PDA

View Full Version : Most Unforgetable Moment in the Philippines

JosephSensei
07-13-2008, 10:18 AM
Hello kaTFs, what is your most unforgetable moment in the Phillipines?

Ako, In 2005, when I met my Older brother after 20 years na lumayas siya. Di na namin kilala ang isa't isa. Taxi driver siya at ako ang pasahero niya. Sumakay ako sa taxi niya papuntang NAIA para sa biyahe ko papuntang Japan. Nagtanong siya kung taga saan ako, sabi ko taga Zamboanga City. Sabi niya may mga kapatid daw siya sa Zamboanga City. Sabi ko sinu-sino? Ang unang pangalan na binanggit niya ay ang favorite niyang bunso na si Joseph (ako yon). He was 7 years old noon karga karga niya daw si Joseph bago siya naglayas sanhi ng paghiwalay ng parents niya ( amin nga yon). Sabi ko naman ako rin may brother pero di ko na nakita, pangalan niya si Luis. Sabi niya Luis daw pangalan niya.....so doon kami nagyakapan at nag-iyakan...pero time na para pumasok ako sa Airport...sayang ang panahon at paalis na ako. Ngayon we communicate through long distance na lang.

Kayo, anong unforgetable moment nyo?

musikaghie
07-13-2008, 10:23 AM
Nakakaiyak naman ang story mo, nagkataon na pinagtagpo kayong magkapatid

para magkakilala, Minsan gumagawa talaga ang tadhana ng paraan, mga di

sinasadyang bagay sa panahon na dapat mangyari.:) At least nagkita at nag

kakilala kayo, kahit malayo kayo ngayon sa isat isa may komunikasyon pa rin

kayo.

I'm happy for you Friend.:)

JosephSensei
07-13-2008, 10:33 AM

Thanks. I hope he is doing great in Manila. Sana balang araw nanay ko naman..he he he

How about your most unforgetable moment?

ninang
07-13-2008, 10:35 AM
most unforgetable po sa akin noong ako'y magpunta dito sa japan..;)

megami704
07-13-2008, 10:40 AM
ganda naman ng sayo, unforgettable nga.

Ako naman, ewan ko, dami din naman masayang moments pero wala akong masasabing unforgettable. Siguro yung nagchristmas sa amin yung mom ko at nagbati na sila ng tatay ko after a bitter seperation nung 2000 yata yun.

musikaghie
07-13-2008, 10:42 AM
Ako Unforgettable moment ko, napakarami... Pero pina unforgettable ko yung sa

Pamilya ko, lumaki kaming 3 magkakapatid sa pagmamahal ng mga magulang ko.

Sabay sabay kaming kumakain, nag oorasyon, nagdadasal, nagsisimba.

Kahit mahirap lang ang buhay namin buo ang pamilya at masayang nakakaraos

sa buhay araw araw. Ako ang panganay kaya ako ang tumatayong kadamay ni

Mama ko sa mga gawaing bahay. Di ko makakalimutan hanggang bago mawala

sa mundo si Papa ko, puro pagmamahal din nila sa isat isa ang nakita ko.

Para sa akin yung magkakasama pa kaming lahat noon na wala pa kaming

sari sariling pamilya ang pinakamayan at di ko malilimutan sa buhay ko.

Kahit na mahirap kami masaya kami pinalaki ng mga magulang ko at nabusog

kami sa pagmamahal nila.

Ganoon pa rin kami hanggang ngayon, pero siyempre may kanya kanya ng buhay

at pamilya kaya medyo iba na, ngayon naman sa mga anak at pamilya naman

namin ibinibigay at ibinubuhos ang pagmamahal na nakalakihan naming magkaka

patid.:):)

honey
07-14-2008, 03:54 PM
JosephSensei
Nakakaiyak naman story mo maiksi pero muntik na bumaha ng luha dito naghalo halo kasi ang emotion na naramdaman ko.

Unforgetable Moment hmmm... nung araw na na-damasareta ako nov. 7 yon, araw na sinakal ako este kinasal pala:D.

Naitatanong sa akin ni hubby yang unforgetable moment ko daw?? yan yon yung araw na pumasok ako sa magulong buhay :biglaugh: .

shakey
07-15-2008, 07:38 PM
ang galing naman ng pag kikita nyo...:)

ako ang unforgetable na ngyari sa buhay ko na di ko malilimutan ay...nung bata ako pumunta kami ng park..sinabunutan ako ng unggoy..langya daming tao nahiya talaga ako.

choelin_chas
07-17-2008, 02:20 PM
sensei, nakakaiyak naman story mo. :O

biglang tumulo luha ko... :( :cry: naalala ko kase ung adopted brother ko.matagal ko ng diko sya nakita (kinuha kase sya sa tunay nyang father).. :( ang laki laki na cguro nya ngaun...:( sana magkita kami balang araw~! :( :cry:

JosephSensei
07-17-2008, 07:16 PM
You can also read my life story here......
http://timog.com/forum/showthread.php?p=657 361#post657361

summergirl
07-17-2008, 07:35 PM
unforgetable moment ko ng umuwi akong patay na ang father ko,pinapauwi nya ako ,yun pala kailangan nya ng operahan sa puso para makaligtas sya pero di nya sinabi sa amin,nag pabili sya sa akin ng golf short,balat na shoes,dalhin ko daw ng thursday..April 18,pag uuwi ako,yun pala that day sya nabawian ng buhay,sa probinsya sya namatay sa loob ng wagon namin dahil kung mamamatay daw sya gusto nya sa probinsya,nag pagawa sya ng amerikana nya,i rush daw at gagamitin ng thursday,yun pala that day din sya mamamatay..Yun ang unforgetable moments ko..

Na touch din ako sa story mo maestro,ang good Lord ang nag adya nun para mag kita kayong mag kapatid,.napakatalin o talaga nya..

JosephSensei
07-17-2008, 07:53 PM

My friend, alam ko angel mo ngayon dad mo..Go on with our life and help others lang ok? alam ko you are doing great job for the kids.

nagdududa14
07-17-2008, 07:54 PM
moment po ba?:D:D:D

dami kong moments dito sa pinas ..pero,ang 1st sa list ko un,,
sinabunutan ko un tita ko from hauZ nila hanggang palabas ng gate namin:O,,y?kasi po hindi nia man ginalang un mama ko,,akala mo kung sinu umasta,,ayun de nawala yabang nia..tagal ko na tiniis un mga ginagawa nia sa family ko..
akala ko ,,mapapagalitan pa ako nun,,pero natuwa pa sila :D,,alam ko bad un pero tama lang un ginawa ko sa kanya....nag sori ako sa tito ko but never sa kanya..period!

sky
07-17-2008, 10:21 PM
Yun panahon na nasa Destino tatay ko ( na hindi ko maintindihan bakit walang sweldo ...okashii :rolleyes: ) ..wala kaming kapera pera at ang natitira na lang pera ni nanay eh kasya lang sa pambili ng 1/4 kilo na bigas ilulugaw na lang sana nya para dumami (:D) at kumasya sa amin.

kaso mo akalain mong madapa ako sa putikan ..ayun putik ang nakinabang sa bigas ~~ di ko makalimutan yun klase ng iyak :cry: ko at iyak ni nanay dahil papaano kami kakain?

pasalamat na din at nadapa ako dahil nalaman ko na may tao pa din na handang tumulong kahit na hindi mo ka anu ano..

summergirl
07-17-2008, 10:44 PM
My friend, alam ko angel mo ngayon dad mo..Go on with our life and help others lang ok? alam ko you are doing great job for the kids.

Thanks prend..

choc nut
07-18-2008, 12:29 AM
your so lucky naman sir joseph.........imagi ne ,after 20 years n di kayo ngkita ng
brother mo...guzen ng cross ang landas nyo..

bout naman my most unforgetable moment..it was my 8th years old birthday..
maaga akong gumising para mag prepare sa pagpasok s school..it was my b-day kya excited ako and mg hahanda cla nanay..before going to school,nakaugalian
n namin n mag kiss s cheek ng nanay,tatay at lola ko kya ng kiss ako s kanila..
pumasok n ko s school..wala p akong 1 hour n nasa school,sinusundo n ko ng
cousin ng nanay ko at saying patay n daw lola ko.shocked ako kc okey na okey
n that time lola ko.(by the way, may cancer ang lola ko.she was operated few years ago and tinaningan ng doctor to live for less than a year..but na extend p life nya more than 2 years.)tanggap naman nmin that she will leave anytime ..
but not on my birthday..iyak ako ng iyak nung nakita ko syang wala ng buhay..
love n love ko kc lola ko eh..after that, buhay p kasi parents ng father ko,ntatakot ako pg malapit ng dumating birthday ko kc i was thinking na baka any of my lolo or lola s father side eh mamatay n nman..buti n lng when they died di nataon s birthday ko.. that was my most unforgetable moment.. :cry:

little_star
07-18-2008, 04:33 AM
dko mapigilan ang lumuha!sino ba nman ang makakapag sabi after 20 na wala kayong communication ng kuya mo,sa oras pa ng flight mo papuntang japan!kayo magkikita!sensei~ sinusuklian ni lord ang paghihirap mo,ang mga pagsisikap,at pagiging mabuting tao mo.....pinahanga mo ako kasi kahit anong dagok na dumaan sa buhay mo dka nawalan ng pag -asa at determinadong makatapos ng pag aaral...... ang dko makakalimutan na moment sa buhay ko ay yong umalis akong papuntang japan na hindi man lang ako hinatid ng tatay ko,eh wala nman pasok ng araw na yon at isa pa taxi driver ang tatay ko,kaya expect ko na maihahtid nya ako!yon na pala huling paalam ko at di na kami mag kikita!dko man lang sya naabutan!!!!umalis akong baon ang lunkot pag uwi ko sumalubong sa akin ay mas malungkot......dahil pumanaw na ang tatay ko......waahhhh

Jyellenny
07-18-2008, 07:33 AM
Hello kaTFs, what is your most unforgetable moment in the Phillipines?

Ako, In 2005, when I met my Older brother after 20 years na lumayas siya. Di na namin kilala ang isa't isa. Taxi driver siya at ako ang pasahero niya. Sumakay ako sa taxi niya papuntang NAIA para sa biyahe ko papuntang Japan. Nagtanong siya kung taga saan ako, sabi ko taga Zamboanga City. Sabi niya may mga kapatid daw siya sa Zamboanga City. Sabi ko sinu-sino? Ang unang pangalan na binanggit niya ay ang favorite niyang bunso na si Joseph (ako yon). He was 7 years old noon karga karga niya daw si Joseph bago siya naglayas sanhi ng paghiwalay ng parents niya ( amin nga yon). Sabi ko naman ako rin may brother pero di ko na nakita, pangalan niya si Luis. Sabi niya Luis daw pangalan niya.....so doon kami nagyakapan at nag-iyakan...pero time na para pumasok ako sa Airport...sayang ang panahon at paalis na ako. Ngayon we communicate through long distance na lang.

Kayo, anong unforgetable moment nyo?

Josephsensei, aba pang MMK ang istorya na ito or pang-REGAL - blockbuster!
Pinatatawa lang kita pero talagang this is a poignant true story of how GOD works in many ways. Thank HIM for this one wonder of your life!

JosephSensei
07-18-2008, 09:49 PM

Thank you.