PDA

View Full Version : How Old Were You When You Had Your First Million?


shinshinobi
08-03-2008, 06:37 PM
How old were you when you finally had a million pesos savings in the bank?

How did you earn it?

Guramarasu
08-03-2008, 06:41 PM
Another irrelevant thread.

shinshinobi
08-03-2008, 06:48 PM
Another irrelevant thread.

why dont you create one that would stimulate our minds and challenge our fellow TF members then? :D

memyself&i
08-03-2008, 06:59 PM
malapit na ... pag dating ko 32 abot ko na yun

Nottinghill
08-03-2008, 07:00 PM
How old were you when you finally had a million pesos savings in the bank?

How did you earn it?

Well I was only 19..
I bought studio type unit in cityland Makati. I rented it while I'm staying 950pesos amonth ladies dorm. Then the montly rental I bought second hand car color white:D
during weekends extra ako driver sa mga tourists mahilig mag tagaytay:cool:
sarap balik balikan..hihihihihi

engr_jazon
08-03-2008, 07:08 PM
ako kaya kelan?:rolleyes:


ang baba kasi ng sweldo ko eh....magbobote lang naman kasi ako...
pautang naman dyan...:D

Takoradi
08-03-2008, 07:38 PM
me 37 yrs old bago nabuo ang 1M peso kupit ko galing s sweldo ni hubby.Tapos nagtime deposit ako for 2 yrs saka sinabi k kay hubby na magpapagawa kami ng bahay.

ichigoichie
08-03-2008, 09:05 PM
Ako siguro pag nakaipon ng konti at nakapagnegosyo sa pinas.At sana swertehin..

eli
08-03-2008, 09:20 PM
at 24 this year lang tagal din bago umabot 1M

infinite_trial
08-03-2008, 09:31 PM
kakainggit naman...ako malayo pa lalakbayin huhu

titakoring
08-03-2008, 09:37 PM
24 years old........wala lang basta lang inabot sa akin un 5 bundle na
puro lapad......bago ako umuwi noon sa pinas......time deposit agad
ang ginawa ko........:)......pe ro sabi nya sa akin wag na daw ako buma-
lik pa sa japan........oo naman sabi ko baka bawiin e........:p
hanggang ngaun nasa bank pa din sya...:).....pero un magbigay sa
akin wala na. ..:cry:...me tumawag sa akin sa pinas na namatay na daw
sya......pero un iniwan nya sa akin naitatabi ko pa......maramaing salamat
papa hide......:cry:..... ...dahil sa iyo malaki pinagbago ng buhay ko......:)

How old were you when you finally had a million pesos savings in the bank?

How did you earn it?

Matty
08-03-2008, 09:46 PM
when I was 20 more than millions yata kasi noon marami pang pera ang mga hapon.:):D lahat yata ng karangyaan naranasan ko na. magastos lang ako . sana kung naging wise lang Cguro ako baka billioner na ako!:):D kahit papano me natira naman na na Invested ko.
ang sarap balikan ang nakaraan na puro lapad ang nasa wallet mo.

navy_wife
08-03-2008, 11:41 PM
ako 21, sobrang tipid sa student's allowance and halong arubaito turo ng English, pero binigay ko kasi lahat sa family ko, iparenovate ng bahay at bili ng maliit na bahay sa probinsya para sa kapatid ko, at papaaral sa mga kapatid.....wala man akong nahawakan dun, alam ko maganda naman ang investment ko sa kanila.

Kaya yung talagang considered ko na akin talaga, nitong 25 na ako, bonus ko sa work...sarap makita at mahirap gastusin ang katas ng pawis........whew!:)

mbstorun
08-04-2008, 01:13 AM
How old were you when you finally had a million pesos savings in the bank?

How did you earn it?


Noong nagtatrabaho ako ng ilang taon mapa Pinas at abroad di ko naabot ang kahit isang milyon na yan kase naman wala pa ang sweldo may pinaglalaanan na..anjan ang budget sa pamilya..lalo na pag may pinapaaral na kapatid (kuya ko) kaya halos walang maipon pero masarap tumulong lalo na sa pamilya ika nga!:p

nung nag asawa na ako at the age of 25, binilhan ako ng asawa ko ng house & lot sa private subdivision worth 3.5M with matching sportscar (wedding gift daw ang car pero ang bahay kailangan kase talaga may bahay at mahirap naman maki-share pa kami sa pamilya ko sa pinas iba ang may sarili) walang halong kayabangan po ito ha at baka ma mis interpret ng iba....after 2 yrs of marriage binigyan ako ng asawa ko ng 4M at ginamit ko sa business (recruitment agency) pero wag ka! nalugi lang may ka-partner kase at mahirap pag parehas wala kaya ayun nawala na parang bula ang negosyo pero pasalamat parin at kahit papanu konte lang ang nalugi:p ang natirang pera binalik ko sa asawa ko pero late last year binalik saken ang halos 2M at di na nya pinapakialaman kung anong gusto kong gawin sa pera na nasa akin. sa ngayon happy narin kahit walang negosyo basta marunong mag budget at magpaikot ng pera na di lang puro gastos. :p tsaka magkasama pa kami lage di tulad noon halos di ako tumigil dito sa Japan dahil maraming inaasikaso sa pinas atleast ngayon magkasama na halos kaming mag asawa thanks God! di pala lahat ng bagay puro pera lang. :p

navy_wife
08-04-2008, 04:09 AM
atleast ngayon magkasama na halos kaming mag asawa thanks God! di pala lahat ng bagay puro pera lang. :p

paOT lang konti:O, I agree talaga sis...kasi madali lang naman kitain ang pera dito sa Japan basta masipag at matiyaga lang talaga, pero sa tulad ko nun na single and talagang nag-iisa sa Tokyo, malungkot din yung buhay at ang pera ay madali lang gastusin. To be completely honest, malaki laki din suweldo ko sa company pero nung tumigil ako pansamantala nung magkaasawa na ako, dun ko naramdaman yung happiness, contentment or satisfaction na sobra pa sa tumama ng ilang milyon sa lotto kahit na nasa bahay lang ako.

So I guess binabalance din ni Lord ang blessings, it's either you have money or kayamanan from within...... if you have both, then you are lucky, be grateful and share your blessings whenever you can...:)

OT na talaga...peace po

titakoring
08-04-2008, 04:41 AM
pa OT din himajin ako e......yes mbstorun and navywife.....agree ako sa inyo...
nd lahat ng bagay puro pera lang......katulad nga nitong kasama ko nd naman
sobrang mapera sya.......pero nagawa kong maging maayos at secured ang bu-
hay namin ngaun......pdeng pabandying bandying ika nga........

sa panahon ngaun kahit na anong sipag mo nd na madali kitain ang pera dito
halos lahat merong hinaing sa kakulangan ng kabuhayan......:)

nagkataon lang na bwenas at nakatisod ako ng maraming pera before at
wise naman ako walang luho sa katawan........kaya hayun hanggang ngaun
nakatago pa din sa banko.......:)

tulad nyo din ako......mahabang panahon din akong sumuporta sa pamilya
hanggang magsawa na nga ako.......halos malumpo sa kakayod me maibigay
lang sa kanila.......:O..... ..un pera nd naman madadala sa hukay yan...:p.....

naiisip ko lang din sa ngaun.....buti na lang at nakauna na akong mag save
para sa sarili ko.....heto at patanda na ako......kaya un sinasabi nyo na ma-
sipag ka lang madaling kitain ang pera....oo....pero sa tulad kong tumatanda
at marami ng nararamdaman sumasakit sa katawan.....hindi na kaya pang
makipag sabayan sa mga kabataan......42 na ako ngaun.....sobrang abuso
sa katawan ang ginawa kong pag kayod.......kaya heto me masakit na dun
at masakit dito.......:p

sa ngaun maligaya at kontento na din ako sa buhay.....gaya nyo....:)....

my_i_me
08-04-2008, 06:50 AM
Ang saya nyo naman:)

kelan din kaya ako makakahawak ng milyones?o kahit 999,000 lang.

Matanda na ako kahit 50 lapad hindi ko pa nahahawakan....haaaa yyyy.:p

Matty
08-04-2008, 08:12 AM
Pasingit ulit.:p Ako naman kasi when I starting to work here in Japan wala akong obligasyon sa pinas . Bunso kasi ako sa aming magkakapatid at lahat naman sila nakapag tapos and they have a good life sa pinas . at sila pa ang mga adviser ko na hwag akong waldas sa okane ko.
dahil alam nila masyado akong malayaw sa sarili ko. yung elder sister ko sa pinas lang sya nakapag pundar ng negosyo nya meron syang Printing press ( Screen Mark Ads Co. ) sa harap ng ever gotesco commonwealt . Q.C. at sa

Filimvest Q.C. dati maliit na shop lang pero napalago nya. so mas okanemochii sya kesa sa akin.:p:D panay nga ang payo nya na magnegosyo ako. kaso ewan ko hindi ako mahilig sa negosyo.
:):D lahat ng mga sis ko puro negosyo nasa utak . parang mga instik!:D:p

Ako naman eto ngayon simpleng me bahay . me investment naman kaso no way kong inasam na magnegosyo sa pinas kasi di naman ako laging nasa pinas .at mga 3 more years siguro mag mamigrate na kami sa U.S after so many yrs kong nandito sa Japan. panibagong kalbaryo ng buhay ko naman ang aking haharapin sa tate. :D:) totoo talaga na di lang pera ang mahalaga sa tao. tama na yung nakaasam ako ng millions dati sapat na yon at nakaranas ako. sa ngayon kahit sen yen lang sa wallet ko maligaya na ako basta kumakain lang kami 3 beses isang araw with miryenda.:p:D

Hensoldt
08-04-2008, 09:05 AM
It's confidential. :p

I'm very private when it comes to financial matters. Baka ma-kidnap pa ako sa pag-aakalang milyonaryo ako. :D Kaya low-profile lang, flying under the radar to avoid complications, That's just me though. :O

yk25
08-04-2008, 09:22 AM
kainggit nmn kyo ako hanggang 400k lng ako lagi ko kc bigay sa nanay ko sweldo khit nung ngjajapan nko,kaya ayun wala na lahat ngsesecret ka mama ko mgpadala sa inaka nya ang problema ni hindi man lang ngbanko mama ko para sa mga kapatid ko kaya ngaway kmi nun!2weeks ata akong iyak ng iyak nun nung nlaman ko na wala na ung pera hanggang ngaun naiisip ko pa un kaso di ko nmn pwede awayin forever mama ko!:(

rubyuki
08-04-2008, 10:11 AM
di pa ako nakahawak ng 1 million , ang pinaka malaking halaga na nahawakan ko ay $ 7500 US dollars suweldo ko noong talent pa ako 3rd timer doon sa Ueno,
28 years old ako , tapos 40 ka lapad noong umuwi ako sa pinas , bigay ni hubby .

dalawa lang din kaming magkakapatid at bunso ako , noong nagtrabaho ako sa Thailand $ 500 US dollars ang suweldo ko doon , ni wala akong naipon sa 5 years ko doon . kasi magastos ako. kasi lumaki ako sa hirap kaya noong nagka trabaho ako , lahat ng gusto ko binibili ko at pag nag day off kami hala gimmick saan saan . super nag enjoy lang ako. noong nag Japan na ako di ko naabutan ang bubble toki . (1996 ). yong 2nd at last booking lang ako medyo nag ipon , nakabili ng lupa sa probinsiya namin , may 5 tittles ako ng lupa na nandito sa akin hawak ko . at walang savings sa bangko , dito lang sa post office pa kunti kunti pag may sobra sa allowance ko every month . siguro makaipon na ako pag mag start na akong mag trabaho . sa luho , di na ako masyadong bumibili , yong pinaka kailangan na lang . kaya kahit wala akong 1 million ay ok lang kasi sa umpisa pa lang wala naman kami nun .

honey
08-04-2008, 04:11 PM
wow naman mga donya at don pala ang nasa thread na ito kanino kaya ako magpapaampon:D.


21 yrs. old:p.

johnny23
08-04-2008, 04:15 PM
ako po old na pero wala pa din millionsssesss!!!! bakit kaya ganon?:confused::(

sarpon
08-04-2008, 04:19 PM
ako po old na pero wala pa din millionsssesss!!!! bakit kaya ganon?:confused::(

parehas tayo papa J.... baka may magpapautang dyan?:)

johnny23
08-04-2008, 04:24 PM
parehas tayo papa J.... baka may magpapautang dyan?:)
honga fafa para maranasan naman natin yung feeling ng mayaman hirap talaga maging dukha.:)

memyself&i
08-04-2008, 08:29 PM
di pa pow ako tapos... pag dating ko ng 32 years siguro LOWLA na ako nun... hehehe.... mahirap mag ipon ng pera unless manalo ka sa lotto...hehehe

eleine88
08-04-2008, 10:03 PM
memyself

di pa pow ako tapos... pag dating ko ng 32 years siguro LOWLA na ako nun... hehehe.... mahirap mag ipon ng pera unless manalo ka sa lotto...hehehe



...ng 3oku 2 sen man yen ?:yippee:

torete_101
08-04-2008, 10:11 PM
hehehe... makikiraan lang po ako dito.. millionaires thread pala ito dito.. makikisilip lang at baka maanggihan ako ng mga millionez...

tama sana eh tumama na ako sa lotto para makahawak naman ng millionez at hindi puro butonez lang ang nahahawakan ko... hehehe

:p:)

proud me
08-04-2008, 10:23 PM
24 years old........wala lang basta lang inabot sa akin un 5 bundle na
puro lapad......bago ako umuwi noon sa pinas......time deposit agad
ang ginawa ko........:)......pe ro sabi nya sa akin wag na daw ako buma-
lik pa sa japan........oo naman sabi ko baka bawiin e........:p
hanggang ngaun nasa bank pa din sya...:).....pero un magbigay sa
akin wala na. ..:cry:...me tumawag sa akin sa pinas na namatay na daw
sya......pero un iniwan nya sa akin naitatabi ko pa......maramaing salamat
papa hide......:cry:..... ...dahil sa iyo malaki pinagbago ng buhay ko......:)titakoring buti pala napasilip ako dito sa thread na ito ...ikaw na ata ang masasabing tao na nung nagpasabog ng suwerte lahat sinalo mo na :p:D isipin mo lahat ng bagay napaka-suwerte mo...sayang diba sabi mo taga dito sa Osaka yan si papa hide mo :p heheh! nakakarami kana ng suwerte ah! :D:sweeties:

engr_jazon
08-04-2008, 10:25 PM
ang yayaman naman ng mga Ms's/Mrs sa TF.........
ampunin nyo nalang ako...:D

torete_101
08-04-2008, 10:29 PM
ang yayaman naman ng mga Ms's/Mrs sa TF.........
ampunin nyo nalang ako...:D

ako din magpapaampon na lang din..baka may nangangailangan dyan ng lalaking makakasama sa bahay?... magaling ako magluto, maglaba, maglinis ng bahay, marunong din kumanta at gumiling at magpaligo, may isa pa akong galing ang mag "Special Massage.." joke (puwede ding seryosohin) hehehe...

hahaha!!! :D :p:D :cool:

skyteam
08-06-2008, 02:23 AM
How old were you when you finally had a million pesos savings in the bank?

How did you earn it?


medyo nakakaintriga nga itong thread na ito ... kasi konting pagkakamali mo lalabas na mayabang ka ... pero minsan hindi naman po kayabangan yung ma-i-share mo yung naging success mo sa buhay lalo na at galing sa hirap at tiyaga mo ang pera na napag-ipunan mo ngayon

kung titignan natin sa positibong paningin ... napakasarap malaman kung paano naging successfull ang mga taong andito sa tf or sa mga taong nakapaligid sa atin ... siguro mas malamang meron din tayong aral na makukuha sa kanila

dating mahirap na naging mayaman ... minsan masarap makinig sa istorya ng mga taong umasenso dahil sa sipag at tiyaga ... lalo na kung galing sa hirap
imbis na kainisan natin sila ... bakit hindi natin sila gawing ehemplo ng buhay natin ... kung hindi ka pa mayaman ngayon pwede mong sabihin sa sarili mo na darating ang araw yayaman din ako ... magsikap ka rin at magtiyaga para katulad nila makamit mo rin kung ano man ang mga minimithi at pinapangarap mo sa buhay

pero paalala lang po sa mga milyonaryo at milyonarya nating ka TF
huwag nyo po sanang kalilimutan na higit sa lahat hindi lang pera ang mahalaga
minsan ang kaligayahan sa buhay ay hindi kayang tumbasan ng kahit magkanong salapi

ang importante sa lahat kuntento ... maligaya at masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon kahit anong estado pa ng buhay meron ka ...

masarap maraming pera ... pero mahirap at pangit maging alipin ng pera

shinshinobi
08-06-2008, 02:30 AM
imbis na kainisan natin sila ... bakit hindi natin sila gawing ehemplo ng buhay natin

brother skyteam sino po ba ang nagpost na naiinis sila?

skyteam
08-06-2008, 02:45 AM
brother skyteam sino po ba ang nagpost na naiinis sila?

wala naman sigurong naiinis ... pero kung mapapansin mo maraming kontrobersyal na sagot ...

personal na opinyon ko ... lahat ng taong nakilala ko na naging mayaman dahil sa sipag at tiyaga ... ginagawa kong ehemplo ng sarili kong buhay

alam mo meron kapirasong kuwento ko sayo ... nung araw na estudyante palang ako ... meron isang tatay ng kaibigan ko na ka-vibes namin

after graduation ... nakapagtrabaho ko ... nakaipon ng konti ... nakabili ng sarili kong sasakyan ... nakita ko ulit yung tatay ng kaibigan ko dala ko yung sarili kong sasakyan

binati ko sya ng ganito " magandang araw po ... andyan po ba si juan "
nakita nya ako pagparada ng auto ko .. bumaba ako at bumati nga sa kanya

ang ginawa nya ... tinalikuran nya lang ako

hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung bagay na yun
me mga tanong sa sarili ko kung bakit nya ginawa yun

nayabangan ba sya sa akin dahil bago ang sasakyan ko
or nainggit ba sya dahil nakabili na ako ng sasakyan
or nainsecure sya sa sarili nya dahil hindi nya nakuhang bumili ng sarili nyang sasakyan sa buong buhay nya

siguro nakuha nyo ang ibig sabihin ng kuwento

titakoring
08-06-2008, 02:49 AM
tama ka dyan.....sa katulad kong sobrang daming hirap ang pinag daanan
matatakot kang balikan un pinagdaanan mo.......kahit ngaun.....gusto ko pa
din kumayod.....madali lang maubos ang pera......lalo't meron kang malaking
pamilya......wala kang karapatan tumigil at magpahinga ng kaka trabaho...:O

ayoko din naman danasin pa un uugod ugod na ako e kumakayod pa din
para lang me makain.....simple lang naman....ang gusto kong mangyari
un pag edad ko ng 55 kung aabot pa ako......:p....gusto ko pa pabandjing
bandjing na lang...:p...at mag tatayo ng karinderia....dun sa palengke...:D

medyo nakakaintriga nga itong thread na ito ... kasi konting pagkakamali mo lalabas na mayabang ka ...

ang importante sa lahat kuntento ... maligaya at masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon kahit anong estado pa ng buhay meron ka ...

masarap maraming pera ... pero mahirap at pangit maging alipin ng pera

shinshinobi
08-06-2008, 03:29 AM
siguro nakuha nyo ang ibig sabihin ng kuwento

ang ibig sabihin po ba ng kuwento nyo, kapag kontrobersyal ang sagot...naiinggit?

Guramarasu
08-06-2008, 10:48 AM
medyo nakakaintriga nga itong thread na ito ... kasi konting pagkakamali mo lalabas na mayabang ka ... pero minsan hindi naman po kayabangan yung ma-i-share mo yung naging success mo sa buhay lalo na at galing sa hirap at tiyaga mo ang pera na napag-ipunan mo ngayon

kung titignan natin sa positibong paningin ... napakasarap malaman kung paano naging successfull ang mga taong andito sa tf or sa mga taong nakapaligid sa atin ... siguro mas malamang meron din tayong aral na makukuha sa kanila

dating mahirap na naging mayaman ... minsan masarap makinig sa istorya ng mga taong umasenso dahil sa sipag at tiyaga ... lalo na kung galing sa hirap
imbis na kainisan natin sila ... bakit hindi natin sila gawing ehemplo ng buhay natin ... kung hindi ka pa mayaman ngayon pwede mong sabihin sa sarili mo na darating ang araw yayaman din ako ... magsikap ka rin at magtiyaga para katulad nila makamit mo rin kung ano man ang mga minimithi at pinapangarap mo sa buhay

pero paalala lang po sa mga milyonaryo at milyonarya nating ka TF
huwag nyo po sanang kalilimutan na higit sa lahat hindi lang pera ang mahalaga
minsan ang kaligayahan sa buhay ay hindi kayang tumbasan ng kahit magkanong salapi

ang importante sa lahat kuntento ... maligaya at masaya ka sa kinalalagyan mo ngayon kahit anong estado pa ng buhay meron ka ...

masarap maraming pera ... pero mahirap at pangit maging alipin ng pera

wala naman sigurong naiinis ... pero kung mapapansin mo maraming kontrobersyal na sagot ...

personal na opinyon ko ... lahat ng taong nakilala ko na naging mayaman dahil sa sipag at tiyaga ... ginagawa kong ehemplo ng sarili kong buhay

alam mo meron kapirasong kuwento ko sayo ... nung araw na estudyante palang ako ... meron isang tatay ng kaibigan ko na ka-vibes namin

after graduation ... nakapagtrabaho ko ... nakaipon ng konti ... nakabili ng sarili kong sasakyan ... nakita ko ulit yung tatay ng kaibigan ko dala ko yung sarili kong sasakyan

binati ko sya ng ganito " magandang araw po ... andyan po ba si juan "
nakita nya ako pagparada ng auto ko .. bumaba ako at bumati nga sa kanya

ang ginawa nya ... tinalikuran nya lang ako

hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung bagay na yun
me mga tanong sa sarili ko kung bakit nya ginawa yun

nayabangan ba sya sa akin dahil bago ang sasakyan ko
or nainggit ba sya dahil nakabili na ako ng sasakyan
or nainsecure sya sa sarili nya dahil hindi nya nakuhang bumili ng sarili nyang sasakyan sa buong buhay nya

siguro nakuha nyo ang ibig sabihin ng kuwento


Sumasang-ayon po ako sa inyo G. Sky Team. In my own point of view, sharing your gotten wealth is a compromise. Whatever your intention, you can never know what the other person would feel having to hear your story. It might lead to positive, if negative will turn out worse, we really don't know. Each people has their own story, successful or not, it is beyond their control. But unluckily not with other fellows.
I don't how important it is to each and everybody's life's policy, but to maintain a such modesty can generally reflect an absolute much genuine concern for your own personal being and with other people as well.


ang ibig sabihin po ba ng kuwento nyo, kapag kontrobersyal ang sagot...naiinggit?

You'll learn from it. There's still much more out there.

infinite_trial
08-06-2008, 10:57 AM
*boo hoo* oh c'mon now, we're all just havin fun here...what's with all bein uptight??

masyado kayong seryoso sa buhay. magkakawringkols kayo nyan.

skyteam
08-06-2008, 11:19 AM
ang ibig sabihin po ba ng kuwento nyo, kapag kontrobersyal ang sagot...naiinggit?


posible na hindi at posible rin na oo ... kasi kung walang inggit sa katawan ang isang tao matutuwa sya sa magandang kapalaran na dumapo sa kaibigan nya ... kakilala nya ... or even sa mga taong nagkukuwento ng magandang kapalaran nila sa buhay ... lalo na dito sa tf

skyteam
08-06-2008, 11:23 AM
*boo hoo* oh c'mon now, we're all just havin fun here...what's with all bein uptight??

masyado kayong seryoso sa buhay. magkakawringkols kayo nyan.


hahaha ... infinite trial is right ... minsan huwag masyadong seryoso sa buhay
hindi lahat ng yaman sa mundo ay pera lang ... being healthy and look young ay isang napakalaking kayamanan na sa buhay

it wala pa naman akong wringkols :p :p :p

Guramarasu
08-06-2008, 11:47 AM
*boo hoo* oh c'mon now, we're all just havin fun here...what's with all bein uptight??

masyado kayong seryoso sa buhay. magkakawringkols kayo nyan.

boo hoo? Hindi naman. OO nga, parang kakandidato. Tuloy lang, basta hinay hinay sa pagkukuwento.

japina
08-06-2008, 12:41 PM
ako wala pa naman ako million, pero sana malapit na.

shinshinobi
08-06-2008, 12:57 PM
boo hoo? Hindi naman. OO nga, parang kakandidato. Tuloy lang, basta hinay hinay sa pagkukuwento.

ibig sabihin po ba ay hindi dapat i-share sa kapwa natin ka- TF kung paano umasenso?

titakoring
08-06-2008, 03:53 PM
nakakatuwa itong thread mo shin......makakabuha y ng dugo.....:lol:......
sinagot lang naman ng totoo un tanong mo me mag react ba?.....:lol:
kasalanan ba namin na nauna kami sa japan at umulan ng pera dito
noon araw.......malas lang nila at nd sila umabot........:roll:
mamatay na lang sila sa ingit.....~~~~nyahah ahaha~~~~~:p

infinite_trial
08-06-2008, 04:09 PM
^ honga titakoring..

wala naman din ako nakitang nagyabang. saka yun naman ang topic di ba? e kung nayayabangan, e di wag basahin. tapos istorya.



sex na lang pag-usapan natin :lol:

joke

titakoring
08-06-2008, 05:48 PM
pzaway ka talaga.......kulitin natin si shin pra pagbigyan tayo
dun sa video ng frend nya..........:lol:.. .....7am na ako nakatulog
kaiisip dun........:lol:

@bro skyteam.....baka naman mainit ang ulo nya.....at malay mo din nd
ka nya nakikila sa laki ng pinagbago mo?.......pde din naisip nga nya na
gusto mo silang yabangan...dala mo kasi un bagong kotse mo....:O
at hindi mo naman intensyon na magyabang sa kanila...iba iba kasi ang
pananaw ng mga tao.....

tulad mo din ako matutuwa ako dun sa mga taong umuunlad....at wala
din akong ni katiting na ingit sa katawan...katwiran ko kasi wala naman
akong mataas na pinag-aralan para ipagyabang.....kaya kung ano naman
un meron ako...hihigpitan ko ang hawak ng nd mawala.....:)....wal a din
akong luho sa katawan kung ano ang komportableng damit at sapatos
sa akin un ang isusuot ko....:)....mukha ng akong katulong kung ididikit
mo ako sa mga kasama ko......:D

nangyari na din sa akin yan.....mga kakabata ko lahat sila professional
ako naman nag japan maganda na din un mga work nila....pero ang layo
ng diperensya ng kabuhayan namin......nd din nila ako pinansin.....saman-
talang nga ninong at ninang sila ng mga anak ko.....:)

ginawa ko ako mismo ang pumunta sa kanila para dalhin un mga pasalubong
tama nga at un ang nadinig ko sa kanila......gusto daw nila akong kumusta-
hin pero inisip nila na nagbago na daw ako.....nd naman naputol ang comm-
unication namin kahit nasa japan ako noon.....pero HIYA daw ang umiral sa
kanila...:).....hang gang ngaun okey pa din kami.....pag meron akong dapat
at kailangan papers dito sa japan sa kanila ako lumalapit....palibha sa nasa
serbisyo sila padadala ko lang un ga hinihingi nila galing dito....at un madali
ma process.......:)

ang importante kahit meron kang konting naitatabi....wag lalaki ang ulo...:)
balikan pa din un mga taong malalapit sa sau....nd din naman basehan un
meron kang mataas na pinag-aralan pra lang umangat sa buhay...minsan
sila pa un meron makitid na utak....wala din naman.......:p

bato bato sa langit ang tamaan SAPUL......:p


^ honga titakoring..
wala naman din ako nakitang nagyabang. saka yun naman ang topic di ba? e kung nayayabangan, e di wag basahin. tapos istorya.
sex na lang pag-usapan natin :lol:
joke

shinshinobi
08-06-2008, 07:15 PM
after graduation ... nakapagtrabaho ko ... nakaipon ng konti ... nakabili ng sarili kong sasakyan ... nakita ko ulit yung tatay ng kaibigan ko dala ko yung sarili kong sasakyan

binati ko sya ng ganito " magandang araw po ... andyan po ba si juan "
nakita nya ako pagparada ng auto ko .. bumaba ako at bumati nga sa kanya

ang ginawa nya ... tinalikuran nya lang ako

brother skyteam baka hindi mo lang nabasa na may nakasulat palang "Please don't block the driveway" sa pinag-parkingan mo?

titakoring
08-06-2008, 07:32 PM
~~~~~~nyahahahahaha~ ~~~~~~~:hihi:
brother skyteam baka hindi mo lang nabasa na may nakasulat palang "Please don't block the driveway" sa pinag-parkingan mo?

yasashi
08-06-2008, 09:29 PM
ala lang..:Dpadaan lang po dito sa thread ha....:peepwall:mukh ang ang ganda ng topic..binasa ko din baka sakaling makakuha ako ng mga tips galing sa inyu na umasenso din...but sad to read din na may nag aaway..

why just enjoy this topic instead..tama naman si miss I.T (infinite trial)

heheh enjoy nalang tayo..ako po ala pang one million pero kung pag ipun ipunin ko lahat ng mga pera na naitulong ko hangang ngayon sa pinas since 2004 eh lagpas po 1million ..:)
kaya lang di maipun ipun kasi lage ginagamit heheh..pero sana maka abut naman sana...balang araw maging gaya nyo rin...haaayyyyyyyy wish ko lang..:D

skyteam
08-06-2008, 09:47 PM
^ honga titakoring..

wala naman din ako nakitang nagyabang. saka yun naman ang topic di ba? e kung nayayabangan, e di wag basahin. tapos istorya.



sex na lang pag-usapan natin :lol:

joke

hahaha ... sex masama bang pag-usapan ? ... baka mamoved din itong topic na to ... :p mods pampasaya lang po

mula pera napunta sa sex ... alin ang mas masaya ? maraming pera na walang sex or maraming sex na walang pera ? :p :p :p joke joke lang po pwede nang huwag magreply

lenard.po
08-12-2008, 09:16 AM
its easier to earn your first million here in Japan kasi mababa pera nila hehehe
Y1,000,000 is only 400k pesos (tama ba conversion ko?)

shinshinobi
11-21-2008, 02:22 AM
sad to say, hanggang ngayon wala pa akong isang milyon haha