PDA

View Full Version : DANIEL DINGLES' WATER CAR! bakit ayaw ng RP Goverment?

engr_jazon
07-10-2008, 04:03 PM
QwEQEXk637c
TV PATROL Report kagabi....

*************
ayus din sumagot etong si LOLO Dingle ah...

ang tagal na netong invention na to....
elementary student pa ko napanuod ko na to..
nuong ang GASOLINA ay nasa dose pesos pa lamang kada litro (12Pesos/L)....

nagkakaproblema lang dahil sa hindi raw maprove yung separation ng Hydrogen sa Oxygen as component ng tubig (H20).......kakailan ganin mo kasi ng great amount of energy para maihiwalay ang hydrogen sa oxygen rin..

Mukhang ibebenta na raw nya ang technology sa mga bansang interesado kapalit ay condition rin na 200Filipino workers ang ihihire ng mga kumpanyang bibili at mag aadopt ng kanyang Idea...

Pilak
07-10-2008, 04:48 PM
Pansin ko nga ngayon ang gobyerno ay maghahabol na dyan, kasi usap-usapan na din talaga yan... Lalo na sa patuloy na pagtaas ng petrolyo. Kapag pinakawalan ng Pilipinas nanaman ang pagkakataon na kilalanin siya na imbentor niyan ay tayo rin ang mawawalan sa huli at ibang bansa ang makikinabang sa gawa ng Pilipino...
Nakita ko yan nung highschool pa ako way back 1994 pagpapasok ako school; madalas naka park sya sa harapan ng Memorial Park sa Paranaque City, dun siya lagi madalas naka pwesto nun at naka display ang kotse niyang pula...

Ang problema kasi ng gobyerno at ng ibang imbentor ay dahil hindi nakapasa ng board exam si Dingle ay ayaw na nila I entertain dahil hindi naman daw totoo yun, but not really sure if he is now a board passer or not. Yan ang alam kong dahilan kung bakit ayaw nila i recognized ang imbensyon niya simula dati pa... Saka malaki mawawala sa income ng gobyerno at masasagasaan ang mga Oil players...

Sana matuloy nalang ang deal niya para madami din ang matulungang Filipino at mahire papuntang ibang bansa...:cool:

Thanks for the share...

luvkidz
07-10-2008, 05:27 PM

garduate or non-graduate, board-passer or not, as long as the invention is feasible and can be developed, why not? ay sus, sa atin lang naman yung nag-seset ng standards, yung status o natapos ng tao ang tinitignan...

ta totoo lang okay na rin na bilhin na ng ibang bansa yan, at least makikinabang ang marami kesa walang pumapansin. ang dami kaya Filipinos ang may potential when it comes to research pero sa atin kasi kung sino researchers sila pa walang pera.

siguro mahihirapan nya makuha ang support ng gobyerno. I don't know kung "ano" ang meron pero alam nyo ba na yung oil deregulation law matagal na pinababasura ni Tet Garcia noon pang bata pa ako at congressman pa sya pero walang sumoporta sa mga kasama nya. ngayon pa ba susuportahan ng govt yan H2O fueled cars, alam nilang halos itutumba nyan nag oil industry na "pinayaman" na ng sobra? wish ko lang maging okay na to kahit akuin na ng ibang bansa ang technology na ito na discovered and developed by a Filipino, forever naman nakatatak na na Pinoy ang nasa likod nyan...

:):)

Samaritan
07-10-2008, 09:13 PM
Matagal ng nga sinasabi ni Mr. Dingle ang invention na iyan, panahon pa ni Pres. Marcos. Five or seven years ago, nabasa ang column ni Federico Pascual Jr. sa Philippine Star na hinahamon niya si Mr. Dingle na patunayan kung tutuo ang kanyang invention.

Ayaw daw ni Mr. Dingle for security reasons. Sabi ni Mr. Pascual nagbigay siya ng guarantee na maraming pulis at military men ang magbabantay kasama na ang media kung papatakbuhin ni Mr. Dingle ang kanyang sasakyan na hydrogen powered (kuno) sa South Luzon Expressway. Pero ayaw naman daw ni Mr. Dingle. Kung tutuo bakit di niya patunayan. Nakita ko sa tv sa Magandang Umaga Bayan noong araw na pina-start ang sasakyan na iyan pero ayaw patakbuhin.

Kaya sabi ni Mr. Pascual di tutuo ang invention at ang hinala niya na may secret fuel tank na nagbibigay ng fuel para lang umandar sandali pero di pwedeng patakbuhin sa kalsada ng mga 30 to 1 hour.
Sana nga tutuo. Dito sa Japan kailan lang pinakita sa tv ang hydrogen powered na mini-car na about 1yen ang fuel consumption per kilometer. Ibig sabihin naunahan na si Mr. Dingle ng Japan.

Bored
07-10-2008, 09:55 PM
Pare, itong technology na ito, matagal na. In fact patented na ito sa isang American inventor.. Kaya lang, na poison ang nag invento sa restuarant. hehehe///:(

Dito (http://en.wikipedia.org/wiki/Stanley_Meyer)

Youtube (http://uk.youtube.com/watch?v=Ieb1qfKd868&feature=related)

Matagal ng nga sinasabi ni Mr. Dingle ang invention na iyan, panahon pa ni Pres. Marcos. Five or seven years ago, nabasa ang column ni Federico Pascual Jr. sa Philippine Star na hinahamon niya si Mr. Dingle na patunayan kung tutuo ang kanyang invention.

Ayaw daw ni Mr. Dingle for security reasons. Sabi ni Mr. Pascual nagbigay siya ng guarantee na maraming pulis at military men ang magbabantay kasama na ang media kung papatakbuhin ni Mr. Dingle ang kanyang sasakyan na hydrogen powered (kuno) sa South Luzon Expressway. Pero ayaw naman daw ni Mr. Dingle. Kung tutuo bakit di niya patunayan. Nakita ko sa tv sa Magandang Umaga Bayan noong araw na pina-start ang sasakyan na iyan pero ayaw patakbuhin.

Kaya sabi ni Mr. Pascual di tutuo ang invention at ang hinala niya na may secret fuel tank na nagbibigay ng fuel para lang umandar sandali pero di pwedeng patakbuhin sa kalsada ng mga 30 to 1 hour.
Sana nga tutuo. Dito sa Japan kailan lang pinakita sa tv ang hydrogen powered na mini-car na about 1yen ang fuel consumption per kilometer. Ibig sabihin naunahan na si Mr. Dingle ng Japan.

Bored
07-10-2008, 10:04 PM

Baka nga peke.... kaya hindi naipakita noong una.

Sa makabagong mundo, kailangan na talaga na may background sa electrical or physics. Hindi na ginagamitan ng eyeglass ngayon pag may sinuri or sa barberong idea.. Kailangan mo na ng Microscope at ibat ibang gadgets para maka tuklas.

engr_jazon
07-10-2008, 10:12 PM
tama...
ang HYDROGEN technology sa mga sasakyan ay matagal nang meron...
mahal nga lang ang technology kaya di ganun kapalaganap pa....

actually yang kay LOLO DINGLE, hindi naman yung tubig ang nag aact as fuel, but the Hydrogen....di mu naman masusunog ang TUBIG eh..hehe..
Hydrogen being a flammable gas acts as the combustion gas sa piston cylinder arrangement ng engine....

Ang sinasabi nya na nainvent nya or shall I say the main component ay yung device na naghihiwalay ng HYDROGEN sa OXYGEN...

Kaso yun nga maraming mga issue, porket ayaw daw nya ipakita yung engine saka yung system nya sa mga experts....

Another thing is yung sinasabi nyang political at economic implications....
Baka daw mawala ang gamit ng OIL kapag naexposed ang imbento nya...
(dito ako medyo nalalabuan sa kanya.. kung totoo man ang discovery nya na yan, edi ang tagal na nyang ibinenta at nakilala bilang bagong SCIENTIST sa mundo.)

Kaya sana maiDEMO nga nya sa mga experts rin ang method nya....
Malaking pera to kung tutuo man para sa Pinas.....

Marami ang may doubts pero may karapatan rin naman sya na paniwalaan natin basta ba may proof.....

Noong akoy nag aaral sa FUELS and COMBUSTION sa college,
medyo mahirap talaga paniwalaan ang kanyang principle....
Ang pagseparate pa lamang kasi ng HYDROGEN sa OXYGEN sa water(H2O) ay mahirap na....
You may need energy more than that energy na pwede mong maproduce out of the burning of HYDROGEN....
Totoo to in a chemical/scientific point....

Maniniwala ako at ipapatayo ko pa sya ng Monumento basta ba iexplain nya in a transparent way ang technology nya....specifically yung kung anu man ang nasa makina nya...

Sana matutukan rin ng DOST natin sa pinas.....
Matanda na rin si LOLO DINGLE, baka kung kelan pa mawala sya saka naten maappreciate ang works nya....

luvkidz
07-10-2008, 10:20 PM
Baka nga peke.... kaya hindi naipakita noong una.

Sa makabagong mundo, kailangan na talaga na may background sa electrical or physics. Hindi na ginagamitan ng eyeglass ngayon pag may sinuri or sa barberong idea.. Kailangan mo na ng Microscope at ibat ibang gadgets para maka tuklas.

pero give the man the chance... madaming inventions noon at ngayon ang napapakinabangan natin, at ang mga ito kadalasan ay coincidental lamang, aksidente lang pagkakadiscover.:)

@ samaritan

watch mo yung video na post ni engr jason, they tried the car pinaandar and pinatakbo.:)

aminado din naman gov't na nakarely sa oil ang revenue ng gov't, that is thru the tax they impose on oil and oil products. this i believe is the sole reason why government wont even give this man a slight chance to prove himself.

natuuwa naman ako sa kanya, after a long time of waiting, he finally gave up, he will now offer this tech to other countries, but with the provision that the lucky country will hire 200 of his fellowmen..

i feel so disgusted, but proud of him... buti pa sya he thinks of other Filipinos, ang gobyerno kaya... tayo kaya?:):)

Bored
07-10-2008, 11:25 PM
I do believe that this technology is feasible. But the main problem here, if we people use potable water to feed up to our car engine, i think its another big risk for us in the future. Just imagine , kung wala nang potable water, saan tayo kukuha? Of course we can treat our sea water into potable.. Pero hindi na natural.

Kaya nga sa mga conspirator na nag maintain ng policy na oil lang ang gamitin, ang habol nila, dapat lang uubusin muna natin ang fossil fuel bago tayo gagamit ng tubig.

Para kay lolo, dapat lang ipakita na niya ng malinaw ang blue print para walang duda at sa ganon para ma i promote na. At isa pa, may nakita ako dati na pinalabas din sa tv sa abs cbn, kerosene gas ang gamit nya sa sasakyan niya. may small device sya na na invent at tinatwag na filter. talagang hanep yon. kaya lang nawala na yong taong yon.

pero give the man the chance... madaming inventions noon at ngayon ang napapakinabangan natin, at ang mga ito kadalasan ay coincidental lamang, aksidente lang pagkakadiscover.:)

@ samaritan

watch mo yung video na post ni engr jason, they tried the car pinaandar and pinatakbo.:)

aminado din naman gov't na nakarely sa oil ang revenue ng gov't, that is thru the tax they impose on oil and oil products. this i believe is the sole reason why government wont even give this man a slight chance to prove himself.

natuuwa naman ako sa kanya, after a long time of waiting, he finally gave up, he will now offer this tech to other countries, but with the provision that the lucky country will hire 200 of his fellowmen..

i feel so disgusted, but proud of him... buti pa sya he thinks of other Filipinos, ang gobyerno kaya... tayo kaya?:):)

Samaritan
07-11-2008, 09:27 PM

Hinde lahat ng gov't ay naka rely sa revenue ng oil. kung tutuo ang invention, PATUNAYAN! Tapos ang usapan.

shintaro
07-12-2008, 10:52 AM
At first glance, mapapaWOW ka sa invention(?) ni Mr. Dingel...(naisip ko rin noon na bakit ayaw suportahan ng gobyerno ang kanyang imbensyon(?))...pero lately ko lang nabigyan ng pagbabalanse sa mga kadahilanan. meron kasing mga pros and cons ang invention(?) nya.

Dahil sa mahal ng produktong petrolyo ngayon, bigla talaga nating maiisip na ito na ang tugon sa problema natin dito. Pero kung ito naman ay maging viable sa market...mamomroblem a naman tayo sa tubig later on na mas mahirap sagupain. we can live without oil but not without water.

Tulad ng naibigay kung kuro-kuro sa isa mo(eng'r jason) pang thread, tungkol naman sa biofuel...nagdalawan g isip din ako dun dahil pagkain naman ang masasagasaan kung sakaling magtuloy-tuloy ang pag-usad nito.

Kaya't ano man ang imbensyon(?) na dumating, kailangan na rin nating balansehen dahil unti-unti na ring nauubos ang ating mga likas na yaman dahil dito... parang i want to promote yung BACK TO BASIC and NO TO INDUSTRIAL AGE.

It's about time na gumawa tayo ng sacrifices in times of crisis...but i am afraid it would be hard for us to do it.( nakasanayan na natin eh).

OT...
Invention...i always put (?) marks on it kasi I also thought that it was more appropriate to say Innovation... making something new out of the existing ones.

Bored
07-12-2008, 11:16 AM
Ang solution pag oil crisis. dapat magtipid na talaga.. At iwas nonsense trip///.. At isa pa, bili na lang kayo sasakyang low consumption of gas.. Or kaya bisiklita na lang ang i promote sa philippines.

Stacie Fil
07-13-2008, 01:15 AM
Ang solution pag oil crisis. dapat magtipid na talaga.. At iwas nonsense trip///.. At isa pa, bili na lang kayo sasakyang low consumption of gas.. Or kaya bisiklita na lang ang i promote sa philippines.

Buti na lang di na Martial Law time ngayon, nang maisip mo yan. Kung hindi, malamang magaya ka kay Ariel Oreta, ha,ha,ha.

Bored
07-13-2008, 08:31 AM
Buti na lang di na Martial Law time ngayon, nang maisip mo yan. Kung hindi, malamang magaya ka kay Ariel Oreta, ha,ha,ha.

Sir, Ano bang ginawa ni Ariel Oreta noong panahon pa ni Marcos? Sorry ha wala talaga akong alam dyan. Yung alam ko lang, itong si Ariel Oreta, host ng TV show sa channel 2 yata yun, with Lea Salonga / Bro. Then yung isa with alma moreno yata yan. Matagal na yun..

Sorry OT na..

engr_jazon
07-13-2008, 09:12 AM

sya nga ata yung sa isang game show dati sa channel 5...
nagbiro daw sa kasabihan ni Marcos...

"Sa ikauunlad ng bayan, BISIKLETA ang kailangan...."
ayun pinagbisikleta ni Marcos....heehhehe.. .

On topic, sana idemo naman nyang si LOLO DINGLE ang engine nya.....
aba malaking pera at exposure yan kung sakali...

Bored
07-13-2008, 10:46 AM

salamat sa info Engr..

sarpon
07-13-2008, 11:57 AM
sa tingin ko hoax ito. hinamon na sya ng DOST na i-demo ang technology nya sa harap ng media pero di nya magawa. saka bakit di nya i-apply ng patent para di sya matakot na gayahin ng iba yung technology/ invention nya.daming investor na willing magfinance nyan kung totoo nga.

besides it would take a lot of energy and process para mahiwalay ang oxygen at hydrogen sa water molecule. di ganun kasimple yun. im sure marami rin mga academics na nagreresearch sa ideyang ito at imposibleng di nila maisip ang ganitong technology.

ichigo1223
07-14-2008, 04:41 PM
sa ngaun ang alam ko na nagpapacool down para hindi magoverheat ang mga engine is water...
so kung water ang ilalagay mo sa engine? anong liquid pa ang gagamitin pa sa pag cool down ng isang engine...as of now wala pa yatang ibang liquid ang pwedeng ireplace sa water para gawing cooldown agent ng mga engines...
so this time i think impossible pa ung water...
malamng laging overheat ang engine mo kapag ginamit mo invention ni Mr. Dingle...:)

engr_jazon
07-14-2008, 05:54 PM

nyeks..medyo mali po ang analisa mo sir ichigo...

that does not mean na hindi mo na po pwede gamitin ang tubig to cool down the engine... actually maraming coolant ang pwede ilagay sa engine, tubig lang ang nakasanayan dahil mas practical na gamitin ito....Engines with high working temperature even would need REFIGERANTS to provide cooling... (Actually water is one of them..)

hindi naman ang TUBIG ang nag aact as FUEL naten dito sa sinasabing water car but the component or shall i say ELEMENT na Hydrogen (H2)..
isineseparate lang (ng kung anu mang component ng makina ni DINGLE, kung totoo nga) ang Hydrogen sa Oxygen.... Ang hydrogen ang sinusunog nya sa loob ng makina.... at napakalaking enerhiya ang kinakailangan talaga sa paghihiwalay palamang ng Hydrogen sa Oxygen...

so ang punut dulo ng debate sa imbensyon ni LOLO DINGLE ay yung component ng makina nya na nagagawang iseparate ang Hydrogen sa Oxygen.....
kung talagang totoo, sana kasi idemo nya sa mga eksperto......

ang tagal nang imbensyon yan, pero walang malinaw na explanation pa na lumalabas at naidodocument....
panay video lang na lalagyan ng tubig, saka papaandarin ang makina.....

kaya pati DOST medyo alangan....
so sana lang magkaron ng demo sa kanila...
kung hindi man matatawag na WATER CAR, maaaring HYDROGEN CAR na lang....
matagal na rin ang technology na ito pero kung makakatulong rin sa automotive industry ng pinas , eh magandang ideveloped rin....

ichigo1223
07-14-2008, 06:20 PM
nyeks..medyo mali po ang analisa mo sir ichigo...

that does not mean na hindi mo na po pwede gamitin ang tubig to cool down the engine... actually maraming coolant ang pwede ilagay sa engine, tubig lang ang nakasanayan dahil mas practical na gamitin ito....Engines with high working temperature even would need REFIGERANTS to provide cooling... (Actually water is one of them..)

ah ganun po pla...so water ay isa lng sa coolant na ginagamit ng engine...
salamat sa info...nadagdagan na naman ung knowledge ko...hehe

hindi naman ang TUBIG ang nag aact as FUEL naten dito sa sinasabing water car but the component or shall i say ELEMENT na Hydrogen (H2)..
isineseparate lang (ng kung anu mang component ng makina ni DINGLE, kung totoo nga) ang Hydrogen sa Oxygen.... Ang hydrogen ang sinusunog nya sa loob ng makina.... at napakalaking enerhiya ang kinakailangan talaga sa paghihiwalay palamang ng Hydrogen sa Oxygen...

so ang punut dulo ng debate sa imbensyon ni LOLO DINGLE ay yung component ng makina nya na nagagawang iseparate ang Hydrogen sa Oxygen.....
kung talagang totoo, sana kasi idemo nya sa mga eksperto......

hindi ko naman cnabi na ung tubig ang mag-aact as fuel...i mean kung ung device na nagseseparate ng water ang gagamitin sa engine ng sasakyan, since water ung sineseparate nya, so ung energy na need nya is dapat umabot sa sa boiling point ng water, as fas as I know water lang ang pwedeng coolant...kaya naicip ko na impossible pa, kc kung ung iseseparate mo ay water then ung coolant mo ay water din, e di overheat na ung engine.
But you said that there are other coolant other than water, so possible pala...
pero tanong ko din,magkano naman ung coolant na bukod sa water, baka mas mahal pa sa oil...hehehe

engr_jazon
07-14-2008, 06:29 PM
ah ganun po pla...so water ay isa lng sa coolant na ginagamit ng engine...
salamat sa info...nadagdagan na naman ung knowledge ko...hehe
......
.....

ganun na nga, mas mahal sigurado sa fuel yun....
since di nga practical na gamitin... di naman tayo mawawalan ng tubig so walang problema sa tubig... sapat na ang heat absorbent capability ng water for purposes/use in car engines...

ichigo1223
07-14-2008, 06:53 PM

cguro nga sapat ung water to heat absorbent...but...
since ung oil is lesser density than water, kaya ginamit na coolant ang water sa car engine ngaun...(sa opinion ko lng po)
but in case kay Engr. Dingle, water is the substance in Engr. Dingle's engine and water is also the coolant, which is same density...baka ung dating paglalagay mo ng water sa radiator is magiging madalas na....so parang hindi pa rin practical un...
baka isa yan sa mga reason bakit hindi sya sinusuportahan since wala pa practical coolant na pwedeng ipalit sa water...
pwede rin cguro, kung makakainbento sya ng engine na sa outside eh hindi masyado ng-eemit ng heat para magamit na coolant ang water...
but still, hindi pa rin natin alam kung ano ung nadesign ni Engr. Dingle, kung ung machine ba eh heat proof...kung heat proof yun, aba dun na tyo...db...
opinion lng po....:)

bungi
07-15-2008, 03:16 PM
ah ganun po pla...so water ay isa lng sa coolant na ginagamit ng engine...
salamat sa info...nadagdagan na naman ung knowledge ko...hehe

hindi ko naman cnabi na ung tubig ang mag-aact as fuel...i mean kung ung device na nagseseparate ng water ang gagamitin sa engine ng sasakyan, since water ung sineseparate nya, so ung energy na need nya is dapat umabot sa sa boiling point ng water, as fas as I know water lang ang pwedeng coolant...kaya naicip ko na impossible pa, kc kung ung iseseparate mo ay water then ung coolant mo ay water din, e di overheat na ung engine.
But you said that there are other coolant other than water, so possible pala...
pero tanong ko din,magkano naman ung coolant na bukod sa water, baka mas mahal pa sa oil...hehehe

@ichigo
theres a lot of alternative coolants other than water. example, is the air.
air is mostly solely used as coolant on 2-stroke engines.

you seem to be confused about the "engine" and the "water-separating device" (whatevers the name).

now if we use water as coolant...
if the water-separating device thus produces excessive heat then this will be the one to overheat and not the ENGINE.

also note that the current cooling systems of cars uses water(and cooling agent), air, fan, radiation

- water boils at 100C. if you add more water, air and radiation. i dont think it still
gonna be at 100C.

my point is simply this: The cooling system for lolos hydrogen-powered car is
NOT A TECHNICAL HURDLE.
The issue here is if this is a hoax or not!!!

ichigo1223
07-16-2008, 02:10 PM
The issue here is if this is a hoax or not!!!
Sumagot lng me sa tanong na "Bakit ayaw ng RP Government"...so ang opinion ko po is wala pang practikal na "cooling system" para sa "engine" or "device" na invented ni Eng'r Dingle. Like bossing sarpon said:

besides it would take a lot of energy and process para mahiwalay ang oxygen at hydrogen sa water molecule. di ganun kasimple yun. im sure marami rin mga academics na nagreresearch sa ideyang ito at imposibleng di nila maisip ang ganitong technology.

actually naniniwala ako na possible talagang mangyari yan, and I believe the thread starter also believe that,right Engineer. But for the current technology, kaya "hindi sya feasible" pa sa ngayon.

so ung sagot ko po sa tanong is in technicality or feasibility ng invention, Quote ko rin ung isa sa mga reason kung bakit ayaw ng RP goverment that was given by Mod Pilak:

Ang problema kasi ng gobyerno at ng ibang imbentor ay dahil hindi nakapasa ng board exam si Dingle ay ayaw na nila I entertain dahil hindi naman daw totoo yun, but not really sure if he is now a board passer or not. Yan ang alam kong dahilan kung bakit ayaw nila i recognized ang imbensyon niya simula dati pa...

dito ba nagsabi sya ng hoax or hindi? hehehe
I'm just answering the question po...
so kung mali po ung pineresent kong technical reason, sorry mo sa mga tachnically inclined members natin...but still I believe the there's a technical reason/s "Bakit ayaw ng RP Government" and invention ni Eng'r Dingle.
just that mali lng "siguro" ung binigay kong reason...hehehe
but still I believe the cooling system is the technical problem on Eng'r Dingle's design.

sorry po OT na, explaining my side kung bakit ako nakisali sa thread...hehe
peace to all...: peace:

engr_jazon
07-16-2008, 05:04 PM
Sumagot lng me sa tanong na "Bakit ayaw ng RP Government"...so ang opinion ko po is wala pang practikal na "cooling system" para sa "engine" or "device" na invented ni Eng'r Dingle. Like bossing sarpon said:
.................... ...................
actually naniniwala ako na possible talagang mangyari yan, and I believe the thread starter also believe that,right Engineer. But for the current technology, kaya "hindi sya feasible" pa sa ngayon.
.................... ....................
so ung sagot ko po sa tanong is in technicality or feasibility ng invention, Quote ko rin ung isa sa mga reason kung bakit ayaw ng RP goverment that was given by Mod Pilak:
.................... ..
dito ba nagsabi sya ng hoax or hindi? hehehe
I'm just answering the question po...
so kung mali po ung pineresent kong technical reason, sorry mo sa mga tachnically inclined members natin...but still I believe the there's a technical reason/s "Bakit ayaw ng RP Government" and invention ni Eng'r Dingle.
just that mali lng "siguro" ung binigay kong reason...hehehe
but still I believe the cooling system is the technical problem on Eng'r Dingle's design.

sorry po OT na, explaining my side kung bakit ako nakisali sa thread...hehe
peace to all...: peace:

******************** **********

cooling system is out of the topic ichigo san.... (not OT sa thread, but i mean di sya ganun kalaking problema sa engine lalo na dito sa engine ni lolo dingle...)
kung ang normal gas at diesel engine nga nakakaya na nating palamigan gamit ang air at tubig lamang, eto pa kaya....

ayun na rin sa info galing kay DINGLE at sa present conditions ng mga Hydrogen Cars, mas malakas pa rin ang makina ng mga Engine na dependent sa gas at diesel...sa hatakan palang malayu pa ang technology ng hydrogen cars compared sa gas/diesel engines........ mataas ang tinatawag na HEATING VALUE (enerhiya)
ng mga fuel na derived sa hydrocarbons, lalo na ang diesel at gasoline....

so isantabi na natin yang Cooling-Down problem na yan sa usapan.......
paandarin na muna natin ang makina bago problemahin ang cooling system nya...

magtiwala ka nalang saken sa point na ito ng argumento....

i started this thread
1. to inform
2. to ask opinions at kuru kuro
3. somehow to educate others about the oil crisis experienced throughout the world
4. at iba pa....

ang stand ko sa topic natin ay neutral nalang sige.....(medyo..heh e...)
i am relying on present facts about the science of combustion
and hanggat di nadedemo ni LOLO DINGLE ang makina nya at maipakita yung part ng sasakyan nya na nagseseparate ng hydrogen at oxygen (sa tubig, H20) im giving him the benefit of the doubt....

maraming salamat sa ating mga matatalinong members ng TF sa pagsshare na kani kanilang knowledge.... opinyon, kuru kuro at puna......

sana rin (yung mga basa mode lang dyan), somehow marealize natin ang pagCONSERVE ng ENERGY....

nauubos na po ang fossil reserves ng mundo, kaya please do your part....
maliit na bagay man yan, malaki na rin ang maitutulong pag pinagsama sama natin.... contribute and share.......

bungi
07-16-2008, 08:42 PM
@ichigo
if you are really sold out by the idea that the cooling system is the problem then present
it with facts or anything that we can grasp at. just as how we rebuffed your idea. the DENSITY of water, oil and fuel has nothing to do with the cooling system!!! theres a lot of information
about the cooling system in the net, please read if you havent done yet.

@topic
The fact that not even 1 with technical expertise has check his invention makes me doubt
about the authenticity of this invention. And if his reason is security, then theres a thing
called patent=)

engr_jazon
07-16-2008, 09:43 PM

thanks for the added info you said...
sana nalinawan na rin ang ating kaibigan na si ichigo san....

tama ka dyan bungi san....
mukhang may nalalaman ka rin sa makina ah... may intellectual property rights naman sa pinas.. at patent....
kung HYDROGEN car, medyo huli na nga si DINGLE...
kung mapapatunayan nalamang nya yung parte or equipment nya ng makina nya na nakakayang ihiwalay yung Hydrogen sa Oxygen, maybe dito nalang ang laban ng engine nya....

well sana nga maidemo nya....
para di na rin sya sinasabihan na BALIW... (ayun na rin sa interview sa kanya)
but a brilliant scientist kung sakaling OK nga....

bungi
07-16-2008, 10:18 PM
@engr_jazon
no=) i just read it on the net. ehehehehe

and i agree with you also. theres a lot of hydrogen cars being developed and tested.
if you search youtube, theres even a japanese car(driven in osaka) that runs on hydrogen
with a big white square box that separates hydrogen and oxygen. they said even TEA
can be used. ehehehe

engr_jazon
09-30-2008, 11:01 AM
eto po yung thread ni DINGLE

kidperez
09-30-2008, 11:13 AM
my physics professor during my college days told us that it was a hoax.

His research was backed by a giant car manufacturer but wasn't able to successfully develop his proposals. So he faked his developed machinery but the beans were later spilled to the sponsors. So the sponsors quit on him and he lost his fundings and went mad(became a mad scientist).

I don't know if this is true... just sharing!

Dax
09-30-2008, 11:25 AM
saka bakit di nya i-apply ng patent para di sya matakot na gayahin ng iba yung technology/ invention nya.daming investor na willing magfinance nyan kung totoo nga.Patent ni Dingel: Link 1 (http://www.freepatentsonlin e.com/y2004/0202905.html), Link 2 (http://www.patents.com/Water-powered-fuel-cell/US20040202905/en-US/)