View Full Version : Uutang sa mga bilog
Tonyang
04-01-2006, 07:28 AM
Careful tayo mga ka-TF sa mga kababayan na nagte-take advantage sa mga bilog at ang panakot kung di makabayad ay magsusumbong sa mga pulis. Bakit nga naman nagpapautang pa? Pero Pinoy kasi at tendency natin maging emotional at madali tayong makaintindi ng kahirapan sa buhay.
Isang puwersa sana tayo na tulungan ang mga pobreng nagpapautang na walang lakas-loob para maningil dahil ang mga nangutang ay nananakot. Madalas, no interest ang mga kasong ito at tumagal na ng napakaraming taon ang mga utang na ito.
Paano kaya natin sila matutulungan niyan? First of all, huwag na sigurong magpautang. Ano pa kaya?
Sino kaya ang dapat sabihan ng - huli ka!
Aquamarine
04-01-2006, 07:40 AM
Careful tayo mga ka-TF sa mga kababayan na nagte-take advantage sa mga bilog at ang panakot kung di makabayad ay magsusumbong sa mga pulis. Bakit nga naman nagpapautang pa? Pero Pinoy kasi at tendency natin maging emotional at madali tayong makaintindi ng kahirapan sa buhay.
Isang puwersa sana tayo na tulungan ang mga pobreng nagpapautang na walang lakas-loob para maningil dahil ang mga nangutang ay nananakot. Madalas, no interest ang mga kasong ito at tumagal na ng napakaraming taon ang mga utang na ito.
Paano kaya natin sila matutulungan niyan? First of all, huwag na sigurong magpautang. Ano pa kaya?
Sino kaya ang dapat sabihan ng - huli ka!
This is a nice topic to discuss with @ Tonyang. I heard meron nga daw pong ganitong situations and im so disappointed sa mga ganitong klaseng kababayan natin. They dont deserve to be here legally kung kapwa nila na nagkataon eh naging illegal na ang stay dito eh, ganun ganun na lang nila itrato.
Dapat magkarun tayo, if possible, ng isang community aside from TF, which is syempre composed of concerned Filipinos, na pagsusumbungan ng mga kapwa natin Pinoy na nagkataong bilog sa bansang ito, just in case na may nananakot sa kanila.
OT: It's really hard in their part. Marami na rin akong nakikitang mga kapwa natin Pinoy na halata silang bilog dito but sometimes nahihiya ding bumati sa ibang Pinoy coz maybe they're afraid na rin.
wolfgang
04-01-2006, 08:50 AM
Napa kaitim naman nang mga budhi ng mga ganoon tao...di nila inisip na mas kawawa nga yung mga walang bala dahil laging may takot..at kaba na mahuli sila tapos uutangan
pa nila.:banghead: tapos di nila babayaran or patatagalin nila yung bayad...oo nga naman pagnahuli yung bilog... bye bye na rin ang utang nila.Sobra anng mga ganoon tao walang mga budhi..kainis..talag a..Naalala ko tuloy yung dati kong kasamahan sa omise bilog kasi kaya kahit di pasuwelduhan noong Pinay na Mama namin ok lang tapos kung bibigyan naman kaliit lang na halaga...dahil laging tinatakot...kaya di siya makaimik..
Di talaga kami nakatiis noong ibang kasamahan ko kaya pinahiram namin nang pera kahit wala nang bayaran basta umalis na lang siya doon dahil kawawa naman siya...........Ewan ko kung nasaan na siya ngayon...kasi ...that was 5 years ago ehh..
chita_x2
04-01-2006, 06:01 PM
ito ay isang mungkahi lang para sa mga nagpapautang dahil sa naawa tayo
di masama ang maawa pero kailangan din natin na kilalanin natin ng mabuti ang kakayanan ng tao na maibalik ang inutang o maging responsable sa kanilang obligasyon. minsan mas di nakaktulong ito kaysa sa makakatulong.
sa mga humihiram. sana ay maging responsable din sa mga nagpapahiram dahil baka madala ang nagpaphiram at dumating sa pagkakataon na di na magtiwala at maniwala.
Tonyang
04-01-2006, 06:39 PM
Thanks, Aquamarine, Chita at Wolfgang...
Iyung ibang kababayan natin dahil sa sobrang bait at gustong makisama, naloloko ng mga nagte-take advantage. May mga kababayan tayo na madaling mauto o dahil siguro gustong makisama lang o natatakot na baka masabihan ng "kuripot" o "madamot".
May kaso rin na lumapit sa akin na nagpahiram at galit pa ang nanghiram ng nagpaalala siya kung puwede nang magbayad. Parang naging "utang na loob" pa ng nagpahiram na magbayad ang umutang. Bakit nagkakaganyan?
Iyung dati kong estudyante sa computer class, mahigit 1 milyong yen ang utang sa kanya ng isang kababayan nating may asawang Hapon at pinagtataguan daw siya.
Huwag na lang sigurong magpautang para walang problemang ganito. Ano sa tingin ninyo?
Hungry eyes
04-01-2006, 06:43 PM
Totoo po na may mga taong walang budhi....mga mapagsamantala..yun childhood friend ko nabiktima sya ng utangan at ayaw bayaran..tinakot pa sya na ipapahuli daw..ginawa ko pinuntahan ko yun may utang sa kanya kasama buong tropa..:D takot lang nya..bayad sya..sana kung maliit lang utang nya eh 30 lapad yun noh tapos nananakot pa ha..hindi ko talaga napalampas ..sobrang galit ko nang magsumbong yun kababata ko na umiiyak ..siguro dahil sa hindi ko ugaling mangutang sa tao at sa mga kakilala ..kaya galit talaga ako sa taong balasubas.
Tonyang
04-01-2006, 07:01 PM
Hungryeyes, very good! Pahiram ng tropa mo para takutin pa ang iba para magbayad ang mga may utang.
Hungry eyes
04-01-2006, 07:07 PM
Hungryeyes, very good! Pahiram ng tropa mo para takutin pa ang iba para magbayad ang mga may utang.
Sad to say @tonyang..nag si uwi na buong tropa ko eh..(bilog silang lahat eh) sila ang mga nakilala kong tunay na Tao..kesa sa mga may visa na naka halubilo ko..missed them so much:cry:
Tonyang
04-01-2006, 07:35 PM
Hungryeyes, dapat magbuo tayo ng bagong tropa na haharang sa mga ganyang Pinoy na di marunong magbayad ng utang.
proud me
04-04-2006, 09:36 PM
tonyang sang ayon ako diyan dahil meron talagang mga kababayan pa natin mismo ang nangaabuso sa mga kababayan nating mga bilog dito at hindi lang mga bilog kahit me mga visa rin binibiktima sa mga pang aabuso marami silang modus panloloko sana meron nga tayong magawa na mga taga tf sa mga ganyang klaseng mga kababayan natin :grouphug:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.