PDA

View Full Version : mALAkI ngA bA tALAgA Ang pAgkAkAIba nILA???


chubby_kulot
03-28-2006, 02:32 PM
Pag mayaman - may katulong sa bahay
Pag mahirap - katulong sa bahay

Pag mayaman - nakatira sa mansion
Pag mahirap - nakatira din sa Mansion. Sa servants' quarters ng mansion.

Pag mayaman - may kotse
Pag mahirap - may kotse rin, 'yung kotse ng amo niya

Pag mayaman - bongga ang party sa mansion
Pag mahirap - bongga rin ang party sa mansion (pag wala ang mga amo niya)

Pag mayaman - may handbag na Calvin Klein
Pag mahirap - paper bag o plastic bag
Pag nagya-yaman-yamanan - may handbag na fake Calvin Klein

Ang anak ng mayaman ay "slow learner";
Ang anak ng mahirap ay "bobo" o "gunggong".

Ang mayamang tumatanda"are graduating gracefully into senior citizenhood"
Ang mga mahihirap ay "gumugurang".

Sa mayamang "malikot ang kamay" ang tawag ay "kleptomaniac";
Sa mahirap, ang tawag ay "magnanakaw" o "kawatan"

Pag mayaman ka, you're "eccentric";
Kung mahirap ka, "may toyo ka sa ulo" o "may katok" o "may sayad".

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may "migraine".
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay "nalipasan ng gutom";

Kung nasa high society ka, you are called "slender" o balingkinitan";
Kung mahirap ka lang, you are plainly called "payatot" o "patpatin" o"ting-ting".

Kung nasa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay "petite";
Kung mahirap ka lang, ikaw ay "pandak" o "bansot" o "unano" o "jabbar".

Kung socialite ka, ikaw ay "pleasingly plump";
Kapag mahirap ka at ika'y "mataba", "tabatsoy" o "lumba-lumba", pag
minamalas ka, "baboy".

Kung well-off ka, at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay"game";
Kung mahirap ka ikaw ay "pakawala" o "pokpok"..

Kung mayamang alembong ka ang tawag sa iyo ay "liberated";
pero kung isa kang dukha ang tawag sa iyo "malandi".

Kung maypera ka ang tawag sa iyo "single parent";
Pero kung wala kang trabaho ang tawag sa iyo "disgrasyada".

Health conscious ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain;
Habang kakaawa ang mahirap na kumakain ng ganito.

Sa exclusive school, "assertive" ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag
sa kanila ay "walang hiya".

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
"masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking";
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your
host will say to himself na ikaw ay "patay-gutom" o "hampaslupa" o
"masiba".

Kung mayaman ka, meron kang "allergy";
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay "galis" o "bakokang".
Sa mayaman, "nervous breakdown" dahil sa "tension and stress".
Sa mahirap, "sira ang ulo";

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is "scoliotic".
Pero kung mahirap ka, ikaw ay "kuba";
Kung ang senorita mo ay maitim, ang tawag ay "morena" o kayumanggi".
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay "ita" o "negrita" o
"baluga";


Kung boss ka at binabasa mo ito sa PC mo, "okay lang";
Pero kung ikaw ay hamak na empleyado lamang, ikaw ay "nagbubulakbol" o "petiks"

mbstorun
03-28-2006, 02:44 PM
~~palagay ko nga tama yan! pero teka~~~masakit yata ang ulo ko nalipasan na yata ako ng gutom sa kaka~TF! :type:or can i say it migraine???? waaaaaa~~~~!!!!!! sosyal~~~~!!!!! sige masakit ulo ko nalang!:biglaugh:

wolfgang
03-28-2006, 04:22 PM
......siguro nga ganoon talaga ...ano?.....may isa pa yang kulang pag mayaman ka at may ubo ka slight cough lang..... pag mahirap......may tb ka ....:D hihihi....ako siguro yung baboy diyan...at saka patay-gutom......ang sakit naman nang aking kapalaran.......hehe hehe...nyaaahhhh:: :D