yamamuru_san
03-22-2006, 08:39 AM
magandang araw po mga ka TF...
ishare ko lang po isa sa mga short stories na ginawa ko, he he he, isa kasi akong frustrated writer eh, kaya naging libangan ko na lang ang gumawa nito, pagpasensyahan nyo na lang po, bear with me na lang... he he he...
i need your honest comment baka sakali mainspire ako eh, maipagpatuloy ko itong libangan ko...
thanks po...
"MURANG ISIPAN"
"ano ba yan, Trapik", binabagtas ko noon ang kahabaan ng EDSA, pauwi na ako noon galing sa trabaho, ordinary lang na bus ang sinakyan ko, wala na kasi akong pamasahe, siksikan sa loob, mainit saka halo-halo ang amoy ng tao, isama mo na ang usok ng EDSA, sa ganong sitwasyon, mabilis iinit ang ulo mo, baka matapik ka lang eh, manipa ka agad. awa naman ng diyos di nangyari yun.
dumating ako sa bahay ng alas nuwebe ng gabi, andun ang anak ko, magtatatlo palang sya pero matatas nang magsalita, andun sya sa pintuan, meron dalang papel, nakangiti sa akin, paglapit ko, nagmano sya sa akin, meron pang kiss, pero dahil pagod ako noon, at mainit ang ulo di ko pinansin ang anak ko, diretso ako sa kwarto para magbihis,
"papa, papa, tingnan mo gawa ko", kahit di ako nakatingin, sumagot ako ng "ang ganda naman nyan", lumipat sya sa harapan ko, hinihila ang damit ko, at sabi, "di ka naman tingin eh, tignin mo sya!", "mamya na lang anak pahinga muna si papa", di pa rin tumigil ang anak ko, syempre bata, meron kakulitan, tinitigan ko sya ng matalim, sabay sabing "mamaya na sabi eh".
lumabas ng kwarto ang anak ko, sya namang pagdating ng asawa ko, galing sa tindahan para bumili ng ulam, "o, anong problema?, bakit malungkot ang baby ko?", di sya kumikibo, naririnig ko sa kwarto ang usapan ng mag-ina ko, naririnig ko rin ang hikbi ng anak ko, "pasensya ka na pagod si papa, ano ba yang dala mo?", ipinakita ng anak ko ang hawak nyang papel, "ito si papa, ito si mama, ito si ako"...ang sumunod doon ay di ko na narinig, dahil nakaidlip na ako.
nagising ako ng umaga dahil papasok pa ako sa trabaho, nakita ko sa sala ang isang pirasong papel, iyon ang papel na hawak ng anak ko kagabi, kinuha ko, tiningnan ng maigi, nakasulat doon ang tatlong hugis bilog, magkakaiba ang sukat, na nakapaloob sa isang hugis puso, di sya perpektong bilog at di rin perpektong hugis puso, ito nga pala ang mga hugis na madalas naming ituro sa kanya, natutunan na pala nya, pero isang bagay ang nakapagpatak ng luha ko, dahil ang maliit na bilog ay tila may maliit na kamay na nakayakap sa malaking bilog. Pumasok sa isip ko ang mga narinig ko kagabi, "ito si papa, ito si mama, ito si ako"...at wala akong nasabi kundi, "ano itong nagawa ko?"
(salamat po sa mga nagtyagang nagbasa...)