PDA

View Full Version : longaniza


jayb00r
03-17-2006, 09:31 AM
bigay sa akin ni esmi para daw hindi panay ramen kinakain ko

giniling na karne ng baboy
giniling na taba ng baboy (50grms taba:200grms karne or pede din wag na kung hi-blood ka)
bawang tinadtad ng pino
suka (konti lang)
paminta
asukal
asin

paghaluin lang lahat
para malaman kung tama na ang timpla sa inyong panlasa kumuha ng konti saka iprito
pag ayos na ang lasa isilid sa lalagyan ng ice candy or ibilot sa kahit anong pambalot na meron kayo

ang paraan ng pagluluto ay para ding nag luluto kayo ng longaniza
pinakukuluan sa tubig at lagyan ng konting mantika pag matutuyo na ang tubig
ihain ng mainit

mbstorun
03-17-2006, 09:35 AM
~~~wow!! bagong tip yan ah~~thanks!:D

gemini_19
03-17-2006, 09:43 AM
ano na naman ba 'to wala ng tigil na pampataba.:)

jayb00r
03-17-2006, 10:15 AM
eh mas mabuti naman po iyon kaysa naman

kain ng kain payat
tulog ng tulog puyat