.. salamat sa pagpost mo rito. pero super lakas ng biyanan ko malakas pa sa akin!lahat ng pageejime niya sa akin bahala na si lord sa akin.. barabara san, bilib ako sayo...nagagawa mong magtiis.sabagay wala ka naman magagawa sa ugali ng biyenan mo na siguro ipagdasal mo nalang biyenan mo :D at isama mo lagi sarili mo na bigyan ka lagi ng mahabang pasensya :)

barabara
06-24-2006, 04:00 PM
Hi proud me,kaya ako siguro nakapagpapasensiya dahil mahal ko anak ko at asawa ko..alam mo di ko siya mahal non una kahit ng kinasal kami konti lang kasi hapon nga. pero ng magbuntis na ako at nagkaanak kami super mahal ko siya..kaya andito pa ngayon:)

efernao
06-24-2006, 09:27 PM
hi bara bara san, ako yung husband ko chonan at yung mother inlaw ko naman ay nakatira sa 1st floor (apartment kase tong bahay namin). baligtad naman tayo, yung byenan ko naman ang nagluluto para samin ng asawa ko, hindi kase ako marunong magluto at sabi niya kailangan laging balance food ang kinakain namin para maging healthy.:) syempre siya yung nagluluto ako na yung naghuhugas ng plates at linis ng lababo. pakisamahan mo na lang mabuti ang biyenan mo, at kailangan open ka din sa nararamdaman mo (in a nice way). dati nung nagwowork pako sa kaisha may time na talagang pagod nako at gusto kong magpahinga kagad, sinasabi ko sa byenan ko. kaya kahit nakakahiya man, siya na naghuhugas ng plates at pinaaakyat nako (4th flr.). bumabawi na lang ako sa pasalubong:D.

barabara san, nakakahanga ang haba ng iyong pasyensya. may blessing naman na kapalit yan:D. at huwag mo ring kalimutang alagaan ang sarili mo.:) god bless you and your family.

barabara
06-24-2006, 11:11 PM
Hi efernao,alam mo mas maalalahanin nga ako kesa sa mga anak niya kahit iyong sister ng hubby ko very tsumitai sila.di siya tinatawagan. ngayon nga hatid ko dinner niya nakahiga sabi ko sa hubby ko dalawin mo ina mo sama ng kulay. sakit daw puso kasi ang taba!di ko na iniisip if ayaw niya sa akin.sabi nga anak ko (mama,wag ka ng makwento sa obachan ng sakit mo di ka naman pinapansin.)gusto nila lagi kang Genki.kami nakabukod simula ng lumipat dito sa hokkaido. 4 door Mansion,isang door amin, sa aswa ko ito pero di pa bigay serbi muna daw at alagaan siya.sabi ko sa aswa ko if ako haponesa ala na! dami dito oyomisan na haponesa di naguusap ang biyanan.ayaw ng kasama sa bahay..di pede sa haponesa ang ganyan!siguro nga haba ng pasensiya ko. di bale kung kunin na ko sa itaas siguro naman may lugar ako..god bless..:wave: :D

sensei
06-24-2006, 11:47 PM
di bale kung kunin na ko sa itaas siguro naman may lugar ako..god bless..:wave: :D

hello barabara...wag ka magsalita ng ganyan, marami pang blessings dadating sayo.
Keep smiling, palampasin mo na lang ang mga taong mahirap pakisamahan kasi ikaw lang ang maapektuhan.

Ganbatte, lagi kang mag TF para maalis ang stress.:)

poulain
06-25-2006, 12:49 AM
chonan din bf ko pro sabi nya wala daw problem bout sa parents nya... mejo kowai po pro since ive met them, mukha nman cla mbabait, mukhang cya mamumublema saken since i dont know how to prepare japanese foods pa... kaya ngayon gaman lang cya... teeeheeeee

barabara
06-25-2006, 12:39 PM
sensei, salamat sa paalala mo. oo nga lagi akong nandito sa TF. nalilibang ako.. minsan kasi sa buong araw ala akong makausap dito..minsan tiyaga akong kausap biyanan ko kaya lang naasar ako pag kausap siya lagi akong inuinsulto. buti pa tambay na lang ako sa TF. saya pa araw ko..:sweeties: :wave:

maria_71jp
06-25-2006, 02:29 PM
dear barabara,

dito ka magtambay mailabas mo pa stress mo friend.hwag mo ng isipin ang biyenan mo anak mo nalang isipin mo sasaya kapa.andito lang kami mga kaTF mo ok!keep smiling ok!:type: :type:

poulain
06-25-2006, 09:11 PM
mga ate, mahirap po ba tlga mkisama sa japanese lalo na pg bata pa?

maimai
06-26-2006, 08:09 AM
makikisali lang po dito..

asawa ko chonan din..apat silang magkakapatid...pero dahil nandito kami sa tokyo, ang bunso nyang kapatid na lalaki ang nagbabantay dun sa mga magulang nila sa inaka....:)

every year,dalawang beses kami nagbibigay ng pera dun sa mga byenan ko...:O

sa totoo lang...ayoko ko makasama sa bahay ang mga byenan ko kasi parang wala kaming privacy...ok na siguro yung magbisita lang kami dun pag yasumi ng asawa ko..ayoko ko kasi tumira dun at makasama sila sa iisang bahay....di ko pa naman sila ka vibes...:O :O pag pumupunta nga kami dun...halos mapanis na ang laway ko kasi di talaga ako nagsasalita...nood lang ako ng TV.at makikikain ng pagkain nila kahit minsan di ko gusto:( :( ..

sabi nga asawa ko baka daw uuwi kami dun pag nagretire na sya dito...kahit ayoko ko...shoganai daw kasi chonan sya!:)

puting tainga
06-26-2006, 08:46 AM
Sa kasalukuyan “fading out” na ang conservative family values and customs, ayon sa balita.


Matuid at konserbatibo ang pamiliya mo dito sa Japan.

You are doing a great job. すごいね、がんばってるね。: eek:


>oyumisan
For your information, siguro ganito ang sinasabi nila sa Hokkaido at Tohoku, pero tamang spelling ay およめさん oyomesan :)

uvy
06-26-2006, 08:56 AM
makisali po,ganun po ba talaga pag chonan asawa?di po chonan asawa ko,bale may tanong lang po ako kung puede.sa nabasa ko po kasi base sa mga post nyo talaga palang ang chonan ang may responsibilidad sa pag alaga ng mga matatanda,hanga po ako sa inyo kasi sa tulad po nating pinoy mahirap po talaga minsan makisama sa mga byenan kahit pa sabihin na mababait sila,.napakaswerte din po dun sa mga di na inoobliga na bantayan ang mga byenan nila knowing that di nila tayo kalahi.sa case ko po kasi pakiramdam ko kahit di chonan asawa ko kami po talaga umaalalay sa matatanda,parang wala pong pakialam yong asawa na kuya ng asawa ko.wala po kasing kusa,haponesa pa naman sya,pati kuya ng asawa ko parang wala lang din,pinaubaya na po ata sa amin kasi andyan kasi kami lagi para sa mga matatanda,......pase nsya na po medyo napahaba,naglabas lang po ako ng sama ng loob,yong byenan ko po kasi babae lagi po namin sinusugod sa hospital,kahit malapit lang bahay ng kuya nya dun di man lang maihatid.kami po lagi kahit medyo malayo kami dun,......ok lang po sana kung pareho kaming pinay nung asawa ng kuya ng asawa ko,kaya lang haponesa sya dapat sana alam nya obligasyon nya,......:O

tagarp
06-26-2006, 09:08 AM
Chonan din ang husband ko, 2 lang silang magkapatid. I may say na mga nose out ang mga in-laws ko. Mayaman ang family nila sa Inaka at may mga lupain sila doon. Yung sister in law ko, single pa rin hangga ngayon and she graduated in Canada. Naka separate kami ng house.. Yung husband ko ang nag decide noon not me.. Napansin ko lang every time na nagpupunta kami doon sa kanila, itong husband ko e spoiled sa kanilang 3 (father, mother nya and her sister). Kontodo service de luxe ang ginagawa nila sa asawa ko. Baligtad naman sila.. My husband is working as an Engineer in Japan Railways at pinag aral sya sa Germany ng JR. First impression sakin ng mga inlaws ko e strong personality daw ako at nose out din. Hindi naman.. :( Iyakin nga ako at komikera din.. Siyempre ayaw nilang magpakasal ang anak nila sa gaijin.. Pero lahat yon na erased.. ;) Nung kasi pumunta ang husband ko sa Manila, pinag target shooting kasi sya ng father ko sa Shooting Range nya (my father is an instructor in National Police trainees and in Military too before). Kaya I took some photos of my husband in the target range na may hawak syang mga high powered guns kasi nagsusupply kami sa Militaries. Pinakita naman ng husband ko ang pics nya sa mga in laws ko at natakot na baka Yakuza daw ang Father ko sa Pinas.. :D .. Then my inlaws ask me if my Dad is in illegal job. Natawa kami ng husband ko, sabi ko, Naku hindi po, My Dad is in the US Army before as he fought back the Japan World War nung kabataan nya.. Was also a Gunsmith in profession. As I told them na all of us trained how to assemble pistols and I know how to reload a bullet too. At napatunayan naman nila yan nung sinama ko sila sa Manila first time and I brought them in Boracay too. Kaya ang respect talaga nilla sa mga Filipino e ganon na lang. Talagang magkasundo naman kaming lahat hanggang sa ngayon.. Kasi inuunahan ko sila ng salita bago ako ang unahan nila.. ha ha ha.. ;) In my own view, talaga yatang responsibilidad ng chonan ang tumingin sa mga magulang nila in terms of money matters. Ako ok lang sakin but Iam lucky kasi sa ngayon, yung sis inlaw ko ang tumitingin sa kanila. But I talked to her na mag asawa na sya. or ngayon pa lang, I m talkin to my kids na pag tanda ng Tita nila, wag nilang pababayaan kung di nag asawa. Pwede ko namang alagaan ang mga magulang nila. No worries.. ;)
(long story pa sana.. but need only the summary)

efernao
06-26-2006, 08:56 PM
di bale kung kunin na ko sa itaas siguro naman may lugar ako..god bless..:wave: :D[/quote]

juice mio, ano ka ba? cheer up. mas maraming pang worst sa mundo kaysa sa pakikisama sa in laws. ganyan naman nihonjin eh, tsumetai talaga at ayaw nilang makialam sa private lives ng iba. kundi mendokusai ang sasabihin nila eh kankenai. kainis noh? tayo kase kokoro atatakai. lagi tayo nagcacare. na minsan hindi nila naaappreciate. hayaan mo, pagnagtanim ka ng good deeds, may good deeds ka ding aanihin.:)

barabara
06-26-2006, 09:28 PM
Hi efernao. salamat sa paalala mo:D nasasabi ko lang iyan kasi minsan napapagod na ako! pero gusto ko pang maenjoy ang buhay ngayon may lakas pa ko..ngayon pa lang ako bumabawi sa asawa ko.10 years di ko nahawakan ang sweldo niya dahil turo din ng biyanan ko. pero paglipat namin dito nawala ang mahal kong shigoto kaya pinaglaban ko ang karapatan ko.I win ng nagtalo kami takot asawa ko kaya pati bunos niya ako din ang nahawak nagyon :yippee: Mga ka TF. malapit na ang kabunosan ah!:dowave:

efernao
06-26-2006, 09:45 PM
I win ng nagtalo kami takot asawa ko kaya pati bunos niya ako din ang nahawak nagyon :yippee: Mga ka TF. malapit na ang kabunosan ah!:dowave:

good to hear that.:dowave:. enjoy lang natin life natin.:D . ako eversince ako na naghahawak ng pera niya. nung one month pa lang ako dito, naghehesitate pa siya. pa good girl effect ako which is true naman, then dinaan ko sa sweet attack hehehe:D :D :D. hanggang ngayon ok pa rin kami,hehehe....

barabara
06-26-2006, 10:05 PM
Efernao, ang pagaasawa swertehan lang talaga. mas bata asawa ko sa akin kaya hirap ako noon bago pa lang kami super wagamama! gusto niya binibaby ko siya! mabilis pa ang kamay manakit but now ala na iyan natakot dahil lumaban ako.malakas pa ako non , medyo bata pa kasi!:D di na naulit iyan dahil takot sa eskandalo ina niya! dahil sa laki ng pinagbago ng asawa ko kaya masaya ako ngayon.thanks and god bless..:wavey:

efernao
06-27-2006, 12:01 AM
Efernao, ang pagaasawa swertehan lang talaga. mas bata asawa ko sa akin kaya hirap ako noon bago pa lang kami super wagamama! gusto niya binibaby ko siya! mabilis pa ang kamay manakit but now ala na iyan natakot dahil lumaban ako.malakas pa ako non , medyo bata pa kasi!:D di na naulit iyan dahil takot sa eskandalo ina niya! dahil sa laki ng pinagbago ng asawa ko kaya masaya ako ngayon.thanks and god bless..:wavey:

oo nga po barabara san, kase ang bilis naming magpakasal. i just known my husband for 10 mos, then napa-OO niya kong magpakasal sa kanya. bilis di ba??? hindi naman sa pagiging easy to get. its just that when i saw him in alabang, i saw an halo on his head:halo: . then i ask god if that is the sign. because before i keep on asking to god to give me a responsible and loving man. si asawa ko na nga. although may ups and downs kami, we still face it and hold together:love: . buti hindi ka na sinasaktan ng asawa mo:karate: , basta pag nagkaron kayo ng problema, pagusapan nyo na lang:gossip: kase sa bandang huli kayo din ang magdadamayan.:sweeti es:god bless you kapatid:kiss: .

summergirl
06-27-2006, 06:14 AM
ako rin chonan ang asawa ko,buhay pa ang both in laws ko,im leaving with them,buti nga ikaw at ganyan lang,ako nooka pa ang mga in laws ko kaya mas mabigat ang sekinin ko kaysa sa iyo,at buti nga ikaw babaeng byenan mo lang,Ako dalawa silang pinag luluto ko,kaya lang ok lang sa akin,kasi dadami lang ang wrinkles ko at papangit ako pag inisip ko sila palagi.Minsan nga hinahagis ko ang mga kaldero dahil ultimung kaldero hindi mahugasan,sabi ko next time sa paper plate ko na sila papakainin para tapon lang ng tapon,Hindi nila ako mapilit lalo na pag taniman portion at anihan portion.Pati ang mag papagiik ng palay,sabi ko mag luluto na lang ako minsan hindi pa.Pag ayaw ko naman wala silang magawa kaya if i were u keep o smiling na lang to avoid wrinkles dear wala rin namang mang-yayari.Kung ayaw mo wag mong gawin..ganon lang ka simple yon.

meg
06-27-2006, 08:58 AM
chonan din asawa ko at magkasama kami ng biyenan kong babae...sabi nga na asaw ko ganun daw talaga ang japanese style pag nag asaw sila..pero sa akin di naman ako pinipilit asawa ko kaya ok lang...biyenan ko nagluluto ng pagkain namin...minsan sya din naglalaba

virgo27
11-02-2006, 03:43 PM
chounan din poh ang hubby ko~~~
at kasama nmin sa haus ang magulang nya and takenote hindi lng poh nanay at tatay nya pati lola nya........hontouni tsukareru:( ~~~~nakakastress:cry :

love0308
11-02-2006, 04:16 PM
Chonan din ang hubby but never ko na feel na sekinin namin mother nya although may sakit ito:) at malapit na rin kaming magsama sa isang bahay dahil nga nag iisa lang ang biyenan kong babae sa bahay nila. Open minded ang biyenan ko dahil lahat ng asawa ng 2 nyang anak eh gaijin so nag aadjust din siya sa amin. Cool ang biyenan ko di maselan kaya walang problem:)

barabara
11-02-2006, 11:24 PM
hi summergirl, natawa naman ako sa iyo hinahagis mo kaldero:D iyan ang di ko pede gawin kasi pag ganyan baka talsik ako sa labas ng bahay! ayaw ng asawa ko ng nagdadabog..sensitiv e siya sa mga ingay or sound pede lang iyong ingay niya, wagamama kasi..:D :D

barabara
11-02-2006, 11:35 PM
nabuhay uli ito ah!:D hi love0308, maswerte ka sa biyanan, kayo ni virgo27.. sure ako mga bata pa kayo..magandang samahan lang at walang magiging problema. pero hirap ng may kasama sa bahay Virgo27, kasi di maiwasan iyong minsan may tampohan pero pedeng pagusapan ng ayos..kami bukod. may sariling bahay ang biyanan ko every day hatid ko siya ng dinner niya. ginagawa ko ito dahil sa hubby ko kasi ina di ba? mina ganbate ne:love: :wavey:

barabara
11-02-2006, 11:44 PM
si meg, mabuti ka kasundo mo biyanan mo.sige pagbutihin mo dahil na lang sa mga asawa natin di ba? alam mo ng pumunta ako sa US. lungkot daw ng biyanan ko sabi ng aswa ko.sabi daw( yaparri moshi barabara inai watashi samishii) laki ng puso ko sa tuwa! sa ngayon bait na siya ng konti, minsan nalabas pa rin iyong pagka maldita niya:rolleyes: :D demo shoga nai neh! ganbate ne!

april
11-03-2006, 11:00 AM
[quote=barabara;61564]Helloo! Timog forum..Masaya ako now ng makita ko itong Timog forum,nakakaalis ng home sick..Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang asawa ko ay Chonan or panganay na anak at tawag ng biyanan kong babae sa akin ay Oyumisan daw ako.since na lumipat kami sa hokkaido, dumami na ang Sekinin ko. Okey lang sa akin dahil mahal ko ang asawa ko kaya I do my best para mapasaya ko ina niya. ako nagluluto sa ina niya, mabuti lang at di mapili kahit ano kain siya.pag umaalis siya ako pa rin ang alaga ng garden niya.pero. minsan parang napapagod na ako! ako parin ang pasyal ng aso. takot ako lalo na pag ang daming snow.HAyy! hontoni skareta dayoo! Kayo ba may asawa din CHONAN?:confused:


hi!!! ako rin asawa ko chonan:) kasama ko rin si okaasan sa bahay mahirap nga kung kasama
mo ang biyenan sa pero okey narin kasi marami naman akong natutunan sa kanya ,nung una
dalawa kaming nagluluto tinuturuan nya kong magluto ng japanese pero nung matutu na ko
ako na ang nagluluto nung hindi pa sya nagreretired sa trabaho halos lahat ng gawain sa bahay
ako pero ngayong nagretired na sya sya na ang naglalaba ng damit namin,naglilinis ng bahay,
paguwi ko rin galing trabaho natupi na nya yung mga damit namin,paguwi ng mga bata galing
school pinakakain narin nya ng meryenda pinagagawa ng assignments kaya ngayon raku nako
lalo pagdating sa assignment ng mga bata malaking tulong na kasama ko sya sa bahay hirap pa
naman ng kanji :confused: pero pagdating sa paluluto ako talaga sya kakain na lang.
GANBATTE NE!!!!!!!

sweet
11-03-2006, 12:47 PM
hi sayo at sa lahat:)

makisali na rin ha!chonan din asawa ko dalawa lang silang magkapatid namatay na yung bunso,kaya solo nalang siya,nakabukod kami ng bahay 30mins.walk siguro, pero bahay din ng mga in-laws ko to matagal na di natirahan kasi nakatira mga in-laws ko sa isang bahay nila.buhay pa mga in-laws ko 73yung lalaki 64naman yung babae malalakas pa sila,araw-araw nadalaw biyenan kong lalaki d2 nagdadala ng lutong ulam at mga pinamalengke ng biyenan kong babae,may garden kami mga alaga nya (lalaki)kaya siya nagdidilig,naggugupi t etc.ng mga halaman.mababait sila kung ano yung gusto kong gawin walang problema,sa katunayan sila pa nagsabing bumukod kami para wala kaming mapagtalunan,daratin g din yung oras na ako din magsisilbi sa kanila kaya free muna ko ngayon.

kabaliktaran naman sa ate(sa ibaraki siya nara ako) ko chonan din asawa nya pero may mga kapatid pa,yung biyenan nyang lalaki ang kasundo nya kya lang kinuha na ni lord,ang kasama nya ngayon yung biyenan nyang babae na lahat ng stress na sa kanya na,as in baboy daw sa bahay(sori sa word ko)maagang gigising ang kinainan nasa lamesa pa rin pati dyaryong binasa nakakalat,sariling kwarto nanggigitata,kaya gawa lahat ng ate ko yan..nagtitiis lang din kaya kayanin mo din ,andito na tayo kailangan na nating magtiis hanggat kaya,sayang malayo ka naghahanap din ako ng pinay ng kaibigan dito sa lugar ko e,friends nalang tayo d2 sa tf hehe yorushiku ne

honey
11-04-2006, 01:53 PM
chonan din asawa ko.

Hindi ko pa po alam kung ano magiging kalagayan ko kinabukasan.Ngaun sitting pretty lang ako dito sa sarili naming bahay.malalakas pa kasi mga magulang ng asawa ko.Pero isa lang syang lalaki at ang kapatid nya grabe ang sakit (hindi ko na sasabihin kung anong sakit nya).Honestly hindi na ako magpapakaplastik ayaw kong alagaan ang kapatid ng asawa ko.Mahirap e kasi ultimo dumi nya hindi sya makapagisa kapag kakain mapili wagamama.Yung anak ko sobrang kulit nakukulitan sya kaya binabatukan nya hindi ko naman masaway kasi may sakit nga.Nun nakita ng tatay ng asawa ko sinaway nya kasi bata pa nga raw anak ko wala pang alam nun makita naman ng nanay ng asawa ko sinabihan na "achi ike hora!shitsukoi na homa ni warui wa!":eek: mga ganun pa lang diba kapag pinagalitan ko yung ate ng asawa ko siguradong makikialam ang asawa ko at magkakagulo lang kaya pinapabayaan ko na lang yung anak ko inilalayo ko:p .Hindi rin kasi maganda yung bibig ng nanay ng asawa ko e:D yun din sabi ng asawa ko kaya ayaw nyang magkakasama kami sa bahay baka masaktan lang daw ako sa sasabihin ng nanay nya.Nakakaawa yung kapatid ng asawa ko pero nun makita ko trato nya sa anak ko parang nagbago ang isip ko.Yung mga magulang din ng asawa ko kawawa kasi hindi sila makaalis ng bahay lalo na si okasan kasi zutto syang bantay dun sa ate.Kaya kapag hindi maganda sinasabi nya iniitindi ko na lang minsan di ko na nasasabi sa asawa ko kasi magagalit lang sya sa nanay nya kaya quiet lang.Mabait din naman yung mga magulang ng asawa ko kaso lang yung nanay nya medyo masakit magsalita siguro stress kaya umiintindi na lang ako.

Siguro magiging busy rin ako katulad ninyo pero sana makaya ko kung dumaan ako sa ganyang situation.Minna Gambarimashou Ne.

chevelle:)
11-04-2006, 02:13 PM
chonan din po asawa ko. gaya ni honey, ngayon easy lang po kahit papaano ang buhay ko dito kasi si hubby pa lang ang kasama ko, medyo magiging taihen lang po ng konti this month dahil kunin na namin boys namin pero masaya pa rin. As of my in-laws, magkahiwalay po kami ng tirahan, ok naman po ang relationship namin, mas kampi pa nga sila sa akin kesa sa anak nila. If ever na kami man po ang mag-aalaga sa kanila pagtanda nila, I guess I'll just try my best and hope God guides me and gives me strenght.

mamimo
11-04-2006, 02:25 PM
Iniintindi ko na lang obligasyong ng pagiging chonan ng asawa ko tulad ng pag-intindi nya na kelangan tumulong kami sa pamilya ko sa Pinas, kung bagay bigayan na lang yan.

barabara
11-05-2006, 12:09 PM
may kwento ako about may biyanan.. kahapon pasyal kami at punta ng onsen. usap kami sabi ko next uwi ko sa pinas sama siya, sabi agad pano aso sino magsasampo.di kasama si hubby ko.ngiting aso lang it means ,ayaw!kasi gusto ko makita niya ang family ko at samahan namin ng mga kapatid ko.. pagsilbihan pa siya mabuti..lagi kasing sinasabi ni ina sa asawa ko na bakit ka tutulong sa pinas, pag nawalan ka ba ng trabaho makahingi ka ng tulong sa kanila. sabi ko sa asawa ko wala silang maitutulong sayo sa pera pag ang pinoy nagkaron ng utang na loob kahit ano tutumbasan namin kahit hugasan pa paa mo pag old kana! 18 years di umuwi ng pinas si hubby ko, kahit ng mawala ang parents ko. pero ngayon kauuwi lang niya non 11/26/2005 okey naman at saya siya.eto uuwi kami uli sa 11/24 ng magpaalam siya sa ina sabi ba naman if sama daw ako:eek: :D ataremai disyo:D again say niya sino pasyal ng aso, 6 days lang ako..di siya kumibo at nagkuyakuy ng paa. sabi ni hubby ko , kita mo si okasan ko nagkuyakuy ang paa. tawa ni hubby, eme non galit.. haba na sorry napamood lang sa pagtype:D :rolleyes: :)

honey
11-05-2006, 12:51 PM
akina barabara san yung aso nila katayin na natin:biglaugh:para wala ka ng bantayan.inuna pang alalahanin ang aso kesa sayo na minsan lang makauwi ng pinas sana sinabi mo asawa ka hindi ka nag-apply ng katulong:p na libre.6 days ka lang samishi naman tagalan mo 1 month sayang pamasahe kung ganun lang ang uwi mo maiintindihan naman siguro ni habibi mo yan.yung byenan mo hayaan mo sya e ano awayin ka nya walang mag-aalaga sa kanya sya rin:biglaugh:.

Ba't ganun mga hapon ano mahal nila masyado mga hayop hindi sila magalaga ng tao para dumami lahi...:p kapapanood ko nga lang kanina ikinasal yung aso may cake pa...kung may musmos na nakakakita non malamang maiingit maawa sya sa sarili nya buti pa ang aso.

kawawa ka naman barabara san kung ako yan white flag na ako....maikli pasensya ko e...ahahaha

barabara
11-05-2006, 01:13 PM
hello honey, ha ha ha natawa ako sayo ah!! galit kasi galing lang ako sa US. 4 weeks, sarap daw buhay ko, paki niya eh gusto ni hubby, kasi pag di kami alis this months sayang Jal mileage ni hubby ko maeexpired. kaya nakakapunta sa pinas iyan free ticket. Kechi kasi..maski ng naligaw pa sa akin iyan by company din ang gastos after ng work direcho pinas free lancer pa kasi siya non.. oo nga after US. nagenarte na ayaw ng magapasyal ng aso , ako pag natsu lang pag fuyu ayaw madulas pako..nagkasakit nga ako sa hips kakaalis ng snow, gusto pa niya lahat ng 4 door appartment niya alisan ko. non okey now big No kasi DR. order..bale 2 weeks ako stay pagamot kasi ako sa ovary cyst ko bobo mga fujinka dito inaka kasi.. ikaw din honey ganbate ne, hirap din kalagayan mo hirap makisama iba lahi.. ako sanay na dahil kay hubby..pero nalaban na ko ngayon, non kaya niya ako now no ano:) :D

honey
11-06-2006, 01:01 PM
barabara san mahal na mahal ka masyado ng byenan mo ayaw nyang wala ka sa tabi nya:biglaugh: .Magbayad na lang sya ng mag-aalis ng snow sa labas ng bahay nya hindi ka talaga pede dyan dahil panlalaking trabaho ang maghakot ng snow.Ang sarap naman ng buhay natin :D pede ba akong paampon :biglaugh: joke lang.

Gambatte na lang tayo at habaan ang pasensya shoganai ne:p.

barabara
11-06-2006, 08:12 PM
honey, ay oo nagbabayad ako sa pagalis ng snow kaso minsan din nadating kaya si hubby din ang nagaalis..dati ayaw ko magalis ng snow kaso pag alas6 na nakikita ko mga japon na oksan nagaalis ng snow para makadaan sila danasan:eek: :roll: kaya gumaya na lang ako.pero noperahan ako sa gitna ng daliri ko nalinsad ang litid ko kaya bawal na talaga sa akin mga mabigat na shigoto..honey, ay naku! mula ng lumipat kami dito dami kong inis una sa lamig at snow..pero 11 years na kami dito, nakakaraos naman;)salamt Honey san,ingat..:kiss:

tisay
11-17-2006, 09:32 PM
:coffee: Pasali po..... Chonan din husband ko pero kaiba naman situation namin kc ang sumukob sa bahay ng mga biyenan ko instead na kami ay ang panganay na kapatid na babae at pamilya nito.:grrr:Unfair for us,pero OK lang at least may freedom ako sa sarili kong bahay.I know naman the sekinin of being CHONAN in the family ng husband ko.Pero ang husband ko na rin ang ayaw na ako ang mag-sacrifice and take the responsibility of being OYUMESAN.Hontouni betsu-betsu,si unesan lahat gumagawa ng dapat sekinin namin...To make my story short,di kc magkasundo husband ko at family niya..:rant: Asot-pusa kc sila(hehe)away-bati !! WELL, ,LUcky for me i guess... barabarasan,ganbatte ne...

barabara
11-17-2006, 10:11 PM
tisay san, hi:)
:kiss: ay naku! sila din maliit na familya, my husband mayron sister di sila naguusap kasi si ina maraming sumbong tungkol sa akin pag di lang mapakain ng isang araw, galit agad eh minsan kasi genki nai din ako at napapagod..di talaga nagkikita taon na:eek: minsan niyaya ko kumain dito sa bahay nakasimangot, takot si biyanan ko dahil galit na asawa ko. ang bastos, kinakalahig ang food , pumunta lang dahil pinilit ng ina,iyan napala niya di niya pagkasundoin eh 2 lang magkapatid sila..mga kapatid ko sa pinas 8 kami sweet kami at masaya pag nagkikita..mga tsumitai sila lahat. si hubby ko kasi chonan tagal di umuwi dito kung di pa namatay iyong ama di kami uuwi. kaya galit sister niya..kaya ganbate tayo lahat...lapit na pasko kailangan masaya tayo..:wavey:

barney
11-17-2006, 10:31 PM
pasali din ako...chonan din asawa ko,pero hindi ko inalagaan ang biyenan kong babae (patay na kc in law kong lalaki) alm nyo kung bakit? kasi sabi nya nya nung araw mae no okusan ga yokatta (25 years ago ng hiwalay ang husband ko sa una) sa harap ng iba pa nyang anak na babae. nag iisang lalaki ang hubby ko. ilang beses ng binanggit ng asawa ko sa kanila na shiawase siya ngayon at mama no okage sabi pa nya..dead ma sila at nagseselos sila sa akin..
o di sabi ko rin sa kanya..ayaw ko rin sa yo!:rolleyes: anyway hindi naman cila ang makakasama ko sa habangbuhay so walang problema..hindi pa siya pwedeng mag pa alaga sa akin..
d same old story pala...mukashi no okusan ng hubby ko pala,pinanghimasukan din nila nung araw kaya hiniwalayan ng asawa(kawawa naman) pero sorry sila ngayon dahil hindi pala ako sunodsunuran..pati husband ko nagalit na sa kanila dahil sa pagiging sakim nila..e,pare pareho naman na kaming may pamilya...syempre mas pinili ako ng husband ko..dahil maligaya naman kaming namumuhay ngayon w/ our kid.. pasencya na po..naglabas lang ng sama ng loob..:)
kaya masuwerte ung may mababait na byenan..goodluck sa inyo..:)

tisay
11-18-2006, 12:07 AM
hello,barney san.tama ka diyan,once naging sunod-sunuran ka sa kanila at di mo ipinakitang matapang ka ay kakaya-kayanin ka nila,:angry: Im saying for those masamang ugaling biyenan and sisters.. Nagdaan din me sacrifices sa mga ugali nila and that time kinakampihan pa sila husband ko,tiis lang me kc maliit pa anak namin noon pero tiis ay may hangganan lalo na at tinatapakan na pagkatao mo.:hellfire: GAMAN DEKINAKATTA...pinala sap ko lang naman kung pano magalit ang pinoy...!!Since nong biggest fght namin,naging mikata ko na asawa ko:thumb: ..As okusan naman,kelangan naman natin respect sa pagkatao natin di ba..Our own yarikatta ga hoshii desho?? I know nagseselos pa rin sila until now,pero wala na me pakialam...madadagda gan lalo STRESS ko.Haaay ... may kanya-kanya man tayong problema dito ngunit sa huli kalahi pa rin natin karamay natin..pasensiya na ha,nadala ako ng emotion ko...:shutup:

tisay
11-18-2006, 01:00 AM
:yesyes: nakakahanga naman pagsasakripisyo mo sa biyenan mo,barabarasan.Im sure may kapalit namang BLESSING lahat ng sacrifices mo...:halo: Nakikita ng DIYOS lahat ng ginagawa mo...

mr.kuripot
11-18-2006, 02:48 PM
Hello barabara..Ako din c mister chonan din kaso di namin kapisan,2 lang naman silang magkapatid at babae ang imoto nya.Si imoto ngayon ang nakatira kasama ng mga byenan ko kasi hiwalay sa asawa.Saka naku ha ayaw ko nga din kapisan byenan ko,sabi kasi ni hubby demanding daw saka lagi sila nagaaway ng tatay nya istrikto kasi e si hubby naman kasi yankee yankee ang dating suwail sa magulang kaya lagi sila rambol:fence:ayaw kasi ng asawa ko na pinakikialaman sya katwiran nya buhay nya to..kesehodang ayaw nila sa pinay:Dkasi nun bago bago pa di nila tanggap na nag asawa pinay uniko iho nila shoganai byuti ang pinay e..hehehe:p..Pero kahit papano naman ngayon ok na nibibigyan pa nga allowance ang baby ko e..

barabara
11-18-2006, 03:43 PM
hello mr. kuripot,
makakatuwa naman user name mo:D kami di rin magkasama sa bahay, pero malapit siya sa amin, dahil aparto ng ina ni hubby ko. pareho tayo ng asawa, ayaw pinakikialaman kami, kaya pag may mondai di sinasabi ng asawa ko sa ina niya kasi tsismosa siya.:D naspoiled din anak ko sa kakabigay ng lola ng pera..ngayon gabi dito si ina magdinner sa bahay namin.. dati laging sigaw si hubby ko sa ina pero sinasaway ko, kasi di ba tayo nirerespeto natin ang parent natin, iyan ang pinay..:love:

( My home life may not be Perfect , but Who is? so i stop worrying about it )

barabara
11-18-2006, 03:52 PM
tisay,
totoo iyan sinabi mo...kung may tiyaga may nilaga di ba? now, may nilaga is full ng sahog, dati alang laman:D :p lahat ng sacrifices ko ay natiis ko.. ganon lang ang buhay di lahat bibigay sa iyo..

hayaren
11-18-2006, 03:54 PM
( My home life may not be Perfect , but Who is? so i stop worrying about it )

hello madam barabara, same here chonan din ang asawa ko...what about me chonan din naman ako:D ....thank God wala naman akong problema so far, wala pa namang interference ang parents niya sa amin bumukod kasi kami kaagad but we'll never know sa oras may anak na kami. Tama yang quote mo, lahat may fallbacks sa bahay nothing's perfect, pangit din naman kasi pag smooth sailing lahat, wala ding challenge:) Goodluck na lang sa atin:)

tisay
11-18-2006, 06:01 PM
:shutup: for the sake of our kid...tiis to the max di ba..gaano man ka-impakta biyenan at 2 kapatid na babae ng chonan kung husband..makipag-plastikan na lang !! Well, tama ka don galante sila sa apo nila..sa part na iyon no comment ako ..at least..,maraming pera anak ko...:bonk:

barabara
11-19-2006, 10:32 AM
tisay san, napatawa ako sa iyo sugoi ah! Impakta! si imoto ni hubby ko super Impakta din! storya ko... binigyan ko siya ng gift bracelet 18 k. non nagalit sa akin tinapon niya! kung alam ko lang sinanla ko na lang may 3k pa ko sa pinas! mayabang sobra, wagamama pa..may son siya isa, kung ano bigay niya pera pag birthday or pasko sa anak ko tinutumbasan ko para di maingay biyanan ko.. kasi si hubby ko di alam magbigay iyan, ako na nagtatakip sa ugali niya. sabi nga ni hubby ko,siguro kung wala ka sa buhay ko habang buhay sama ng ugali ko, marami daw siyang natutunan sa akin..sarap feeling ko..:D :bouncy: :love:

barabara
11-19-2006, 10:41 AM
hayaren hi,
salamat nagustohan mo ang quote ko.. wala ka pang baby?ewan ko ba, sabi ng amo ko dito kasi dati akong nagwowork, sa iba di uso iyong pag chonan sa iyo na lahat ang sekinin, baka japanese samurai daw si biyanan ko (joke)..sige, mina ganbatte ne!:kiss: :wavey:

hayaren
11-19-2006, 03:23 PM
hayaren hi,
salamat nagustohan mo ang quote ko.. wala ka pang baby?ewan ko ba, sabi ng amo ko dito kasi dati akong nagwowork, sa iba di uso iyong pag chonan sa iyo na lahat ang sekinin, baka japanese samurai daw si biyanan ko (joke)..sige, mina ganbatte ne!:kiss: :wavey:

hello madam barabara, we are not planning to have kids pa, we're still enjoying each other's company at marami pa kaming priorities dapat atupagin bago papasok sa lesson plan namin ang pagkaroon ng anak. fair naman po ang parents ng asawa ko at ang asawa ko sa akin, alam nila senorita ako sa amin at pinagsabihan sila ng Dad ko na di nila ako puwedeng isabak sa maraming trabaho dahil mananagot sila sa kanya:D parang joke pero totoo yan:D pero di naman talaga puwedeng sitting pretty ako, maiwan ako ng asawa nyan, kaya ko naman pong patakbuhin ang pamumuhay namin lalu na wala ng katulong diyan sa Japan, mahirap na nakakaaliw ang buhay sa Japan:) Goodluck po ulit sa atin

proud me
11-19-2006, 10:07 PM
tisay san, napatawa ako sa iyo sugoi ah! Impakta! si imoto ni hubby ko super Impakta din! storya ko... binigyan ko siya ng gift bracelet 18 k. non nagalit sa akin tinapon niya! kung alam ko lang sinanla ko na lang may 3k pa ko sa pinas! mayabang sobra, wagamama pa..may son siya isa, kung ano bigay niya pera pag birthday or pasko sa anak ko tinutumbasan ko para di maingay biyanan ko.. kasi si hubby ko di alam magbigay iyan, ako na nagtatakip sa ugali niya. sabi nga ni hubby ko,siguro kung wala ka sa buhay ko habang buhay sama ng ugali ko, marami daw siyang natutunan sa akin..sarap feeling ko..:D :bouncy: :love:barabara...nat awa ako dito sa post mo uli..tinira mo na ng husto... si hipag mo super impakta!:D ...suwerte ko pala bunso si oto at meron silang chonan...yong mga ate nya..bihira lang kami nagkikita...bilang ang taon.:p lalo na ngayon lahat sila meron ng mga apo rin BZ na sila sa kanya-kanya nilang pamilya...yong kuya nalang ni oto ang wala pang me asawa sa anak nila...hirap pala talaga asawa ng chonan...mabuti pala talaga meron TF..pan-tanggal ng stress din.:D

barabara
11-20-2006, 10:10 PM
proud me, hello!
panay gala mo with your bunso and oto ah! mabuti okey ka lang.. sa iba di naman ganyan pag chonan asawa.. sobra lang talaga sila.. small family lang sila, pag Obong, di sila sabay dalaw sa haka ng ama nila dahil ayaw nila magkita sila..oo,talagang nalilibang din ako sa TF. masaya at mabait kayong lahat..:bouncy: :bouncy: :kiss:

proud me
11-21-2006, 08:24 AM
proud me, hello!
panay gala mo with your bunso and oto ah! mabuti okey ka lang.. sa iba di naman ganyan pag chonan asawa.. sobra lang talaga sila.. small family lang sila, pag Obong, di sila sabay dalaw sa haka ng ama nila dahil ayaw nila magkita sila..oo,talagang nalilibang din ako sa TF. masaya at mabait kayong lahat..:bouncy: :bouncy: :kiss: barabara...naku..gan ito lang kami pag-walang trabaho si oto at walang sariling yooji pag-sunday...pero pag-BZ din yon...na-buburo din kami dito sa bahay...hanggang dito lang sa kinjo namin lumabas man.:p malapit na nga pala uwi ninyo sa pinas...malapit ka na uli mami-miss ni biyanan mo.:p o sige ingat palagi malamig na dyan sa inyo...:) :kiss:

freegirl
12-20-2006, 11:56 AM
Helloo! Timog forum..Masaya ako now ng makita ko itong Timog forum,nakakaalis ng home sick..Gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang asawa ko ay Chonan or panganay na anak at tawag ng biyanan kong babae sa akin ay Oyumisan daw ako.since na lumipat kami sa hokkaido, dumami na ang Sekinin ko. Okey lang sa akin dahil mahal ko ang asawa ko kaya I do my best para mapasaya ko ina niya. ako nagluluto sa ina niya, mabuti lang at di mapili kahit ano kain siya.pag umaalis siya ako pa rin ang alaga ng garden niya.pero. minsan parang napapagod na ako! ako parin ang pasyal ng aso. takot ako lalo na pag ang daming snow.HAyy! hontoni skareta dayoo! Kayo ba may asawa din CHONAN?:confused:


Your Home Life May Not Be Perfect, but Whose IS? So stop Worrying about it!;)
ako rin may asawa Chonan, tlagang ganyan mabuti ka nga matiisin e. Ako medyo minsan wala rin akong gaman;)

barabara
12-25-2006, 11:08 PM
tuloy ko sasabihin ko proud me, yasashi oksan ka, lucky si oto sa iyo.. ako, siguro dahil dami na rin akong hirap kaya bumabawi pa lang ako sa ngayon dahil alang trabaho dito sa bundok ng tralala ata ito,nani monai!mahal pa ticket pag uuwi ng pinas..non bago pa ko sa japan, gastos ko lahat pati pasahe ng anak ko sa kanya ako pa bayad ng hoikuyen para makawork lang ako..buti nga ng magpunta kami sa boracay siya ang nagpay sa sister ko saka sa asawa niya kasi don kami tumutuloy sa house ng sister ko, big room w/ aircon and toilet. free..kaya natural suklian ko nakakahiya kasi.. kasi alang kusa talaga kala niya guest siya lagi at libre..he he he kuripot kasi..si ina eto 1 week dito nakain sa bahay kasi pasko naman kaya eto masaya kaming lahat, darating pa si Musume ko, naku!gastos na naman eto. magkikimuno kasi siya dahil 20 na siya. sagot daw ng biyanan ko ..lalaki na naman ang bayad ko sa ilaw at tubigggg.. di bale saya !dami kami dito.. okey baboo..:D :love:

proud me
12-25-2006, 11:44 PM
barabara hindi ako yasashi oksan maingay din ako kung nararapat na mag-ingay...si oto rin kuripot ba o maingay sa gastusin din...mabilang din siya pero minsan meron din akong bagay na naiintindihan ko siya...pero yong mga bagayna hindi ako sang-ayon pinapakita ko rin sa kanya at sinasabi ko kung bakit hindi ako sang-ayon...natural nalang siguro sa mag-asawa yong minsan meron mga bagay na hindi pareho ang gusto mangyari o gawin kaya ako kung ayaw ko ayaw ko ganon din si oto pareho kami...kaya mas mahirap!...kami rin marami na rin kaming pinagdaanan o pinagtatalunan tulad noon umpisa palang kami...gusto nila tuwing Holiday dito sa japan lagi nalang kami uwi sa inaka nila...pag-dating don puro siya isogashii sa mga pinagagawa sa kanya tapos lagi pa kaming naiiwan lang naka-tanga maghapon mag-ina don...yong mga kapatid nyang mga katulad din naming mga nag-uwian sa inaka nila...pag-gising sa umaga naglalargahan na sa mga kanikanilang mga youji....mula noon lumalaki nayong anak ko na puro nalang kami sa bahay at suparmarket...ay! naku sumabog na talaga bunganga ko.:D awa naman ng Diyos pagtapos non iba-iba nalang nangyayari...:p

barabara
12-26-2006, 04:53 PM
proud me, mamaya na ko sasagot sa iyo.. napagod ako... nabigla ata katawan ko sa kakalinis ng bahay.. rest muna.. thanks sa post..mata ne..:D :bouncy:

proud me
12-26-2006, 07:14 PM
proud me, mamaya na ko sasagot sa iyo.. napagod ako... nabigla ata katawan ko sa kakalinis ng bahay.. rest muna.. thanks sa post..mata ne..:D :bouncy: ngayon hapon mo na pala nasilip toh,...okey lang! mula kaninang umaga ngayong gabi lang kami naka-uwi sinama kaming mag-ina ni oto sa trabaho nya ngayon...rest kalang muna...:D ;)

miyuki
02-12-2007, 10:01 AM
hello everyone... ako chonan din hubby ko at 1 house lang kami ng mga byenan ko sa baba sila sa taas kami at betsu kami ng kitchen at laundry at ofuru ... kaya ok lang ... nakakatulong pa sila sa amin kasi libre kami sa bigas at gulay for 1 year kaya malaking tulong din. pero dahil amin ang bahay kami sa lahat ng bills. ok naman ang samahan respetohan lang . at minsan may sinasabi silang di ko maintindihan iminumostra sa akin by hand .. heheh comedy nga minsan.malalakas pa din kasi at may work pa din ang otosan kaya d sila pabigat. more sa tulong....kaya depende din minsan sa sitwasyon...