PDA

View Full Version : Ang Galing ni Juday ano??


Bluemax
07-20-2008, 04:38 PM
Pakibasa po ng malaman nyo
electric bill natin!
Bilib ako sa commercial ni Juday, biro mo
naipaliwanag niya in 30 sec ang masalimuot na system loss na yan..:)
Tama si Juday sa kanyang paliwanag ng system loss, pero
kung tayo ang bibili ng yelo at ayaw talaga nating mabawasan
ang yelong binili, siempre magdadala tayo ng styrofoam ice box
o Coleman.. Ang tawag diyan ay increase the efficiency. Kung
baga sa mga distribution utilities ayusin nila nang husto ang
electrical network, pati na ang mga substation and step-down
transformers para nagooperate sila sa maximum efficiencies. Kung
lumang-luma na, palitan o di kaya imaintenance. Tapos, ireduce, at
kung maaari ay alisin, ang mga administrative inefficiencies, tulad
ng wrong meter readings, pilferage ! at kung ano ano pa...
At alam ba ninyo na hindi lang meralco ang nagpapasa
ng system loss? Pati ang TRANSCO na government owned at siyang nag
me maintain ng power grid. Balak ipasa or naipasa na ng TRANSCO ang
2.98% ng system loss nya sa meralco.. at shempre kanino pa ba naman
iyan sisingilin ng meralco..
Ngayon alam na natin kung bakit natunaw ang yelong binili ni Juday..
pero part pa lamang yan ng equation kung bakit mataas ang singil ng
ating koryente, kunin ang electric bill.. at heto ang component ng ating electric bill...

> > Generation charge
> > Tax on Generation charge
> > Transmission charge
> > Tax on Transmission charge
> > System loss
> > Tax on System Loss
> > Distribution, Metering and Supply charges
> > Lifeline rate subsidies
> > Tax on distribution, metering and supply charges and
> > lifeline rate
> > subsidies
> > Local franchise tax
> > Universal charges
I-add mo lahat yan at yan ang total electric bill mo...
pero napansin nyo ba sa isang electric bill 5 tax ang
babayaran natin?
Para lalo nating mapansin, ganito ang flow ng
kuryente bago dumating sa bahay naten..
Ang napocor or IPP ang mag po produce ng
koryente...bago pa maka alis ng planta ang koryente,
magabayad na tayo ng tax na 51 cents /kwh.
Ang kuryenteng iyan ay padadaanin ngayon sa TRANSCO,
papunta sa distribution utility natin gaya ng meralco.. Muli
tayong bubuwisan ng gobyerno, this time 11 cents/kwh
Pag nakarating sa meralco ang kuryente, muli sisingilin
tayo ng buwis ng gobyerno, ng distribution tax at franchise
tax..At dahil magbabayad tayo ng system loss muli na
naman tayong bubuwisan ng gobyerno... ng system loss tax..
At eto pa ang kwela sa lahat, after i total ang
iyong electric charges.. papatawan kang muli ng tax.. t! his time
yung 12% e-vat. Imagine 5 Tax na binayaran mo, yung tax na yun eh
bubuwisan pang muli ng isa pang tax...
Ang alam ko po sa batas bawal ang double taxation...
pero sa ginagawang ito ng gobyerno.. cguro naaayon na sa
batas kase lampas na sa double eh (sarcastic lang po)
At upang madagdagan pa ang sama ng loob nating mga
filipino... Ang napocor, ayon sa batas ay kinakailangan mag imbak ng
supply ng coal na tatagal ng 5 taon.. pero ano ginagawa ng
napocor... sasairin nila yung supply nila ng coal upang tumagal lamang ng
isang taon, at dahil paubos na, mapipilitan silang mag conduct ng
emergency purchase na di na dadaan sa bidding.. or kung dumaan
man, dahil sa ikli ng time table, walang makakapag bid.
SO si napocor bibili ng coal, hindi sa lowest bidder,
kundi sa kanilang preferred suplier.. ang masaya pa neto,
anlaki na ng patong.. higit pa sa doble ng actual price ng coal
sa market. idagdag pa jan ang arkila ng mga barko na gagamitin
sa pag ta transport ng coal... na shempre muling pagkakakitaan
ng mga napocor executives.. .
Sobra na nga pinapataw na tax sa atin ninanakawan pa
tayo ng gobyerno natin..:( ansaya ng buhay sa pilipinas no?? )

engr_jazon
07-20-2008, 04:57 PM
nareceived ko rin yang email na yan last week....

eto yung video thread at comments ng TF People

http://timog.com/forum/showthread.php?t=277 62&highlight=SYstems+lo ss

Bluemax
07-20-2008, 05:32 PM
nareceived ko rin yang email na yan last week....

eto yung video thread at comments ng TF People

http://timog.com/forum/showthread.php?t=277 62&highlight=SYstems+lo ss


Mas maganda ang explanation dito.. hehehehe :D