View Full Version : ALIN KAYO DITO, 60's 70' or 80's?
RODSKI
03-15-2006, 09:33 PM
kumustaaaaaa mga ka TF!:) maiba naman tayo, gumawi naman tayo sa mga trip natin na klase ng tugtugin . . . . alin ba kyo dito . . 60's musics? malamang walang aamin mahahalata kse eh:D :p , or 70's na tipong kurduroy na pants at palakihan ng kuwelyo pa he!he! (peace men!:D :p ) or 80's na tipong new wave naman, malamang pag naririnig nyo itong mga klase na mga sounds na ito, napapaindak kyo noh?!:D :p :D :p :D aber cge nga at malaman natin kung cno mas patok:D
Hungry eyes
03-15-2006, 09:51 PM
Syempre..doon ako sa 80's.yun ang generation ko ..:D new wave..wow bigla yata bumalik mga alala ko ah..hummm ..sino sino ba sikat noon..Boy Jorge..Duran Duran..Madonna Cindy Lauper..at marami pang iba..:) Style ng buhok..frizzy(tama ba spelling) crazy look..zigzag..;) teka parang may memory laps yata ako..correct me if im wrong...
fisher
03-15-2006, 10:04 PM
kumustaaaaaa mga ka TF!:) maiba naman tayo, gumawi naman tayo sa mga trip natin na klase ng tugtugin . . . . alin ba kyo dito . . 60's musics? malamang walang aamin mahahalata kse eh:D :p , or 70's na tipong kurduroy na pants at palakihan ng kuwelyo pa he!he! (peace men!:D :p ) or 80's na tipong new wave naman, malamang pag naririnig nyo itong mga klase na mga sounds na ito, napapaindak kyo noh?!:D :p :D :p :D aber cge nga at malaman natin kung cno mas patok:DRODSKI, yang 60's ay mga kababata ko:D .Sa 70's ay natuto na akong sumipol-sipol:p .Then on the 80's nakulong na ako sa seminaryo.Sayang madalas pa naman ang sayawan sa amin noon.Naalala ko pa ng mga kanta ni Mike Hanopol at ang mga Hagibis at 'yung mga banat ni Imelda Papin at ni Clarita at saka pa sinundot ni Freddie Aguilar ng "Anak".Yung " Chuu chuu train(One Way Ticket)" ni Paul Anka doon ako nag-umpisang sumipol he,he,he,he.Nakupo~~ ~~Neil Sedaka,Earth Wind and Fire!Sa rock.......Led Zeppellin and Queen sa "Another One Bites The Dust" And Of course ang medley ng Beatles!Sa 80's ginulat ako ng Nazareth sa kanilang"Love hurts" at si Olivia Newton John sa "Xanadu".Haayyyyyy.........b akit ba ako nakulong at paglabas ko ang bumulaga sa akin ay.....I've looked the clouds from both sides now,from up and down and still somehow.It's life's illusions I recall I really don't know love at all................. ...ni Paul Young.:D
@ Sino ba ang ka-classmate ko dito na mahilig sa "Aawitan Kita" ni Armida Sirgueon Reyna?"He,he,he,he,he,he,li ntik ka Rodski,magkakabukuan na tayo dito bwe,he,he,he,he,he:n uts: .
japphi
03-15-2006, 10:07 PM
kumustaaaaaa mga ka TF!:) maiba naman tayo, gumawi naman tayo sa mga trip natin na klase ng tugtugin . . . . alin ba kyo dito . . 60's musics? malamang walang aamin mahahalata kse eh:D :p , or 70's na tipong kurduroy na pants at palakihan ng kuwelyo pa he!he! (peace men!:D :p ) or 80's na tipong new wave naman, malamang pag naririnig nyo itong mga klase na mga sounds na ito, napapaindak kyo noh?!:D :p :D :p :D aber cge nga at malaman natin kung cno mas patok:D
Naku Rodski....sa ginawa mong ito....para mo naring ginising ang mga Lola dito ha ha ha ha ha...isa na rin ako doon:D ....ako 80's...maraming memories sa akin eh.....di ba that time yung "Body Language" ha ha ha ha kapanahunan ko yon ' di ba Hungry eyes???...naku maglalabasan din yung mga theme songs nila nito ha ha ha ha ha.....
Sabi ko na nga ba heh....hayan na ang isang proof hah....hindi Lola...kundi Lolo ang lumabas at kaya sya lumabas sa seminaryo ~~~~kasi hindi sya makasipol sa loob....isayaw nga naman ang Chuu chuu Train nakowww.......
Hungry eyes
03-15-2006, 10:11 PM
lola bata pa ako nun mauso xanadu..at body language:D..pero 80's din ako nagdalaga..;)
japphi
03-15-2006, 10:21 PM
lola bata pa ako nun mauso xanadu..at body language:D..pero 80's din ako nagdalaga..;)
Ay ganoon ba.....Gomen...ulyan in na nga ako:O ....sa ibang thread na kamukha nito doon din naglabasan yung mga ka-batch ko eh.....hintay pa ako hanggang bukas tiyak maglalabasan sila ha ha ha ha ha....
Hungry eyes
03-15-2006, 10:23 PM
:D ok lang po...love you lola:)
fisher
03-15-2006, 10:28 PM
Naku Rodski....sa ginawa mong ito....para mo naring ginising ang mga Lola dito ha ha ha ha ha...isa na rin ako doon:D ....ako 80's...maraming memories sa akin eh.....di ba that time yung "Body Language" ha ha ha ha kapanahunan ko yon ' di ba Hungry eyes???...naku maglalabasan din yung mga theme songs nila nito ha ha ha ha ha.....
Sabi ko na nga ba heh....hayan na ang isang proof hah....hindi Lola...kundi Lolo ang lumabas at kaya sya lumabas sa seminaryo ~~~~kasi hindi sya makasipol sa loob....isayaw nga naman ang Chuu chuu Train nakowww.......
Hala ka Lola,ikinembot-kembot mo rin pala ang Chuu chuu train ha,ha,ha,ha,ha,:D .
aprilluck
03-15-2006, 10:35 PM
Ay ganoon ba.....Gomen...ulyan in na nga ako:O ....sa ibang thread na kamukha nito doon din naglabasan yung mga ka-batch ko eh.....hintay pa ako hanggang bukas tiyak maglalabasan sila ha ha ha ha ha....
Yes Japphi !!! lumabas na ,Tama ka ! nag-enjoy tayo doon sa thread made by fisher "kababata ba kita? " Naalala ko na naman ang kung fu shoes ,na pinanggara sa sayawan :) .Bangs na pinatigas ng spray net.Love songs by Rey Valera ,hanging blouses,shoulder pads at kung anu-ano pa .Natatandaan ko pa ang usong salitang kalye noon ay "ay naku Ele ! at sa bakla naman ay "Ano ka ba Gorge ?" Siguro naman certified na meimbro ako ng dekada 80 'no?:( ;)
aprilluck
03-15-2006, 10:42 PM
Hala ka Lola,ikinembot-kembot mo rin pala ang Chuu chuu train ha,ha,ha,ha,ha,:D .
Dagdagan pa natin ng "Hands up baby hands up " at Flash Dance.
Sarap namang balikan ang kahapon este, last twenty years memories:O
RODSKI
03-15-2006, 10:43 PM
RODSKI, yang 60's ay mga kababata ko:D .Sa 70's ay natuto na akong sumipol-sipol:p .Then on the 80's nakulong na ako sa seminaryo.Sayang madalas pa naman ang sayawan sa amin noon.Naalala ko pa ng mga kanta ni Mike Hanopol at ang mga Hagibis at 'yung mga banat ni Imelda Papin at ni Clarita at saka pa sinundot ni Freddie Aguilar ng "Anak".Yung " Chuu chuu train(One Way Ticket)" ni Paul Anka doon ako nag-umpisang sumipol he,he,he,he.Nakupo~~ ~~Neil Sedaka,Earth Wind and Fire!Sa rock.......Led Zeppellin and Queen sa "Another One Bites The Dust" And Of course ang medley ng Beatles!Sa 80's ginulat ako ng Nazareth sa kanilang"Love hurts" at si Olivia Newton John sa "Xanadu".Haayyyyyy.........b akit ba ako nakulong at paglabas ko ang bumulaga sa akin ay.....I've looked the clouds from both sides now,from up and down and still somehow.It's life's illusions I recall I really don't know love at all................. ...ni Paul Young.:D
@ Sino ba ang ka-classmate ko dito na mahilig sa "Aawitan Kita" ni Armida Sirgueon Reyna?"He,he,he,he,he,he,li ntik ka Rodski,magkakabukuan na tayo dito bwe,he,he,he,he,he:n uts: . . . . . . . . :D :p :D :p :D :p :D ok lang yun maige naman yung minsan eh, napapangiti tyo di puro trabaho db, ok naman diba pag naaalala natin yung mga yun:D
RODSKI
03-15-2006, 10:47 PM
Naku Rodski....sa ginawa mong ito....para mo naring ginising ang mga Lola dito ha ha ha ha ha...isa na rin ako doon:D ....ako 80's...maraming memories sa akin eh.....di ba that time yung "Body Language" ha ha ha ha kapanahunan ko yon ' di ba Hungry eyes???...naku maglalabasan din yung mga theme songs nila nito ha ha ha ha ha.....
Sabi ko na nga ba heh....hayan na ang isang proof hah....hindi Lola...kundi Lolo ang lumabas at kaya sya lumabas sa seminaryo ~~~~kasi hindi sya makasipol sa loob....isayaw nga naman ang Chuu chuu Train nakowww....... . . . . . . o diba!:p :D at least maski pano eh, napangiti ko kyo:D for sure natatawa kyo pag naaalala nyo noh:p :D :p :D ok lang yun masaya naman eh:)
Chibi
03-15-2006, 10:55 PM
. . . . . . o diba!:p :D at least maski pano eh, napangiti ko kyo:D for sure natatawa kyo pag naaalala nyo noh:p :D :p :D ok lang yun masaya naman eh:)
ah basta ko!!nung kapanahunan ko!!!uso yung dans (dance poh!!)na Street beat tsaka yung cheek to cheeks chaka just got lucky..first year college lang po ako nun!!!wow!!!magkaka bukingang ng edad tohh!!!:D
maple
03-15-2006, 10:57 PM
How about Footloose by Kenny Loggins?:)
Meron din ba ditong nahilig sa wooden sandals (bakya) na Happy Feet and Berkman?
At tsaka yung leather shoes na Greg (not sure of the spelling).
japphi
03-15-2006, 11:08 PM
ha ha ha ha....sabi ko na nga ba eh.....ikaw Rodski hah...nambubuking ka hah!!!Tuloy itong mga tulog na Zombies~~~ahaayyy~~~ mga Lowlas pala ay pinag-gigising mo.....sshhhh...huwa g kang maingay~~~bukas darami pa yan ha ha ha ha.....
Pero sa mga boys yata talagang katai ne...si Lolo Fisha pa lang ang lumabas!!!!:eek:
Chibi
03-15-2006, 11:13 PM

We built this City by Starship tsaka tarzan boy!!lam mo tohh Lola Japphi!!hihihihi!
Hungry eyes
03-15-2006, 11:16 PM
Now i believe classmate ko si @ chibi...hello frenship..bringing back the memories too good..hataw pa frend:D
japphi
03-15-2006, 11:21 PM
We built this City by Starship tsaka tarzan boy!!lam mo tohh Lola Japphi!!hihihihi!
Naanih!!...teka nga.....~~~we built this city...we built this city of rock and roll~~~~he he he he...say mo Lowla Chibi...ha ha ha...hanggang doon lang naman yan....haayyy...naku sinayaw ko rin yan noon T'sang....
fisher
03-15-2006, 11:28 PM
. . . . . . . :D :p :D :p :D :p :D ok lang yun maige naman yung minsan eh, napapangiti tyo di puro trabaho db, ok naman diba pag naaalala natin yung mga yun:DTama ka pare,tawa naman tayo at hindi laging trabaho ang nasa isip.:D .Nauso pa nga noong 70's yung katagang "Napahiya ka ano? Tapos sagot naman ng "Di bale di naman sagad".Aray ko halatado na yata ang edad ko dito ha (ano sa palagay mo kabalen Japphi?).
camouflage
03-15-2006, 11:37 PM
Tama ka pare,tawa naman tayo at hindi laging trabaho ang nasa isip.:D .Nauso pa nga noong 70's yung katagang "Napahiya ka ano? Tapos sagot naman ng "Di bale di naman sagad".Aray ko halatado na yata ang edad ko dito ha (ano sa palagay mo kabalen Japphi?).
Speaking of 70's kung hindi ako nag kakamali, STAYING ALIVE by BEE GEES at yung movie ni john travolta, olivia newton john with sylvester stallone, tama po ba ko?:)
fisher
03-15-2006, 11:47 PM
Speaking of 70's kung hindi ako nag kakamali, STAYING ALIVE by BEE GEES at yung movie ni john travolta, olivia newton john with sylvester stallone, tama po ba ko?:)Saturday Night Fever and Grease he,he,he,he, nahukay ko ang nilulumot kong baul bwahahahahah.Bee Gees? Nakow~~~~~~~~kahit sintonado ako ay binabanatan ko ang mga kanta netong mga idol ko.Awatin ninyo 'kooooooo,bitiwan nga ninyo akooo!!!!:D
kaori
03-15-2006, 11:49 PM
How about Footloose by Kenny Loggins?:)
Meron din ba ditong nahilig sa wooden sandals (bakya) na Happy Feet and Berkman?
At tsaka yung leather shoes na Greg (not sure of the spelling).
when i was in HS kaming magkakabarkada may Happy Feet and Gregg shoes,then pag vacant period namin rampa na kami sa campus,then tambay sa CAT HQ,hubarin namin gregg shoes(tama ba spelling ko?),then suot namin baon namin na Happy Feet.Nung araw kasi sikat ka sa campus pag naka greg ka at naka Happy feet,magpapatugtog ang ibang officers(CAT)ng body language at chaka may mag aala-pia moran:Xanadu,VST & Co.,di ba may EL BIMBO pa?naku parang naabutan ko yun.pero hanggang ngayon naman mas gusto ko yung pinapatugtog ko sa car while driving,meron akong mga CD"s ng 60's,70's and 80's.parang ang sarap nilang pakinggan.paminsan -minsan naman isinisingit ko naman yung totoy bibo&sexbomb.pero talagang hinahanap pa rin ng tenga ko yung mga kanta ng 60's,70'sand80's.:D :p
fisher
03-15-2006, 11:55 PM
when i was in HS kaming magkakabarkada may Happy Feet and Gregg shoes,then pag vacant period namin rampa na kami sa campus,then tambay sa CAT HQ,hubarin namin gregg shoes(tama ba spelling ko?),then suot namin baon namin na Happy Feet.Nung araw kasi sikat ka sa campus pag naka greg ka at naka Happy feet,magpapatugtog ang ibang officers(CAT)ng body language at chaka may mag aala-pia moran:Xanadu,VST & Co.,di ba may EL BIMBO pa?naku parang naabutan ko yun.pero hanggang ngayon naman mas gusto ko yung pinapatugtog ko sa car while driving,meron akong mga CD"s ng 60's,70's and 80's.parang ang sarap nilang pakinggan.paminsan -minsan naman isinisingit ko naman yung totoy bibo&sexbomb.pero talagang hinahanap pa rin ng tenga ko yung mga kanta ng 60's,70'sand80's.:D :pKaori tsang! Magka-classmate tayo nina Lola Japphi ! Yeheeeyyyyyyyy:shutu p: .
pisay81
03-16-2006, 12:05 AM
How about Footloose by Kenny Loggins?:)
Meron din ba ditong nahilig sa wooden sandals (bakya) na Happy Feet and Berkman?
At tsaka yung leather shoes na Greg (not sure of the spelling).
Ay! miss maple, magka-edad nga yata tayo.
Sa school namin 'pag naglalakad sa corridor 'yung tropa namin ay alam na ng lahat...tak! tak..tak!...:grinny: mga tunog ng bakya!! Ha ha! Lagi pang napapagalitan kasi black school shoes ang required na footwear, 'yung Gregg Shoes nga. I remember, napunta pa ako 'dun sa loob ng San Juan para lang bumili n'yang Gregg na 'yan. 'Di ko type kaya lang marami na akong violations, na-warning-an na ng Mos-Ra (school CAT official nga ba'yun?) ng school namin.
At saka 'yung movie na "Grease" ni John Travolta, three times ko yatang pinanood, bumili pa ako ng LP album. Papatugtog ako sa player ng Mommy ko 'pag wala siya. Hindi pa yata masyadong uso noon ang CD's.
Ang sounds ko hanggang ngayon ay 70's & 80's pa rin, naka-earphones nga lang palagi kasi "Eigo wakaranai" daw sabi ng mga bata.
Those times, natsukashii ne...tumatanda na tayo...:tongue:
kaori
03-16-2006, 12:10 AM
Kaori tsang! Magka-classmate tayo nina Lola Japphi ! Yeheeeyyyyyyyy:shutu p: .Pssst...fisher san,wag kang maingay...hi....hi.. ..hi..natatandaan mo yung sayaw ni travolta and olivia newtonjohn?nung JS prom namin,naku talaga namang umuusok noon ang semento sa kahahataw ng mga klasmeyts.dun napudpud takong ng sapatos ko.kasi ba naman binanatan ko yung TO THE HUSSLES(tama ba sprelling ko?)ano na ba tawag dun sa sayaw na yun?:music: :whistle: :sssh:
fisher
03-16-2006, 12:28 AM
Pssst...fisher san,wag kang maingay...hi....hi.. ..hi..natatandaan mo yung sayaw ni travolta and olivia newtonjohn?nung JS prom namin,naku talaga namang umuusok noon ang semento sa kahahataw ng mga klasmeyts.dun napudpud takong ng sapatos ko.kasi ba naman binanatan ko yung TO THE HUSSLES(tama ba sprelling ko?)ano na ba tawag dun sa sayaw na yun?:music: :whistle: :sssh:Iyang sayaw na iyan ang hindi ko alam.....that means matanda ka ng isang taon sa akin he,he,he,he,he,Ang tawag doon ay pudpuran ng takong ng sapatos.Naku,yung style nung tayo ni classmate John ay ginaya ko rin iyan pero wala akong nabingwit pandak na at pangit pa kasi he,he,he,he:furious: .
maple
03-16-2006, 12:33 AM
@kaori , @pisay81
Yes , in na in ang happy feet and gregg shoes nung panahon ko/natin. Ayan, naglalabasan na ang mga magkaka-parehong edad:D
Doon sa high school na pinasukan ko, every Fridays pwede kaming pumasok sa school ng naka civilian clothes. Syempre pa, halos lahat ng girls ay naka Happy feet or Berkmann.
Ang maganda sa Berkmann, pwede kang bumili ng isang pair, then buy different colors of its leather strap, pwede kasing tanggalin at palit-palitan yun strap...:cool: di ba.
Narasan niyo rin ba na pilit na lalaspagin ang bagong gregg shoes? The older they get, the better they look kasi.
Aside from Grease, did you see "Sgt. Pepper's Lonely Hearts club band"? (tama ba?)
At ang nausong hairstyle na "Flip" , pina-uso ni Farrah Fawcett....:D
kaori
03-16-2006, 12:49 AM

Hello maple san...katibay naman po ng gregg shors no?biruin mo 4 yrs. ko siya nagamit tapos after ng graduation ko ay naipamana ko pa sa pinsan ko yun.Naku,ipinaalala mo yan hairstyle ni farrah fawcett,di ba nauso yung mga rollers na yan.before sleeping nagkakabit na ng rollers para paggising sa umaga naka-Flip na hair.kahit masakit sa ulo sa pagtulog no,patagilid na lang matulog para di gaano masakit.Hala,nagkabi stuhan na ng edad.:band: Sgt.Peppers Lonely Hearts club band...
kaori
03-16-2006, 12:57 AM
Iyang sayaw na iyan ang hindi ko alam.....that means matanda ka ng isang taon sa akin he,he,he,he,he,Ang tawag doon ay pudpuran ng takong ng sapatos.Naku,yung style nung tayo ni classmate John ay ginaya ko rin iyan pero wala akong nabingwit pandak na at pangit pa kasi he,he,he,he:furious: .
Cguro ka-edad mo yung naging BF ko na seminarista,di rin nakatiis,lumabas din .kaso siya di mahilig sumayaw.basta kinig lang siya music,di ko rin matandaan kung ano ang paborito nya,tila yata Sampaguita(Bonggahan )he..he...jowk lang po...:band:
fisher
03-16-2006, 01:11 AM
Cguro ka-edad mo yung naging BF ko na seminarista,di rin nakatiis,lumabas din .kaso siya di mahilig sumayaw.basta kinig lang siya music,di ko rin matandaan kung ano ang paborito nya,tila yata Sampaguita(Bonggahan )he..he...jowk lang po...:band:Kaming mga seminarista ay hinahunting ninyo kaya tuloy di makatiis he,he,he,he.Naku pow! Bonnggahan pa! Heto namang si Mamang Mike Hanopol ayaw magpaawat,lumaki siya sa Layaw palibhasa Jeproks ha,ha,ha,ha,ha,ha.:m ohawk: .Ito namang si Florante ay masyadong maramdamin at nagkwento pa ng buhay ni Nena.Haaayyyyy naku those were the best days of my life......ohhhhh yeeaaahhhhhhhh:sssh: .
yamamuru_san
03-16-2006, 10:49 AM
ako po dati akong member ng isang band, kaya lagi naming tinutugtod kung anong uso, pero sa totoo lang, mas hilig ko classic, yun bang 1960's or 70's, dun pa rin ako sa original, natatawa nga mga friends ko kasi meron pa kong collection ng beatlemania noon(naibenta ko na) saka ng VST and company album(naibenta ko na rin), idol ko si john lennon, like ko ang band ng TOTO, sa local naman, juan dela cruz band pa rin, pero di ko naman sinusunod ang get-up nila, music lang, ganda kasi very meaningful ang mga lyrics, di ba...?
maple
03-16-2006, 05:20 PM
Naku,ipinaalala mo yan hairstyle ni farrah fawcett,di ba nauso yung mga rollers na yan.before sleeping nagkakabit na ng rollers para paggising sa umaga naka-Flip na hair.kahit masakit sa ulo sa pagtulog no,patagilid na lang matulog para di gaano masakit.Hala,nagkabi stuhan na ng edad.:band: Sgt.Peppers Lonely Hearts club band...
hahaha...kaori san, naranasan mo rin palang mag dusa sa pag-tulog dahil sa mga naka-kabit na baterya sa buhok mo:D
Eh meron ka rin bang poster ng (original TV series) Charlie's Angels (Farrah Fawcett, Kate Jackson, Jacklyn Smith) sa kwarto mo noon? Every morning, haharap ako sa poster nila at sasabihin ko, "Good morning, Angels!":D
purpletablet
03-16-2006, 08:58 PM
naku konti lang ang alam ko jan sa mga music nyo.. hehehe.. 80's kakasilang pa lang sa akin ng mga magulang ko pero naappreciate ko n man ang new wave sounds!
alternative rock & rnb soul ang trip ko:D
mga mommy at daddy ko na po pala kayo *hugs*
camouflage
03-16-2006, 09:04 PM

Hindi naman ANAK!!!:biglaugh:
ritzyu
03-16-2006, 09:32 PM
naku konti lang ang alam ko jan sa mga music nyo.. hehehe.. 80's kakasilang pa lang sa akin ng mga magulang ko pero naappreciate ko n man ang new wave sounds!
alternative rock & rnb soul ang trip ko:D
mga mommy at daddy ko na po pala kayo *hugs*
Ipinanganak ka ba ng 80's, itong anak na ire, baka nasa Japan na ako nang panahon
na yan.:eek:....:bowdow n:
RODSKI
03-16-2006, 09:36 PM
Tama ka pare,tawa naman tayo at hindi laging trabaho ang nasa isip.:D .Nauso pa nga noong 70's yung katagang "Napahiya ka ano? Tapos sagot naman ng "Di bale di naman sagad".Aray ko halatado na yata ang edad ko dito ha (ano sa palagay mo kabalen Japphi?). . . . . . . ayos lang yun!:D keep going at nag lalabasan na at nahahalata ang may mga edad hi:D hi:D hi:D cgurado ko lahat ng nkabasa napapangiti na lang:D :p
Hungry eyes
03-16-2006, 09:44 PM
naku konti lang ang alam ko jan sa mga music nyo.. hehehe.. 80's kakasilang pa lang sa akin ng mga magulang ko pero naappreciate ko n man ang new wave sounds!
alternative rock & rnb soul ang trip ko:D
mga mommy at daddy ko na po pala kayo *hugs*
kung 17 years old ..oo anak na kita:D
Stacie Fil
03-16-2006, 11:01 PM
I remember 70's , childhood time. Uso sa school yung may batok pag manipis ang buhok. Sabay sabi nang "piso coin" with matching action nang peace sign nang kamay/daliri. O kaya saludo para di mabatukan pag may dumaan na beatle /bug type car of Volswagon. Chippy corn flake, chicklet/tarzan bubble gum. Late 70's ata and early 80's sa province during vacation yung mga kanta ni Yoyoy Villame and Napakasakit Kuya eddie song. But of course New wave/Euro sa Manila.
camouflage
03-16-2006, 11:14 PM

How about Lets groove by Earth Wind and Fire!!:band:
fisher
03-16-2006, 11:32 PM
How about Lets groove by Earth Wind and Fire!!:band:Alam mo bang halos kasabay lang ng Chuuu chuu Train (One Way Ticket ) ang kantang iyan?Kaya ang banat sa sayaw diyan ay halos pareho ang galaw.Kuyumin mo ang palad mo at ipuwesto mo sa bandang baywang then shake it left to right he,he,he,he,he,Itano ng mo man kay lola Japphi bwe,he,he,he,he,he,: biglaugh: .How about " Rock Lobsters" ng B 52's?
camouflage
03-16-2006, 11:40 PM
Alam mo bang halos kasabay lang ng Chuuu chuu Train (One Way Ticket ) ang kantang iyan?Kaya ang banat sa sayaw diyan ay halos pareho ang galaw.Kuyumin mo ang palad mo at ipuwesto mo sa bandang baywang then shake it left to right he,he,he,he,he,Itano ng mo man kay lola Japphi bwe,he,he,he,he,he,: biglaugh: .How about " Rock Lobsters" ng B 52's?
Yap B52's roam and love shack, kasabay po ba nito ang 99 luft balloon by Nena?:)
Masarap talaga makinig ng mga music from the 80's!!!
chris_rock
03-16-2006, 11:54 PM
the glamorous 80's! crayon shoes...untucked long sleeved polo shirts with the sleeves folded at the elbows, baston slacks, radical baston denim pants with zippers at the hemline, argyle socks, cardigan sweaters...
new wave music...the smiths, depeche mode, tears for fears (my fave), seona dancing, simple minds, omd, propaganda, when in rome...
party all day, sleep all night (tag line from the 80's movie 'the lost boys')
the 80's was a blast!
and oh...the bagets movie/s :p
fisher
03-17-2006, 12:06 AM
Yap B52's roam and love shack, kasabay po ba nito ang 99 luft balloon by Nena?:)
Masarap talaga makinig ng mga music from the 80's!!!You bet!
@ cris rock,you did enjoy rocking all the time ha with your baston ang loose pants uh! Where Am I that time? Nakakulong na?:D
chris_rock
03-17-2006, 12:17 AM
hey fisher, nice of you to chime in. just between the two of us (and the forum, hehe), i still have copies of my new wave favorites (in cd and vinyl)! i try to play them as much as i can and i still enjoy the music after all these years.
and oh...who can forget dance 10!
thanks for reading.
fisher
03-17-2006, 12:24 AM

thanks for reading.Oo nga memories lasts forever.At saka da best naman talaga ang mga may natitirang alalala sa ating nakaraan.Nakakabalik ka sa kahapon kapag naririnig mo.You are cool chris_rock:D .
chris_rock
03-17-2006, 12:32 AM
hey thanks fisher, but i'm not as cool as you dude (keanu reeves-esque)!
ah memories, the things we can never part with.
any mike francis fans here? tops for me is 'friends', amii stewart on vocals is really something.
thanks for reading.
fisher
03-17-2006, 12:42 AM

thanks for reading.Now I know when I got inside ang stuck there.I was separated from the world in a while.I did not have a memory of one's thing in an instant.Black out!:D .
chris_rock
03-17-2006, 01:00 AM
fisher, take comfort in the thought that everyone experienced that...at one time or another.
party on...it's the 80's all over again :)
thanks for reading.
fisher
03-17-2006, 01:26 AM
fisher, take comfort in the thought that everyone experienced that...at one time or another.
party on...it's the 80's all over again :)
thanks for reading.I just missed a portion of the 80's lang naman but the ones I knew they're really great songs.The artists as well.Thanks too.:D .
japphi
03-17-2006, 07:02 AM
Alam mo bang halos kasabay lang ng Chuuu chuu Train (One Way Ticket ) ang kantang iyan?Kaya ang banat sa sayaw diyan ay halos pareho ang galaw.Kuyumin mo ang palad mo at ipuwesto mo sa bandang baywang then shake it left to right he,he,he,he,he,Itano ng mo man kay lola Japphi bwe,he,he,he,he,he,: biglaugh: .How about " Rock Lobsters" ng B 52's?
Haaayyyy....naku ...panahon nga naman....ang gandang balikan ano....oo ang gandang isayaw no'n.....saka yung Whip it,...Turning Japanese nga yata yon..di ko na tuloy matandaan yung iba....ha ha ha ha ha.
Lolo Fisha...yun ba ay naisayaw mo rin noon bago ka nai-preso....o paglabas na lang....natatandaan mo pa ba yung steps.....??
Pero nung panahon na yon...sa probinsya ay uso yung mga sayawan.Naku...laman ako ng mga sayawan noon....kahit na tumakas lang ako sa Tatay ko ginagawa ko noon....talagang nag-enjoy ako sa kabataan ko noon.
Yang mga pa-style-style ng buhok na yan...ala Farah Fawcett na flip....kaya yata hanggang ngayon ay flip pa rin ako ha ha ha ha ha...Pero mayron akong style nang buhok noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.....yun ay ang naka-spray sa katigasana ng buhok ko ha ha ha ha ha.....malambot kasi laging laglag pag nai-set ko.....kaya hanggang ngayon ay gamit ako ng spray net.Kaya sa EB...huwag na kayong magtaka kung malakas ang hangin at hindi nawawala sa style nya....sementado po yan lagi ha ha ha ha~~~at huwag na huwag ninyong gagawin na hahawakan yang pagkaka-spray nya....naku....sasab og tayo!!!:D :D
fisher
03-17-2006, 11:06 PM
Haaayyyy....naku ...panahon nga naman....ang gandang balikan ano....oo ang gandang isayaw no'n.....saka yung Whip it,...Turning Japanese nga yata yon..di ko na tuloy matandaan yung iba....ha ha ha ha ha.
Lolo Fisha...yun ba ay naisayaw mo rin noon bago ka nai-preso....o paglabas na lang....natatandaan mo pa ba yung steps.....??
Pero nung panahon na yon...sa probinsya ay uso yung mga sayawan.Naku...laman ako ng mga sayawan noon....kahit na tumakas lang ako sa Tatay ko ginagawa ko noon....talagang nag-enjoy ako sa kabataan ko noon.
Yang mga pa-style-style ng buhok na yan...ala Farah Fawcett na flip....kaya yata hanggang ngayon ay flip pa rin ako ha ha ha ha ha...Pero mayron akong style nang buhok noon na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa.....yun ay ang naka-spray sa katigasana ng buhok ko ha ha ha ha ha.....malambot kasi laging laglag pag nai-set ko.....kaya hanggang ngayon ay gamit ako ng spray net.Kaya sa EB...huwag na kayong magtaka kung malakas ang hangin at hindi nawawala sa style nya....sementado po yan lagi ha ha ha ha~~~at huwag na huwag ninyong gagawin na hahawakan yang pagkaka-spray nya....naku....sasab og tayo!!!:D :DHe,he,he,he,kaya nga hindi ko hinaplos ang buhok mo noong magkita tayo dahil napansin kong parang dinilig mo ng pandikit bweheheheheheheh:nut s: . Arruuuuuhhhhhh~~~~~W hip it ba 'kamo?Pero teka,noong sinasayaw ko ang Chuuu..chuuu ay sa kanan nakabaling ang ulo ko sabay wave dito at doon...kanan,kaliwa parang dinuduyan he,he,he,he,.:D .Ikaw saan nakabaling ang ulo mo?Rightist ka ba o leftist hi,hi,hi,hi,hi:jiggy : .
Chibi
03-18-2006, 08:22 PM
He,he,he,he,kaya nga hindi ko hinaplos ang buhok mo noong magkita tayo dahil napansin kong parang dinilig mo ng pandikit bweheheheheheheh:nut s: . Arruuuuuhhhhhh~~~~~W hip it ba 'kamo?Pero teka,noong sinasayaw ko ang Chuuu..chuuu ay sa kanan nakabaling ang ulo ko sabay wave dito at doon...kanan,kaliwa parang dinuduyan he,he,he,he,.:D .Ikaw saan nakabaling ang ulo mo?Rightist ka ba o leftist hi,hi,hi,hi,hi:jiggy : .
ay sa middle ako!!!heeheehe!di ka falah marunong ng basic dance step eh..panissss!!!nyaha hahahah!!!turuan muna kaya kitah!!:D one ,two three,ngakkk!!!!bags ak!!tange mas masarap sa gitna nohh!!!pisngi lang sa left &right....nasa gitna talaga ang sarap!:D ahahahahaahhyyy!!!ad ododo..adadadada!!
proud me
03-18-2006, 09:24 PM
:) makikisali narin me marami pala tayo rito pareho ang mga generation gregg shoes w/maching boston na made sa bakal pa para maganda ang tunog pag nag ma march na c.a.t...happy feet ingat na ingat na wag mapudpud para strap na lang ang papalitan...mga naglalakihang baterya sa ulo gabi gabing sucrifice...walang keber kung ma late mag hihintay ng jeep na me pinaka malakas ang stereo:band:
japphi
02-01-2007, 06:17 PM
Hinalungkat ko itong thread ni RODSKI para malaman natin ulit kung sinu-sino ang mga ehehemmmm.....mga ka-batch ni Fisher ha ha ha ha ha ha......mayroon pa eh....labas na sa lungga!!!
Alin ka ba dito...60's,70's,80' s....????
proud me
02-01-2007, 06:44 PM
Japphi san...anu na naman naalala mo at hinukay mo uli sa baul ng TF ito.:p
nakita ko ako pala yong huling naka-post dito...
mga ka-TF....labas na kayo.....
mag kwentuhan tayo!!!
Alin ka ba dito...60's,70's,80' s....????
__________________
japphi san....tayo ay mag-kapareho siguro...
si barabara san siguro pinaka-ate ...barbara...punta ka na dito...
RODSKI
02-01-2007, 07:05 PM
Hinalungkat ko itong thread ni RODSKI para malaman natin ulit kung sinu-sino ang mga ehehemmmm.....mga ka-batch ni Fisher ha ha ha ha ha ha......mayroon pa eh....labas na sa lungga!!!
Alin ka ba dito...60's,70's,80' s....???? . . . . . . .Naku lola Japphi baka magalit yung mamang isda:D :p , yung iba kase ayaw talaga eh :p
proud me
02-01-2007, 08:22 PM
mukhang....wala paring.........pumap asok dito.....ayaw ata?!:confused: :D
neneng
02-01-2007, 09:30 PM
ay mga classmates ngayon ko lang nakita itong thread....here i am reporting:p Where am i supposed to be ba? Sa tagal eh nakalimutan ko na yata....basta maalala ko 70's yong clogs with matching bell bottom pants :rolleyes: the college days....ay ewan ang daming sweet things to be remembered, The disco, rock baby rock....the rendezvous....pa date-date sa tabitabi...kung maibalik lang ang panahon:)
barabara
02-01-2007, 10:00 PM
Japphi san...anu na naman naalala mo at hinukay mo uli sa baul ng TF ito.:p
nakita ko ako pala yong huling naka-post dito...
mga ka-TF....labas na kayo.....
mag kwentuhan tayo!!!
Alin ka ba dito...60's,70's,80' s....????
__________________
japphi san....tayo ay mag-kapareho siguro...
si barabara san siguro pinaka-ate ...barbara...punta ka na dito...
hi sorry nagshower lang ako.. nakakagulat ka naman!:D :D oo, ako na pinaka ate dito:D :D nakakatuwang maalala noon panahon ko, pero di ko maalala..:D :D
proud me
02-01-2007, 10:56 PM
hi sorry nagshower lang ako.. nakakagulat ka naman!:D :D oo, ako na pinaka ate dito:D :D nakakatuwang maalala noon panahon ko, pero di ko maalala..:D :D hehehehe.....pumasok na pala si ate barabara ng TF.....ako rin nag-tanggal na muna ng negative today sa kumukulong tubig.:D .....naku!....masama nayan...dali kwento na...baka tulad ng ate ko...double net pantalon...violet,pi nk,red...anu pa ba yung kapanahunan ng ate ko....rock the boat :D kwento na!:p
Nabuhay pala ang thread na ito,nadagdagan na mga kasabayan ko,hehe:D
barabara
02-02-2007, 10:18 AM
eto lang natandaan ko. nakakasakay pa ako ng bus na bukas ang bintana dahil ala pang polutions at ala pang traffic.. sa avenida rizal ako nagwowork..imagine mo sikat ang avenida noon araw, shopping na maliliit na tindahan.. saka bell botton na pants, sandal ko laging white na mataas ang takong..nakatis na buhok with spray..:D :D masarap ang buhay sa pinas noon araw di kailangan pumunta ng ibang bansa para maghanap buhay
neneng
02-02-2007, 10:20 AM
sa tagal na ng "those were the days" eh halos i couldn't remember na ano na ba ang mga "ins" during my time:cry: obvious na talaga! ...nagflash back yong "salsa dance" naks ang galeng gleng ko yata noon:p yong parang barkong sandals "clogs"...hit na hit pa yong Sgt. Peppers club Band(tama ba ako???) waaaaaa sa tagal na talaga napakahirap halungkatin sa baul:scratch:
japphi
02-02-2007, 10:21 AM
. . . . . . .Naku lola Japphi baka magalit yung mamang isda:D :p , yung iba kase ayaw talaga eh :p
Anong ayaw RODSKI.....yun nga ang maganda eh.....kahit na naglalabasan na ang mga wrinkols ay mawawala sila pag naalala yung mga nakaraan....paano ba naman maaalala rin yung naging ex-gf....ex bf ha ha ha ha ha ha.....
Tingnan mo.....may kaklase pa pala ako na hindi pa lumalabas....at bigla ako...kasi may Sempai pala ako.....haaaahhhh... ..Yokatta~~~yokatta ha ha ha ha ha....Sempai...Yoros hiku ne...ilan ba kayo na Sempai ko?
Uyyyy...manga-ka-Kosa.....ilabas na ninyo yung mga nakaraan....yung mga sinayaw ninyo noon....yung naging them songs ninyo noon.....ha ha ha ha ha
Ako....naalala ko may kanta na ang title ay "napakatalim"...na talaga namang nasugat ako sa talim....kasi broken hearted ako noon.....yun bang kantang....KNIFE.... .ha ha ha ha ha....then sinunod ko nang "One sided love affair".....maiisip ko ngayon yung kabataan ko at yung pagsintang parang Jose Rizal.....haaahhh... ."BAKA mitai datta" buti na lang at hindi ako tumalon sa tulay sa amin ha ha ha ha.....PAG-EBEG nga naman.............
japphi
02-02-2007, 10:31 AM
eto lang natandaan ko. nakakasakay pa ako ng bus na bukas ang bintana dahil ala pang polutions at ala pang traffic.. sa avenida rizal ako nagwowork..imagine mo sikat ang avenida noon araw, shopping na maliliit na tindahan.. saka bell botton na pants, sandal ko laging white na mataas ang takong..nakatis na buhok with spray..:D :D masarap ang buhay sa pinas noon araw di kailangan pumunta ng ibang bansa para maghanap buhay
Uyy....barabara....i big mong sabihin ay naka-tis ka pa noon?Teka....hindi ako nag-tis...pero tulad nang sabi ni Ka-Fisher....binubuhos ko pa ang laman nang Spray-net sa buhok ko..kaya nung magkita kami....akala nya magugulo nya ang buhok ko.....:p :D pero sabi nya...para daw dinaanan nang GAGAMBA ang ulo ko!!:p
japphi
02-02-2007, 10:37 AM
sa tagal na ng "those were the days" eh halos i couldn't remember na ano na ba ang mga "ins" during my time:cry: obvious na talaga! ...nagflash back yong "salsa dance" naks ang galeng gleng ko yata noon:p yong parang barkong sandals "clogs"...hit na hit pa yong Sgt. Peppers club Band(tama ba ako???) waaaaaa sa tagal na talaga napakahirap halungkatin sa baul:scratch:
Neneng.....teka...ok ey lang bang bumanggit nang hits na kanta:p...ikaw rin ha ha ha ha ha...uyyy...joyk lang ha.....
Nag-salsa ka ba noon.....teka...ilan g taon na ba ako noon....may ulirat na ako nung nauso yung El Bimbo ha ha ha ha ha ha.....
Ako..tanda ko pa rin noon...napaka-hilig ko sa mga kantang love songs....kaso...ang mga kanta ang hindi mahilig sa akin........ang dami kong song hits noon.
@ Ka-Fisher.....kanta tayo sa EB ha...yung kapanahunan natin noon......tanda lang naman ako nang kalahating paligo sa'yo eh:p ......huwag yung "Green Green Grass of home"....medyo yung may pagka-love song naman.....:D
emyken1423
02-02-2007, 10:49 AM
pasali ako dito ha! hi ate barabara and ate japphi.....tawa talaga ako ng tawa sa thread na ito....at ang sarap talagang alalahanin ang nakaraan(those were the days ika nga ni mary hopkins).....naalala ko tuloy yung Footloose ni Kenny Loggins...sinasayawa n ko pa nga e pasipa-sipa yun e if im not mistaken.....tapos yung Knife ni ate japphi sinabayan ng Ocean Deep...at Reality na naging love song ni pa nina Janice at Aga.....80's bata pa ako non pero matured na ang isip ko.......pero ngayon may edad na ako ....bata naman ang isip ko.......naalala ko rin yung sayawan sa may amin .....ginagawa nila sa may basketball court tapos tatabingan pa nila ng dahon ng buko..ha-ha-ha....tapos yung mga makikipag sayawan naka tsinelas saka kupas na maong....pag katapos ng sayawan kinaumagahan yung mga magulang hanapan ng anak......nag sipag tanan na pala.....ha-ha-ha-...:D :D :D :D :D
proud me
02-02-2007, 10:52 AM
eto lang natandaan ko. nakakasakay pa ako ng bus na bukas ang bintana dahil ala pang polutions at ala pang traffic.. sa avenida rizal ako nagwowork..imagine mo sikat ang avenida noon araw, shopping na maliliit na tindahan.. saka bell botton na pants, sandal ko laging white na mataas ang takong..nakatis na buhok with spray..:D :D masarap ang buhay sa pinas noon araw di kailangan pumunta ng ibang bansa para maghanap buhay barabara....teka...t eka...parang pinapatanda mo sarili mo ....nakita ko na pic mo.:p mina san...napaka-ganda po meron siyang artista sa pinas na kahawig...pero hanngang ngayon hindi ko lang maalala yong name nya!....yong spray at naka-tis ano bang taon yon...hindi ko ata napansin yon napapanood ko lang yong mga lumang movie nila susan roces at amalia fuentes naka-ganon yong mga Hairdo nila...meron pa akong naalala yong dep.store na Goodearth emporium....meron pa ba non?!:D .....nong High school ako tinayo ang Harisson plaza ....open non mga naka-uniform pa kami nag-lalakwatsa don...dahil marami nga raw artistang nag-pupunta...kaya nakita namin don si vilma santos,Amy Austria,Hilda koronel...marami pa...tapos nasunog yang Harisson plaza noon..kaya siguro ngayong edad ko na ganito...sawa na sa gala narin siguro minsan...
neneng
02-02-2007, 10:53 AM
@ japphi dear, ps OT muna....how are you and best of luck sa Grand EB ninyo:p
i can't help myself to smile habang nag-po-post:insane: ang dami na kasing funny /nakakiliti things na naala-la ko....yong bang magkahawak ang kamay sa .......palakad-lakad sa golfcourse......bast a yon na yon:bouncy: It seems that napakabilis ng panahon....parang kahapon lamang:p Maremember ko pa yong Nora-Vilma Fans club......sus naman kaming mga girls nakipag-away dahil vilma fans kami........at marami pang iba;) Now , heto wondering if PMS na ba or pero parang wala pa naman.....upppppssss s take note YOUNG at heart pa rin:love:
japphi
02-02-2007, 11:01 AM
Haayyyy....mga ka-Kosa.....ang dami pala natin ngayon.....at ang sarap isipin ang mga bagay na nagpaligaya sa atin....ahaaaayyyy.. ..kanta na pala ni Rico Puno yon....yung "Memories"...namamasyal pa sa Luneta nang walang pera.......h aha ha ha ha ha....
Ang sarap talagang gunitain yung mga nakaraan....bumabata tuloy ako ngayon:p :D ....paurong yata ako nito hah!!Basta ba huwag lang maging ulayanin ha ha ha ha ha ha.....
Heto at naghahalungkat pa ako nang mga lumang threads.....:scratch : hhmmmm....hinahanap ko yung ginawa kong thread na mga kalokohan ko kay Lowlo noon.....asaaan na kasi yon......sige tuloy...tuloy natin ang panghahalungkat nang time travel....
emyken1423
02-02-2007, 11:08 AM
barabara....teka...t eka...parang pinapatanda mo sarili mo ....nakita ko na pic mo.:p mina san...napaka-ganda po meron siyang artista sa pinas na kahawig...pero hanngang ngayon hindi ko lang maalala yong name nya!....yong spray at naka-tis ano bang taon yon...hindi ko ata napansin yon napapanood ko lang yong mga lumang movie nila susan roces at amalia fuentes naka-ganon yong mga Hairdo nila...meron pa akong naalala yong dep.store na Goodearth emporium....meron pa ba non?!:D .....nong High school ako tinayo ang Harisson plaza ....open non mga naka-uniform pa kami nag-lalakwatsa don...dahil marami nga raw artistang nag-pupunta...kaya nakita namin don si vilma santos,Amy Austria,Hilda koronel...marami pa...tapos nasunog yang Harisson plaza noon..kaya siguro ngayong edad ko na ganito...sawa na sa gala narin siguro minsan...
pa o.t. po....tama ka proud me...kung pareho yung naisip natin na artista na kamukha nga ni ate barabara...pati hairstyle at pag ka mestiza pareho sila.....palagay ko pati sa pag sasalita...malambing ....nakalimutan ko lang yung name ng girl na yun eh.....pareho silang maganda.....
proud me
02-02-2007, 11:26 AM
pa o.t. po....tama ka proud me...kung pareho yung naisip natin na artista na kamukha nga ni ate barabara...pati hairstyle at pag ka mestiza pareho sila.....palagay ko pati sa pag sasalita...malambing ....nakalimutan ko lang yung name ng girl na yun eh.....pareho silang maganda..... ikaw rin pala emyken....ako mula nong makita ko yong pic.nayon...isip ako ng isip hindi ko maalala yong name...oo mestisa ring artista ...parang si barabara nga...isip ko nga hindi kaya siya yun.:p kasi wala na sa pinas yon eh,matagal narin...
@japphi san...si Rico j. puno....sikat na sikat nga siya nun nakakakilig pa nong ma-link siya kay Alma Moreno...bagay na bagay sila noon...at take note lagi namin nakikita si Rico j. puno dahil yong bahay nila sa makati ...walking distance lang mula sa bahay namin...kaya pag-fiesta noon lagi syang guest sa lugar namin invite nya rin ibang artista...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.