PDA

View Full Version : Cars for sale.


TR250
04-05-2006, 09:49 PM
Hi guys and ladies.

Ewan ko kung meroon magiging interesado pero susubukan kong ialok muna ang mga ito dito bago ko dalhin sa dealers auction. Syempre presyong dealer ang pasa ko sa inyo...

1. Mitubishi Minica Van, H.12, 46500kms, 660cc petrol, AT, AC, dents on scratches on front left side, center of bonnet, scratches on the bumpers (touch-up painted). Service van ko ito at mauubos na ang shaken this month at balak kong lagyan ng full 2 years shaken ito bago ibenta.

2. Daihatsu Mira Classic 4WD, H.10, 660cc petrol, AT, AC, PW, PS, auto door lock, auto mirrors, CD, TV, 75000kms. Was a repaired car, some scratches and dents, dent on the center part of the bonnet. Just got its shaken a 2 days ago so it has 2 full years of registration.

3. Some of my stocks pero yung iba ay nasa loob na ng auction ngayon, sana ay mabenta...

Kung meroong interesado ay paki PM na lamang. Yung mga chiepies ay yung Odyssey 4WD, Wagon-R Wide Turbo Special, at para sa manyak naman ay yung Jimny 2 stroker kaya lang ay di masyadong cheap... Meroon pa rin akong ilang units na wala sa litrato... Di ko rin alam kung hanggang kelan nasaakin ang mga stocks ko dahil I have to keep everything rollin.

Where is, as is ang bentahan ko pero ipapasa ko sa inyo ng mababa na malapit sa presyong dealer kaya lang ay mahusay na tignan, subukan, at kalikutin muna ang mga sasakyan bago mag desisyon dahil parating no claim, no return ang deal.

Maraming salamat.

TR250
04-12-2006, 02:18 AM
Hi TF,

Kakakuha ko lang nitong kotse 2 days ago as shita dori shya (trade-in vehicle) at ngayon ay ginagamit kong bilang daishya (service car). Meroong shaken (road registration) hanggang H.19/4 (2007, April) at merron ding recyle paper. Di ko matandaan pero siguro ay about 70000kms to 80000kms (check ko nalang minsan pag may oras). AT, AC, diikot ang bintana. Last year ay pinalitan ko ng timing belt, water pump, cam and crank oil seals, fan belt, AC belt, rear brake lining, rear brake cup kit, front brake pads, at 4 na gulong bago ko binenta sa customer at kung ano-ano pa. Mazda Carol 1990 at luma ito. Hindi gumagana ang canvas top (canvas na bubong), ang daming sratches at dents, malambot ang sus pero "super beauty ang dating owner" grrrrrrr...

Tulad ng nasabi ko na ito ay service car ko ngayon ay hindi negosyo ito at ito ay inoofer ko para sa mga kabayang medyo kapos sa budget na hindi maarte. Kung kailangan nyo ito ay pwede kong ipasa ito ng mura (lalu nat pag cute ang kukuha may libre pang masahe at kata momi:D ). Di ko alam kung hanggang kelan tatagal itong sasakyan pero sa ngayon ay tumatakbo ng genki at Ok pa rin naman sigurong gamiting pang "kaemono special, panundo sa hoikyen special, at pwede rin sigurong magamit na parang mama chaling special". One year ang shaken at pag natapos ay pwede nyong kuhaan ulit ng shaken o ipadala na lang sa scrap, bahala na kayo. Syempre no claim, no return. Kailangan din na ang megi henko (ownership name transfer) ay w/in 1 week. Hindi ko talaga balak ibenta ito dahil kailangan ko talaga ng mga service cars pero pag kailangan nyo ay OK lang sa akin. For pick-up only.

Sorry nga pala sa maduming back ground sa litrato. TY

Pinoy-ako
04-14-2006, 10:55 PM
Good eevening kabayan, tanong lang po .saan po puwede magtrade-in ng car.im planning to change my nissan cefiro 2002 with small car(k-jidusha).thank you!

TR250
04-14-2006, 11:33 PM
Good eevening kabayan, tanong lang po .saan po puwede magtrade-in ng car.im planning to change my nissan cefiro 2002 with small car(k-jidusha).thank you!

Siguro ang pinaka mahusay na gawin ay pumunta ka sa dealer at ipakita mo yung sasakyan mo. Kung Cefiro 2002 ay malamang ay kailangan magdagdag ka para sa K-Jidosya lalu na kung brand new dahil medyo mababa ang popularity ng Cefiros ngayon. Kung second hand newer mods na Ks ay baka mag break even kung mabait yung dealer. Kung malapit ka nga lang sa akin at makikita ko yung kotse mo ay baka magawan ko ito ng paraan. Sayan talaga dahil kung malapit ka ay pwede kong dalhin sa auctions yang kotse mo para ibenta habang naghahanap ng kapalit na K. Duon ay siguradong mas makakamura ka sa K. Tanong na lang muna sa dealers na malapit sa iyo. TY


PS: Minica, Wgn-R Wide, CRV, Prado,dalawang Vivio, dalawang Canter ay wala na... TY.

Tonyang
04-17-2006, 10:08 PM
TR250, mayroon kang CNG box truck, 1998 & up na model? May nagtatanong akong kaibigan. Thanks.

TR250
04-17-2006, 11:58 PM
TR250, mayroon kang CNG box truck, 1998 & up na model? May nagtatanong akong kaibigan. Thanks.

Anong make/model ang CNG box truck? Nissan, Mits, Toyota, Mazda, Izusu??? Minsan ay iba kasi ang naming o tawag ng buyers sa mga units lalu nat pag foreigner ang buyer. Ang stock na trucks ngayon ay older than 1998, sorry. Siguro pwede kong hanapin sa auctions yan kung sigurado ang buyer. Maraming salamat Tonyang.

Sacod
04-19-2006, 12:37 AM
pre madalas ka bang nag ship ng mga kotse papuntang pinas? ilang weeks ang tatagal?
kung chop/chop o spareparts lang ang ipadala .
just want to learn about exporting surplus ,baka mag side line ako in the near future.

TR250
04-19-2006, 12:58 AM
pre madalas ka bang nag ship ng mga kotse papuntang pinas? ilang weeks ang tatagal?
kung chop/chop o spareparts lang ang ipadala .
just want to learn about exporting surplus ,baka mag side line ako in the near future.

Sorry hindi pa ako nakakasubok na mag export papuntang Pinas. Malamang ay hindi alam o hindi sumusunod ang iba pero may bagong law ang Japan na ipinagbabawal ang chopping ng kotse at duon lang sa mga malalaking kompanyang may facilites for chopping na lisensiyado ng gubyerno ng Japan ang maaaring mag chop ng mga kotse na talagang napakahirap at napakamahal kumuha ng lisensiya. Marami pa rin sigurong gumagawa nit. Tanong ka na lang sa mga exporters na nag e-export papuntang Pinas. TY

Tonyang
04-22-2006, 10:52 AM
Kabayang TR250, magulo ba ang pamamalakad ng car export industry natin doon sa Pinas?

Sa labas ng Pinas iyung nagtatanong sa akin, Kabayan.

Anu-ano ang mga dapat kong itanong?

May sites ba tayo sa web on CNG box truck models, Kabayan?

Salamat.

TR250
04-23-2006, 01:30 AM
Kabayang TR250, magulo ba ang pamamalakad ng car export industry natin doon sa Pinas?

Sa labas ng Pinas iyung nagtatanong sa akin, Kabayan.

Anu-ano ang mga dapat kong itanong?

May sites ba tayo sa web on CNG box truck models, Kabayan?

Salamat.

Di ko masabi kung magulo ang palakad ng export industry sa Pinas dahil hindi pa nga ako nakakasubok mag export papunta duon pero base sa mga balita na galing sa kapwa exporters na foreigners at mga Japanese exporters ay medyo iba nga raw ang style...

Sorry, hindi ko alam kung ano ang CNG box trucks. Malamang popular yang term na ginagamit nila sa kanilang bansa pero hindi ko pa naririnig na ginamit yan ng mga customers ko. Kung maitatanong mo kung anong maker ang truck na hinahanap (ex: Toyota, Mitsubishi, Isuzu, Nissan, Mazda,etc.) at kung anong model (ex: Dyna, Toyo-Ace, Hiace truck, Canter, Fuso, Elf, Atlas, Condor, Titan, etc.) at kung anong displacement ng engines (3000cc, 4000cc, etc....) anong year ang kailangan niya at specs (flat bed regular, flat bed wide low, tilt tray, one way dump, 3 way dump. mixer, with crane, pang hakot ng basura, etc...). Napakaraming models at iba-iba ang presyo kayat pag walang spec ay wala akong maibibigay na comment.
Syempre may mga sites ng auctions pero for dealers only. Kung malapit ka nga lang sa akin ay pwede mong makita yung mga sites sa PC ko.
Advice pro: itanong mo sa kanya kung ano talaga ang hinahanap niya. Itanong mo sa kanya ang budget niya per unit. Itanong kung via RO/RO or container ang pag export (meroon kasing mga trucks na hindi kasya sa container at RO/RO lang ang natitirang option. Port of destination (iba't-ibang port/bansa, iba't-ibang rules) at ang pinakaimportante ay kung magkano ang budget niya. Pag natantya mo na kung resonable ang presyo niya ay siguradong nasa safe side ka dahil maraming window shoppers na aaksayahin lang ang oras ng dealer sa kakatanong pero di naman bibili dahil kapos ang budget.
Pag nalaman mo na kung ano ang hinahanap niya ay pwede ko sa iyong sabihin kung magkano ang bagsakan sa auctions at duon ay matatantya mo na kung magkano ang kakailanganin mo sa containering/shipping at sa mga iba pang additional expenses.

TR250
04-28-2006, 01:23 AM
Hi mga kabayan. Isa na namang "el-cheapo". Mitsubishi Delica P35W, 2500cc turbo diesel, AT PS, PW, AW, H.5. Luma pero pwede pa rin... Kararating lang nito sa akin at diko pa alam kung anong gagawin ko dito. Kung meroon interesado ay PM na lang para sa extra detalye ng van. Syempre pwede kong ipasa ng cheap, just make an offer.

NOTE: Ang mga inilalagay ko ritong mga sasakyan ay mga trade-in, nakuha kong mura, o di kaya ay mga nahihirapan akong ibenta. Inuuna ko munang ialok sa kabayan bago ko dalhin sa bentahan kaya nga hindi ako naglalagay ng presyo dahil paiba-iba (lalu na't pag cute) at baka lalung mas maging mura pa :D HINDI ito pang negosyo, yun nga lang ay hindi ko pwedeng patagalin sa akin ang mga sasakyan and everything has to roll.

TR250
04-29-2006, 01:37 AM
Hi to the Peoples Republic of TF.
Wala na yung Jimny. Siya nga pala yung happy buyer at very stylish (galing ng buhok at ahit ang kilay ganda rin ng bike niya daming trumpeta :D ). Mabait na bata at very friendly. Syempre dahil happy din ako kaya't may libre siyang sungay :devil: sakin. Singol siya kaya't baka may interesadong sumakay sa Jimny para pagulungin sa bundok o di kaya ay mag motorsiklo ng puros pa zig-zag (w/ matching trumpets) ay PM na lang at i se-set ko kayo :sneaky:

Tonyang
04-29-2006, 07:34 AM
Bro, paano bibiyahe ang sasakyan mula Kyoto papuntang Tokyo?

Mga magkano ang presyo mo sa bawat sasakyan?

TR250
04-29-2006, 08:47 AM
Bro, paano bibiyahe ang sasakyan mula Kyoto papuntang Tokyo?

Mga magkano ang presyo mo sa bawat sasakyan?

Through car transporter company. Nagiiba rin ang presyo dipende sa location ng delivery, type at laki ng sasakyan at syempre nagiiba rin ang presyo ng car transporter company pag dealer o ordinary buyer ang pag de-deliveran. Iba-iba ang presyo ng sasakyan.....??? dipende sa model, year, popularity, etc... Sorry hindi ko pwedeng sabihin ang presyo ko sa open dahil pag nagoffer ako ng kotse dito ay ikinakalat ko rin ang offer sa ibang mga customer at iba rin ang presyo ko sa kanila.

TR250
05-27-2006, 02:49 AM
1. Subaru Impreza Wgn H.10, 1.5cc, AT, PS, PW, SRS, ABS, AW, 57290kms (original k's).
2. Isuzu Elf H.8, 3.1cc diesel, AT, PS, PW, power gate.

For pick-up only.

PS: wala na yung Delica...

kidd11211988
05-27-2006, 12:48 PM
tol may kotse kabang binebenta mga 20 ka lapad ..parang space wagon ang dating ...balak ko sana mag padala sa pinas ng kotse ..

TR250
05-28-2006, 07:32 PM
tol may kotse kabang binebenta mga 20 ka lapad ..parang space wagon ang dating ...balak ko sana mag padala sa pinas ng kotse ..

Mits Space Gear o RVR? Dipende sa year, kms, model at condition. Pwede siguro akong maghanap pero pag Space Gear ay malamang H.6 to H.7 4WD, AT, pero di ako sigurado kung Super Exceed o hard top. Kung alam mo ang definite mong hinahanap ay baka matulungan kita pero for 200000Yen at Delica Spce Gear ay malamang high k's at luma. Malamang may konting tama ang body... at hindi masyadong maganda at malinis ang interior. Sanay ako sa Space Gear dahil ilan na rin ang dumaan sa aking Space Gear pero a car in nice condition and with low k's at 2800cc turbo diesel dont sell that cheap. Pero kung di ka pihikan ay baka pwede siguro.
TY

warlock^_^
06-01-2006, 03:13 PM
TR, nabasa ko na you ship mostly european or asian neighbor and wala pa sa Pinas. Nasubukan mo na ba sa US? buong unit ba ang binibenta mo? or you sell parts din like transmission?

TR250
06-02-2006, 12:31 AM
TR, nabasa ko na you ship mostly european or asian neighbor and wala pa sa Pinas. Nasubukan mo na ba sa US? buong unit ba ang binibenta mo? or you sell parts din like transmission?

Wala pa akong nasusubukan sa loob ng Asia. Sa Europe at NZ ay nakasubok na rin ng konti. Sa Canada meroon pero wala pa akong experience sa US pero alam ko na for parts ang madalas duon dahil madalas nagpapadala yung kakilala sa US. Puros buong units lang ang pinapadala ko. Tigil na ako sa chopping dahil nag-iisa lang at mas madali ang ang buong unit pero kung OK yung presyo ay maski ano ay cha-chopin ko :D . Minsan ay nagbebenta rin ng piyesa tulad ng engine at gear box na kadalasan ay pang sports car at 4WD pero bihira lang. Puros kotse/van/truck at motorsiklo na buong unit kadalasan.
Kailangan mo ba ng gear box?

warlock^_^
06-02-2006, 05:10 PM
I guess gear box yung kailangan nung barkada ko for his Subaru, gusto gawing 6 speed daw e. If okey sayo refer mo na lang ako sa tropa mo. The pasa ko barkada ko para sila na mag usap. Nde ko rin kasi alam kung ano model nung Subaru nya.

TR250
06-03-2006, 03:43 AM
I guess gear box yung kailangan nung barkada ko for his Subaru, gusto gawing 6 speed daw e. If okey sayo refer mo na lang ako sa tropa mo. The pasa ko barkada ko para sila na mag usap. Nde ko rin kasi alam kung ano model nung Subaru nya.

Naandirito ba sa Japan ang barkada mo? Kung naandirito ay baka pwede kitang matulungan pero kung export ay medyo mahihirapan siguro pero dipendi rin sa pupuntahang bansa. Sorry super paranoid ang grupo sa bagong buyer dahil minsan ay mahirap ding magbenta lalu nat kung makatapat sa maingay na buyer. Puros mga old customers lang ang pinagbebentahan nila. Di rin uso ang referal lalu nat pag pasa-pasa. Kung ikaw ang diretso kong kaka-usapin ay siguradong maihahanap kita ng piyesa brand new, rebuilt o second hand. Syempre 100% full payment dahil yun ang patakbuhan namin dito.

warlock^_^
06-03-2006, 10:14 AM
nasa US din sya, anyway tama rin naman patakaran nyo. Hmm hirap din pala yung pinapagawa sakin hehehe seems ako pala ang magbabayad nito eventually. Check ko muna kung seryoso tung kumag nato then kontak kita by PM na lang if push ang plano nya. Baka kasi puro lang hangin mga to, at ako naman maiwan sa ere.

TR250
06-03-2006, 12:03 PM
nasa US din sya, anyway tama rin naman patakaran nyo. Hmm hirap din pala yung pinapagawa sakin hehehe seems ako pala ang magbabayad nito eventually. Check ko muna kung seryoso tung kumag nato then kontak kita by PM na lang if push ang plano nya. Baka kasi puro lang hangin mga to, at ako naman maiwan sa ere.

Medyo mahirap talaga ang export biz dahil base sa experiensa na maraming maingay, maselan, mapili, barat at mabagal sa pera. Tatandaan mo ring marami talagang window shoppers at puros tanong-tanong lang. Marami ring puros ere o hangin lang ang laman at pagkatapos sayangin ang oras mo at pagurin ka sa kakaikot ay di bibili. Marami rin diyang approach kamag-anak ang dating tapos ala palang pera na puros sweet talk lang at pag nakumbinsi ka ay ikaw pa ang pag-aabonohin.

Kaya ko sinasabi ito sa iyo ay alam kong maraming lalapit pa sa iyo mula ngayon lalu nat alam nilang naandirito ka. Ako isang katerbang e-mails at tawag ang natatanggap ko galing sa ibat-ibang bansa pero 1 is to 100 lang ang nagtutuloy ay karamihan puros hangin. Ako maski seryoso ay ingat pa rin ako dahil marami diyang mauutak din na tulad ng isa kong kausap ngayon na sa haba ng pag-uusap at iniiba ang pinagkasunduan at dinadala sa pabor para sa kanila kaya sinabi ko sa kanya kagabi na "I wont deal, go fk yourself".

Mukhang magkakaintindihan tayo dahil mukhang open minded at ingat ka rin. pag kailangan mo ako ay kontak na lang at titignan ko kung anong magagawa ko.
maraming salamat

leanroy
06-03-2006, 09:41 PM
tanong ko lang kung merong kang 2ton na truck,toyota yung long type

TR250
06-03-2006, 10:54 PM
Sorry wala ako ngayong Dyna o Toyo Ace na naka stock. Heto lang ang stock ko ngayon...

rcdlc26
06-13-2006, 02:17 PM
ask ko lang how much ba ang benta mo ng 660 cc na cars?ung cheapest.saka mahaba shaken.kung toyama kami pano sya madedeliver?thanks

TR250
06-13-2006, 11:35 PM
ask ko lang how much ba ang benta mo ng 660 cc na cars?ung cheapest.saka mahaba shaken.kung toyama kami pano sya madedeliver?thanks

Hi rcdlc26,
TY sa tanong. Ang pinaka mura ko ngayong K ay yung lumang puting Carol (andiyan ang picture sa itaas...). Meroon itong shaken hanggang April next year. Di maganda at maraming tama sa body pero tumatakbo at ang dami kong ginawang repair sa kotseng iyan dahil dati ay ginamit yan ng kaibigan kong Ponesa. (timing belt, front engine oil seals, belts, water pump, full brake replacement/repair) kaya ngayon ay ginagamit ko ito bilang service car dahil alam kong di titirik maski luma.
Wala sa akin yung Carol ngayon dahil pinahiram ko sa tropa kong Canadian dahil iko-container ko ang mga sasakyan niya kaya ala siyang kotse ngayon. Pauwi na sa Canada next month at pagkatapos niyang gamitin ay gagarahe na ulit ito hanggang maubos ang shaken. Di problema sa akin ang presyo (just make me an offer) kaya lang ang layo mo sa akin at malamang ay aabutin ka ng malaki kung kukunin mo ito dito sa Kyoto at kung ipapadeliver ko naman ito ay mahal din at mas mahusay talaga na makita mo muna yung sasakyan bago ka magdesisyon dahil baka hindi ka masayahan... Mas mahusay siguro na diyan ka sa malapit sa iyo maghanap para di ka talo sa transportation at makikita mo pa yung sasakyan ng personal diba.

Meroon akong ilang K cars (Wgn-R H.11, Life H.10, Toppo BJ H.12, Pleo H.13) pero medyo popular kaya hindi ko na alang iaalok... PM na lang kung may gusto kang itanong sa akin.
Maraming salamat.

PS: wala na yung Elf...

ayumi
08-31-2006, 01:07 AM
HI! TR250,
puedeng magtanong kung nagbebenta rin ba kayo ng bagong kuruma?

TR250
08-31-2006, 01:16 AM
HI! TR250,
puedeng magtanong kung nagbebenta rin ba kayo ng bagong kuruma?

Yup! That can be arranged :D Hindi pa ako nakakapagbenta ng brand new na sasakyan pero conektado ako sa mga ganyan kaya siguradong pwede. Yun nga lang ay ayoko ng new dahil liit ng cut :D

ayumi
08-31-2006, 01:21 AM
I see...

TR250
11-03-2006, 02:20 AM
Hi guys!
Meroon na namang pumasok na trade-in car pero di ko kailangan... kung may interesado ay "just make me an offer", pwede ring swap ng motorsiklo (250cc up pag street bike pero mas OK pag bigger cc's. mas OK pag MX bike 125cc or 250cc compe model pwede rin off roader pero dipende... ???).

Ill keep the car for a few weeks then Ill send it to the auctions or send it somewhere pag di mabenta kaya kontak na lang kung interesado.

Mazda Capella Wgn. 1997. AT AC, PS, PW, etc... no shaken (ichiji mashyo and jyo toshyo)
PM na lang para sa infos at photos. For serious and not fussy buyers/swappers ONLY. Pick-up ONLY.

Pwede libre basta cute :D