PDA

View Full Version : Okey ba itong plano ko ?


midnight
04-02-2006, 12:45 AM
Hi everyone ! mAY tanong po ako sa inyo at gusto ko lang malaman ang mga opinion nyo kung okey lang ba ang magbusiness ng tricycle ? Iyong pinsan ko kasi na nakatira sa amin at parang kapatid ko na rin dahil halos sa amin na lumaki ay naghihiling sa akin kung pwede ko raw syang tulungan na magkaroon ng tricycle. Sa amin sya nakatira at nawalan sya ng trabaho dahil nagsara iyong kumpanya na pinagtatrabahuan nya.

Babayaran daw po nya ako pag nakaluwag sya at gusto nya na ako muna ang magpaluwal ng tricycle. Sa tingin nyo kikita rin ba ang tricycle ? Nakatira kami sa Subdivision at marami ang pumapasada ng tricycle. Mahal ba ang tricycle at ano ano kaya ang kailangan kong gawin para magbusiness ng tricycle ang pinsan ko ? Sino sa inyo ang may tricycle na ipinapasada sa pinas ?

Hope u can share your opinions and knowledge about this ..thanks :wave:

japphi
04-02-2006, 08:58 AM
hi midnight....ilan sa mga kapatid ko ay may mga tricycle....at bale yon na rin ang pinagkikitaan nila.

Ewan ko...depende rin siguro sa lugar....kami kasi sa probinsya na marami ring mga tricycle na pampasada.Na doon sa mga kapatid ko ay medyo mahina raw ang pasada.Kasi kahit na mag ta-tricycle lang ngayon ay may union na rin.

Sa kanila daw ay hindi pwede yung basta pasada ka lagi....dapat ay nakahilera sila na para bang dito na naghihintay sila nang pasahero para makapasada sila lahat sa isang araw.Mahina ang pasada doon sa amin na kadalasan daw ay nakaka-150 or 200 pesos a day lang....then bili ka pa nang gasolina....ewan ko lang baka doon sa pinsan mo maganda ang pasada.May humihiram na rin sa akin na ganyan....na ang sabi ay 30 to 40 thousand daw yung tricycle....second hand pa yata yon.Pero tumutol yung mga kapatid ko dahil malulugi daw at hindi mababayaran sa akin....kung gusto ko raw ibigay yung pera ko ok daw....pero pautang tapos maghihintay nang bayad.....maghintay daw ako sa 99....(siyam-siyam) means wala.

nikita
04-02-2006, 09:26 AM
Ok yung plan mo na matulungan yung pinsan mo,pero pag isipan mo pa rin kung bukal nga sa loob mo ang pag tulong.magkano lang kase ang kinikita pag namasada ka ng tricycle,tama lang sa pangka buhayan sa araw araw.....ngayon kung mag eexpect ka na mababayaran ka agad~~~hmmnnnn:rolle yes: wag ka na lang umasa.........baka sa bandang huli mag sisi ka pa:)

pooh_chan
04-02-2006, 11:20 AM
Hi everyone ! mAY tanong po ako sa inyo at gusto ko lang malaman ang mga opinion nyo kung okey lang ba ang magbusiness ng tricycle ? Iyong pinsan ko kasi na nakatira sa amin at parang kapatid ko na rin dahil halos sa amin na lumaki ay naghihiling sa akin kung pwede ko raw syang tulungan na magkaroon ng tricycle. Sa amin sya nakatira at nawalan sya ng trabaho dahil nagsara iyong kumpanya na pinagtatrabahuan nya.

Babayaran daw po nya ako pag nakaluwag sya at gusto nya na ako muna ang magpaluwal ng tricycle. Sa tingin nyo kikita rin ba ang tricycle ? Nakatira kami sa Subdivision at marami ang pumapasada ng tricycle. Mahal ba ang tricycle at ano ano kaya ang kailangan kong gawin para magbusiness ng tricycle ang pinsan ko ? Sino sa inyo ang may tricycle na ipinapasada sa pinas ?

Hope u can share your opinions and knowledge about this ..thanks :wave:


Hello midnight san,
Makikisabat na rin ako ha! Actually meron din kaming trysikel sa pinas, ang laki ng nagastos namin ng asawa ko nuon kasi all brand new ang binili namin, at regalo kasi iyon ng asawa ko dun sa kapatid kong lalaki. Problema kasi ngayon ang trysikel eh, tama ang sinabi ni lola japphi, halos ganun lang talaga ang kinikita ng trysikel ngayon isa pang problema hindi na sila nagbibigay ng prangkisa ng trysikel kasi sa sobrang dami na rin ng trysikel ngayon na ginawang pangkabuhayan ng mga kababayan natin, kapag kasi wala kang prangkisa mahihirapan kang bumiyahe dahil huhulihin ka ng pulis. Marami ka pang gagastosin eh dahil kailangan mong magbayad sa union o sa pagmimeyembrohan nung trysikel mo para makasali ka sa pila nila kasi kung hindi maraming magagalit sayo. Opinyon ko lng to ha, hindi rin talaga ganun kalakas kumita ang trysikel at at problema din kung mabibigyan sya ng prangkisa o hindi kasi sa amin kasi sa ( CALAMBA ) hindi na nagbibigay nang prangkisa ang munisipyo ngayon kasi nga dahilan nila ang dami na daw'ng trysikel dun, ewan ko nga kung bakit ganun eh yon lang naman ang inaasahan ng mga kababayan natin eh......:)

tfcfan
04-02-2006, 01:26 PM
Hi Midnight! Last year lang binilhan ko rin ang tatay ko,kung bibili ka ng brand new na motor nasa 75 thou to 80 thou.Then iba pa yung side car 15 thou ang bili namin,plus prankisa sa munisipyo,di ko alam kung magkano ang eksaktong ibinayad ng tatay ko at yung bayad pa sa asosasyon kung san ka pipila at papasadang lugar.At kung sa kita naman eh swerte na ang maka 200 or 300 sa isang araw,lalo na kung ang lugar nyo eh marami na ring traysikel.Yung traysikel namin bale eh 2 na,pero di sya talaga pwedeng asahan bilang negosyo kase sapat lang talaga para sa pang-araw araw ng isang pamilya na may 1 or 2 anak.Kaya eto until now kailangan ko pa rin suportahan ang pamilya ko sa Pinas kahit na sabihin pang may pinagkakakitaan sila at may trabaho rin naman ang iba kong kapatid bukod sa pamamasada ng traysikel..Kaya pag-isipan mo ring mabuti,kase di sya talaga pwedeng asahan bilang negosyo,sa hirap ng buhay sa Pinas ewan ko lang kung maibabalik kaagad sa'yo ng pinsan mo ang gagastusin mo kung saka-sakali sa pagbili ng traysikel..:)

midnight
04-02-2006, 11:36 PM
salamat sa mga sumagot :wave:

So pano kaya ..? Ano kaya ang magandang gawin ng pinsan ko ? wala rin kasi syang trabaho at kailangan nya rin na may pagkakakitaan . Kasi magiging pabigat nga lang sya. Ano kaya ang maganda nyang gawin.Nandito rin kasi ako para tumulong sa kanya para magpahiram ng pera ...

pola228
04-03-2006, 12:00 AM
Hi everyone ! mAY tanong po ako sa inyo at gusto ko lang malaman ang mga opinion nyo kung okey lang ba ang magbusiness ng tricycle ? Iyong pinsan ko kasi na nakatira sa amin at parang kapatid ko na rin dahil halos sa amin na lumaki ay naghihiling sa akin kung pwede ko raw syang tulungan na magkaroon ng tricycle. Sa amin sya nakatira at nawalan sya ng trabaho dahil nagsara iyong kumpanya na pinagtatrabahuan nya.

Babayaran daw po nya ako pag nakaluwag sya at gusto nya na ako muna ang magpaluwal ng tricycle. Sa tingin nyo kikita rin ba ang tricycle ? Nakatira kami sa Subdivision at marami ang pumapasada ng tricycle. Mahal ba ang tricycle at ano ano kaya ang kailangan kong gawin para magbusiness ng tricycle ang pinsan ko ? Sino sa inyo ang may tricycle na ipinapasada sa pinas ?

Hope u can share your opinions and knowledge about this ..thanks :wave:

sa opinyon ko po...kung sa pansarili nya lang naman(single pa po ba?) at di ka mag e-expect agad ng bayad(or baka nga wag nalang:D ) bakit di nyo po pagbigyan kaysa naman maging tambay..remind nyo lang po sa kanya na pagaralan nya munang maigi or magtanong tanong sa mga tricycle driver...sakin po jeep naman kaso pinaka malaking problema yung laging may nasisira:mad: talaga namang mauubusan ka ng dugo....ewan ko lang sa tricycle kung malipit din ang ganitong problema...

wolfgang
04-03-2006, 07:40 AM
Hello miss midnight...wala na po akong masasabi kasi halos lahat nasagot na po nila..tungkol sa pagkakaroon nang tricycle..Ako naman po 5 yrs ago...tumulong din ako sa tiyuhin ko ng pahiramin ko siya nang pera para bumili...hanggang ngayon ..bulok na po yung tricycle di pa rin niya ako nababayaran.KAya di ko na rin po siya siningil....KUng tutulungan niyo po yung pinsan niyo.....ehhhh wag na po kayong umasa na mababayaran niya yon...kasi maliiit lang talaga ang kita ng tricycle...Isipin niyo na lang na bibigyan niyo siya nang pangkabuhayan showcase...hehehe... :D :D :D para di naman din siya pabigat sa inyo.......yun lang po..

Spinnaker
04-03-2006, 10:19 AM
Hindi na kasing ganda ang turn-around ng tricycle ngayon, di tulad ng dati, gaya ng nasabi ng iba. Pero mas malaki pa din ang timbang ng pagkakaroon ng tricyle. Kung pamilyado na pinsan nila, e malaking tulong din yun tricylce sa palagay ko (school service, pamamalengke, pansimba ng pamilya).

Mas maganda din po kung nakakaintindi sya ng tamang pag gamit at pag-iingat ng sasakyan kasi pag nasira yun, wala rin syang kita.. opo may mga mekaniko pa rin pero may mga sira ng sasakyan na peding makatulong para mabawasan ang punta sa mekaniko.

Pero kung binata pa naman sya at temporary work ang hanap nya, e di manlabasan muna sya? Hindi ko alam, pinsan mo sya hindi mo naman kapatid di ba? Siguro hindi rin sya nag-iisang pinsan? Baka maging hudyat po kasi yan para yung ibang pinsan mo e humingi din ng tulong sa inyo, at kung hindi matulungan lahat e magkaroon pa ng hindi magandang resulta (selos or favoritism).

bell
04-03-2006, 10:34 AM
tama ang mga sinabi nila midnight...dati meron akong tricycle nong nabunuhay pa ang father ko,then nong nawala na sya baele pinagamit ko sa pinsan namin,e hindi naman ako pwedeng magtricycle ano!ang nangyari walang pera at sira lang lagi ang tricycle ang kinita napupunta lang sa pag papaayos ng makina.acutally yong tricycle na yon e bagong bili ko.kesyo na flat ang gulong e di sakin pa rin yon ako pa ang bibili.tapos yong kita pa sa araw araw dimo masabi kung malaki kasi sa amin sa province namin ang dami na rin swerte mo kung maka 200pesos ka a day.minsan natatanggap ko 50pesos lang bahagi.hay,sasapat ba naman yon abunado pa ako.kaya pinagbili ko na lang at least nakinabang ako...

makulit
04-03-2006, 01:30 PM
hi midgnight.

wala kaming tricycle pero nagbalak na rin akong bumili nuong umuwi ako.
ang bagong tricycle, gagastos ka ng min 100-150K kasama na ang sidecar. depende sa cc ng motorcycle, taas pa yon. at yung side car depende din kung stainless o hindi.

then pag gawa na yung tricycle mo, kailangan mo pang mag pa member. depende sa lugar, ang membership. duon sa lugar namin tumataginting na 80K ang membership! hindi ko alam kung bakit ... pero ang pagkakaalam ko ang membership e 5,000-20,000K lang.

ang earnings naman, tama lahat ng sinabi nila. ganon lang ang income ng tricycle. still better kesa walang ginagawa at nagiging pabigat.

Firipinjin
04-03-2006, 02:57 PM
How about a Taxi for him? Meron akong kilala sa Pilipinas na bumili ng brand new corolla para gawing taxi. Binili niya yung rights sa linya at inilipat niya duon sa corolla (dating Kia Pride yung taxi nung pinagbilihan). Gumastos siya sa pang-down nung taxi --- P100,000 ata. Yung monthly hulugan, sa araw-araw na boundary kinukuha. Kinailangan niyang kumita ng mula 750 to 1000 pesos araw-araw para kumita para sa kanya at sa pang hulugan.

May mga bagong sasakyan sa Pilipinas na hindi gaanong kamahal na puedeng gawing taxi. Ang isa pang maari mong gawin eh bumili ng L300 FX van na puedeng gawin route vehicle o school bus service. Alam ko maraming ganyan sa may Makati area na bumibiyahe going to Laguna, Paranaque, QC, atbp.

barabara
04-03-2006, 03:13 PM
1991 bumili rin ako ng tricycle para sa only one brother ko with 3 kids.wife niya tinda ng palamig sa harap ng school. sa tricycle naman may service sa mga student .. okey naman at nakakaraos kapatid ko. dahil nasa name ko ang tricycle ako pa rin ang bayad ng renewal ng mga paper every year.bigay ko na sa kanila iyon, kesa padala ako ng pera every months..second hand nabili iyon bago pa, kasi punta sa Saudi mayari..50 tausan pesos..

mOtt_erU
09-12-2006, 11:39 PM
,,,Hi Midnight San:)
i think OK po yang plan mo......atleast Gambaritai yung cousin mo..hindi yung nakaasa lang..at may kusa siya...

wolfgang
09-12-2006, 11:43 PM
siguro naman natapos na at nakapagdesisyon na si miss midnight...kasi ilang buwan na rin naman itong thread na ito eh:)