PDA

View Full Version : Online Damayan


Tonyang
03-21-2006, 09:35 PM
Dear TF Folks:

May isang balita rin ako sa inyo tungkol naman sa isa pang online damayan din...May mga biglang tawag akong natatanggap tungkol sa mga nangangailangan ng tulong na mga kababayan natin dito sa Japan. I-share ko lang at baka matulungan nating lahat para mas gumaan ang problema o pag mas maraming tumulong, mas madaling malutas ang problema.

May tumawag sa akin kanina na isang Pinay na may live-in na isa ring Asian at may 2 silang anak na parehong wala pang birth registration kaya walang mga passport. Lahat sila ay bilog sa Japan. Walang trabaho ang Pinay... construction worker ang lalaki. Nahuli ang lalaki at nakakulong ngayon. Nag-usap na sila at nag-surrender na ang Pinay kasama ang 2 anak sa immigration. Babalik sila sa April 5 para sa mga papeles.

Ngayon, 180T lamang ang hawak niyang pera lahat-lahat mula sa natirang sahod ng lalaki at sa tingin niya ay hindi ito sapat para sa mga utility bill, 3 airline tickets at mga aasikasuhin nilang papeles para sa passport ng mga bata para makauwi na sila sa Pinas papuntang Davao (so eroplano at barko raw ang dapat niyang sakyan). 2 iyung batang aasikasuhin plus iyung travel affidavit na dapat din niyang bayaran. Ilagay natin na 2 linggo pa silang mananatili sa Japan.

Actually, puwedeng hindi pera ang itulong sa kanya... pagkain o pang-transportation niya para di na niya magamit iyung natitira niyang pera para sa ticket na lang.

Aminado tayo na hindi natin ito responsibilidad at kung tutulong tayo, dapat marunong ding tumulong sa sarili ang dapat nating tulungan... pero nasa difficult o extreme situation ang kapwa nating Pinay at humihingi siya ng tulong. Sana huwag natin siyang talikuran.

Puwede ba ninyo akong tulungang i-analyze kung paano natin matutulungan ang Pinay na ito?

Sa mga gustong tumulong at makilala ang kapwa-Pinay na ito, puwede kong ibigay ang kanyang phone number sa private email. Pakisulatan na lang ako sa tpmovers@gmail.com . Nasa bandang Kanagawa-ken sila ngayon.

Tonyang
03-22-2006, 07:02 AM
Hihintayin ko ang bayanihan natin dito, mga kapatid. Medyo dumagsa iyung mga dumadating na oportunidad para sa suporta-suporta. Presently, may isang domestic worker din na walang bisa na may cancerous mole at nilalakad din natin ang sked para sa biopsy at kung kailangan ng operasyon. At mayroon pang iba... baka puwede akong humingi ng saklolo kasi marami namin tayo rito na concerned sa mga kababayan natin. Ako naman hihingi ng tulong para tulungan ang iba hahaha!

3rdy
03-22-2006, 08:10 AM
Ka Tonyang ang pagka alam ko pag voluntary surrender ang gawin mo puede kang mag pa 'kulong'. Ang ganda ng accomodation sa mga kulungan ng Japan kasama na diyan ang sa Immigration. Ang Japan gov't. na seguro ang bahala sa kanila para ma iuwi. May logic po ba ako?

Tonyang
03-23-2006, 09:26 PM
Bakit naman magpakulong, 3rdy? Di ba traumatic experience iyun lalo na sa mga bata?