PDA

View Full Version : What to do with old clothes?


makulit
03-26-2006, 02:54 AM
Good Morning mga Ka-TF.

Naglilinis po ako ng cabinets namin. Geezzzz ... ang dami po naming damit na nakatago na hindi na ginagamit. Ang iba ay bago pa po, nakaplastic at may tag pa.

Meron po bang organization dito sa Japan na tumatanggap ng mga damit luma o bago? Sayang naman kasi kung itatapon yung mga lumang damit dahil kadalasan yung mga damit naman na nakatago ay isang season lang ginamit. Dalawa kasi ang mabilis lumaki dito sa bahay namin, kaya palit ng palit ng size ng damit.

Pwede pa kasing magamit ito para sa mga bansa tulad ng africa o mga bansang nasalanta na nangangailangan ng mga damit. May alam ba kayong NGO na tumatanggap nito?

Advise naman po. Salamat.

dcb0620
03-26-2006, 06:04 AM
ohayo gozaimasu! makulit sayang wag mo itapon marami nangangailangan ng damit sa bansa natin <pinas> wala bang organization dyan for charity na connected sa bansa natin just donate to them and then bahala na sila magdispose sa pinas or kung may uuwi kang kamaganak o friends from here pasuyo mo n lan padala kung kilala nga lan kita volunteer me mag uwi nyan kasi uuwi me next month and il donate lahat yan. basta sayang wag mo igomi nyan especially kung may mga pang kids kasi marami nasalanta sa atin ng mga kalamidad alam m o naman yun especially marami pa rin kids na affected. yun lan po

yoi ichinichi o!

Tonyang
03-26-2006, 08:43 AM
Makulit, baka gusto mong ipamigay sa mga naging biktima sa Leyte, sa mga T'boli o sa mga Aeta? Let me know.

makulit
03-26-2006, 12:19 PM
Makulit, baka gusto mong ipamigay sa mga naging biktima sa Leyte, sa mga T'boli o sa mga Aeta? Let me know.

oo, gusto ko ngang ipamigay. gusto ko ang shipping dito lang sa tokyo, hindi sa pilipinas. yung organization na ang magpapadala sa pilipinas. meron ba non?

Tonyang
03-26-2006, 03:32 PM
oo, gusto ko ngang ipamigay. gusto ko ang shipping dito lang sa tokyo, hindi sa pilipinas. yung organization na ang magpapadala sa pilipinas. meron ba non?

Makulit, puwede naming i-empake iyang mga damit kasama ng piano donation para sa isang simbahan para protection ng piano na rin na babalutin namin kasama ang mga volunteer sa Sabado kung sakali. Eto iyung simbahan sa Lipa na pagbibigyan ng piano:

http://www.tpmovers.org/pianoorgan_donation. htm

Kung ok sa iyo, kailangan na mapadala mo ito sa Sabado ng hapon kasi iyan iyung araw na babalutin namin iyung piano. Let me know at maraming salamat.

makulit
03-26-2006, 03:45 PM
Kung ok sa iyo, kailangan na mapadala mo ito sa Sabado ng hapon kasi iyan iyung araw na babalutin namin iyung piano. Let me know at maraming salamat.

hi tonyang. oo, i send ko and sisiguraduhin ko na it will reach before friday.
paki send na lang po sa aking ang address. may mga dapat o hindi po bang mga damit na ibigay? kung sa aeta's po ibibigay, malamig po doon, means, pwedeng ibigay din ang winter clothes?

Tonyang
04-01-2006, 06:31 PM
Makulit, natanggap ko na sa Meguro church. Eto iyung mga retrato at isasama ko ito sa piano na kukunin sa susunod na Sabado papuntang Talisay sa Batangas. Di puwede iyung mag-asawa kanina at sinabihan ako kagabi na sa isang Sabado na lang. Salamat muli... malaking bagay ito!

http://www.tpmovers.org/donation_box_piano.j pg

http://www.tpmovers.org/donation_box_piano2. jpg

http://www.tpmovers.org/donation_box_piano3. jpg

Inilagay ko muna sa loob ng isang room sa labas ng simbahan ng Meguro. Enough na siguro ito para mabalutan iyung piano. Eto pala iyung piano na kukunin sa Sabado.

http://www.tpmovers.org/piano2.jpg

at

simbahan sa Talisay.

http://www.tpmovers.org/church2.jpg

TR250
04-02-2006, 12:46 AM
Makikisingit po.

Paminsan-minsan ay mayroon din akong maaaring maibahagi kaya lang ay medyo malaki. Nasa car business ako at madalas akong nakakakuha ng mga lumang sasakyan mula sa mga customers kong nagpalit ng kotse. Karamihan ay mga lumang kotse na may konting gasgas, konting dents, maaaring may ilang basag na lens o medyo kailangan ng repair ang engine. Marami na rin nagdaan sa akin mga sasakyang talagang maaari pang magamit kaya lang ay hindi ko na ibinebenta dahil hindi popular. Last week lang ay dalawa ang pinadala ko sa scrappers para ma scrap at dalawa naman sa auctions na talagang napakamura ng benta ko. Maari akong mag donate ng mga lumang kotse kaya lang ay as is, where is at hindi ako gagastos sa sa transportation at shipping. Kailangan ay may kukuha ng mga sasakyan sa lugar ko at sila na ang bahala pagkatapos kong maipasa sa kanila ang mga sasakyan. Dahil maliit at mahal ang lote ay kailangan ko ring mabilisan ang responsa ng pagkuha at hindi ako maaaring maghintay ng matagal dahil sayang yung lugar na inookupa sa lote ko at pag tumagal ang responsa ay wala akong magagawa kundi ipadala ang mga ito sa scrappers o di kaya ay ibenta sa auctions. Hindi naman ako mag bibigay ng basura kayat siguradong magagamit pa ang mga ito kaya lang ay hihilingin ko na huwag mapili sa klase ng maaari kong mai-donate dahil negosyante ako at syempre yung pwede kong ibenta ay ibebenta ko at yung mga hindi ko magagamit sa negosyo lamang ang maaari kong ma i-donate. Huwag mag-alala dahil lahat ng mga sasakyan ko ay legal at may mga papeles. OK lang sa akin na maski saan mapunta ang mga sasakyan pero isang maliit na paki-usap lamang na huwag sanang hahaluan ng usapang relihiyon dahil iba ang aming paniniwala.
Maraming salamat.

Tonyang
04-02-2006, 10:47 AM
Kabayang TR250, napakaganda ng iyong alok. Ating pag-aralan itong maigi para iyung magiging kita nito kung may trading man na mangyayari, ilagay natin sa kawanggawa. Kasi halos junk ito right? So malaking pera ang kikitain dito kung maayos ang sistema. Balitaan tayo.

Nasa Kyoto pala kayo.

TR250
04-02-2006, 10:12 PM
Kabayang TR250, napakaganda ng iyong alok. Ating pag-aralan itong maigi para iyung magiging kita nito kung may trading man na mangyayari, ilagay natin sa kawanggawa. Kasi halos junk ito right? So malaking pera ang kikitain dito kung maayos ang sistema. Balitaan tayo.

Nasa Kyoto pala kayo.




Ty sa sagot. Huwag kang mag-alala dahil tulad ng sinabi ko na hindi basura ang i-dodonate ko. Wala basura para sa akin dahil lahat ay maaari kong pagkakitaan dahil maski ipadala ko sa junk yard ay binabayaran nila ang mga kotse ko at maaari ko rin ibenta ang mga ito bilang parts car. Dahil dito lang ako sa loob ng Japan nagbebenta at konting export papunta sa ilang mga developed countries ay pag hindi popular ang sasakyan ay hindi ko maibenta. Ganyan din ang takbo ng dealers auction dito na pag hindi popular ay mababa ang benta o di naibebenta at malamang masayang lang ang oras at gasolina ko sa paghakot ng mga ito.
Siguro naman ay malaking tulong ang maaaring maibigay ng mga sasakyan ko at mas matutuwa ako kung para sa mga bata, mga naapektohan ng bagyo o kalamidad, at maski na para sa simbahan ay OK lang ako bastat gusto kong umabot ang tulong sa dapat tulungan at hindi sa mga bulsa ng mga buwaya.

Pag napadaan sa Kyoto ay paki timbre na lang at kung magtutugma ang oras natin ay baka maaari tayong mag-usap ng harapan tungkol dito. Pwede kang pumasyal sa trabaho ko para magkaroon tayo ng mas malawak na pag-uusap o sa telepono o di kaya naman ay sa e-mail.

Heto nga pala ang yung isang pinadala ko sa auctions nung nakaraang Lunes na sigurado akong hindi mabebenta ng mataas (sana ay dinonate ko na lang...) at yung isa naman ay pinadala ko sa scrappers. Yung puti naman ay nagkamali ako ng nabili at nahihirapan akong ibenta kayat hanggang sa ngayon ay nasaakin pa rin at nanghihinayang talaga ako dahil naging parang aparador ko na lang ito. Lahat ay tumatakbo, OK kaya nga lang ay hindi na popular... Sigurado akong marami pang magdadaan na mga katulad nito at maaari kong ibahagi para sa kabayan nangangailangan... kaya lang ay galit ako sa red tape, under the table, at slow motion kayat kung makakahingi kayo ng tulong galing sa taas ay mas magiging madali siguro. Kontak na lamang kung interesado.

these cars are old and not too popular but these are not garbage...

Tonyang
04-06-2006, 06:39 AM
Salamat TR250. Nagtataka ako bakit di mo gawing business sa Pinas kung nasa linya na kayo ng buy and sell?

TR250
04-06-2006, 11:28 AM
Salamat TR250. Nagtataka ako bakit di mo gawing business sa Pinas kung nasa linya na kayo ng buy and sell?

Huwag kang magtaka. Ang sagot ay nasabi ko na sa "Negosyo dito sa Japan" sa loob ng Business Talk. Ilang beses na rin akong nagsubok pero hindi natuloy dahil ang daming red tape, gusto ng lagay o under the table, slow motion, napakalaki ng tax, ang raming arte at mababa masyado ang presyo kaya iwas na lamang ako. Dami ring nag wiwindow shopping. Kaya nga nabanggit ko na pwede akong mag donate ng sasakyan pero ayokong ako ang mag e-export dahil baka sumakit lang ang ulo ko.
Wala na yung dalawang kotse (Honda Innova blue, at yung Mazda Bongo red), mukhang walang may interesado kayat binenta ko na lang sa auction dahil sayang lang ang parking space.

Tonyang
04-09-2006, 07:27 AM
TR250, maraming salamat. Puwede nating pag-aralan kung papaano. Eto muna ang updates tungkol sa packing ng piano donation natin para sa San Isidro Parish - Diocese of Lipa:

May natanggap tayong mga damit mula sa isang taga-TF muli at binalot na natin kahapon sa mga 100-yen worth na mga sakong magaganda:

http://www.tpmovers.org/clothes2.jpg

http://www.tpmovers.org/clothes1.jpg

Balitaan tayo kung anu-ano pa ang puwede nating ipadala sa Pinas na mapapakinabangan.

Tonyang
05-30-2006, 10:53 PM
THE RESULT

April 8 and April 9, 2006 at Meguro Catholic Church

A piano donation had been sent to Fr. Renato Ramos, the parish priest of San Isidro Church, Barangay Sapak, Lipa City, Batangas was picked up from Kuribayashi Family residence in Tokyo. This happened due to the persistence of Editha Arai, a Meguro church parishioner who is working for the family. The transport of this piano to Meguro Catholic Church was made possible through the volunteerism of Yeyet and Resty Rely with the assistance of Joy and Angie Murakami. Used clothes that were packed together with the piano were contributed by Natalie Datu, Jovy Candelario, Timog Forum's Makulit and Fisher, church parishioners and the Door to Door delivery discounted charge of Jeane Arenas from Forex.

Remember?

http://www.tpmovers.org/pianodonation4.jpg

http://www.tpmovers.org/piano_letter2.jpg

More at http://www.tpmovers.org/pianoorgan_donation. htm .

Another piano donation is coming soon... we are looking for another church beneficiary in the Philippines. Would you like to help?