PDA

View Full Version : RAILWAY SYSTEM sa Pilipinas, magandang investment at kapakinabangan SANA.....


engr_jazon
07-09-2008, 04:39 PM
Pataas na nang pataas ang presyo ng oil products, di lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo....

Ramdam na ramdam ang epekto ng pagtaas nito lalo na sa ating bansa ngayon.....

May mga positive at negative effects rin.....
Negative, siguro alam nyo na....

Alin ang Positive? eto examples.....
ayun sa MMDA reports.....

1. nababawasan na ang traffic (lalo na sa Main Roads like EDSA, and Expressways and other busy traffic lanes)
2. bawas na rin ang polusyon....dahil di na gumagamit ng sasakyan ang mga may kotse bagkus ay commute nalang using PUVs
3. wala nang mga tsuper/driver na hari ng daan kung magpatakbo ot humarurot...
4. pagbabago sa lifestyle at marami sa atin ang nagiging praktikal sa transportasyon....

Sa numero 4, tayo magconcentrate...... ...
Ngayon, napipilitan na ring magpakapraktikal ang mga ilan sa kababayan nating commuters.... Pati may ari ng mga kotse ay natututo na ring mag LRT at MRT......

******************** **************
An article from GMANEWS.TV

Oil price hikes send commuters to MRT, LRT

Cathie Capila, 27, prefers taking the MRT (Metro Rail Transit) to work than driving her car. She has been alternately commuting and driving from her house in Mandaluyong City to her office in Quezon City for three years now.

Riding a passenger jeepney and the MRT would take her 40 minutes to reach the office, compared to the 35-minute drive if she brings her car. But the longer travel time is compensated by her savings.

Cathie spends a total of P40 daily when commuting; a liter of gasoline—now approaching P60—does not even last a day’s drive.

In the past few months, with fuel prices rising for the nth time, the driving populace has affirmed for most, and rediscovered for some, the economy of the mass rail transit.

Data gathered by GMA News Research from the Metro Rail Transit Corp. (MRTC) and the Light Rail Transit Authority (LRTA) indicate a remarkable increase in ridership over the past five months.

LRTA and MRTC officials said a significant portion of the increase in ridership is caused by people who want an alternative to paying an average of P52 a liter for gas.

Fares in the LRT and MRT range from P10 to P15.




READ (http://[URL]http://www.gmanews.tv/story/105794/Oil-price-hikes-send-commuters-to-MRT-LRT)_more dito

statistics for LRT and MRT Rail System

50455


50456


50457

50458


******************** **

sana lang kung napagsikapan ng past goverment leaders natin ito, ang laking tulong sana sa mga commuters natin....
napakagandang investment sana galing sa kaban ng bayan man o tulong/support ng ibang bansa kung natutukan ng mabuti ang transport means na ito...

kung nakagawa lang sana ng maraming projects tulad ng LRT na nasimulan ni PRESIDENT MARCOS nuon, ang dami siguro na benefits ang nakakamit ng ordinaryong Pinoy ngayon.... katulad na lang dito sa Japan...

edi wala sanang mga rally ng rally na mga Jeepney at Bus Operators at naiistranded na pasahero tayo.... magiging competition pa sana kung marami lang sana tayong TRAIN LINES kahit sa Main Cities man lang sana.....

dagdag appeal pa sa international tourism... at maipagmamalaki pa sa ibang bansa..

overcrowded na ang MRT at LRT as observations ng marami ngayon....
kung kelan may krisis sa langis saka natin naiisip ang kapakinabangan sana ng mga linya ng tren na to.....

hay buhay......
isa sa mga pangarap ko yan sana para sa ating mahal na bayan...........

******************** *****************

feel free to comment and give your opinions





_____

KikoyBalayon
07-09-2008, 05:41 PM
nung trainee pa lang ako way back 2005.. isa sa mga prof namin ay transportation engineer na may experience dito sa japan..

sinabi nya samin na invovled sya sa mga rail projects ng pinas daw.. very promising yun.. lalo na yung "north rail" project... kaya lang sabi nya eh.. may "politics" involved.. alam mo naman sa aten..

engr_jazon
07-09-2008, 05:47 PM
nung trainee pa lang ako way back 2005.. isa sa mga prof namin ay transportation engineer na may experience dito sa japan..

sinabi nya samin na invovled sya sa mga rail projects ng pinas daw.. very promising yun.. lalo na yung "north rail" project... kaya lang sabi nya eh.. may "politics" involved.. alam mo naman sa aten..


uu nga eh... gandang project sana nyan kaso mga ilang pulitiko pineperahan pa..
ang daming investors (foreign and locals) kaso nadidismaya sa mga walang pinapalampas na iilang pulitiko saten.....

ang laking ginhawa sa mga taga probinsya yan lalo na sa mga nagdadala ng bilihin paMAYNILA... sana mag matuloy pa rin....

ang sarap isipin, may SHINKANSEN from NorthernLUZON-MANILA-SOUTHERN LUZON-CEBU-DAVAO-...hehehe..... magastos nga lang...
pero long term bawi rin malamang sa benefits sa mga pilipino...

kakkoii_daw
07-09-2008, 05:47 PM
mahirap na sumakay ngayon, ang haba na ng pila, abot na hanggang sa edsa dun sa baba ng hagdan, halos lahat na kasi ng tao ngayon may stored value card na. pero ang good news, mabilis na makabili ng ticket/card ngayon.... :hihi:

sarpon
07-09-2008, 05:55 PM
para kasing patay-gutom ang mga pulitika sa atin! mula maliit hanggang malaking proyekto, kailangan may kickback sila. Yung NorthRail na yan ay di natuloy kasi ni-"railroad" yung bidding process. binigay sa chinese government samantalang mas mababa ang bid ng mga indian. kasama yan nung ZTE-NBN deal.... dapat ayusin talaga ang bidding process lalo na kung "national interest" like yang train system.

infinite_trial
07-09-2008, 06:02 PM
tiba-tiba ang mga magnanakaw sa iskwater kapag gumawa ng bagong railway :hihi:

rad
07-09-2008, 06:43 PM
hehehe... shinkansen ba kamo engr J... baka mabuhay na naman ung nuclear power plant na multo nyan dahil "kukulangin tayo sa kuryente". ;)

engr_jazon
07-09-2008, 06:57 PM
hehehe... shinkansen ba kamo engr J... baka mabuhay na naman ung nuclear power plant na multo nyan dahil "kukulangin tayo sa kuryente". ;)


heheh...
isa pa yan... Magandang investment rin ang NUCLEAR POWER PLANT...
sayang nga yung nasa BATAAN eh... (BNPP)...
laking tipid sana tayo... ang mura pa naman ng Nuclear power....
ok lang na ibuhos ang pera sa maintenance nun.... kaya na ipower ang LUZ-VI-MIN islands..
eh mga nasa KONGRESO ba naman kasi medyo kulang sa knowledge....
how i wish nag aral sila ng konti sa structures and power plants...
konting kateknikalan sana.....
Natakot ba naman na baka daw sumabog...samantalan g ang daming safety measures ng isang Nuclear Power Plant...
yung Concrete Core nalang halimbawa nun, kahit banggain ng isang Jumbo Airplane hindi mawawasak.....

hainaku, mga pulitiko kasi puro

1.mga naiappasang batas ay, ipangalan ang HI-WAY sa pangalan ng bayani.

2. kumikback sa kahit pinakamaliit na proyekto... pati mga plantbox nalang sa tabi ng daan or lights di kaya may pursyento..

3. puro Senate inquiry wala naman kahihinatnan...

4. panay trip sa ibang bansa kesyo may summit or conference daw

5. at iba pa

**********

mabalik sa train systems, tiba tiba rin ang LRT - MRT ah....
sana mag ka expansion pa sila matuloy yung project papuntang south....

kung marami lang sana kong pera,
iinvest ako Jazon Rail Transit (JRT) naman....nyahaha....
sabay may express at local trains rin....
ipaparallel ko sa North Luzon Expressway.....:D hehe.. pangarap lang....

infinite_trial
07-09-2008, 06:59 PM
gawan nga ng plano ng budget yan...tutal engr ka naman di ba? :D lagay mo dito proposal mo :p

engr_jazon
07-09-2008, 07:02 PM
gawan nga ng plano ng budget yan...tutal engr ka naman di ba? :D lagay mo dito proposal mo :p


hehe... naku malaking pera to IT...
bilyones yan! kelangan ang investors sina Bill Gates halimbawa...

kalimutan ko nalang yang pangarap ko....:D

scion_cho
07-09-2008, 08:27 PM
Ang alam ko, eto ang 'specialty' ni row_wena eh hehehe, hingi ka sa kanya ng discount, engr Jazon. :cool:

mamimo
07-09-2008, 08:37 PM
tiba-tiba ang mga magnanakaw sa iskwater kapag gumawa ng bagong railway :hihi:

nyahaha....makikinis pang materyales ang i-poporkilo nila sa mga suking junk shop:D

kidding aside, bakit di na lang kaya i-privatize ang ganyang klaseng project para di inaaswang ng mga buwaya? di ako pamilyar sa batas tungkol sa opinyon ko pero parang sa tingin ko mas may mangyayari kapag alisin sa control ng gobyerno ang ganyang proyekto na madaling pagkakitaan ng mga nasa pwesto.