muskotrez
03-22-2006, 08:34 PM
Ang tula pong ito ay ginawa ko ngayon at iniaalay ko sa 3 kong anak, sana'y magustuhan ninyo.
Trez Muskiteros
Umibig ako sa maling lalake
Akala ko'y langit ang hatid sa akin
Yun pala'y dusa ang aking aabutin
Sayang di ko sinunod, payo ni Inay sa akin.
Huli na ang lahat, magsisi man ako
Tatlong anak ay aking inako
Dahil di makatiis makitang magutom
Pinasyang iwanan ang asawang mabisyo.
Bitbit lahat ang anak, bumalik kay Inay
Humingi ng tawad at nagnilay nilay
Habag at lungkot sa mukha ni Inay
Mga paslit na apo ay kanyang inakay.
Kinabukasan maagang gumising
Nag-ayos ng sarili. lumuwas ng Maynila
Nagpunta sa Promoter, upang pa audition
Dahil may boses naman, pinalad makapasa.
Mga anak ay minasdan , niyakap at hinalikan
Masakit man sa dibdib, ay walang magagawa
Kaysa makitang, mga anak ay magutom
Sa hirap ng buhay,nangibang bansa na lang.
Ngayo'y narito na sa banyagang bayan
Di alam ang wika , di alam kung saan
Kumukutikutitap ang mga paligid
Ibang iba duon sa aking bayan.
Kalungkutan ngayon, aking nadarama
Mga iyak at tawanan ng tatlo kong anak
Laging nasa isip, kahit sa panaginip
Ang pangungulila sa aking mga supling.
Lumipas ang araw, buwan mga taon
Na di nasilayan ang paglaki nila
Di man natikman ang luto ni Nanay
Di man natikman ang palo ni Nanay.
Ngayo'y pauwi na sa, tagal ng panahon
May sapat ng ipon, nakapag-aral din kayo
Di na magugutom, ang dati'y paslit nuon
Ngayo'y malalaki na,at may mabuting asal.
Salamat mga anak, kayo ang nagbigay
Ng lakas ng loob, at tibay ng dibdib
Sa malayong bayan, lungkot at pagod
Di man nasayang,kayo pala ang langit na hatid ng tatay nyo.
Trez Muskiteros
Umibig ako sa maling lalake
Akala ko'y langit ang hatid sa akin
Yun pala'y dusa ang aking aabutin
Sayang di ko sinunod, payo ni Inay sa akin.
Huli na ang lahat, magsisi man ako
Tatlong anak ay aking inako
Dahil di makatiis makitang magutom
Pinasyang iwanan ang asawang mabisyo.
Bitbit lahat ang anak, bumalik kay Inay
Humingi ng tawad at nagnilay nilay
Habag at lungkot sa mukha ni Inay
Mga paslit na apo ay kanyang inakay.
Kinabukasan maagang gumising
Nag-ayos ng sarili. lumuwas ng Maynila
Nagpunta sa Promoter, upang pa audition
Dahil may boses naman, pinalad makapasa.
Mga anak ay minasdan , niyakap at hinalikan
Masakit man sa dibdib, ay walang magagawa
Kaysa makitang, mga anak ay magutom
Sa hirap ng buhay,nangibang bansa na lang.
Ngayo'y narito na sa banyagang bayan
Di alam ang wika , di alam kung saan
Kumukutikutitap ang mga paligid
Ibang iba duon sa aking bayan.
Kalungkutan ngayon, aking nadarama
Mga iyak at tawanan ng tatlo kong anak
Laging nasa isip, kahit sa panaginip
Ang pangungulila sa aking mga supling.
Lumipas ang araw, buwan mga taon
Na di nasilayan ang paglaki nila
Di man natikman ang luto ni Nanay
Di man natikman ang palo ni Nanay.
Ngayo'y pauwi na sa, tagal ng panahon
May sapat ng ipon, nakapag-aral din kayo
Di na magugutom, ang dati'y paslit nuon
Ngayo'y malalaki na,at may mabuting asal.
Salamat mga anak, kayo ang nagbigay
Ng lakas ng loob, at tibay ng dibdib
Sa malayong bayan, lungkot at pagod
Di man nasayang,kayo pala ang langit na hatid ng tatay nyo.