View Full Version : Negosyo, yes or no...
TR250
03-17-2006, 03:05 AM
Dati ay ilang beses na rin akong nag offer sa pamilya ko ng negosyo. Andiyan na ang nagbalak akong magpadala ng mga used appliances. Nagbalak din naman akong kumuha ng mga produktong galing sa atin. Syempre dahil nasa vehicle biz ako ay ilang beses ko na rin itong inalok sa kanila pero dito talaga sila ilag. Sabi nila na mahirap daw ang export at daming red tape at buwayang haharang. Pati kapatid kong PMA grad ay nag back out din. Ilan na ring di kapamilya ang nagbigay ako ng offer pero urong parati sila at gusto ay maliitan daw muna. Sa tingin ko ay di naman malakihan ang ino-offer ko sa kanila.
Nagtataka talaga ako kung bakit ba ganito na napakaraming red tape at busisi pati bayawak at buwaya ay mukhang pinagsama-sama na lahat. Sa ibang bansa ay di naman ganyan kahirap magpadala ng mga sasakyan at wala pang busisi at red tape. Nakakapagtaka rin dahil balita ko ay grabe rin daw ang tax na maski basura o el cheapo ay sang katerbang tax pa rin ang dapat bayaran. Parang gusto ng mga bayawak na parating one time big profit o big tax at hindi sila naniniwala sa paunti-unting kita pero pang mahabaan.
Matagal na akong nawalan ng interes o pag-asa kung iisipin pero dahil naging malaking palaisipan ito sa akin na bakit yung ibang mga bansa lalu nat mga developed countries ay open trade at suportado parati ng gubyerno ang mga negosyante.
Marami na rin akong nakilala o hanggang sa ngayon ay mga ka tropa na pag sinabing sa atin ay napapailing kaagad sila. Truth hurts lalu nat pag sariling bansa ang iniilingan ng mga ka tropa dayuhan. Daming matalino at edukado sa atin pero bakit pikit-mata sila sa katotohanang na ang negosyo ay di parating one time big deal kundi ay pakonti-konti pero pang matagalan. Ito ba ay dahil sa ugali, dahil sa kahirapan o dahil sa patakaran ng gobyerno??? Hirap aminin at mahirap din sagutin pero sa tingin ko ay pag di magbabago ang business style ay di tayo aakyat pataas. Ilag ako sa red tape, kaartehan at sa mga buwaya at bilib talaga ako sa mga negosyanteng sanay sa ganitong style. Siguro ay sanayan nga lang at patigasan ng balls ika nga. Ano sa tingin ninyo? Tama ba ako o mali...
Ang tanong ko ay "do you have balls of steel"?
richie
03-21-2006, 01:22 PM
wala na nga silang self-respect...nabiktima na rin ako. They are the number obstacle para maibangon at kahit papaano ay matulungan natin ang ating bansa.
Utmost care ang kailangan, tutukan ang minute details, at marami pang iba...
Mas mainam pang dumerecho sa pinakamataas na tao, explain your part/intention(with reservation). Mas mainam kung babae. Sorry, not meant to offend sa mga lalaki,only those concerned.
richie
03-21-2006, 01:26 PM
Ang tanong ko ay "do you have balls of steel"?
My determination, yes.
d_southpaw
03-21-2006, 01:56 PM
One of the very few real world information that I have, which I heard from a friend. Software developer sila, may pinadalang machines sa kanila mula rito sa Japan, mag-de-develop sila ng softwares para doon sa hardware(s). Unfortunately, bumagal ang processing sa custom at hindi realistic ang tax na hinihingi, kahit alam na alam na hindi naman ibebenta o gagamitin. May mga ganong tao nga sa atin, halimbawa sa custom, kung marami sila o hindi, o majority na ba, ang impression natin ay ganoon na nga.
Same information from that same person. Their software are being sold as part of a system to worldwide market, which means he has information about other countries as well. He knows there are corruptions in other countries to, but it is easier, more straightforward in those countries. Walang paligoy-ligoy. Halos parang may standard yong lagay, kaya mas madali pa rin ang pagbi-business.
As to your question 'do you have balls of steel' (which is a bit sexist expression and unfortunately not quite appropriate for this business section where we have both men and women members who are probably into businesses one way or the other); if you are asking whether the members here are willing to do those red tape practices or not, I am afraid you will not get much answer.
I am pretty sure those who are already doing businesses in the Philippines or related to the Philippines, or those who are planning to do so, are exerting their best to stay within the legal bounds.
TR250
03-21-2006, 11:10 PM
My determination, yes.
Thats what I want to hear!!! Walang tatalo sa taong determinado.
d_southpawAs to your question 'do you have balls of steel' (which is a bit sexist expression and unfortunately not quite appropriate for this business section where we have both men and women members who are probably into businesses one way or the other); if you are asking whether the members here are willing to do those red tape practices or not, I am afraid you will not get much answer.
I am pretty sure those who are already doing businesses in the Philippines or related to the Philippines, or those who are planning to do so, are exerting their best to stay within the legal bounds.
Bakit ko nasabing "balls of steel"? Through the years ay masasabi kong ilan na rin ang naging malapit sa puso kong babaeng sachos at sila mismo ang nagsasabi sa akin na walang lalake o babae sa negosyo. Iyan ang palaging hamon sa akin nung kaibigan kong babae na kung may balls of steel daw ba ako at kung wala ay siya ang maglalabas ng card. Man, she has the balls and its made of cold hard steel (hindi nga lang nakalawit). Aaminin ko na madalas akong umuurong dahil hindi kasing solid niya ang sa akin (kulang sa resources) at talaga namang malaki ang scale niya kaysa sa akin... Alam kong naiintindihan ang term na ginamit ko lalu na yung mga self made na nagdaan din sa butas ng karayum maging lalake man o babae. Its a rough and DEADLY jungle for ALL the players. And if they think that Im a sexist, theyll be eaten alive even before they enter the jungle. Mark me on this one.
::::: Nanghihinayang talaga ako sa mga nakilala kong nagbalak dati pero nung gumawa sila ng sarili nilang imbestigasyon ay umurong sila dahil sa mga nalaman nila. Hindi sa akin nanggaling iyan at talaga ring nanghihinayang ako dahil kung natuloy ay siguradong OK ang share ko. Base rin sa personal kong experience ay ganuon din ang nakita ko yayat ako rin ay napapailing. Maraming harang talaga at marami ring nagtitimbang kung dapat nga bang magtuloy o umurong. Lahat naman siguro ng negosyante lalu nat pag outsider ay magbabase sa first impression, hear-say, imbestigasyon, etc. bago sumubok. Kung gaganda lang sana ng maski konti ang sitwasyon ay siguradong mas dadami ang susubok. Meroon akong anim na kaibigan negosyanten na matagal na akong kinukulit tungkol dito pero ano nga ba naman ang maipapayo dahil ako man ay hindi ko alam ang sagot...
d_southpaw
03-22-2006, 12:26 PM
I understand you. I also have such experiences dealing with Japanese. I go out with colleagues ever since I came over to Japan. Verbal communication with them can be about anything. All sorts of words, all sorts of topics.
But written communications with them have different nature; specially when the topic is business.
walang lalake o babae sa negosyo.
That's true. Kaya nga kahit hindi balls ang gamitin, guts for example, mas applicable on both sides. Anyway, I guess this boils down to personal preference on how one wants to express his/her side, I just expressed my opinion.
Appreciate the real world experiences you are sharing.
I am still contemplating if my experiences with my small business(es) in the Phil are worth sharing to other TF'ers. We have just barely started, just about 1 1/2 years in official operation. I'll post if there are something that will occur to me as may be useful.
TR250
03-23-2006, 09:01 AM

Im very eager to hear about your business(es) in the Philippines. Ive sound negative ever since maybe because of my personal experiences. I have also tried doing biz back at home when I was in my teens and all didnt turn out well . I hope to hear some stories from winners.
d_southpaw
03-23-2006, 06:22 PM
I am not winning either. Hikiwake siguro.
I started a small store about a year ago, pero nalulugi dahil hindi natututo yong mga pinaghawak ko. Kailangan talaga na marunong ang hahawak, kahit maliit na negosyo lang. Need to move on, find next opportunity.
Another is a "Roofing and Trusses" business that my brother and I started in MMla 1.5 yrs ago. Depending on the size and the number of projects, 10-20 persons may be involved with us.
For our first year, halos wala ring profit na natira sa akin. Maraming competitors at maliit ang margin.
Hopefully we will be able to learn how to improve our operations, find ways to be efficient, and establish more satisfied and repeat customers. Happy customers will surely spread the word to their colleagues, and we may not have to compete with others when they come back to us.
Challenges: 1/ most of our customers are good, but there are also the difficult ones. There will be always be one or two bad eggs in a basket, ikanga. Need to be very careful with those customers. 2/ Tax is expensive, but that is part of the business. I intend to pay our dues.
ayumi
03-24-2006, 12:50 AM
helloo TR250,
yun nga pala ang gusto kong itanong sa iyo noon kung wala ka bang balak na i-export sa Pinas ang mga meron ka ngayon sa Japan....kase sayang nga naman nasa linya ka talaga,hindi ako masalita na tao,isang tanong,completong sagot lang ang gusto ko, minsan gusto kong makarating sa place mo pero siempre wag ka sanang umasa kase parang meron lang akong nakitang tsansa sa business mo....at mukhang ok ka naman ...para maiba naman sa business ko ngayon,at ang maganda dun mahilig din kami sa sasakyan....
maiba naman:baka meron kayong ma-i-share na information sa pagtatayo ng call center...gusto ko pong magkaroon ng call center sa Pinas...kaya lang wala pa akong complete information....pag-aaralan ko pa ng mabuti sana mabigyan nyo ako ng dagdag na impormasyon....maram ing salamat po...
TR250
03-24-2006, 03:12 AM

Ilang beses na rin akong nag balak pero hindi nga lang natuloy. May ilang na rin nagtanong sa akin na pro kaya lang ay puros window shopping... Nung baguhan pa lang ako dati ay montik nang natuloy pero umatras lang ako. 4 na 4WD ang hinanda ko pati na rin mga motorsiklo para isakay sa loob ng mga 4WDs pero nung nasa akin na yung mga units ay binabaan niya ang presyo at binarat ako. Konting-konti lang ang patong ko na halos hindi sasapat para sa oras ko dahil kalahi nga ay talaga namang sumama ang loob ko kayat pinadala ko na lang yung mga units sa UK at kumita pa ako ng mahigit sa doble.
Dipende sa itatanong mo, kung kaya kong sagutin ay pwede siguro kitang bigyan ng sagot right on the spot. Kung presyo ay "about" lang ang maibibigay ko dahil iba-iba ang presyo sa dealers auction. Kadalasan kong hinihingi ang budget ng customer dahil dito ko binabase ang kaya ng pera niya. Pareho man ang unit ay iba-iba rin ang presyo ng kinakalabasan sa auction dahil sa condition, year, grade, kms, popularity, etc. Kung mababa ang presyo niya ay syempre pangit yung kotse dahil wala ngang bumibili pero kung resonable ang budget niya ay malamang OK naman yung unit na makukuha ko.
Kung tatanungin mo naman ako sa systema ng pag e-export papuntang Pinas ay wala akong maisasagot dahil wala nga akong experience diyan. Katulad ako ng karamihang Japanese exporters na maisasakay ko ang mga units sa barko pero tapos ang deal pag alis ng barko sa port ng Japan at ang buyer ang sasalo sa port of destination. Wala rin akong alam sa presyo ng shipping cost dahil puros RO/RO, FOB (freight payable at destination) ang ginagawa ko. Kung OK naman siguro ang kwentuhan natin ay baka pwedeng magtanong-tanong ako ng presyo ng cost sa shipping expenses. Wala nga rin pala akong experience sa CIF (cost, freight insurance) o CF (cost, freight) na shipping style sa pag papuntang Pilipinas at ibang bansa at FOB parati na pag papunta naman sa ibang bansa tulad ng UK, Dublin, NZ, etc.) . Napapag-aralan naman siguro ito. May lisensiya naman ako sa used car sale at ako na rin mismo ang nag e-export ng sasakyan at hindi ako gumagamit ng shipping agency at diretso ako parati sa shipping company tuwing mag e-export. Less expenses dahil nga sariling kompanya ko ang ginagamit ko at walang middle man yun nga lang ay extra leg work para sa paggawa ng mga documents.
Maski saan naman ay pwede at interesado akong mag export lalu nat pag OK ang buyer. Kung ikaw ang mag e-export ay mas mahusay dahil wala nga akong alam sa systema sa atin at hanggang sa pag supply lang ako ng mga sasakyan. Kakailanganin mo nga lang ng yard para sa mga stocks at sa pag ko-container. Always 100% full payment nga pala ako bago ako kumuha ng units.
Pwede ka namang dumaan sa lote ko pag nasa malapit ka. Maski hindi negosyo ay lahat welcome.
Ewan ko kung OK sa iyo ang style ko dahil wala pa akong naging customer na kabayan. Hindi sa dahilang namimili ako ng customer kundi ay sa wala akong masyadong kakilalang kabayan na pareho ang negosyo. Isa pa nga pala na part time exporter lang ako dahil konti lang ang customer ko sa ibang bansa at halos for local market ko nailalabas ang mga units ko. No probs, hindi ko ugaling umasa sa bagong kakilala at maski sa regular customer din ay hindi ako umaasa. Ganyan naman talaga kasi sa car business. Timbre na lang pag makakapasyal kayo.
TY
d_southpaw
03-24-2006, 01:10 PM
Good stuff, tr250.
Ayumi, regarding call center, I think silangan communications (www.silangan.com (http://www.silangan.com)) has call center in the Phil. I think they are the ones doing the telemarketing to the Filipino customers here. In the future, if you have any chance to meet their president, I guess it is worth talking about it. He is a very good guy. As long as you are not going to be their direct competitor, I think you may be able to get some good and real world information from him.
Nga pala, if you dont mind, anong business in particular ang tinatarget mo pag nagtayo ka ng call center ?
ayumi
03-24-2006, 10:33 PM

maraming salamat sa shokai d_southpaw....
business friend ko po si bosing MR.M....Heriales,THE GREAT....ang magna cumlaude ng pahayagang Silangan...actually hindi naman kami a personal friend talaga,kase one time ko lang sya na-meet sa lumang Phil.Emabassy,isa kase ako sa pioneer advertiser ng kanyang shimbun,pero kapag ka nag-uusap kami ni bosing sa phone,dios ko pong garapon,umuusok na ang telepono di pa rin kami natatapos sa kuentuhan about business...taxation. ..etc..etc...
bosing is really a great man....not a direct competitor siguro,although same kind of service and same market(may japanese nga lang sa akin) but a totally different product naman ang sa akin.palagay ko tatawanan lang ako nun pag tatnungin ko sya about sa call center,kase ang akala nya me utak ako,ang di nya alam,row 5 ako sa shool sa tabi ng canteen,ngumunguya ng yema habang nag-aaral mga kaklse ko....
di ba puedeng ikaw na lang mag-share..d_southpaw?
abakitba
03-24-2006, 10:57 PM
Ang tanong ko ay "do you have balls of steel"?
This is perhaps the most passionate business post I've read on TF.
Sad commentary on the state of affairs sa ating bayan.
They are ball breakers, our bureaucrats.
Wonder if they understand how bad it is for business, and our beloved Philippines...
if someone from India can buy a used Japanese automobile
and sell it in his country for a profit,
while a Pinoy trying to sell same vehicle in the Philippines barely breaks even because of corrupt practices or excessive taxation.
Depressing yet true.
d_southpaw
03-24-2006, 11:56 PM
Ayumi, magkakilala pala kayo ni M...o.
I know him too way back. Pareho kaming dating ryuugakusei, pati ang ibang nandun din at involved sa business nila.
As for the call center, in as much as I want to share, I am afraid that if I say anything now, those will be merely guesses, which is as good as anybody else's.
Good luck. Hope to hear in the near future that you are also winning some of these niche Japanese market segments. Will let you know if I happen to come across any information related to it.
ayumi
03-25-2006, 12:12 AM

OK.maraming salamat....
paminsan minsan tumatawag ako dun..nakakausap ko si beautiful Ms.Sa..y.....
nagtatanong talaga ako dun ke bosing...isineshare ko rin yung alam ko ...sumosuporta ako sa vision nya...naniniwala kase ako sa kakayahan nya...
pero sa sobrang dami na gusto naming mapag-usapan.....short cut lang lahat...BZ kase pareho...
intay na lang ako for some helpful info....maraming salamat po....
ayumi
03-25-2006, 12:40 AM
Ewan ko kung OK sa iyo ang style ko dahil wala pa akong naging customer na kabayan. Hindi sa dahilang namimili ako ng customer kundi ay sa wala akong masyadong kakilalang kabayan na pareho ang negosyo. Isa pa nga pala na part time exporter lang ako dahil konti lang ang customer ko sa ibang bansa at halos for local market ko nailalabas ang mga units ko. No probs, hindi ko ugaling umasa sa bagong kakilala at maski sa regular customer din ay hindi ako umaasa. Ganyan naman talaga kasi sa car business. Timbre na lang pag makakapasyal kayo.
TY
alam mo maliban sa interesado ako sa BIZ mo, interesado din ako sa iyo (NO MALICE pls.). gusto ko yung style mo,sa nababasa ko,ayaw mo ng partner (just like me),involve ka sa BIZ mo,RISKY talaga pag exporting to Pinas na..kase sa red tape.,system etc..etc...pero WALA naman biz na madali di ba? at tsaka kaya lang naman mahirap ang BIZ pag hindi mo alam ang kabuuan...sa sistema sa Pinas, di na natin mababago yun,kundi sundin na lang at makipag-usap sa may kakayahan...may katuad ng BIZ mo dito sa amin,pinay with Jap husband...kaya lang...
in time my partner will do a CLEAN biz with you ..soon...mail po ako sa inyo...
hindi po ako ang makakausap nyo,kase boring akong kausap sa personal...baka makatulog kayo
titingin-tingin,ngi-ngiti-ngiti..isang tanong..pag tinanong isang sagot..minsan wala pa...
hindi talaga ako ang makakausap mo....my partner is a very interesting person with a very high charisma.....you will enjoy having BIZ with us hopefully..........
TR250
03-27-2006, 01:51 AM
This is perhaps the most passionate business post I've read on TF.
Sad commentary on the state of affairs sa ating bayan.
They are ball breakers, our bureaucrats.
Wonder if they understand how bad it is for business, and our beloved Philippines...
if someone from India can buy a used Japanese automobile
and sell it in his country for a profit,
while a Pinoy trying to sell same vehicle in the Philippines barely breaks even because of corrupt practices or excessive taxation.
Depressing yet true.
Binggo!!! Yan talaga ang tunay na meaning "ball breakers".
Nuong nasa atin pa ako ay medyo nakatikim din ng konting buhay politika. Bata pa ako nuon at ang akala ko ay OK ang sistema lalu nat kapag kumikita. Nung dito na ako tumira at nag-umpisa ng negosyo ay diyan bumaliktad ang pananaw ko lalu na nung naging kagrupo ko ay mga puting exporters. Diyan nag-umpisa ang maraming pala-isipan at pag hahambing sa bayan natin. Ang isa dito ay ang taxes sa mga exported goods. Ibinabase ko ito sa ilang bansang may personal experience ako sa pag e-export ng mga sasakyan (NZ, UK, etc.). Walang red tape, wala ring lagay, walang buwaya na haharang sa shipment para humingi ng pang miryenda, mahigpit ang sistema lalu na sa quarantine at declaration di rin pwede ang under the table pag di pumasa ang sasakyan sa test, ang mali ay mali period, maski sino lalu nat pag citizen ay open mag export, maliit at resonable ang tax na di katulad sa "ibang bansa" na pati BASURA ay napakalaki pa rin ng tax.
Dahil ganyan ang sistema nila ay maski sino pwedeng magpasok, pwedeng gawing negosyo o gamiting pang personal, at dahil resonable ang tax ay nagiging resonable rin ang presyo ng produkto sa open market. Ang gubyerno ay kumikita ng hindi biglaan na masasabi kong pakonti-konti pero pang mahabaan na hindi tulad sa "ibang bansa" na parating one time big deal" ang parating gusto kaya hindi maabot ng ordinaryong Pedro ang taas ng mga bayarin. Dahil sa taas ay napipilitang humawak sa patalim lalu na yung mga negosyante dahil kung hindi ay wala silang kikitain an lahat ay mapupunta lang sa tax at malamang ay abunado pa.
Malamng ay iniisip ng karamihan na taksil at tinalikuran ko ang ating bayan dahil sa aking mga nabanggit. Ibabahagi ko ang isa kong karanasan. 6 years ago ay inalok ako ng isang mataas na grupo (alam nyo na kung ano ang sinasabi ko) na mag head ng kanilang export division sa atin.
Pag tinanggap ko ang posisyon ay siguradong parang tumama ako ng lottery o baka mas malaki pa (if you get what I mean...) pero magiging isa akong pahirap sa ating bansa. Nag desisyon akong tumanggi at naging medyo delikado rin para sa akin ang aking pag tanggi at nagpapa salamat din ako sa ilang mga tunay na kaibigan (ilang Japanese company owners, puting company owners, ilang Koryanong company owners) na bagamat hindi ako humingi ng tulong ay handang makipag salpukan to the end dahil naniniwala silang tama ang desisyon na pinili ko. Hindi sila mga ordinaryong chimpmunks na nakikita ninyo sa pachinko na kung maglakad ay parang sila ang may-ari ng kalsada kundi yung mga naka lux cars at ang daming alalay (got my drift???). Normal ang ganyan sa negosyong ito. Paminsan-minsan ay nanghihinayang pa rin ako pero kung tinanggap ko ito ay mas mabaho pa ako sa buwayang humihingi ng pang miryenda dahil siguradong hindi lang pang miryenda ang hihingiin ko kundi pang bili ng isla. Lalu na ngayon na talagang gapang at taghirap pero at least may mukha akong ihaharap kay misis. Kaya nga di maka pasyal sa Pinas dahil parating kapos pero OK na rin dahil dala ko pa rin naman ang prinsipyo ko.
Kung mahusay at diretso nga lang sana ang sistema ay siguradong susubok din ako pero hanggang sa wala akong nakikitang pagbabago na kikita rin ang normal na Pedro pati rin ang gubyerno ay iwas na lamang ako. Hindi masama ang gubyerno at ang batas (minsan ay weird nga lang lalu na pag dating sa tax). Ang masama ay yung sistema na hindi para sa lahat kundi para sa may pera at sa nasa posisyon. Marami pa rin sigurong diretso at may prinsipyo na nakaupo pero marami ring kawatan na walang awang ginagamit ang kanilang kakayanan para sa kanilang sariling benipisyo.
TR250
03-27-2006, 09:50 PM
alam mo maliban sa interesado ako sa BIZ mo, interesado din ako sa iyo (NO MALICE pls.). gusto ko yung style mo,sa nababasa ko,ayaw mo ng partner (just like me),involve ka sa BIZ mo,RISKY talaga pag exporting to Pinas na..kase sa red tape.,system etc..etc...pero WALA naman biz na madali di ba? at tsaka kaya lang naman mahirap ang BIZ pag hindi mo alam ang kabuuan...sa sistema sa Pinas, di na natin mababago yun,kundi sundin na lang at makipag-usap sa may kakayahan...may katuad ng BIZ mo dito sa amin,pinay with Jap husband...kaya lang...
in time my partner will do a CLEAN biz with you ..soon...mail po ako sa inyo...
hindi po ako ang makakausap nyo,kase boring akong kausap sa personal...baka makatulog kayo
titingin-tingin,ngi-ngiti-ngiti..isang tanong..pag tinanong isang sagot..minsan wala pa...
hindi talaga ako ang makakausap mo....my partner is a very interesting person with a very high charisma.....you will enjoy having BIZ with us hopefully..........
ayumi,
Sana nga ay magkaroon tayo ng pagkakataon na magkita sa mga darating na panahon.
Risky talaga ang vehicle biz lalu nat pag sinamahan ng exporting. Tama ka na wala talagang madaling negosyo kaya nga extra ingat ako. Hindi ko nga lang talaga masasabi maaari akong sumunod sa sistema nila dahil may sinusunod akong sistema at prinsipyong napag kaugalian ko na. Pero bastat CLEAN ang negosyo ay OK ako lalu nat kung mag su-supply lang ako at kayo ang mag e-export.
Interesado rin ako sa iyo :D
TR250
03-28-2006, 09:08 PM
RISKY talaga pag exporting to Pinas na..kase sa red tape.,system etc..etc...pero WALA naman biz na madali di ba? at tsaka kaya lang naman mahirap ang BIZ pag hindi mo alam ang kabuuan...sa sistema sa Pinas, di na natin mababago yun,kundi sundin na lang at makipag-usap sa may kakayahan...
Naniniwala ako sa kasbihang "dont feed the trolls" na madalas ginagamit sa net. Ganyan din siguro ang aking pananaw. Naniniwala ako na ang pagbbago ay sa atin mag-uumpisa. Ang tinutukoy ko ay ang baluktot na sistema (red tape, slow motion, under the table, may kakilala ako sa taas, etc.). Marami na rin akong personal na experiensa sa mga ganitong bagay kayat siguro ay medyo nakapag-isip na rin ako. Malamang ay hindi nga natin mababago ang sistema pero kung susunod tayo sa baluktot na sistema ay walang magbabago, walang pagbabago, walang magandang bukas ang ordinaryong Pedro. Kung walang magbabato ng pagkain sa unggoy ay mapipilitang mag trabaho yung unggoy. Para ding troll sa net yan na pag pinasin ay haping-hapi siya at mas malala pa ang maaaring gawin sa susunod.
ayumi,
Naniniwala akong galit ka rin sa baluktot na sistema at natutuwa ako sa nabanggit mong CLEAN biz dahil yan talaga ang matagal ko nang hinihintay at iyan naman talaga ang dapat. Hope to do good biz with you.
abakitba
03-29-2006, 07:28 AM
Naniniwala akong galit ka rin sa baluktot na sistema at natutuwa ako sa nabanggit mong CLEAN biz dahil yan talaga ang matagal ko nang hinihintay at iyan naman talaga ang dapat. Hope to do good biz with you.
When they closed the US bases in the PI over a decade ago, I thought, good!!!
.... wala nang source nang nanakawin ang ating minamahal na politiko.
Mapilitan silang gumawa nang magandang sistema.
But what has happened is that all of us left the Philippines and are sending money home, keeping the country afloat, somewhat stable (somewhat).
So now, meron pa rin nanakawin ang ating minamahal na politiko...
the money you and I send by way of business.
That's why 'open trade' is good for business, the politicians won't be able to steal too much.
ayumi
05-27-2006, 06:41 PM
buhayin ko lang ang thread na eto...sana ok lang...
I'm thinking of extending my biz,but I'm not sure if I can make it possible.I'm kind of...having a branch in downtown L.A.,hindi ko alam kung office lang o puesto talaga ang kukunin ko.I'll have to decide within this month of JUNE..capital,know-how & customers are not the problem,ang iniisip ko,feel ko bang tumira sa L.A.?I have a very few friends in L.A.,some korean,some chinese,some British,Brazilian and a very few Filipino.Siempre. sanay na ako sa buhay Japan,ano kaya ako dito,asawa ko sa America, naku! sigurado lagi sa Vegas yun..tsk..tsk.. di puede.ako talaga ang kailangan dun.Ano kaya magiging buhay ko dun? hindi ko pa naman type sumakay ng bus nila! ang daming .... na nagkalat sa downtown and hollywood!papano kaya ako mabubuhay dun...ngeahhh....isa ng taon na akong nag-iisip kung saan ako mag-ba-branch kung sa Pinas.sa Hongkong,sa Italy o sa America...we decided na sa America nga,for so many reasons,pero eto ako,kahit na pabalik-balik na ako sa L.A.,siempre iba pa rin sa titira ka dun,mag-isa with few staff na di mo pa masyadong kilala?....CONFUSED! !!!
bakit ba dito ko nai-lagay eto?...okey,in business,adapting a business place is also one of the main factor....
v_wrangler
05-27-2006, 06:58 PM
hindi ko pa naman type sumakay ng bus nila! ang daming black na nagkalat sa downtown and hollywood!
Hello Ayumi. I was about to apply some edits but found out I have no edit priveleges in this particular forum:(. Anyways, let's try to avoid making racial references to avoid misinterpretation.
Thank you for your cooperation and I wish you success in your new ventures!
ayumi
05-27-2006, 07:05 PM
ay OO nga pala! pasensya ka na...parang racial......sorry! yun kase talaga naramdaman ko.teka ako na lang ang mag-edit..pasensya na bosing...salamat sa paalala.di ko naisip yun kaagad...puede na po ba yan? sorry po..tao lang,minsan pag nagpakatotoo sa niloloob....
Tantantin
06-06-2006, 07:10 PM
Wow, and to think you want to do business in the US. ??? :eek:
TR250
06-07-2006, 02:52 AM
Ayumi,
Sa tingin ko ay kailangan mong pag-isipan ng husto kung gusto mo ba talagang tumira sa LA. Tulad ng nasabi mo na mukha namang marami kang mapagpipilian at siguro ay mas mahusay na in love ka duon sa lugar na bago mong lilipatan. Naniniwala ako na mahirap magkalayo ang mag-asawa. Marami ngang pamilya ang nagtitis na mamuhay ng malayo sa isat-isa dahil nasa malayo ang asawa at kailangang kumita ng pera. Halata namang hindi malaking problema ang pinansyal sa inyo pero ang maipapayo ko lamang ay iba talaga ang parating kasama ang mga minamahal sa buhay.
Sa akin ay maski saang lugar o bansa basta parati kong kasama si misis at ang anak ko ay pwede ako. Isispin mo na lang ng maigi ang mga pros and cons ng gagawin mong bagong hakbang para parehong beneficial sa pamilya at sa negosyo mo.
Hello TR250
Nasa demolition business ako dito sa pinas. I do demolition of junk cars, trucks, heavy equipments and mga barko. Indeed reusable spare parts are worth more. I can do a feasibility study if ever you would want to have a joint venture on your business there if you want to bring it here in the Philippines. Magkano ba costing natin dyan kung sakali? I have ideas on the shipment, taxes warehousing and other factors in importing. Please email me at nimperio_1999@yahoo. com
Dominic Imperio
Mobile: 09187201485
houseboy
08-31-2006, 11:45 PM
Ang tanong ko ay "do you have balls of steel"?
Sir TR250, balls of steel ba ang kailangan diyan?
Siguro dapat marami ring buhok sa katawan ang kailangan.:D Kasi kung pwede lang sana ibenta ang buhok sa katawan ay naibenta na para lamang makapagsimula at maidagdag sa puhunan.
Meron akong sobrang ka-close, antagal na niya gustong magnegosyo. Lahat ng negosyo ay naisipan na niya. Nasubukan na niya magpautang, mag online merchant at nasubukan na rin niya yung maliit na palaisdaan. Pero sa bawat hakbang niya, may mga sumasalungat. Na kesyo madami daw ang nalulugi. Katwiran naman niya, hindi na baleng malugi, basta ang importante ay sinubukan. Sabi nga nila,
"You miss 100% of the shots you didn't take......";)
ayumi
09-01-2006, 12:39 AM

hello,HI! baka gusto mong mag share ng nalalaman mo sa palaisdaan ng close friend mo.
Baka puede rin naming i-try pandagadag kita....saan ba yan? sa Pinas?
houseboy
09-01-2006, 07:16 PM
hello,HI! baka gusto mong mag share ng nalalaman mo sa palaisdaan ng close friend mo.
Baka puede rin naming i-try pandagadag kita....saan ba yan? sa Pinas?
Wala na po yun. Tinigil na po ng close friend ko. Kasi parang nadala na siya. Sabi kasi ng katiwala, NINAKAW daw yung mga isda. Pero may nakakita na yung mismong katiwala ang kumuha. Sana nagsabi na lang yung katiwala. Bibigyan naman siya e.:( Pero wala nang nagawa yung close friend ko e. Gutom yung tao, pabayaan na lang. Baka sa susunod e mas malaki ang reward na matatanggap niya.
ugnayan
09-22-2006, 03:42 PM
hello,HI! baka gusto mong mag share ng nalalaman mo sa palaisdaan ng close friend mo.
Baka puede rin naming i-try pandagadag kita....saan ba yan? sa Pinas?
Hi Ayumi! I just posted a thread on Usapang Kabuhayan sponsored by the Labor Attache of the Philippine Embassy. Sana makatulong na info sa mga business opportunities sa atin, Japan at ibang bansa.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.