PDA

View Full Version : About my husband's income tax refund...

pola228
03-21-2006, 09:03 PM
Good day po mga ka TF...Last year nagpaayos po kami sa kakilala ko sa Chiba ng income tax refund ng asawa ko(hapon)..nakuha naman buo..yun nga lang kinaltasan ng nagayos ng 25% at yun naman ang napagusapan namin...

ask ko lang po kung madali lang po ba yun ayusin kung asawa ko nalang ang magaayos? sayang kasi 25% ...kayo po ba pinapaayos nyo o kayo na mismo nagaayos(husband)?
Yung gensen nya po dumating na kasi, advice naman po kung paayos nalang ba o kami magayos at kung kami pano?

advance thanks!

striver
03-22-2006, 11:59 AM

about your inquiries, marami ng post here in TF about it. try to search for it here. yes you can do it by yourself. malaki rin kasi ang 25% na mawawala sa iyo eh. last month i just do it by myself with some advise i get here also.:)

pola228
03-22-2006, 12:43 PM

thanks striver..pero hinanap ko sa mga thread wala akong nkita na related sa problema ko..
di ko nga po alam kung pwede bang asawa ko nalang maglakad nun kasi tumawag kami sa jemsho wala raw silang alam dun...

kaya kung sino man po na may asawang hapon dito na sila mismo ang nagaasikaso ng income tax refund( ito po ay nakukuha ng buo dahil ang japanese ay may asawang foreigner) paki share naman kung pano nya yun makukuha by himself..thanks!

striver
03-22-2006, 05:47 PM
i want to clarify first about your tax refund. baka kasi ang pagkakaalam mo eh every year eh pwede kang mag refund ng tax. di po ganun. pwede ka lang mag refund ng tax kung may nabago sa mga dependent mo na dinideclare don sa nenmatsu chousei kung tawagin here in japan, na every year eh sinasubmit ng bawat employee here. so, kung na ideclare na ng mister mo lahat ng dependents nya this year, next year po eh, wla na siguro kayong reason to get it. makakarefund lang ulit kayo halimbawang nagkaanak ka which means meron na namang bagong dependent sa part ng mister mo, or may work ka ngayon din next year eh nawalan po. something like that. or merong emergency nangyari merong nadisable halimbawa, in that case pwede rin kayong makapag refund ng tax na binayad ng mister mo.

madali lang ang procedure, at kayang kaya ng mister mo. since narito kayo sa japan as his dependents, mas kunti na lang ang papers na kailangan nyang prepare. he must only go to tax local office (zeimusyo), then submit the following documents:
1) gensenchousyo (源泉徴収)
2) letter about tax refund
3) residence cetificate (住民票)
4) some proofs about his relation to his dependents like birth certificate

punta lang sya don sa tax local office sa lugar nyo then, magtanong lang sya regarding sa 扶養家族の税金の還付 (fuyoukazoku no zeikin no kanpu) then may magtuturo na siguro sa kanya don. ganun lang din kasi ang ginawa ko eh.:)

pola228
03-22-2006, 09:17 PM

thanks striver sa pagbibigay pansin sa aking katanungan:) ask ko lang kung yung sa gensen n dumarating every end of the year n yung amount ng gensen chosyu je gaku(sorry for the spelling) ang binabanggit mo? kasi sabi naman nung kakilala kong nagaayos nun pwede daw yun ma refund every year kaso problema hindi sila nagaayos ng 1 year lang ang gensen dahil maliit lang daw yun...at ang reason bakit na r-refund yun ng buo ay dahil may law daw na ganun para sa mga asawang foreigner na nagpapadala or nagbibigay ng financial support sa mga kamaganak sa bansa nila..kaya isa sa mga requirements ay ang mga resibo ng bank remittance...:confus ed:

pola228
03-23-2006, 12:20 AM
Last March13 nagpunta po ang aking byenan sa Jemsho to file income tax refund..dala ang gensen choshu sho ng asawa ko at resibo ng hospital at taxi fare...tinotal po iyon at di po sya umabot ng 10mang (94000+) at kulang ng 6000yen kaya walang na refund...(january kasi ako nanganak kaya yung resibo na binayad sa hospital next year pa magagamit)..

Pero iba pa po yung sinasabi ko na ma r-refund yung 100% na gensen choshu jegaku...makikita po iyon sa gensen choshu sho ng asawa nyo po..may law daw po na ganun kaso di lang bulgar...yun na nga po last year pinaayos ko nalang yun sa kakilala ko..kinuha nya ang 4 consecutives years na gensen choshu sho ng asawa ko at naghintay ng 1 buwan at mahigit then dumating ang notice from shakusho na ipapasok na raw nila ang amount na ganito sa bank account ng asawa ko..at yun na nga...

problema ko lang sayang kasi 25% pag pinaayos sa iba...e kung may alam ang mga ka tf regarding this matter edi kami nalang po ng asawa ko maglalakad...tinanon g ko po yun sa nagaayos kung pwede bang asikasuhin yun ng asawa ko sabi nya pwede naman yun e kung alam daw namin procedure...ngek!:(

pola228
03-23-2006, 12:36 AM
pwede ka lang mag refund ng tax kung may nabago sa mga dependent mo na dinideclare don sa nenmatsu chousei kung tawagin here in japan, na every year eh sinasubmit ng bawat employee here. so, kung na ideclare na ng mister mo lahat ng dependents nya this year, next year po eh, wla na siguro kayong reason to get it. makakarefund lang ulit kayo halimbawang nagkaanak ka which means meron na namang bagong dependent sa part ng mister mo, or may work ka ngayon din next year eh nawalan po. something like that. or merong emergency nangyari merong nadisable halimbawa, in that case pwede rin kayong makapag refund ng tax na binayad ng mister mo.

thanks narin striver sa info na ito kasi di ko rin to alam e:D

ganda_girl89
03-23-2006, 12:43 AM
ask ko lang po kung madali lang po ba yun ayusin kung asawa ko nalang ang magaayos? sayang kasi 25% ...kayo po ba pinapaayos nyo o kayo na mismo nagaayos(husband)?
Yung gensen nya po dumating na kasi, advice naman po kung paayos nalang ba o kami magayos at kung kami pano?

my answer is madali lang.nagawa ko na dati yan last year at si striver din yata.

heto ang lumang thread about income tax refund>>>http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=209&highlight=refund

OT.
manlilibre daw si striver sa mga TF members kapag dumating na ang tax refund nya.

pola228
03-23-2006, 01:00 AM

naku thanks ate gandara!!!!:D pasensya na naduling yata ako sa kakahanap nung isang gabi...at diko nakita yun...thanks talaga..the best talaga ang mga ka TF:) :)

pola228
03-23-2006, 12:05 PM
my answer is madali lang.nagawa ko na dati yan last year at si striver din yata.

heto ang lumang thread about income tax refund>>>http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=209&highlight=refund

OT.
manlilibre daw si striver sa mga TF members kapag dumating na ang tax refund nya.

ate pareho lang ba ng procedure kung income tax ng asawa ko ang i r-refund?

ganda_girl89
03-23-2006, 07:19 PM
ate pareho lang ba ng procedure kung income tax ng asawa ko ang i r-refund?

pola,madali lng ang mag apply ng tax refund.pwera sa pag fill up ng form,wala pang 15 min ay tapos na.

same procedure lahat kapag nag apply tayo ng tax refund pero kapag nag apply tayo ng tax refund meron tayo dapat reason o meron dapat cause kung bakit tayo nag-aapply.iba-iba ang dahilan natin at ang dahilan na yun ay tinitingnan ng tax officer kung naayon sa taxation law ng japan.maaring iba yung reason at cause ko sa asawa mo pero iisa lng ang procedure.

kung masasagot mo o ng husband mo ang 3 tanong na ito,makaka refund kayo ng maayos at madali.

1. ano ang dahilan o bakit kayo nagrerefund ng income tax?

(sampol na sagot kung ako ang tatanungin>>>meron akong kapatid sa pilipinas na pinapag aral at ayon sa tax law ng japan,ang foreigner na nagbabayad ng income at residence tax sa jpn ay pwedeng mag appply ng refund kung may sinusuportahan syang kamag anak sa labas ng jpn ng hanggang sa 6th degree ang relasyon at 3rd degree sa spouse).

2. may proof ka ba na sinuportahan mo sya?

(sampol na sagot ulit>>>>yes. meron akong resibo ng international money remittance na ipinadala sa kanya.also,inabot ko ng personal sa kanya.meron akong mga withdrawals sa bank account ko na natyempong malapit sa araw na umuwi ako sa pilipinas na kumpirma sa tatak sa pasport ko.).

3. kung sakali at hilingin,mapu-prove mo ba na nasa loob ng 6th degree ang relation nyo?

(sampol na sagot>>>yes.our birth certs will show na iisa ang parents namin.

note:
kung may fax ka,ipa fax ko sa iyo ang isang dokumento at ipapakita mo na lang yun sa tax officer.wala ka ng sasabihin para malaman nya na gusto mong mag apply ng tax refund.
also,better to write your reason letter kung bakit ka narerefund para maiwasan ang mahabang tanungan doon sa window ng tax officer.
nasa hard disk ko pa ang reason letter ng mag apply ako.kung gusto mo,pwede kong i e-mail sa iyo as sample yun pero sa april pa kc naka pack na ang pc ko(ask striver at baka may kopya pa sya).

pola228
03-23-2006, 10:15 PM

gud pm ganda_girl89!

Again maraming salamat sa malinaw mong pagtugon sa aking mga katanungan...malinaw nga na kaya naman palang kami nalang ang magasikaso nun:) sayang talaga ang 25%...bakit kaya yung nagayos samin 100% talaga na refund? sana 100% ulit next time:D
salamat...salamat pow:D ;)

puting tainga
03-23-2006, 11:31 PM
I've heard of a Japanese guy na may asawang pilipina, who is doing tax-refund service for Filipinas sending money to Pinas.
He takes 30% of the refund for a fee if he succeded, and no fee at all if taxoffice doesn't approve his paper.

But there are risks here.

1 Since he is a not certified, meaning he is a pekeng tax accountant (nise zeiri-shi), using him for your tax-refund is basically illegal.

2 Since you have to show him your personal information, such as copy of your passport, number of your bank account, where you work, address of your family in PH, in short, every personal information, it is highly risky he might "sell" this information to somewhere else.

3 Chances are that he is related to Yakuza.

pola228
03-24-2006, 04:42 PM

:eek: sana wala namang maging problema yung pagpapaayos ko dun dati..:ohlord: siguro nga connected sila sa mga yakuza no:(

Mrs. B
01-24-2007, 06:43 PM
ung office po namin ang nagaasikaso ng taxes namin. nagstart ako ng work sa japan early november last year....

ung husband ko nag-aaral ngaun at nasa pinas sya....

:confused: 1. iba ba ang kaltas ng tax pag me asawa at pag single dito sa japan?
:confused: 2. eligible po ba ako sa tax refund?

anna10
08-19-2009, 01:29 PM
hello mga ktf.kasi plan kong mag apply ng tax refund.kasi wala kasing work ngayon ang asawa ko,kaya naisip ko baka pwede kaming mag apply ng tax refund.2002 nagbibigay na siya ng support sa akin pero magboyfriend palang kami.2004 lang kami ikinasal.tapos nagmove kami dito sa japan 2008.pwede kaya akong makakuha ng tax refund.kaya lang sabi nila kailangan ng proof na nagbibigay ng support sa akin before until 2008 na nasa pinas ako.pero yung ibang resibon mula 2002 hanggang 2007 ata nawala ko na.paano po kaya yun baka madeny lang application ko.sana po meron makapag bigay ng opinion sa akin.malaring salamat po!yoroshiku onegai shimasu

Ferdie
08-19-2009, 11:00 PM
Good day po mga ka TF...Last year nagpaayos po kami sa kakilala ko sa Chiba ng income tax refund ng asawa ko(hapon)..nakuha naman buo..yun nga lang kinaltasan ng nagayos ng 25% at yun naman ang napagusapan namin...

ask ko lang po kung madali lang po ba yun ayusin kung asawa ko nalang ang magaayos? sayang kasi 25% ...kayo po ba pinapaayos nyo o kayo na mismo nagaayos(husband)?
Yung gensen nya po dumating na kasi, advice naman po kung paayos nalang ba o kami magayos at kung kami pano?

advance thanks!

hi pola 228,

regarding your question.....
ano po ba ang mga nirefund nyo na tax?
ano ho ba ang trabaho ng asawa nyo?

alam nyo po limited lang po yoong klase na narefund for tax
halimbawa ho mostly for every year you can refund tax you had paid
for your familys medical kapag lumampas sya ng 100,000/year. recompute po
yoong tax na naibayad then yoong balance for the calculation will be back to
you in cash....ito po yoong tinatawag na 医療費控除 iryouhi-kojo.

first you need to know what type of tax you could refund.
kung yoong tax na sinasabi nyo ay tunkol sa 扶養家族 fuyou-kazoku
ilista lang ng isan beses yoon nga yoong sinasabi nyo na before
nenmatsu-chosei. at yoong halimbawa ipinadala sa phil you could have
a 扶養控除 fuyou-kojo na recompute at ibalic yoong hindi dapat bayaran sa
government. depende po doon sa possition noong sinusustentohan. iba po ang amount for the calculation.

mostly financial plannner who has the knowledge of taxes which can be refund
ang kailangan gumawa kasi hindi nyo alam yoong law, sometimes nagbabago.
yes indeed you could also do it by your self but you need to spend time to go to 税務署 zeimusyo to ask and if you dont know what you should ask then sayang lang yoong ras.

if your husband is a challenger and can make time try it but I think it is useless naman kasi hindi nyo kailangan every year....:)

to our TF members....you can also have an exemption if you are paying your private insurance. so be wise po because you could make savings and insurance at the same time 一石二鳥  to those who is willing to be wise
contact lang po :)

jmiyake
08-20-2009, 08:11 AM
Kapag nagbayad ka ng tax and at the same time included ka sa binabayaran na tax ng asawa mo. Yung binayad mong tax pwede mo i-refund yun kasi nga binayaran na ng asawa mo yung tax mo....

kaisarap
08-20-2009, 05:23 PM
mga sis makikitanong na rin po kc regular akong nagpapadala sa pinas nasakin ang resibo mula 2000 until now

parents ko po pinapadalhan ko hnd po ako nagwowork may matatanggap po ba akong tax refund kapag nagapply ako hnd ko po kc ganong maintindihan eh salamat po

csbaby
08-20-2009, 07:20 PM

sis,pwede po kayong mag apply ng refund tax.basta kumpleto po ang mga papers nyo like yong resibo ng bank ko saan nyo pinapadala at tsaka birth certificate ng parents nyo.then punta po kayo sa tax office dun nyo i apply.mababait naman po ang mga staff na mag assest sa inyo.

pag malaki ang binbayaran ni hubby nyo ng tax medjo malaki laki rin ang maibalik sa inyo.kasi kami po 5 years bago kami nag apply nasa 50 lapad po ang nabalik sa amin.kasi nung time na yun malaki ang sahod ni hubby at malaki ang binabayaran nyang tax.sana makatulong po.

Ferdie
08-21-2009, 01:33 PM
Kapag nagbayad ka ng tax and at the same time included ka sa binabayaran na tax ng asawa mo. Yung binayad mong tax pwede mo i-refund yun kasi nga binayaran na ng asawa mo yung tax mo....

hi jmiyake,

TAX matters is very complicated po.....if you are working and your salary in annual year is less than 103万yen sakop kayo ng husband nyo but kapag lumalampas po it is automatically reported to the government by your company that you will pay for your own taxes. Wala pong lusot dyan. If I were you pay as much tax as you could pay while you can work para maipon ho sya
at mapakinabangan nyo on your retirement. :)

maylyn
08-21-2009, 04:16 PM
pasensya na po sa thread starter....

ask ko lang po kung halimbawa i declaire mo sa tax mo yung mga dependant mo at mapatunayan mo nga nagpapadala ka sa kanila at sa madaling salita eh narerefund mo lahat ng tax na binabayaran mo....

makakaapekto po ba ito sa visa mo? o halimbawa mag invite ka ng kamaganak mo dito sa japan syempre kailangan po nagbabayad ng tax di po ba? di po ba yun makaka apekto? kc lumalabas na halos wala ka ng biabayarang tax kc nga bumabalik sau?:confused::confu sed: sana po may makasagot....

sarpon
08-21-2009, 05:06 PM

hindi po dapat ito makaapekto. technically, nagbabayad pa rin kayo ng tax kaya lamang ay marami kayong dependents kung kaya may mga tinatawag kayong "exemptions".

kaisarap
08-24-2009, 11:12 AM
sis paano po kung meron kang mga resibo ng pagpapadala mo ng pera ng pinas ..since 2000~2009 ,kya lng hindi complete yung ibang resibo po naiwala ko na ...pero sabi ng metro bank puwede nmn po akong manghi ng resibo simula umpisa hangang katapusan kya lng po mga sis per year request ay 2000yen po yata , kung mag aply po ako nun ggastos po ako ng mga 18,000yen or pataas pa .....tanong ko lng po kung tlga mabbalik na tax kung mag aaply ako ..kasi sayang nmn kung gagastos ako ng ganun tapos wala nmn po akong makukuha tax na bbalik .

sa tingi ninyo po mga sis ano pa pong dapat ko gawin ..yung mga nan d2 ko na lng mga resibo na hindi kumpleto simula umpisa , or mag request pa po ako sa metro bank simula umpisa hangang ngayon....

ito po request ppares galing metro bank d2 sa japan nkalagay po kung magkano per year ....2,000yen po ...para makita po yung mga pinadala mo p pera sa pinas kung magkano lahat ..ang naipapadala natin sa loob ng isang taon.

csbaby
08-24-2009, 07:31 PM

hi po,kami din po nag request ng resibo sa metrobank at nagbayad kami.then pinadala sa amin yong buong record at yon ang ipinasa namin sa tax office.wala naman problema at pagtapos namin ipasa antay nalang daw kami sa ipapadala nila na hagaki ayun 3 weeks lang ata tanggap nanami.sana makatulong po.:)

kaisarap
09-07-2009, 03:24 PM

mraming slamat po sis ..

kaisarap
09-07-2009, 03:51 PM
hi po,kami din po nag request ng resibo sa metrobank at nagbayad kami.then pinadala sa amin yong buong record at yon ang ipinasa namin sa tax office.wala naman problema at pagtapos namin ipasa antay nalang daw kami sa ipapadala nila na hagaki ayun 3 weeks lang ata tanggap nanami.sana makatulong po.:)

sis meron po bang limit kung halimbawa mhal or kaunti yung nabayaran ni hubby tax ..... at saka yung napadala mong pera sa pinas meron din po bang limit ...halimbawa po magkano ..at magkano din ang bbalik na tax refund .

kaisarap
09-08-2009, 10:22 AM
hi po,kami din po nag request ng resibo sa metrobank at nagbayad kami.then pinadala sa amin yong buong record at yon ang ipinasa namin sa tax office.wala naman problema at pagtapos namin ipasa antay nalang daw kami sa ipapadala nila na hagaki ayun 3 weeks lang ata tanggap nanami.sana makatulong po.:)

mraming slamat po sis sa pm ....

sari_mama
01-22-2010, 03:15 PM
note:
kung may fax ka,ipa fax ko sa iyo ang isang dokumento at ipapakita mo na lang yun sa tax officer.wala ka ng sasabihin para malaman nya na gusto mong mag apply ng tax refund.
also,better to write your reason letter kung bakit ka narerefund para maiwasan ang mahabang tanungan doon sa window ng tax officer.
nasa hard disk ko pa ang reason letter ng mag apply ako.kung gusto mo,pwede kong i e-mail sa iyo as sample yun pero sa april pa kc naka pack na ang pc ko(ask striver at baka may kopya pa sya).[/quote]

pasensya na ha sis.bka may kopya ka pa nito pahingi nmn ako.gusto ko dn sana lakarin ng ako nlng kc mlki ang bayad pg agency pa.saka ask ko na dn pg mg-aaply ba may fi-fill upan pa?anong twag sa papel na fifillup-an?salamat at pasensya na istorbo:O

sashimi
01-22-2010, 03:46 PM
yun kakilala ko nakapag refund daw sila at ang nakuha nila si 400 lapad:eek: is it possible:confused:

sari_mama
01-22-2010, 03:51 PM
waaahhh...ang laki naman nyan.yung kakilala ko 150man daw dalawang taon.sana nman may mgturo ng proseso.:p

sashimi
01-22-2010, 04:00 PM
waaahhh...ang laki naman nyan.yung kakilala ko 150man daw dalawang taon.sana nman may mgturo ng proseso.:p

:phindi ko alam sis if true yun sinasabi ng kakilala ko,sana nga mag mag post ng mga nakakaalam din pra malamn if possible ba makakuha ng 400 lapad na tax refund or 150 lapad:p:eek:

bizz
01-22-2010, 06:23 PM
note:
kung may fax ka,ipa fax ko sa iyo ang isang dokumento at ipapakita mo na lang yun sa tax officer.wala ka ng sasabihin para malaman nya na gusto mong mag apply ng tax refund.
also,better to write your reason letter kung bakit ka narerefund para maiwasan ang mahabang tanungan doon sa window ng tax officer.
nasa hard disk ko pa ang reason letter ng mag apply ako.kung gusto mo,pwede kong i e-mail sa iyo as sample yun pero sa april pa kc naka pack na ang pc ko(ask striver at baka may kopya pa sya).

pasensya na ha sis.bka may kopya ka pa nito pahingi nmn ako.gusto ko dn sana lakarin ng ako nlng kc mlki ang bayad pg agency pa.saka ask ko na dn pg mg-aaply ba may fi-fill upan pa?anong twag sa papel na fifillup-an?salamat at pasensya na istorbo:O[/QUOTE]

AKO rin sis pahingi ng kopya.my fax number.045-402-5440 .salamat po.

swannie
01-23-2010, 01:09 AM
Good day po mga ka TF...Last year nagpaayos po kami sa kakilala ko sa Chiba ng income tax refund ng asawa ko(hapon)..nakuha naman buo..yun nga lang kinaltasan ng nagayos ng 25% at yun naman ang napagusapan namin...

ask ko lang po kung madali lang po ba yun ayusin kung asawa ko nalang ang magaayos? sayang kasi 25% ...kayo po ba pinapaayos nyo o kayo na mismo nagaayos(husband)?
Yung gensen nya po dumating na kasi, advice naman po kung paayos nalang ba o kami magayos at kung kami pano?

advance thanks!
Yes.. napakadali every year nakaka-refund kaming mag-asawa .. si hubby lang ang gumagawa lahat.. Anyways... PM mo ako on Saturday (Jan.23) evening bigay ko mga info.. naghihilik:D na kasi si dana kaya di ko matanong PM me:) na lang

mary888cf
02-14-2010, 08:57 PM
Good day po mga ka TF...Last year nagpaayos po kami sa kakilala ko sa Chiba ng income tax refund ng asawa ko(hapon)..nakuha naman buo..yun nga lang kinaltasan ng nagayos ng 25% at yun naman ang napagusapan namin...

ask ko lang po kung madali lang po ba yun ayusin kung asawa ko nalang ang magaayos? sayang kasi 25% ...kayo po ba pinapaayos nyo o kayo na mismo nagaayos(husband)?
Yung gensen nya po dumating na kasi, advice naman po kung paayos nalang ba o kami magayos at kung kami pano?

advance thanks!
HI!POLA C mary888cf to,pls give me a call regarding tax refund softbank 090-6035-7715

mary888cf
02-14-2010, 09:00 PM
waaahhh...ang laki naman nyan.yung kakilala ko 150man daw dalawang taon.sana nman may mgturo ng proseso.:p
hi!sarimama,pls give me a call regarding tax refund 090-6035-7715:)

marvie
02-16-2010, 07:25 PM
note:
kung may fax ka,ipa fax ko sa iyo ang isang dokumento at ipapakita mo na lang yun sa tax officer.wala ka ng sasabihin para malaman nya na gusto mong mag apply ng tax refund.
also,better to write your reason letter kung bakit ka narerefund para maiwasan ang mahabang tanungan doon sa window ng tax officer.
nasa hard disk ko pa ang reason letter ng mag apply ako.kung gusto mo,pwede kong i e-mail sa iyo as sample yun pero sa april pa kc naka pack na ang pc ko(ask striver at baka may kopya pa sya).

pasensya na ha sis.bka may kopya ka pa nito pahingi nmn ako.gusto ko dn sana lakarin ng ako nlng kc mlki ang bayad pg agency pa.saka ask ko na dn pg mg-aaply ba may fi-fill upan pa?anong twag sa papel na fifillup-an?salamat at pasensya na istorbo:O[/quote]

pwd po ba ako mag tanung sayo ? ito lang po ba ang kaylangan kunin dito sa pilipinas para sa tax refund..birth certifecate ng parents ko at ng kapatid,baranggay certifecate at yung letter galing sa parents ko ? pano po kung walang birth cerifecate ang father ano ang kaylangan gawin...

mary888cf
02-17-2010, 07:27 PM
Just our office mga ka tf,ask for julie,pls say refer ka ni malou,and she can slove all your problems about tax refund,free dial 0120-69-3633:)