PDA

View Full Version : need a helping hand.....

maria_71jp
03-26-2006, 12:30 PM
hello to everyone in tf,

its my first time here in tf and sana po na matulungan po natin ang ibang mga kapwa pinay na walang lakas ipaglaban ang karapatan dahilan narin sa hirap ng panahon ngayon ni di sila makagalaw dahil din sa pinansyal na problema.and here's the situation of my friend na nakapag asawa ng hapon they have 2kids g&b its almost 16yrs.na wala man syang nagawa para makapunta dito sa japan dahil bigla nalang nawala ang asawa nyang hapon then when i came back here in japan daladala ko mga papers nya then i ask the cityhall if they are registered kaso di daw ipinasok ng asawa ang kanillang marriage so di na ninchi ang mga bata kunbaga hanging ang situation nila im trying my very best na matulungan ko sila kaso ordinaryong tao lang din po ako hanggang dun lang po ang kaya ko at ang kaalaman ko sa sitwasyon nila.ako din po biktima din ng pagkakataon kaso sinuwerte kasi bago kami iniwan ng dati kong asawa naninchi nya anak ko ngayon andito na ako sa japan masayang namumuhay.gusto ko talagang tumulong sa katulad kong iniwan ng asawa.

hanggang dito nalang po sana me makabasa sa pananawagan kong eto.
maraming salamat po at umaasa.

maria

maria_71jp
03-26-2006, 12:41 PM
please help me friend.....

Tonyang
03-26-2006, 03:38 PM

Maria, thanks. Saan sila ikinasal, ilang taon silang nagsama at ilang taon na ang mga anak niya? Bilang background lang... maganda iyung motibo mo. Di ka selfish dahil gusto mong umangat din ang sarili mong kababayan. Mabuhay ka!

PILIPINAS
03-26-2006, 05:00 PM
sa tinggin ko, maraming social workers sa atin ang tumutulong sa ating mga kababayan. kailangan siguro ng kaibigan mo ng abogado. pwede ho bang magtanong? ano ho ba sa tingin ninyo ang nagiging dahilan kung bakit iniiwan ng asawang hapon ang ibang pilipina? ano ho ba ang maaaring gawin para maiwasan ang ganitong pagkakataon. salamat!

pilipinas

Tonyang
03-26-2006, 05:35 PM
Case to case basis ang maaaring payo, Pilipinas. Mas ok siguro kung isa-isahin natin ang mga kaso mula sa kapit sa patalim papunta sa iba't ibang klase o rason ng pagpapakasal sa Hapon.

In the meantime, tulungan muna natin ang kaso ng kaibigan ni Maria dahil marahil isang kaso ito na kailangan nating maliwanagan ang rason.

sam_227
03-26-2006, 05:51 PM
helo PILIPINAS, hmmmmn,kung minsan di tlaga nagtatagal ang pagsasama nang mga hapon at mga pilipina.the reason why awanai yon mga ugali un iba nman di pa nila kilala masyado un ugali nagpapa kasal agad sa mga hapon,may friend ako 3 months palang sila magkakilala kasal agad. ayon di nagtatagal lumalabas un tunay na ugali ng hapon.kaya hirap sya hindi pa nman cla hiwalay nag gaman lang kodomo no tameni.kung minsan talaga nasa huli ang pag sisisi.kaya sabi nga nila un pag aasawa kailangan pag handaan at pag- isipan mabuti.Dahil hindi biro ang pagpapa kasal lalo na ibabg LAHI. para sa akin communication at trust ang kailangan.

vectra1123
03-26-2006, 05:52 PM
Hello! Sa tingin ko po dyan sa problema na yan ,ang unang-unang pong gawin ay kailangan makontak muna ang dating asawa ng kaibigan mo.Ipaalam sa kanya ang sitwasyon ng kanyang mag-ina sa Pilipinas,atleast may alam sya malay natin maawa sa kalagayan nila doon at sya na mismo ang mag-asikaso,yun ay bakasakali lang.Alam naman yata ng friend mo ang place of birth ng ex nya diba?kung missing in action sya mahahanap pa rin sya sa tulong ng city hall,may mga record kasi doon na maaring makapagsabi kung nasaan na ang ex nga ngayon!
:)

love&berry
03-26-2006, 10:00 PM
maria 71jp good evening sayo,nung nabasa ko etong pakiusap mo ay bigla kung naalala ang friend nang asawa ko,nagpasama ciya sa asawa ko para puntahan ang volunter office sa tokyo,dahil nagulat ciya nung may dumating sa kanyang sulat galing nang volunter office,na ang nakasulat doon ay gustong makipagkita sa kanya ang dati niyang asawat anak,pero di cila kasal, dating over stay yung babae umuwi sa pinas na hindi cila ikinasal,dahil sa tulong nang vulonter office nakapunta cilang mag ina dito at nagkita cila nung ama nang anak niya,nakiusap ciya na ipaninchi ang anak para dito makapag aral,kaso may asawa na yung tao at natatakot sa asawa namalaman ang sikreto niya,sabi niya naawa man daw ciya sa mag ina,pero mewaku kaketakunai daw ciya sa asawa niya ngayon dahil may anak na rin cila,ang nangyari bumalik sa pinas yung mag ina pero every month ay pinapadalhan nang sostento cilang mag ina,,,,nandito pa nga sa bahay yung sulat nang vulonter natakot c hapon baka daw mabasa nang asawa niya kaya pinatago sa asawa ko,,,bat d niya i try magpatulong sa vulonter office,,,masmalakas ang chikara nila bagdating sa bagay na yan,,,,

luccia
03-26-2006, 10:52 PM
hi sis maria

as u said na nasa pilipinas ang kaibigan mo for 16 yrs..
for the mean time ikaw lang ang pwedeng gumawa ng paraan
para maitanong tanong mo,kung nasaan ang hapon.
kung makita mo man at makausap mo yung hapon.
tell him kung anong sitwasyon ng kaibigan mo,at itanong mo kung
anong disisyon niya dun sa mag-iina.
pag Itinatwa ng hapon yun na yun
h'wag na nilang habulin
Pag sinabi ng hapon na kikilalanin niya humabol kayo
pls. visit this thread http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=259 2
mababasa mo dito yung mga dapat gawin

maraming cases sa pilipinas na ganyan father nila japanese.
iisa lang ang tanong ng japanese govt. na alam ang ganyang sitwasyon.
kilala kaba ng ama mo? pag sinagot mong ewan, so Case is Close
pero pag sinagot mo na kilala niya ako Case is Open Humabol ka.
a simple as that but deep like an ocean.

para kang naglalayan sa kalawakan ng karagatan
pilit mong hinahanap ang destinasyon mo. nung makita mo
dika pwedeng dumaong bakit dahil ayaw kang padaungin
kahit alam mo na tama yung destinasyon na dapat mong daungin.

So Let's Keep the Good Vibes Rolinn to U and your Friend :)

angelica
03-27-2006, 03:49 PM
hello nakaawa nmn ang sitwasyon ng friend mo.sana kahit papano makatulong ako."foreigner telephone advisory 0432972966."&0353207744.kontakin mo sila baka makatulong sila s inyo.good luck

judi
05-01-2006, 06:24 PM
Hi maria,meron akong alam na tumutulong sa ganitong kaso sa pinas,ang pangalan Batis for Women.Nuon sa Pasay ang office nila di ko lang alam ngayon kung saan.Ganito rin kasi ang nangyari sa kapatid ko at 2 anak nya, nagdissapear din ang hapon pero nandito na sila ngayon bale 7 years na.Try nyong iresearch sa pinas,napanood kasi namin ito sa tv at tinutulungan nila ung mga asawa ng hapon or kahit naanakan lang na walang kasal.

mOtt_erU
09-18-2006, 07:55 PM
helo PILIPINAS, hmmmmn,kung minsan di tlaga nagtatagal ang pagsasama nang mga hapon at mga pilipina.the reason why awanai yon mga ugali un iba nman di pa nila kilala masyado un ugali nagpapa kasal agad sa mga hapon,may friend ako 3 months palang sila magkakilala kasal agad. ayon di nagtatagal lumalabas un tunay na ugali ng hapon.kaya hirap sya hindi pa nman cla hiwalay nag gaman lang kodomo no tameni.kung minsan talaga nasa huli ang pag sisisi.kaya sabi nga nila un pag aasawa kailangan pag handaan at pag- isipan mabuti.Dahil hindi biro ang pagpapa kasal lalo na ibabg LAHI. para sa akin communication at trust ang kailangan.

agree ako sayo sam_227, minsan kase hindi pwedeng basta LOVE lang eh magsasama na kayo at bubuo ng pamilya.... mahalaga din na bago magsama, mag-asawa o bumuo ng pamilya eh dapat alamin muna kung magkatugma ba yung mga ugali nyo ..mahalagang factor kase yan para sa matagal na pagsasama.