PDA

View Full Version : ano ang mas matimbang anak o ang kasintahan niyo

wolfgang
04-01-2006, 08:14 PM
Di ko po alam kung may ganitong thread na dito ...pero kung mayroon man pasensya napo:O
Di ko lang talaga mapigilan ang magtanong nang ganito dahil gusto kong hingiin ang mga opinyon natin mga magulang....:O Alam kong di na rin bago sa inyo ang ganitong istorya Meron akong kaibigan ...maliit pa lang yung anak niya nang mahiwalay siya sa asawa niyang hapon..simula noon siya na ang bumuhay sa anak niya....
Lumaki ang bata sa paalagaan dahil nagtatrabaho siya sa gabi hanggang sa umabot ito nang 10 yrs old na ganoon ang siwasyon nilang mag-ina..Ngunit ang kaibigan ko iba-ibang lalaki ang inuuwi niya sa bahay niya at nakikita ito nang anak niya.Sa loob nang sampung taon binuhay niya ang anak niya sa obento at di siya naglalaba ..anak niya pa ang gumagawa nang gawaing bahay...Hanggang ang kaibigan ko ay nagkaroon ng karelasyon na mas bata pa sa kanya...dati nagtatrabaho siya para sa kanila ngayon tumigil siya ...at nalulong siya sa Pachinko ,.....dahil lagi niyang kasama ang boyfriend niya..sa sugal....Eto pa ang masakit ang anak nang kaibigan ko ay laging naiiwan sa bahay na walang pagkain...hhintayin pang dumating ang nanay niya na may dalang obento...PAg pumapasok ang bata ....kung ano ang isinuot niya noong natulog siya ...yon din ang suot niya pagpasok at di siya kumakain bago pumasok..sa eskuwelahan.. Pag-uwi naman wala rin ang nanay niya dahil kasama ang boyfriend sa Pachinko pag nanalo sila mag iinom sila sa labas...laging umuuwi nang lasing at tuloy umiiyak ang bata dahil hiyang -hiya siya sa pinag gagawa nang nanay niya dahil nagwawala po ito kahit saan.Minsan may dumating na sulat galing eskuwelahan nang bata pinatatawag siya dahil yung anak niya ay numero uno na barumbada nambato daw ng ballpen sa kaklase..Pinuntahan naman niya at doon mismo sa harap nang mga principal ay sinigawan at sinabon niya ang bata..Ang katwiran nang bata noong tinanong nang teacher niya kung bakit siya ganoon ang sabi niya...samishi daw siya kasi wala na nga daw siyang tatay...wala pa siyang nanay...dahil isogashi daw nanay niya lagi..Eto na po ang sabi nag kaibigan ko pauuwiin na lang daw niya yung anak niya sa Pinas dahil di daw nito na iisip lahat nang materyal na bagay na binibigay niya at di daw kasundo nang boyfriend niya yung anak niya ......Kayo anong mas matimbang sa inyo....anak niyo...o kasintahan niyo...( di ko talaga maisip na bakit ganito ang kaibigan ko sabi nang asawa ko wag ko daw pakialamanan pero awang-awa talaga ako sa batang ito dahil may anak din ako):( :(

vectra1123
04-01-2006, 08:32 PM
Goodevening! Kawawa naman ang bata!totoo yan ,maraming ganyan kahit na sa mga pamilyang Hapon meron din ganyang sitwasyon.Sa totoo lang napakasama ng ugali ng kaibigan mo pati na rin yung boyfriend nya,mga walang awa!!Ang kakapal ng mukha,nakakapanggigi l sa galit,sa tingin ko hindi lang sa pachinko at inom lulong ang mga yan baka mas may higit pang hindi magandang bagay ang kinahuhumalingan ng mga yan kaya natitiis nila ang bata!Sa akin? "ANAK" ko ang mas matimbang o mas mahalaga kaysa sa karelasyon. Napakadaling makakita ng makakarelasyon pero ang anak hindi ko ipagpapalit!At isa pa sa ganda ko ba namang ito kailangan pa bang maghanap?HE!HE!HE!:p

Autumn
04-01-2006, 08:44 PM
nakakasuklam naman..kasi ngayon lang ako nakarinig ng ganyan..pilipina pa sya..nasaan ang puso nya ..at nasaan din ang isip nya..hindi ko alam kung ano ang pinag daanan nya at nag ka ganyan sya..siguro kung kaibigan ko sya..paalalahan ko sya ng maraming beses ..kahit siguro iuntog ko ulo nya..kung di sya makikinig i rereport ko na sya neglecting of child ang ginagawa nya..mas maganda nga siguro magkalayo muna silang mag ina..baka sakaling magising sya

syempre para sa akin mas matimbang ang anak..anak ko yun eh pinag hirapan kong dalhin sa sinapupunan..pinaghi rapan kong buhayin.arugain..min amahal at mamahalin pa

nakalimutan siguro ng kaibigan mo yan at naliligaw sya ng landas ngayon..nakalimutan nyang nandyan yun nag iisang anak nya na nag hahanap ng pag kalinga at pagmamahal nya..sana ma realized nya yan..bago pa mahuli ang lahat ..sana makakuha sya ng lalakeng magtuturo sa kanya ng tama at mamahalin din anak nya..

chubby_kulot
04-01-2006, 08:58 PM
nakakaawa naman un bata...anong klase naman syang ina..???sana di na lang sya ang naging nanay nung bata or kahit ng sino pang bata sa mundo...in my own opinion..matimbang sakin un bata or un anak ko...dahil dugo at laman ko sya..sakin sya nagmula..wala akong pakialam kung sino pang lalaki ang meron ang mundong ito pero di ko ipagpapalit ang anak ko ng dahil lang sa mga poncio pilato dito sa mundo..
dahil sa thread na ito..medyo lumalala ang pagkatakot ko tuloy...masyado akong mahilig sa mga bata..halos lahat ng batang makita ko nagiging magiliw ako...at un mga pamangkin ko halos lahat malapit sakin..lahat ng makakaplease sa bata ginawa ko para makasundo lang..ang takot ko now..what if magkaron ako ng sarili kong anak..???di kaya magbago ang ugali ko.... :cry: meron akong ilang alam na kwento na nung dalaga sila mahilig sila sa bata then ng mag asawa na at magkaron ng anak..namatay ang tatay dahil sa pag ligtas sa bata kaya un babae nagsimulang magalit sa anak nya..ito ang sinisisi nya sa pagkamatay ng bata....un iba naman nahiwalay sa asawa at kahawig daw un bata kaya pati bata nadamay sa galit sa tatay....paano kaya ako???pasensya ka na wolfgang...kung medyo nasama ko un shimpai ko dito sa thread mo... peace tau ha :kiss: di kaya un anak ng friend mo eh kahawig ng tatay nito at kaya nagkaganon si friend mo eh dahil pag nakikita nya face ng bata is un ama ang nakikita nya..although walang kasalanan talaga un bata kung maging kahawig nya tatay nya...bigyan mo ng advice un friend mo baka sakali makinig..kung hindi naman sundin mo asawa mo na wag na makialam baka madamay ka pa..or kung gusto mo matulungan un bata baka meron naman parang bantay bata here sa japan..isumbong mo un friend mo..kawawa rin kasi un bata....sensya na kung ganito ang opinion ko na isumbong ang kapwa natin pilipina sa hotline para ipagtanggol ang karapatan ng bata kasi naman kawawa naman talaga un bata...sorry po..wag sana ako maaward... :cry: :cry:

wolfgang
04-01-2006, 09:03 PM
nakakasuklam naman..kasi ngayon lang ako nakarinig ng ganyan..pilipina pa sya..nasaan ang puso nya ..at nasaan din ang isip nya..hindi ko alam kung ano ang pinag daanan nya at nag ka ganyan sya..siguro kung kaibigan ko sya..paalalahan ko sya ng maraming beses ..kahit siguro iuntog ko ulo nya..kung di sya makikinig i rereport ko na sya neglecting of child ang ginagawa nya..mas maganda nga siguro magkalayo muna silang mag ina..baka sakaling magising sya

syempre para sa akin mas matimbang ang anak..anak ko yun eh pinag hirapan kong dalhin sa sinapupunan..pinaghi rapan kong buhayin.arugain..min amahal at mamahalin pa

nakalimutan siguro ng kaibigan mo yan at naliligaw sya ng landas ngayon..nakalimutan nyang nandyan yun nag iisang anak nya na nag hahanap ng pag kalinga at pagmamahal nya..sana ma realized nya yan..bago pa mahuli ang lahat ..sana makakuha sya ng lalakeng magtuturo sa kanya ng tama at mamahalin din anak nya..
totooo po ito minsan nga dinadalhan ko pa po nang pag-kain yung bata dahil laging nasa pachinko yung nanay niya ehh... Minsan nagalit yung bata kasi umuwi na naman siyang lasing at may nagsabing naghubad daw nang pantaas na damit yung nanay niya sa ibang omise...SAbi noong bata... siya daw ang nakakahiya hindi nanay niya dahil alam nang lahat na nanay niya yon...at nahihiya rin yung bata dahil tsismis na sila sa lugar nila....kasi sa danchi sila nakatira ehh

wolfgang
04-01-2006, 09:10 PM
Naku ...chubby kulot....pinagsabiha n ko na siya ...pero wala pa rin ..Mahal na man daw niyang anak niya ehh sino nga naman ako para sermonan siya ehh mas matanda pa at mas matagal siya sa akin dito sa japan...kaya wala kong magawa kundi tulungan na lang yung bata sa abot nang makakaya ko...:)

chubby_kulot
04-01-2006, 10:06 PM
alam kong ang isa sa paraan ng pagpapakita ng pagmamahal eh un minsan pagalitan ang bata lalo na kung nagkamali ito:thumb: ..pero pagmamahal bang matatawag un kung ilang oras sya sa pachinko kasama ni poncio pilato at un anak nya eh nakatunganga sa bahay walang makain at hinihintay pa ang pagdating nya:order: :order: :order: ...pagmamahal bang matatawag un anak nya maglaba o pumasok ng school un bata na di nagpapalit ng damit:order: :order: :order: ..pagmamahal bang matatawag un maging kawawa sa paningin ng ibang tao un anak natin:order: :order: :order: ...di pagmamahal un ginagawa nya sa anak nya...:banghead: malupet ang pagmamahal na alam nya..mas mainam na nga siguro kung pauwiin nya ng pinas un bata baka sakali may kapamily sya na magmamalasakit dun sa anak nya :sweeties: ...at sabi mo nga mas matanda sya sayo..pero sa tingin ko wala syang pinagkatandaan.. :hellfire: ay naku pasensya ka na wolfgang... peace tayo ha :kiss: di ko mapigil ang pagsiklab ng inis ko sa sinabi mo na sabi nya mahal nya un bata...ay naku...kung ganyan lang din pala pagmamahal na alam nya..sana di na lang sya nagka anak pa...kawawa lang un bata.. :cry: :cry:

kaori
04-02-2006, 01:40 AM
Wolfgang,cencia na ha nde me nakatiis na nde makisabad.kasi wawa naman yung bata.ok naman sanang mag bf ang ina,ang sa akin lang wag naman sana nya pabayaan ang anak.totoo,pede cya mareport dito,kukunin sa kanya ang anak nya,parang sa bantay bata sa pinas,ilalayo sa kanya.kasi ganyan ang naging case ng isang pinay dito.nag bf ang pinay,ang 2 anak ay pinabayaan,cyempre ang mga bata ay nagugutom pagkagaling sa iskul,isang gr.4 and isang gr.2.gabi na wala pa ang ina,wala mahalungkat sa ref. and cabinet,kumakalam ang mga sikmura,nagpunta ng convinience store,nag-nakaw ng makakain,nahulli,pin adampot sa pulis,sa presinto dumating ang nagagalit na ina.sinigawan ang mga anak,doushite manbiki shita no?ang nangyari yung pinay ang pinagalitan ng mga pulis.nanay ka pero iresponsable ka.sabi ng mga pulis nde mo pede iuwi ang mga bata hanggat nde ka nagbabago.dinala ang mga bata sa bahay ampunan na puro madre ang mga tumitingin.sa ngayon maganda na ang hitsura ng mga bata.
At saka nde tama na sigawan at pagalitan ang bata sa harapan ng ibang tao.Dapat hilahin mo sa isang sulok,dun mo pagalitan at kung gusto mo kurutin mo pa.Kasi pag may ibang nakakakita or may kaharap na ibang tao mas lalong mapapahiya ang bata,lalo lang magrerebelde ang bata.After pagalitan,palapitin sa teacher at pahingiin ng tawad sa nagawa na pagkakamali.
Sana lang magising na at magbago na yang kaibigan mo.Tutal marami pa naman lalaki sa mundo,dito pa sa Japan,di ba maraming lalaki dito?marami pa cya makikilala,unahin muna nya asikasuhin ang mga anak.:grrr:

midnight
04-02-2006, 02:02 AM
naakaawa naman yong bata..sana di na lang sya nabiyayaan ng anak kung iresponsable naman syang magulang.
Malaking effect ito sa bata at madadala nya ito hanggang sa paglaki nya. Siguro mas mabuti pa na dalhin nya na lang sa pinas baka maalagaan pa ng mga kamaganak nya ng maayos doon.

TR250
04-02-2006, 03:08 AM
Hindi ba pwedeng i-report yan sa gubyerno (human rights/child rights). Kung kilala ko lang siya ay siguradong matagal ko na siyang na-report sa gubyerno laban sa child abuse.

pooh_chan
04-02-2006, 11:51 AM
Hi wolfgang,
Grabe naman yang friend mo!!!!!! hindi mo sya dapat tawaging friend noh kasi ganyan naman ugali nya, ni ayaw nga makinig sayo kahit pa mas older sya sayo noh.......Dios ko eh filipina pa man din sya, basta isa lang masasabi ko dyan sa friend mo " NAPAKA-WALANG KWENTA NYANG INA " promise........Ako, pinaka mahalaga sa akin ang anak ko, di bale ng mawala ang mga lalaki dito sa mundong ito wag lang ang anak ko.......I love my child w/ all my heart, at mamahalin ko pa sya habang nabubuhay ako.....ang sariling anak ay walang kapalit, kahit na anu pa man dito sa mundong ito......

ankizze
04-02-2006, 01:55 PM
hi, may puso ba yang tinatawag mong friend? napakawalang kwentang ina naman..... sa totoo lang nakakapanggigil no..... (sorry ha). nauuna pa yun libido nya kesa mag asikaso sa anak nya.....
kailan cia matatauhan???? pag wala na sa poder nya yung anak nya? sabihin mo sa kanya mag isip isip siya baka magsisi siya sa bandang huli....... o kung talagang wala na siyang oras sa anak nya bakit di na lang nya ilagak sa foundation yung bata at least duon makakakain at makakatulog ng maayos yung anak nya.....

Ganyan din naging kaso ng malayong kamag anak ko raw dito sa japan inabandona naman yung anak at sumama sa ibang lalaki ayun yung bata sa kanagawa child center for almost 16 yrs at ngayong year kailangan lumabas na ng bata wala pa ring konsensiya yung ina ni silip di ginagawa..... nakiusap yung lolo ko na kausapin ko daw yung ina pero alam nyo kung ano sagot sa kin? wala na raw siyang anak at wag ko na daw siya guluhin kasi masaya na daw siya sa buhay nya ngayon....

hay naku bakit kaya may ganitong mga klase ng tao....

(sensiya na po napahaba tloy.... naalala ko kasi yung tiyahin ko na walang puso):(

pola228
04-02-2006, 02:08 PM
ay grabe naman yang friend mo te wolfgang:( ..tsk..tsk..baka nga mas maganda pang iuwi nya na nga lang yang bata sa pinas baka sa kaling mas may magmalasakit pa(mga lola or tita)..alam natin darating ang araw na ma r-realize nya rin ang pagkakamali nya pero sana pagdumating yung time na yun nandyan pa sa tabi nya anak nya:( ....alam kong mahirap din sa loob mo ang nakikita mo ate lalo nat may anak karin kaya naman tamang i share mo yan dito para kahit papano makaluwag diba...
mas maganda siguro ate na ikaw nalang kumausap sa bata paminsan minsan pag may time kang makausap sya...alamin mo kaya kung close yung bata sa mga kamaganak nya sa pinas mas maganda sigurong doon nalang sya...nakakatakot pa babae sya tapos naguuwi pa ng kung sino sinong lalaki sa bahay e baka paginteresan sya..(wag naman sana!)

sa tanong mo naman....kung halimbawang nawalan nako ng asawa 100% di nako maghahanap ng panibagong lalaki at mga anak ko nalang ang aasikasuhin ko..(ayokong maranasan ng anak ko ang naranasan ko sa aking ina):)

wolfgang
04-02-2006, 02:19 PM
Thank you po sa lahat nang nagbigay nang reaksiyon at opinion...kahit na man po ako importante sa akin ang anak ko kahit siguro magkahiwalay kami nang asawa ko( wag naman sana) di ko pagpapalit ang isang buhay na niluwal ko sa mundo dahil lang sa isang lalaki ......:)
May bago po pala akong nalaman dahil tinawagan ko yung isa pa namin kaibigan...tumawag daw yung kaibigan namin at umiiyak dahil nag-away daw sila noong boyfriend niya at gusto na daw magpakamatay...Birui n niyo nag-away nang pisikal sa harap nang bata...tapos yung kaibigan na man naming nababaliw ....eh... magpapakamatay na daw siya....maglalaslas nang pulso...eh ..nakita noong bata..inawat siya so ang ginawa nang bata tinago lahat nang matatalas na bagay...At ang sabi pa nang nanay doon sa kaibigan namin ay ampunin na lang daw yung anak niya...ano ba yon ...pusa.....ewan talaga...bukas nga pupuntahan ko yon para kausapin ...:( Ang iniisip ko lang habang tumatagal baka magkaroon nang epekto sa utak yung bata dahil sa ginagawa nitong nanay niya:mad: masyado nang mentally ,emotionaly tortured ang bata....ehhh....

pola228
04-02-2006, 02:52 PM

naku ate kung malapit lang din ako dyan susugurin ko yan para kahit papano makausap:mad:
kakagigillllllllllll lllllllll:mad: :mad: :mad:

3rdy
04-02-2006, 03:28 PM
Dami na akong nakikita na ganyan hindi lang sa anak nila ang problema pati narin sa mga sarili nila. Kaya gosto ko talagang malaman kung paano makalusot dito sa Japan ang mga taong may bisyo particular na ang illegal drugs. Base na rin sa mga experience ko sa mga Pinoy dito sa Japan, yong mga lulong sa drugas o may exposure dati, sila ang may sankatutak na ginagawa na hindi mabuti. Ma trabaho man o ma relasyon sa kapwa Pinoy. Kaya mga kapatid iwasan ang masasamang bisyo!

fremsite
04-02-2006, 03:59 PM
wolfgang friend .. sad naman kwento ng kaibigan mo .. siguro .. kahit anong kausap gawin mo sa kanya .. hindi rin niya maririnig .. kailangan yata eh .. iuntog muna para magka-isip ng tama .. maganda yung suggestions ng ibang ka-tf members na pwedeng isumbong yan .. para na rin sa bata ... kung iuuwi naman ng pilipinas yung bata .. maganda rin kung may mag-aalaga na matino ang pag-iisip .. kawawa naman .. ako naman .. di ko matitimbang kung sino mas mahal ko .. mga anak ko o asawa ko .. nasasabi ko ito kasi .. alam ko at nararamdaman ko na mahal na mahal ako ng asawa ko .. mga anak ko .. ganun din sila sa akin..
kung papipiliin ako talaga .. lahat sila .. :)

luccia
04-02-2006, 06:16 PM
hi wolfgang

Mind if i ask something is you friend under in kosodate shinkan by the city govt.?
kung under man siya eto lang ang pwede mong lapitan na makakatulong dun
sa sitwasyon nung bata. if the child is 10 yrs old i think she/he is old enough,
to learn and accept thing in her/he responses and reactions when relating
to happenings in her/his surrounding.
but Not Strong Enough to be feel alone. the child doesnt deserve to be treated like that.
for the mean time be a good friend na lang dun sa bata instead dun sa mother niya.
ang kailangan niya ay kaibigan na uunawa sa sitwasyon na dadamayan siya,
at ipakikita sa kanya na hindi lang siya ang may ganun na sitwasyon.
which is very common in daily life. all she/he has to do is accept the
situation and fight for her/he rights na di kayang ibigay na mother nya.
instead of acting like no one cares for her/he even if it's true. kung di nag cacare
ang mother niya sa kanya, then siya na lang ang dapat na mag care sa sarili niya.

masyado ng binabangungut ang kaibigan mo kahit sarili niya
dina nya na kayang gisingin. ang kailangan ng kaibigan mo
ay tapik sa balikat na aabot sa kaluluwa niya. ang kaibigan mo ang dapat
umuwi sa pilipinas. dahil siya ang walang karapatan mag stay dito
sa japan kung ganyan lang din naman na nag hahasik siya ng lagim sa sarili
niyang dugo.

ang bata ang dapat mag stay dito sa japan dahil maliwanag pa sa sikat
ng araw na may karapatan siya kesa sa mother niya.

Let's Keep the Good Vibes Rolinn to you wolfgang and too the child.

wolfgang
04-02-2006, 07:38 PM
Miss Luccia ano po yong kosodate shinkan ?yun po ba yung anak ang nagbibigay nang visa kasi ...kun yon po ang ibig sabihin non,,,e ..yung kaibigan ko anak niya ang dahilan kaya siya binibigyan nang visa ehh...

pola228
04-02-2006, 08:51 PM

sabagay tama ka dun luccia san...kaya kung may paraan lang sana na yung mother ang mapauwi at stay nalang dito bata...hayyy...ano bang magagawa natin:(

wolfgang wag ka sanang magsawa sa pagalala sa bata..:(

depp
04-02-2006, 09:33 PM
iuntog mo kaya sa pader ang kaibigan mo para magising.lalaki lang yan,marami sa earth nyan.
kung ako ang tatanungin,mas mahalaga sa akin ang anak ko kesa sa lalake or boyfriend.
naging single mother din ako,nag-boyfriend,nahirang sa pag-ibig nung bata-bata ako pero di ko pinabayaan ang anak ko.at di ko ipinagpalit sa lalaki.kaya ngayon dama ko ang pagmamahal ng panganay ko dahil nadama nya kung gaano ko sya minahal.kahit di kami nagkita ng 8 yrs.dahi iniwan sya,hindi dahil sa lalake kundi dahil sa trabaho,para sa future nya.
kumikirot ang puso ko pag nakakarinig ako o nakakabasa ng bagay na ganito,nakakaawa ang mga batang pinababayaan ng ina.
sana naman ay mauntog o magising ang kaibigan mo hanggang maaga pa,at sana naman ay matatag ang bata at hindi makaisip ng kung ano.iyan ang ikinatatakot ko.
wala akong maisip na salita kung ano ang itatawag ko sa kaibigan mo,masahol as in .......ayaw na ayaw kong magbigkas ng masamang salita pero nagngingitngit ang kalooban ko.
DIYOS na ang bahalang humusga sa kanya.at alam kong me kaparusahan ang anumang ginawa nating di maganda sa mundong ito.
naway may gumabay sa bata at sanay may umaksyon sa kasong ito.

luccia
04-03-2006, 01:00 AM
Miss Luccia ano po yong kosodate shinkan ?yun po ba yung anak ang nagbibigay nang visa kasi ...kun yon po ang ibig sabihin non,,,e ..yung kaibigan ko anak niya ang dahilan kaya siya binibigyan nang visa ehh...

hi wolfgang,

Kosodate Shien Ka means Parenting Support Section by city hall.
if that so na ang visa niya ay nanggagaling mismo sa bata it means
lang may natatanggap siyang tulong by govt. ang danchi ba na tinitirhan
nila ay "Toei-jutaku"? dahil kung Toei yan means lang na mababa ang
bayad niya at kung nakapasok siya sa danchi na yan ibig sabihin ay ang
kosodate ang umayos.kaya nakatira sila sa danci na yan. dika makakapasok
ng basta basta sa Toei ng ganun kadali. kung ganun may karapatan lang talaga
na malaman ng kosodate ang sitwasyon ng bata.

wolfgang
04-03-2006, 08:08 AM

opo sa gov't po yung bahay nila bale ang upa nila ay \15,000 monthly.. sa totoo lang po gusto ko na po talagang isumbong siya kaya lang ayoko po talagang lumabas na ahas sa kaibigan kaya tumatahimik po ako...Atsaka iniisip ko rin kasi na wala talgang mapupuntahan yung bata kapag nawala yung nanay niya kasi wala na pong kamag-anak sa father side yung bata....2 years ago nagpakamatay yung tatay noong bata(di po sinabi noong kaibigan ko sa anak niya)..At di ko rin po tiyak kung gusto nang bata na mahiwalay sa nanay niya..or baka kahit nahihirapan siya mas gusto niyang kasama yung nanay niya.
Kaya wala rin po akong magagawa kung di tignan na lang at tumulong kung kailangan ...:(

aprilluck
04-03-2006, 02:38 PM
@ wolfgang,
Nagkaroon na rin ako ng kaibigan na ganyan din ang ugali ,walang inisip para sa anak kundi para sa panglamang pagnanasa ,ewan ko ba ,lahat ng paraan ginawa ko din noon huwag lang madamay ang bata ,pero sa bandang huli iyung Ina pa rin ang magdedesisyon kung ano ang gusto n'yang gawain ,Kaya hayun sa 'pinas balik sa isang kahig isang tukang buhay.

Tulad din ng kuwento mo or baka masahol pa kasi ,inuwi ura-urada ang bata noong nahiwalay sa asawang Hapon ,abala sa kanyang panlalaki kaysa sa mag-alaga ng sariling anak ,pina-alagaan sa kapatid sa pinas iyung bata hanggang sa ma-overstay na ang bata doon dahil hindi ina-up-date ang length of stay ng passport,tinulungan kong i-renew ang passport nung bata ,pinasamahan ko sa kapatid ko sa pinas sa Japanese Embassy ,sa kagustuhan kong maibalik iyung bata dito sa Japan para na rin kanilang mag-ina ,mabigyan s'ya ng proper visa ,makahingi ng konting tulong sa gobyerno dahil "boshi katei " sila ng kanyang anak .Wala rin hindi rin ibinalik ang bata dito ,mahirap daw mag-alaga ,dahil puyat daw siya ?,sa gabi rin ang tatrabaho.

Hanggang na-expire na rin ang visa n'ya rito ,nag-overstay din ,nakakita uli ng Hapon na magpapakasal sa kanya ulit so umuwi sa Pinas para ayusin ang kasal ,ang kaso naman habang naghihintay ng paglabas ng visa ,nakakita uli ng lalaki sa pinas .Pero nagpakasal din sa Hapon,noong kasal na ,uwi naman ng uwi sa pinas dahil baliw na baliw sa lalaki n'ya doon ,ayun hanggang sa nagkagulo-gulo na dahil mismong iyung mga kapatid n'ya ang nagtapat sa ginagawa ng kapatid nila,Meron din kasing isang kapatid iyon dito na nag-asawa rin ng Hapon pero kabaliktaran n'ya ang ugali .Mabait rin naman iyung Hapon,kinausap muna s'ya pinapili kung ano ang gusto n'yang gawin ,dahil nga saksakan ng baliw,hibang ,sira -ulo ,luka-luka ,ang pinili ba naman ay iyung lalaki n'ya doon na may asawa rin ,walang trabaho,umaasa lang sa kanya .hayun idiniborsiyo s'ya ng Hapon ,di na s'ya nakabalik dito .

Ang huling balita ko sabi ng kapatid n'ya ay ,ibinenta daw ang pampasaherong sasakyan,bumalik sa squatter ,nag-kaanak doon sa lalaki n'ya ,halos -araw-araw pinupuntahan noong tunay na asawa at pinag-mumura sa harap ng bahay ,minsan daw nag-abot, pinag-gugupit noong tunay na asawa ang buhok n'ya.Tapos pag nag-aaway sila noong lalaki n'ya ayun bugbog sarado ang inaabot n'ya .Ngayon magsisi man siya langit hanggang lupa wala na siyang magagawa.Iyung anak n'ya palipat -lipat sa mga kamag-anak ,ayaw sa Ina n'ya.

Iyan ang napapala ng mga taong hindi nag-iisip sa kinabukasan ,basta maligaya ngayon,parang ayos na ang lahat,kaya iyung mga anak ang napapahamak at nawawala ang pag-asang magkaroon ng magandang kinabukasan ,"Ina" bang maituturing iyan!
Ang tunay na Ina ay nakalaang isakripisyo ang buong buhay para sa anak ,itaguyod ang paghandaan ang kinabukasan ng mga anak .

Sabi na rin ng mga nag post sa thread na ito ,Sarap i-umpog ang ulo ng mga sira -ulong Ina ,martilyuhin kaya ?,sagaan na lang kaya ? Ah Ewan!!!:hellfire: