View Full Version : WORKAHOLIC SA JAPAN
stariray
03-18-2006, 12:11 AM
15yrs.na ko dito japan and I experienced a very hard work here!talagang uubusin ang lakas mo:cry: kulang ang oras para mag rest~di katulad sa pinas noong nagwowork pa ko dun mas marami pa yung breaktime kesa sa trabaho:D oo nga kumikita ka nga ng lapad pero sulit naman ang pagod mo!akala ko pagdating ko dito sa japan mas marerelaks ng routine ko sa buhay yun pala dusa sa pagkita ng yen:eek:
fremsite
03-18-2006, 12:15 AM
15yrs.na ko dito japan and I experienced a very hard work here!talagang uubusin ang lakas mo:cry: kulang ang oras para mag rest~di katulad sa pinas noong nagwowork pa ko dun mas marami pa yung breaktime kesa sa trabaho:D oo nga kumikita ka nga ng lapad pero sulit naman ang pagod mo!akala ko pagdating ko dito sa japan mas marerelaks ng routine ko sa buhay yun pala dusa sa pagkita ng yen:eek:
hello stariray ... ( cute naman ng handle name mo :) ) matagal ka na pala dito .. oo .. ganyan talaga dito .. yen nga kinikita pero pagod naman katawan .. kaya yung iba pag yasumi talaga .. either sa house lang or naga-abroad para masulit yasumi .. pampa-relax ba .. ikaw din .. ingatan mong sarili mo .. huwag abusuhin at ikaw din ang mahihirapan .. ganbate..! :)
TR250
03-18-2006, 02:49 AM
Huwag kang mag-alala dahil hndi ka nag-iisa. Matagal na rin ako dito at masasabi ko ring parang Hapon ako kung magtrabaho na minsan nga ay pati Hapon ay nagtataka sa endurance ko. Sa akin ay mula pag-gising sa umaga hanggang bago matulog ay trabaho. Sisiw sa akin ang 16 hrs sa trabaho at nakangiti pa ako niyan. Kadalasan ay 18hrs at minsan naman ay walang tulugan. May insomia ako kayat hindi ko kailangan masyado ang matulog kaya OK lang. Sa umaga ay nag-aayos ng mga sasakyan o di kaya naman ay naghahanap ng mga stocks. Andiyan na rin ang paglilibot-libot sa tropa para makipag chika na importante rin sa trabaho. Pag Linggo naman ay kasama ko rin ulit yung mga katropa na nagmomotor sa bundok at importante rin ito sa trabaho. Sa gabi naman ay babad sa net dahil sa e-mails, mga binibili at binebenta sa net at yung pakikipag-usap sa mga katropa mula sa ibang bansa na baliktad ang oras dito sa Japan kaya madaling araw lang kaming pwedeng mag-usap.
Bagamat heavy sched ay hindi nawawalan ako ng oras sa pamilya at anytime ay tinitigil ko ang trabaho lalu nat pag gusto akong kausapin ng pamilya ko. Kadalasan nga ang topic ng pinag-uusapan namin ni misis ay trabaho rin. Pag may sankambi sa iswelahan ang anak ko ay parati akong nag ta-time at pinipilit kong isingit ito. para sa akin ay kung pwede nga lang na hindi matulog ay hindi ako matutulog dahil sayang ang oras.
Sa akin ay basta pagkakakitaan ay anytime OK, rain shine or snow handang magtrabaho may pabaon pa akong smile sa iyo :D
Dipende rin siguro yan kung salary man siya o negosyante dahil magkaibang mundo ang dalawang ito.
Tonyang
03-18-2006, 09:43 AM
Stariray, maganda iyung tema.
Tayo masisipag sa pagkita ng yen para makapagpadala sa mga mahal natin sa buhay sa Pinas... magandang hakbang din ito dahil malaking tulong sa kanila. Pero tayo kaya iniisip din nila kung nagkakasakit o gaano kahirap ang araw-araw nating pakikisalamuha sa mga katrabahong Hapon? Well yes, tiyaga at sipag para kumita ng mas malaki. Sana puno't dulo - huwag tayong makalimot sa ating sarili dahil dapat nating mahalin ang ating sarili rin.
Pagtanda natin, may kasiguraduhan na ba ito? Di ba malaking adjustment kung uuwi tayo sa Pinas? Do we have a choice? Gusto ba nating tumanda sa Japan? May lugar ba tayo rito para mabigyan ng parehong treatment na ibibigay sa atin kung matatanda tayo sa Pinas? O wala tayong siguradong lugar kung saan tayo tatanda? Isipin din natin ito...
Tayo na masisipag at nagtitiyaga para kumita ng pera sa ibang bansa para sa mga mahal natin sa buhay... di kaya tayo ang mga pulubi at mga api pag matatanda na tayo? Tanong ko lang naman.
honeybunny
03-18-2006, 07:26 PM
15yrs.na ko dito japan and I experienced a very hard work here!talagang uubusin ang lakas mo:cry: kulang ang oras para mag rest~di katulad sa pinas noong nagwowork pa ko dun mas marami pa yung breaktime kesa sa trabaho:D oo nga kumikita ka nga ng lapad pero sulit naman ang pagod mo!akala ko pagdating ko dito sa japan mas marerelaks ng routine ko sa buhay yun pala dusa sa pagkita ng yen:eek: pareho tayo ng nararamdaman ngayon:( ,lalo dito sa kaisha ko,kaming mga gaijin ang gumagawa ng mahihirap na trabaho:mad: , nagrereklamo na nga ako minsan sa mga obasan,na koshi itai,kata itai:weep: ,sagutin ba naman ako ng mada wakai desuyo? kaya heto,gamanshiteru na lang ako:O ,kasi medyo maganda ang pasweldo ng kaishang napasukan ko,at saka kelangang mag gambaro,gusto kong makapag ipon at makabili ng hacienda sa pinas:D ,at pagod na daw ang danasan ko sa kakasulat ng ririksyo ko,kasi nakasampung beses na daw akong nag papalit palit ng trabaho:grinny:
日本で働くなら日本の常識や道徳に則って働 き生活するべき。それができないなら自国へ 帰りそれなりに文句たれながら生活すればい いんじゃないの? つべこべ言ってないでや るべきことすれば?みんなそれなりに頑張っ てんだから。
dcb0620
03-19-2006, 08:12 AM
ohayo gozaimasu! stariray....ako nga 1 year pa lang dito sa nihon stressful na pero kung time ng sweldo na stress out ako kasi lapad ang tinatanngap ko 12 hours ako nag tatarabaho sa isang araw including sangio na mahirap n masarap kasi iba work ko sa pinas compare dito pero naka adjust n ko sa work sa klima, sa mga hapon even sa mga pinoy n kasama ko dito sa trabaho at sa bahay, alam mo b marami n nagbago sa pananaw ko sa buhay at plano ko simula n nagpunta ako dito sa nihon masasabi ko na swerte ako kung hindi sa lola kong haponesa wala ako dito sa nihon by the way andito n kami ng mga kapatid ko at tatay ko gambateru kami sa work kailangan kasi its our choice to stay here nobody forced us to go here and to work here kaya kailangan magtyaga at magsumikap thankful din ako kasi yun pangit na ugali ko bilang isang pilipino nbago na lalo sa time efficient ako kasi nga ang bilis ng oras dito kulang ang isang araw n yasumi kaya minsan tumatanggi na ko kapag pinapapasok ako ng yasumi kasi nga lagi ako nagmamadali sa paglilinis ng bahay paglalaba pagpunta sa supa at iba pang gusto kong gawin haaayyyyyyy masarap na mahirap talaga pero kailangan lagi tayong positive sa nau mang gagawin natin especially dito sa nihon lalo n gaijin tayo basta wasurete shinai watashi tachi wa piripin jin desu! kahit andito tayo sa nihon baguhin lan natin pangit n ugali natin pero ang pagiging pinoy natin at ang mga magagandang ugali ntin will still remain daijobou ! napahab na reply actually ang dami ko pang gustong sabihin next time n lan ulit baka maging novel n to hehehe......basta gambatte itsumo! gamabaru! at gambaremasho!
yoi ichinichi o!
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.