View Full Version : SONA may silbi pa ba?
goma_23
07-28-2008, 10:04 PM
An hour of speech about government projects etc.
pero magastos!
1. renovation sa congress
2. security preparations
3. kainan ng mga congressmen (yes! sagot mo yan juan dela cruz)
Puwede kayang sa susunod sa Palasyo na lang ? mas less siguro ang budget. Tapos halos lahat pa ng speech english, eh yung mga ibang apo ni Juan Dela Cruz , naiwan na rin sa english.
In fairness di naman siguro petiks si Pangulo, kahit sa pangungurakot niya (kung tutoo man, siyempre meron pa ring effort & calories na nababawas:D)
ano sa tingin nyo?
nasty
07-29-2008, 05:55 PM
sa palagay ko dinadagdagan lang ni GLORIA ang mga kasinungalingan niya,,,,aasa na naman ang mga pinoy sa mga pangako niya? tigilan ang pambobola kay juan dela cruz .....
ang gagarbo ng damit nila ,,,at nasulusyusan na daw ang mga nagugutom na mga pilipino sa mindanao....anu raw?
iisa ang magandang ibinalita niya na totoo ,,,ang pagbaba ng text messsaging cost sa lahat ng celfone companies ,,,from 1 peso to .50 cents ,,,at promo lang pala til october,,,,,at di aalisin ang VAT dahil yun ang mag aahon sa kahirapan ng pilipinas anu raw ule?
wala ng silbi ang SONA na yan...susme ....sino pa ba nabobola ni GLORIA sa panahon ngayun na madaming nangamamatay na sa gutom sa pilipinas ,,,,kahit sabihin pa na wag isisi ke GLORIA lahat ,,,,,eh nasan nga ang trabaho na ipinangako ng gobyerno? mga nakatapos na nga ng pag aaral wala pang trabaho ,,pano pa yung under graduate???
di nga bat nasa abroad ang iba,,,hayun at may mabibitay na naman ,,,pano pa magbabago ang pilipinas ,,,,kung walang pagbabago ang mga namumuno....may mga umaapela nga sa gobyerno ,,makikita mo naman bibigyan ng posisyon na maganda ni gloria....si umaapela naman mananahimik na lang at anu pa ang kasunod,,,,edi magpasasa ng walang mulat gaya ng iba....
wala ng pagbabago yata ang pilipinas,,,dapat ang mamuno ay yung may takot sa DIYOS....
Tarena314
07-29-2008, 08:10 PM
mas mabuti pang magtinda ng banana Q...,siguradong kikita kahit pantawid gutom...,kesa makinig sa mga palamuti lang ng bibig ni GLORIA....,mabuti pang magsariling sikap kesa umasa pa sa mga sinasabi nyang pangako...,sayang lang ang oras ko.....,:(
memyself&i
07-29-2008, 08:22 PM
ay naku sayang lang oras ng mga tao sa SONA ni Gloria puro kasinungalingan naman e... pinag malaki pa yun text daw 50 cents nalang ay sus promo lang naman... mahiya nga siya sa pinag sasabi niya...
wolfgang
07-29-2008, 08:28 PM
wala ...mas inuna niya pang ibaba ang presyo text messaging mula piso hanggang 50 sentimos.....dapat inuna niya muna kung paano ma kontrol ang pagkagutom ng mga mahihirap....
sa susunod dapat sa Palasyo na nga lang nila ganapin.....bakit kailangan pang gastusan ang damit at ang pagdadausang lugar sa isang oras na pananalumpati niya lang...atsaka pagarbuhan sila ng damit di na nila inisip na sana yun pinambili nila ng mga damit di galing sa kaban ng bayan .....at sana pinangkawang gawa na lang nila yun perang pinambili nila ng mga damit nila.... di na sila nahiyang iparada ang mga damit nila at taas noo pa silang lumalakad sa red carpet...samantalang ang daming mamamayan na nagugutom...
buti pa yun isang congressman .....NAKABAHAG...mas kumbinsido pa ako at doon sa lumakad na kupas na pantalon at t shirt lang ang suot talagang pinakikita ang tunay na mukha ng Pilipinas....
goma_23
07-29-2008, 08:52 PM
or dapat siguro , i discuss muna ng isang presidente bago mag sona kung ano na nangyari dun sa mga ipinangako niya nung nakaraang sona.
1. Security details - medyo overkill , takot talaga mga pulitiko sa sarili nilang multo
2. Red Carpet - sure kaya tayo na yung mga suot nilang damit hindi galing ke Juan Dela Cruz? hehehee (although yung naka bahag oks lang kahit ako na sumagot :D , formal wear daw yun sa tribo nila, mas ok pa nga sana kung "benguet" theme ang mga kasuotan)
shintaro
08-01-2008, 11:42 PM
sa palagay ko dinadagdagan lang ni GLORIA ang mga kasinungalingan niya,,,,aasa na naman ang mga pinoy sa mga pangako niya? tigilan ang pambobola kay juan dela cruz .....
ang gagarbo ng damit nila ,,,at nasulusyusan na daw ang mga nagugutom na mga pilipino sa mindanao....anu raw?
iisa ang magandang ibinalita niya na totoo ,,,ang pagbaba ng text messsaging cost sa lahat ng celfone companies ,,,from 1 peso to .50 cents ,,,at promo lang pala til october,,,,,at di aalisin ang VAT dahil yun ang mag aahon sa kahirapan ng pilipinas anu raw ule?
wala ng silbi ang SONA na yan...susme ....sino pa ba nabobola ni GLORIA sa panahon ngayun na madaming nangamamatay na sa gutom sa pilipinas ,,,,kahit sabihin pa na wag isisi ke GLORIA lahat ,,,,,eh nasan nga ang trabaho na ipinangako ng gobyerno? mga nakatapos na nga ng pag aaral wala pang trabaho ,,pano pa yung under graduate???
di nga bat nasa abroad ang iba,,,hayun at may mabibitay na naman ,,,pano pa magbabago ang pilipinas ,,,,kung walang pagbabago ang mga namumuno....may mga umaapela nga sa gobyerno ,,makikita mo naman bibigyan ng posisyon na maganda ni gloria....si umaapela naman mananahimik na lang at anu pa ang kasunod,,,,edi magpasasa ng walang mulat gaya ng iba....
wala ng pagbabago yata ang pilipinas,,,dapat ang mamuno ay yung may takot sa DIYOS....
hindi ko pa napanood yung SONA pero nabasa ko yung transcript dito http://timog.com/forum/showthread.php?p=671 322#post671322 .
tingin ko po may kabuluhan pa rin yung SONA per se. una linawin ko po... ito ay State of the Nation Address o talumpati hinggil sa kalagayan ng ating bansa...
dapat po kasi nating malaman ang kalagayan ng bansa ayon sa mga tala...anu-ano ang mga pagbabago ang nangyari sa loob ng isang taon at ano ang kinakaharap ng bansa natin... hindi lamang ito paghahatid ng balita sa madla kundi sa mga halal na opisyal din ng sa gayon ay malaman nila kung ano pa ang maaaring gawin para mas mapaganda pa ang takbo ng bansa.
sa aking nabasang transcript ng SONA...marami akong nakitang makabuluhang mga proyekto dangan nga lamang ay napakaraming problemang kinakaharap ngayon ng ating bansa at hindi yun sapat para matugunan ang lahat ng yaon. kailangan pa rin talaga nating magkaisa at magsakripisyo para sa iisang layunin...para malampasan ang lahat ng krisis sa ating bansa.;)
perf172
08-02-2008, 01:00 AM
sa tingin ko din po ay may silbi pa din ang SONA ng ating pangulo dahil dito nya isinasaad sa ating mga kababayan ang kanyang plano sa darating na taon.
marahil ay may mga planong hindi natutuloy o nauudlot subalit hindi po ba mas maganda pa din na alam ng mga pilipino kung ano ang naiisip na sulusyon ng ating gobyerno sa mga krisis na kinakaharap ng ating bansa.
sabi nga nila "hindi natin kayang pasayahin ang lahat ng tao" kaya kung may mga taong wala ng paniniwala sa gobyerno ay meron pa din naman sigurong tao na umaasa at gustong madinig ang mga bagay pinaplano ng ating pangulo.
diana_james
08-02-2008, 04:18 PM
hmmm thinking positively, ofcourse meron pang silbi ang sona. unang-una hindi naman ito mga pangako eh, kundi nakasaad dito ang mga nangyayari sa bansa, mga natupad na programa, at mga natulungan. again hindi naman po pwedeng pasanin ng isang tao lang ang problema ng bansa. una pa lang patong patong na mga problema bago naging presidente si gloria, in my own opinion may nakikita akong improvement ng sya ang umupo, in her own little way. hindi naman pwede pag ka upo na pag kaupo, magiging superman or spiderman, or kung sino mang heroes na nakikita natin sa movies na agad-agad lahat ng problema mawawala. mas maganda nga na may vat eh para sakin since im here sa japan i used to pay taxes in everything na here. kumbaga hindi lang nasanay ang tao sa pilipinas. kung dati pa na saikatuparan ito well siguro nga mas marami pang programa ang naiunlad.
ang pagtaas ng langis hindi naman satin lang eh, global crisis po ito, kung mag rally mga tao sa pinas parang satin lang tumataas ang langis, kesyo way of pangungurakot. kahit saang bansa naman merong corruption.
sa pag uunawa lang siguro ng tao.
ang paghihirap naman, simula naman yan disiplina sa sarili eh, una pa lang nung mga bata pa tayo pina paaral tayo ng ating magulang but instead of going to school, bulakbol then mag aasawa ng maaga, tapos manganak ng marami, thats one cause of poverty also. ang mga naka graduate na walang trabaho, i dont believe na walang trabaho, nasa pagpupursige naman yan eh. hindi naman pwedeng lumapit ang trabaho sayo kung di ka gagalaw. tapos kung magkaroon na ng trabaho, reklamo naman ang sunod kesyo mababa sahod, hindi angkop sa trabaho na pinapagawa sayo. sa pagkakaintindi ko naman may depatment of labor, ang theres a law about salary rate diba, so siguro naman mga companies are oblige sa duties and responsibility in terms of salary.
for me i salute gloria for being strong, still fighting despite the fact na maraming ayaw sa kanya, isang maliit lang na babae but still not losing hope to face the challenges ng pinas.
actually im wondering nga eh pano kaya nya nadadala emotionally ang mga paratang sa kanya, ang mga nangyayaring rally na against sa kanya. tao lang din naman sya may pusot damdamin, nakikitang picture nya ginagarutay sa kalye, sinusunog.. keep your faith madam.
now kung talagang ayaw na ng sambayang pilipino sa kanya, then lets wait for the next election and vote kung sino talaga nararapat.
tapos ano? history repeats itself?
ganun nanaman? pag may nagawang programa or may masabi ang bagong pangulo, rally nanaman.
una pa lang wala na tayo bilib sa mga umuupo eh, bakit pa natin binoto?
kung wala tayong tiwala im sure lahat ng gagawin nila kahit sa ikauunlad pa ng bansa, lagi tayong kontra. then where is our country philippines? ayon sa listahan ng mga hindi umuunlad na bansa.
sino ba dapat maging pangulo?
conlusion ko lang, dapat lang naman sa atin ang magsipag eh. hindi rason ang kahirapan para maging hadlang sa isang pangarap. lets begin to ourselves. ang pagiging responsable isa sa mga dapat isaalang alang. and another thing is pagtitiyaga not pag patiis. ika nga pag walang tiyaga walang nilaga. the big one always begin in a small one. bago maging 5 piso kelangan ng piso.
everyone has the right for their own opinion, own thoughts and we respect that.
peace po tayo.
keep posting!
mabuhay tayo! :)
Tarena314
08-02-2008, 05:07 PM
sana naman mabigyan na nya ng Solusyon na mawala ang matinding Pangungurakot sa gobyerno natin at magkaroon na sana ng peace and order sa bansa natin..,kahit man lang itong 2 na eto ay maisaayos nya, magiging maluwag na tayong lahat patungo sa inaasam nating kaunlaran...., madali ang gumawa ng plataporma sa SONA..,madali namang isulat at basahin yun eh..,ang akin nasaan ang resulta..,?:mad:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.