PDA

View Full Version : Filipino nannies and broken families


Tonyang
04-02-2006, 07:26 AM
Mga Kasama sa TF:

Marami tayong mga kababayang DH dito sa Japan. Karamihan sa kanila'y tumagal na rin sa Japan at nakapagpatapos na rin ng kanilang mga anak pero hanggang ngayon ay DH pa rin sila. Di biro ang 10, 15, 20 o 25 na taon na ginugol nila para makipagsapalaran at makaranas ng iba't ibang trato na nakakabit sa trabahong ito.

Mensahe nga ni "Miss International" na proud siya sa mga nanny na Pinoy dahil sila ang simbolo ng isang caring culture.

Napakasipag ng mga Pinay DH. Kumusta kaya ang kanilang mga anak na tanging rason ng karamihan kaya sila nag-DH? Sa mga nakapagtapos na ng pag-aaral at naging maayos na ang buhay, dumating kaya sa puntong pinatigil na nila ang kanilang mga ina sa pagiging katulong o hinayaan na lang nila ang mga ina na maging DH pa ng matagal?

Ikakabit ko lang dito iyung dahilan kung bakit ko ito naitanong sa TF. Karamihan sa atin trabaho ng trabaho, ipon ng ipon para may pang-remit. Sana may mga naging modelo tayo ng long distance relationship. Marami na rin tayong napag-alaman na nasirang pamilya sa OFW-ship (nanay o tatay ang wala case). Kung tutuusin, isang mahirap na decision ang lumayo sa pamilya para kumita ng pera dahil malaki ang tsansa na masira ito kung walang preparasyon bilang pamilya.

Tapos siyempre tumatanda tayong lahat at pabalik sa Pinas ang target natin. Sa mga nakipaghiwalay na, ayaw na nilang bumalik sa Pinas pero ayaw na rin ng trabaho sa kanila dahil nga matatanda na sila. Sa ganitong kaso, paano na ang buhay?

Eto nga iyung ehemplo na isinulat ko noon... ngayon "heroes" tayo baka bukas "basura" ang itrato sa atin pagbalik sa Pinas dahil wala na tayong pera at matatanda na tayo. Pag-isipan natin itong maigi. Bilang mga OFW at mga nagtatrabaho sa ibang bansa, long-term palagi ang ikabit natin sa ating mga balak sa buhay.

PILIPINAS
04-02-2006, 10:37 AM
siguro kaligayan na ng mga magulang ang mag-silbi sa kanilang mga anak, kahit wala nang natitira para sa sarili nila. sana may programa ang OFW na ma-encourage ang mga pilipino na umuwi sa atin after fifteen years of contineously working abroad. sa loob ng labing limang taon , i'm sure nakatapos na sa pag-aaral ang mga anak nila. hindi na nila kailangnag kumita ng malaki.

pilipinas

3rdy
04-02-2006, 03:11 PM
Mga Kasama sa TF:

Marami tayong mga kababayang DH dito sa Japan. Karamihan sa kanila'y tumagal na rin sa Japan at nakapagpatapos na rin ng kanilang mga anak pero hanggang ngayon ay DH pa rin sila. Di biro ang 10, 15, 20 o 25 na taon na ginugol nila para makipagsapalaran at makaranas ng iba't ibang trato na nakakabit sa trabahong ito.

Ka Tonyang, hindi ko talaga alam na mayroon palang mga DH dito sa Japan. Kung mayroon man share naman sa circumstances papano sila nakapagtrabaho ng ganyan dito. Ang care-giver sector nga hindi pa na formalize na i-open sa foreigners sa governo ng Japan.

pointblank
04-03-2006, 11:17 PM
Napakasipag ng mga Pinay DH. Kumusta kaya ang kanilang mga anak na tanging rason ng karamihan kaya sila nag-DH? Sa mga nakapagtapos na ng pag-aaral at naging maayos na ang buhay, dumating kaya sa puntong pinatigil na nila ang kanilang mga ina sa pagiging katulong o hinayaan na lang nila ang mga ina na maging DH pa ng matagal?

Haaaay, totoo yang sinabi mo!

Na-point out ko na ito sa ibang mga threads on OFW and immigration problems. Pero yung iba diyan, ayaw nilang makita ang problema. Nagkwo-quote na ako ng ADB study, pero hindi raw totoo dahil di raw yan mangyayari sa Pilipino.

What I said was: the OFW phenomenon is creating a culture of absolute dependency. Kaya hindi nakakaahon ang Pinas ay dahil malaking bahagi ng padala ng OFW ay hindi nagiging "supplemental" income sa kita ng mga pamilya niola sa Pinas kundi nagiging "replacement" o total income. Sa madaling salita, pag mag OFW ang isang pamilya sa Pinas, malaking probability na hindi na nagtatrabaho ang pamilya, kahit na malalakas pa sila. Maraming husband ang humihinto sa trabaho at nagtatambay na lang - dahil meron naman daw pumapasok na pera, bakit pa sila maghihirap? Kaya tuloy hindi nag-i-improve ang local economy in the long term, dahil detrimental ang OFW money sa motivation to work productively. All of this is in the study.

Meron nga akong kilalang OFW, nagpag-aral niya na ang anak niya ng law. Graduate na yung anak, at may asawa na! Pero di pa rin makauwi si OFW dahil kailangan naman ngayon ay yung apo niya ang pag-aralin niya. Susmaryosep, para saan niya pinaaral yung anak niya? Di ba sobra-sobra na ang pagka-abuso nito?:mad:

proud me
04-04-2006, 05:10 PM
matagal tagal narin po ako ng konti dito sa japan at wala pa rin namang na memeet na kababayang trabaho eh dh pero yong problemang umuuwi sa pinas na mas naghihirap pa ang buhay sa mga mahal nya sa buhay na mga tinulungan nya nong siya ay kasulukuyan kumakayod dito sa japan eh marami na at yang ganyang mga problema eh hindi lang sa ofw nangyayari maging sa mga dating jappanese spouse rin siguro nasa ating mga kaugaliang pinoy narin minsan ang pinagmumulan at nauuwi sa pang aabuso nalang minsan sad to say mga problemang mahirap lutasin pero dapat bigyan pansin para mabigyan ng kalutasan:kiss:

Tonyang
04-15-2006, 11:33 AM
Unang tanong siguro riyan kahit kaninong DH... anong target nilang gawin sa buhay at ano ang kinabukasang gusto nilang pansarli at pampamilya.

mOtt_erU
09-09-2006, 12:32 AM
Kagaya ng sabi ni 3rdy San, hindi ko din alam Tonyang San na may DH pala dito sa Japan......

Saludo ako sa kanila, I`m sure lahat ng paghihirap nila ay para sa mga mahal nila sa buhay..
sana lang kagaya ng lahat pagtitiis at pagGaganbaru nila eh tumbasan din ng mga mahal nila sa buhay kagaya ng Respeto at pagpapahalaga.:)

love0308
10-05-2006, 09:08 PM
Nakakalungkot naman po kung dumating ang panahon na kailangan ko ang pamilya ko tapos balewalain nila ko samantalang nang malakas pa akoy wala akong inisip kundi ang mapaganda at mabigay ang luho nila sa buhay. Sana wag maging ganito ang mga anak ko:( kaya habang maaga pa pagpaplanuhan ko rin ang future para kahit tumigil na ko sa trabaho di ako mukhang kawawa;)

mamimo
10-06-2006, 10:58 AM
Mga Kasama sa TF:


Tapos siyempre tumatanda tayong lahat at pabalik sa Pinas ang target natin. Sa mga nakipaghiwalay na, ayaw na nilang bumalik sa Pinas pero ayaw na rin ng trabaho sa kanila dahil nga matatanda na sila. Sa ganitong kaso, paano na ang buhay?

Eto nga iyung ehemplo na isinulat ko noon... ngayon "heroes" tayo baka bukas "basura" ang itrato sa atin pagbalik sa Pinas dahil wala na tayong pera at matatanda na tayo. Pag-isipan natin itong maigi. Bilang mga OFW at mga nagtatrabaho sa ibang bansa, long-term palagi ang ikabit natin sa ating mga balak sa buhay.


sad truth ~ there are times that we are being responsible for others instead of being responsible to them.

mr.kuripot
10-06-2006, 02:45 PM
Hello ka tonyang..

Yan na nga rin ang point ng asawa ko..wiling syang tumulong para sa pamilya ko no matter what pamilya ko pa din yon..di kasi tayo pareho ng mga japanese na once na nag 18 or makapagwork na ang anak kanya kanya na sila..tumayo ka sa sarili mong paa..Sabi nga ng asawa ko di daw habang panahon na tutulong kami sa pinas,bigyan ko lang daw sila ng puhunan o ikabubuhay tapos na yon kun tutulong man kami pag may emetgency na lang pero sa madaling salita kadami ko nang naibigay na puhunan lagi pa ring wala...minsan nakakapagod na rin..Kayo ba mga ka tf napapagod na rin minsan??nahihiya na rin ako sa asawa ko,oo ngat wala syang sinasabi lahat ng ipinapadala ko di sya nagrereklamo kaya lang naawa na rin ako sa kanya kasi sobrang gambatteru sya tapos ang pamilya ko dun sa pinas sumasahod lang..:( :( pagka di mo nabigyan masama pa ang loob ng mga alaga at ampon ko dun..susme..:eek: :eek: nakakapagod..siguro pare pareho lang tayo ng mga kalagayan mapa DH mapa may asawang foriegner..:O :O

michael_jp
10-11-2006, 12:37 PM
Tonyang,
I agree with you regaring kalagayan at problema ng mga DH dito sa Japan. Panahon na siguro para gumising tayo at magkaroon na clear future plan. Well, regarding future plans, may nakita akong mga business ideas para sa OFW. Below is the website. Sana makatulong ito.

http://eofw.edongskey.com/
http://entrepinoys.blogspot .com/

Mamimo,
Yes, It's a sad truth about being responsible. Well, I could re-quote it as " we are responsible to them, but we are not accountable for them". Like for example, responsibility natin ang future ng family natin so, binibigyan natin sila ng tulong sa pag-establish ng business, etc. pero hindi tayo accountable kung hindi maging maganda ang result or future nila. So, we need to draw a CLEAR line when we talk about responsibility at accountability. Dahil kung wala nito ay lagi na lang tayo bumibigay sa bawat hiling ng mga pamilya natin sa Pinsa. .....It's a sad truth.

josephsoliman
10-11-2006, 12:46 PM
Theres no such Nannies or DH (domestic helper)here in Japan.Walang kategorya rin ng Visa rito sa Japan ang pagiging DH.Halos naikot ko na siguro ang Japan pero wala ako na-encounter na katulong or Maid dito sa Japan especially Filipino.Again NO Domestic Filipino Helper here in Japan...(suya...inis sss...grrrr...)

pinkpooh29
10-11-2006, 01:15 PM
:) sa pag kakaalam kopo merong DH dito sa Japan pero hindi ganon karami.. last year may nakasabay ako sa airplane siguro nasa 50 mahigit na sya, nang makakwentuhan ko sya yun nga DH daw sya sa japan for almost 18yrs na..ang amo daw nya ay isa sa mga nag wowork sa embassy, at yung mga kapatid daw nya at anak nya hahanapan din daw nya ng amo,para makapagtrabaho sa japan. first time kopo ma encounter na may DH pala sa japan..

josephsoliman
10-11-2006, 01:43 PM
Oh!I see yan siguro yong mga Status of residence(zairyu shikaku)ay diplomat or Official at period of stay ay during Mission.Mostly nag-wowork sa different Embassy at part time lang ang pag-DH or tawag nila ay nag-sesetting ng mga Ambassador houses,but not like literally DH na katulad sa SAudi or HK.

pinkpooh29
10-11-2006, 02:03 PM
ah ganon ba..so wala pala talagang DH na filipino dito sa japan.. tinanong ko nga rin ang hubby ko kanina, sagot nya sakin "wala"daw.. yung babaeng naka kwentuhan ko,di naman ako nag tanong about visa nya,.. sabi lang nya DH nga daw sya sa japan..

Dax
10-11-2006, 02:06 PM
yung babaeng naka kwentuhan ko,di naman ako nag tanong about visa nya,.. sabi lang nya DH nga daw sya sa japan..
Posibleng DH siya ng expats na lumipat ng tirahan dito sa Japan, considering na nagtatrabaho sa isang embahada ang kanyang amo.

josephsoliman
10-11-2006, 02:49 PM
Sabihin na natin DH yong trabaho nya pero ano kaya category visa nya?Diplomat?Officia l?Ang bigat ng Status of residence.Kung meron man siguro DH sa Japan mabibilang mo lang sa Daliri kasama na yong Paa.

sharja
10-11-2006, 03:15 PM
hello josephsoliman,
If I am not wrong, only foriegners are allowed to sponsor a foriegn DH or babysitter in Japan, provided they are qualified financially. Not only those who worked for the different embassies but any body not a Japanese citizen.
I met some while visiting Tokyo in November, mostly at the park near National Azabu. I know that they make good money cosidering that they don't have to pay for board and lodging. Most of them make at least 150,000.00 plus 2 months of bonus and a month vacation a year they also do part time jobs during the night. I tell you, they do make money, no wonder they don't want to go back to the Philippines and do what? I know that there are some who were granted citizenship not too long ago.

josephsoliman
10-11-2006, 03:43 PM
Hi!hello and Thanks too..Im just wondering what kind or category of status of residence,Do they have?Skilled laborer?Japan Immigration is stricted compared to States.

Dax
10-11-2006, 03:50 PM
I think it's 特定活動 (tokutei katsudou) or designated activities. This visa type is for:
外交官・領事官等に私的に雇用される家事使 用人として入国しようとする外国人、ワーキ ング・ホリデー制度により入国しようとする 外国人、企業等に雇用されてアマチュアスポ ーツの選手として活動しようとする外国人及 びその扶養を受ける配偶者又は子、国際仲裁 代理を行う外国弁護士、インターンシップの 活動を行う大学生等
Bold portion roughly translated to: Foreigners employed as family servants by diplomats or consuls.

Ito rin daw ang visa type ng amateur sports personalities na hired ng companies, lawyers handling international cases etc.

Source (can't find English version):
http://www.mofa.go.jp/mofaj/toko/visa/annai/visa_4.html

michael_jp
10-11-2006, 11:01 PM
Yeah, Dax is right I checked it with my DH friend. Their visa is designated activities. And it's only valid for 1 year so, you need to update it yearly.

sharja,
My other DH friend is earning a net monthly income of 300k to 400k yen, kaya marami na syang business sa Pinas. At anytime ay pwede na syang umuwi sa Pinas.

At may kaibigan din akong DH na member ng non-profit organization na tumutulong sa mga battered Japanese wives at mga at Filipino foreign students who needs advice & financing.

May kilala rin akong DH's who worked for Japanese. Hindi sila mga regular Japanese, but mga elite one's...sila yung mga nakikita mo sa TV, nakikinig sa radio/CD, may-ari ng mga companies, etc. So, kahit Japanese ay pwedeng mag-sponsor ng DH pero mga previledge at elites lang ang pinapayagan.

sharja
10-12-2006, 12:15 AM
Hi michael_jp,
Things might have change over the years about sponsorship. My knowlege is outdated by about 16 years, We left Japan in 1990, to give birth to my daughter, though my husband is back there again, I just visit him every 4 months But 300k to 400k, tell me if someone making this much would still opt to go home for good, kung pwede pa. I really salute those people.
Suggestion, if you guys are interested in meeting some of them, go to the park near National Azabu on Hiroo station. I am trying to remember the name, I think it is Arisugawa park. I still wallk around this park whenever I come to Tokyo.

josephsoliman
10-13-2006, 12:12 AM
So therefore I conclude,Meron ngang DH dito sa Japan pero Mabibilang mo lang siguro sa Daliri sa kamay at paa.I just reacted doon sa sa dating old post ng thread na ito kay kaTonyang seems na para bang aping-api yong mga DH dito sa Japan,pero baliktad mga Milyonarya pala!at akala ko rin eh,katulad noong mga DH sa Hongkong,Middle East,Singapore hindi pala.Im happy to know na kahit DH sila dito sa Japan ay napaka-Swerte nila,Im proud of them and salute them.Isa sila sa mga huwaran at dakila.Ang sa akin lang kung ang mga DH ay minamaltrato dito sa Japan katulad sa Saudi,Lebanon,Singap ore at UAE eh,ibang usapan na yan mag-hahalo ang balat at dugo ng hapon ika nga...este..tinalupa n pa pala.Kidding aside Mabuhay kayong mga DH!!

Tonyang
12-16-2006, 11:48 AM
Okidoks...let's continue our discussion. Samu't sari muna... thanks sa inputs ninyong lahat (Michael, Dax, Joseph, Sharja). Tama si Joseph na sila ang pinakamaliit na bilang ng mga OFW rito pero sila ang pangalawa sa may pinakamaraming remittances sa Pilipinas. Pag pumunta kayo sa mga simbahan lalo na sa Kanto area, mahigit sa 70% ng mga parishioner ay ganito ang status especially sa Roppongi, Yotsuya at Meguro na bawat isa'y may 300+ count of parishioners. Nasa 5000 na ba sila? Mabibilang ba ito sa daliri, Joseph? Could be yes dahil kakaunti. The trend is increasing though... kasi pati mga anak nila nagiging DH na rin.

Sa Tokyo American Club, Sharja, nakapastil ang kanilang mga ad... dati sa TokyowithKids forum. Ngayon, we have a bulletin board for them... OFW Shien Coop Classified (http://ofwshien.wordpress.c om ). Hopefully, makatulong ito sa networking for info-sharing.

Sa mga DA (designated activities) visa holder, may 2 categories:

1. direct hire
2. transferee (isinama ng amo nila na usually expat from HK, Singapore, UK etc)

Sa bawat category, may sub-categories:

1. live-in
2. live-out

Ang mga live-in, more or else fixed ang salary. Ang mga live-out, ang may chance na mag-earn ng mas malaki pero variable ang opportunities nila lalo na at transient ang karaniwang stay ng mga expat dito. Good kung permanent visa holders ang mga amo nila o mga Japanese ang kanilang pinagsisilbihan.

Ang pinakamalaking problemang pangkaraniwan ay iyung kaso ng mga transferee na for sure ay live-in ang category. Why? Dahil walang formal turnover na bilateral (government to government - example Singaporean government to Japanese government) or trilateral (example Singapore government to Philippine government to Japanese government). So, ang mga papeles nila karaniwang hawak ng mga amo nila. Karaniwan na pinapantayan lamang ang dating suweldo nila. Siguro nabilang ko sa daliri iyung kaso na ganito. Examples:

Galing Saudi Arabia - 20,000 yen per month
Galing Singapore - 40,000 yen per month
Galing Australia - 60,000 yen per month

Kinausap naman nila ang kanilang mga amo pero di sila pinakinggan. So karamihan sa kanila ay tumakas at naghahanap ng bagong amo.

On the other hand, may mga kaso ng mga DH natin dito na hindi nagbabayad sa amo in exchange of free services para ma-isponsoran ang kanilang visa.

O iyung iba naman, nag-bilog na lang.