PDA

View Full Version : share lang po!!!!


chubby_kulot
03-27-2006, 02:49 PM
Isang bagong-saltang kaluluwa ang umakyat sa langit ang ngayon ay nakaharap kay San Pedro. Namasyalsilang dalawa sa langit. Magkahawak-kamay silang naglakad-lakad sa isang malaking silid doon napuno ng mga anghel.

Huminto si San Pedro sa harap ng isang lupon ng mga anghel at nagsalita, "Ito ang silid-tanggapan. Sasilid na ito, tinatanggap lahat ng mga kahilingan sa panalangin."

Pinagmasdan ito ng kaluluwa, at nakita nitong abala ang lahat sa pag-uugnay-ugnay ng mga kahilingan nanakasulat sa bunton ng mga papel na galing sa buong mundo.

Nagpatuloy silang maglakad hanggang madaanan nila ang pangalawang lupon ng mga anghel. Ang wika niSan Pedro sa kaluluwa, "Ito naman ang 'Packaging at Delivery Section'. Dito, ang biyaya at mgapagpapala na hiniling ng mga tao ay binabalot at dini-deliver sa mga tao na humingi noon."

Nakitang muli ng kaluluwa kung gaano ito kaabala. Maraming anghel doon ang talagang subsob satrabaho sa dami ng mga pagpapalang hiniling at dini-deliver araw-araw sa lupa.

Hanggang sa dumako sila sa huling lupon, sa pinakamalayong lupon. Huminto ang anghel doon saisang maliit na lupon. Sa kanyang pagkamangha, iisang anghel lamang ang nakaupo doon, walangginagawa.

"Ito ang 'Acknowledgement Section," sabi ni San Pedro.

"Bakit tahimik? Wala ba silang ginagawa rito?"

"Nakakalungkot," sagot ni San Pedro,"pagkatapos makatanggap ng sagot sa kanilang mga panalanginang mga tao, kakaunti ang nagbibigay ng pasasalamat."

"Papaano ba magbibigay ng 'acknowledgement' ang mga tao sa Diyos?"

"Simple lang. Sabihin mo lang na "Salamat po Panginoon."

"Ano bang pagpapala ang dapat nilang ipagpasalamat?"

"Kung may pagkain ka sa iyong hapag-kainan, damit na sinusuot, may bahay na tinutuluyan at kamangtutulugan, ikaw ay mas mayaman sa 75% sa mundong ito.

"Kung may salapi kang naiipon sa iyong pitaka at may natitira pang pambili ng pagkain, ikaw ay isa sa8% na may mga kabuhayan sa mundo.

"Kapag nakuha mo ang mensaheng ito sa iyong computer, bahagi ka ng 1% sa mundong ito na mayganyang oportunidad.

"Kapag gumising ka sa umagang ito na walang sakit, mas pinagpala ka sa milyong tao sa mundong ito nahindi na makagising dahil sa hirap ng buhay.

"Kung di mo nararanasan ang takot sa gitna ng giyera, ang kalungkutan sa loob ng piitan, angpasakit ng mga pagsubok, at ang pangil ng pagkagutom,
mas malayo ka nang milya-milya sa 700milyong tao na nabubuhay sa mundo.

"Kung buhay pa ang iyong mga magulang at nananatiling magkasama sa bisa ng kasal, kakauntilang kayo.

"Kung naititingala mo pa ang iyong ulo nang may ngiti sa iyong mga labi, hindi ka kasama sakaramihan. Naiiba ka kaysa sa kanila na puno ng kapighatian at mga kagulumihanan."

Tanong ng kaluluwa, "Kung gano'n, papaano ako magsisimulang magpasalamat?"

"Kung nababasa mo ang mensaheng ito, nakatanggap ka na naman ng dobleng pagpapala, dahil may isangnagpadala sa iyo na iniisip na espesyal kang nilalang, at mas pinagpala ka kaysa sa dalawangbilyong mga tao sa buong mundo na hindi marunong magbasa . . .

"Pagpalain ang araw mo, bilangin mo ang iyong mga pagpapala, at kung ibig mo, pagpalain mo rin angmga tao sa iyong paligid upang malaman din nila kung gaano sila pinagpala ng Panginoon.

ATTN: Acknowledgement Department: "Salamat po,

Panginoon. Salamat po sa pagbibigay mo sa akin ng abilidad na ibahagi ang mensaheng ito at sapagbibigay mo sa akin ng mabubuti at magagandang tao na babahaginan nito! "Salamat po."

rhiverz
03-27-2006, 04:30 PM
BUHAY AT TRABAHO
Hay naku! Lunes na naman... Trabaho na naman...
We usually hear these lines on Sunday evenings to early mornings of Mondays from people who had been working Mondays to Fridays or sometimes including Saturdays (and Sundays?). Do they sound bored? Or just plain tinatamad? O kaya, bitin lang sa weekend? Well, I don't know! I think all of the above. So few are so lucky to be very excited for Mondays to come and its time for them to report for work again. So seldom that an employee is excited to face, again, the backlogs, the row of deadlines and the quota to meet. Eh, bakit pa sila nagwork? Eh, wala eh.. Kailangan. Kailangan? It seems that working is the destiny of most of us if not all of us... Para bang nabuhay tayo dito sa mundo para lang magtrabaho...

Ganyan ba talaga??? Ewan ko. sometimes I heard myself asking "do I live To work or do I work to live?" Sagot ng marami, they work daw to live...

Eh bakit parang ang mga bu hay ng karamihan just revolved around their work.

Gising ng madaling araw, ligo, bihis, nagmamadali para di matrapik, di
na nakakain, sa office nalang ako kakain dear, mga anak? Bahala na si Yaya dyan. anak kiss daddy, kiss mommy. bye baby, Dad has to work...
8:00 to 5:00 working... Minsan hanggang 9:00 or 10:00 ng evening.
tapos uwian na. pagdating ng bahay. tulog na ang mga anak. katabi ang Yaya. wala ng magawa dahil sa pagod, tutulog ka na rin. The following morning, ganoon ulit ang routine. kailan matatapos 'to???
Who knows!!! Sa retirement siguro...

At 65? Sigurado ka??? Akala ko ba you work to live? Are you sure you
are having a life???
Work, probably yes, but again, Are you having a life???
Yung isang kaibigan kong mag-asawa working in Manila almost had an
identical routine sa nakasulat sa taas. One day, actually a Sunday, the couple was preparing to have their lunch at the famous Jollibee
as requested by their elder daughter. The couple us ually tries to
maximize the time with their two kids, making up for the lost time they are supposed to spend from Monday to Saturday. Ngunit bago sila makaalis, kumulimlim na... parang uulan! ... so nag-isip ang daddy... bago siya makapag-isip, bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan... cancelled ngayon ang most awaited trip to Jollibee ng mga bata... dahil nga umulan walang magawa...

Maya-mayang konti, biglang kumidlat at kumulog na halos sabay at
napakalakas... Nagulat ngayon si daughter... Napatakbo... sa takot,
umiyak, tumakbo at yumakap sa Yaya...
Yaya, Yaya takot ako, lakas kidlat...
Pinatahan ng Yaya dahil trabaho nya yun eh... Tumahan naman si
daughter,after awhile, tulog na... (i-imagine mo lang na may camera and the camera is panning towards the mommy from the daughter and yaya, mommy now in focus. slowly zooming in...)

Dahan-dahan mong makikita ang nangingilid na mga butil ng luha sa mga Mata ng mommy. habang siya'y nakatingin kay yaya and da ughter, few seconds later. tears started to run down her cheeks... She looked so sad and so frustrated..

Bakit???? Dahil di natuloy ang Jollibee?
Hindi noh!!!
Eh Bakit nga???
Kasi, natakot sa kidlat at kulog...
Hindi rin noh!!!!
After almost a month, I got a call... Pare, birthday celebration ni
daughter sa Linggo. sa Jollibee. Three years old na inaanak mo... punta ka kasi despedida na rin namin...
Bakit? Saan kayo pupunta?
Uuwi na kami sa province.
Ano??? Bakasyon? Bakit kailangang may despedida?
Hinde, pare, for good na.
For good???
Oo, alangan namang for bad. biro ng daddy...
Tawanan kami...
The couple decided to give up the career they have started to build
here in Manila. They decided not to take the challenges and the millions of opportunities here in the city. At the very early stage of their married lives, they decided on their priorities. They decided to have a life. A family life. A decision that cost them the new promotion of the father in a bank and the chances of the mother to become a bank officer after her Officers' Training Program where she had been consistently performing above the rest.

Was it the wisest decision the couple has ever made? Well, our answers may not be the same. it will all depend on our way of looking at things. Katulad ng maraming bagay, desisyon lang yan. buhay o trabaho...

You can not put your title in your lapida when you die, you can not
Bring your wealth in your coffin. But you will always be remembered by your family, not your boss, not your company, you're nothing when you die. they will just send you the most expensive flowers and thats it.............
so better think guys................ ....

chubby_kulot
03-27-2006, 04:39 PM
nakakatouch ang magbasa no...sana nga lahat ng parents ganyan din ang maisip for their children..para mas maging magnda ang kinabukasan ng mga kabataan now...kumonte ang mga kabataan naliligaw ng landas dahil kulang sa aruga nina mommy at daddy..

ang mga batang pinagkatiwala ni Lord sa mga magulang..kaya dapat nilang mahalin at gabayan ng tama...

pooh_chan
03-27-2006, 05:03 PM
nakakatouch ang magbasa no...sana nga lahat ng parents ganyan din ang maisip for their children..para mas maging magnda ang kinabukasan ng mga kabataan now...kumonte ang mga kabataan naliligaw ng landas dahil kulang sa aruga nina mommy at daddy..

ang mga batang pinagkatiwala ni Lord sa mga magulang..kaya dapat nilang mahalin at gabayan ng tama...


Tama ka dyan chubby chan, galing ako sa broken family at ramdam ko kung gaano kahirap ang mamuhay ng walang tumatayong ama sa pamilya namin, naawa ako sa mother ko kasi sya ang gumagawa lahat para lng mairaos ang pamilyang iniwanan nang ama namin, kaya mula noon sinabi ko talaga sa sarili ko na kapag nag asawa ako hindi ko ipaparanas sa magiging mga anak ko ang naranasan ko nung kabataan ko, kahit anong problema ang dumating handa akong harapin dahil pagsubok lang naman ito, at laking pasalamat ko na rin sa panginoon natin dahil nakatagpo ako ng lalaking mabait, at mapagmahal sa pamilya at tanggap nya rin kung sino at kung ano ang nakaraan ko, ipinagpapasalamat ko lahat ng kabutihang natatanggap ko sa araw-araw mabuti man ito o masama kasi isa pa rin siguro ako sa pinalad na makatanggap nang lahat ng ito, kaya importante talaga ang pananampalataya mo sa dios kasi kahit na anong pagsubok ang darating sa buhay mo hindi ka nya pababayaan palagi lang syang nandyan nakabantay sayo araw-araw....:)

adechan
03-27-2006, 06:49 PM
galing nito chubby_kulot

some years ago, may nabasa na akong ganito in english version, ang galing galing may mananampalatayang pilipino na nag translate in tagalog

chubby_kulot
03-27-2006, 07:23 PM
@ pooh chan,,dapt lang na wag mo iparanas kay beybi mo un naranasan mo ng bata ka pa..dahil kung hindi marami magagalit sayo (isa na ako dun..) pati ang buong tf..pero alm ko naman dahil sa naranasan mo di na mararanasan pa ni beybi mo yan..sabi nila..ang naranasan daw ni pedro eh di na pwedeng maranasan ni juan....(OT na to..)basta always faith in God..and everything will turns right...

@ adechan...ganon naman talaga eh..basta pinoy mahilig manggaya...(dyoke... ) i mean maraming pinoy ang di marunong makaintindi ng english...(present!! !!!) mahina ako jan eh..tag-lish mana pa...hehehheh..kya okei din na may nagtranslate nito at grabe..when i first read that story..(english carabao..heheheh) natouch tlga ako...kaya nga share ko din sa lahat diba...para di lang ako ang matouch..pati kayo... :kiss:

pooh_chan
03-27-2006, 07:49 PM
@ pooh chan,,dapt lang na wag mo iparanas kay beybi mo un naranasan mo ng bata ka pa..dahil kung hindi marami magagalit sayo (isa na ako dun..) pati ang buong tf..pero alm ko naman dahil sa naranasan mo di na mararanasan pa ni beybi mo yan..sabi nila..ang naranasan daw ni pedro eh di na pwedeng maranasan ni juan....(OT na to..)basta always faith in God..and everything will turns right...

@ adechan...ganon naman talaga eh..basta pinoy mahilig manggaya...(dyoke... ) i mean maraming pinoy ang di marunong makaintindi ng english...(present!! !!!) mahina ako jan eh..tag-lish mana pa...hehehheh..kya okei din na may nagtranslate nito at grabe..when i first read that story..(english carabao..heheheh) natouch tlga ako...kaya nga share ko din sa lahat diba...para di lang ako ang matouch..pati kayo... :kiss:

Korek ka dyan chubby chan, takot ko lang po sa inyo noh hihihi:D , dont worry, ill do all my best to be a good mother to my child kaya nga mukha akong OYA BAKA eh pero halos lahat yata ng nanay ganun ang gagawin para sa ikabubuti ng anak nila.....mahal na mahal po namin ang YOKOZU ng tf hihihihi:D :D