yamamuru_san
03-16-2006, 11:19 AM
kahapon nakasakay ako sa bus, ordinary lang sinakyan ko, (nagtitipid eh), di naman puno ang bus, halos kalahati lang nito ang may sakay, pagdating ng cubao, meron sumakay na isang nakadisenteng suot, tumayo siya sa gitna ng bus, inilabas ang isang maliit na libro, bibliya pala, at nagsimulang magbasa ng salita ng diyos, di ako masyadong nakinig, isang sentence lang ang naalala ko,...
"mga kapatid, nakakalimot ka sa diyos!"
pagkatapos magbasa ng isang verse ay isinara ang libro at nagsalita na ang topic ay tungkol sa mga taong nakakalimot sa diyos, na kaya raw tayo nakakaranas ng mga paghihirap ay nakakalimutan nating tumawag sa kanya, di naman sya nag-abot ng sobre o ng kung anuman, basta bumaba na lang.
alam nyo naman sa parteng cubao, matrapik talaga, at sa puntong iyon nagsimula akong mag-isip, ahhhh...kaya pala nakakaranas ng mga problema ang tao ay dahil sa nakakalimutan nating tumawag sa kanya.
pero teka, nakalimot nga ba ko?
inisip ko kung nakalimot nga ba ako... ginagawa ko naman ang dapat na gawin ng isang kristyano, hindi nga lang lahat kaya kong sundin, pero pinipilit ko, nagpapasalamat din ako sa bawat biyaya nya at sa bawat pagpapalang natatanggap ko, sa bawat araw ganun ako, hindi lang ako, maaring marami tayo ganun din, pero bakit sinasabing nakakalimot tayo?
nagtanong ako ngayon sa ninong ko (pari sya), sabi ko," 'nong naklimot nga ba ko?..."
natawa sya... "hindi anak, ang problema ay hindi ibinigay ng diyos para lamang maalala natin sya,."
sa pagsunod pala natin sa kanya ay may kasabay na sakripisyo, na inaakala nating pahirap sa atin, pero dahil dito lalo tayong tumitibay kasama ang panginoon, ito pala ay pagsubok sa katatagan ng ating pananampalataya at pag-ibig sa kanya.
ngayon, mas handa na kong harapin ang problema, kasi kasama ko sya...
nakalimot nga ba ko...?
hindi ko alam, siya lang nakakaalam nun...
basta ako, susunod lang sa gusto nya... he he he, (bossing ko yata yun!)